Only the beginning of what I want to feel forever
ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet - seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers... bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang "ode to joy" ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.
tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet - chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga - ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don't know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.
isa sa mga all time paborito kong kanta ay ang "beginnings" ng chicago. ito yung 1970's chicago bago mabaduy nang mapasok si peter "yoursoyucky" cetera. ang kantang ito ay tungkol sa isang lalaking sobrang swerte ang tingin sa sarili niya dahil nakatagpo siya ng babaing mamahalin ng porebereneber. ito ang kanta ko ngayong taon kay jet.
When I'm with you,
it doesn't matter where we are,
or what we're doing.
I'm with you,
that's all that matters.
Time passes much too quickly
when we're together laughing
kahapon, nag grocery si jet para sa panglinguhan naming supplies at pagkain. tinawagan niya ako sa opisina at tinanong kung ano ang gusto kong pasalubong. sabi ko - "wala mylab, yung narito ka lang na kasama ako ay ok nang pasalubong para sa kin". kahit nga ako eh medyo naluha sa sinabi ko because i really meant it. hehehe. happy anniversary mylabopmayn. it's been an exciting 14 year trip and i look forward to more adventures together. lab u.
Comments
*hikbi..
every year ata akong umiiyak dito pagka anib nyo :(
Posted by: zork | May 25, 2005 02:04 AM
tumawag na ba ang jollibee or si mother lily para gawan kayo ng sine ni jet?
pag kinuwento ko yung kuwento niyo sa iba, hindi sila naniniwala...ako rin, kaya every year, bumabalik balik ako dito...
eto ang tagay para sa 7 pang makakating taon!
"you both deserve to be happy" God said, that's why you got each other for life!
Posted by: Junnie | May 25, 2005 02:12 AM
haaaayyyyy!!! how swet talaga! punung-puno ng langgam na naman itong puter ko!
happy 14th anniversary to both of you! kasabay pala ng anibersaryo nyo ang bertdey ng tatang ko. gara!
kuyang, siguro ka bang hindi ka pwedeng ipa-xerox? :D
Posted by: kiwipinay | May 25, 2005 02:43 AM
kakainlab!!!!!!!! kakainggit!!!!! kaka excite!!!!
Happy 14th Anniversary sa inyong dalawa ha...
kaka inspire!! haaaayyy...
Posted by: carol | May 25, 2005 03:44 AM
Bat and jet,
Happy Anniversary.
Dear unkel batjay,
may tanong lang ako ? Sabi mo single bed lang ang ginamit ninyo noong bagong kasal kayo. Sino ang sa ibabaw at sino ang sa ilalim kasi isa lang kasya diyan di ba?
HAHAHAHARHARHARHAR
Posted by: The Ca t | May 25, 2005 04:46 AM
Thank you for the 14 years.
And here's to another 14... and another... and another.
I love you, my love. Happy anniversary.
Posted by: Jet | May 25, 2005 05:04 AM
more years to come sa inyong dalawa :)
Posted by: DarkBlak | May 25, 2005 06:28 AM
nakaka-in-love talaga kayo! it's my first time to witness your anniversary, and i'm so happy for you. you're so inspirational!
Posted by: vangie | May 25, 2005 07:17 AM
batjay and jet,
happy 14th wedding anniversary
Posted by: jon | May 25, 2005 09:03 AM
Congratulations Perskasin and Perskasininlo! I'm so glad you guys are together again. This was a very sweet post. Kilig tuloy ako.
Posted by: Renee | May 25, 2005 10:14 AM
hi batjay! this is soooo sweet! pati yung post ni jet sa blog nya, ang sweet din! hala, langgamin na kayong 2 dyan! happy anniv, mate!
:-)
Posted by: Christine | May 25, 2005 10:24 AM
Waw! Hangswit! Happy 14th Anniversary! :D
Posted by: Angela | May 25, 2005 10:33 AM
sweeeeeet!
i can relate dun sa single bed. ganyan din kami ng partner ko ngayon, we're just starting and isa lang ang kama kaya pag nag-away bati din agad. pero come to think of it, pwede namang matulog sa sahig, siguro di lang talaga naming kaya na magkaaway ng magdamag.
happy aniv sa inyo!
Posted by: gail | May 25, 2005 11:13 AM
Batjay and Jet, Happy anniversary to you and here's to more years of happiness, adventures and bliss.
I loved the quote: "When you realise you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible."
Pwedeng pahiram? I hope to blog about this sometime soon ;)
Posted by: Yupki | May 25, 2005 11:54 AM
batjay!!! ang ganda naman ng sinulat mo. nakaka-inspire :)nakakatuwa kasi di lahat ng lalaki expressive pagdating sa pag-ibig. hehe.
happy anniversary to you and jet! here's to another 14 years of bliss...batiin kita ulit, after 14 years para madagdagan ko. hehe.
Posted by: favel | May 25, 2005 12:21 PM
iba ka talaga batjay.... lupet mo to the highest ever ..... congrats po ...
Posted by: niwre | May 25, 2005 01:05 PM
Happy Anniversary Bosing. I am so happy for both of you. Why worry about the future when you know and have the formula for happiness? i am just so glad I've become a friend to you both. We have happy times together which I hope will never last.
Posted by: rolly | May 25, 2005 02:06 PM
BATJAY, maraming maraming salamat sa iyo. Mabuti ang iyong kalooban, iyan ang totoong nakita ko sa iyo. Salamat, Batjay, alam mo naman siguro kung bakit.
HAPPY ANNIVERSARY too.
Posted by: Teacher Sol | May 25, 2005 02:36 PM
Kuya Batjay nakakapanibago ang entry na ito... pero napapansin ko na before na pag si ate jet na ang pinag-uusapan iba ang timbre ng sulat mo... sbi nga ni Alice Dixon.. "I can feel it!!"
Congrat sa inyong dalawa at sige dadalaw ako kay ate jet para mag-greet din... bottom's up sa inyong dalawa!! sana kami rin ng waswit ko! :oP
Posted by: karampot | May 25, 2005 03:52 PM
Boss Jay, Happy 14th! Nakaka-inspire ang buhay ninyo... :-)
Posted by: ManuelV | May 25, 2005 05:00 PM
happy anniversary sa inyong dalawa!
Posted by: AYEZA | May 25, 2005 05:45 PM
happy anib! kaka-inspire talaga story nyo.
Posted by: Apol | May 25, 2005 07:29 PM
Your entry was really heartwarming, Batjay. Sana kapag kami ni Dennis ay nag 14th year wedding anniversary, we'll share the same sweetness you and Jet have!
Posted by: toni | May 25, 2005 07:50 PM
i think i've said this on your blog many times. i see my parents in the two of you (minus the sex life. hehehe). they turned 45 years yesterday.
i think you and jet are well on your way. feeling ko 31 years from now i will still be visiting your blog (or whatever version is available in the future).
at kikiligin pa rin.
HAPPY ANNIVERSARY! :)
Posted by: jessie | May 25, 2005 08:36 PM
Happy anniversary! Sobra namang nakakalambot ng puso yung kwento niyo :)
Posted by: mona | May 25, 2005 09:37 PM
bigla naman akong nainggit...haayyy...ang ganda ng story niyo...
happi anniversari po!
Posted by: abe | May 25, 2005 09:59 PM
Kuya Batjay & Jet,
Happy 14th Anniversary!!!
Stay sweet and keep lovin' each other!
Posted by: Brigette | May 25, 2005 10:54 PM
Jay and Jet, Happy Anniversary. Habol pa ako! Sana maging masaya kayo as the years go by. :)
Posted by: Dr Emer | May 26, 2005 12:00 AM
sweet naman. happy anniversary po...more adventures to come...
Posted by: analyse | May 26, 2005 12:32 AM
hufee anibersareeeeeeeee to the sweteest kapol eber!!
we (eder and i, sino pa!) are thankful to have had the pleasure of knowing you guys, and even more thankful that you are as wonderful a couple as your love for one another. may you have plenty more sex...ehe, beautiful years ahead!!
Posted by: leah | May 26, 2005 12:40 AM
happy anniversary. i hope my marriage will remain sweet as yours for 14 long years and after. your story is truly inspiring and it goes to show that money is not what you need to make you happy but a partner in life who will stick with you no matter where the tide takes you.
i'm glad that i've come to know you and madam jet through the blogosphere.
Posted by: evi | May 26, 2005 02:50 AM
kuya batjay,
congratulations! napaka ganda naman yung entry ninyo! *wipes tears*
cheers to many, many, more years ahead! you guys make marriage look fun and easy. keep up the good work! may you guys always act like newlyweds!
Posted by: kat | May 26, 2005 03:29 AM
14 years of witnessing each other. Formula for successful marriage? Hmmm...make God the center of it.
Happy Anniversary to both of you.
Posted by: SuperManong | May 26, 2005 05:06 AM
Happy Happy sa inyong dalawa!!!
Posted by: AnP | May 26, 2005 05:33 AM
wow, how sweet naman is the lollipop...
happy anniversary to you and jet!
Posted by: misispi | May 26, 2005 05:46 AM
Happy Anniversary poe. It was nice to visit you and Jet's happy home
Dapat regaluhan na kayo ng Jollibee for the advertisement eh...;)
Posted by: ajay | May 26, 2005 08:22 AM
hello fafajay!
happy anniv to both of you. :)
Posted by: mari | May 26, 2005 08:25 AM
HAPPY ANNIVERSARY!
CONGRATULATIONS!
Grow Old with Me ... is our theme song.
Its a great song for couples who really love each other
Sabi nga ni SuperManong make God the Center of your marriage is the secret to a successful marriage
Visit our Marriage Encounter Community website - olapmec@bravehost.com
More Anniversary to come
Posted by: arenar | May 26, 2005 08:36 AM
kuya batjay! salamat sa comment. di ko lam me mg-aappreciate ng ganung ka-morbid na tula.
hapi 14th anniv po. kakatuwa yung entry nyo. pinagtyagaan kong tapusin. hehe... joke lang.
God bless.
Posted by: anders | May 26, 2005 08:42 AM
happy anniversary sa inyong dalawa. nawa'y biyayaan kayo ng mas lalo pang matamis na pagmamahalan at lalo kayong pag-adyain ng Diyos... (ako ba'to?) iba talaga pag si Jet ang topic, i agree. you sound normal ha ha joke lang... happy, happy anniversary to the both of you!
Posted by: bing | May 26, 2005 12:34 PM
happy anniv! naiyak ako...promise!
Posted by: glo | May 26, 2005 01:59 PM
Amen! Wa ako say....I know how much you luv each other! and I'm wishing both of you a more wonderful years together! Luv u both!
Posted by: Lynne | May 26, 2005 03:12 PM
batjet!
bonne anniversaire po! mag-schedule ako ng blowout sa no signboard para senyo ha, tapos bigay ko na din yung long-delayed gift namin ni amor senyo na lucky bamboo!
miss ko na kayong 2 ah!
Posted by: periodista | May 26, 2005 04:19 PM
congrats unkel bat jay sana marami pang pag ibig ang kaligayahan darating sa inyo ni mrs bat jay
Posted by: schatzli | May 26, 2005 05:11 PM
wow, you've come a long way beybi pala kayo ni auntie jet, ankle b! galing-galing! happy anniversary to you! may you have many, many more happy years together! :-)
Posted by: petite | May 27, 2005 08:57 AM
huli man daw at magaling, usad pagong parin ... kahit two days late ako, happy anniversary bossing batjay and jet! :)
Posted by: bambit | May 27, 2005 12:00 PM
Dear Jay and Jet,
Happy Honeyversary senyong dalawah!
from pagkabisi-bising dengky,hehehe!
Posted by: miel | May 27, 2005 02:24 PM
matagal na rin akong nagbabasa ng mga kalokohan at kalibo-gan mo at napansin ko na wala ka pa yatang naisulat tunggol sa anak niyo ni jet. i think this is the right time to ask you, since labing-apat na kayong kasal - may baby na ba kayo? kung wala pa, may plano pa ba kayong magkaroon ng anak? anyway, happy 14th anniversary and hope to see both of you in the MRT.
Posted by: Margarita Holmes | May 27, 2005 03:44 PM
Congratulations to both of you!
All I can think of right now is: Ahhh, true love!
Oh...and also: Tama ka, mas gusto ko rin ang Chicago pre-Peter (yooursoyucky) Cetera. At perfect talaga ang kantang "Beginnings" para sa inyo. Naku, naiiyak na naman ako sa tuwa at kilig -- uhu uhu uhu. Seriously :)
Posted by: Gigi | May 29, 2005 11:10 PM
dear onkel batjay,
napakaganda ng inyong lablyf. for richer or for poorer, in sickness and in health...mga bagyong dumaan at dadaan pa ay inyong nilampasan at lalampasan pa.
here's more blessings to a wonderful couple!
Posted by: justice | May 31, 2005 12:56 AM
till death do us part. salamat sa bati ate justice. more blessings din sa pamilya mo.
Posted by: Amoy Bagong Labang BatJay Bikini Brief | June 3, 2005 11:29 AM
thanks for the bati, st. gigi. after this post, bigla tuloy akong napabili ng greatest hits ng chicago and have been listening to "beginnings" almost everyday. it is a great song.
Posted by: BatJay, Ang Elvis ng Quiapo | June 3, 2005 11:32 AM
boss dengx!!! kamusta ka na? tagal na nating pinaplano - kailan ba tayo mag kakaraoke? ngyehehe. maraming salamat sa bati mo!
Posted by: Captain Kupal | June 3, 2005 01:06 PM
hi bambit. maraming salamat sa bati. medyo late din ang pag reply. naiwan kasi't ang daming bumati. iniisa isa ko ang sagot ngayon. ingat!
Posted by: Darnita, Ang Batang Darna | June 3, 2005 01:13 PM
oo nga boss petite. a long long way we've come. thank you sa bati. sana kayo rin ni mark ay porebereneber. AMEN.
Posted by: Elvis BatJay | June 3, 2005 03:49 PM
maraming salamat schatzli. sana rin pag-ibig at kaligayahan din para sa inyong mag-partner. ingat!
Posted by: Fr. BatJay | June 3, 2005 03:50 PM
maraming salamat sa bati. kailangan ma-schedule mo na ang blowout mo sa no signboard. we just got word today that jet passed the california board examinations sa nursing.
miss na rin namin kayo. musta na lang.
Posted by: General Kuryente | June 3, 2005 04:11 PM
salamat sa bati lynne. maraming salamat din sa lahat ng ginagawa mo para sa amin. bait bait mo talaga.
Posted by: Isip Bata | June 7, 2005 04:21 PM
ate glo maraming salamat sa bati. bakit ka naman naiyak? naiyak tuloy ako dahil naiyak ka.
Posted by: Jay The Vid | June 7, 2005 04:35 PM
salamat sa bati bing. siyempre 14 yr anniversary, kailangan special ang entry. ingat!
Posted by: Kapteyn Barbell | June 7, 2005 04:47 PM
anders,
maraming salamat sa bati at sa pagbasa ng blog entry. alam ko naman maikli lang attention span ng mga bagets.
Posted by: Libag King | June 7, 2005 04:57 PM
hi arenar.thanks for the greetings. ingat! jay
Posted by: Mr. Uranus | June 7, 2005 05:34 PM
thank mari. salamat sa bati. kain tayo pag uwi namin next month.
Posted by: November Ulan | June 7, 2005 05:37 PM
thanks AJay. sorry at medyo na late ang reply ko. i hope to see you all again pag uwi namin. huwag na sa antipolo para di kayo masyadong mahirapan. ingat!!!
Posted by: Oplan Kulangot | June 9, 2005 06:16 PM
thanks for the bati, misisp. i haven't read any new blogs from one of my peborit bloggers. how are you? busy ka ba dahil opening ng school?
Posted by: Pedro Penduko ng Singapore | June 9, 2005 06:21 PM
Maraming Salamat sa Bati Melissa - Sorry at huli na ang sagot ko pero its utot that counts naman di ba?
Posted by: Quixote Don | June 9, 2005 06:24 PM
hi super manong. thank you sa bati. ang formula for successful marriage? love each other.
Posted by: Rocker BatJay | June 10, 2005 04:41 PM
hi kat.
thanks for the greetings. sorry if it took this long for me to reply. it's not fun and easy all the time but it is most of the time. i hope you and your husband have a great marriage as well.
ingat! jay
Posted by: Super Supot | June 10, 2005 04:44 PM
hi evi.
sorry for the late reply. thanks very much for the greetings. oo nga, jet and i have gone through a lot. 14 years... that's a long time. but not as long jet's parents who celebrated 52 years together recently.
good luck - i hope your marriage last a million years.
Posted by: The Circumcised Tambay | June 10, 2005 04:50 PM
salamat sa bati leah. sorry at nahuli ang pagsagot... oo, mas marami ngang sex ngayon. hehehe. ayos!
Posted by: Mr. Uranus | June 10, 2005 05:16 PM
hi analyse. thanks you - sana nga mas maraming adventures
Posted by: Victory Joe | June 10, 2005 05:18 PM
hi bridgette. thanks for the greetings. don't worry, we'll stay sweet. sorry for the late reply. i got a ton of mail and am just starting to clear them. hirap when work gets in the way of blogging
Posted by: Water Loo | June 10, 2005 05:21 PM
salamat sa bati abe. bata ka pa naman yata, may makikilala ka pa naman siguro na magmamahal sa iyo ng tunay. pag wala, piliin mo na lang ang pinakamaganda. hehehe. ingat!
Posted by: Xavier Da Propesor | June 10, 2005 05:23 PM
hi mona.
sorry for the late reply - pero better late than later ika nga nila. SALAMAT sa iyong pagbati. malambot pa rin ba ang puso mo?
Posted by: YagBa | June 10, 2005 05:25 PM
Hi Jessie Bell.
musta ka na? sorry at natagalan ang reply. natabunan ang post na ito dahil daming nag comment. ngayon ko lang nababalikan. Happy Anniversary din parents mo. oo naalala ko ang mga kwento mo sa kanila - how cool they are kahit medyo may katandaan.
Ingat na lang sa iyo at maraming salamat ulit.
Posted by: Zuma, Ang Lalaking May Sawa sa Singit | June 10, 2005 05:28 PM
pre,,Happy Anniversary s inyo ni Jet.Ingat and God bless.
Posted by: eder | December 6, 2005 07:27 AM
maraming salamat pare. next year pa naman ang 15th year namin. sana makauwi kami para makadaan diyan sa singapore. miss na namin kayo. wala nang tumatawag sa akin para mag nasi lemak o kaya magpunta sa east coast park.
Posted by: Ang Kilabot ng mga Kolehiyalang Matrona | December 6, 2005 03:15 PM