[::..KT, THE BOOK..::]

the kwentong tambay book - - CLICK HERE TO GET MORE INFORMATION ON WHERE TO GET A COPY

hoy, psst...Subscribe to Kwentong Tambay

bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..advice column..::]
Dear Unkyel BatJay

[::..Breaking News..::]
Mahalagang Balita

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..BUHAY AMERIKA..::]
komiks

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..Monitoring..::]
Medical Chronicles

[::..ispokening inglis..::]
BatJay's World

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
Prata Princess
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Belle
Mec
Tanya
Tito Rolly
Aya
Yvette
Mari
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Bloggo Chicago
BoyetB
Bulong na Pasigaw
CBSMagic
Daragang Magayon
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Dreams
EXPECTORANTS
Eye Focus
iDiOtBoArD
Jologs Queen
Kusina ni Manang
Life's Rich Tapestry
Manila My Manila
nonstandardized.com
Random Rambling
Rebel Pixel
Retzwerx
soft grumbles
Tatang's Karinderia
Technobiography
Thinking Out Loud
Third Charm
Videoke Queen
Yosi Break

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
KSPramer

[::..BLOGKADAHAN.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Banyuhay
Gumawa ng Sandman
Haring Liwanag
Jessica Zafra
Joey Ayala

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
99 ROCK
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto
SingaBloodyPore
Nostalgia Manila





[::..ang nakaraan..::]
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001









PinoyTopBlogs.com

Powered by Movable Type 3.2

Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.





« January 2003 | Main | March 2003 »

February 28, 2003

dont you just love the

dont you just love the blues....

Born under a bad sign
I´ve been down since I began to crawl
If it wasn´t for bad luck
I wouldn´t have no luck at all

Posted by batjay at 11:41 PM | Comments (0)

BWAKANGNANGYAN... natapos na rin


BWAKANGNANGYAN... natapos na rin ang linggong ito. sarap.

Posted by batjay at 10:35 PM | Comments (0)

We-de-de-de, de-de-de-de-de de, we-um-um-a-way (drum

We-de-de-de, de-de-de-de-de de, we-um-um-a-way (drum fill)
We-de-de-de, de-de-de-de-de de, we-um-um-a-way

A wimoweh, a-wimoweh a-wimoweh, a wimoweh
A wimoweh, a-wimoweh a-wimoweh, a wimoweh
A wimoweh, a-wimoweh a-wimoweh, a wimoweh
A wimoweh, a-wimoweh a-wimoweh, a wimoweh

In the jungle the mighty jungle the lion sleeps tonight
In the jungle the quiet jungle the lion sleeps tonight

naloloko na ata ako: kinakanta ko na ang "the lion sleeps tonight" ng hating gabi. ano-ba-yan...

Posted by batjay at 12:01 AM | Comments (0)

February 27, 2003

mga bagong biling pelikulang


mga bagong biling pelikulang DVD na nakaabang at di mapanood dahil sa sobrang antok... minority report, bourne identity, XXX, my big fat greek wedding, proof of life, beetlejuice, casablanca, bankok haunted, 9 1/2 weeks, lolita, ballistic, road to perdition, signs, notting hill, die another day, (para ka namang) the others, iris at in the bedroom.

oo nga pala, sama mo na yung putragis - hehehe... filipino for "poltergeist".

Posted by batjay at 11:48 PM | Comments (0)

Stitch: Aloha! Gantu: You are

Stitch: Aloha!
Gantu: You are vile, you are flawed, you are foul.
Stitch: Also cute and fluffy!

Posted by batjay at 11:34 PM | Comments (0)

"His destructive programming is taking

"His destructive programming is taking effect. He'll be irresistibly drawn to large cities where he'll back up plumbing, reverse street signs, and steal everyone's left shoe"

- the alien jumba describing his creation (i.e. stich). siyempre, ito'y galing sa disney cartoon na "lilo and stich".

Posted by batjay at 11:29 PM | Comments (0)

February 26, 2003

ngayon lang nabakante ang flat

ngayon lang nabakante ang flat namin. since chinese new year kasi eh maraming mga bisita ang pumunta rito. ngayon, may peace and quiet na. sarap nga eh. kaming dalawa na lang ulit at tahimik na't malinis ang buong bahay.

kakadating ko lang galing sa opisina. eight thirty - wow, sobrang ot ah. sa tutuo lang eh pagod na ako. nararamdaman ko nang mga symptoms eh... short attention span, medyo feverish, at nanlalata nang mga kamay at medyo nanginginig pag itinaas. di bale, 2 araw na lang at weekend na. makakatulog na akong matagal at di na masyadong mag-iisip. in the meantime - meeting bukas ng 7:30 ng umaga, training till lunch, lunch meeting, training ulit at dinner with guests sa gabi. friday? training pa rin. hirap maghanap-buhay.

ngayon alam ko na kung bakit bihirang mag-hire ang mga engineering companies ng mga taong above 40 years old - ang laking bagay ng stamina na dala ng kabataan.

Posted by batjay at 08:38 PM | Comments (0)

adobo power part ii naalala

adobo power part ii

naalala nyo pa ba yung kwento ko tungkol sa adobo two days ago? kagabi kasi, sinerve ni jet yung natirang adobo sa mga bisita namin. hehehe... hit na hit ito sa mga instik. ang sarap daw - wala ngang natira doon sa tira namin. ahh... kahit ano pang mangyari sa pilipinas, di tayo papahuli sa pagkain. adobo at kanin lang eh pamatay na sa mga banyaga. hehehe...

siyempre, depende iyan sa adobo kasi not all adobo's are created equal. may nagpapanggap lang na adobo at mayrong tunay na adobo. yung kay jet eh tunay yon at talaga namang masarap.

Posted by batjay at 07:24 PM | Comments (0)

February 25, 2003

calm before the storm


calm before the storm ngayon dahil nasa training ako. in two weeks time, i'll be travelling again. this time to india for a week's visit to delhi and possibly mumbai. all hell will break loose then as i have to prepare for a series of trips all over asia for a major show. all in all not bad really - at least, magiging busy ako. by the time i am through, it will be june at uuwi kami ni jet sa maynila.

maynila, maynila...

Posted by batjay at 06:42 PM | Comments (0)

February 24, 2003

Singapore Pepper and Chili Crabs

Singapore Pepper and Chili Crabs - sa sobrang sarap, mapapa-shit ka!

ano bang silbi ng pagpapakasipag sa isang bayang inampon, malayo sa sariling bayan at di nakikita ang mga mahal sa buhay? para makaipon ng pera para makauwi paminsan-minsan. para makapagbakasyon sa mga ibang lugar. mahirap na masarap ang magtrabaho sa ibang bansa. magkasabay kang turista at empleyado. marami rin mga komplikasyon. ang pinakamagandang payo siguro na maibibigay ko sa sarili ko eh to simplify my life.

tulad ngayong gabi - pizza lang ang dinner namin. hehehe. simple lang di ba? kaya lang may naglabas ng pepper crab kaya naging medyo complicated. ang sarap! sino kayang intsik ang nagimbento ng pepper crab? dapat ay bigyan siya ng nobel peace prize.

saan na ba napunta ang pagsusulat ko? nagumpisa sa simplify my life natapos sa pepper crab. antok at pagod lang siguro ito. kanina gutom, pero busog na ako eh. hehehe... walang pupuntahan ito, matutulog na lang ako. sige mga kabayan, hanggang sa muli.

Posted by batjay at 09:18 PM | Comments (0)

February 23, 2003

ADOBO POWER linggo ngayon ng

ADOBO POWER

linggo ngayon ng gabi sa singapore. umalis ang mga bisita namin para kumain at magshopping. dalawa lang kami ni jet dito sa flat. masaya - tahimik eh. at saka may oras na akong magpahinga kahit papano. maaga kaming natapos kanina sa training. sarap ngayon ng aking free time. madilim na sa labas, pinapanood ko si bata reyes sa star sports habang hinihintay na maluto ang kanin. nagluto si jet ng adobo at sigurado na marami akong makakain ngayon. sarap...

bukas, kayod na naman pero matagal pa iyon eh. ngayon, lalasapin ko muna ang baboy na may halong taba, malinamnam na sarsa at mainit na kanin.

Posted by batjay at 07:51 PM | Comments (0)

teka lang ha... wag kayo

teka lang ha... wag kayo hihinga... nag-iisip pa Papa ko... hehehe...

Posted by batjay at 05:12 PM | Comments (0)

12 days non-stop work...6 days

12 days non-stop work...6 days to go before i can rest. ano pa bang masasabi ko, di naman ako pwedeng mainis dahil may trabaho at tungkol sa trabaho ang ginagawa ko. mas mahirap kung walang trabaho at tambay lang ang inaatupag. bad yon.

kaya eto ako, ala-una ng madaling araw at nag-aaral ng sasabihin ko sa madlang people bukas... este mamaya pala. hehehe.

Posted by batjay at 01:02 AM | Comments (0)

February 21, 2003

NOT IN MY NAME... the

NOT IN MY NAME...

the united nations daw risk being a footnote in history if they do not agree to the us and uk's terms to wage war in iraq. damn, such fucking arrogance. kaya maraming naiinis sa kanila eh. porke sila ang pinakamalakas na bansa sa mundo, akala nila pwede na nilang i-bully lahat ng mga maliliit na bansa.

if they indeed know something about iraq that we don't know, and, that they are willing to wage war against iraq, they should be more subtle. you know human nature, if somebody forces you to do something you don't want to do - you find ways of pissing them off. di tuloy nakikinig sa kanila at naniniwala ang karamihan sa mga tao. tapos tingnan mo pang posture ng presidente ng amerika - akala mo kung sinong cowboy na pagkayabang-yabang.

yan tuloy ngayon ang nangyayari: binibigyan natin ng isang malaking dirty finger ang mga makapangyarihan sa mundo at sinasabi sa kanila na "huwag nyo na kaming takutin, matagal na kaming takot, mga ulul!"

kapayapaan pare...

Posted by batjay at 08:55 PM | Comments (0)

February 19, 2003

EAT CURRY FISH HEAD, OR

EAT CURRY FISH HEAD, OR GIVE PEACE A CHANCE!

ok... now that i have rested, i think that i can think a lot clearly now. di ako nakatulog agad pagdating ko kahapon dito sa singapore from japan. naidlip ako ng mga 6 am at nagising ng 7 am. isang oras lang na tulog at back to work na nanam.

mabilis ang takbo ng mundo ko ngayon. maraming bisita dito sa singapore at kung ano-ano ang ginagawa ko't kung saan-saan ako napupunta. kagabi nag-dinner kami ni jet kasama ang sangkaterbong mga bisita galing sa australia, china, thailand at indonesia. masarap pag multi-national ang kainan, iba-iba ang salita at iba-ibang paraan ng pagkain. siyempre, pag multinational na grupo kayong kumakain, ang pag-uusapan ninyo ay ang pagkain sa inyong sariling bansa.

indonesia's world famous nasi padang

kagabi, napagusapan namin ang nasi-padang
ng indonesia. one thing that you should do when
you are in jakarta is visit a nasi-padang restaurant.

ang style sa nasi padang ay pupunuin ng
iba-ibang ulam ang lamesa mo at pipili ka
lang kung anong gusto mong kainin. ang mga
plato ng ulam ay patong patong at minsan aabot
sa mga 20 na putahe ang nakahain sa lamesa
mo. ang maganda rito ay yung nakain mo lang
ang iyong babayaran. di ko nga alam kung paano
ang computation ng bayad eh, basta kain lang
ako ng kain. iba ang experience na ito sa typical
na eating places sa ibang bansa. bukod sa iba iba
ang lasa na available sa iyo, the thought that there
are almost 20 different kinds of ulam in front of you
that you can try is certainly a pleasure. sarap men!

tuloy tuloy ang dating ng mga bisita namin. bukas naman ay darating nang mga kano dito at sila naman ang kailangang i-baby sit. pakainin ko kaya sila ng fish head, chicken feet, pig intestines, pigeon heads, mata ng baka, smelly tofu at iba pang mga exotic na asian pagkain? hehehe... tingnan ko lang kung gaano sila katapang. if the americans are brave enough to go to war against iraq, then they must be bold enough to look into the eyes of a curry fish head.

anti-war protest slogan: "eat curry fish head, or give peace a chance!"

Posted by batjay at 11:24 AM | Comments (0)

February 18, 2003

dito na ako sa


dito na ako sa singapore - kakadating ko lang. hehehe... ang init. anong oras na ba - betchabaygollyWOW, 2:30 am! sige, tulog na ako at papasok pa ako mamaya. babayu.

Posted by batjay at 02:32 AM | Comments (0)

February 16, 2003

schedule ko bukas my love...

schedule ko bukas my love...

9:00 check out and go to wonderware office.
9:00-12:00 meeting with wonderware staff
12:00-1:00 lunch
1:00-1:30 travel to seminar venue
1:30-3:00 seminar
3:00-5:00 travel to airport
5:00-7:00 wait for flight
7:00-1:20 flight to singapore
1:20-2:00 immigration, bag check, etc.
2:00-2:20 travel to bahay
2:20 YEHEY, kita na ulit tayo!!!!

medyo busy ako kaya baka di na ako makapag email sa iyo. huwag kang mag-aalala ha, kung wala akong email. anyway, last day ko na bukas at pinaka main event. sa seminar bukas, marami atang aatend. sana ay kasing swabe ng seminar sa osaka. sa tingin ko naman ay ok ito dahil well prepared na ako dahil ilang beses ko na itong nagawa sa mga practice session ko with the distributors, another two sessions with the translator at yung seminar itself sa osaka. hehehe... pag nag-training na sa singapore next week, baka antukin na ako! di naman siguro dahil marami pa akong kailangang malaman.

nakakainis, yung tv ko rito eh puro japanese ang salita sa halos lahat ng channel. made in japan kasi ang tv eh. hehehe. ang english channel dito ay CNN at BBC. yung BBC pa minsan ay may japanese over-dub kaya di ko rin maintindihan. kaya, puro news ang pinapanood ko. oks lang naman dahil mahilig naman talaga ako sa CNN. pinapanood ko nga yung mga peace rally sa iba't ibang mga country tungkol sa war sa iraq. tumitindig nga ang balahibo ko dahil naalala ko yung 2 EDSA revolution sa pilipinas. those were the days (of living dangerously, starring mel gibson?). sana naman ay makinig si george "cowboy bully" bush.

kahapon, nadaanan namin yung peace rally dito sa tokyo. di ko maintindihan ang mga sinasabi dahil nasa japanese. tinaas ko lang ang kaliwang kamay ko na naka-sara ang palad. in support, kung baga.


sige my love. ingat ka na lang diyan. huwag ka nang magpuyat dahil siguradong puyat ka bukas sa paghintay sa akin.

Posted by batjay at 07:34 PM | Comments (0)

halo my lab. simple lang

halo my lab.

simple lang naman ang binili kong gift sa iyo. sana magustuhan mo. oo nga pala, nakabili na ako ng japanese biscuit. ubusin mo yon ha! mahal eh. hehehe. pag dinner ko dito sa tokyo ay bumibili lang ako sa train station at dito ko sa hotel room kinakain. una, ayokong kumain sa labas at pangalawa nahihirapan akong umorder dahil di sila marunong mag-english. pero mababit naman ang mga japanese. di naman ako mukhang hapon pero di ko nararamdaman na mayrong discrimination sa akin. baka nalalakihan sa akin at natatakot. hehehe... buti na lang matangkad ako.

seriously, mababait nga sila - at least yung mga nakakausap ko. very gracious at polite. halos lahat ay soft spoken. sa mga engineers na kausap ko, nakangiti agad at feel at home ako sa tabi nila. sa mga restaurant at shops din ay mahusay ang service. a bit refreshing for me na galing sa singapore na sanay na minsa'y nakakarinig ng sigaw sa mga harassed na shop owners at nabubwisit sa mga engot na crew ng mga fast food.

ito siguro (sama mo na ang lamig) ang mami-miss ko sa japan pag uwi ko bukas diyan. ang maganda lang eh uuwi na ako at makakasama ka. ano ba yong kasabihan? i'd rather spend an eternity in hell with you than spend a day in heaven (or something to that effect).

Posted by batjay at 07:33 PM | Comments (0)

linggo ng peace rally sa

linggo ng peace rally sa buong mundo at nasa japan ako

6:30 lang pala dito ngayon. parang 9:30 nang pakiramdam ko... maaga kasi magdilim dahil winter. nandito na ako sa hotel at nagpapahinga. umuulan buong araw ngayong linggo dito sa tokyo. may konting snow pa nga ata kanina pero konging konti lang. sayang... gusto kong makakita ng malalaking snow flakes na bumabagsak pero malalaking patak lang ng ulan ang tumama sa mukha ko. hehehe... gagayahin ko sana yung commercial ng emerates air lines tungkol doon sa dalawang africans na di pa nakakakita ng snow sa labas na nagtawagan at tuwang tuwa dahil nag-iisnow sa labas ng kanilang hotel.

umalis ako kaninang lunch time at nag-stroll sa labas. kumain ako ng lunch dito sa japanes restaurant ng hotel. sa sushi bar ako naupo. bigla akong nabusog nung nakita ko ang presyo ng sushi lunch nila - 6,000 yen. hehehe... eh mga 700-900 yen lang ang mga take out na binibili ko. buti na lang at di ako ang magbabayad ng mga meals ko. pag nagkataon, baka busog pa rin ako hanggang ngayon.

speaking of meals. lumabas akong saglit para bumili ng dinner. as usual bento set na take-out (350 yen) at 2 litrong oolong tea (285 yen). pwede na yon. kumain naman ako kanina ng noodle soup (440 yen) sa isang restaurant sa train station. lamig na lamig kasi ako dahil nabasa ako ng kaunti sa ulan - nakita ko sa train station na maraming nakapila sa isang maliit na pwesto. pag silip ko, takam na takam ang mga damuhong japok na humihigop ng mainit na sabaw. inggit na inggit ako. kaya lang inisip ko kung anong sasabihin pag oorder na ako. papasok na lang sana ako nang makita kong may vendo machine sa gilid ng entrance. ito pala ang paraan para umorder. bayad ka sa machine at pipiliin mo ang gusto mong pagkain. pindot, kuha ng sukli at may lalabas na resibo - itong resibo ngayon ang ipapakita mo sa counter at ibibigay na nila ang soup sa iyo. hehehe... solve ang problem ko sa language barrier. maganda nga ang concept na ito sa fast food para wala nang pila para sa bayaran. actually, mayron na ito sa singapore - branch ng isang indian restaurant. ewan ko lang kung mag take-off ito diyan.

sarap nga ng kain ko ng sabaw eh. maingay nga palang kumain ng soup ang mga japon. hinihigop nila ang mainit na sabaw at noodles ng sabay. nung una, naiilang ako pero nakigaya ako. una gutom ako at pangalawa ay malamig. masarap palang kumain ng sabaw ng maingay pag malamig ang panahon. hehehe - ksssswwwwrrrrrrrrk!

nagpunta ako sa ginza ngayong araw na ito. dahil umuulan eh di ako nakagala ng malayo. marami pa naman sana akong balak puntahan. ikot ikot lang ako at sinisilip ang mga iba-ibang shop. may nadaanan akong maliit na doll shop. nginitian ako ng matandang nagtitinda. dahil sa lamig, ulan at ngiti ni manang eh pumasok tuloy ako. hehehe... may nakita akong maliit na japanese doll at nailabas ko tuloy ang wallet ko. kinausap ko ang mga mababait na staff at nagpaturo kung saan pwedeng pumunta. siyempre ang tanong ko - where is the record shop and where is the book store.

tinuro nila ako sa isang malaking record shop at pumasok ako - wala lang, tingin tingin ng mga pwedeng mabili. nag-dalawang isip akong bumili dahil made in japan ang mga cd at dvd eh - baka puro japanese ang lumabas na salita. hehehe... parang murang made in japan na radio. bakit mura? kasi puro japon ang mga kanta at salita ng mga dj. mwa-haw-haw (tv canned laughter).

yung book store naman sa tabi nito eh puro japanese, di ko maintindihan - maganda sanang bumili ng japon na libro dahil pang left handed na tulad natin ang mga literature nila (i.e. right to left). pano yan - ending muna ang babasahin nila bago beginning?

mga five pm, umuwi na ako. yan ang linggo ko. bow.

uy, isang araw na lang ay uuwi na ako. sige, kita na lang tayo ng 2:30 am ng tuesday. alanganin ang oras no? tapos kailangan pa akong magpakita sa opisina. shitdapwetnamalagkit.

anyway, gusto ko na ring umuwi para makita ka. ingat. labU. jay

Posted by batjay at 07:33 PM | Comments (0)

February 15, 2003

my love... kamusta ka na?

my love... kamusta ka na?

di naman luma ang hotel dito sa tokyo. iba lang ang tunog ng dial tone nila. parang busy signal kaya di makapasok ang internet connection ng pc ko. dito sa hotel sa tokyo ay may separate na port para sa internet kaya nakakapasok ako dito.

anyway, 2 days na lang andiyan na ako. bukas - sunday ay freeday ko. di ko pa alam ang gagawin ko. lilibot siguro ako sa mga tindahan para maghanap ng mga brick-brack.

kanina sinamahan ako ni ikegami sa isang department store. nakabili tuloy ako ng valentines gift ko sa iyo. nakabili rin ako ng 2 print reproductions ng 2 japanese masterpiece. magaganda ito ay pwede nating ipa frame at isabit sa bahay sa antipolo. pag sinama natin ang mga paintings ko at ang painting na galing sa wonderware, marami rami na rin itong pweden nating isabit sa bahay.

ngayon pahinga na lang ako dito sa hotel - napagod ako sa pasyal dahil sa haba ng lakaran. dahil bago ang sapatos ko eh medyo masakit pag matagal maglakad. ang masarap lang sa malamig na lugar eh kahit isang buong araw lang akong maglakad ay di ako napapagod.

Posted by batjay at 07:37 PM | Comments (0)

How I spent my Saturday

How I spent my Saturday as an Accidental Tourist in Tokyo

Kadadating ko lang sa hotel at pagod sa buong araw na sightseeing. Hirap palang sumama sa isang tour guide na may plano kung saan pupunta. Pati na lang pasyal eh may plano ang mga hapon… una, punta kaming Tokyo Tower. Ito ang equivalent nila ng Eiffel Tower. Labas kami ng train station at lakad ng malayo papunta sa tower. Along the way ay may nadaanan kaming temple at siyempre Kodak ako.

Sa gilid ng temple ay maraming maliliit na buddah figures na parang mga batang maliliit ang mga mukha. Cute nga eh kaya kinuhanan ko tuloy. May mga nag-aalay ng bulaklak sa kanila. Akala ko nga ng una eh libingan ng mga baby.

Pagtapos ng mahabang lakaran eh nakarating din kami sa Tokyo Tower. Inakyat nga naming eh. Sabi ko – “Do we use the stairs?” “Of course not” – ang seryosong reply ni Ikegami-san. Pagtapos ng kodakan naming sa taas ay sakay kami ng bus papuntang Ginza District. Dito makikita ang mga luxury stores sa Tokyo. May kamahalan nga ang mga bilihin.

Dito pala sa Ginza makikita ang sikat na Kabuki Theater ng Tokyo. Hanggang ngayon ay nag-pe-perform pa rin sila. Puro mga lalaki lahat ang mga artista kahit sa mga papel ng mga babae. Marami ngang nakapila sa labas. Ako naman eh kumuha rin ng letrato. Hehehe…

From Ginza ay naglakad ulit kami ng malayo papuntang Hama Rikyu Gardens. Isa ito sa pinakasikat na park sa Tokyo. Parang Central Park sa New York ang Laki. Dito makikita ang malaking Japanese Garden na isberry berry byutipul talaga. Hehehe. Papunta rito sa park ay nag side trip kami sa isang Seafood Market. Nakalimutan ko nang pangalan. Ninety percent daw ng seafood sa Tokyo ay ditto nanggagaling.

Looking back at the beautiful Japanese Garden, across a small lake – you see the small teahouse on the foreground, many trees and the city in the background. What a great site to have some tea on a great winter day. Kaya lang nagmamadali ang kasama ko at may schedule kaming sunusundan. Hehehe. Next leg ng aming pasyal ay ang cruise around Tokyo Bay…

Cruising along Tokyo Bay with Ikegami-san. Dahil Winter ay sa loob kami ng boat nakasakay. Gusto ko sanang lumabas para malamig eh wala eh. Sarado ang top deck. Anyway, masaya naman sa cruise dahil maraming sumakay na bata sa barko naming. Parang may excursion ata ang mga damuho. After an hour along the bay, bumaba kami sa Asakusa para bisitahin ang Kaminarimon Temple. Isang sikat na tourist site ito sa Tokyo.

Sumaglit kami sa Kaminarimon Temple para mang usyoso. Dahil Sabado ay maraming tao. Puro turistang tulad ko. Kaya lang ako eh turista lang by accident. Hehehe… sa labas ng temple ay maraming tiangge. Gusto ko sanang isa-isahin ang mga tindahan kaya lang feeling ko ay may schedule akong sinusundan kaya tuloy tuloy lang ako. Hehehe… bukas siguro baka balikan ko baka may mabili akong mga souvenier. Iniisip ko eh bumili ng Ninja Costume para masuot ko sa opisina next week. Siguradong sikat ako pag nagkataon.

Ano bang sikat sa palengke sa Japan kundi seafood. Masarap tumingin ng mga binebenta sa palengke. Iba ibang klaseng isda ang mabibile. Bilid din ako sa mga hapon, ang galling nilang magluto ng seafood.

Sa loob ng temple compound at maraming taong nagdadasal – pampasuwerte siguro. May mga nagpapausok, may nagsasampay ng mga papel, may mga nagsisindi ng insenso – maraming ritual pero di ko maintindihan lahat. Sana sa susunod, mag-reresearch ako.

Last leg ng pasyal naming ay akyatin ang Tokyo Metropolitan Government Building. Isang malaking government office na pwedeng puntahan ang observatory sa taas. Malaking pera daw ang ginastos sa building na ito at ang reklamo ng mga taga Tokyo ay ito raw ang napuntahan ng mga tax money nila. Tax Building nga ang tawag nila sa building na ito. Hehehe… Nakabili ako rito sa taas ng dalawang print reproduction ng mga Japanese masterpiece paintings. Pag dating sa Pilipinas ay ipapa-frame ko ito! Dito na rin kami kumain ng very late lunch.

After the meal, punta lang kami saglit sa department store para bumili ng valentines gift sa aking one and only. Hehehe…

Mga five pm ay umuwi na kami sakay ulit ng train…And that, ladies and gentlemen is how I spent my Saturday in Tokyo.

The End.

Posted by batjay at 07:36 PM | Comments (0)

February 14, 2003

hello ulit my love. lumabas

hello ulit my love.

lumabas ako ngayong lang para bumili ng maiinom. kahit allowed kami eh
ayoko kasing galawin ang mini bar dahil nanghihinayang ako. bumili ako ng 2
malaking bote ng oolong tea. isa pa, gusto kong maglakad lakad ng kaunti
para maramdaman naman ang winter evening. hehehe. sigurado kasi pag-uwi ko
diyan sa singapore eh papawisan na naman ako.

bumili rin ako ng kaunting makakain dahil baka magutom ako mamaya. sa
bullet train kasi kami nag-dinner at take-away na bento lang na kaunti ang
kinain namin. ang ganda ng packaging ng takeout food dito sa japan. naka
lagay ito sa cardboard box na parang regalo. pag bukas mo ay organized
lahat ng kakainin mo dahil may mga maliliit na compartment ang bawat isang
putahe ng ulam at kanin. sa presetation pa lang ng take-out box eh sulit
nang binayad mo eh.

sa train station ako bumili ng pagkain at drinks. marami pa rin tao sa
labas kanina. feeling japanese na naman ako... lakad lakad na kasama ang
evening crowd, wala naman talagang pinupuntahan. hehehe... aimless walking.

bukas ay siteseeing day, according to my partner, ikegami-san. mabait din
siya. dapat ay magpapahinga na lang sa bahay eh gagawa pa siya ng lakad
para sa akin. marami siyang binibigay na suggestion kung saan pupunta.
tingnan ko na lang kung saan talaga kami paroroon. mas gusto ko yung mga
typical lugar na pinupuntahan ng mga taga rito at hindi sa mga tourist
traps. kung sabagay, simula nang dumating ako eh parang taga rito rin ako
dahil lahat ng pinuntahan namin eh yung mga typical na pinupuntahan ng mga
engineer na hapon. kaya so far ay masaya ako rito na nagmamasid kung papaano
sila nabubuhay.

sige. till next time ulit. ingat na lang diyan - ilang araw na lang.

labU. jay

Posted by batjay at 11:05 PM | Comments (0)

HAPPY VALENTINES DAY gandang gabi

HAPPY VALENTINES DAY


gandang gabi my love...

just arrived at the hotel sa tokyo. tapos nang osaka leg ng trip ko at mukhang ok naman ang seminar namin. sa wakas nakasakay na rin ako sa pinagyayabang nilang "shinkansen" (aka bullet train). masarap naman talagang sakyan dahil mabilis at very convenient. nakatulog nga ako eh. hehehe. nawala tuloy yung balak kong tumingin outside the window of the train to look for mt. fuji. sana di ako humilik - nakakahiya sa kasama kong hapon.

yung bullet train ay nagsisimula sa tokyo station - to go there from my hotel which is in a place called shinagawa, kailangan ay sumakay ka ng isa pang train. umalis kami dito sa tokyo ng alas otso at alas diyes medya ay nasa osaka na kami. para ka rin namang nakasakay sa eroplano pag nasa loob ng train. sa sobrang bilis ng takbo eh parang bulang mawawala ang mga sites sa labas. kaya siguro ako inantok.

we ate lunch at a very small sushi bar near our hotel - as usual, nagustuhan ko na naman ang restaurant. pag pasok mo ay may traditional greeting at patakbo silang lalapit sa iyo - sarap. parang ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay nila. masarap din ang sushi sa pinuntahan namin. simpleng lunch lang na may standard na miso soup.

nag simula ang seminar namin ng 1:30 at after the usual introductions ay nagsalita na ako. first time kong nag present na may interpreter. yung interpreter ko ay talagang hired for conferences. magaling naman siya at tuloy tuloy ang pag-bigay ko ng presentation ko. siympre di ko alam kung tama ang translation dahil di naman ako marunong mag-hapon. mukhang gets naman nila dahil di naman sumisimangot ang mga nakikinig. oo nga pala, yung mga powerpoint slides ko ay japanese kanji kaya may kodigo ako na word for word translation sa english sa tabi ko. mahirap palang mag present pag hapon ang power point - hehehe... tantyahan na lang kami. iba talaga ang business sa asia - bawat bansa iba ang salita at mag-aadjust ka every where you go. yung mga counterparts ko sa USA eh english lang at walang problema sa mga culture differences.

masarap obserbahan ang business practices ng japanese - from the presentation yesterday, medyo nakuha kong mindset nila. very methodical ay very organized. nagsimula ito sa preparation pa lang. nag practice kami ng translator ko ng actual presentation at inoorasan nila ako. dapat ay matapos ako sa eksaktong oras na ginawa nila sa schedule. every important word ko ay pinapapaulit ng pinapaulit para makuha ng translator ang exact meaning. during the presentation itself sinusundan talaga ang oras at buti naman at sakto ang oras ko.

de numero sila kung mag-isip: "jay san, tomorrow we go to train station at 7:20. and then we ride bullet train at 8:00. we arrive at 10:30 then we have early lunch at 12:00 after 30 minutes we go to conference room to talk to translator until 1 pm then we start at 1:30. at 2:00, you will speak for 1 hour then we have 10 minute break. after that you will speak again for 30 minutes. then you have 1 hour free time before we have our party." natatawa na lang ako... sa isang banda ay maganda naman dahil organized. pero sa isang banda sa tingin ko ay nawawala ang, what's the word... "sponteneity".

after the presentation ay may konting party. dito ko naman nakita ang kanilang mga rituals. may business rituals din sila sa entertainment ng mga guests. una, may magsasalita sa harap to welcome the guests. tapos ilalabas ang mga alak at gagawa ng toasts ang hosts. pag salin ng beer ay kailangnan ibang tao ang magsasalin sa baso mo. di pwedeng ikaw. kaya pag nabibitin ka sa inom eh sorry ka na lang. hehehe... pwede siguro, kalabitin mo ang katabi mo at sabihin mong "can you fill my glass with beer?"

sa pag introduce mo rin sa sarili mo ay may rituals... kailangan nakahanda ang business card mo at magpapalitan kayo ng may kasamang bow. bow, bow, bow ng bow. hehehe... di ko nga alam kung tama ang pag bow ko. sa kanila kasi ay 2nd nature na yung bowing gesture. maraming pagkain ang inihanda nila for the after presentation party at tuwang tuwa sila pag marami akong kinakain. di nila alam, peborit ko ang japanese food.

pag tapos ng kainan - may magsasalita naman na guests para magpasalamat sa aming hosts ng seminar. tapos may toast at palakpak. hehehe... sarap panoorin eh. tulad kong outside observer ng culture at business practices nila, nakaka aliw.

o siya, happy valentines day. gusto ko lang naman ikwento ang araw ko rito sa japan. sana natuwa ka kahit papaano. ilang araw na lang balik na ako diyan sa singpaore. lab U... jay

p.s. kanina nang naghiwalay kami ni ikegami-san, ang aking alalay dito sa japan. sabi niya: "jay-san, we meet at 10am tomorrow. tomorrow is our site seeing day". hehehe... mamasyal na lang eh organized pa rin.

Posted by batjay at 11:04 PM | Comments (0)

February 12, 2003

TURNING JAPANESE... hello my love.

TURNING JAPANESE...

hello my love. kamusta ka na? sana ay ok ka lang diyan at di masyadong namomroblema dahil nag-iisa.

kakadating ko lang sa hotel at medyo pagod. nagpunta kami ngayon sa office ng distributor namin sa japan. nag dry run kami sa conference room nila kasama ang interpreter ko. hehehe... mahirap palang mayrong interpreter. di ka pwedeng mag-sabi ng kung ano-ano lang at siguradong mahuhuli ang pambu-bullshit mo. dapat ay puro katotohanan at every sentence ko sa english ay tina-translate sa japanese. di pwede ang style ng mga singaporeans na "etc. etc. and so on and so forth" o kaya "blah blah blah" na ginagawa nilang filler at the end of the sentence, kung di nila ma-express ang sarili nila sa english. medyo nakuha ko na ang style pag may interpreter - kailangan ay mabagal ang pagsalita mo at kailangan simple lang ang mga salitang gagamitin mo. pero yung interpreter ko ay magaling mag-english dahil laking amerika.

pag-labas ko kanina sa train station, nag-iisa na lang ako. naghiwalay na kami ng kasama kong hapon. wala lang, habang naglalakad ako eh feeling japanese ako. kunyari ay isa rin akong taga-Tokyo na uuwi galing sa trabaho. dumaan pa nga ako sa grocery at bumili ng paborto nating oolong tea. yung attire ko eh parang taga tokyo rin - siyempre todo porma ako para di naman nila masabi na api ang mga pinoy dito sa japan. nagalalakad ako sa kalye at tinitiis ang lamig para di nila halata na di ako taga japan hehehe. obvious naman dahil kutis bayag ako pero marami namang foreigner dito eh.

kaninang umaga, nakita ko kung gaano kabilis ang takbo ng buhay dito - actually parang singapore din ang bilis pero dahil mas maraming tao dito sa japan eh talagang mapapansin mo. sa train station at bumper to bumper ang mga tao at lahat mabilis maglakad. buti na lang at sadyang mabilis din ang lakad ko at nakakasabay ako sa kanila. pag ikaw kasama ko - patay tayo. baka maapakan ka.

isang napansin ko, habang naglalakad ako: maraming maliliit na restaurant dito sa tokyo. parang ang sarap nilang pasukin lahat at tikman ang pagkain. yung isa naming kinainan kanina during dinner, maganda siya na kainan. maliit lang at puno ng tao. kumain kami sa counter na nakaharap sa chef. eat all you can kaya panay ang salin ng mga kumag sa plato ko. hehehe... ngayon ko lang nakita kung saan galing ang layout ng mga japanese restaurants sa pilipinas. talaga palang ganito sa japan ang design ng mga restaurant. may mga counter, tapos tabi tabing kumakain ang mga customer. sarap nga ng kain ko dahil authentic japanese food ang kinakain ko pagtapos ang ambiance (mahal yon!) ay truly japanese. sana may ganito ring mga kainan sa pilipinas.

mas malamig ngayon kaysa kahapong pagdating ko. pag dating ko nga dito sa hotel, hinahawakan ko ang ilong at tenga ko para masigurado na nakakabit pa ito. wala na kasing pakiramdam eh. hehehe. mahirap talaga ang laki sa tropical country. walang winter spring at fall... lalo na saking galing sa singapore, di pa gaanong aclimatized. pero ok lang - mas gusto ko na yung malamig na nanginginig kaysa pinapawisan ng malagkit sa init.

bukas, diretso na kami sa osaka. sasakay na rin ako sa wakas sa pinagyayabang ng mga taga rito: bullet train. ngayon lang ako makakasakay sa train na kasing bilis ng bala. para siguro akong si superman - "faster than a speeding bullet.... more powerful than a locomotive. look up in the sky..." sabi ng kasama ko, kung malinaw ang panahon, baka makita ko ang mt. fuji. sana makita ko para ma-kodakan ko at nang makita mo rin.

ano bang impression ko sa mga japanese - mababait sila at magagalang. medyo mahiyain (katulad ko). masisipag at mapoporma rin. di ako nagtataka kung bakit ito ang pinakamalaking market sa mga luxury goods sa buong mundo. naikwento ko na rin sa iyo na high tech ang mga toilet seat nila di ba?. pag cr ko kanina sa japanese office namin eh naita ko rin na electronic ang toilet seat. mas high tech pa nga kaysa sa toilet seat ko rito sa hotel.

sige my love aaral pa ako ng sasabihin ko bukas. your accidental-tourist na animal-husbandry pa, jay.

p.s. labU and miss you - di bale ilang araw na lang at pabalik na ako diyan sa singapore.

Posted by batjay at 09:27 PM | Comments (0)

February 11, 2003

good morning my love. pasensya

good morning my love.

pasensya ka na't di ako makatawag. walang signal ang cell phone ko rito sa japan. di ko alam kung harang lang ang signal dahil sa position ng hotel room ko or wala talagang roaming sa japan. anyway, nandito na ako sa hotel after a long bus ride and a longer plane ride. malamig dito ngayon at sana nandito ka sa tabi ko.

mamayang hapon ay susunduin ako rito ng kasama ko at pupunta kami sa local office namin. i will try to call you from there. medyo sinungaling ang advertisement sa website dahil walang broadband ang hotel at dial up lang ang ginagamit ko. ibig sabihin ay di ako masyadong matagal makakapag online dahil mahal ang bayad. anyway, i'll email you regularly and try to get a phone card if my cell phone does not work.

heto ngayon at nag-iisa sa lamig at sa bayang ngayon ko lang nabisita.

nagmamahal, jay

p.s. parati kong naririnig at ngayon ko lang nakita. high tech pala talaga ang mga toilet seats dito. automatic ang control - pag upo mo sa trono ay magbubukas ang panel at pwede mong pindutin kung ano ang gusto mong gawin - i.e. pwedeng wash your pwet, pwedeng splash your pwet. may volume control pa ang tubig. hehehe... para sa isang control engineer na katulad ko eh, wala lang, naaaliw ako.

anong ibig sabihin nito? first impression ko ng japan ay tungkol sa automation ng toilet seats.

Posted by batjay at 09:48 AM | Comments (0)

February 10, 2003

20 minutes before takeoff


20 minutes before takeoff

lipad akong japan ngayong gabi. my first time to be in the land of the rising sun.
i'll be there for a week which means i won't be here in singapore with jet for
valentines day... di bale, i'll make it up to here when i get back. kagabi, kumain
naman kami sa kenny rogers... advance valentines day date. me-kenny rogers?
hehehe... cheap date? treat naman iyon eh - dahil ngayon lang ulit kami nakapunta
doon in 2 years.

sige, next time i write again, it'll be in tokyo.

Posted by batjay at 08:38 PM | Comments (12)

February 09, 2003

Who is Dirk Diggler? Who

Who is Dirk Diggler?
Who is Amber Waves?
Who is Rollergirl?
Who is Buck Swope?
Who is Reed Rothchild?

Posted by batjay at 01:59 PM | Comments (0)

"Alligator King" One two three

"Alligator King"

One two three four five six seven!
Said the Alligator King to his seven sons,
"I'm feelin' mighty down.
Whichever of you can cheer me up
Will get to wear my crown."

His first son brought seven oyster pearls
From the bottom of the China Sea.

The second gave him seven statues of girls
With clocks where their stomachs should be.

The third son gave him seven rubies
From the sheikdom down there beneath.
The King thought the rubies were cherries,
And he broke off seven of his teeth.

The fourth son tried to cheer him up
With seven lemon drops.
The King said, "I'm sorry son,
Since that ruby episode, I just haven't got the chops."

The fifth son brought the King perfume
In seven fancy silver jars;
The King took a whiff, and he broke out in spots
'Cause it smelled like cheap cigars.

The sixth son gave him seven diamond rings
To wear upon his toes.
The King snagged his foot on the royal red rug
And crumpled up his nose.

The seventh son of the Alligator King
Was a thoughtful little whelp.
He said, "Daddy, appears to me
That you could use a little help."

Said the Alligator King to his seventh son,
"My son, you win the crown.
You didn't bring me diamonds or rubies, but
You helped me up when I was down.
Take the crown; it's yours, my son.
I hope you don't mind the dents.
I got it on sale at a discount store-
Cost me all of seven cents!"
Seven!

Posted by batjay at 01:59 PM | Comments (1)

February 08, 2003

pag ganitong nag-iisa ako

the last antipolo sunset, para akong si lestat ha...hehehe

pag ganitong nag-iisa ako sa opisina at walang kaingay-ingay, nasesenti ako. iniisip ko ang pilipinas, ang mga naiwan namin doon, at siyempre, ang aming munting tahanan.

parati kong naaalala ang paglubog ng araw sa antipolo. tuwing may pagkakataon na lamang at pa-takip silim na: lalabas ako sa hardin ko, may kape at yosi at maghihintay ng dilim.

hay naku... kung pwede lang umuwi mamaya sa bahay, pagtapos ng trabaho dito sa opisina. yung picture na yan sa taas... iyan ang huling sunset na kinuhanan ko ng litrato. last night na namin sa pilipinas, nasa antipolo kami at babalik na kinabukasan dito sa singapore.

Posted by batjay at 01:58 PM | Comments (0)

nandito ako ngayon sa


nandito ako ngayon sa office... nag-iisa sa buong floor. sabado ng hapon, kasalukuyang nag-fo-format ng pc kong dadalhin sa land of the rising sun sa lunes. nandito kasi ang server namin at mas mabilis mag load ng mga program kaysa sa bahay. di ko alam kung anong oras ako matatapos... hopefully uwi ako by six.

binili ako ng boss ko ng bagong notebook eh kahapon lang ng hapon dumating. hehehe... sa wakas. pakingshitnamalagkit talaga. yung luma ko eh pinapanakaw ko na nga eh - kung saan saan ko iniiwan para mawala. yung mga keypad niya ay upod na nga eh tapos yung mga ibang key kailangan i-bang mo ang daliri mo para mag register. pag ka bagal-bagal pa. sabagay, weather-weather lang yan. ngayon, ako nang may pinaka mabilis at pinakabagong notebook sa buong opisina! BWA-HA-HA-HA-HA-HA-HA!!! (tawang demonyo).

Posted by batjay at 01:54 PM | Comments (0)

sign, sign, everywhere a sign...

sign, sign, everywhere a sign...
At a construction site in Mandaluyong: "BAWAL OMEHI DITO. ANG MAHOLI BOG-BOG"

Posted by batjay at 10:26 AM | Comments (0)

February 07, 2003

A SINGAPORE worker in manufacturing

A SINGAPORE worker in manufacturing is paid about 14 times more than one in China and almost three times more than a Malaysian. But his wages are still competitive because he is more productive.

so says the singaporean government. the wage difference is probably true. the productiveness? perhaps true as well. wala kasing welfare dito sa singapore. ayaw ng gobyerno dahil nagiging tamad daw ang mga tao. in short, if you don't work, you don't get paid. if you don't get paid, nobody here will help you. if you don't work hard, you get fired. ergo - singaporeans are productive.

unlike other western countries, where welfare takes care of the unemployed - over here, you sink or swim. considering that singapore is a nation of ONLY 3 million people - their productiveness is quite an acheivement.

Posted by batjay at 10:09 PM | Comments (0)

SINGAPORE: Killer-litter woman acquitted A

SINGAPORE: Killer-litter woman acquitted

A 50-YEAR-OLD woman who threw furniture, documents and her five cats from her ninth-floor Housing Board flat, has been let off with a warning. Ms Kaye Lea was acquitted by a magistrate's court yesterday after the prosecution withdrew the charge against her for committing a rash act that endangered people.

She had been charged with throwing a wooden chair, a cardboard box of documents, three paperback books and a box of clothing from her Clementi Avenue 4 flat in October last year. According to newspaper reports then, she also flung out the five cats.

The former legal executive was said to have quit her job because of health problems. She was remanded at the Institute of Mental Health for two weeks for an assessment.

She was subsequently released on bail.

Posted by batjay at 10:06 PM | Comments (0)

February 06, 2003

Working Class Hero, John Lennon

Working Class Hero, John Lennon

As soon as you're born they make you feel small
By giving you no time instead of it all
Till the pain is so big you feel nothing at all
A working class hero is something to be

They hurt you at home and they hit you at school
They hate you if you're clever and they despise a fool
Till you're so fucking crazy you can't follow their rules
A working class hero is something to be

When they've tortured and scared you for twenty-odd years
Then they expect you to pick a career
When you can't really function you're so full of fear
A working class hero is something to be

Keep you doped with religion and sex and TV
And you think you're so clever and classless and free
But you're still fucking peasants as far as I can see
A working class hero is something to be

There's room at the top they're telling you still
But first you must learn how to smile as you kill
If you want to be like the folks on the hill
A working class hero is something to be
If you want to be a hero well just follow me

Posted by batjay at 09:44 PM | Comments (0)

superman's mom

Posted by batjay at 08:56 PM | Comments (0)

LONDON (Reuters) - Men who

LONDON (Reuters) - Men who don't shave every day enjoy less sex and are 70 percent more likely to suffer a stroke than daily shavers, a new study shows.

buti na lang, nag-aahit ruby ako araw-araw.

Posted by batjay at 08:46 PM | Comments (0)

email from home... Guys... I

email from home...

Guys... I gotta be brief on my emailing because right now, I gotta go back home ASAP. But thank you very much for the prayers, my dear family. All your prayers REALLY helped. Initial findings kay mama ay partial paralysis at irreversible ang damage sa brain niya -- so I was ready to leave again because I thought she would be in ICU for a long time when all of a sudden, last saturday - she just snapped out of her sleeping and suddenly talked and comprehended things. She's still having a hard time walking right now and may konting memory loss, pero she's responding to the medicines. Still need your prayers, and in God's mercy, tuloy-tuloy nang paggaling niya.

Donna

Posted by batjay at 02:14 PM | Comments (0)

February 05, 2003

if you only have time

if you only have time to visit one site today, make sure you visit "the little prince". it brings back memories of high school and the many times we were asked to read the compulsary books (and write the report afterwards, of course).

english teacher gives you the required reading at the start of the school year. tamad kasi kaya, you don't pay attention to it until it's the last day before submission. and so you read (with a whole lot of complaints...e.g. "pano ko babasahin ito eh wala namang pictures!"). and then slowly you like it..and then finally, you like it so much that you're hooked.

twenty years later you ask yourself why the FU@#*^&!@$#@$NG hell did you spend $350 on books on a single shopping binge... and so, you blame "the little price" and "animal farm" and "the lord of the flies" and all the other books that were forced fed to you a long long time ago.

Posted by batjay at 10:06 PM | Comments (0)

FIRST TIME IN 102 YEARS...Australian

FIRST TIME IN 102 YEARS...Australian premier suffers no-confidence vote on Iraq
buti nga sa kanya... ang yabang eh.

Posted by batjay at 10:00 PM | Comments (0)

"Sometimes I worry about

lily tomlin

"Sometimes I worry about being a success in a mediocre world."
- Lily Tomlin

Posted by batjay at 09:38 PM | Comments (0)

Filipino overseas workers given vote

Filipino overseas workers given vote

BBC, 05 February 2003: Overseas workers could swing the next presidential vote. The final draft of a bill which will allow overseas Filipinos to vote in national elections, has been approved by the Philippine congress. The bill will enable an estimated 3.5 million overseas workers to vote in the 2004 presidential elections. It has been formally ratified today and will be signed into law by President Arroyo on Friday.

Ano ibig sabihin nito? Simple lang: The more than 3 million overseas pinoys can now swing the vote in the Philippines. wow... kung walang dayaan, kaya nitong OFW block na ihalal ang susunod na presidente.

TANGNA, pwede na natin iboto si FPJ na "patilla ng masa". pwede na nating lansagin ang tambalang guy 'n pip. higit sa lahat, pwede na nating sibakin ang mga bastos na POEA employees sa NAIA counter.

Posted by batjay at 09:00 PM | Comments (0)

February 04, 2003

in a week or

sunrise over mt. fuji...hope springs eternal, my friend

in a week or two, punta ako sa land of the rising sun para magbigay ng seminar sa mga sakang. hehehe... biro lang. kaya etong chinese new year break (last day na ngayon) eh aral ako ng sasabihin ko. one week sa tokyo at osaka. etong first time ko doon at di ko nga alam what to expect. hopefully, everything will come out fine. nagpatahi pa nga ako ng amerikana dahil di naman kami formal dito sa singapore. at saka sino bang luko-luko ang magsusuot ng amerikana dito sa pagka-init na lugar. anyway, looking forward to japan and meeting the japanese - i've got my phrasebook ready and i'm all set.

Posted by batjay at 02:32 PM | Comments (0)

lalabas na sa ospital


lalabas na sa ospital si gigi ngayon. buti naman. medyo may mga gagawin pa sa kanya pero at least labas na siya sa peligro. hopefully, maayos ding lahat.

Posted by batjay at 02:19 PM | Comments (0)

February 03, 2003

why do bad things happen

why do bad things happen to good people? a question asked in larry king live today, in relation to the shuttle tragedy. why indeed? i've asked the same question this week in relation to my sister's illness. i really don't have any answer. i always tell myself that shit happens and life is unfair and not to take it personally and that we just do what we got to do.

better said than done: i do take it personally and look up to the heavens and cry in anguish... and hold HIM (pointing upwards) accountable. i work my butt off being a good person and demand "quid pro quo". in short, i ask the all knowing not to play around with the game of life...my life (and the life of the people i love), that is.

hehehe... sabi nga ng mga taga singapore: "don't play-play" ". laro na nga, nilalaro mo pa.

Posted by batjay at 11:47 AM | Comments (0)

February 02, 2003

Antipolo bishop quits after reported

Antipolo bishop quits after reported affair...our hometown bishop gets horny and pays for it. too bad.

Posted by batjay at 01:11 PM | Comments (0)

text galing kina dennis at

text galing kina dennis at donna: "...tinanggal na ang dextrose. ok na ang mama. lilipat na din ng room from icu to a regular ward. may possibility rin na uuwi na tomorrow."

galing ano. mukhang ok nang utol ko at ligtas na siya sa stroke niya. sana magtuloy tuloy na ang kanyang paggaling. maraming salamat sa lahat ng dasal...

Posted by batjay at 12:11 PM | Comments (0)

February 01, 2003

BREAKING NEWS: The space

columbia explodes over texas
BREAKING NEWS: The space shuttle Columbia, carrying a crew of seven, broke up Saturday morning 200,000 feet above Texas.

Posted by batjay at 11:29 PM | Comments (0)

himala... kanina nagulat na


himala... kanina nagulat na lang ang lahat
ng biglang nagsalita ang ate gigi ko.
mas nagulat sila nang nakakakilala na siya.
nasa icu pa rin siya sa heart center
pero malaking pagbabago. bumuti na siya.

sana naman at mag-tuloy tuloy na...
nandyan ka pa rin ba lord?
pakinggan mo ulit ako, pagalingin mo siya!

Posted by batjay at 03:12 PM | Comments (0)

recent graphic novels read

lucifer morning star...
recent graphic novels read and re-read...

lucifer morningstar book 1, devil in the gateway
lucifer morningstar book 2, children and monsters
lucifer morningstar book 3, a dalliance with the damned
sandman books 1 to 10
books of magic book 1
kabuki-scarab
swamp thing, book 2 love and death
swamp thing, book 4 a murder of crows
batman, crimson mist
batman, masque
fables, legends in exile
harlequin, valentine
neil gaiman, murder mysteries
road to perdition

Posted by batjay at 02:12 PM | Comments (0)

himala, kailangan ng himala

Posted by batjay at 01:53 AM | Comments (0)

YOU'RE MY HOME (Billy Joel)

YOU'RE MY HOME (Billy Joel)

When you look into my eyes
and you see the crazy gypsy in my soul
it always comes as a surprise
when I feel my withered roots begin to grow.

Well I never had a place
that I could call my very own
but that's all right my love
cuz you're my home.

When you touch my weary head
and you tell me everything will be all right.
You say use my body for your bed
and my love will keep you warm throughout the night.

Well I'll never be a stranger
and I'll never be alone
wherever we're together
that's my home.

Posted by batjay at 01:50 AM | Comments (0)

i talked to dennis


i talked to dennis over the phone this morning. he says gigi has improved a bit. sana naman tuloy tuloy nang pag galing ng kapatid ko... ang hirap ano? gusto mong protektahan ang mga mahal mo sa buhay sa lahat ng mga masamang pwedeng mangyari, pero di mo naman kaya.

isang dasal mula sa puso... sana naman, pag gising ko bukas, wala nang ulan.

Posted by batjay at 12:30 AM | Comments (0)




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
The Susan G. Komen Breast Cancer Foundation

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
BUHAY OFW
CALIFORNIA DREAMING
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HEALTH
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
ORANGE COUNTY
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCHOOL
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TOP 10 LISTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".