http://www.makepovertyhistory.org/
hoy, psst...welcome to kwentong tambay!! bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
Pondahan
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zenia Maria
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
Asus!
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
The Black Book
The Thessaliad
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Cherrie
Reggie
Belle
Mec
Neil
Tanya
Jobert
Tito Rolly
Aya
Yvette
Nick
Mari
Val
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
Apol D' Great
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Beautiful Mind
The Best of Me
Bloggo Chicago
BLueBLinK
Blue Journals
Boondock Queen
BoyetB
Bulong na Pasigaw
Butterfly Dreams
Carmela
Carpe Diem
CBSMagic
Celya's Don't Look Back
ChieNovela
The Color of Raine
Dalagang Bukid
Daragang Magayon
Desarapen Tales
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Down Under Christine
Dreams
http://www.ederic.net/
Edge of the World
EXPECTORANTS
Eye Focus
Galang.Org
iDiOtBoArD
iSn'T iT LucKy
Jeepney Thoughts
Kape at Yosi
Keng-Keng
Kenzo Boy Wonder
Kusina ni Manang
Kwentong Amerika
Life's Rich Tapestry
Madalas Magalas
Manila My Manila
Manay Duday
Mga Lumang Piyesa
nonstandardized.com
New Confessions
osang's legroom
paperback writah
Piercing Pens
Random Rambling
Rebel Pixel
sarisaring adbentyurs
The Secret Tango Dancer
soft grumbles
SoloFlite's Demented Mind
Stormy Days
Ako si T
Tara Jing Pot Pot
Tatang's Karinderia
Technobiography
The Schmucks
Thinking Out Loud
Tiptoes
twistedbanana
Unshackled
Val
Videoke Queen
Velvetyn
Vixen
Yosi Break
Zentanglement

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Roger
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
Kramer

[::..KINDAT.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Joey Ayala
Haring Liwanag
Banyuhay
Gumawa ng Sandman

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto





[::..ang nakaraan..::]
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001







Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.

Powered by
Movable Type 3.2





August 17, 2005

A peasant will stand on the top of a hill for a very long time with his mouth open, before a roast duck will fly in

dear unkyel batjay,

mayroon po akong tru-to-layf story. nakakahiya mang aminin e nangyari din po sa akin na umalis ako sa bahay na bukas ang zipper. horror story talaga ito na halos kaparehas ng open zipper story na nangyari sa iyo. ano pa magagawa ng byuti ko e huli na nang malaman kong kita nila ang bikini kong itim?

maraming salamat at gumagalang,
gentle reader

dear gentle reader,

actually, nangyari na rin sa amin yan during one homeowners meeting sa subdivision namin sa novaliches. may isang manang doon na naka duster ang nagtaas ng paa sa silya. nakita tuloy ng lahat ang bikini niyang itim. nang maglinaw ang aming pag-iisip after the initial shock, napansin namin na hindi pala ito bikining itim - wala pala siyang panty.

naikwento ko ito sa iyo gentle reader, dahil may aral ang bawat pangyayari sa ating buhay. sa pagkakataong ito, ang moral lesson ay: "hindi lahat ng bikining itim ay tutuong panty". yon lang muna at salamat sa pagsulat.

adios gumbay,
unkyel batjay

Posted by jayd at 07:42 PM | Comments (13) | TrackBack

August 10, 2005

Remember, people will judge you by your actions, not your intentions. You may have a heart of gold - but so does a hard-boiled egg

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo diyan sa amerika? nag-iba na ba ang accent mo? eh yung ugali mo, nag-iba na rin ba? sabi kasi sa akin ng tito ko eh, nagbabago raw ang mga pinoy pag napunta sa amerika. nagiging mga kupal. napasulat po ako sa inyo para tanungin kung mayroon kayong mga bagong recipe. nag-aaral po akong magluto ngayon. sabi kasi ng misis ko, pag hindi ko siya pinagluto eh hindi raw po ako makaka kain ng luto ng diyos. agad-agad po akong nag-isip isip na kailangan ko na po talagang matuto. yun lang po at kamusta na lang kay ninang jet.

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

marami namang kupal, kahit saang parte ng mundo. ok lang kami ni jet dito sa kaliPORNya. medyo nagiging normal na nga ang buhay namin after a week of moving stuff. pero di pa tapos. siguro by the end of the month, ok na kami. ang ibibigay kong recipe sa iyo ngayon ay ang una kong natutunang lutuin. simple lang at hindi na kailangang mag-isip ng husto. in effect eh, sa english - you don't have to be a rocket scientist to do this. ang pinag uusapan nating lutuin ay ang paborito ng mga matatakaw kahit saang parte ng mundo.

enjoy!
Unkyel BatJay

PRITONG ITLOG:

1. kumuha ng isang itlog ng manok (pwede rin sa butiki)
2. amuy amuyin
3. kung amoy lupa, kumuha ng pulbos at ipahid sa itlog
4. ay sorry, wrong egg. ngyehehe.
5. kumuha ng tunay na itlog ng manok
6. kumuha ng martilyo
7. basagin ang itlog gamit ang martilyo
8. kung walang martilyo, ipukpok na lang sa noo ang itlog
9. follow directions - huwag ipukpok ang martilyo sa noo, ok?
10. ibuhos ang itlog sa frying pan na may kumukulong mantika
11. budburan ang itlog ng asin (kaunti lang para di ka magka diabetis)
12. teka muna di ba sa tamis ang diabetis?
13. ano na nga yung sakit para sa alat? hindi lagnat, gago
14. kung gusto mo ng maanghang, naglagay ng ilang patak ng tabasco
15. kung gusto mong matae, damihan mo pa ang tabasco
16. maghintay ng mga 10 seconds
17. habang naghihintay, mangulangot muna (wala namang nakatingin eh)
18. magpunas ng kamay at hanguin na ang itlog
19. ilagay sa platito
20. pwede na itong kainin

Posted by jayd at 06:22 PM | Comments (29) | TrackBack

July 26, 2005

"Women should not be enlightened or educated in any way. They should, in fact, be segregated as they are the cause of hideous and involuntary erections in holy men." - Saint Agustine

dear unkyel batjay,

aalis na pala kayo sa pilipinas ni ate jet bukas. nakakalungkot naman. mami miss ka siguro ng mga kaibigan mo at mga kamag anak ano? sana naman ay hindi kayo masyadong mahirapan. siyanga pala, napasulat ako sa iyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng payo. ano po ba ang gamot sa premature ejaculation? yon lang po. good luck na lang sa bago ninyong buhay.

nagmamahal,
gentle reader


dear gentle reader,

oo sa katunayan, bukas ay aalis na kami ng pilipinas. punta muna ng singapore tapos diretso na sa paboritong city ng mga batangueno sa america, ang Ala-Eh (Los Angeles). from there baba na kami sa aming magiging bagong tahanan sa orins kawnti. ngayon pa lang nga nalulungkot na ako. minimemorya ko na nga ang ngiti ng nanay ko, ang tabas ng damo sa aking hardin, ang bawat poste ng bahay namin. baka matagalan kasi bago kami makauwi. gusto ko, naka record lahat ng masasayang alaala sa utak ko para pag na homesick ako, ipe-play ko na lang ito na parang pelikula. mami miss din siguro ako ng mga inutangan ko, sama mo na rin diyan ang mga matrona at bading na matagal nang gustong masalat ang aking ginintuang pototoy. ano ba ang gamot sa premature ejaculation? ang pagkakarinig ko eh kadalasan ang sanhi nito ay psychological in nature, dala siguro ng over excitement. ang aking personal theory ay dahil ito sa sobrang pagjajakol nung kabataan (you can trace every adult screw up to some trauma during childhood). anyway, ang pinaka effective na treatment para hindi agad mag come ay ganito: during the actual sex, isipin mo na lang na katabi mo ang lolo mo sa kama. yon lang muna at hanggang sa muli.

adios gumbay,
unkyel batjay

Posted by jayd at 08:16 PM | Comments (21) | TrackBack

June 21, 2005

It is fear that first brought gods into the world

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang kinakatakutan ninyo? gumagawa po kasi ako ng study tungkol sa mga fears at phobias, gusto ko lang pong malaman kong ano ang mga bagay bagay na nagpapa takot sa iyo.

BATJAY: dear gentle reader, wala naman akong kinakatakutan except yung sapatos ng misis ko. masakit sa ulo eh. bwehehe. pero seriously - last week, sabi sa akin ng barbero habang ginugupitan ako: "you have very soft hair". sabay ngiti na parang gusto akong halikan. ayon, natakot ako roon.

Posted by jayd at 11:33 PM | Comments (20) | TrackBack

June 13, 2005

The scornful nostril and the high head gather not the odors that lie on the track of truth

GENTLE READER: dear unkyel batjay, may seryosong tanong po ako at sana makatulong kayo. may proffesor po ko sa isang major subject, soooobrang lakas ng anghit talaga, as in pamatay! di naman ako pwdeng umupo ng malayo sa kanya kasi ang boses nya ay parang bulong lang, tuhod lang nya ang nakakarinig. huwat should my poor soul do?

BATJAY: dear gentle reader, mahirap talaga ang magkaroon ng teacher na may putok. mas masahol pa kasi iyan kaysa doon sa teacher na talsik laway. lalo na in your case kasi may anghit na, boses kiki pa. ispiking of putok, mayroon kaming dating tauhan sa pilipinas, ang pangalan niya ay tata. sa sobrang lakas nga ng anghit eh nagtutubig ang mata ko pag lumalapit siya. ang tawag nga namin sa kanya ay tata 45, kasi malakas pa sa kwarenta'y singko ang putok niya. nung nag-aaral pa ako sa malayan colleges, mayron din kaming instructor na may putok. tiniis namin siya ng isang sem, pero nung second sem napuno na ang salop nang nagsisimulang magka nosebleed ang mga classmates ko sa front row. una, sinulatan namin siya anonymously. pangalawa, sinumbong namin siya sa dean. the next day, nagreklamo sa class - bakit daw kailangan pang umabot sa dean ang body odor niya. tapos nagkaroon kami ng mahabang open forum kung saan tinanong niya sa class kung talagang may putok siya. siyempre, walang nakasagot. pero pagtagal nawala rin ang anghit niya. hindi dahil nasermonan siya ng dean o dahil sa sulat namin. nawala ang putok niya dahil nagkaroon siya ng girl friend. dito ko napatunayan na mas mabagsik ang pag-ibig kaysa sa tawas. pag inspired ka talaga, mapipilitan kang maligo araw araw.

Posted by jayd at 06:45 AM | Comments (14) | TrackBack

June 07, 2005

When cheese gets its picture taken, what does it say?

GENTLE READER: dear unkyel batjay, di po ba sa pilipinas pag pinapakain ang mga baby, gumagamit tayo ng maliliit na kutsara at tinidor. ano po ba ang ginagamit ng mga intsik diyan sa singapore pag pinapakain nila ang kanilang mga baby? toothpick? biro lang po. itatanong ko lang hekshuli kung ano ang paborito mong singaporean dessert.

BATJAY: dear gentle reader, nagpakalbo ka na naman siguro ano? nagpapatawa ka kasi eh. hindi toothpick ang ginagamit ng mga intsik na baby - chopsticks din na normal size. doon naman sa ikalawa mong tanong, ang paborito ko ay "CHNG TNG", ang dessert na walang vowel. ewan ko nga ba kung bakit yan ang pangalan pero masarap. dati ang paborito ko ay "BOBO CHACHA with durian" pero nagsawa na ako rito. may gusto sana akong tikman na dessert kanina during lunch kasi naintriga ako sa pangalan - "white fungus with jelly". parang alipunga ano? hehehe.

Posted by jayd at 09:16 PM | Comments (22) | TrackBack

May 24, 2005

When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible

GENTLE READER: dear unkyel batjay, gusto ko lang po kasing magtanong. mag aasawa na po ako this year - ano ba ang dapat naming gawin ng boypren ko para tumagal kami ng tulad ng pagsasama ninyo ni ma'am jet?

BATJAY: buti naman at natanong mo iyan gentle reader. una sa lahat, masaya na ako kasi narito na nga sa singapore ang mylabopmayn ko after 4 months naming paghihiwalay kaya tapos nang maliligayang araw ko sa pagjajakol. alam mo, parati na lang tinatanong sa akin ang sikreto ng isang relationship. ang parati ko namang sagot ay - ewan ko. i guess it's the small things na ginagawa ninyo sa isa't isa na pag pinagdugtong dugtong mo ay makakabuo ng isang napakaganda't makulay na tapestry. sabi ng kaibigan kong matanda sa akin eh kailangan daw ng Ajinomoto sa isang relationship. dapat daw kasi parating malasa ang inyong pagsasama para di madaling magsawa. siyempre, importante rin ang sex. kaya kayong mga kalalakihan, huwag puro slam bam thank you ma'am. kailangan matagal ang foreplay at sabi nga ng mga kaibigan kong babae eh kailangan daw huwag mag premature ejaculation. importante rin ang sense of humor sa pagsasama. kailangan sa gitna ng adversity ay may tawanan pa rin. pero kailangan pag nag premature ejaculation ay walang tawanan.

Posted by jayd at 02:00 PM | Comments (12) | TrackBack

May 20, 2005

Do you hear the Slang of Ages ?

WOW SEXY! GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang bastos bastos mo! kung ano-ano ang mga pinag sususulat mo, tapos kung ang dami mo pang mga mahalay na litrato. sira ulo ka talaga.

BATJAY: dear gentle reader, yung kapitbahay namin, mas bastos yon sa akin. paano kasi, nilululon niya parati ang plema niya pag nagki clear siya ng throat. pero enapopdat owlredi... nakabikini ako ngayon kasi mamayang ala una ng madaling araw ang pagdating ng mylabopmayn jet ko galing ng 'merika. medyo matagal kaming hindi nagkita kaya siyempre - kailangan bagong ligo ako at extra sexy ang costume para pag salubong ko mamaya (kasama ng drum and bugle corps ng mababang paaralan ng saint andrew fields) sa changi airport eh bongga ako, baby. malapit na pala mag alas dose. sige na, magbibihis pa ako para maaga ako sa epot (yan ang english ng singaporean para sa airport at hindi ito ebs, ok?). natataranta tuloy ako. saan ko na nga ba nilagay yung pantalon ko? naalala ko tuloy nangyari sa akin kaninang umaga: muntik na akong lumabas ng bahay ng naka brief lang dahil nag aapura akong pumasok. akala ko, may pantalon na ako. ulyanin. hemingway, alis na ako. babu.

Posted by jayd at 11:58 PM | Comments (12) | TrackBack

May 19, 2005

FOR THE HEART IS AN ORGAN OF FIRE

dear gentle reader,

nalaman ko ngayon na hindi pala pwedeng i-demanda ang partner na babae kapag nagse-sex kayo ng patambling tambling at aksidenteng mabagsakan niya ang pototoy mo at ito'y mabali. read on baby...

"BOSTON - A woman isn't legally responsible for injuries her boyfriend suffered while they were having consensual sex more than a decade ago, a state appeals court ruled Monday. The man, identified only as John Doe in court papers, filed suit against the woman in 1997, claiming she was negligent when she suddenly changed positions, landed awkwardly on him and fractured his penis."

bakit ba ganyan sa 'merika? lahat na lang pwedeng gawing grounds para magdemanda. kumain ka ng fast food at tumaba, pwede mo nang idemanda ang mcdonalds dahil mataas sa cholesterol ang ham-bur-dyer nila. pero mabalik tayo doon sa mag syota na nag demandahan... FRACTURED his penis? ano kaya ginawa nila't nauwi sa ganon? kailangan pa raw magpaopera para lang maibalik sa dati. sa tingin ko eh naupuan ito at nabaluktot. ARAY, bwakanginangyan, iniisip ko lang nanghihina na ako. pero teka, on sikantot, mukhang exciting ang sex kapag komang ang pototoy mo. isipin mo na lang ang mga acrobatic moves na pwede mong gawin para lamang magkaroon ng penetration. hmmm... kinky. heniwey, ingat ka na lang gentle reader, mahirap mapilayan.

Posted by jayd at 11:29 PM | Comments (8) | TrackBack

May 16, 2005

WHEN THE NIGHT MEETS THE MORNING SUN

GENTLE READER: Dear Unkyel BatJay, ano po ba ang standard sa beauty? attracted ka ba doon sa mga super model na nakikita mo sa Fashion TV na bakat ang mga utong? ok ba sa iyo ang mga artista na lumalabas sa mga noontime show? ayos ba sa iyo ang ganda ng mga commercial model ng close up toothpaste? para sa akin kasi, medyo retokado ang gandang iyon dahil sa make-up at lighting epeks - gusto kong makita muna ang babae sa umaga. yung wala pa talagang make-up! pag nagandahan ako sa babae during this time of the day, talagang maganda sya.

BATJAY: dear gentle reader, kasama rin ba sa beauty test mo ang pag amoy sa hininga ng babae sa umaga right after waking up? naalala ko tuloy yung eksena ni julia roberts at john cusack sa "AMERICA'S SWEETHEARTS" - maghahalikan sana sila sa morning after sleeping together pero nagtakip sila pareho ng bibig. pero kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit amoy imburnal ang hininga niya sa umaga - tatanggapin mo pa rin siya di ba? regaluhan mo na lang siguro ng toothbrush.

Posted by jayd at 11:11 PM | Comments (8) | TrackBack

May 11, 2005

I couldn't repair your brakes, so I made your horn louder

dear gentle reader,

may ibibigay akong contraceptive tip. galing pa ito sa boss kong singaporean kaya epektib siguro - kita mo naman problema rito ngayon ay under population. kung ikaw ay isang sexually active male at ayaw mong mabuntis ang iyong partner, ganito ang gawin mo:

1. bili ka ng dalawang condom at
2. isang bote ng efficasent oil
3. isuot ang condom number 1
4. pahiran ito ng efficasent oil at...
5. isuot ang condom number 2
6. go ahead and have sex

during sex, kung biglang sumigaw ang babae ng "AAAAAAA AAAAAAAA AAAAAAA AAAAAAAAH, ang init!", ibig sabihin butas ang condom #2. kung bigla namang ikaw ang sumigaw ng "AAAAAAA AAAAAAAA AAAAAAA AAAAAAAAH, ang init!", ang ibig sabihin butas ang condom #1. in both cases, you need to withdraw immediately.

basta ang rule of thumb sa double condom-efficasent oil strategy ay at the first sign of pain, hugot agad. sigurado hindi mabubuntis ang partner ng wala sa oras.

ayan lang muna pansamantala, basta ingat lang sa aids at sa kalkal.

nagmamahal,
unkyel batjay

Posted by jayd at 09:40 AM | Comments (13) | TrackBack

May 06, 2005

Eagles may soar, but weasels don't get sucked into jet engines

GENTLE READER: unkyel, ano na nga ba yung kasabihan na tungkol sa tulay that's about facing difficulties as they happen and not worry uselessly about them beforehand? let's cross that bridge when... ano na nga?

BATJAY: ah - "let's cross that bridge when its too far"

GENTLE READER: hindi, war movie yan eh.

BATJAY: let's cross that bridge over spilled milk

GENTLE READER: gago.

BATJAY: let's cross that bridge over the river kwai

GENTLE READER: naman eh.

BATJAY: let's cross that bridge is falling down

GENTLE READER: falling down falling down.

BATJAY: let's cross that bridge over troubled water

GENTLE READER: hehehe. kanta?

BATJAY: let's cross that bridge made of sorrow that I pray will not last.

GENTLE READER: argh!

MYLABOPMAYN JET: let's cross that bridge of madison county

GENTLE READER: o pati asawa mo sumasali sa kalokohan mo.

Posted by jayd at 09:56 PM | Comments (20) | TrackBack

May 05, 2005

On the other hand, you have different fingers

GENTLE READER: dear unkyel batjay, sobra ang init lately ano? pakiramdam ko parating malagkit ang balat ko. pag pumapasok nga ako, pati brief ko, basang basa. di rin ako makagalaw masyado at siguradong tatagaktak ang pawis ko. summer na naman. buti na lang bakasyon at marami akong free time. ang dami kong pwedeng gawin - trip to baguio or boracay? punta sagada? learn a new craft? study a new language? bisitahin lahat ng simbahan sa probinsya ng rizal? mag reyna elena sa santacruzan ng mga bading? pasukin lahat ng mga bar sa malate? makipag tong-its gabi gabi? unkyel, ano po ba ang magandang gawin pag ganitong summer para di ako masyadong mainip?

BATJAY: magpatuli.

Posted by jayd at 11:02 PM | Comments (17) | TrackBack

May 03, 2005

Buddha Jumps Over the Wall

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta na? balita ko panay ang kain mo sa labas lately? ano pa bang iba mong pinagkaka abalahan?

BATJAY: dear gentle reader, bukod sa pagkain, ang isa sa paborito kong pastime ngayon ay ang pagbasa ng mga menu sa mga restaurant. di ko alam sa chinese pero natatawa ako sa english translation - por eksampol: "Buddha Jumps Over the Wall", "Trubenized Rib of Turtle with Korean Golden Ginseng", "Elegant Smiling Pork Chops with Sweet Hopping Tausi Beans", "Boiled, Grilled and Cleaned Chicken Intestine under Charcoal Fire that's Burning", "Ah Shui Pig Organ and Pig Stomach Soup 333" or words to that effect.

pakiramdam ko, parang gusto nilang i-explain ang lasa ng pagkain sa title pa lang ng dish. enjoy nga eh. minsan naman ay exotic din ang spelling. ang paborito ko ay yung parang pusit na "cutter fish". tapos yung mga pangalan din ng restaurants ay nakakatawa. por eksampol, kumain kami last saturday nina tin, leah, eder at ron sa "No Signboard Restaurant". na imagine ko na ang origin ng pangalang ito - siguro kuripot ang mayari nung araw at ayaw niyang magpagawa ng sign sa harap ng restaurant niya kaya pag may nagtatanong, ang sinasabi ng mga tao ay "oo masarap ang pagkain doon sa restaurant na walang sign board". the the rest, as they say, is history. kaya ko gustong pumunta rito eh masarap kasi ang chili crab sa no signboard. impak, para sa akin, it's the best chili crab in singapore. umorder din kami ng stir fried brocolli at ang isa sa aking paborito: ang "fried chicken with shrimp paste". amoy pekpek ng pakawalang kambing pero packingsheet, super duper naman sa sarap.

Posted by jayd at 11:32 PM | Comments (22) | TrackBack

April 19, 2005

IT PUTS THE KETCHUP ON ITS FORESKIN OR ELSE IT GETS THE HOSE AGAIN

GENTLE READER: dear unkyel batjay. mayron po akong suliranin na gustong ikwento po sa inyo in the hope na mabibigyan po ninyo ako ng magandang payo. ako po ay isang OFW na naka assign dito po sa isang private zoo ng isang prominent family sa middle east. nagtapos po ako ng veterinary medicine at nag-aalaga ng iba't ibang mga hayup rito. naiwan po ang asawa ko't mga anak sa pilipinas kung kaya't sobrang lungkot po talaga ng buhay ko. ang problema ko po ay tungkol sa sex. napakataas po ng sexual drive ko at minsan nga ay naiisip kong makipagtalik na lang sa mga alaga kong tupa. ano po ang pwede kong gawin para hindi matukso? salamat po sa inyo.

BATJAY: dear gentle reader, mahirap nga yang problema mo. may fetish ka pala sa mga pek pek ng mga sheep. bad yan. ang payong ibibigay ko ay galing pa sa kaibigan ko na isang batikang abogado. ganito raw ang gawin mo: kapag ika'y may malakas na sexual urge, kumuha ka ng ketchup at ipahid mo ito liberally sa pototoy mo. tapos padilaan mo na lang raw ito sa alaga mong aso.

Posted by jayd at 06:11 AM | Comments (14) | TrackBack

April 01, 2005

THERE IS THAT MATTER ABOUT SIZE

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ako po ay may suliranin. sana po ay matulungan ninyo ako. huwag na lang po ninyong ipagsabi pero - maliit po ang pototoy ko. hanggang ngayon po eh wala pa rin akong gelpren, kasi baka pag nakita niya ang sandata ko eh baka matawa. hindi ko po kaya ang ganoong klaseng rejection. may alam po ba kayo na pwede kong gawin para po lumaki siya. kahit mga 2 inches lang, maligaya na ako.

BATJAY: dear gentle reader, ito ang payo sa akin ng lolo ko. ganito raw ang gagawin: pag gising mo sa umaga - hinga ka ng malalim at bigla kang mag exhale ng nakatakip ang bibig at ilong... obserbahan mo kung lalaki nga ang pototoy mo. di ko alam kung epektib kasi sinubukan ko kanina eh yung kaliwang kamay ko - biglang umangat.

Posted by jayd at 09:07 AM | Comments (8) | TrackBack

March 21, 2005

Popping the Cork for a Twist on a So-Called Life

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang magaling na gamot sa pagtatae?

BATJAY: dear gentle reader, marami kasing paraan para mawala ang LBM pero mayron akong sure ball na solution na gagamit ng red wine. napanood mo ba ang pelikulang "sideways"? ang pelikula ay tungkol sa dalawang magkaibigan na nag wine tasting road trip sa california para i-celebrate yung kasal ng isa sa kanila. maganda talaga ang pelikulang ito and, as always, magaling ang acting ni idol paul "pig vomit" giamatti. asan na ba tayo? ah! gamot sa LBM - ok, ganito ang gawin mo:

1. bili kang isang bote ng merlot

2. buksan mo tapos inumin ang kalahating bote ng alak

3. yung kalahati, ilipat mo sa isang pitcher

4. kunin mo ang cork at ipasak sa pwet.

kapag nagtae ka pa niyan eh... ewan ko na lang sa iyo.

Posted by jayd at 06:00 AM | Comments (17) | TrackBack

March 10, 2005

But each lover's steps fall so differently

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta ka na po? alam ko po na wala ka namang phobia sa homosexuality kaya hihingi po ako sa iyo ng payo. na ospital po kasi ako dahil nag sex po kami ng boyfriend ko at medyo tinira po niya ako sa... alam niyo na. ano po ba ang mga pwedeng maging complications nito?

BATJAY: nagbago ba ang tunog ng utot mo?

Posted by jayd at 07:01 PM | Comments (6) | TrackBack

March 04, 2005

And I see through your brain like I see through the water that runs down my drain

GENTLE READER: dear uncle batjay, marunong ka palang mag drawing. ang dami mo talagang mga talents. pareho kayo ng idol mong si Renaissance Girl, ate mona. ano-ano pa ang mga nagagawa mo?

BATJAY: gentle reader, di naman sa pagmamayabang pero marami akong mga special talents. bukod sa pagkain ko ng bubog, butiki at apoy kapag "chine-noo-yir" (ika nga ni ninang ate sienna) - kaya ko ring mangulangot habang nagmamaneho, kumain ng maraming kanin, magkulot ng buhok, pagalawin ang tenga ko, magpalobo ng laway at umutot tuwing alas tres ng hapon, kasabay ng three o' clock prayer. may isa lang talaga akong hindi kaya eh at ito yung dahilan kung bakit gusto ng kumpare kong maging isang contortionist.

Posted by jayd at 01:45 PM | Comments (10) | TrackBack

February 28, 2005

And I carry it with me like my daddy did, but I'm livin' the dream that he kept hid

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ok ka lang diyan? nag-aalala pa rin ako sa iyo eh. may nakakatawa pa rin bang nangyayari sa buhay mo kahit malayo sa iyo ang asawa mo?

BATJAY: nakakatawang nangyayari sa buhay ko? mayron pa naman. katunayan, kanina lang ay napatawa ako ng malakas sa opisina. paano ba naman ay may sumulat sa akin na isang taga indonesia at humihingi ng tulong. ang pangalan niya (and i swear to god this is true) ay OTEN. muntik ko na ngang itanong sa kanya kung tuli na siya o supot, at kung tumitigas din siya sa umaga. natakot lang ako kasi baka bigla niya akong hagisan ng kupal.

Posted by jayd at 12:41 PM | Comments (36) | TrackBack

February 22, 2005

99 Luftballons

GENTLE READER: dear unkyel batjay, natawa naman ako doon sa kwento mo na nagtali ng pototoy niya para di maihi. what was he thinking? or maybe he wasn't really thinking. di kasi ako nakatulog. parang naimagine ko rin kasi na may mahigpit na lubid na nakatali sa aking kaligayahan. muntik na akong naihi sa takot.

BATJAY: dear gentle reader, medyo nagulat din nga ako sa balitang yan. iniisip ko nga, baka sinusubukan lang niya yung cheap alternative sa viagra - eto yung pagtatali sa titi gamit ang lobo para parati itong nakatayo. siguro, nahigpitan lang masyado kaya nagkaganoon - nagmukhang morcon tuloy.

Posted by jayd at 12:14 PM | Comments (8) | TrackBack

February 17, 2005

Sailing heart-ships thru broken harbors, out on the waves in the night

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kamusta nang sipon at ubo mo? guminhawa na ba simula nang dumating ka ng singapore? nag aalala lang ako dahil wala ang mylab mong si jet diyan at nag-iisa ka. alam mo namang careful ako sa iyo.

BATJAY: maraming salamat sa pag-alala mo gentle reader. all things considered ay OK naman ako. kaya lang for the second straight day, pag gising ko sa umaga ay barado ang kaliwang butas ng ilong ko. can anybody tell me why this is so? wala pa rin akong panlasa kaya lahat ng pagkain ay masarap para sa akin. wala pa rin akong pangamoy kaya kahit itabi mo sa akin ang isang baranggay ng naghahabulan na bumbay sa tanghaling tapat ay ok lang sa akin. pawala na yung ubo ko pero bedroom voice pa rin. nakakalibog ngang pakinggan eh. siguro, lahat ng nakakausap ko ngayon ay naa-arouse. balak ko ngang mag record mamaya ng kanta. baka mayron kayong request, sabihin nyo lang sa akin.

Posted by jayd at 12:35 PM | Comments (22) | TrackBack

February 12, 2005

SIAMESE TWINS

BATJAY: "i'm having a really bad day"

PINSAN NI BATJAY: "bakit naman?"

BATJAY: "ang bigat ng sipon ko, inuubo ako at may lagnat pa. nakakainis."

PINSAN NI BATJAY: "wala yan. ang talagang bad day ay kapag ikaw ay isa sa mga siamese twins, tapos ang kakambal mo ay bakla at iisa lang ang pwet ninyo.

Posted by jayd at 04:02 AM | Comments (18) | TrackBack

February 09, 2005

Gone are the dark clouds that had me blind

GENTLE READER: dear unkyel batjay, malamig po ba diyan sa amerika? nag-aalala po kasi ako na baka magkasakit ka diyan.

BATJAY: dear gentle reader, oo malamig rito sa amerika. hindi nga ako sanay dahil bigla akong nagkaroon ng sipon at ubo. pag ihi ko rin sa umaga, di ko makita ang pototoy ko. akala ko nga eh napalitan na ito ng pekpek. pero awa ng diyos tumatayo pa rin siya.

Posted by jayd at 12:10 PM | Comments (11) | TrackBack

February 02, 2005

You know how to whistle, don't you, Steve? You just put your lips together and blow

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nais ko lang pong isangguni ang problema ko sa inyo. kakapanganak ko lang po last november at pang lima ko na po ito. gusto ko po sanang ipa opera ang aking pagkababae para naman po bumalik sa dati ang hitsura niya. ayaw po ng mister ko. ok lang daw sa kanya ang maluwang dahil sayang ang pera. may naipon naman po ako na pwede kong gamitin sa operation. sa tingin niyo po ba ay ok na ituloy ko ito? maraming salamat po sa inyo at lubos na gumagalang.

BATJAY: sige ituloy mo gentle reader. tama lang na isipin ang sarili mong kapakanan. 21st century na ngayon at empowered na kayong mga kababaihan para gumawa ng sariling desisyon. take charge of your life and be the best that you can be. ituloy mo ang operation. pag natapos na, ikwento mo sa akin ha. balak ko rin kasing ipa opera ang butas ng pwet ko. gusto ko kasi pag umutot ako ay parang may pumipito. hehehe.

Posted by jayd at 07:51 AM | Comments (21) | TrackBack

January 27, 2005

Teach not thy lip such scorn, for it was made for kissing, lady, not for such contempt.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang medical benefits ng kissing? nabasa ko kasi na ang halik daw ay isang magandang form of excercise.

BATJAY: dear gentle reader, medical benefits ba kamo? siguro si doc emer lang ang makapagbibigay linaw riyan. di ko alam kung magaling siyang humalik (ay ayoko rin namang malaman. yuck! hehe) pero doctor siya at makapagbibigay ng sceintific explanation. pero baka nga masama sa katawan ang paghalik. sabi kasi sa isang report: "more than 40,000 parasites and 250 types of bacteria are exchanged during a typical French kiss". bwakanginngyan. siguro, times two ang germs kung bad breath ang partner mo. gaano kaya karaming parasites at bacteria when you "kiss ass"? hehe. at eto pa, the same study also says that couples exchange 0.7 grams of protein, 0.45 grams of fat and 0.19 grams of other organic substances. packingsheet, nakakataba pa yata.

Posted by jayd at 12:12 PM | Comments (10) | TrackBack

December 31, 2004

DELIKADO ANG TOROTOT SA BAGONG TAON, PART 2

GENTLE READER: ano nga ba ang ibig sabihin ng natorotot? plz help me dr. batjay .. di ko lam ang gagawin ko.

BATJAY: una sa lahat, maraming salamat naman at maraming dumalo sa unang pinoyblog christmas party kagabi. ayan, tingnan ninyo ang litrato namin. pinaliit ko lang para di ninyo mapansin na nagtatabaan lahat kami. BWAHAHAHA. how baboy naman the pig! ok, back to the topic... dear gentle reader, ikaw ay masasabing natorotot kapag ang iyong asawa ay may kabit na ibang tao na hindi mo alam. halimbawa, yung kapitbahay namin dito sa antipolo, kakahiwalay lang nila... nagalit kasi si lalaki dahil yung bunso niyang anak ay kamukhang kamukha ng driver niya. muntik na nga silang magbarilan sa loob ng bahay. ngayon alam mo na siguro kung bakit delikado ang manorotot sa bagong taon.

THE 1ST PINOY BLOG CHRISTMAS PARTY

Posted by jayd at 09:26 AM | Comments (14) | TrackBack

December 30, 2004

TOROTOT EPEKS

GENTLE READER: dear unkyel batjay, hindi mo po nabanggit ang torotot doon sa "top 10 list ng mga pwedeng palit sa paputok itong bagong taon". bakit po ba, ayos naman ito bilang alternative sa paputok, di ba?

BATJAY: dear gentle reader, medyo hindi kasi ako komportable sa torotot. nakikinig ako sa AM radio kahapon ng umaga habang papunta sa hospital para dalawin ang ate ko. ang sabi ng announcer ay delikado raw ang torotot sa bagong taon. nakakamatay raw ito, lalo na raw pag tinotorotot mo ang kapit bahay mo.

Posted by jayd at 12:37 PM | Comments (7) | TrackBack

December 23, 2004

BORN FREE, TAXED TO DEATH

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nasaan ka ba at ano ang ginagawa mo nung mabalitaan mong namatay na si FPJ?

BATJAY: dear gentle reader. siguro may gustong iparating sa akin ang tadhana. nasa singapore ako't nakasakay sa taxi nang marinig sa radyo na namatay na si da king. papunta ako sa internal revenue authority dahil gusto nila akong idemanda - sa tutuo lang, nakatanggap ako ng court summons kaya medyo kinabahan ako. di raw kasi ako nagbayad ng taxes during my first year in singapore (which isn't true). eventually, i was able to clear my name. pero ang experience na yan, kasama ng pagkamatay ni FPJ ay nagpatunay sa akin ng mga sumusunod: UNA, magaling maningil ang singapore sa mga may utang sa kanya na buwis. PANGALAWA, "Nothing is certain but death and taxes".

Posted by jayd at 07:27 AM | Comments (4) | TrackBack

December 02, 2004

THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng "THE BEST BLOGGER FOR 2004" sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan... baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

alam ko mas maraming mas magaling sa akin kaya di ko inaasahan na manalo ng award ang pagsusulat ko. pero, hayaan nyo akong mag speech: i want to thank my parents for giving me baon. i want to thank god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. i want to thank my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 13 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

Posted by jayd at 04:18 PM | Comments (43) | TrackBack

November 25, 2004

You never turned around to see the frowns on the jugglers and the clowns

GENTLE READER: dear unkyel batjay. ang tanong ko lang e.. bakit walang reverse gear yung mga bike??? thanks sa reply ha.. if ever na masagot mo.

BATJAY: very interesting gentle reader. bakit walang reverse gear ang bike? ano ito trick question. ngyahaha. ang dahilan kung bakit walang reverse gear ang bisikleta ay dahil ang kadena ng typical na bisikleta ay nakakabit galing ng pedal papunta sa likod na gulong, thus producing forward motion. imposibleng magkaroon ng reverse ang biskleta dahil dito. pero kung may matalinong scientist ang mag imbento ng bisikleta na sa harap na gulong ang connection ng kadena ay siguradong magkakaroon na tayo ng reverse gear. naisip ko rin, kung gusto mo talaga ng reverse gear, bakit hindi mo na lang baliktarin ang iyong bike seat para doon ka nakaharap sa likod pag nagbibisikleta ka.

Posted by jayd at 11:47 AM | Comments (10) | TrackBack

November 17, 2004

Wonderful baby, nothin' to fear. Love whom you will, but doubt what you hear

BATJAY: ano ang sinabi ng doctor nang pinanganak ako?
GENTLE READER: tangina, ang pangit namang bata nito!
BATJAY: GAGO!
GENTLE READER: sirit
BATJAY: it's a bouncing baby boy with super big balls of steel!
GENTLE READER: tagalugin mo nga...
BATJAY: naku, isang tumatalbog na lalaking sanggol na may malaking betlog na bakal!

super batjay, ang lalaking gagamba na may malaking betlog na sintigas ng bakal.

Posted by jayd at 06:07 AM | Comments (12) | TrackBack

November 15, 2004

There's nothing better than a good friend, except a good friend with CHOCOLATE

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nabasa ko ito sa balita kanina: "women who eat chocolate regularly had the highest levels of desire, arousal and satisfaction from sex". ang gusto ko lang malaman eh: paano naman yung mga pilipino na mahilig sa "chocnut"?

BATJAY: dear gentle reader, ano ba ang ingredient ng chocnut? di ba chocolate din? kaya the next time na magpabili ang partner mo ng chocnut, huwag ka ng ilokanong bato at manghinayang sa $3 price per box. itodo mo na pati pamato at panabla. ano ba naman ang sampung kahon na chocnut (a $30 price tag) kung ang katumbas naman nito ay mind-numbing, halos magka sore throat ka sa kakasigaw na sex.

Posted by jayd at 08:00 AM | Comments (14) | TrackBack

November 09, 2004

YOU TELL ME THAT ITS EVOLUTION, WELL YOU KNOW..

DOCTOR KAIBIGAN: homologue yung nipples natin, batJay. it roughly means, "counterpart." in our case, it becomes a vestigial structure because of loss of function over years and years of evolution. di naman tayo nagpapasuso. parang appendix din yan: vestigial structure. puede mong ipaalis dahil wala namang silbi. of course, walang gumagawa kasi unusual yun. pero, logically speaking, posible.

MAY UTONG SA NOO BATJAY: maraming salamat sa napaka informative na comment mo doc. pag ikaw talaga ang nag explain ay naiintindihan ko agad. at saka maraming salamat for treating my silly questions with the same thouroughness as you answer the people who ask you serious questions. dahil sa iyo, na immerse na ako sa vestigial structures at lalo tuloy akong nagbasa tunkol sa idol kong si charles darwin. most especially the past few days when news erupted about the silly evolution bruhaha in the US state of georgia. perhaps doctor, it would please you to know na pinag isipan kong mabuti ang sinabi mo na pwedeng ipaalis ang mga nipple ko dahil evolutionary dead ends naman sila. as of today, wala na akong utong sa dibdib. yung isa, pina transplant ko sa kaliwang pisngi ng pwet ko. yung isa naman (please see picture) ay pinalipat ko sa aking noo. wala lang. fashion statement, i guess.

Posted by jayd at 12:57 PM | Comments (17) | TrackBack

November 08, 2004

SUICIDE IS PAINLESS

GENTLE READER: dear unkyel batjay, parati akong depressed lately. minsan pa nga ay semi-suicidal. malapit na po akong makalbo tapos iniwan po ako ng girlfriend ko at sumama sa ibang babae. gusto ko lang pong malaman kung ano ang pinakamandang gawin ko para bumalik ang saya sa buhay ko at magkaroon ng "feel good" disposition.

BATJAY: wear comfortable shoes.

Posted by jayd at 05:16 PM | Comments (17) | TrackBack

November 05, 2004

No one saw us this evening hand in hand while the blue night dropped on the world

GENTLE READER: dear unkyel batjay, anong gagawin mo pag may sumingit sa iyo sa pila diyan sa singapore?

BATJAY: titingnan ko ng masama at sisigawan. tulad kanina, may isang may putok na sumingit sa akin sa pila ng bus.

GENTLE READER: anong ginawa mo?

BATJAY: nagtakip ng ilong. di ko ma take kaya pinasingit ko na lang.

GENTLE READER: last question, if you had the choice, ano ang pipiliin mo - mahabang titi or super talinong utak?

BATJAY: pass

Posted by jayd at 03:32 PM | Comments (12) | TrackBack

October 28, 2004

Where no one asks any questions, Or looks too long in your face - In the darkness on the edge of town

GENTLE READER: dear unkyel batjay, welcome back! ang gaganda naman ng pictures ninyo doon sa "jay and jet's bakasyon ispesyal in kiwiland". at very interesting din ang kwento ni jet doon sa kanyang latest blog about your stay in auckland. buti pa siya, magaling magkwento - di katulad mong puro drawing. pero, ang tagal mo ring nawala ano? ang galing mo talaga, nakakapunta ka sa mga iba't ibang lugar. masarap ba ang maging isang byahero?

UNKYEL BATJAY: kamusta na, GR? matagal din akong nawala, ano. masarap ba talagang maging isang byahero? kung ok lang sa iyo ang nakaupo ng sampung oras sa eroplanong masikip na may katabing taong mas malakas pa sa kanyon ang putok. kung ok lang sa iyo ang maghintay sa harap ng isang immigration officer dahil iniisa-isa niya ang mga page ng passport mo na halos kabisaduhin niya lahat ng mga tatak rito. kung ok lang sa iyo ang magbuhat ng bag na sa sobrang bigat ay halos halikan na ng iyong luslos na betlog ang lupa. kung ok lang sa iyong sumagot ng mahigit 600 emails pagbalik mo sa opisina. kung ok lang sa iyo ang umurong ng todo ang iyong pototoy dahil sa sobrang lamig ng klima. kung ok lang ang lahat ng ito sa iyo, eh di oo masarap ang maging isang biyahero.

Posted by jayd at 10:01 PM | Comments (14) | TrackBack

October 15, 2004

BUTIKA, BITUKA, BUTIKI, BUTIKA, BITUKA, BUTIKI

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kung pagdila sa kili-kili ng langaw ang pampagaling sa allergy, ito totoo: sabi ng lola ko, pag hinihika ka dapat kakain o lulunok ka ng butiki.. pag pasmado ka, dapat ihian mo yung pasmado mong kamay or paa.

UNKYEL BATJAY: eh paano kung pasmadong hikain?

GENTLE READER: ewan. sirit.

UNKYEL BATJAY: sabi ng lolo ko, lumunok ka raw ng ihi ng butiki. BWAHAHAHA.

NASA NEW ZEALAND KAMI NI JET HANGGANG NEXT WEEK... see you when i see you.

Posted by jayd at 01:03 AM | Comments (22) | TrackBack

October 14, 2004

THE MORNING IS FULL OF STORM IN THE HEART OF SUMMER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang sabi po ng matatanda - ang allergy daw sa shrimp/prawns ay nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the spine of the shrimp. so pag-inalis daw yun, pwede mo na itong kainin. kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga, ano po? hehehe. nagmamahal, gentle reader

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, ang recommended daw na gamot, kung sakaling magka allergy ka dahil hindi mo natanggal yung itim na vein that runs through the back of the spine ng alamang, ay dilaan mo raw ang kili-ikili ng langaw. at least, yan ang sabi ng kaibigan kong doctor na sira ulong katulad ko. hope this medical tip helps.

Posted by jayd at 06:04 AM | Comments (21) | TrackBack

October 12, 2004

A BRAVE MAN ONCE REQUESTED ME, TO ANSWER QUESTIONS THAT ARE KEY

gentle reader: dear unkyel batjay, nakita ko po kayo kagabi sa clinic. ano po ang nangyari?

batjay: ako nga yung nasa clinic kagabi. nagpakapon kasi ako.

gentle reader: aybegyorpardon, ano po yon?

batjay: nagpatanggal ng betlog - nagpakapon. gusto ko kasing sumali sa vienna boy's choir.

gentle reader: seriously...

batjay: sige na nga - nagpa circumcise ako.

gentle reader: parang yung kay magellan?

batjay: haha - corny. circumnavigate yong ginawa niya. tuli yung sinasabi ko. nagpatuli ako.

gentle reader: seriously...

batjay: ALLERGY - sinumpong na naman ako.

gentle reader: eh di supot pa rin kayo hanggang ngayon?

batjay: ganon na nga. supot na, kamot pa ng kamot.

Posted by jayd at 11:15 AM | Comments (16) | TrackBack

September 28, 2004

THE WOODS ARE LOVELY, DARK AND DEEP, BUT I HAVE PROMISES TO KEEP, AND MILES TO GO BEFORE I SLEEP

TANONG: dear unkyel batjay, isasangguni ko lang po sa inyo ang kaibigan ko. ang tanga tanga niya kasi at ayaw pang hiwalayan ang kanyang asawa. malimit siyang ginugulpi nito, lalo na pag lasing. walang itong trabaho at umaasa lang sa kanya. kung sino sino pang babae ang nilalandi. naiinis na po ako talaga.

SAGOT: "dear gentle reader, tatlo lang ang dahilan kung bakit ayaw humiwalay ng kaibigan mo sa asawa niya. either talagang mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang hiwalayan no matter what. pwede rin na iniisip niya ang kapakanan ng kanilang mga anak. o kaya, talaga lang na malaki ang tarugo ng kanyang mister. mayron akong malaki at mapurol na gunting. kung gusto mo, ipahiram natin ito sa kanya para maging kaboses ng mister ng kaibigan mo si michael jackson."

Posted by jayd at 06:11 PM | Comments (4) | TrackBack

September 26, 2004

BECAUSE THE WORLD IS ROUND IT BLOWS MY MIND

TANONG: dear unkyel batjay, ano po ba ang masasabi ninyo tungkol doon sa paghuli ng MMDA sa mga naka topless na lalaki sa Metro Manila?

SAGOT: dear gentle reader, alam mo naman na contra ako sa kahit na anong form ng kabalastugan galing sa mga matatalinong tao sa gobyerno, kaya bukas na bukas din ay magwewelga kami sa harap ng opisina ni bayani fernando sa MMDA. buwisit na idea na yan. mga kapatid, sumali na kayo sa bago naming itinayong maka kaliwang grupo. ito'y alyansa ng mga because oriented groups na kinabibilangan nga mga kung sino-sino. ang pangalan nga pala ng grupo namin ay "TOPLESS FOR CHRIST", kaalyado ito ng grupo ng mga kulasisi at mga kabit sa pilippinas na pinamagatang "concubines for christ".

Posted by jayd at 01:18 AM | Comments (4) | TrackBack

September 17, 2004

BUT THERE'S A SECRET GARDEN SHE HIDES

dear unkyel batjay, yaman din lamang at napagusapan natin ang hindi pag-aasawa (by choice) ng ibang mga kababaihan, ano ang maipapayo mo sa kanila para naman maging masaya ang buhay nila bilang mga habambuhay na dalaga?

Posted by jayd at 10:29 AM | Comments (34) | TrackBack

September 16, 2004

I'M YOUR ICE CREAM MAN, STOP ME WHEN I'M PASSIN' BY, SEE NOW ALL MY FLAVORS ARE GUARANTEED TO SATISFY

TANONG: dear unkyel batjay, tanong ko lang po - bakit po ba dirty ice cream ang tawag doon sa sorbetes na nilalako sa pilipinas?

SAGOT: "dear gentle reader, kaya dirty ice cream ang tawag doon ay dahil nilalagyan ng kulangot yung dulo ng cone ng mamang sorbetero. well, at least yan ang paliwanag ng mommy ko sa akin nung araw para huwag akong kumain ng dirty ice cream. wa-epek. kumakain pa rin ako. pero siyempre with extra caution - pag malapit na sa dulo ng ice cream cone ay tinatapon ko na ito para di ko makain yung kulangot."

Posted by jayd at 06:37 AM | Comments (32) | TrackBack

September 09, 2004

I AM HE AS YOU ARE HE AS YOU ARE ME AND WE ARE ALL TOGETHER (YET ANOTHER EGGLESS IN SINGAPORE STORY)

TANONG: dear unkyel batjay, di po ba "KINAKAMOT" ang tamang sagot kung may nag tanong sa iyo kung "ano po gusto nyo sa itlog nyo?" MWAHAHA!

SAGOT: dear gentle reader, medyo mag-ingat ka lang. pag kinamot kasi yung itlog, magiging itlog na maalat yon. bwahaha! pinaalala mo tuloy - wala pa ring regular supply ng itlog dito sa singapore. BWAKANGINANGYAN. pero teka: napaka uncomfortable talaga pag sinumpong ka ng kati sa betlog kaya huwag ninyo itong ismolin. lalo na kung ikaw ay nasa gitna ng maraming tao. talagang pagpapawisan ka ng malamig. you're at a crossroads and must decide fast. do i scratch my balls or ignore the itch? magpapasimple ba akong magkamot na kunwari ay dumudukot ng barya sa bulsa? ikakaskas ko ba sa lamesa na kunwari ay sumasandal? gagayahin ko ba ang mga bumbay who blatantly scratch their balls in public? yan ang mga day to day issues na kinahaharap naming mga kalalakihan. it's really tough, but a man's got to do what a man's got to do. anyway, in conclusion gentle reader, the next time you see some guy with his hands in his pockets on a hot and humid day - be afraid. be very afraid.

Posted by jayd at 12:44 PM | Comments (25) | TrackBack

September 05, 2004

WE ARE CRUISING FOR BRUISING MY BABY

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilib naman ako sa yo't ang lupit mong mamisikleta. grabe, baka ma-dethrone mo si lance armstrong niyan.

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, si lance ba yung kapatid ni steve na leader ng voltes V? MWA-HAW-HAW (TV corny joke canned laughter). di naman siguro lance armstrong. ikaw naman gentle reader. muntik na nga akong mahimatay doon sa taas ng flyover dahil sa sobrang tarik ng pagakyat, puro ka pa diyan lance armstrong. pero sa tutuo lang, ngayon ko lang na appreciate ang mga nagawa ni lance armstrong sa tour de france. kaya pala nabighani si sheryl crow sa kanya kahit isa na lang ang betlog niya. ang galing ni lance to get over cancer like he did. meyknomisteyk, idol ko siya.

last night nga pala, was another unforgettable biking experience for me. yung pagbisikleta namin ay mas malayo kaysa last week. nagpunta kami sa seletar airport via the exciting and vibrant jalan kayu eating places. halos 48 kilometers back and forth from pasir ris where we live. kaunti lang kami kagabi - 7 and 1/2 men. ang ibig kong sabihn ay pitong lalaki at isang tibo. lahat ay intsik except for one cute pinoy. mwahaha. di na rin ako saling meow like i was last week. hekshuli, this week i had an important role to play: naging baby sitter ako sa isang overweight biker na akala ko aatakihin sa puso. kaya all night, binantayan ko siya ng maigi. siguro dahil alam ko nang mag pace, or perhaps i was more in shape (naghanda kasi ako the whole week prior to last night) - i was less tired than i was during my first ride. this was a good thing, dahil it was another great night. wooded ang area na yon na pinuntahan namin, at amoy na amoy ko ang mga bulaklak at halamanan along the way. nakarating nga ako sa bahay, mga 3 am na. kulang kulang na 5 masayang oras din akong on the road.

Posted by jayd at 10:26 AM | Comments (4) | TrackBack

September 01, 2004

WAKE UP, WAKE UP, WAKE UP, 'COS YOU DO IT RIGHT

TANONG: dear unkyel batjay, bagong kasal po ako at gusto kong malaman kung ano ang sikreto sa successful marriage?

SAGOT: "sex. panayin nyo ang sex"

TANONG: dear unkyel batjay, paano po bang pagandahin ang sex life naming mag-asawa?

SAGOT: "mag tooth brush ka bago matulog"

TANONG: dear unkyel batjay, yun lang po ba?

SAGOT: "mag shower ka rin bago matulog para mabango ang pepe/toto mo"

TANONG: dear unkyel batjay, nakakainis ka naman eh. seryoso ako.

SAGOT: "o sige, may sasabihin ako sa iyong sikreto. huwag mong ipagsasabi ha?"

TANONG: dear unkyel batjay, my lips are sealed. ano po ang sikreto?

SAGOT: "ako si darna"

TANONG: dear unkyel batjay, malapit na kitang ombagin. sige na naman!

SAGOT: "o siya, eto na ang sikreto: sex is 90% foreplay. follow this ratio and you and your partner will always have a smile on your face everyday."

Posted by jayd at 12:45 PM | Comments (8) | TrackBack

August 28, 2004

HOW MANY YEARS CAN SOME PEOPLE EXIST?

TANONG: dear unkyel batjay, hindi po ito trick question. gusto ko lang pong malaman kung ano ang magandaing itanong pag may nakilala kang kambal for the first time.

SAGOT: "matagal ba ba kayong magkapatid?"

Posted by jayd at 09:00 PM | Comments (12) | TrackBack

August 27, 2004

THE ANSWER MY FRIEND IS BLOWING IN THE WIND

dear unkyel batjay,

galit po ba kayo sa mga babaing may edad na walang asawa?

ingat po sa inyo,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

wala akong issue tungkol sa mga single feminist na over 40. sa katunayan nga, mas gugustuhin ko pa nga na parang pito ng pulis ang tunog ng ihi nila kasya naman mag-asawa sila ng walang kwentang magpapaiyak lang sa kanila. para sa mga kababaihan na nagdecide to remain single by choice dahil walang lalaking worthy sa inyo, ang sagot ko ay "good for you" and more kilikili power! tapos na ang panahon ng pagkamartir. kaya magkantahan na lang tayo. para sa inyong lahat ang awit na ito... PAKINGGAN NINYO.

nagmamahal,
batjay

Posted by jayd at 12:41 AM | Comments (28) | TrackBack

August 26, 2004

WHEN IT RAINS AND SHINES, IT'S JUST A STATE OF MIND

dear uncle batjay,

ano pa ba ang maipapayo ninyo sa kaibigan kong babae na ayaw mag-asawa. malapit na siyang mag 40 pero single pa rin. ang ganda ganda naman niya at maganda ang trabaho. parati ko nga siyang sinasabihan na piliin na lang maigi ang mga nanliligaw sa kanya. parang pihikan at enjoy pa yata niya ang pagkadalaga.

ingat po sa inyo,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

sabihin mo sa kanya eh mag-asawa na agad at baka magbago ang tunog ng ihi niya.

nagmamahal,
batjay

Posted by jayd at 01:15 AM | Comments (25) | TrackBack

August 20, 2004

ONCE UPON A TIME YOU DRESSED SO FINE, YOU THREW THE BUMS A DIME IN YOUR PRIME, DIDN'T YOU?

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo, gusto ko lang pong malaman kung pwede ko kayong tawagin na BJ. yun lang po, maraming salamat at more fower to you!

gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

salamat sa kamusta. ok lang ako dito sa singafore. kyut pa rin. pero ava, gentle reader - fronounce your letter fee froferly ha. ano yang more fower na sinasavi mo? fara kang kumfare ko. sinabi niya kasi doon sa customs opiser sa NAIA na kailangan niya ng fucking tape para maisara ang kahon na funo ng fasalubong. kala ko tuloy, huhulihin kami ng fulis. asan na ba ako? ah ok... huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa at tanggalin na natin ang mga ambiguities. diretsuhin mo nang tawagin akong BLOWJOB. nasa asshole mode ako ngayon kaya pwede mo rin akong tawaging kupal...

...may gago kasing nag tanggal ng colored printer dito sa office namin. shared resource ito at lahat pwedeng gumamit. nalaman ko kanina na nilipat ito ng isang business group para exclusive lang sa kanila ang usage. siyempre nagpanting ang tenga ko. network printer ito, kaya mayron pa rin akong access dito. ang ginawa ko, nag print ako ng apat na kopya ng user's manual na ginagawa ko (mahigit 2 inches thick per copy). malamang hanggang ngayon ay nagpi-print pa rin ito. ang tantya ko, mahigit isang libong page lahat ito at high resolution color. hinihintay ko na lang ang phone call galing sa asshole na nagtanggal ng printer na yon. napaka sutil ko talaga gentle reader. siguro diretso ako sa impyerno when the time comes. sayang, gusto ko pa namang salubungin ako ng mga anghel sa langit na may malalaking pekpek. hehe. but what can i do, demonyito ako pag may mga ganitong situation. sige, yun lang muna. until next time, if there is a next time.

nagmamahal ang inyong,
unkyel blowjob

Posted by jayd at 02:06 PM | Comments (22) | TrackBack

August 04, 2004

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel - pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa "fafa batjay". maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo...

bakit nga ba ako nag abroad? mahabang storya gentle reader, sana may oras ka para magbasa. masasabi kong convergence ng maraming mga factors ang nagudyok sa akin para magabroad.

una: nagsawa na ako sa trabaho ko sa pilipinas at hindi ko na makasundo ang dati kong boss. siguro we've outgrown each other at masyado na kaming familiar sa isa't isa. labindalawang taon din akong nagpaikot ikot sa pilipinas at hilong hilo na rin ako. pero huwag ka, enjoy ako sa mga byahe ko sa kung saan saan. sabi nga ni yoyoy villame eh - "according to our geography, the philippines is a great country".

ikalawa: putangina kasi ang traffic sa maynila. biro mo, dalawang oras ang antipolo-makati papunta, dalawang oras naman makati-antipolo pabalik. apat na oras para lang sa pag byahe? packingsheet! binbilang ko ang oras ko sa loob ng kotse sa isang taon - 1056 hours! bwakangina, sabihin na nating 100 pesos ang singil ng manhours ko (eksampol lang naman ito). biro mo, 105600 pesos ang nasasayang ko every year, dahil sa traffic. idagdag mo pa diyan ang mala basketball sa laki ang nabibilog kong kulangot dahil sa sobrang tagal ng galaw ng mga sasakyan.

ikatlo: bingyan ako ng offer ng mga kaibigan ko dito sa singapore. yan ang isang maganda sa industriya namin: habang tumatagal ka eh marami kang nakikilalang mga tao. yung iba sa kanila ay maganda ang impression sa iyo. sila ang magbibigay sa iyo ng mga magandang offer. iyan nga ang nangyari sa akin. nag bigay ng offer ang kaibigan ko na magtrabaho sa singapore para sa isang kumpanya nilang based sa california. binigyan nila ako ng magandang offer na may kasamang pension plan, sales commission, medical benefits at libreng bakasyon pabalik sa pilipinas. nang makita ko kung magkano ang total package, nanlaki ang mata ko at sinabi ko sa boss ko: "sheet! you are so bery-bery gud! i wil begin with you por tomorow! (in madertang translation: "tangina! ang galing mo sir, magsisimula na ako para sa iyo bukas na bukas din")

ikaapat: kailangan nang mabayaran ang bahay namin ni jet. mataas ang monthly payment ko sa bahay dahil 3 years to pay lang siya. yung sweldo ko sa pilipinas ay di kaya ang pagpapatuloy na pagbayad sa bahay. eh ito ang unang bahay na binili naming mag-asawa. naipundar at naitayo dahil sa packingsheet na pawis at dugo. di pwedeng mahinto ang pagbayad. ayun, dahil sa pag abroad ko ay nairaos din namin. fully paid na ngayon ang bahay at na enjoy na namin ito. yung nga lang eh tuwing umuuwi lang kami ni jet sa pilipinas. pero ika nga ni mick jagger: "you can't always get what you want". kaya happy na rin kami sa ganitong sitwasyon.

naku, tingnan mo nga yan, napahaba na pala ang sagot ko gentle reader. bukas ko na lang sasagutin ang isa mo pang tanong na "kung masarap bang mag abroad". ingat diyan at sana ay makasama ka sa asawa mo sa pag abroad para naman di masayang ang sex life ninyong dalawa.

Posted by jayd at 12:33 PM | Comments (25) | TrackBack

July 22, 2004

ITANONG MO KAY BATJAY

dear uncle batjay,

bago ko ilahad ang aking tanong ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ni ate jet, sampu ng inyong mahal sa buhay ng isang magandang umaga. ito pa ang aking mga tanong: ano ba ang masama sa pagiging supot? bakit minamaliit ng ga pinoy ang mga supot? at saka nga pala, kundi ako nagkakamali, lahat ng members ng F4 are uncircumcised. di ba maraming mga chinese dyan sa singapore? o kaya yung mga puti dyan. mga supot naman yung mga yun. hahaha.

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

maraming salamat sa pagsulat mo sa akin. dati rin akong supot kaya malaki ang maitutulong ko sa iyo. hayaan mong sagutin ko ang mga katanungan mo. ano bang masama sa supot? wala namang masama sa supot. except saksakan ng dami ng kupal nya kung hindi siya maglilinis ng titi araw-araw. in other words, smegmatic.

cultural na lang siguro ngayon kung bakit nagpapatuli ang mga lalaking pinoy. tulad ng mga tubong south east asia - nung una, para sa kalinisan siguro. ngayon parang rite of passage ng lang. a test of boldness and courage, so to speak. it is a man's proof that he has indeed, become a true man. kaya nga supot ang tawag sa mga duwag sa pilipinas eh. base sa aking masigasig na research (tinanong ko ang asawa ko), preferred din ng mga kababaihan ng pilipinas ang circumcised. siguro for the same reasons. at siguro din, ayaw nilang nakakakita ng supot dahil naaalala nila ang mga titi ng baby. cradle snatching psychological ek-ek siguro ano? isa pa, iba talaga ang hitsura ng titing supot - parang ice candy na nilagyan ng bonnet. naku, kasagwa!

kung supot ang mga members ng F4 eh malas nila kung pinay ang titingin at hahawak. dito sa singapore ay maraming supot. mga intsik, puti at lalo na ang mga bumbay. malamang ay sangkatutak ang kupal nila dahil marami rito ang hindi naliligo.

yon lang muna. naway, may natutunan kang kaunting kaalaman, gentle reader. ingat na lang diyan at parati mong tandaan. tuli man o supot, nasa pag gamit yan.

nagmamahal,
batjay

Posted by jayd at 12:00 PM | Comments (41) | TrackBack




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".