« December 2002 | Main | February 2003 »
January 31, 2003
Vintery, mintery, cutery, corn,
Vintery, mintery, cutery, corn,
Apple seed and apple thorn;
Wire, briar, limber lock,
Three geese in a flock.
One flew east,
And one flew west,
And one flew over the cuckoo's nest.
Posted by batjay at 11:30 PM | Comments (0)
January 30, 2003
everybody hurts...REM When the
everybody hurts...REM
When the day is long and the night, the night is yours alone,
when you're sure you've had enough of this life, well hang on.
Don't let yourself go, everybody cries and everybody hurts sometimes
Posted by batjay at 10:31 PM | Comments (0)
medyo malungkot ako ngayon. kahapon,
medyo malungkot ako ngayon. kahapon, nabalitaan ko na na-stroke ang panganay kong kapatid na si gigi. ang sabi ng doctor ay "mild stroke" lang daw. pero alalang-alala ako dahil, di raw siya makapagsalita at mayron siyang loss of memory. sana ay bumuti siya. sana naman. sana naman.
isa pa kaya kami nag-aalala ay mayron siyang sakit sa puso. tapos ngayon na-stroke naman.
mabait na tao naman ang kapatid ko. nasa bahay lang siya at iniaalagaan si tj, ang kanyang apo. wala malungkot lang, ang daming mas masamang tao sa mundong dapat na parusahan ang diyos eh...
nagsasawa na kasi akong sinasabihan na pagsubok ito ng diyos. na mas masahul pa ang sinapit ni job. na ginawa ng diyos ang pagsusubok para lumakas tayo.
bullshit. bullshit. bullshit.
sorry lord. nandyan ka ba? paginggan mo naman ako. pagalingin mo siya!
Posted by batjay at 04:13 PM | Comments (1)
January 28, 2003
CHINATOWN AND CHINESE NEW YEAR
CHINATOWN AND CHINESE NEW YEAR
punta kaming chinatown kanina. kakadating lang namin actually. wala lang - just soaking into the chinese new year experience. ang daming tao ngayon sa china town, bilihan ng bilihan ng mga pagkain na ihahanda itong weekend, bilihan din ng mga regalong ibibigay sa mga kamag-anak.
chinese new year na sa sabado. half-day ang friday at wala kaming pasok nitong monday and tuesday. long weekend kaibigan - apat at kalahating araw na walang pasok.... sarap sarap.
hehehe...
Posted by batjay at 11:22 PM | Comments (0)
January 26, 2003
LAKSA NG SINGAPORE, RAPSA!
LAKSA NG SINGAPORE, RAPSA!
pag medyo nagawi kayo rito sa singapore,
be sure to spend time going around and
sample the food. tulad ng karamihan ng
bansa dito sa south east asia - pagkain is
a very big draw. typical na sa ating mga
asians ang dumayo sa kung saan saan
para lamang makatikim ng masarap na
pagkain. so when in singapore, ang
recommendation ko ay isang unique na
dish na di ninyo matitikman sa pilipinas:
LAKSA... pinaghalong curry, noodles,
shrimp, cockles at chili.
kanina dumayo pa kami sa katong,
ito'y isang lugar sa singapore.
kaya siyempre ang tawag sa laksa
nila ay "katong laksa". sikat na
sikat ito sa buong isla ng
singapore at dinadayo ng maraming tao.
subukan ninyo... simple lang pero rock.
Posted by batjay at 08:15 PM | Comments (0)
January 25, 2003
DYOGANG NAGMIMILAGRO "miraculous tits?",
DYOGANG NAGMIMILAGRO
"miraculous tits?", sabi sa aking ng waiter kaninang lunch.
"i beg your pardon?", sabi ko.
"miraculous tits? you know, you finished eating already, i'll take your glass, spoon and fork and plates".
(PREGNANT PAUSE...)
"aaaaaaah, may i clear your plates. uh, ok."
Posted by batjay at 04:21 PM | Comments (0)
Love is stronger than
Love is stronger than justice
Love is thicker than blood
Love is stronger than justice
Love is a big fat river in flood
Sting, Love Is Stronger Than Justice (The Munificent Seven) from the Ten Summoner's Tales CD
Posted by batjay at 11:36 AM | Comments (0)
January 24, 2003
STILL MORE SIGNS FROM THE
STILL MORE SIGNS FROM THE PI...inside a Jeepney: "BEFORE PAY, TELL WHERE GET THE ON BEFORE GET THE OFF"
Posted by batjay at 10:36 PM | Comments (0)
January 23, 2003
alam mong masarap na sideline
alam mong masarap na sideline dito sa singapore? furniture! kaninang umaga pag labas ko sa flat namin ay dumaan ako sa garbage collection area. siguro mayrong 10 sofa doon ang nakapila para dispatsahin. tiningnan ko eh - pwede pa itong gamitin. konting repair lang sa apholstery - ok na ito.
tulad ng japan, throw-away society rin ang singapore. kung matiaga ka eh, sa isang taon siguro ay makakabuo ka ng isang bahay, mamulot ka lang ng mga tinatapon nila: tv set, sala set, cabinet, lamesa, silya, computer, damit, etc. etc. etc. pero ang pinakamarami ay sofa. ewan ko kung bakit. siguro eh ito ang pinaka bugbog dahil sa harap ng tv ang karaniwang tambayan ang mga tao pag nasa bahay.
Posted by batjay at 11:35 AM | Comments (0)
January 22, 2003
kaninang umaga, may nakatabi
kaninang umaga,
may nakatabi ako sa train na malakas
pa sa .45 ang putok.
lumipat na lang ako - aga aga eh...
Posted by batjay at 10:03 PM | Comments (0)
Signs in the lovely Philippine
Signs in the lovely Philippine Islands
On a building in Cebu:
Atty. Domingo Carriedo
NOTARY PUBLIC
TUMATANGGAP DIN NG LABADA KUNG LINGGO
Posted by batjay at 03:21 PM | Comments (0)
January 20, 2003
Before you cross the
Before you cross the street,
Take my hand
Life is what happens to you
While you're busy making other plans
Posted by batjay at 11:13 PM | Comments (0)
January 19, 2003
PAALAM IKABOD namatay na
namatay na pala si nonoy marcelo.
ngayon ko lang nalaman.
idol ko si nonoy marcelo. isa siya sa pinaka-magaling
na cartoonist sa pilipinas. bokod sa strip na "aling otik",
siya rin ang lumikha sa "ikabod bubwit". ang mga kwento ni
ka nonoy sa ikabod bubwit at ang iba't ibang daga ng dagalandia
ang naging salamin ng buhay nating mga pinoy
lalo na nung panahon ni marcos.
nung panahon na walang nagsasalita laban sa gobyerno sa diyaryo,
si ikabod lang ang tanging pumupuna (habang nagpapatawa) rito.
isa sa mga paborito kong ginawa niya ay yung tungkol
sa mga sosyal na dagang-colegiyala na nagpo-protesta sa
pamamagitan ng pagkanta ng "bayan ko"...
"ibon mang may layang mag fly-fly"
"kulungin mo and they make cry-cry"
hehehehe...
naaalala ko pa, bago mag-EDSA revolution.
siya ang una kong binabasa sa
manila bulletin (wala pang inquirer nung time na iyon).
come to think of it, ikabod bubwit at sports page lang
ang binabasa ko sa manila bulletin nung time na iyon.
paalam ka nonoy, maraming salamat sa pag-papasaya mo
sa amin. maraming salamat sa lahat.
sabi nga ni jess abrera sa inquirer:
"bosing, 'wag mong ubusin ang kesa sa langit ha!".
tirahan mo naman kami.
Posted by batjay at 06:39 PM | Comments (2)
kung mangarap ka't magising... kailan
kung mangarap ka't magising... kailan ko kaya ito mapapanood ulit?
Posted by batjay at 02:03 PM | Comments (4)
sunday afternoon na naman. let's
sunday afternoon na naman. let's see... ano bang gagawin ko: nood ng DVD, mag-basa ng comics, mag-trabaho, magpagupit ng buhok, manood ng tv, plan mg week, sleep. it's been raining since i woke up...matutulog na lang ako ulit.
Posted by batjay at 01:41 PM | Comments (0)
All things being equal,
All things being equal, fat people use more soap.
Posted by batjay at 01:24 PM | Comments (0)
January 18, 2003
kagabi, nag-uusap kami ni jet
kagabi, nag-uusap kami ni jet habang naghahapunan. pinag-uusapan na naman namin ang mga pwede naming gawin sakaling bumalik na kami sa pilipinas. sabi niya eh mag-start daw kami ng NGO. tatawagin daw siyang... "TAHANANG WALANG PINTO", half-way house para sa mga reforming magnanakaw at miyembro ng akyat bahay gang.
Posted by batjay at 09:43 AM | Comments (0)
January 17, 2003
Atlanta Rhythm Section, Do It
Atlanta Rhythm Section, Do It Or Die
Don't let your troubles make you cry
Don't waste a moment wonderin' why
When ev'rything goes wrong
You have to go on
And do it or die
Do it or die now
Stand your ground
Don't let your bad breaks go gettin' you down
Even when times get rough
And you've had enough
You still gotta try
Do it no matter what the people say
They don't even know you
Die before you let them stand in your way
You should know that life is a gamble all along
Winners or losers you keep rollin' on
So go on and roll the dice
You only live twice
So do it or die
Posted by batjay at 12:36 PM | Comments (0)
When evening shadows and
When evening shadows and the stars appear
And there is no one there to dry your tears
I could hold you for a million years
To make you feel my love
billy joel, "to make you feel my love"
Posted by batjay at 12:19 PM | Comments (0)
January 16, 2003
Singapore, THE RING, mali mali
Singapore, THE RING, mali mali naman: kanina sa mrt, may 2 pinay na naman akong nakatabi na nag-uusap ng malakas. pinagkukwentuhan nila ang pelikulang "the ring". habang nakikinig ako, napansin ko, mali-mali ang kwento ni bruha sa kasama niyang bruha. hehehe... pati ako nalito sa istorya, eh kakapanood pa lang namin dito nung sabado.
Posted by batjay at 08:35 PM | Comments (0)
You Know It's Going To
You Know It's Going To Be A Bad Day When...you put your bra on backwards and it fits better
Posted by batjay at 07:46 PM | Comments (0)
January 15, 2003
MANOOD AT MAKINIG NG MTV
MANOOD AT MAKINIG NG MTV NA GINAWA NG KAIBIGAN KO...
perhaps you want to hear a funny parokya ni edgar song while watching the video of a group of friends who have been together for 32 years... ginawa ito ng kumpare kong si edgar maderazo, based na siya ngayon sa melbourne at siya ang network administrator ng monash university. kung interesado kayong mapanood ang MTV eh, punta na lang kayo by clicking on my BIRDIE...
this song is lovingly dedicated to my wife JET, who is celebrating her birthday today. happy happy birthday, my love.
Posted by batjay at 09:50 AM | Comments (0)
January 14, 2003
LAUAN, KABASTUSAN NG PAGKABINATA, PART
LAUAN, KABASTUSAN NG PAGKABINATA, PART TWO
to continue about Lauan ang OPUS DEI.... yung in-charge sa study center ay in charge din sa spiritual welfare ng mga members. mayron silang mga counseling sessions para sa mga tulad naming immature high school students na utu-uto. during the counseling - ito ang typical Q&A:
OPUS DEI: "Nick, do you masturbate?".
HORNY STUDENT: "well...uh, eh, yes..."
OPUS DEI: "how frequently?"
HORNY STUDENT: "often"
OPUS DEI: "how often?"
HORNY STUDENT: "uh, ah... everyday!"
OPUS DEI, PANGHULING BANAT: "don't you know that masturbating is a sin. you should not do that! next time, when you feel like masturbating, always think that mama mary is watching you!"
talk about a catholic guilt trip... ito na siguro ang pinaka-malalang pangongonsensyang ginawa sa akin sa buong buhay ko. na solve ba niya ang problema sa masturbation? hehehe... what do you expect sa isang 17 year old male na isang kalabit lang eh tayo nang bandera?
Posted by batjay at 04:15 PM | Comments (0)
LAUAN, KABASTUSAN NG PAGKABINATA, PART
LAUAN, KABASTUSAN NG PAGKABINATA, PART ONE
lauan (isang klaseng philippine hard wood) ang pangalan ng isang study center sa may qc na pag-aari ng opus dei... hindi laong-laan (ever-ready), na isang pen name ni jose rizal. ito ang ginamit nya nung pinublish ang tulang "las flores de heidelberg" (ang tula ng mga OFW) sa la solidaridad nung dec 15, 1889. ngayon, kalye na rin ito sa sampaloc - hehehehe. but i digress, let me proceed...
naalala ko pa, ang taon ay 1982, sa may lauan study center, ginugupit nila ang lahat ng picture sa diyaryo na may babaeng naka-bikini. butas-butas tuloy ang front page ng manila bulletin. during that time mahilig silang mag-sponsor sila ng mga "study habits seminar" to help students develop study skills which they can use when they enter college. kadalasan ay sa lipa, batangas ito ginagawa. nung 1982, nag-sponsor sila ng 3 day seminar para sa high school graduating class namin. ang memorable sa akin na nangyari doon ay...
1. yung nag basketball kami sa sa ulan at nadulas ang classmate namin na si rey opena - parang cartoons ang pag-bagsak niya dahil tumatalbog talbog yung katawan niya sa basang basketball court.
2. right after the hilarious basketball game, dinner time: nagpatawa si moc ramirez (the late great) habang kumakain ay bigla siyang sumigaw ng malakas: "ALA EH, ANG KANIN AY MALATA-EH!" - pinigil ko ang tawa ko. sa sobrang pagpigil eh lumobo ang uhog sa ilong ko. tangna - tawanan lahat sa lamesa!
Posted by batjay at 04:07 PM | Comments (2)
January 13, 2003
THE TWO TOWERS, BEST ACTOR
THE TWO TOWERS, BEST ACTOR SI GOLLUM, NAMATAY SILANG LAHAT
pinanood namin ni jet ang "Lord of the Rings: The Two Towers" kagabi - namatay silang lahat sa pelikula! hehehehehe... nakakainis pag may nagkwento sa iyo ng pelikulang gusto mong panoorin ano? hehehe... mapapa pakingsheet ka!
best actor sa two towers ay si gollum!
speaking of the lord of the rings, two towers: may commemorative MRT at bus electronic tickets dito sa singapore. sold out na sina ARAGORN, GIMLI, GANDALF, LEGOLAS AT ARWEN. si FRODO at SAM na lang ang mayron. what does this say about the singaporeans? ayaw nila kay FRODO. hehehe...
Posted by batjay at 09:58 PM | Comments (0)
jumpin jack flash, the
jumpin jack flash, the rolling stones
I was born in a cross-fire hurricane
And I howled at my ma in the driving rain,
But it's all right now, in fact, it's a gas!
But it's all right. I'm Jumpin' Jack Flash,
It's a gas! Gas! Gas
Posted by batjay at 08:03 PM | Comments (0)
DALAWANG PINAY SA MRT PAPUNTANG
DALAWANG PINAY SA MRT PAPUNTANG TRABAHO
katabi ko kanina sa train ay 2 maingay na pinay na tulad kong papunta rin sa office. pinag-uusapan nila ang kilay ng kaharap naming blond babe na intsik (ang kilay nga pala niya ay manipis na parang tinato, maganda naman talaga at dahil sa kanila, pati ako eh napatingin. hehehe).
mga pinay talaga oo, lahat na lang nakikita.
Posted by batjay at 09:33 AM | Comments (0)
January 12, 2003
brain damage pink floyd The
brain damage
pink floyd
The lunatic is on the grass.
The lunatic is on the grass.
Remembering games and daisy chains and laughs.
Got to keep the loonies on the path
Posted by batjay at 03:05 PM | Comments (0)
welcome to the world AZ,
welcome to the world AZ, my second apo
ayan, nakatawag na ako sa bahay namin sa novaliches. sabi na eh, masaya doon pero wala pa sina david at donna. si david daw ay bukas ng umaga at si donna ay sa martes. ang nasa bahay lang ay si glenda, ang asawa ni david na kakadating nung friday galing pa sa dumaguete. kasama niya si AZ, ang new born baby nila.
si glenda ay kasama ni david sa cruise ship kung saan sila nagtatrabaho. umuwi si glenda sa dumaguete from abroad para manganak.
may kalaro na si tj.
Posted by batjay at 12:02 PM | Comments (0)
LINGGO SA SINGAPORE, TATAWAG SA
LINGGO SA SINGAPORE, TATAWAG SA PILIPINAS AT NAG-IISIP KUNG PAPANO PAPAYAT
sunday morning in singapore... oras na naman para tumawag sa mga kamag-anak sa maynila. kamusta na kaya sila? masaya ngayon sa pilipinas dahil uuwi si donna at david (mga pamangkin ko) galing sa US at Europe. marami na naman silang happenings. buti na lang, at least matutuwa ang mga tao sa novaliches.
kamusta na kaya sa antipolo? same time last week, kasalukuyan kaming nasa tagaytay at nagpapasarap ni jet. ngayon, eto na ulit kami sa malayong lugar, naghihintay na naman ng pagkakataon para makapag bakasyon.
nagluluto si jet ngayon ng lunch namin. di ko nga alam kung anong ulam namin. palagay ko eh yung giniling na stuffed sa lettuce. no rice dahil nagpapayat na ulit ako. medyo nadagdagan na naman ang timbang eh. naknangtokwa kasi eh yung huling uwi namin eh sobrang dami ng party at inom. ayan tuloy...
new year: chance na naman para mag-implement ng OPLAN: magpapayat. hopefully by december 2003 ay maibalik ko ang college waistline ko na 32. ngayon nasa 36... not acceptable. simple lang naman mag loose ng weight: right diet and exercise. "easily said than done, my friend" (ang parating binubulong ng "the voice at the back of my head").
tangna, kung si janice de belen ay pumayat, kaya ko rin!!!
Posted by batjay at 11:19 AM | Comments (0)
puro ka naman drawing...
puro ka naman drawing... kabayo-kabayuhan ang unang painting kong ginawa buhat sa regalo ni jet sa akin na painting set nung happy birthday ko.
Posted by batjay at 10:44 AM | Comments (0)
overheard inside a philippine karaoke
overheard inside a philippine karaoke while somebody was singing "my way"
...tangna, "my way" na naman!
...pag may kumanta pa ulit ng "my way", susunugin ko na ang karaokeng ito!
...dapat talage eh burahin na yang "my way" na yan!
..."my way", "my way", puro na lang "my way"
Posted by batjay at 10:16 AM | Comments (0)
January 11, 2003
PAG-IBIG, PAGMAMAHAL ano ba ang
PAG-IBIG, PAGMAMAHAL
ano ba ang pag-ibig at pagmamahal kundi pagpapatuloy na pagpapahiwatig ng pagbigay ng iyong sarili sa mahal mo...
bakit ko ba ito nabanggit? wala lang, pinakikinggan ko kasi ako ang "what to listen to on a rainy saturday morning" mp3 playlist ko at tumutugtog ang idol kong si clapton... galing sa backless cd (that was released in 1978) ang kantang "tell me that you love me". yung lyrics kasi eh tungkol sa isang lalaking KSP (kulang sa pansin). hehehe...
come to think of it, marami sa kanta ni clapton ay senti, sappy love songs na itinago sa kanyang typical bluesy, soulful and sometimes hard rock and roll - typical eksampols: let it grow , promises, golden ring, layla, wonderful tonight, please be with me, may you never, we're all the way, etc. etc. etc.
sige, makinig tayo...
Tell me that you love me as often as you can;
Let me know that I'm your one and only man.
Give me confirmation with every passing day.
A love as sweet as ours will never fade away.
Catch me when I'm falling, help me when I'm blue.
Don't you realize that I'd do the same for you?
Find me when I'm lonely, carry me back home.
Treat me gently and my heart will never roam.
Straighten me out, pull me through,
Let me know that I'm still in love with you.
Be my woman, be my friend,
Stick with me until the very end.
Posted by batjay at 12:35 PM | Comments (0)
January 09, 2003
ROAD TRIP PLAYLIST
mga kantang dapat patugtugin sa kotseng papuntang baguio:
baliintawak to tarlac:
1. born to be wild, steppenwolf
2. roll on down the highway, bto
3. highway star, deep purple
4. i feel fine, the beatles
5. rock and roll, led zeppelin
6. ramblin man, allman brothers band
7. the end of the world as we know it, rem
8. not fragile, bto
9. smoke on the water, deep purple
10. you ain't seen nothin yet, bto
11. bad to the bone, george thorogood
12. the road, jackson browne
13. black mercedes benz, the breed
14. born to run, bruce springsteen
15. hoochie coochie man, eric clapton version
16. break on through, the doors
17. runaway, del shannon
18. jessica, allman brothers band
tarlac to pangasinan:
1. on the road again, willy nelson
2. still the same, bob segar
3. reklamo ng reklamo, jerks
4. probinsyana, anak bayan
5. laguna, sampaguita
6. the thrill is gone, bb king
7. mannish boy, muddy waters
8. layla, eric clapton
9. we got to get out of this place, animals
10. love is stronger than justice, sting
11. the lion sleeps tonight, the four seasons
12. walk on the wild side, lou reed
13. 500 miles, proclaimers
14. gotta serve somebody, bob dylan
15. love street, doors
16. summerfling, kd lang
17. watching the wheels, john lennon
pangasinan to baguio:
1. love needs a heart, jackson browne
2. helplessly hoping, csny
3. birds, neil young
4. damdaming nakabitin, asin
5. circle game, joni mitchell
6. tao, sampaguita
7. ain't no mountain high enough, marvin gay
8. everybody hurts, rem
9. a day in the life, the beatles
10. kun' di man, jerks
11. just a song before i go, csn
12. man on the moon, rem
13. after the gold rush, neil young
14. agains the wind, bob seger
15. let it grow, eric clapton
16. what a wonderful world, louis armstrong
Posted by batjay at 11:52 PM | Comments (0)
"wow, it sucks!", black and
"wow, it sucks!", black and decker vacuum cleaner ad sa singapore streats
Posted by batjay at 10:59 PM | Comments (0)
sinigang na baboy na may
sinigang na baboy na may taba, patis na may sili at mainit na kanin...tunog ng golf ball pag tumama sa sweetspot ng driver...kanta ni jacksone browne na tumutugtog sa car stereo habang papauwi ka sa gabi na medyo umuulan...january saturday morning na medyo malamig, ikaw ay nasa bahay, may kape, dyaryo at yosi...sa loob ng eroplano malapit nang maglanding sa naia...san mig light with pepper steak, kumpletong barkada...chicken pork adobo, kamatis, itlog na maalat at fried rice nasa dahon ng saging...akap ni misis sa gabing madilim sa kwartong nakabukas ang aircon...
...these are a few of my favorite things
Posted by batjay at 10:57 PM | Comments (0)
kahapon nasa dyaryo rito:
kahapon nasa dyaryo rito: there is such a thing daw as "post vacation depression" especially after the christmas holidays (similar ba ito sa post-natal depression?). ayon sa mga doctor from down under (bansa ni egay maderazo na isa nang australian citizen pero kutis bayag pa ring katulad ko). it is a bad feeling na parang kulang ang bakasyon mo. it normally last two weeks upon return...
tulad ko. malamang ay post vacation depression ang nararadaman ko ngayon: symptoms ko... "gustong bumili ng ticket pabalik sa pilipinas kahit kakagaling lang doon", "di mapakali at alumpihit sa opisina at tingin ng tingin sa relos at gusto nang umuwi", "gusto nang mag-resign sa trabaho at magtanim na lang ng kamote sa antipolo", etc. etc.
kung tutuo man ito eh sana nga two weeks lang ang duration. sabi pa ng mga doctor eh - the depression stops when you are already fully engrossed in work and at the same time, looking forward to the next major break. speaking of the next major break: may long weekend kami dito for the chinese lunar new year. friday, 31 january ay half day, week-end ng feb 1 and 2, pagtapos ay monday at tuesday (feb 3 and 4) ay walang pasok. total: 4 and a half days na celebration. di na rin masama ito...
Posted by batjay at 10:53 AM | Comments (0)
January 07, 2003
tramp and the young
tramp and the young girl
mark-almond
Down by the river, foggy and grey,
Only a young girl kneeling to pray
Down in the water, muddy and cold,
Eyes red from crying. A torn, ragged soul.
Once so young and gay,
Once in dreams of yesterday.
Down by the river, foggy and grey,
Only an old tramp shuffles his way.
He saw that the water, that the water so wide
Held the young body of a love that had died.
Once so young and fair.
Once, and now despair.
Down by the reeds, they found him next day,
Dead like the young girl, in the water so grey.
That muddy old river took two of a kind,
A tramp and a young girl,
That love left behind.
Posted by batjay at 08:28 PM | Comments (0)
one way sunday - kanta
one way sunday - kanta ng isang musikero while on tour... sa isang banda, parang ako: biyahero at engineer na musikerong patago. in short, OFW na mahilig sa karaoke!
palagi ko itong pinatutugtog sa CD player ko. ewan ko kung bakit pero, para sa akin ang haunting na lyrics at musika nina mark-almond ay bagay na bagay sa tulad kong OFW na malayo sa pilpinas. actually wala namang connection ang musika nila sa pagiging OFW ko pero naantig ang puso ko tuwing papatugtugin ko ang CD nila. ang dating sa akin ay bitter-sweet na mga ala-ala.
mahirap nang makita ang greatest hits nila pero kung may makita kayo sa mga record bar o kung available ito on-line, bilhin nyo na agad. ang alam ko eh rhino records ang nag-release nito. highly recommended ang Mark-Almond sa mga nagsesenti... excerpts from the song, here goes:
one way sunday
mark-almond
Here in the morning light I stand
With a suitcase and a guitar in my hand.
One way Sunday
Sitting in the airport bar
And trying to look like a superstar
Waiting for the plane to take me far away
Still she finds a reason to stay (still she finds a way)
Still she finds a reason to see
What I have today...
Maybe when my travelling days are through
I'll come on back and stay at home with you
All my Sundays
Sleeping in the early sun
Playing my guitar to no one
Making up to you all the things I've never done
Will you find a reason to stay (Will you find a way)
Will you find a reason to see
What I have today
Posted by batjay at 07:51 PM | Comments (2)
at que horror - hehehe.
at que horror - hehehe. dito na ulit ako sa singapore. bummer.
may maganda lang na nangyari sa pag-alis namin sa pilipinas. una, hinatid kami ni kuya bong na asawa ni darlene na kapatid ni jet sakay sa kanyang benz. oh - big time di ba. pangalawa, dahil full ang manila-singapore flight ng singapore air lines, na-upgrade kami ni jet sa business class ng libre. oh - bigger time, di ba. hehehe... iba talaga ang maraming frequent flier miles. sa sobrang dami ng trip ko around asia eh may perks din naman kahit papano.
kung kaya - from manila to singapore ay nakataas ang mga paa namin ni jet sa eroplano at "trying to look like a superstar" ika nga ni mark-almond sa kanta nilang one way sunday.
Posted by batjay at 07:28 PM | Comments (0)
January 06, 2003
huling gabi na ng
huling gabi na ng christmas vacation...shitdapwetnamalagkit talaga, ang bilis ng araw. nakakainis. tangna talaga, sarap sana kung pwede pang isang linggo na extension pero wala na talaga - balik singapore na kami bukas.
three weeks din ang tinagal namin dito. three weeks, parang ang bilis pag nagbabakasyon. pero hindi na rin masama: ang daming nangyari itong mga nakaraang araw, maraming kaibigang nakitang muli at maraming napuntahang lugar.
masarap talaga dito sa pilipinas. kahit maraming problema ang bansa natin, di mo pa rin siya matatalikuran. iba talaga pag nasa sariling bayan. mas masaya, mas makahulugan.
pasko at bagong taon... sabi ng mga kapitbahay ko, di na raw kasing dami ang mga paputok ngayong taon at di na kasing tagal ang putukan. in short mas maganda ang celebrasyon ng mga nakaraang taon. para sa akin naman eh, wala akong paki kung mas kaunti ang mga paputok ngayong taon. ang mahalaga eh nandito ako sa pilipinas ng pasko at bagong taon. nung mga nakaraang taon medyo nawalan ng saysay ang pasko sa akin. ngayong taon ay iba - nadama ko talaga ang saysay ng "merry christmas" at "happy new year".
malungkot man akong iiwan ang pilipinas, masaya na rin ako at nakauwi rin at nakapiling ang mga kaibigan at mahal sa buhay. pag balik ko sa singapore, dala ko ang ala-ala ng tatlong linggo ko rito. tatlong linggong punong puno ng kahulugan.
Posted by batjay at 11:33 PM | Comments (0)
kanina, mga alas 4
kanina, mga alas 4 ng hapon, nagulat na lang ako nang dumaan si mang boy kasama ang pamangking niya't kapatid. galing pa sila sa pasig at umakyat dito sa antipolo upang tuparin ang kanyang pangako na pakainin ng ginataan si jet bago umalis papuntang singapore. noon pa kasi niya ito binibida, bago pa mag-pasko.
sa madaling sabi, bumaba siya sa pasig galing dito sa antipolo upang magpaluto sa kapatid niya ng ginataan. di lang ginataan ang dala niya, may kasama pang palitaw na binudburan ng niyog, anis, asukal at sesame seeds. masarap!
ginawa tuloy namin ay nag-lagay na naman kami ng mga lamesa sa kalye para sa impromptu merienda. nilabas ang mga plato at kubyertos, malamig na pop cola at sinistensyahan na ang masarap ng ginataan at palitaw.
ang sarap talaga sa pilipinas. aalis ka na lang papunta sa ibang bansa, di pa rin nakakalimot ang mga kapit bahay na pasayahin ka't busugin.
Posted by batjay at 11:32 PM | Comments (0)
itong week-end, nagpunta kami
itong week-end, nagpunta kami sa bahay ng mga ate ko sa tagaytay. kung malamig dito ngayon sa antipolo, doble ang lamig sa tagaytay. maganda naman ang byahe at dahil bakasyon pa ay walang traffic (habang sinusulat ko ito ay naririnig ko na bumper to bumper na sa south super highway - back to normal na talaga sa umaga ng january 6).
nagluto ang mommy ko ng beef steak tagalog at may nakahanda nang menudo at spanish sardines ang ate ko kaya't kain agad ako pagdating sa bahay nila. siyempre, pagkatapos ng kain eh tulog. maaga kasi kaming gumising ni jet para sunduin ang mommy ko, ate, pinsan, auntie, pamangkin at si tj.
kinahapunan ay nagpunta kami sa bayan ng mga mayayaman - punta fuego. miyembro ang bayaw ko sa exclusive na lugar na ito at tunay naman talagang maganda. kwento ko sa inyo next time...
sa ngayon, sinasamsam ko lang ang last day namin sa pilipinas. opo, gardemet na may kasamang malutong na bwakanginangyan, babalik na kami ni jet sa singapore bukas.
Posted by batjay at 08:31 AM | Comments (0)
January 02, 2003
madaling araw na pala... sige
madaling araw na pala... sige tutulog na ako. dito ako ngayon nakahigang nakadapa sa kama habang nagsusulat... minsan nakadapa at naghahanap ng palakang may buhok, pero ibang storya naman iyon.
habang sinusulat ko ito, malakas ang hangin sa labas. may kalamigan ngayon dito sa bundok ng antipolo. nagsimula ito kagabi, bisperas ng bagong taon: bigla na lang lumakas ang hangin na may dalang konting lamig. sarap nga eh. pero teka...nagugutom ako! kumain kaya ako ng fruit salad? gumawa kasi si jet ng kanayang espesyal na fruit salad... frozen na ito dahil magdamag na sa freezer. tapos mayron din itong topping na grated cheese. hmmm....
teka, maka-baba na nga nang masistensyahan na ang fruit salad na iyan.
Posted by batjay at 12:40 AM | Comments (0)
by the highway nga
by the highway nga pala: happy new year sa lahat! sana maging tutoo lahat ng panaginip natin ngayong bagong taon.
Posted by batjay at 12:32 AM | Comments (0)
new year celebrations, antipolo,
new year celebrations, antipolo, part 2
masaya ang new year namin dito sa antipolo. ito ang aming unang new year simula nang maging OFW ako. nung isang taon eh sa singapore kami nag bagong taon at talaga namang ubod ng boring at walang kalatuy-latoy. hindi nga pala ako bumili ng paputok at nanood (at nakinig) na lang kami sa mga paputok ng kapitbahay. sa trabaho ko kasi, importante ang kamay at ayokong mabawasan ang mga daliri ko... nga pala, yung isang kaibigan ko, muntik nang mawalan ng daliri. hindi dahil sa paputok kundi dahil sa isang aksidente sa plantang pinagtatrabahuhan niya sa new zealand. ok na naman: pagkatapos ng mahabang operasyon at theraphy ay nakakapag-jakol na raw siya... hehehe.
asan na ba ako: ah... yun nga, pagkatapos ng isang boring na bagong taon sa singapore, itong bagong taon na ito ay masaya. marami ring mga kapitbahay ang may magarbong paputok mula kwitis hanggang sa mga chinese firecrackers na talagang mapapa "wow" ka sa kulay at epeks.
espesyal din ang salo-salo. nagluto kami ng tacos, crepe, hamon at fruit salad. kapitbahay namin eh may pansit at palitaw (lulubog-lilitaw). sa labas ulit kami kumain pagtapos ng putukan ng bagong taon, limang pamilya naman kami ngayon.
siyempre, nakapula kaming lahat (para suwerte). may pera sa bulsa (para may pera buong new year) at siyempre bagong ligo (para walang anghit buong taon?).
sa bahay naman ay bukas lahat ng ilaw, bintana at pinto (para pumasok ang suwerte sa aming tahanan).
pagsapit ng umaga ay byahe naman kami sa novaliches. lunch sa bahay nina jet at dinner sa bahay ng mommy ko. puro kain, puro kain. kain na lang ng kain. hirap talaga rito sa pilipinas pag bagong taon! hehehe...nakakainis.
Posted by batjay at 12:30 AM | Comments (0)
new year celebrations, antipolo,
new year celebrations, antipolo, part 1
muntik nang di naging happy ang new year dito sa subdivision namin. pano kasi pinag-awayan ang kakulangan sa pondo para sa sweldo ng security guards. nangyari tuloy, nagkaroon ng mga tampuhan ang iba sa aking mga kapit-bahay. ang suma, dapat by the stroke of midnight ng pagdating ng bagong taon, tanggal lahat ng security guard ng aming munting community.
buti na lang at naayos ang mga gusot. paano ito naayos? nag salo-salo ang buong subdivision sa gitna ng kalye. pot luck dinner from 9:00 hanggang 11:30 pm ng december 31. sinabay na rito ang meeting at open forum. eventually, nagkasundo rin ang lahat at nagka-ayos ang mga nagkatampuhan. solve na rin ang problema sa security guards.
buti na lang at nagkaayos ang lahat. ang aking kasing paniniwala eh ang iyong tahanan ay ang iyong refuge at fortress. mahirap ang may kaaway sa iyong place of refuge. at the very least kung hindi mo magawang makipag kaibigan, dapat cordial ka sa lahat ng miyembro ng comyunidad. lalo na dito sa aming tirahan kasi maliit lang ang mundong ginagalawan namin. sa ngayon, 39 na bahay lang kami rito. 39 na pamilya ang miyembro ng aming comyunidad.
very interesting ang mga homeowners sa subdivision namin. iba-ibang nationality, ugali at hanap buhay...
mayron akong 2 kapit bahay na hapon na nakapag-asawa ng pinay (isa nagtitinda ng mantika at isa ay may karaoke sa sumulong highway overlooking manila), may doctor na matandang dalaga, may negosyante na every month ay pinapipinturahan ang bahay niya, may opisyal ng gobyerno, mayrong matandang lalaki na may asawang teen-ager (hehehe), may guro, may tsismosa, may kulang sa pansin, mayrong maytopak, may matandang dalagang us citizen, mayrong magaling magluto ng bibingka at may us navy ng japan.
iba sa kanila ay nakakainis, iba nama'y nakaka-aliw. ang iba naman ay tunay na kaibigan na parating handang makiramay. silang mga tunay na kaibigan ang nagbibigay saysay sa kahulugan ng salitang "kapitbahay".
Posted by batjay at 12:30 AM | Comments (0)