August 28, 2005
ORANGE COUNTY HOME
Posted by jayd at 09:56 PM | Comments (2) | TrackBack
August 25, 2005
The other day when I was walking through the woods, I saw a rabbit standing in front of a candle making shadows of people on a tree
pag uwi ko kanina may maliit na kuneho na tumalon malapit sa paradahan ko ng kotse. muntik na akong mahimatay sa takot. akala mo nga eh may magic show. cottontail ata ang tawag sa kanila at marami nito sa opis namin pag gabi. kung minsan nga eh nasa isang location lang silang lahat - isang barkada ng mga kuneho na nakatambay. nakakatakot nga, lalo na pag lahat sila ang nakatingin sa iyo. parang may malevolence sa kanilang mata, lalo na pag nasikatan ng head light. iba na talaga ang mundong ginagalawan ko. nung nagtatrabaho ako sa pilipinas ang nakikita ko lang na kuneho ay yung nasa candy. pilit ko ngang hinabol yung gumulat sa akin na rabbit kaya lang sobrang bilis ang takbo ng lekat. pakiramdam ko, para akong si alice na nakikpag habulan down the rabbit's hole, papunta doon sa wonderland tea party. should i take the red pill?
Posted by jayd at 07:41 PM | Comments (14) | TrackBack
August 24, 2005
The boldness of asking deep questions may require unforeseen flexibility if we are to accept the answers
T: nagpa sex change ka ba talaga unkyel batjay?
S: hindi gentle reader, may bisita lang kami for dinner bukas at kailangan daw akong magsuot ng presentable clothes.
T: gaano na kayo katagal sa amerika?
S: three weeks and four days.
T: kamusta nang accent mo?
S: hindi na siguro mababago ito - carabao english pa rin na parang kambing na utal.
T: anong pinoy bad habit mo ang gusto mong matanggal diyan sa amerika?
S: ang magturo gamit ang nguso pag may nagtatanong sa akin ng directions. hindi ito naiintindihan ng mga amerikano. akala siguro nila eh gusto ko silang halikan.
T: tumaba ka ba simula ng lumipat sa america?
S: pumayat.
T: paano mo nasabi?
S: lumuwag kasi ang mga pantalon ko tapos mas nakikita ko ang titi ko ngayon pag umiihi.
T: kamusta weather diyan sa southern california?
S: summer. mainit. pero tuyo pa rin ang singit ko. wala kasing humidity.
T: eh di hindi amoy keso?
S: ang singit ko? hindi. tuyo nga eh.
T: ano amoy niya ngayon?
S: ng singit ko? parang paksiw na hasa-hasa na lang.
T: nagsisimba ka ba diyan sa amerika, unkyel batjay?
S: hindi, natatakot kasi ako at baka may masabi akong masama sa pastor, eh baka ipa assasinate ako.
T: si pat robertson ba ang pinupuntirya mo?
S: oo, gardenget. pro life daw siya at against abortion pero gusto naman niyang magpapatay ng taong iba ang paniniwala sa kanya. dapat siya ang bigyan ng sex change.
T: do you feel homesick?
S: hindi na masyado. masy TFC kasi kami sa cable at parati kong naririnig si kris aquino na sumisigaw ng "KEEEEE-WRECK!"
Posted by jayd at 06:51 PM | Comments (10) | TrackBack
August 23, 2005
"Ha ha! Look at this country! U R Gay! (looking at Uruguay on the globe)."
Posted by jayd at 05:52 PM | Comments (35) | TrackBack
August 22, 2005
You haven't lived until you've died in California
interview with a friend after coming to america for the first time...
KAIBIGAN: nagpunta ka ba sa amerika?
BATJAY: oo pre, kakarating ko nga lang.
KAIBIGAN: saan sa amerika ka nagpunta?
BATJAY: sa california.
KAIBIGAN: ano nakita mo roon?
BATJAY: kalye pare, putangina, puro kalye.
dahil nga puro kalye rito sa california eh kailangan may kotse ka kung gusto mong mabuhay. para makabili ka ng kotse, kailangan mayroon kang insurance. para makakuha ka ng insurance, kailangan mayroon kang california driver's license. para makakuha ka ng california driver's license, kailangan mayroon kang social security number. nakuha ko na ang aking social security number last thursday. ito ang ginamit ko para makakuha ng driver's exam kanina. dalawa ang mali ko sa written exam pero, aleluya preys bitugad dyeee-suz, pasado naman. may license number na ako na pwede kong gamitin para makakuha ng insurance. may nakausap na akong insurance company kaya kapag may available nang kotse this week, mai-uwi na namin ito. kapag nakuha yung kotse - ayan, masaabi ko ng tunay na kaming residente ng kalipornya. AMEN.
pinoy nga yung nag check ng exam ko sa DMV. mabait ito at matulungin. tinanong pa nga niya sa akin kung taga saan ako sa pilipinas. medyo natulala ako kasi di ko agad ma-associate ang bayang magiliw sa empleyado ng department of motor vehicles ng america. it took me a while to say na taga antipolo ako. isang dahilan kung bakit masarap dito sa california? kahit saang sulok may noypi at yung iba sa kanila ay matulungin.
mahirap ba yung driving exam? hindi naman. may mga trick questions pero karamihan ay practical at common sense questions. may online pa na tutorial sa DMV website at karamihan sa mga tanong dito ay lumabas doon sa actual test. halimbawa ng tanong:
kung ikaw ang liliko sa kanan at may tumatawid na matanda, ano ang gagawin mo?
A. sasagasaan mo tapos aatrasan para siguradong patay at pagkatapos ay tatakbo ng mabilis para di mahuli ng pulis
B. hihinto ka sa harap ng matanda, bubusinahan, sisigawan at mumurahin para maglakad ito ng mas mabilis
C. hihinto ka dahil ang pedestrian ang may right of way at all times.
no brainer ano?
Posted by jayd at 07:44 PM | Comments (16) | TrackBack
August 21, 2005
The doors we open and close each day decide the lives we live
pinapakita ng mga litrato rito ang unang dalawang linggo sa buhay namin ng aking mylabopmayn jet sa amerika. pakiramdam ko eh napakatagal na namin dito kasi ang dami ng nangyari - from the EB that we did at redondo beach the sunday after we arrived, going to work, finding an apartment, buying furniture, dinner at our friend's house to our company picnic last week.
to mark our move to southern california, gumawa ang ninang kong Ate Sienna ng bagong "kwentong tambay" template. masarap talagang mayroong kaibigan ano? nauutangan mo na, naigagawa ka pa ng design para sa website. kung gusto nga pala ninyo ng libreng template para sa mga blog sites ninyo, bumisita lang kayo sa Manilena Dot Com. you can download the templates there for free. ayaw magpasingil ng ninang ko kaya kung nagandahan kayo sa ginawa niya at gusto ninyong mag donate, padala nyo na lang sa akin ang pera. hehehe.
Posted by jayd at 10:44 PM | Comments (18) | TrackBack
August 18, 2005
I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel
dalawa at kalahating linggo na ang nakaraan pagkatapos naming bumaba sa eroplano at patuloy na ang pag usad ng aming buhay california: dumating na yung inorder naming sofa ngayong hapon. tapos na ring ma asembol lahat ng "build it yourself" furniture na binili namin. my days as a carpenter are finally over at mukhang tahanan na ang apartment namin. masarap talagang mag home improvement project dahil mayroong pride at feeling of accomplishment pag nikikita mong nakatayo na ang ginawa mo. in total mayroon na akong isang dining room showcase, tatlong aparador, isang tv stand, dalawang bedside table, isang shoe rack, apat na paltos, isang daliring tinamaan ng martilyo, dalawang gabing mainit ang ulo, magkabilang paa na nabagsakan ng mabigat na kahoy, isang sugat na malapit sa pulso and a partridge in a pear tree.
ang isa pang good news ay nagkaroon na ako ng social security number. nagpunta nga ako sa social security office the other day para kuhanin ito. dumating ako ng lunch, just in time to watch 2 filipinos fighting. isang pinay na nagpa process din ng kanyang social security ay sinuway ng isang pinoy na security guard sa pag gamit ng cellphone. nagkasagutan sila dahil nainsulto ang babaeng nasaway, sinabihan ang pinoy na security guard na nagyayabang lang ito at gustong mag power play doon sa opisina. ayun, nagkapikunan at nagtalo talo. sa excitement ko nga eh muntik na akong sumigaw ng - "kung talagang matapang ka, sige nga - hawakan mo nga ang tenga".
naka encounter na rin ako sa wakas ng mga naririnig ko lang sa mga kwento - that in some cases, we don't give any quarter to our own here in the states. ewan ko, siguro naive lang ako sa sex at sa takbo ng buhay dito sa amerika. siguro, punong puno pa rin ako ng pinoy sensibilities. if i was the security guard, i would have probably talked to the lady in tagalog and said in a low and friendly voice na may kasamang matamis na ngiti: "miss maganda, bawal po ang cell phone sa social security office, baka po pwedeng patayin habang narito kayo" instead of "PLEASE TURN OFF YOUR CELLPHONE MA'AM. I REPEAT, DO NOT USE YOUR CELLPHONE HERE".
Posted by jayd at 10:45 PM | Comments (14) | TrackBack
August 17, 2005
A peasant will stand on the top of a hill for a very long time with his mouth open, before a roast duck will fly in
dear unkyel batjay,
mayroon po akong tru-to-layf story. nakakahiya mang aminin e nangyari din po sa akin na umalis ako sa bahay na bukas ang zipper. horror story talaga ito na halos kaparehas ng open zipper story na nangyari sa iyo. ano pa magagawa ng byuti ko e huli na nang malaman kong kita nila ang bikini kong itim?
maraming salamat at gumagalang,
gentle reader
dear gentle reader,
actually, nangyari na rin sa amin yan during one homeowners meeting sa subdivision namin sa novaliches. may isang manang doon na naka duster ang nagtaas ng paa sa silya. nakita tuloy ng lahat ang bikini niyang itim. nang maglinaw ang aming pag-iisip after the initial shock, napansin namin na hindi pala ito bikining itim - wala pala siyang panty.
naikwento ko ito sa iyo gentle reader, dahil may aral ang bawat pangyayari sa ating buhay. sa pagkakataong ito, ang moral lesson ay: "hindi lahat ng bikining itim ay tutuong panty". yon lang muna at salamat sa pagsulat.
adios gumbay,
unkyel batjay
Posted by jayd at 07:42 PM | Comments (13) | TrackBack
August 16, 2005
Complex problems have simple, easy to understand, wrong answers
BATJAY: i will fucks you a copy of my proposal
AMERIKANO: it's FAX - "faaaaax".
BATJAY: sorry. i will faaaax you a copy of my proposal. three shits in total.
AMERIKANO: it's sheets - "sheeeets".
BATJAY: packing sheet
AMERIKANO: huh?
Posted by jayd at 07:25 PM | Comments (15) | TrackBack
August 15, 2005
Enjoy the little things, for one day you may look back and realize they were the big things
etong mga nakaraang mga araw, nakapag asembol ako ng dalawang side table para sa bagong dating na kama. binili namin sa wall mart nung sabado yung mga table. simple lang gawin dahil may bago akong phallic power tool: isang electric screw driver. buti nga kasi dahil halos magkanda paltos ang kamay ko nung gamit ko yung swiss knife. naisip ko nga rin, kung mahilig lang sana ako sa anal sex, pwede nga sigurong gawing vibrator yung electric screw driver. kaya lang siguradong mag iiba ang tunog ng utot ko pag nagkataon. ang taba kasi nito eh. maganda yung kama na dumating, lalo na ng lagyan na ng bed sheets. ang sarap ding tulugan. naka tatlong bangon-higa, bangon-higa, bangon nga ako kanina. kung may sumisilip lang nung time na iyon, sasabihin nila sira ulo ako. kung sabagay, sira naman talaga ang ulo ko - pero kung bilog lang ang buwan.
ok naman kami ni jet pero iba na talaga ang mundo namin ngayon. ang first indication nito ay ang weather. although it's summer in california, hindi masyadong mainit. well, relative to south east asia of course. maaraw during day time pero may hangin na maginhawa at hindi ako pinagpapawisan ng tulad sa singapore na halos pati betlog mo ay basa ng pawis. ang isang masarap dito ay malamig sa gabi. today is a bit weird though - it's been foggy and grey for the whole day pero walang ulan. gardemet, i miss the sound of rain.
Posted by jayd at 10:14 PM | Comments (18) | TrackBack
August 12, 2005
First you forget names, then you forget faces, then you forget to pull your zipper up, and then you forget to pull your zipper down
dear mommy,
gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang kahiya hiyang nangyari sa akin ngayon. pumasok po ako sa opisina kanina na bukas ang zipper. nalaman ko lang na bukas ito nang umihi ako ng mid day break. ibig sabihin pala, simula pag alis ko ng bahay hanggang sa dating sa opis eh bukas ito. buti na lang casual friday ngayon kaya naka tuck out ako ng polo - medyo hindi halata. kaya pala pag labas ko ng bahay kanina eh parang nakaramdam ako ng ginaw. kung may makakita sana sa akin at pinuna ang bukas kong zipper, ang isasagot ko para hindi ako mapahiya eh - "das wat we do wen it's hot in singapore, my pren".
nung isang gabi, nakita ko si jet na naglagay ng mga maruming plato sa oven namin. tapos naglagay siya ng sabon at nag power on. nagtaka nga ako kung anong klaseng pagluluto ang gagawin niya. nalaman ko lang pagkatapos na dishwasher pala ito. kaya pala nagbubula. iniisip ko nga, wala namang oven na ginagamitan ng sabon. ang galing pala dito sa amerika. puro mga hi tech ang mga gamit sa bahay. yung ref nga namin, may pagawaan ng yelo sa freezer. namamanhid na nga ang ngala-ngala ko dahil sa sobrang lamig. sa sobrang excitement ko kasi eh ginagawa kong candy yung mga ice cubes.
yon na lang muna ang kwento ko sa inyo. sana ay ok kayong lahat diyan sa pilipinas. parati naming kayong naiisip. sana makarating na kayo rito para bumisita. ingat na lang sa inyo.
ang nagmamahal ninyong bunso,
jay
Posted by jayd at 07:12 PM | Comments (16) | TrackBack
August 11, 2005
Is it time to go home yet? I keep clicking these damn shoes, but nothing happens
kakatapos ko lang nakabuo ng lamesa ngayong gabi. oo virginia, apat ang paa niya. walang mali sa ginawa ko. kaya lang may isang turnilyong naiwan, hindi ko alam kung saan ikakabit. baka sa ulo ko. hehehe. kagabi ay tatlong silya ang na asembol ko, kaya mayroon na kaming dining room show case. tapos, nakabili kami ng brand new ref at washer/dryer galing sa supervisor ng apartment naming bading. benta niya sa amin ay $400 for all three. bargain na rin. ang galing nga ng ref namin - may ice maker. ngayon lang ako nakakita nito. bwakangina, napaka promdi ko. hehehe. pasensya na't novelty ito para sa akin. nung bata kasi ako, para akong gago dahil parating naka abang sa ref, naghihintay para tumigas ang titi ko? hindi gago, naghihintay para tumigas ang yelo. we've gone a long way - ngayon may instant ice na pag bukas ko ng ref. how cool is that? literally, it's really cool.
yan pa ang isang salitang medyo napapangiwi ako pag naririnig ko rito sa amerika - "cool". tumitindig nga ang balahibo ko pag naririnig ko ang sarili kong magsabi ng "cool". parang "jakol" ang naririnig ko at gusto kong matawa ng malakas. anyway, malapit nang matapos ang home improvement namin: tatlong cabinet na lang at isang TV shelf ang gagawin. so far, mukhang bodega pa rin ang apartment namin dahil puro kahon sa living room. pero marami na talagang nadagdag - yung kitchen namin ay kumpleto na. si jet halos lahat ang nag-ayos nito. bukas may mga darating pang mga ibang furniture. in two weeks this apartment will feel like home. i swear, (ala scarlett o'hara na may hawak na lupa) as god is my witness.
Posted by jayd at 11:28 PM | Comments (26) | TrackBack
August 10, 2005
Remember, people will judge you by your actions, not your intentions. You may have a heart of gold - but so does a hard-boiled egg
dear unkyel batjay,
kamusta na po kayo diyan sa amerika? nag-iba na ba ang accent mo? eh yung ugali mo, nag-iba na rin ba? sabi kasi sa akin ng tito ko eh, nagbabago raw ang mga pinoy pag napunta sa amerika. nagiging mga kupal. napasulat po ako sa inyo para tanungin kung mayroon kayong mga bagong recipe. nag-aaral po akong magluto ngayon. sabi kasi ng misis ko, pag hindi ko siya pinagluto eh hindi raw po ako makaka kain ng luto ng diyos. agad-agad po akong nag-isip isip na kailangan ko na po talagang matuto. yun lang po at kamusta na lang kay ninang jet.
nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,
marami namang kupal, kahit saang parte ng mundo. ok lang kami ni jet dito sa kaliPORNya. medyo nagiging normal na nga ang buhay namin after a week of moving stuff. pero di pa tapos. siguro by the end of the month, ok na kami. ang ibibigay kong recipe sa iyo ngayon ay ang una kong natutunang lutuin. simple lang at hindi na kailangang mag-isip ng husto. in effect eh, sa english - you don't have to be a rocket scientist to do this. ang pinag uusapan nating lutuin ay ang paborito ng mga matatakaw kahit saang parte ng mundo.
enjoy!
Unkyel BatJay
PRITONG ITLOG:
1. kumuha ng isang itlog ng manok (pwede rin sa butiki)
2. amuy amuyin
3. kung amoy lupa, kumuha ng pulbos at ipahid sa itlog
4. ay sorry, wrong egg. ngyehehe.
5. kumuha ng tunay na itlog ng manok
6. kumuha ng martilyo
7. basagin ang itlog gamit ang martilyo
8. kung walang martilyo, ipukpok na lang sa noo ang itlog
9. follow directions - huwag ipukpok ang martilyo sa noo, ok?
10. ibuhos ang itlog sa frying pan na may kumukulong mantika
11. budburan ang itlog ng asin (kaunti lang para di ka magka diabetis)
12. teka muna di ba sa tamis ang diabetis?
13. ano na nga yung sakit para sa alat? hindi lagnat, gago
14. kung gusto mo ng maanghang, naglagay ng ilang patak ng tabasco
15. kung gusto mong matae, damihan mo pa ang tabasco
16. maghintay ng mga 10 seconds
17. habang naghihintay, mangulangot muna (wala namang nakatingin eh)
18. magpunas ng kamay at hanguin na ang itlog
19. ilagay sa platito
20. pwede na itong kainin
Posted by jayd at 06:22 PM | Comments (29) | TrackBack
August 09, 2005
A wooden bed is better than a golden coffin
ok. unti unti nang nakukumpleto ang mga gamit sa apartment namin. kagabi nagpunta kami ne jet sa Levitz para bumili ng coffee table at saka mattress (hindi yung ovary, gago - yung kutson na nilalagay sa kama). siyempre pag bumili ka ng coffee table, kailangan may kasamang (hindi coffee gagi) - kailangan may kasamang sofa. pag bumili ka ng mattress, kailangan mo naman ng kama. mahal pala ang mga furniture dito sa merika. pero maganda naman ang quality. ang dami ngang mapagpipilian kaya pag hindi ka nag ingat, kung ano ano nang mabibili mo. gigising ka na lang isang umaga, ubos nang lahat ang pinagputahan mo.
ang sikreto sa pagbili ng sofa ay nasa actual test. kailangan pag upo mo, medyo lulubog ang iyong katawan. tapos, pag bigla kang nakaramdam ng pinagsamang di maipaliwanag na kaligayahan at antok - bilhin mo na ito dahil siguradong maganda ang sofa na iyon. ganoon nga ang ginawa namin. muntik na nga akong nakatulog, bigla lang akong napatayo dahil naririnig ko na ang sarili kong humilik.
ispokening of pag hilik, ang sikreto naman sa pag bili ng kama ay ito - siguraduhin na pag higa mo ay lapat sa likod mo sa kutson. not too firm as to be too uncomfortable, not too soft naman para lamunin ka ng kama paghiga mo. tandaan parati ang kwento ni goldilocks - kailangan just right. importante ito para hindi ka mapipilayan, pag nag patambling tambling ka during acrobatic sex.
naalala ko tuloy yung kaibigan ko - parating pumapasok sa opisina ng may black eye. ang malimit niyang dahilan eh nahulog daw siya sa kama dahil masyado raw itong malambot. bwakanginangyan, sabi ko - "huuu, ginulpi ka lang ng misis mo, ayaw mo lang aminin". dito siya biglang titingin sa malayo at medyo maluluha. ang buhay talaga ng mag-asawa ay bittersweet na minsan painful (lalo na pag nagulpi ni misis).
darating na itong weekend yung inorder namin. yung sofa at kama muna this friday. mahuhuli raw ng 1 month ang headboard. di ko nga alam kung ano ang magiging hitsura ng kama na walang headboard. pero sa ganang akin naman eh, as long as pwede itong tulugan at gulungan, ok na ito.
Posted by jayd at 06:54 PM | Comments (22) | TrackBack
August 08, 2005
Big sisters are the crabgrass in the lawn of life
Hi Ester!!!
It's so nice to hear from you. I called up mom during the weekend and she was asking if we've gotten in touch already - I told her that we write each other emails regularly. She said that she's got a letter for you but she hasn't been able to mail it because the mailman she normally sends her letters to, quit. Since her 81 year old body can't go out and visit the post office anymore, the letter's still with her but she promised to send it soon.
We've moved during the weekend. We're now staying in a great one room apartment with a big bedroom and bathroom, high ceiling and a very homey feeling that Jet and I really like. We have a small elevated patio where it would probably be nice to barbeque. We will celebrate the move with a picnic there pretty soon. We started last Saturday by moving twelve boxes and twelve bags from our friend's house to the apartment. It took two trips, ten pounds shed off my weight and a lot of blood and sweat. It's a good thing our friends Tom and Ceci came out to help. Otherwise I would probably have a hernia by now and sound like Michael Jackson (mom's term would probably be "naging boses kiki").
We've setup electricity and water, phone service, cable and internet connection so we're in business even if the apartment is bare. Trust a techie to think of setting up his electronic equipment before getting a refrigerator or a washer/dryer. It was funny when a friend walked in yesterday and saw the router, cable box and phone: He knew right away that a nerd lives in that place because the living room didn't have anything else.
But it's going to change pretty soon. Yesterday, Jet and I went out to shop for furniture. We went to IKEA and got 3 shelves, a TV cabinet, a dining table and some chairs, a computer table, some lamps, a lot of house fixtures and 21 Swedish meatballs. The problem is that I have to assemble everything so I will probably be busy scratching my head this week trying to find out if I can follow the directions. I will start with a chair. I know "a chair is still a chair even though there's no one sitting there" but some furniture are hard to assemble, especially if the directions were done by somebody who doesn't know a word in English. Believe me, I've gotten into a lot of trouble with manuals I can't understand (e.g. "When paddenger of foot heave in sight, tootle the horn. Trumpet him melodiously at first, but if he still obstacles your passage then tootle him with vigor"). But it's a good thing IKEA has really good stuff that are easy to build.
I hope you had a great weekend, hopefully, not as hectic as ours. My right hand is still sore as I write this and my back is killing me. But, that's ok. At least now we're moving along and experiencing life in the United States. It's been great so far. Take care and give my regards to Randy.
With so much love,
Jay
Posted by jayd at 06:00 PM | Comments (28) | TrackBack
August 05, 2005
"So she poured out the liquid music of her voice to quench the thirst of his spirit."
nagbayad ako ngayon ng downpayment sa bahay. ang rent namin ni jet para sa isang one room apartment dito sa orins kawnti - $1250 (lagpas 68-tawsan pesoses). ang mahal, pakingsheet. muntik pang hindi natuloy dahil wala pa nga akong social security number. buti na lang sinagot ako ng opis namin. sila ang nag guarantee ng rent. nung bayaran nga ninerbyos ako - credit card ang ginamit ko at tumalbog ang una. buti na lang may extra akong card na pang emergency. yun ang na approve kaya tuloy na tuloy nang lipat namin sa sabado. labindalawang mabibigat na kahon at labindalawang bag ang bubuhatin. iniisip ko na nga ang mangyayari pagtapos nito... maluluslusan ako at magiging kaboses ni michael jackson.
ano ba ang "luslos" sa english? "hernia", di ba. matagal ko na itong iniisip at walang makapagbigay ng magandang explanation... bakit "hernia" ang tawag sa "luslos"? di ba dapat "himnia", kasi tayong mga lalaki lang ang tinutubuan ng betlog. naalala ko tuloy yung kaibigan ko sa novaliches na si tirik. bakit daw "doberman" ang tawag sa "doberman". bakit daw hindi "doberdog". ayun simula noon, "doberdog tirik" na tuloy ang tawag namin sa kanya.
Posted by jayd at 11:02 PM | Comments (15) | TrackBack
August 04, 2005
Sexual harassment at work...is it a problem for the self-employed?
parang trumpo pa rin ako kanina sa opisina. tuliro at hilo - naghahalo kasi ang mga iniisip ko. minsan iniisip ko kung saan kami titira, kasabay nito eh hataw na ako sa trabaho. nagiging literal pala ito minsan. sa sobrang dami ng iniisip ko eh ilang beses akong naligaw sa building namin. tawa nga ng tawa ang mga kasama ko dahil kung saan saan daw ako sumusuot. pinakagago kong ginawa kanina? pumasok ako sa toilet ng mga babae. hehe. bigla akong pinawisan ng malamig - kakabasa ko lang kasi ng sexual harassment manual ng kumpanya. pwede ka palang makulong dito pag matagal kang tumingin sa boobs ng co-worker. mahigpit talaga ang batas at bawal maglandi. kaya nga ngayon, pag may lumapit sa akin na babae sa opisina, nag duduling dulingan na lang ako. mabuti na yung pangit kaysa makulong.
ah may good news nga pala ako - nalaman namin kanina na approved na yung application namin sa apartment. pwede na kaming lumipat ni jet this weekend. problema lang ngayon eh pambayad. ngyehehe. wala pa akong checking account. di pala pwede magbayad ng cash sa america.
Posted by jayd at 09:45 PM | Comments (34) | TrackBack
August 03, 2005
Why does Sea World have a seafood restaurant?? I'm halfway through my fish burger and I realize, Oh my God....I could be eating a slow learner
ngayong hapon lumabas na naman kami ni jet para maghanap ng apartment. binigyan ko na ng taning ang house hunting namin dahil ayoko nang lumabas from work. dapat by tonight ay may napili na kami. ngyakshuli, may mga nabisita na kaming mga apartments na promising at nag shortlist na kami ng tatlo na aaplayan. first choice ay one room apartment with bathroom at covered garage. gusto ito ni jet dahil kyut ang layout at madaling linisin. nagustuhan ko naman dahil may magandang patio (ano bang patio sa tagalog? hindi duck, gago - balkonahe!), tahimik ang location, maraming puno at low density (ang ibig sabihin ng low density dear brader en sister, eh hindi mo maririnig ang kapit bahay mong humihilik). mabait naman ang superintendent na umasikaso sa amin - nakakatawa, accomodating at medyo bading. halata ko naman dahil sa pilantik ng kamay niyang medyo pilay at sa tono ng kanyang boses. hindi naman siya nagpakyut sa akin. siguro, hindi niya type ang betlog na kulay brown.
if all goes well (ie, my credit check gets approved even though i still don't have any credit history and a social security number), we will have a permanent place to stay by this weekend. i cross my fingers and my legs.
Posted by jayd at 11:17 PM | Comments (20) | TrackBack
August 02, 2005
Life is a bridge over the sea of changes. Do not build a house on it.
exciting ang buhay namin ni jet ngayon kasi naghahanap kami ng apartment na malilipatan. kaya nga back en forth kaming parang trumpo lately. ang hirap palang maghanap ng matitirahan dito sa orins kawnti. unang una, ang mahal ng rent. sino ba kasing gagong nagpauso na tumira dito at lahat ng lang ng tao eh gustong lumipat. super taas tuloy ang halaga ng pabahay. ang average two room apartment ay umaabot sa $1600 to $2000. packingsheet, that's almost three times the amount we paid sa singapore. halos maihi ako sa presyo. tinanong ko nga doon sa katiwala ng apartment kung ginto yung mga door knob at gripo. hindi raw - tanso lang. ngyehehe.
Posted by jayd at 11:45 PM | Comments (12) | TrackBack
August 01, 2005
Did you ever see the customers in health-food stores? They are pale, skinny people who look half dead. In a steak house, you see robust, ruddy people. They're dying, of course, but they look terrific
first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa 'merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako - tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta ("dats damos imfortant fart op da opis" ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine ("dats dasican mos imfortant fart op da opis", ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).
BATJAY: "is ebriting here in da pantry por free - oldis pud en sopdrinks?"
HR GUIDE SA OPIS: "YES, batjay!"
BATJAY: "how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?"
HR GUIDE SA OPIS: "YES, they are all free,batjay!"
BATJAY: "kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?"
HR GUIDE SA OPIS: "you trying to be cute, batjay?"
BATJAY: "how about balut? do yu hab da balut?"
HR GUIDE SA OPIS: "baloon?"
Posted by jayd at 11:05 PM | Comments (22) | TrackBack