[::..KT, THE BOOK..::]

the kwentong tambay book - - CLICK HERE TO GET MORE INFORMATION ON WHERE TO GET A COPY

hoy, psst...Subscribe to Kwentong Tambay

bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..advice column..::]
Dear Unkyel BatJay

[::..Breaking News..::]
Mahalagang Balita

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..BUHAY AMERIKA..::]
komiks

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..Monitoring..::]
Medical Chronicles

[::..ispokening inglis..::]
BatJay's World

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
Prata Princess
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Belle
Mec
Tanya
Tito Rolly
Aya
Yvette
Mari
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Bloggo Chicago
BoyetB
Bulong na Pasigaw
CBSMagic
Daragang Magayon
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Dreams
EXPECTORANTS
Eye Focus
iDiOtBoArD
Jologs Queen
Kusina ni Manang
Life's Rich Tapestry
Manila My Manila
nonstandardized.com
Random Rambling
Rebel Pixel
Retzwerx
soft grumbles
Tatang's Karinderia
Technobiography
Thinking Out Loud
Third Charm
Videoke Queen
Yosi Break

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
KSPramer

[::..BLOGKADAHAN.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Banyuhay
Gumawa ng Sandman
Haring Liwanag
Jessica Zafra
Joey Ayala

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
99 ROCK
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto
SingaBloodyPore
Nostalgia Manila





[::..ang nakaraan..::]
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001









PinoyTopBlogs.com

Powered by Movable Type 3.2

Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.





« April 2003 | Main | June 2003 »

May 31, 2003

BY THIS TIME TOMORROW

by this time tomorrow, nakahiga na ako sa sarili kong kama, sa sarili kong bahay. masarap isipin na mangyayari na ri ito pagtapos ng anim na buwan dito. masarap umuwi, kahit na working trip.

Posted by batjay at 01:17 AM | Comments (0)

May 30, 2003

CONTACT ME FOR FREE

ending ng isang sulat na natanggap ko ngayon galing sa isang kasama ko sa kumpanya nung humingi ako ng information sa kanya:

"...Hopefully it's what you need. Any questions, please contact me for free."

hehehe... this just made my day. itatanong ko nga sana, in return, "how much will it cost me if i have any difficult questions".

Posted by batjay at 05:03 PM | Comments (0)

MINI ME

mini size, maxi price

cute no? gusto ko sanang bumili kaninang lunch ng isa kaya lang mahal eh. would you ever fork out S$ 98,000.00 to buy this car? yan ang presyo ng mini ni mr. bean dito sa singapore.

i-convert natin sa peso ha, teka lang... 98,000 taymis 30 equals: PHP 2,940,000.00 pesoses. bwakanginangyan!

Posted by batjay at 01:13 PM | Comments (0)

May 29, 2003

ENTER SANDMAN

sleep with one eye open
gripping your pillow tight
exit light
enter night
take my hand
off to never never land

Posted by batjay at 11:15 PM | Comments (0)

"Kitchen Confidential" ni Anthony Bourdain

ilang pahina na lang at malapit ko nang matapos ang librong ito. maganda at exciting ang mga kwento ni tony bourdain. kahit na ito ay tungkol sa pagluluto, sa pagkain at sa pagiging isang kusinero. ang estilo ng pagkwento niya ay labas sa conventions ng typical na autobiography. actually, kung tutuusin, para kang bumabasa ng isang blog. siguro, ito na rin ang pinakadahilan kung bakit masarap dalhin itong librong ito sa eroplano, sa bus o sa train. yung idea na nakiki-usyoso ka sa buhay ng ibang tao habang wala kang magawang matino eh talagang masarap.

na-identify ko rin ang style niya sa pagdiskarte sa kangyang propesyon. brusko, nagmumura at naninigaw, while, at the same time, minamahal niya at tinutulungan ang mga cook niyang mangmang. hehehe... parang ako, nung gumagawa pa ako ng mga project.

kung wala kang access sa librong ito, try watching "A Cook's Tour" every saturday evening, 7:00 PM (GMT+8) sa discovery channel and adventure. it is a great show at sulit yung 30 minutes na oras ninyo. isa ito sa mga pinapanood ko pag week-end.

ngayon, kung wala ka ring access sa tv show niya, eh magpunta ka na lang sa pansitan doon sa kanto at panoorin mo si mokong gumawa ng bihon guisado.

Posted by batjay at 06:42 PM | Comments (0)

May 28, 2003

KATABI NG GINTONG PALAY

kung ang gintong palay ay kumakaway, katabi mo ako sa bukid bayan ko...

uwi kami sa pilipinas sa sabado. sa wakas, after 6 months, balik ulit sa bahay, sa masarap na pagkain, sa pamilyang masaya at sa barkada. makakapagsalita na naman ng tuloy tuloy na tagalog. maiintindihan ko na naman ang karamihan ng mga sinasabi ng mga kaharap ko. hehehe.

kaya medyo pagod ako ngayon. double time ako sa pag tapos ng mga trabaho na dapat ay gagawin ko next week. para pag alis ko eh di naman mabibitin ang mga maiiwan sa opisina. as usual, working trip ito. one week lang na puro bisita sa mga cliente. ok lang yon dahil, the mere fact na nasa manila ako eh perk enough for me to do my job well. may dalawang week end naman ako para i-enjoy ang mini-vacation.

ano bang na-miss ko? aso kong si datu, ingay sa loob ng mall, tokwat-baboy, kwentong barbero ni mang boy, menudo ng mommy ko, DZRH sa umaga, tessie ureta at ping lacson (dahil gusto ko silang pag-untugin), efficiency at ngiti ng fastfood crew ng jollibee (mga taga rito kasi eh puro bobo - hehehe. secret lang natin ito ha. pangit ang service sa mga kainan dito eh. kadalasan tanga pa. long story, some other day, ikwento ko), asan na ba ako? ah, oo, jo's lechon manok, amoy ng kinalkal na lupa, shakey's special pizza thin crust with side order na chicken with mojos, tumingin sa kaliwa bago tumawid, jollibee breakfast joy na hotdog, sunsets, special cielo kebab sa persia house west avenue and most of all: iced tea at kape habang nagdidilig ng mga halaman sa garden ko pag gising sa umaga.

putangina with a capital "F", sabik na akong umuwi. ilang tulog na lang. ilang tulog na lang...

Posted by batjay at 09:39 PM | Comments (0)

May 25, 2003

HAPPY 12th ANNIVERSARY MYLAB

happy 12th anniversary mylab. it's been a long great trip...


happy 12th anniversary mylab. ang bilis ng panahon. kala mo kahapon lang eh inimbita ako ni alma para sa isang party sa damong-maliit, novaliches. pangalan pa lang ng luger eh exciting na. kung pumunta raw ako eh mayron daw ipapakilala sa akin na "hot date". fresh out of university at walang kalatoy latoy ang lovelife, eto naman akong si mahilig... eh di siyempre payag agad. night of the party, excited akong makilala ang aking hot date. pasok sa bahay at sinalubong ng isang masungit na daddy.

"good evening sir", ang bati kong may kasamang pa-kyut na ngiti.

"hrrrmpppf", ang sagot niya at tiningnan ako ng masama.

inay ko, may asshole sa loob... very very bad. uwi na kaya ako. hehehe. buti na lang at lumabas ka na at hinarap kami. nagkaroon ako ng konting pag-asa sa prospects ng gabing iyon. attend ng party nontheless which turned out to be boring and dry. di ko alam kung sino sa mga kasama ko ang nag-ayang lumabas na lang at gumimick, pero bless his soul, it turned out to be THE fork in the road that led to our long journey together.

si pomy, si nancy, si gerry hangin, si darlene, ikaw at ako, sa isang inumang di ko na maalala. ang naalala ko lang ay nag-enjoy ako sa company mo kasi malakas ang tawa mo sa mga jokes ko. kahit wala pa sa punchline eh humahalakhak ka na. naisip ko nung gabing iyon na mayron tayong chemistry at baka pwedeng may next time pa ulit. na mayrong future together, kahit na sinalubong tayo ng daddy mo pagkahatid sa inyo ni darlene na may katakot-takot na "punyeta", sigaw at tanong kung saang lupalop tayo galing at huwag na raw kayong magsinungaling dahil nag punta siya sa party at wala tayo roon. alam ko naman, in time, pag nakilala na ako ni pareng attorney crisologo eh mai-in-love din siya sa kanyang future cute son-in-law. at tama nga ako.

that first meeting was 15 years ago. it happened because of so many small coincidences and random events that seemed to have been conjured by some great magician. what happened afterwards was everything just falling into its proper place...three years of courtship and twelve years of marriage. wow, it has been a great big happy adventure. i would not trade it for anything else. kung mag end of the world na bukas, wala akong magiging regrets. i have lived a full life with you and have enjoyed every minute of it.

thank you for being my hot date.
thank you very much for being my wife this past twelve years.
thank you for making me complete.
thank you for making me a better man than i could ever expect myself to be.

labUsomuch, jay

p.s. oo nga pala, di naman ako perpektong tao. kung sakali lang naman na mag-screwup ako, o kaya, may gawin akong di mo magustuhan. i.e., when you wish upon a star and your fairy godmother turns the prince into a frog, isipin mo na lang na at the back of all the muck is the fact that i love you. always had, always will.

Posted by batjay at 02:03 PM | Comments (4)

May 24, 2003

GOODBYE KOREA

pagkatapos ng drinking binge kagabi, kala ko di ako magigising para sa early morning flight ko pauwi dito sa singapore. having survived korea, nandito na ako sa singapore. kasama ko na ulit si jet at 12th anniversary na namin bukas. sarap!

p.s. di ko pa rin makalimutan yung isang saksakan ng taba na koreanong six-footer na umakap sa akin nang pagkahigpit sa kalye bago kami maghiwalay kagabi at sumigaw ng "I LOVE YOU JAY". hehehe... di ko alam kung anong igaganti ko sa kanya. niyakap ko na lang din siya at sumigaw ng "I LOVE KOREA".

Posted by batjay at 06:25 PM | Comments (0)

WORK HARD, PLAY HARD

kahapon, medyo maaksyon ang araw ko. nag host kami ng conference sa seoul na buong araw. in typical korean fashion na work hard, play hard: kainan at inuman after the long day. kumuha kami ng isang kuwarto sa isang restaurant at doon ginanap ang post conference party. siyempre, hindi mawawala sa isang korean dinner ang kanilang national drink na soju. tuwang tuwa ang mga koreano sa mga foreigners kaya ang grupong apat na intsik at isang pinoy ay pinagkatuwaan ng husto sa pamamagitan ng walang patid na toast. mapapansin mo na lang, palakas nang palakas ang boses ng mga tao, nagsasayaw na kahit walang tugtog, marami nang mga impromptu speeches... ipekto lahat ng alcohol.

after the drinking spree at dinner ay ang main event. tradition din ito sa kanila: ang pumunta sa isang bar for yet more drinks. beer naman ang iniinom at non-stop tagayan pa rin. by this time marami nang casualty, isang lampshade na basag dahil may nag-attemp na itoast ang bumbilia, isang partition na sira dahil may umupo sa silyang walang sandalan, isang sofa na bali ang paa dahil isang napaupo nang bigla, dalawang intsik na tulog, dalawang intsik na makulit, isang pinoy na gising na gising pa rin, at sangkatutak na koreanong enjoy na enjoy.

natapos kami ng mga 11 ng gabi. what a sight to behold: dalawampung lasing na naglalakad sa kalye ng seoul. di ko alam kung anong mga hitsura namin pero mukhang normal na occurence lamang ito sa mga koreano at di kami pinapansin ng mga nakakasalubong namin. after korea, i plan to donate my liver to science.

Posted by batjay at 05:56 PM | Comments (0)

May 22, 2003

GAMOT SA CONSTIPATION ANG KOREAN FOOD

eto subok na subok na: kung di kayo makaebs, umordor lang kayo ng take out na korean food. sigurado after the meal, halos lumakad takbo kayo papunta sa comfort room. tulad kanina, pagtapos ng dinner namin at pagkarating na pagkarating dito sa hotel room ko, nakita ko pa lang ang inodoro sa CR, napa-upo na agad ako....

(pregnant pause)

actually, napaupo ako ng 2 beses. hehehehe... simula nang dumating ako dito sa seoul kahapon, nakaka 6 na dalaw na ako sa trono. di ata kaya ng tiyan ko ang long term barrage ng kimchi at korean barbeque. ang maganda lang eh masarap ang pagkain dito, kaya pinagpapasensyahan ko na ang hilab ng tiyan, malimit na pagutot at minsan pa nga eh UST. alam nyo bang ibig sabihin ng UST? hehehe...

Posted by batjay at 11:01 PM | Comments (0)

DEAR MYLAB,

Kamusta ka na? I hope you are alright upon recieving this wonderful letter... of mine. hehehe. Parang introduction ng isang grade school student nung pinagawa siya ng teacher niya sa English ng assignment: "Write a letter to your best friend about how you spent your summer vacation".

Unang alis ko dito pala sa isla in 3 months ano? Nakakapanibago. Swabe naman ang byahe ko - simula sa taxi from home to airport hanggang sa flight at bus ride papuntang hotel. Iba ang aura ng Changi International Airport ngayon, siguro dahil konti lang ang bumabyahe dahil sa SARS. Subdued, medyo malungkot. Tulad ng nakagawian ko, tuwing umaalis, bumibili ako ng libro sa bookstore ng airport para mabasa sa flight . Ang napili ko ngayon ay yung "Kitchen Confidential" ni Anthony Bourdain. Siya yung nasa Discovery Travel and Adventures, yung cook na taga New York na umikot sa buong mundo para ma-experience ang mga iba-ibang pagkain. Anyway, uneventful ang 6 hour flight to Seoul, the way I want it to be.

Bagong Boeing 777 ang nasakyan ko at punong puno ng mga bagong features ang eroplano. Mayron na silang mga CD collection sa Playlist nila. Pinili ko yung bagong CD ni Norah Jones at yung greatest hits ng Carpenters. Sumabay nga ako sa pagkanta ng "Rainy Days and Mondays" hanggang pinagsabihan ako ng stewardess na huwag daw akong maingay. Movies? Hmmm.... teka, di ko na maalala yung mga title. Hehehe... yung bagong movie ni Al Pacino na tungkol sa CIA, yung tungkol sa mag-asawang nag honeymoon at di magkasundo, at yung tungkol sa isang bumbay na pumunta sa America para maging isang porn star at guru. Puro umpisa lang kasi ako at pag medyo pangit, lipat sa ibang channel. Parang kanta ni Springsteen: "57 channels and nothing on".

Like all flights from Singapore, may temperature at health check sa pre-boarding. Mayron na naman sa pag-landing kung saan may Koreanong papasok sa eroplano at tututukan ka ng pyrometer para ma-measure ang temperature mo. Ang pyrometer ay isang non-contact thermometer of sorts. Sa trabaho, ginagamit namin ito sa pag measure ng mga materials na di pwedeng gamitin ang thermometer dahil mapapaso ang kamay mo sa sobrang init - for example: newly manufactured cement, molten steel, etc. Korteng baril ito at nung itutok sa akin kanina, muntik ko nang itaas ang kamay ko at sumigaw ng: "Suko na ako, Suko na ako". Di ko ginawa, baka pauwiin pa ako eh. hehehe.

Korean immigrations: binuklat at ininspeksyon ang bawat pahina ng passport ko. Tingin sa computer, tingin sa visa, tingin sa picture kong nakangisi. Halos kabisaduhin nang lahat ng nakasulat sa bawat page. Tingin sa markings using a high powered magnifying glass... etc, etc, etc. Isip-isip ko: "Tanginangto, kala ata pasasabugin kong bansa niya. Pasabugin kong tumbong mo pag pinatagal mo pa ako rito, hinayupak ka."

Bus ride from the Airport to Seoul proper. Great 2 hour trip... sobrang sarap sa pagmasid ng mga tanawin sa labas ng bus at di nagtagal (as usual), tulog ako. Nagising ako eh malapit na sa hotel. Masarap ang panahon ngayon sa Korea... springtime. Not too hot, Not too cold. It's a great 14-26 Degrees C, my kind of weather. Sana nandito ka para ma-experience mo rin ang ginhawa ng Korean spring.

Nandito na ako sa hotel habang sinusulat ko ito. Kakatapos lang naming mag-dinner. Kumain kami sa isang sikat na Korean Barbeque restaurant dito sa siyadad... Ang specialty nila - Beef, very thinly cut na lulutuin ninyo over a charcoal grill. Pagkaluto, ihahalo mo siya sa chili sauce, kim chi at hilaw na itlog. Ang lahat ng ito ay gagawin mong palaman sa iba't ibang dahon na gulay. On the side ay may sabaw na malamig. Gaano kalamig? Malamig as in may yelo na lumulutang sa mismong sabaw. Siyempre, di mawawala ang paboritong inumin ng mga Koreano - Soju. All in all at much to my surprise - masarap. Mabait ang mga staff ng restaurant at masayang nakikipag-usap habang nagsisilbi sa iyo. Altough medyo nagiwi ng kaunti nang malaman niyang tatlong taga-Singapore ang pinagsisilbihan niya. Ang isa ay galing pa sa China. Hehehe... Hindi naman ako umaatras basta-basta sa mga exotic na pagkain. Pinapatulan ko kahit ano, simula sa mga barbeque scorpion at bulate sa Beijing hanggang sa mga mabangong pagkain ng India.

Bukas ay masaya. Sunduin kami ng 8:30 sa hotel para pumunta sa local Korean office namin. Darating din ang mga kaupisina ko galing ng China, Australia at Japan. Sama-sama kaming lahat para sa conference namin sa Biyernes. Sa gabi, papasyalan daw namin yung isang sea food place dito sa Seoul na ang specialty ay madulas at masarap na palos. Baka magpainom din ang bossing ko - mukhang in the mood to socialize eh. Good Omen... Good OmenTO sana rin!

Sige my lab, tulog na ako. Sandali lang naman itong trip na ito at sa Sabado ay iyong iyo na ulit ako. Ingat na lang diyan.

LabU. Jay

p.s. medyo nagloloko ang internet ko sa hotel kaya baka intermittent ang pag online ko. tingin ko yung local ISP ang may problema. imbestigahan ko muna.

Posted by batjay at 10:54 PM | Comments (0)

masarap ang kimchi sa korea

nag breakfast kami sa isang restaurant malapit dito sa office kaninang umaga... typical korean seafood noodles na maanghang na may kasamang vegetable seaweed rolls with rice... di ko alam ang tawag dito, kasi kain na lang ako ng kain. hehehe. as usual maanghang. as usual, may kimchi as side dish.

speaking of pagkain: ang lunch namin ngayon ay noodle soup na mainit, malalaking steamed dumplings on the side, at ang pinakamasarap na kimchi na natikman ko sa buong buhay ko. maliit lang siya na working class canteen, pero, masarap ang pagkain.

isang napansin ko rito... ang bilis nilang kumain. ang alam ko eh mabilis ako pero wala akong sinabi sa mga kasama ko. nangangalahati pa lang ako at pinagpapawisan na ng husto, hinihigop na nila yung latak ng sabaw sa mga bowl nila. di ko kayang makipag contest sa mga taga rito. isa pa, saksakan ng tulis at nipis ang mga chop stick nila.

nga pala... kasama ko rito, ang pangalan ay si putsya. ang sirname nya ay nam.... natatawa ako pag tinatawag siya ng boss dito na koreano: NAMPUTSA! NAMPUTSA!

Posted by batjay at 02:51 PM | Comments (0)

May 21, 2003

12th WEDDING ANNIVERSARY

iniimbita ko nga pala kayong lahat sa 12th wedding anniversary namin ni jet sa linggo. samin nang lahat ng pagkain at inom, basta punta lang kayo sa flat namin. alis lang ako sandali, pagbalik ko, SAGOT KO KAYONG LAHAT!

Posted by batjay at 12:25 AM | Comments (0)

OFF TO KOREA

lipad na ako bukas papuntang korea. first time ko sa seoul. ano bang meron doon? koreano? hehehe... corny mo. ang alam ko lang sa korea ay ang mga sumusunod:

1. mahilig silang kumain ng aso - ARF!
2. malakas silang uminom ng alak
3. maanghang ang pagkain nila
4. marami sa mga koreano ang kwadrado ang korte ng mukha
5. mataas ang percentage ng car accidents nila sa gabi (hihilig kasing uminom eh)
5. magkaaway ang north at south korea
6. malalaki ang mga panga ng mga koreano
7. magaling sila sa golf
8. mahilig sila sa mga soap opera
9. maraming koreano na may apelyido na kim at park
10. doon galing si shin dong pa (kung di nyo siya kilala, tanong nyo na lang sa tatay nyo)

Posted by batjay at 12:24 AM | Comments (0)

HEATWAVE

ang init ngayon - tangnenek. gusto kong magmura ng malakas... PUUUUUUTOOOOOONG INAMOY! bwisit,bwisit, bwisit... uupo ka lang sa harap ng pc, tutulo pang pawis mo. tangnang yan, pati buhok ko, basa sa pawis. take note - gabi ngayon. GABI! wala man lang hangin? bwisit, bwisit, bwisit.

kung may pera lang ako, aarkila akong sangmilyong tao para itulak tong islang ito papuntang antartica. makapasok na lang nga sa kwarto, pagmamasdan ko na lang ang mukha ni jet habang natutulog... aircon doon pati! hehehe.

Posted by batjay at 12:24 AM | Comments (0)

May 18, 2003

BYAHE NA NAMAN, WOOOHOOO!!!

it's been a long great trip baby...

ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.

sa linggo naman ay ang pinaka-exciting sa lahat... 12th anniversary na naming dalawa ni jet. ang tagal na naming dalawa ano? nagsimula sa kasal namin sa munisipyo ng kalookan, walang pera kaya sa jollibee lang ang reception. sampung taon bago nakabili ng sariling bahay... job offer na maganda ang nagdala sa amin dito sa singapore magdadalawang taon na. in between, katakut takot na walang katapusang kasiyahan.

malayo nang narating ko simula nang magtapos sa iskwela. from paractically nothing to... well, something more than that. lahat ng ito ay dahil na rin kay jet. kung wala siya sa buhay ko, baka nagkabalenkwang nang landas. itong 12 years na byahe naming dalawang mag-asawa ang pinaka exciting sa lahat. byaheng langit... di kayang pantayan ng kahit na anong first class trip sa kung saan.

Posted by batjay at 10:30 PM | Comments (0)

road to perdition at american beauty...

Peter O'Sullivan: “Why are you always smiling?”
Conner Rooney: "Because I find life so fucking hysterical!"


isa siguro ang american beauty sa current top 10 list ko. una, dahil sa storya. from start to finish, magaling ang nakakatawa, nakakaiyak at very original na script ni alan ball. incidentally, siya rin ang writer/director/producer ng "six feet under", yung isda best na series sa HBO. pangalawa, yung cast - from kevin spacey to chris cooper to annette bening to thora birch, walang tulak-kabigin sa mga artistang gumanap dito. bukod sa "the usual suspects" ni x-men director brian singer, ang "american beauty" siguro ang pinaka magaling na pelikula ni spacey. ikatlo, yung cinematography ni (the late great) conrad hall, in particular, yung laro ng light and shade sa set. ikaapat ay yung musica. magaling ang score at yung soundtrack ay espesyal sa akin. lalong lalo na ang eksena na pinatugtog ni mena suvari yung "don't let it bring you down" ni neil young na cover ni annie lenox - it kills me everytime i watch it. at panghuli, yung direction ni sam mendes - in particular, yung subtlety, yung pace at yung takbo ng buong pelikula... ang galing. di ko na ipapaliwanag, panoorin nyo na lang. hehehe.

mas lalo mong maiintindihan ang pelikula kung panoorin mo ito sa "Awards Edition" na DVD. dahil bukod sa pelikula, may 3 1/2 hours pa na extra goodies. ang standout dito ay yung explanation ni sam mendes at conrad hall sa mga subliminal na effects na nagagawa ng lighting at shadows. kung ikaw ay isang film buff, yung commentary ni sam mendes all throughout the film ay isang classroom type lecture kung papaano gumawa ng isang pelikula (kung may pera lang ako, bibigyan kong lahat ng director sa pilipinas ng kopya ng DVD para naman di na parating lovetriangle-sex-action-massacre ang napapanood natin).

segue tayo sa "road to perdition". dito medyo disappointed ako. altough first rate pa rin ang cinematography dahil na rin ulit kay conrad hall, sa tingin ko eh medyo na-engross ata si sam mendes sa photography. sobrang ganda nito na nakalimutan na nya yung pacing, yung story at yung casting. di naman pangit totally ang film, hindi lang ito kasing ganda ng dati niyang pelikula. isa pa, di bagay si tom hanks na gangster. hehehe... sana si daniel day lewis na lang ang kinuha nila. in retrospect, siguro malaki lang talaga ang expectations ko from sam mendes to top "american beauty".

and so, if you have nothing better to do on a sunday afternoon like this, kumuha ng kopya ng "road to perdition" at "american beauty" at panoorin ito in that order. kung may oras pa, get a copy of the "road to perdition" graphic novel and read it afterwards.

Posted by batjay at 02:31 PM | Comments (0)

BOOKS I AM CURRENTLY READING

1. "the last vampire" by whitley strieber. this is either too predictable or perhaps i have had too much of the genre. i'm halfway through and there's a small voice that's telling me to dump it.

2. "road to perdition". graphic novel by max allan collins and richard rayner. made into a film by "american beauty" director sam mendes. this book should be read, at least, twice. once for the story. twice, for the artwork. highly recommended. as much as i respect the work of sam mendes a lot, i think the novel's a lot better as a book than the movie is as a film.

3. "to father" tranlated by dava sobel. the letters of sister maria celeste to her father, the great astronomer and inventor, galileo. synchronicity again: while i was scanning the book this morning, my random song playlist started playing the indigo girls song called..."galileo".

Posted by batjay at 02:37 AM | Comments (0)

BEING TAKEN OFF THE SARS LIST

Singapore is on the brink of being taken off the WHO list of SARS-affected countries as the Health Ministry has confirmed that the IMH cluster of patients and staff who came down with fever last week do not have SARS.

with singapore SARS free, makakauwi na kami, kami kami! hehehe... GARDEMET. philippines, my philippines. i may see you in june! june! june! (ayan, sa sobrang tuwa, may echo na naman)

SUMUKO na KAYO... KAYO... KAYO. napapaligiran na namin ang hideout NINYO... NINYO... NINYO. hehehe. may ECHO. parang cheap karaoke. hehehe.

Posted by batjay at 01:29 AM | Comments (0)

May 17, 2003

NAUTUSAN LANG BUMILI NG PATIS, KUNG SAAN-SAAN PA NAPADPAD...

aalis kami ni jet ngayong hapon para bumili ng patis. hehehe... you can take the pinoy out of the philippines but you cannot take the philippines out of the pinoy.

consider this:

babyahe kami ng bus to the pasir ris train station, 10 minutes
MRT from pasir ris to city hall station, 30 minutes
transfer train, ride again from city hall papuntang orchard, 10 minutes
get out of the train station, walk to the filipino stores at lucky plaza, 10 minutes

total cost of trip: $ 2.00 taymis 2 equals $ 4.00 dibaydibay 0.033 equals 121 pesoses.
cost ng isang boteng rufina: $ 2.50 (75 pesoses)


BWAKANGINANGYAN... all that time and money para lang sa patis.

Posted by batjay at 12:13 PM | Comments (0)

May 16, 2003

TAKEOUT LUNCH

ngayong lunch ay nag takeout ako: giniling na baboy, fried chicken, ginisang toge at kanin na may curry gravy sauce. typical malay-chinese topping meal. total price: S3.80 (around 114 pesos). mahal ito dahil nasa airconditioned na commercial area. kung sa regular turo-turo, around $2.50 (75 pesos) and price ng kinain ko. on the other hand, mura na rin, considering na ang mcdo value meal dito sa singapore ay around $6 (180 pesoses).

Posted by batjay at 01:38 PM | Comments (0)

NAHULI ANG BABI

lamang loob na baboy, nahuli sa malaysia-singapore border

1.7 tons na lamang loob ng baboy ang nahuli ng mga customs ng singapore habang ini-i-smuggle accross the johor strait. bakit hinuli? muslim kasi ang mga baboy na galing malaysia. hehehe... the real reason: mayron kasing sakit ang mga baboy sa malaysia at matagal na itong banned sa singapore. kung kaya ang baboy dito ay galing pa sa indonesia at sa australia.

yung company from australia na exporter ng baboy, cute ang pangalan: "AIR PORK"

Posted by batjay at 01:33 PM | Comments (0)

May 15, 2003

KUMAIN NG MONGGO CONTRA SARS

i shit you not, this is a true story

balita ngayon sa cnn... doon daw sa cambodia, may mga taong naniniwala raw na kapag kumain ka ng ginisang monggo tuwing alas dose ng madaling araw ng miyerkoles, di ka magkakaroon ng SARS.

(pregnant pause...)

ang paniniwala ko naman, pag kumain ka ng ginisang monggo at saka lechon kawali na may sawsawang sukang maanghang na may toyo tuwing lunes ng gabi, eh mabubusog ka.

Posted by batjay at 10:32 PM | Comments (0)

HAPPY VESAK DAY

happy vesak day!

ngayon ay isang malaking fiesta sa singapore, lalong lalo na sa mga buddhists... Vesak Day. ipinagdiriwang ang kapanganakan at pagkamulat ni Buddha at ang kanyang pagpasok sa Nirvana.

The day starts with chanting of the sutras by saffronclad monks, while devotees visit the temples to pray and meditate and to make offerings. Acts of generosity known as dana are observed by Buddhist organizations and temples. These include the freeing of caged birds and animals, visiting and giving alms to the poor and needy, while some Buddhist youths organize mass blood donation at hospitals. The celebration concludes with a candlelit procession through the streets. Observers as well as devotees are welcome to join in the celebration at Buddhist temples.

Come as you are, as you were As I want you to be As a friend, as a friend As an old enemy

sa bahay lang siguro kami ni jet. bumili ako ng isang buong chocolate cake - kainin naming maghapon. hehehe... binili ko sa "bengawan solo", ang paborito naming bake shop sa singapore. ito ay pag-aari ng mga indonesian chinese at isa itong malaking chain dito sa isla. marami silang kakanin na paborito ni jet. in fact, bumili ako ng isang kahon nung isang araw, inubos na niya ata lahat eh. masarap ang kanilang mga "sapin-sapin compatible". halos kalasa na rin ng mga kakanin natin sa maynila. mayron din silang pineapple tarts na ubod ng sarap at ubod ng mahal! hehehe... kaya sa kakanin na lang kami (55 cents a peice) o kaya sa mga cake ($ 2.00 per slice).

Posted by batjay at 12:14 AM | Comments (0)

May 14, 2003

SUPER SINGAPORE SARS BALITA

di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit" (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)...TIME CHECK...ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng "Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina na may gata!"... ding-dong (sound epeks ng time check)...

BAD BAD News: Fears of new Sars cluster at IMH - MAY 14, 2003

After 15 days of no new possible SARS cases, yesterday, the Health Officials have announced of a probable new SARS cluster in the Institute of Mental Health. Ito yung pinaka "Mandaluyong-LOOB" nila. Just five days to go before the 20 day ALL-CLEAR, singapore gets a big whammy. patay.... Twenty-four elderly patients and six nurses at the Institute of Mental Health in Hougang are down with fever, and Health Minister Lim Hng Kiang said last night that they should be treated as a new cluster of possible Sars cases.

BWAKANGNANGYAN...baka hindi na talaga kami makauwi ng june. ang mangyayari kasi rito eh, hahanapin nilang lahat ang mga pasyente, bisita at staff ng hospital. quarrantine na katakot takot at pinakamasaklap sa lahat... back to day 1. count uli ng 20 days na walang SARS para mabigyan ng all clear.

SARS KUPAL, este SARS TOTAL

Posted by batjay at 09:50 AM | Comments (0)

May 12, 2003

BREATH

Run, rabbit, run Dig that hole, forget the sun, And when at last the work is done Don't sit down, it's time to dig another one For long you live and high you fly But only if you ride the tide And balanced on the biggest wave You race toward an early grave. Pink Floyd, "breath" from "the dark side of the moon"

Posted by batjay at 10:02 PM | Comments (0)

mother's day at parenthood dito sa singapore, part 2

balansihin naman natin: yung isang office mate ko, 12 years bago nagkaroon ng anak. kung saan saan sila nagpunta para lang mabuntis ang misis niya at malaki ang ginastos sa mga fertility clinic. di naman sila nabigo at kinalaunan, nabuntis din si misis. as soon as nalaman nila ito, pinag-resign na niya ang kanyang asawa sa pagiging isang guro at naging full time housewife.

ang anak nila ay 6 years old na ngayon at kindergarten na. sa gabi, dinadala nila ang kanilang anak para i-tutor ng 2 oras sa iba't-ibang mga klase sa kung saan-saang evening classes. monday, math. tuesday, english. wednesday, chinese. thursday, drawing. saturday, swimming. ang pag enroll ng mga anak sa mga extra courses para mag excel sa school ay typical din sa mga singaporeans parents.

Posted by batjay at 06:19 PM | Comments (0)

mother's day at parenthood dito sa singapore

isa ang singapore sa pinakamababang birth rates sa asia. probably, it has the lowest in the entire south east asian region. in fact, it is now a major problem because the current population is not enough to fuel their future growth. ito rin ang dahilan kung bakit ako narito sa singapore. hindi, madumi yang iniisip mo...hindi nila ako gagamitin as a baby maker (o kaya pambulog). kulang kasi ang mga automation engineer rito at walang local skill silang makita kaya ako narito.

anyway, ang typical family rito ay husband, wife and one kid. normally, both husband and wife work para masustentuhan nila ang kanilang 4C's (car, condo, credit card, country club membership). problema ngayon si anak. kung si mother at father ay working, sino ang mag-aalaga kay baby? solution: day care.

malaking negosyo rito sa singapore ang mga day care center - both legal at colorum. yung legal ay normal na day care. iwan mo si anak during the day time for enrichment lessons, feeding, etc. yung colorum, mas interesting. sa mga building dito, may mga manang na pinapa-rentahan ang kanilang sarili at bahay para sa pag-alaga ng mga baby. ang style rito: sa umaga, iwan mo si baby. sila na ang bahala sa pag-alaga hanggang sa pick-up mo sa gabi. yung mga ibang parents, talagang iniiwan nila ang mga anak, day and night, for the whole working week. di na nila kayang mag-alaga sa gabi dahil pagod na pagod sa trabaho.

dito sa office namin, 2 ang may baby. simula nang matapos ang maternaty leave, iba na ang nag-aalaga sa kanilang anak. week-end lang nila nakikita ang mga ito dahil stay-in ang mga bata sa mga day care for the whole working week. tuwing biyernes ng gabi, kinukuha nila ang kanilang mga anak para may family time ng week-end. linggo ng gabi, balik sa mga yaya.

Posted by batjay at 10:58 AM | Comments (0)

KWENTONG TRAIN

punong puno ang train ngayong umaga. halos di ka na makakapasok sa sobrang dami ng tao. buti na lang, sumasakay ako doon sa mismong dulo ng byahe - sa pasir ris station, ang eastern most at last station sa MRT. by the 2nd station pa lang kanina eh di na sila halos makapasok. pag dating sa 3rd station, biglang may sumigaw sa pinto: "AYAW KASING UMURONG EH".

muntik na akong matawa ng malakas. kung kasama ko lang si jet sa train, baka napahalakhak ako. pinag-iisipan ko kung ano ang igaganti kong sigaw eh:

1. "KABAYAN, INGLISIN MO KASI EH"
2. "SA SUSUNOD KA NA LANG PARE"
3. "PAHIRAN MO NG KULANGOT ANG MGA ULUL NA YAN, KABAYAN"
4. "KAIBIGAN, SUMIGAW KA NA NG DARNA, PARA UMUSOK SA MAY PINTO"
5. "REKLAMO NG REKLAMO... ITULAK MO NA LANG ANG MGA LEKAT!"
6. "ITAAS MONG 2 MONG KAMAY, TULAD NG GINAWA NI CHARLESTON HESTON SA 10 COMMANDMENTS"
7. "HUMATSING KA KABAYAN, MABILIS PA SA ALAS KWATRO ANG MGA KUPAL NA IYAN"

Posted by batjay at 10:20 AM | Comments (0)

May 11, 2003

HAPPY MOTHER'S DAY MOMMY

mommy ko, 79 na sosi pa rin


di na tayo masyadong nagkikita simula nang pumunta kami rito sa singapore. matagal-tagal na rin kaming di nakaka-uwi. gusto ko lang malaman mo na di naman ako nakakalimot...na parati kitang iniisip. di ko nakakalimutan lahat ng ginawa mo sa buhay ko... ang lahat ng sakripisyo at pagpaparaya mo, para sa akin. nakalista itong lahat sa bato. kung mayron man konting tagumpay o kayamanan kaming naipon, di ito matatamasa nang di dahil sa iyo.

malapit nang birthday mo. actually, ito ang mas importante sa akin dahil 79 years old ka na. pero alam ko rin na senti ka at mahalaga rin sa iyo ang araw na ito. kung kaya't binabati ka namin ni jet.

natanggap mo na bang regalo namin? sana naman ay masaya kayo diyan bukas... este, mamaya na pala. hayaan mo, next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. palakas ka pa, para pwede tayong magkantahan at sayawan. iimbita tayo ng banda para pwede tayong mag-rock-en-roll hanggang umaga.

punong puno ng pagmamahal at halik, ang iyong paboritong bunso.

jay

Posted by batjay at 01:02 AM | Comments (0)

May 09, 2003

YOU'RE MY HOME

If I traveled all my life And I never get to stop and settle down Long as I have you by my side There's a roof above and good walls all around You're my castle, you're my cabin and my instant pleasure dome I need you in my house 'cause you're my home
Billy Joel, "You're My Home"

Posted by batjay at 11:29 PM | Comments (0)

BACALAO

A Stirre's Secret Lair Você já viu coisa parecida?

Sino kaya itong bwakangnangto na naglink ng entry ko sa site nya? Portugese... wala naman akong alam sa portugal kundi yung "bacalao with virgin olive oil" na paborito kong pulutan sa san mig shangri-la.

Posted by batjay at 11:20 PM | Comments (0)

RP ADVISORY

Singapore advises citizens against travel to RP...bwakanginangyan, mayayari pa ata ang pag-uwi namin sa june. typical singapore kiasu mentality... dahil gumaganda ng SARS outlook sa singapore, playing safe na husto. pati pilipinas ay dinamay na.

Posted by batjay at 07:26 PM | Comments (0)

SPIKY

dito sa building namin, may isang babaing empleyado ang legal department namin na may problemang konti. one time last week, dumaan siya sa kinatatayuan ko. nginitian ko siya na may kasama pang kaway. dinedma ako. tuloy tuloy lakad na habang papalapit sa akin, yung mata niya ay pumipihit na patagilid pa-side glance, as if looking kung ano ang ginagawa ko habang papaabante siya. pahiya ako man... kung pwede lang mamula ang kutis kong kulay betlog eh namula na ako.

kahapon kita ko uli siya, nasa lobby kami ng floor namin. tatlo kami, ako, si yabang at isang puti. si puti ang kinausap at parang non-existent ako. pinagtanong ko siya sa mga kakilala ko rito at talaga palang may hang-up siya sa mga asians. ang balita ko eh puro mga white boys lang ang kinakausap niya. di ko nga maintindihan kung bakit, kasi asian din siya. etong si yabang eh malayo pa lang kita mo na siya, kasi matangkad tapos yung buhok niya ay may gel na nakatayo at parang hindi sinuklay. ayan, pati ako tuloy nagiging pintasero. ganyan,ganyan nagsisimula ang guerra eh - first, demonize the enemy.

naalala ko si yabang-tayong-buhok-na-gusot kasi iniisip ko yung mga accent ng mga tagarito sa singapore. isa rito ay yung tinatatawag na "Rolling R". yung mga regular chinese kasi, di ma-pronounce ang "R" eh - for example: Bar = Bah, SARS = SAHS, LOR MI = LOMI. iba naman eh yung "L" nagiging "R", for example: Kupal = Kupar. Hehehe... kupal kasi itong si yabang. asan na ba ako... ah, ok. ang typical chinese, di mapronounce and "R", kaya as over compensation ng mga nag-aral sa UK at Amerrrrrrica, o kaya, yung mga pakyut na gustong makilala na magaling mag-english: pinapagulong ng husto ang kanilang mga "R". for example: "we have to fight this warrrrrrrr angainst SARRRRRRRRRRS". pag medyo inaantok ka, kala mo makina ng bangka eh. hehehe. etong si yabang, todo todo rolling R ang accent.

aasaRRRRRRRin ko nga ito ng husto. padalhan ko kay ng mga porno pictures, spamin ko kaya ng mga walang kabuluhang email, isubscribe ko kaya ang email address niya sa mga ibaibang nakakabwisit na produkto sa internet. o kaya, para mapansin niya ako, babatukan ko sabay "hello" (o kaya "hello" sabay batok).

hindi, ganito na lang: from now on, tuwing makikita ko siya, bibigyan ko ng matamis na ngiti na may kasamang kaway.

Posted by batjay at 06:12 PM | Comments (0)

KATE AND LEOPOLD NG MADALING ARAW

natulog kami ni jet ng late kagabi... kasi nanood ulit kami ng "kate and leopold" starring meg ryan and wolverine. tapos, nag low batt ang cell phone alarm clock ni jet at huminto naman ang alarm clock ko. kung kaya - 7:30 na kami bumangon.

nag taxi tuloy ako ngayong umaga, #$%@$*@!# yan! let's do the math... $7 for a 10 minute trip taymis 30 equals 210 pesoses. tangnenek, ang dami nang mabibili ng 210 pesos sa maynila. pwedeng manood ng Xmen2 na may kasamang 2 piece Jollibee Chicken joy with extra rice, extra gravy and one large fries take home... oh and BTW, please give me breast and pak-pak, please. no, not your breast dear jolibee food crew na colegiala.

awa ni bathala, di pa rin nawawala ang pagka-pinoy ko. ngyahaha... kinokompyut ko pa rin ang conversion to peso.

Posted by batjay at 09:57 AM | Comments (0)

May 07, 2003

SONG LYRICS I'M GLAD I DIDN'T WRITE

Shooting at the walls of heartache bang, bang
I am the warrior

tagalugin mo nga ito?

Posted by batjay at 10:49 PM | Comments (0)

THE TAXMAN COMETH...

today i signed, sealed and deliverd my tax forms. i am paying my taxes in singapore for the first time since i arrived. ok lang - simple lang naman. nilagay ko lang yung kita ko sa isang form, pirma, lagay sa sobre at padala by mail. babayaran ko sana online, kaya lang di ako binigyang ng PIN number ng mga damuho. oo nga pala, ang isang maganda rito sa singapore, pwedeng hulugan ang tax. i opted to pay in 12 monthly interest free installments.

If you drive a car, I'll tax the street,
If you try to sit, I'll tax your seat.
If you get too cold I'll tax the heat,
If you take a walk, I'll tax your feet.

paying your taxes, bwakanginangyan, is one of the sure fire ways to make you feel that you belong to a country.

Posted by batjay at 10:24 PM | Comments (0)

SUPER SINGAPORE SARS BALITA

..."di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit" (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)...TIME CHECK...ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng "Birch Tree Holland Powder Milk, Ang Gatas ng Dalagang Ina!"... ding-dong (sound epeks ng time check)...

Tatlong Good News:

1. The US removed Singapore from the Travel Advisory List issued by the US CDC
2. The SARS All Clear will be given by the Singapore Government in 10 days time
3. I'm still Hungry and Handsome

ngya-ha-ha-ha...

Total Number of Cases: 204
Discharged: 149
Hospitalised: 28
Intensive Care:13
Deaths26
Suspected: 12
Under home quarantine: 952
Last update: Monday, May 5

Source: Ministry of Health

Posted by batjay at 01:30 PM | Comments (0)

May 05, 2003

The Ring!

the ring!

Posted by batjay at 04:19 PM | Comments (0)

May 04, 2003

SAAN NA ANG BARKADA

Saan na nga ba saan na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon

Ha! nalaman ko na nasa binyagan sa malinta ngayong araw na ito ang mga barkada ko! ano ba yan, birthday nung friday tapos binyagan naman ngayong sunday. sobra na yan ah, naiinggit na naman ako...binyag ngayon ng bunso ni pareng lando, ang aking malapit na kaibigan nung high school. si abby, ang kanyang panganay ay inaanak ko. high school nang bruha at malapit nang may aakyat ng ligaw sa kanila... hehehe. gagantihan na ata ang pare ko. apat na ang anak ni lando. dami no? libog kasi eh... hehe. si lando ang unang nag-asawa sa amin. siya ang original na chick-boy. lahat ata ng mga teacher namin eh niligawan niya. nung high school kami, maraming gimmick ang pare ko na pwedeng gawing x-rated na pelikula. di ko na ikukwento rito at baka mabasa ng asawa niya. masapak pa ako ng wala sa oras. parati kong kasama si lando nung high school. malapit din ako sa pamilya niya. parati kasi ako sa bahay nila sa malinta at kalookan - nakikikain.

si lando ang pinakamatanda sa amin, kasing idad niya ang notre dame. hehehe... itong october, 40 na siya. bwakanginangyan, ang tanda na namin. siya ang unang nagkaroon ng lisensya at nung high school kami, pag may gimmick, siya parati ang designated driver. ganito ang gimmick namin: sa school, may monthly math quiz na nakapost sa bulletin board. ang premyo ng tamang sagot ay 200 pesos. ang isa naming classmate na si egayandthjakolytes ay math wizard. malibog din si egay pero that is another story. anyway, sumasali si egay dito sa math quiz at parati siyang nananalo. so, yung prize na 200 pesos, gagamitin namin na pambayad ng beer sa ibat-ibang mga inuman sa kalookan city. so byahe kami kung saan-saang inuman at si lando ang driver namin. dala nya parati ang kanyang volks na beetle (buhay pa rin hanggang ngayon!). minsan sa sobrang lasing ko, ay nasukahan ko ang balikat ni lando, kasi, di nabubuksan ang bintana sa likod ng volks eh. sorry pare, birthday mo pa naman noon.

ngayon, binyag na ng anak ni lando. sigurado ako, pinagkukwentuhan na naman nila ang kwento kong ito na paulit ulit na kinukwento tuwing nagkikita ang barkada. pareng lando, sana maligaya ka ngayong araw na ito. sana nandyan kami ni jet para makisali sa saya. miss ko na kayong lahat...

Saan na nga ba saan na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon

Posted by batjay at 02:57 PM | Comments (0)

BIRTHDAY LIST NG BARKADA

LISTAHAN NG MGA CLASSMATE SA Notre Dame of Manila - Batch '83
NA NAGPUNTA SA BIRTHDAY NI ROD SOTTO LAST FRIDAY...

Surla, Mark Anthony Nov. 20
Opeña, Rey Nov. 20
Alferez, Jun Sep. 16
Santos, Jojo Dec. 28
Villanueva, Ariel Dec. 05
Rivera, Raymund Sep. 15
Yao, William Apr. 15
Valdes, Allen
a.k.a. Tom Babauta Feb. 09
Dabu, Dennis Jul. 08
Sotto, Rod Apr. 27
Panganiban, Sidric Jun. 10

part of a big group of long time friends na sa sobrang tagal ay mahigit kapatid ang turing ko... magkakasama kami since kinder (1971-73), elementary (1973-79), high school (1979-83). yung mga nasa abroad na tulad ko, mamamatay na lang sa inggit. hehehe.... mga bwakanginanyo, itinagay nyo ba ako?

Posted by batjay at 02:02 PM | Comments (0)

May 03, 2003

OYA NI KALDERETA...

LAAAAAASSSSSEEEEEERRRRRRRRRR SWORD!!!!!!

alam mong nakakaiyak na kanta para sa akin... yung CHICHI WO MOTOMETE (Seeking Father), ito yung ending song ng voltes v. tangna, everytime na lang marinig ko ito, nalulungkot ako. ewan ko kung bakit... mourning for a childhood lost, remembrance of a world when it was still school and a small village in novaliches, happy days when the family was still complete.

ewan, perhaps one of those reasons, or maybe all of the above. nevertheless, may maliit na pinong-pinong kurot akong nararamdaman. tulad ngayon, pinapakinggan ko ang kanta... bittersweet, melancholy, infinite sadness. hehehe... i'm 37 years old, and cartoon theme songs make me sad.

oh well... LASER SWORD!!!

p.s. oo nga pala, worth reading yung article ni jessica zafra: Who killed Voltes V? if you are my age, you'll understand what she is trying to say here.

USELESS KNOWLEDGE: jessica zafra is the filipina writer, well known for her "twisted" books. we have them all and re-read them from time to time. she also wrote the liner notes to binky lampano's record "i read the news" (buy it if you can). binky, of course, is the great bluesman rocker jet and i love to watch live (talk about soulful song renditions and binky comes into mind). binky (along with the jerks, tropical depression, the dawn, sampaguita, banyuhay, anak bayan and grupong pendong) performed in the benefit concert at bistro RJ to raise funds for the brain surgery of my brother. during the time he made this record, syota niya si CNN anchor, veronica pedrosa. may dedication pa nga kay veronica sa record... oh, and veronica used to introduce binky when he performs. kaya lang they split up many years ago and veronica is now the face jet and i always see when we watch the CNN evening news while eating dinner here in singapore.

ayan, from my childhood, martial law and voltes v, jessica, binky, veronica, cnn to jet and i in singapore - Six Degrees of Separation? hehehe...

Posted by batjay at 08:54 AM | Comments (0)

May 02, 2003

JAPANESE INVATION

ahhhh! Voltes V

Mga Kababayan, magsitago na kayo.... andyan nang mga Hapon!!!

ang title sa isa sa mga binabasa ko ngayong libro ay "ghost soldiers". it's about a little known rescue of a japanese POW camp in nueva ecija during the liberation of the philippines.

nabili namin ito ni jet nung MPH booksale. one week after buying it, nalaman ko na nagkaroon ng dedication ng memorial site doon sina ambeth ocampo at ang NHI. parang Synchronicity many times over - nalaman ko rin na isa na itong malaking hollywood movie na pinamagatang "The Great Raid". tapos, through reading an interview of Rex Navarrete (alala nyo pa ba si MARITESS vs the SUPERFRIENDS) sa isang diyaryo, nalaman ko rin na kasama si cesar montano dito bilang isang guerilla leader who helped the americans rescue the camp.

Synchronicity? Plaka ni Sting at ng Police - mga kanta rito: Synchronicity; Walking in your footsteps; Oh my God; Mother; Miss Gradenko; Synchronicity II; Every breath you take; King of pain; Wrapped around your finger; Tea in the Sahara

Posted by batjay at 04:40 PM | Comments (0)

Happy Labor Day sa inyong lahat PART 2

FROM THE STRAITS TIMES: Filipino nurse - likely the first foreigner here to die from Sars - died 30 minutes before his father reached the hospital.

THE father of the Filipino male nurse who died of Sars on Wednesday arrived in Tan Tock Seng Hospital (TTSH) 30 minutes too late to see his son alive. The nurses at the intensive care unit had told his 25-year-old son that he was on the way. But by the time the father reached the hospital, his son was dead.

FROM THE PDI: Filipino caregiver dies of SARS in Singapore

A MALE caregiver in Singapore became the third overseas Filipino worker (OFW) to die of SARS-related causes. The Department of Foreign Affairs confirmed Thursday that the 24-year-old nurse identified only by the initials JP died in a Singapore hospital on Wednesday night.

Bakit di nakaalis agad ang ama ng namatay sa Pilipinas? Mahigit dalawang milyong dolyar na courage fund para sa SARS releif, di man lang nagawang papuntahin sa Singapore ang ama para makita ang anak niya for one last time. Bwakang inang yan, Bwakang inang yan.

Posted by batjay at 08:50 AM | Comments (0)

May 01, 2003

Happy Labor Day sa inyong lahat!

"nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana... sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana..." posted by Jay David Tuesday, September 11, 2001

ito ang unang entry ko sa kwentong tambay... punong-puno ng lungkot, pagduda at indecision. umalis ako ng pilipinas pagkatapos ng labindalawang taon na pagtatrabaho. umalis ako upang mabayaran ang bahay at para makapag-ipon. sinimulan ko itong blog na ito sa unang buwan ng pagdating ko dito sa singapore. ang dahilan ng pagsusulat ay simple lamang: upang maibsan ang pag-iisa at pag-aalala.

pag nagsabi kayo ng "happy labor day" sa mga migrant worker na tulad namin, halo ang lungkot at saya ang aming nararamdaman. para kang kumain ng masarap na ginisang ampalayang may itlog: bittersweet. sa isang banda, ang pagpaparito ay nakakapagpaangat ng buhay pero sa isang banda ay malupit dahil malayo ka sa mga tao at sa bayang mahal mo.

si ibet, uuwi ngayon pabalik ng pilipinas upang makita ang kanyang ina for the last time. sina roland (classmate ko sa pagyoyosi), tolits, dodong, rodel at rex na nasa saudi, malalayo ngayon sa pamilya - puro kalyo na nga raw ang kamay nila eh. sama mo na ang milyong milyong mga pinoy na nagpapakaalipin sa ibang bansa upang makapag-aral ang mga anak, magkaroon ng maayos na tirahan, makatulong sa mga sangkatutak na kamag-anak at makapag-ipon upang makauwi tuwing pasko na may dala-dalang pasalubong kahit papaano.

sa inyong lahat na mga migrant workers at mga OFW... isang malutong na "happy labor day"!

FOR FURTHER READING: first blog my typical week one good turn the house and family i left behind jet's with me now, and i feel complete i am an OFW melancholy and the infinite sadness, no more

ah, oo nga pala, isang pagbati rin para sa mga nabubuhay dahil sa pangungurakot at paglustay sa kabang-bayan: MGABWAKANANGINANYONGLAHAT!

Posted by batjay at 02:54 PM | Comments (0)




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
The Susan G. Komen Breast Cancer Foundation

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
BUHAY OFW
CALIFORNIA DREAMING
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HEALTH
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
ORANGE COUNTY
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCHOOL
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TOP 10 LISTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".