« DENGCOY MIEL SA PHILIPPINE STAR | Main | HELLO, I LOVE YOU LET ME JUMP IN YOUR GAME »
July 22, 2004
ITANONG MO KAY BATJAY
dear uncle batjay,
bago ko ilahad ang aking tanong ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ni ate jet, sampu ng inyong mahal sa buhay ng isang magandang umaga. ito pa ang aking mga tanong: ano ba ang masama sa pagiging supot? bakit minamaliit ng ga pinoy ang mga supot? at saka nga pala, kundi ako nagkakamali, lahat ng members ng F4 are uncircumcised. di ba maraming mga chinese dyan sa singapore? o kaya yung mga puti dyan. mga supot naman yung mga yun. hahaha.
nagmamahal,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
maraming salamat sa pagsulat mo sa akin. dati rin akong supot kaya malaki ang maitutulong ko sa iyo. hayaan mong sagutin ko ang mga katanungan mo. ano bang masama sa supot? wala namang masama sa supot. except saksakan ng dami ng kupal nya kung hindi siya maglilinis ng titi araw-araw. in other words, smegmatic.
cultural na lang siguro ngayon kung bakit nagpapatuli ang mga lalaking pinoy. tulad ng mga tubong south east asia - nung una, para sa kalinisan siguro. ngayon parang rite of passage ng lang. a test of boldness and courage, so to speak. it is a man's proof that he has indeed, become a true man. kaya nga supot ang tawag sa mga duwag sa pilipinas eh. base sa aking masigasig na research (tinanong ko ang asawa ko), preferred din ng mga kababaihan ng pilipinas ang circumcised. siguro for the same reasons. at siguro din, ayaw nilang nakakakita ng supot dahil naaalala nila ang mga titi ng baby. cradle snatching psychological ek-ek siguro ano? isa pa, iba talaga ang hitsura ng titing supot - parang ice candy na nilagyan ng bonnet. naku, kasagwa!
kung supot ang mga members ng F4 eh malas nila kung pinay ang titingin at hahawak. dito sa singapore ay maraming supot. mga intsik, puti at lalo na ang mga bumbay. malamang ay sangkatutak ang kupal nila dahil marami rito ang hindi naliligo.
yon lang muna. naway, may natutunan kang kaunting kaalaman, gentle reader. ingat na lang diyan at parati mong tandaan. tuli man o supot, nasa pag gamit yan.
nagmamahal,
batjay
Posted by jayd at July 22, 2004 12:00 PM
Trackback Pings
TrackBack URL for this entry:
http://www.nicanordavid.com/movabletype/mt-tb.cgi/3953
Comments
Aba, meron ka na ngayong 'dear uncle batjay corner'... parang Miss Manners.
O kaya, 'isumbong mo kay Tulfo'
O kaya, 'dear Dr. Holmes'
hehe...:)
Posted by: Jet at July 22, 2004 01:44 PM
O kaya dear xerex.
hehe.... hallo mylabopmayn.
Posted by: BatJayangDatingGRO at July 22, 2004 01:45 PM
there was even a 'sex in the city' season 2 episode that could answer your question extensively.
women prefer the damn things trimmed. basta.
Posted by: mona at July 22, 2004 03:57 PM
di naman ako contra. i also like that damn thing trimmed. eh oo nga pala, what's you reason? is it the aesthetics?
Posted by: BatJayAngPrataPapa at July 22, 2004 04:57 PM
sagwa tingnan kapag smegmatic.
Posted by: mari at July 22, 2004 07:01 PM
Baka pag di trimmed di ko makilala hahahahaha *pa naive*
Posted by: Ate SharoN at July 22, 2004 07:12 PM
Teka muna, matanong kita Mang Batjayman gaano kasakit ang magpatuli? Traumatic ba? Mangyari ay pinag-iisipan namin kung ipapatuli ang aking panganay. Eh sa mga nakita kong medical arguments eh parang hahayaan ko na lang siyang mag decide. I don't want to impose something on him that *might* be too painful as in traumatic. Baka hindi na tuloy manligaw ang utoy ko. Hehehe! [nagdadasal - huwag muna sana!]
Posted by: celia kusinera at July 22, 2004 08:26 PM
hi mari. smegmatic? masagwa bang tingnan sa adult na pototoy? oo nga, sabi nga ni ate sharon di niya makikilala. hehe. ako rin di ko makikilala ang pototoy ko kung magising na lang ako isang umaga na bumalik ako sa pagkasupot.
Posted by: Malandi Si BatJay at July 22, 2004 08:49 PM
celia kusinera. ayan, may tanong ka na naman kay uncle batjay. sasagutin kita ng mahaba sa next blog. hehe.
yan ang gusto kong mga tanong... mga personal na masakit. aray.
ang tanong, gaano kasakit ang magpatuli... hmmm, i had mine before third grade. that was 28 years ago. it hurt a bit. like love. kasi love hurts. hehe.
Posted by: batjayHINDIsupot at July 22, 2004 08:53 PM
Uy, meron ka na rin palang advice section. Tamang-tama, may mapupuntahan na ko next time i need some advice. Sa ngayon wala pa naman akong problema kaya makikibasa na lang muna ko sa mga tanong sayo.
Teka, you mentioned Xerex. Baka kilala mo ung paborito kong writer ng mga advice na tulad nito. Si Xaviera Hollander ng "The Happy Hooker" books. Dami kong natutunan sa kanya nung high school pa ko. Kasabayan nya ung isa ko pang paborito, si LInda Lovelace. Yung mga libro nila ang pinagsimulan ko para magbasa e. :-)
Posted by: rolly at July 22, 2004 09:42 PM
langya tito rolly, ang dami mong ipinaalala sa akin, nagsesenti tuloy ako rito. siyempre kilala ko si Xaviera Hollander dahil batang penthouse din ako. hehe. i read it not for the stories but for the pictures. hehehe. paborito ko kasi yung forum, kahit parang imposible ang mga kwento doon. hehehe.
nagbabasa rin ako ng bedtime na bili sa quiapo. na i-blog ko nga yon eh. eto punta ka sa luma kong entry... CLICK HERE: "bedtime" ang paboritong erotica ni batjay
Posted by: BatJay at July 22, 2004 09:49 PM
mon cher batjay,
balahura ka talaga!
mais je t'adore!
Posted by: mavic at July 22, 2004 09:59 PM
Bonsoir Mavic.
trop de balahura. trop!
au revoir!
Posted by: Malandi Si BatJay at July 22, 2004 10:35 PM
Cher batjay,
Super bilis mo namang sumagot!
Psensya na sa term na ginamit ko ha? Lambing ka lang sa yo yan. Kung na-offend ka, sorry.
Sabi ko nga... je t'adore.
Posted by: mavic at July 22, 2004 11:18 PM
no problem. maganda ngang endearing term ang balahura. yan ang mga type kong salita eh.
Posted by: BatJay at July 22, 2004 11:29 PM
i think it's a cultural thing. saludo ako kay celia kusinera kase bibigyan nya ng choice ung anak nya kung ano ang preference.
ayon sa mga nabasa-basa ko, the more sensitive areas you have the more pleasurable the sex. eh kung tuli ka na eh di bawas na ung sensitive spots mo hmmm eh di bawas din ang pleasure. tsaka parang may natural lube ka na rin dahil sa extra skin, madali na cyang mag-glide. hmmm may katwiran. hehehe.
turuan lang ng cguro ng proper hygiene ang guys para dala nya hanggang pagtanda.
batjay, mayroon bang reverse-tuli?
Posted by: rodge at July 23, 2004 01:28 AM
mang batjay, bakit ba lately eh, obsessed ka sa male private parts? hehe... alam mo, may nakikita akong loophole dun sa theory mo na rite of passage sya to prove courage ekbalu. dahil kung ganito nga, bakit pinapatulian ng karamihan ng mga pinoy parents ang kanilang anak habang sila ay bata pa? yung iba, right after birth pa nga. makatarungan ba naman yon? hindi ba MUTILATION ang tawag don? at sa isang taong walang choice at walang kalaban-laban? ano sa falagay mo, kuya eddie...este, mang batjay?
Posted by: ruth at July 23, 2004 05:26 AM
Sa totoo lang...napaka nitong mga latest posts mo about "men's" alam mo na...Tapos, ang lakas pa naman ng imagination ko...sa line mo na "madaming di naliligo kaya malamang sangkatutak na ang *toot* nila"----naman-naman! :-)
Posted by: Justice at July 23, 2004 06:40 AM
fafa rodge! cultural nga at saka influence ng society - nung lumalaki ako sa amin sa novaliches, every summer mayrong nagpapatuli sa neighborhood namin. ang laki ng influence ng barkada dahil pag time mo nang magpatuli at di ka nagpatuli - naku, ang mamamatay ka sa alaska.
was it a matter of choice? for us in our neighborhood, it was. dahil our parents made us decide when to do it. that it had to happen it was a foregone conclusion - you never wanted to be ridiculed and become uniquely supot among a sea of circumcised.
looking back mutilation nga ano, ruth. pero it has to happen for us. oh yes, it was a rite of passage. parang frat initiation. and my we really looked at it as a transition. especially for me, it was after my tuli that i wore underwear. hehehe. binata na raw kasi.
yung mga parents na nag decide for their children eh they must have their reasons.
o sige, maglalakad na ako. mamaya na lang ulit.
Posted by: BayJayHindiKupal at July 23, 2004 06:44 AM
batjay, teka sabi mo di ka nag-underwear nung di ka tuli? ano gamit mo? sobra atang personal ng tanong ko ano! ignore, ignore!
Posted by: Christine at July 23, 2004 08:20 AM
before last week nung nagpatuli ako, eh wala akong underwear. diretsong suot na lang ng pantalon. hehehe. hindi, joke lang.
seriously, prior to my tuli nung 10 years old ako? wala akong underwear. diretso suot ng shorts. ganon naman kaming lahat nung araw ng mga kalaro ko. kaya hanggang ngayon pag nasa bahay lang ako, di ako nagsusuot ng underwear. shorts lang. sarap kasi eh.
Posted by: BatJayAliasElvisNgQuiapo at July 23, 2004 08:35 AM
hi justice.
naku sorry. sabi nga ni ruth puro tungkol raw dito ang mga posts ko lately. iibahin ko naman. mamaya tungkol naman sa pwet. hehehe.
ingat!
Posted by: BatJay at July 23, 2004 08:50 AM
sa palagay ko, it's a culture thing. i don't regard it as mutilation. depende sa viewpoint mo. example sa africa, yung mga locals dun naglalagay ng plates (plates nga ba tawag dun?) sa tongue nila-girl man o boy. may nakita din ako sa ears nila. palakihan ng butas sa ears at sa tongue. kung sa pananaw ng iba (pinoy man o hindi), pwedeng sabihin na may bahid ng mutilation yung mga acts nila. pero sa kanila, it's a culture thing. ganun din sa atin, circumcision is a culture thing.
i have two boys at ayokong maging supot sila. nevah!
Posted by: mari at July 23, 2004 09:41 AM
amen!
culture thing nga. mayron nga akong nadaanan na website na may topic tungkol sa tule sa india. apparently sa kanila naman ay baligtad - majority ng tao doon ay supot at pinagtatawanan naman nila ang mga tinule.
try to read it - CLICK HERE: Circumcision in India
Posted by: BatJayAliasElvisNgQuiapo at July 23, 2004 10:13 AM
okay ang mga testimonial ng mga bumbay. may namention dun about a camp full of smegmatics, does it really stink that bad? i wouldn't wanna know. dios mio!
thanks for the info. medyo scared din ang mga boys ko sa circumcision. mukhang masakit daw, bakit daw di na lang sila naging girls =(
di kasi ako masyado marunong magexplain ng procedure eh. alam ko lang mga beauty tips.
Posted by: mari at July 23, 2004 10:34 AM
anong supot?
sori gud bisaya man gud ko
supot = cellophane?
Posted by: AYEZA at July 23, 2004 12:07 PM
ano naman po yung sungaw?
Posted by: paulding at July 23, 2004 12:13 PM
mari - di ko alam, di pa ako nakaka kita ng kupal sa actual eh. puro mga litrato lang.
ano ba sa cebuano ang supot? lubot? hehe... pwet pala yon. teka lang ayeza ha, nakalimutan ko na eh. magtatanong ako sa kaibigan kong bisdak.
ano ba ang saungaw? naku magandang tanong yan. ang SUNGAW, bow.
SUNGAW = tinuli na but for one reason or another ay bumalik sa pagkasupot.
Posted by: BatJayAliasElvisNgQuiapo at July 23, 2004 01:44 PM
Supot na ba kayo??
lol
Posted by: Monte at July 23, 2004 02:15 PM
hahaha! pwede ba mangyari yun? bakit.
Posted by: mari at July 23, 2004 02:26 PM
siguro mga botched na operation. kasi nung araw di ba, sa probinsya, itak lang ang ginagamit. pag mali ang paghiwa, babalik sa pagkasupot. patay.
Posted by: BatJayAliasElvisNgQuiapo at July 23, 2004 02:31 PM
hi monte. kaka patuli ko lang. magpatuli ka na rin gaya ko!
Posted by: BatJay alias Prata Papa at July 23, 2004 02:32 PM
I agree with Rodge and Ruth.
Hindi lahat ng 'intacts' , stink.
E oui, kawawa naman yung mga babies na walang laban. And usually me complications, kundi naman, since super liit ang foreskin ng babies, sumosobra ang putol. There! He'll have problems pagdating sa erection. So, he'll probably undergo another operation.
Others say na "tuli lang yan, di masakit!". Well, a 'painless operation' doesn't exist.
Why don't we just let these boys decide for themselves? They can always have their 'zizis' circumcised later (if they really want to).
:)
Posted by: mavic at July 23, 2004 10:11 PM
Yung mga bumalik (sungaw?), mali ang paghiwa nun, o kaya, masyadong maliit ang hiniwa, hindi nakumpleto.
Ako, ayoko na ng tuli unless me medical indication (gaya ng phimosis). Alam nyo na bang ang Ospital ng Maynila ay against na dyan? Sometime in 2002 me memo sila, wala nang Operation Tuli within or outside of the hospital.
Kaya ko inalis sa pinas ang mga totoy ko, ayoko ma-traumatize sila sa panunukso ng supot. Dito, ala lang yun...
Be educated na, Pinoys. Read this article:http://www.mothering.com/10-0-0/html/10-1-0/10-1-circumcision85.shtml
Napaka-valid ng arguments nya (kung itatanong mo kung bakit ko nasabi, doktora kasi si Manang, FYI. Di sa nagyayabang, gusto ko lang bigyan ng credibility ang views ko on the subject).
In the spirit of enlightening our minds...
Posted by: Manang Kusinera at July 24, 2004 12:22 AM
hi mavic and manang kusinera!
oo nga agree ako na dapat the child should choose eventually what he wants to do with this dick. in my case, as i've said - ako mismo ang nag decide. i wanted it to happen and my parents didn't force it on me.
it's a cultural thing as i've said. most pinoys like to see circumcised dicks ma lalake man or babae. but a lot of pinoys also don't mind and it still is ok. in other parts of the world, people would mind seeing mutilated penises. to each his own, so to speak (both in the literal and figurative sense).
and now i'm off to the land down under. cheers!
Posted by: batjayHINDIsupot at July 24, 2004 10:44 AM
Para po sa mga tuli, nangamatis din ba ang butotoy nyo ng nagpatuli, normal yata yun? Bosing Batjay, Uso na ba ang GERMAN CUT nung panahon mo? o MArtial Law cut ang uso? May iba pa bang style ng tuli?
Posted by: xhean at July 24, 2004 10:57 AM
Ibang klase ang religious ritual para sa circumcision ng Orthodox Jews na ginagawa nila according to strict Talmudic Laws. According to those laws, the man who circumcises the infant, the mohel, must suck the infant's bleeding penis with his mouth.
Here's the link:
Posted by: xhean at July 24, 2004 12:52 PM
pusa...supot si vaness? DI NGA!?!?! shet naman...
Posted by: Gulaman Girl at July 27, 2004 02:08 PM
ang kuya ko sumabay sa akin magpatuli kase nung time na dapat papatuli sya sabay ng barkada nya eh nangamatis yung mga "junjun" nila kaya natakot ang loko, a year after, ako na nakasalang, nagtatapang tapangan para matalo ko kuya ko, eh ayaw patalo ng hudas at nakisabay na din hehehe si kinasamaang palad pareho kaming nangamatis hahahahahahahah (though we did it in the hospital) ewan ko ba naman kase sa tatay ko at kung anu-anong dahon ang nilaga at tapos pinan langgas sa amin yon tuloy nangamatis hahahahahahaha...
whew those were the days.. sino ba dito naka abot ng FQS?
Posted by: greenkingstone at July 30, 2004 03:12 PM
http:/groups.msn.com/CIRCUMCISEDGUYS
We worship circumcised cock
Posted by: KutKat at January 4, 2005 01:30 AM
dapat talaga tuli ang mga lalaki. hay naku, aayawan k lng ng mga babae. biruin mo ang dumi dumi ng etits mo? kahit ba linisin mo ng linisin un e. mabaho p rin un. d tulad pag tuli k. oy, F4 d pa talga tuli? naman? ano kaya reaksiyon ni san chai? bwe he he!!!
Posted by: pong at September 10, 2005 01:28 AM