http://www.makepovertyhistory.org/
hoy, psst...welcome to kwentong tambay!! bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
Pondahan
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zenia Maria
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
Asus!
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
The Black Book
The Thessaliad
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Cherrie
Reggie
Belle
Mec
Neil
Tanya
Jobert
Tito Rolly
Aya
Yvette
Nick
Mari
Val
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
Apol D' Great
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Beautiful Mind
The Best of Me
Bloggo Chicago
BLueBLinK
Blue Journals
Boondock Queen
BoyetB
Bulong na Pasigaw
Butterfly Dreams
Carmela
Carpe Diem
CBSMagic
Celya's Don't Look Back
ChieNovela
The Color of Raine
Dalagang Bukid
Daragang Magayon
Desarapen Tales
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Down Under Christine
Dreams
http://www.ederic.net/
Edge of the World
EXPECTORANTS
Eye Focus
Galang.Org
iDiOtBoArD
iSn'T iT LucKy
Jeepney Thoughts
Kape at Yosi
Keng-Keng
Kenzo Boy Wonder
Kusina ni Manang
Kwentong Amerika
Life's Rich Tapestry
Madalas Magalas
Manila My Manila
Manay Duday
Mga Lumang Piyesa
nonstandardized.com
New Confessions
osang's legroom
paperback writah
Piercing Pens
Random Rambling
Rebel Pixel
sarisaring adbentyurs
The Secret Tango Dancer
soft grumbles
SoloFlite's Demented Mind
Stormy Days
Ako si T
Tara Jing Pot Pot
Tatang's Karinderia
Technobiography
The Schmucks
Thinking Out Loud
Tiptoes
twistedbanana
Unshackled
Val
Videoke Queen
Velvetyn
Vixen
Yosi Break
Zentanglement

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Roger
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
Kramer

[::..KINDAT.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Joey Ayala
Haring Liwanag
Banyuhay
Gumawa ng Sandman

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto





[::..ang nakaraan..::]
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001







Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.

Powered by
Movable Type 3.2





August 25, 2005

The other day when I was walking through the woods, I saw a rabbit standing in front of a candle making shadows of people on a tree

pag uwi ko kanina may maliit na kuneho na tumalon malapit sa paradahan ko ng kotse. muntik na akong mahimatay sa takot. akala mo nga eh may magic show. cottontail ata ang tawag sa kanila at marami nito sa opis namin pag gabi. kung minsan nga eh nasa isang location lang silang lahat - isang barkada ng mga kuneho na nakatambay. nakakatakot nga, lalo na pag lahat sila ang nakatingin sa iyo. parang may malevolence sa kanilang mata, lalo na pag nasikatan ng head light. iba na talaga ang mundong ginagalawan ko. nung nagtatrabaho ako sa pilipinas ang nakikita ko lang na kuneho ay yung nasa candy. pilit ko ngang hinabol yung gumulat sa akin na rabbit kaya lang sobrang bilis ang takbo ng lekat. pakiramdam ko, para akong si alice na nakikpag habulan down the rabbit's hole, papunta doon sa wonderland tea party. should i take the red pill?

Posted by jayd at 07:41 PM | Comments (14) | TrackBack

August 21, 2005

The doors we open and close each day decide the lives we live

the first two weeks the first two weeks the first two weeks
the first two weeks the first two weeks the first two weeks
the first two weeks the first two weeks the first two weeks

pinapakita ng mga litrato rito ang unang dalawang linggo sa buhay namin ng aking mylabopmayn jet sa amerika. pakiramdam ko eh napakatagal na namin dito kasi ang dami ng nangyari - from the EB that we did at redondo beach the sunday after we arrived, going to work, finding an apartment, buying furniture, dinner at our friend's house to our company picnic last week.

to mark our move to southern california, gumawa ang ninang kong Ate Sienna ng bagong "kwentong tambay" template. masarap talagang mayroong kaibigan ano? nauutangan mo na, naigagawa ka pa ng design para sa website. kung gusto nga pala ninyo ng libreng template para sa mga blog sites ninyo, bumisita lang kayo sa Manilena Dot Com. you can download the templates there for free. ayaw magpasingil ng ninang ko kaya kung nagandahan kayo sa ginawa niya at gusto ninyong mag donate, padala nyo na lang sa akin ang pera. hehehe.

Posted by jayd at 10:44 PM | Comments (18) | TrackBack

August 18, 2005

I've learned that people will forget what you said, people will forget what you did, but people will never forget how you made them feel

dalawa at kalahating linggo na ang nakaraan pagkatapos naming bumaba sa eroplano at patuloy na ang pag usad ng aming buhay california: dumating na yung inorder naming sofa ngayong hapon. tapos na ring ma asembol lahat ng "build it yourself" furniture na binili namin. my days as a carpenter are finally over at mukhang tahanan na ang apartment namin. masarap talagang mag home improvement project dahil mayroong pride at feeling of accomplishment pag nikikita mong nakatayo na ang ginawa mo. in total mayroon na akong isang dining room showcase, tatlong aparador, isang tv stand, dalawang bedside table, isang shoe rack, apat na paltos, isang daliring tinamaan ng martilyo, dalawang gabing mainit ang ulo, magkabilang paa na nabagsakan ng mabigat na kahoy, isang sugat na malapit sa pulso and a partridge in a pear tree.

ang isa pang good news ay nagkaroon na ako ng social security number. nagpunta nga ako sa social security office the other day para kuhanin ito. dumating ako ng lunch, just in time to watch 2 filipinos fighting. isang pinay na nagpa process din ng kanyang social security ay sinuway ng isang pinoy na security guard sa pag gamit ng cellphone. nagkasagutan sila dahil nainsulto ang babaeng nasaway, sinabihan ang pinoy na security guard na nagyayabang lang ito at gustong mag power play doon sa opisina. ayun, nagkapikunan at nagtalo talo. sa excitement ko nga eh muntik na akong sumigaw ng - "kung talagang matapang ka, sige nga - hawakan mo nga ang tenga".

naka encounter na rin ako sa wakas ng mga naririnig ko lang sa mga kwento - that in some cases, we don't give any quarter to our own here in the states. ewan ko, siguro naive lang ako sa sex at sa takbo ng buhay dito sa amerika. siguro, punong puno pa rin ako ng pinoy sensibilities. if i was the security guard, i would have probably talked to the lady in tagalog and said in a low and friendly voice na may kasamang matamis na ngiti: "miss maganda, bawal po ang cell phone sa social security office, baka po pwedeng patayin habang narito kayo" instead of "PLEASE TURN OFF YOUR CELLPHONE MA'AM. I REPEAT, DO NOT USE YOUR CELLPHONE HERE".

Posted by jayd at 10:45 PM | Comments (14) | TrackBack

August 15, 2005

Enjoy the little things, for one day you may look back and realize they were the big things

etong mga nakaraang mga araw, nakapag asembol ako ng dalawang side table para sa bagong dating na kama. binili namin sa wall mart nung sabado yung mga table. simple lang gawin dahil may bago akong phallic power tool: isang electric screw driver. buti nga kasi dahil halos magkanda paltos ang kamay ko nung gamit ko yung swiss knife. naisip ko nga rin, kung mahilig lang sana ako sa anal sex, pwede nga sigurong gawing vibrator yung electric screw driver. kaya lang siguradong mag iiba ang tunog ng utot ko pag nagkataon. ang taba kasi nito eh. maganda yung kama na dumating, lalo na ng lagyan na ng bed sheets. ang sarap ding tulugan. naka tatlong bangon-higa, bangon-higa, bangon nga ako kanina. kung may sumisilip lang nung time na iyon, sasabihin nila sira ulo ako. kung sabagay, sira naman talaga ang ulo ko - pero kung bilog lang ang buwan.

ok naman kami ni jet pero iba na talaga ang mundo namin ngayon. ang first indication nito ay ang weather. although it's summer in california, hindi masyadong mainit. well, relative to south east asia of course. maaraw during day time pero may hangin na maginhawa at hindi ako pinagpapawisan ng tulad sa singapore na halos pati betlog mo ay basa ng pawis. ang isang masarap dito ay malamig sa gabi. today is a bit weird though - it's been foggy and grey for the whole day pero walang ulan. gardemet, i miss the sound of rain.

Posted by jayd at 10:14 PM | Comments (18) | TrackBack

August 11, 2005

Is it time to go home yet? I keep clicking these damn shoes, but nothing happens

kakatapos ko lang nakabuo ng lamesa ngayong gabi. oo virginia, apat ang paa niya. walang mali sa ginawa ko. kaya lang may isang turnilyong naiwan, hindi ko alam kung saan ikakabit. baka sa ulo ko. hehehe. kagabi ay tatlong silya ang na asembol ko, kaya mayroon na kaming dining room show case. tapos, nakabili kami ng brand new ref at washer/dryer galing sa supervisor ng apartment naming bading. benta niya sa amin ay $400 for all three. bargain na rin. ang galing nga ng ref namin - may ice maker. ngayon lang ako nakakita nito. bwakangina, napaka promdi ko. hehehe. pasensya na't novelty ito para sa akin. nung bata kasi ako, para akong gago dahil parating naka abang sa ref, naghihintay para tumigas ang titi ko? hindi gago, naghihintay para tumigas ang yelo. we've gone a long way - ngayon may instant ice na pag bukas ko ng ref. how cool is that? literally, it's really cool.

yan pa ang isang salitang medyo napapangiwi ako pag naririnig ko rito sa amerika - "cool". tumitindig nga ang balahibo ko pag naririnig ko ang sarili kong magsabi ng "cool". parang "jakol" ang naririnig ko at gusto kong matawa ng malakas. anyway, malapit nang matapos ang home improvement namin: tatlong cabinet na lang at isang TV shelf ang gagawin. so far, mukhang bodega pa rin ang apartment namin dahil puro kahon sa living room. pero marami na talagang nadagdag - yung kitchen namin ay kumpleto na. si jet halos lahat ang nag-ayos nito. bukas may mga darating pang mga ibang furniture. in two weeks this apartment will feel like home. i swear, (ala scarlett o'hara na may hawak na lupa) as god is my witness.

Posted by jayd at 11:28 PM | Comments (26) | TrackBack

August 09, 2005

A wooden bed is better than a golden coffin

ok. unti unti nang nakukumpleto ang mga gamit sa apartment namin. kagabi nagpunta kami ne jet sa Levitz para bumili ng coffee table at saka mattress (hindi yung ovary, gago - yung kutson na nilalagay sa kama). siyempre pag bumili ka ng coffee table, kailangan may kasamang (hindi coffee gagi) - kailangan may kasamang sofa. pag bumili ka ng mattress, kailangan mo naman ng kama. mahal pala ang mga furniture dito sa merika. pero maganda naman ang quality. ang dami ngang mapagpipilian kaya pag hindi ka nag ingat, kung ano ano nang mabibili mo. gigising ka na lang isang umaga, ubos nang lahat ang pinagputahan mo.

ang sikreto sa pagbili ng sofa ay nasa actual test. kailangan pag upo mo, medyo lulubog ang iyong katawan. tapos, pag bigla kang nakaramdam ng pinagsamang di maipaliwanag na kaligayahan at antok - bilhin mo na ito dahil siguradong maganda ang sofa na iyon. ganoon nga ang ginawa namin. muntik na nga akong nakatulog, bigla lang akong napatayo dahil naririnig ko na ang sarili kong humilik.

ispokening of pag hilik, ang sikreto naman sa pag bili ng kama ay ito - siguraduhin na pag higa mo ay lapat sa likod mo sa kutson. not too firm as to be too uncomfortable, not too soft naman para lamunin ka ng kama paghiga mo. tandaan parati ang kwento ni goldilocks - kailangan just right. importante ito para hindi ka mapipilayan, pag nag patambling tambling ka during acrobatic sex.

naalala ko tuloy yung kaibigan ko - parating pumapasok sa opisina ng may black eye. ang malimit niyang dahilan eh nahulog daw siya sa kama dahil masyado raw itong malambot. bwakanginangyan, sabi ko - "huuu, ginulpi ka lang ng misis mo, ayaw mo lang aminin". dito siya biglang titingin sa malayo at medyo maluluha. ang buhay talaga ng mag-asawa ay bittersweet na minsan painful (lalo na pag nagulpi ni misis).

darating na itong weekend yung inorder namin. yung sofa at kama muna this friday. mahuhuli raw ng 1 month ang headboard. di ko nga alam kung ano ang magiging hitsura ng kama na walang headboard. pero sa ganang akin naman eh, as long as pwede itong tulugan at gulungan, ok na ito.

Posted by jayd at 06:54 PM | Comments (22) | TrackBack

August 08, 2005

Big sisters are the crabgrass in the lawn of life

Hi Ester!!!

It's so nice to hear from you. I called up mom during the weekend and she was asking if we've gotten in touch already - I told her that we write each other emails regularly. She said that she's got a letter for you but she hasn't been able to mail it because the mailman she normally sends her letters to, quit. Since her 81 year old body can't go out and visit the post office anymore, the letter's still with her but she promised to send it soon.

We've moved during the weekend. We're now staying in a great one room apartment with a big bedroom and bathroom, high ceiling and a very homey feeling that Jet and I really like. We have a small elevated patio where it would probably be nice to barbeque. We will celebrate the move with a picnic there pretty soon. We started last Saturday by moving twelve boxes and twelve bags from our friend's house to the apartment. It took two trips, ten pounds shed off my weight and a lot of blood and sweat. It's a good thing our friends Tom and Ceci came out to help. Otherwise I would probably have a hernia by now and sound like Michael Jackson (mom's term would probably be "naging boses kiki").

We've setup electricity and water, phone service, cable and internet connection so we're in business even if the apartment is bare. Trust a techie to think of setting up his electronic equipment before getting a refrigerator or a washer/dryer. It was funny when a friend walked in yesterday and saw the router, cable box and phone: He knew right away that a nerd lives in that place because the living room didn't have anything else.

But it's going to change pretty soon. Yesterday, Jet and I went out to shop for furniture. We went to IKEA and got 3 shelves, a TV cabinet, a dining table and some chairs, a computer table, some lamps, a lot of house fixtures and 21 Swedish meatballs. The problem is that I have to assemble everything so I will probably be busy scratching my head this week trying to find out if I can follow the directions. I will start with a chair. I know "a chair is still a chair even though there's no one sitting there" but some furniture are hard to assemble, especially if the directions were done by somebody who doesn't know a word in English. Believe me, I've gotten into a lot of trouble with manuals I can't understand (e.g. "When paddenger of foot heave in sight, tootle the horn. Trumpet him melodiously at first, but if he still obstacles your passage then tootle him with vigor"). But it's a good thing IKEA has really good stuff that are easy to build.

I hope you had a great weekend, hopefully, not as hectic as ours. My right hand is still sore as I write this and my back is killing me. But, that's ok. At least now we're moving along and experiencing life in the United States. It's been great so far. Take care and give my regards to Randy.

With so much love,
Jay

Posted by jayd at 06:00 PM | Comments (28) | TrackBack

August 05, 2005

"So she poured out the liquid music of her voice to quench the thirst of his spirit."

nagbayad ako ngayon ng downpayment sa bahay. ang rent namin ni jet para sa isang one room apartment dito sa orins kawnti - $1250 (lagpas 68-tawsan pesoses). ang mahal, pakingsheet. muntik pang hindi natuloy dahil wala pa nga akong social security number. buti na lang sinagot ako ng opis namin. sila ang nag guarantee ng rent. nung bayaran nga ninerbyos ako - credit card ang ginamit ko at tumalbog ang una. buti na lang may extra akong card na pang emergency. yun ang na approve kaya tuloy na tuloy nang lipat namin sa sabado. labindalawang mabibigat na kahon at labindalawang bag ang bubuhatin. iniisip ko na nga ang mangyayari pagtapos nito... maluluslusan ako at magiging kaboses ni michael jackson.

ano ba ang "luslos" sa english? "hernia", di ba. matagal ko na itong iniisip at walang makapagbigay ng magandang explanation... bakit "hernia" ang tawag sa "luslos"? di ba dapat "himnia", kasi tayong mga lalaki lang ang tinutubuan ng betlog. naalala ko tuloy yung kaibigan ko sa novaliches na si tirik. bakit daw "doberman" ang tawag sa "doberman". bakit daw hindi "doberdog". ayun simula noon, "doberdog tirik" na tuloy ang tawag namin sa kanya.

Posted by jayd at 11:02 PM | Comments (15) | TrackBack

August 03, 2005

Why does Sea World have a seafood restaurant?? I'm halfway through my fish burger and I realize, Oh my God....I could be eating a slow learner

ngayong hapon lumabas na naman kami ni jet para maghanap ng apartment. binigyan ko na ng taning ang house hunting namin dahil ayoko nang lumabas from work. dapat by tonight ay may napili na kami. ngyakshuli, may mga nabisita na kaming mga apartments na promising at nag shortlist na kami ng tatlo na aaplayan. first choice ay one room apartment with bathroom at covered garage. gusto ito ni jet dahil kyut ang layout at madaling linisin. nagustuhan ko naman dahil may magandang patio (ano bang patio sa tagalog? hindi duck, gago - balkonahe!), tahimik ang location, maraming puno at low density (ang ibig sabihin ng low density dear brader en sister, eh hindi mo maririnig ang kapit bahay mong humihilik). mabait naman ang superintendent na umasikaso sa amin - nakakatawa, accomodating at medyo bading. halata ko naman dahil sa pilantik ng kamay niyang medyo pilay at sa tono ng kanyang boses. hindi naman siya nagpakyut sa akin. siguro, hindi niya type ang betlog na kulay brown.

if all goes well (ie, my credit check gets approved even though i still don't have any credit history and a social security number), we will have a permanent place to stay by this weekend. i cross my fingers and my legs.

Posted by jayd at 11:17 PM | Comments (20) | TrackBack

July 14, 2005

Life stinks, but that doesn't mean you don't enjoy it

is it a book or is it food? curious lang ako... pag nakita nyo ba ang picture na ito, ang ang naaalala ninyo? pagkain ba or "lord of the flies" ni william golding. ako, paiba iba at depende sa oras - pag lunch eh naiisip ko lechon cebu, sawsawang suka na may toyo na binudburan ng siling labuyo at hanging rice (puso). sarap non. ispokening of pagkain. na mi miss ko ba ang pagkaing singapore? oo. dalawang linggo na kami ni jet dito sa maynila. nag iba nang panlasa ko at parang ang layo na namin sa nakagisnang buhay sa singapore. hindi ko na sana aaminin pero sige - ang isa ko pang nami miss ay ang anghit. hehehe. packingsheet. akala ko hindi ko ito hahanap hanapin. medyo weird nga eh. kanina lang nasa mall ako at napapaligiran ng maraming mga tao, i was half expecting na makakaamoy ako ng putok. wala. kahit putok ng paltik - wala. hina hanap hanap ko tuloy ang mabagsik na amoy langkang hinaluan ng sibuyas na halos mag pabiyak sa ilong ko.

Posted by jayd at 11:05 PM | Comments (29) | TrackBack

July 11, 2005

It is often said that before you die your life passes before your eyes. It is in fact true. It's called living

family reunion in tagaytay family reunion in tagaytay family reunion in tagaytay
family reunion in tagaytay family reunion in tagaytay family reunion in tagaytay
family reunion in tagaytay family reunion in tagaytay family reunion in tagaytay

family reunion sa tagaytay last saturday. kahit na napakaraming problema rito sa pilipinas, wala pa ring katapat ang makasama mo ang mga mahal sa buhay. masaya talaga. pero mas magiging infrequent na ang mga reunions namin ngayon lalo na't papunta na kami ni jet sa california. bagay na lubos kong ikinalulungkot. kahit isipin kong may nagsasayaw sa harap kong isandaang bumbay na gumagalaw galaw ang mga ulo, hindi pa rin ako matawa. pero teka muna - di pa naman kami umaalis, wala pang dahilang malungkot.

hekshuli, maraming nagpapatawa sa akin ngayon - si jejomar binay, eat bulaga sa tanghali at darna sa gabi. kanina, nanood ako ng darna for the first time. ang laki pala ng pakpak niya sa ulo ano? nagulat ako. at ang kintab ng red helmet niya. siguro kaya hindi siya nakikilala ng mga kasama niya. hanggang ngayon kasi, hindi pa rin nila mapagdugtong na si darna at si narda ay iisang tao kahit halatang obvious naman sa hitsura. ang yung pangalan din - "darna", "narda". hello? ang tatanga naman nila. pero naaliw naman ako kahit paano, kaya siguro tanga na rin ako. either that or gusto ko lang talagang tingnan yung cleavage ni darna. one thing you can rely on sa aming mga lalaki - willing kaming mag suspend ng disbelief pag malaki ang boobs ng bida.

Posted by jayd at 11:01 PM | Comments (26) | TrackBack

July 05, 2005

"Men have forgotten this truth," said the fox. "But you must not forget it. You become responsible, forever, for what you have tamed"

home where my thoughts excape me ang buhay ko nitong past three days ay parang prototype ng magiging buhay ko pag semi retired na ako. balak sana namin ni jet, 5-10 years pagkatapos naming mag abroad ay mag semi retire na pero mukhang nagbabago na ang plano namin dahil sa bwakanginang problema sa bayang magiliw natin pero that's another story. para na nga akong domesticated animal husbandry itong mga nakaraang araw. dito lang ako sa bahay - nagtatrabaho every now and then. natutulog pag inaantok. sumisilip sa internet. inaasikaso ko rin ang mga halaman ko pag huminto ang ulan. nakikinig ng radio habang kumakain ng hot pandesal na may palamang reno liver spread. nanonood ng balita at nakikipag kulitan - ginagaya ko ang boses ni mike enriquez pag kinakusap ko ang mga kasama ko rito. subukan ninyong sabihin ang "anna banana, maghanda ka na ng hapunan" sa style ng pagbabalita sa GMA 7 kung di kayo matawa.

kaya all things considered, ok na rin. masaya ako at contento (i.e. always busog, sometimes tulog). i would trade my high speed internet in singapore for a chance to spend some time in my garden. altough sa sobrang bagal ng connection ko rito eh napipilitan tuloy akong mangulangot habang naghihintay na bumukas ang mga website.

Posted by jayd at 11:09 PM | Comments (22) | TrackBack

July 04, 2005

When the world wearies and society ceases to satisfy, there is always the garden

narito na kami sa pilipinas. halata ba ang saya ko? ngyehehe. ngiting abot tenga na medyo nakakaloko. ngayon lang nga ako nakaka ngiti - the night before we left singapore, hindi kami natulog ni jet dahil sa last minute na empake kaya pagdating ko sa airport hindi na ako makausap ng matino. nakatulong yung short flight dahil tulog ako most of the time pero running on empty na ako by the time kaming umakyat papunta sa bahay namin sa antipolo. medyo nanibago pa ako sa pagmaneho dahil right hand drive sa singapore. siguro pinaghalong pagkalito at antok, muntik akong makasagasa ng tumatawid na babae. pero ngayon fully rested na ako. nakapag garden na nga ako kaninang umaga. maraming bulaklak sa garden at pati nga yung mga gumamela kong lavender ay in full bloom din. maulan ngayong gabi kaya medyo malamig ang panahon at nakahiga ako habang sinusulat ito. sa labas ng bintana ng kuwarto namin ay may tanim akong jasmin. hitik na hitik siya sa bulaklak kaya amoy na amoy namin ang bango niya. ang sarap talaga rito sa bahay, sana hindi na matapos ang bakasyon na ito.

Posted by jayd at 11:01 PM | Comments (28) | TrackBack

May 25, 2005

Only the beginning of what I want to feel forever

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet - seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers... bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang "ode to joy" ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet - chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga - ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don't know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

isa sa mga all time paborito kong kanta ay ang "beginnings" ng chicago. ito yung 1970's chicago bago mabaduy nang mapasok si peter "yoursoyucky" cetera. ang kantang ito ay tungkol sa isang lalaking sobrang swerte ang tingin sa sarili niya dahil nakatagpo siya ng babaing mamahalin ng porebereneber. ito ang kanta ko ngayong taon kay jet.

When I'm with you,
it doesn't matter where we are,
or what we're doing.
I'm with you,
that's all that matters.
Time passes much too quickly
when we're together laughing

kahapon, nag grocery si jet para sa panglinguhan naming supplies at pagkain. tinawagan niya ako sa opisina at tinanong kung ano ang gusto kong pasalubong. sabi ko - "wala mylab, yung narito ka lang na kasama ako ay ok nang pasalubong para sa kin". kahit nga ako eh medyo naluha sa sinabi ko because i really meant it. hehehe. happy anniversary mylabopmayn. it's been an exciting 14 year trip and i look forward to more adventures together. lab u.

Grow old along with me, The best is yet to be

Posted by jayd at 12:00 AM | Comments (75) | TrackBack

May 06, 2005

Eagles may soar, but weasels don't get sucked into jet engines

GENTLE READER: unkyel, ano na nga ba yung kasabihan na tungkol sa tulay that's about facing difficulties as they happen and not worry uselessly about them beforehand? let's cross that bridge when... ano na nga?

BATJAY: ah - "let's cross that bridge when its too far"

GENTLE READER: hindi, war movie yan eh.

BATJAY: let's cross that bridge over spilled milk

GENTLE READER: gago.

BATJAY: let's cross that bridge over the river kwai

GENTLE READER: naman eh.

BATJAY: let's cross that bridge is falling down

GENTLE READER: falling down falling down.

BATJAY: let's cross that bridge over troubled water

GENTLE READER: hehehe. kanta?

BATJAY: let's cross that bridge made of sorrow that I pray will not last.

GENTLE READER: argh!

MYLABOPMAYN JET: let's cross that bridge of madison county

GENTLE READER: o pati asawa mo sumasali sa kalokohan mo.

Posted by jayd at 09:56 PM | Comments (20) | TrackBack

September 30, 2004

DI KO PANSIN ANG JASMIN SA GABI

home sweet home nagising ako kaninang madaling araw mylab. nangangamoy ang jasmin sa labas ng bintana natin. naalala tuloy kita. maganda naman ang hitsura ng bahay natin ngayon. naipaskil ko na ang painting na binili natin sa living room at maganda ang epekto niya. si datu naman ay balik sa dati niyang masiglang sarili. tumubo na ang buhok niya. ang garden ay puno na ng bulaklak at lumalamig na sa gabi. hinihintay na talaga tayo ng ating tahanan sa pagbalik natin sa pasko. all in all, ok namang lahat except sa isang maliit na kakupalan: mayron tayong bagong lipat na kapit bahay sa tapat na sobra ang yabang. araw araw na lang ay sinusubukan niya ang alarm ng kanyang bagong ford pick-up. ma umaga man o hapon, ginagawa niya ito araw-araw. minsan ko na siyang sinigawan na tigil tigilan na niya ang kakupalan niya. sa susunod na pag uwi at ginawa pa rin niya ito - kukuha ako ng bato at ipupukol ko sa windshield ng kotse niya sa madaling araw para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko pag nag iingay siya.

Posted by jayd at 10:28 PM | Comments (13) | TrackBack

August 04, 2004

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel - pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa "fafa batjay". maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo...

bakit nga ba ako nag abroad? mahabang storya gentle reader, sana may oras ka para magbasa. masasabi kong convergence ng maraming mga factors ang nagudyok sa akin para magabroad.

una: nagsawa na ako sa trabaho ko sa pilipinas at hindi ko na makasundo ang dati kong boss. siguro we've outgrown each other at masyado na kaming familiar sa isa't isa. labindalawang taon din akong nagpaikot ikot sa pilipinas at hilong hilo na rin ako. pero huwag ka, enjoy ako sa mga byahe ko sa kung saan saan. sabi nga ni yoyoy villame eh - "according to our geography, the philippines is a great country".

ikalawa: putangina kasi ang traffic sa maynila. biro mo, dalawang oras ang antipolo-makati papunta, dalawang oras naman makati-antipolo pabalik. apat na oras para lang sa pag byahe? packingsheet! binbilang ko ang oras ko sa loob ng kotse sa isang taon - 1056 hours! bwakangina, sabihin na nating 100 pesos ang singil ng manhours ko (eksampol lang naman ito). biro mo, 105600 pesos ang nasasayang ko every year, dahil sa traffic. idagdag mo pa diyan ang mala basketball sa laki ang nabibilog kong kulangot dahil sa sobrang tagal ng galaw ng mga sasakyan.

ikatlo: bingyan ako ng offer ng mga kaibigan ko dito sa singapore. yan ang isang maganda sa industriya namin: habang tumatagal ka eh marami kang nakikilalang mga tao. yung iba sa kanila ay maganda ang impression sa iyo. sila ang magbibigay sa iyo ng mga magandang offer. iyan nga ang nangyari sa akin. nag bigay ng offer ang kaibigan ko na magtrabaho sa singapore para sa isang kumpanya nilang based sa california. binigyan nila ako ng magandang offer na may kasamang pension plan, sales commission, medical benefits at libreng bakasyon pabalik sa pilipinas. nang makita ko kung magkano ang total package, nanlaki ang mata ko at sinabi ko sa boss ko: "sheet! you are so bery-bery gud! i wil begin with you por tomorow! (in madertang translation: "tangina! ang galing mo sir, magsisimula na ako para sa iyo bukas na bukas din")

ikaapat: kailangan nang mabayaran ang bahay namin ni jet. mataas ang monthly payment ko sa bahay dahil 3 years to pay lang siya. yung sweldo ko sa pilipinas ay di kaya ang pagpapatuloy na pagbayad sa bahay. eh ito ang unang bahay na binili naming mag-asawa. naipundar at naitayo dahil sa packingsheet na pawis at dugo. di pwedeng mahinto ang pagbayad. ayun, dahil sa pag abroad ko ay nairaos din namin. fully paid na ngayon ang bahay at na enjoy na namin ito. yung nga lang eh tuwing umuuwi lang kami ni jet sa pilipinas. pero ika nga ni mick jagger: "you can't always get what you want". kaya happy na rin kami sa ganitong sitwasyon.

naku, tingnan mo nga yan, napahaba na pala ang sagot ko gentle reader. bukas ko na lang sasagutin ang isa mo pang tanong na "kung masarap bang mag abroad". ingat diyan at sana ay makasama ka sa asawa mo sa pag abroad para naman di masayang ang sex life ninyong dalawa.

Posted by jayd at 12:33 PM | Comments (25) | TrackBack

June 16, 2004

WISH I DIDN'T KNOW NOW WHAT I DIDN'T KNOW THEN

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures... punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: "at night we ride through mansions of glory in suicide machines... 'cause tramps like us, baby we were born to run."

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano - either yung "american gods" ni neil gaiman or yung "a soldier's story" na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

Posted by jayd at 01:49 PM | Comments (20) | TrackBack

March 28, 2004

SUICIDE IS PAINLESS

two weeks ago, pinanood ko ang "M*A*S*H" (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng "suicide is painless", the lyrics of which incidentally, was composed by altman's son. kahit saan na lang kinakanta ko ito - sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

mayron pa akong mga ibang nirecord:

"freight train". kinanta ko habang pinapatikim sa akin ni jet yung weekend ulam namin, kaya marami kayong maririnig na background noise at iba pang mga soundepeks.

"for no one". ang aking childhood peborit. para sa akin, ito ang isa sa mga turning point sa pop music history. before this, you had lyrics like "bye-bye love, bye-bye happiness, hello loneliness, i think i'm gonna dah-hie". then this beatle song came out and the over simplistic lyrics of the past became - "your day breaks, your mind aches, you find that all her words of kindness linger on, and she no longer needs you". a big leap in the sophistication of the music.

"golden slumbers". ang paborito kong lullaby song, from the 1969 abbey road LP of the beatles (again). alay ko sa lahat ng mga baby sa buong mundo.

Posted by jayd at 01:57 PM | Comments (11)

February 23, 2004

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: "i'm going to las pinas". gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong "yellow taxi" experience niya, bibigyan ka nya ng "blow by blow" account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: "mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again."

Posted by jayd at 06:52 PM | Comments (0)

February 20, 2004

LABAS ANG DILA

CLICK TO ENLARGE. yung nasa extreme left ay si doctor rico. isa siyang cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, mahilig sa negosyo at may babuyan sa bulacan, sumunod si pareng nes, isa ring magaling na internal medicine doctor at ex-military captain. asawa niyang si tess ay kapitan-doctor pa rin ngayon sa v.luna at isa sa mga doctor ni kumander robot. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex, yung all around cleaner na sikat sa pilipinas. siya yung nakikita ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangi-tanging katangian ng produktong ito. alaskado nga siya sa amin dahil nagtataka kami kung paano naging endorser ng cleaner ang isang doctor sa puso. isa pa, bago kinunan ito, lumapit si anna banana, ang alalay namin sa antipolo para magpa-autograph sa kanya. <br />
"kiss! kiss! kiss!" - parating sigaw ng mga pinoy pag may kasal. di ko alam kung kailan ito nagsimula, pero sa barkada namin, ang sinisigaw ay kiss! kiss! kiss! labas ang dila!". pati sa mga kodakan minsan, isisigaw ng photographer: "o smile ha...labas ang dila". kita nyo naman ang resulta (click on pic to enlarge) - mga kagalang-galang na professionals appear as if they are sex starved men. o baka naman talagang, in our heart of hearts, most of us are sex starved men. who knows?

yung nasa kaliwa ay si doctor rico, cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, negosyante. sumunod si pareng nes, magaling na internal medicine doctor. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex na napapanood ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangian ng produktong ito. nagtataka nga kami kung paano naging endorser ng panlinis ng sahig ang isang doctor sa puso.

pero sa tutuo lang, bilib na bilib kami sa domex. bago nga kinunan ito, lumapit si anna banana (ang alalay namin sa antipolo), para ipa autograph yung bote nya ng domex.

Posted by jayd at 10:53 AM | Comments (0)

February 05, 2004

ANONG GAGAWIN SA $10 MILYON

ngayon ang bola ng lotto (or toto) dito sa singapore. pinag-uusapan nga ito sa lahat ng mga coffee shops at opisina dahil ang premyo ay 10 million dollars. tumaya nga kami ng mga ka-opisina ko. ang lotto rito ay pitong numero. eh pito rin kami sa opis kaya tig-isa kaming number. ang aming taya: 05, 08, 09, 12, 13, 22, 26... i cross my fingers and legs, sana manalo kami. magkano ba ang tatamaan ko? eto ang computation: 10 million dibaydibay 7 equals 1.43 million dollars, equivalent to 47 million pesoses. PACKINGSHEET!

pag nanalo ako, kukuha ako rito ng tatlong domestic helper. isang intsik, isang malay at isang bumbay. ang itatawag ko sa kanilang tatlo ay "MARIA" (as in mariang-palad?). papahirapan ko sila ng husto. bukod sa regular na pag asikaso nila sa bahay: yung bumbay, taga pedicure/manicure ko. yung malay, taga hugas ng aking pwet. yung intsik ang magpapaligo sa akin.

tapos, tuwing linggo iimbitahin ko ang lahat ng mga kababayan natin dito na mga DH. papupuntahin ko sa bahay para pagsilbihan ng tatlong kumag kong katulong na mariang intsik-bumbay-malay. ok na siguro ito bilang pang ganti sa mga tao ritong mababa ang tingin sa mga pinoy.

Posted by jayd at 02:40 PM | Comments (0)

December 24, 2003

PLANT YOUR LOVE AND LET IT GROW

nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life. less is more. the main objective is to reduce the garden to it's simplest form until only the essential remains and a sense of order emerges. however, some plants are born to be wild (like me) so don't forget to let loose a few and let it grow semi-gubat. you don't want your garden to be all organized and proper. that's too boring. did i mention simplify?

read all the gardening books you can find to get a few tips. you'll soon find out however, that experience is the best teacher. some plants will live, others will die (ok ka lang? ganyan talaga ang buhay). those that thrive however will show you the way. a garden is a perpetual work in progress where everything evolves and grows. add new plants from time to time but pay attention to the older ones. especially the ones that you had when you started. these plants are special and more often than not will stay with you till the day you die.

before i forget, don't spend too much time under the family tree. life is so much richer out in the open with the wind at your back and the sun turning your skin into golden brown (like my kutis betlog). did i fail to mention simplify? nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life.

Posted by jayd at 05:16 PM | Comments (0)

November 10, 2003

another weekend at home

goooooood morning from singapore! jet and i just stayed home during the weekend. we watched a lot of the DVD's i got from china. i took an online certification exam from our company website and passed, much to the satisfaction of my boss. jogged in the morning and evening, slept late and ate.... and ate... and ate the following:

1. homemade beef tapa with datu puti vinegar and silverswan soysauce, rice and ginisang pechay with giniling na baboy.

2. i cooked my breakfast special - bacon, white rice, sunny side eggs and steamed tomatoes with extra virgin olive oil

3. beef steak tagalog with fresh onions on the top

4. and finally, we had a "to die for" ginisang monggo that jet made (actually she made everything except the breakfast special. hehehe)

still deciding if the IMAX version of matrix revolutions is worth watching. maybe next weekend, para sabay na christmas shopping. there's no motivation to watch any shows. lately, the concert scene has been... well, "bad" is too weak a word to use. there's dion warwick, air supply and herman's hermits. hehehe... talk about jurassic pop. the last great band to come here was blondie last july, i think. the last concert we watched here was the rolling stones right before the SARS epidemic broke. now that was a really great great concert.

Posted by jayd at 08:49 AM | Comments (0)

August 21, 2003

MY PURPLE GUMAMELA

isa sa mga bulaklak ng aming munting hardin sa antipolo...

gumamelang violet sa aking hardin

"bulaklak sa paanan naghihintay ng pansin
ano pa ang buhay niya kundi mo langhapin"

walang ibang sadya, joey ayala

Posted by jayd at 01:55 PM | Comments (0)

April 30, 2003

HOUSE PHOTOS

spiderman na alkansya

spider man na alkansya, song hits, lalagyan ng CD, candle holder, sketch pad, water colors, pencil, eraser, pastel colors, pallete, camera... my favorite things.

tambayan ng bayan

ANG TAMBAYAN NG BAYAN: telephone, speakers, inodorong maliit, CD, monitor, pc, camera, yosi, ash tray, lighter, kung ano-anong abubot na galing sa mga byahe, mouse at oolong tea

face mask pang-contra SARS

pang contra sa SARS na face mask... baduy na si BatJay.

dear mommy,

nandito pa rin kami ni jet sa singapore at nag-iingat pa rin sa SARS. mahigpit na rito - 2 beses na kaming pinaparecord ng temperature sa opisina. pati nga rito sa bahay ay nag-lalagay na kami ng face mask. di na rin kami lumalabas ng bahay dahil baka pagtawanan kami ng mga tao. sana ay mawala na itong epidemic na ito para naman makauwi kami sa june... at saka para makilala na ako ng boss ko.

ingat diyan,
Zorro

p.s. ito nga pala ang ginamit ko nung nag audition ako kay stanley kubrick. sa kasawiang-palad, si tom cruise ang kinuha, bwakanginangyan. di bale, next time na lang siguro... kaya lang namatay na si kubrick eh. gagawa kaya si spielberg ng "eyes close-open"?

Posted by jayd at 12:02 AM | Comments (0)

April 21, 2003

COMING HOME

ang garden ko...

makauwi kaya kami ngayong june? hmmm... naglalaway na akong umuwi. gusto ko nang tumambay sa garden ko. amuy-amuyin ang mga bulaklak, magputol ng damo, mag-ihaw ng liempo habang umiinom ng malamig na serbesa.

miss ko na kayo... iced tea o kaya kape on the side. kapitbahay na maingay. tunog ng tricycle. kalembang ng sorbetero. balut. lechon. alikabok (sa ilalim ng dagat? mwa-ha-ha), aso kong si datu, hot pan de sal na may palamang reno liver spread, tsitsaron, pork barbeque, amoy ng sahig na nilinis ng domex, alaskahan at murahan...hehehe. bwakanginangyan, putonginamoy, anakngpusakunting. tagalog na mura. malutong.

ah, di bale 2 buwan pa naman. may panahon pa para humupa itong tangnang SARS na ito. pwede pang magdasal at mangarap. sana, sana... makauwi na. hey! hey! (ayan panginoon, nakikinig ka ba, may cheer pa sa huli! hehehe)

Posted by jayd at 11:44 PM | Comments (0)

June 25, 2002

THE CRAZY GYPSY IN MY SOUL

going home on july 6 - two weeks from now. hmmm... looking forward to living in my house again, even if only for a few days. i'm happy - yeah. right here and now!

Posted by jayd at 01:55 PM | Comments (0)

SHINING DOWN LIKE WATER

malapit lang ang tinitirhan namin sa coast line ng singapore - kaya nga west coast ang address ko eh...hehehe. ito ang side na nakaharap sa malaysia - i.e. Joror Bahru or JB. medyo malayo sa gulo ng sabah, kung saan maraming mga bad boys. sa northern tip ng malaysia at indonesia na nakaharap sa southern tip ng pilipinas ay ang pinaka notorious na sea lane sa asia. maraming pirata at mga bandido, sindikato, smugglers, etc. madaling tumawid dito papunta't pabalik ng malaysia, indonesia, philippines. ito ata ang sinasabing "exit through the back door". ang side ng indonesia ay kalimantan ang tawag, saba naman ang tawag ng mga malaysian sa side nila. tapos may maliit na portion ng isla kung saan naroon ang brunei. parating pinupuntahan ng mga brunei beauties na favorite ni egay! hehehe... ano ang tawag sa side ng sabah na pagaari ng pilipinas? 'wasted opportunity' hehehehe... bukod sa maraming muslim doon ay marami ring langis. kaya lahat ng major player sa oil and gas industry ay nandoon - texaco, bp, shell, etc. punta ako doon sa august. hehehe... feeling mel gibson na naman!

tahimik dito ngayon sa opisina. di ko pa alam kung anong status ko. mukha namang OK dahil kinausap ako ng boss ko tungkol sa trip ko sa indonesia at tungkol sa trabaho. baka ibig sabihin nito, may trabaho pa ako! hehehe... pero baka parang kanta ni john fogerty at ng CCR...

Someone told me long ago
There's a calm before the storm
I know, It's been coming for some time
When it's over so they say
It'll rain on a sunny day
I know, Shining down like water

I wanna know, Have you ever seen the rain?
I wanna know, Have you ever seen the rain?
Coming down on a sunny day


july 6 - tuloy na. nabili na ni jet ang ticket nya at nabook na ng opisina ang ticket ko. kita kits tayo sa birthday ni nes. sana makapunta kayong lahat - ito nang chance nyong makaganti sa mga alaska ko...

Posted by jayd at 01:50 PM | Comments (0)

May 24, 2002

LADY CHATTERLY'S LOVER

i want to be a gardener. that's my calling... well, maybe a part-time engineer on the side (for the extra cash). this is my dream job - but i cannot apply for it now because i am not qualified. to qualify for the position of gardener, one must have a sustainable retirement fund. this is only possible if i save up while i'm here in singapore. and it could take me 5 to 10 years.

let's do the math... 5 to 10 years in singapore will guarantee me a good enough amount of cash for an early retirement. that will put my age to around 40-45 years old. i don't think i'll live to be 70 or 80. so, 45 plus 20 years is 65... a good enough age to permanently call it quits. it will give me 20 or so years to enjoy my retirement. not bad...

Posted by jayd at 02:12 PM | Comments (0)

HAPPY VESAK DAY SA MGA KAPATID NATING KABUMBAYAN

Vesak Day (actual day of celebration - 26 May 2002) is celebrated by Buddhists annually to commemorate the birth & enlightenment of Buddha and his entry into Nirvana.

The day starts with chanting of the sutras by saffron-clad monks, while devotees visit the temples to pray and meditate and to make offerings. Acts of generosity known as Dana are observed by Buddhist organizations and temples. These include the freeing of caged birds and animals, visiting and giving alms to the poor and needy, while some Buddhist youths organize mass blood donation at hospitals. The celebration concludes with a candlelit procession through the streets.

Posted by jayd at 01:14 PM | Comments (0)

25 may 2002, 11TH WEDDING ANNIVERSARY

tomorrow, 25 may 2002, holiday rin sa pamilya dahil 11th wedding anniversary namin ni jet. wow... it's been a long trip man! pero di bad trip ah. hehehe... naalala ko pa nung kasal namin, a long long time ago. nasa labas kami ng munisipyo ng kalookan kasama ang ninong ko - ang pangalan niya ay si Dr. Boyet Silverio (kilala nyo ba siya? hehehe), at ang isa ko pang ninong na si mael (hindi siya malibog ha!). kaming dalawa lang ni jet, kasi simpleng kasal lang ang gusto namin (hehehe). ni wala ngang kamag-anak, kahit parents namin eh wala... wala kasi akong pera nung araw. nag sisimula pa lang kaming mag-ipon. reception nga ng kasal namin eh sa jolibee lang. nung panahong iyon kasi, pang jr. champ with fries at chicken joy lang ang budget namin. doon pa nga ata kami kumain sa sangandaan. at saka, kaming dalawa lang ni jet, di ko na inimbita ang 2 ninong namin - gastos lang iyon. hehehe... wala rin sing-sing, kasi walang pambili. isipin mo, ang suweldo ko nung panahon na iyon ay 2,000 pesos per month. kulang pa ngang pagkasyahin sa pamasahe at pagkain papuntang trabaho, sing-sing pa makakabili. dehins pre. inisip ko na lang, kung mayrong diyos - maiintindihan niya, dahil hindi naman siya tumitingin sa mga bagay na walang kabuluhan.

Posted by jayd at 01:04 PM | Comments (0)

December 24, 2001

MERRY CHRISTMAS?

this is my first christmas out of the country. my first christmas in singapore.

there's not that much christmas cheer really. tumatanda na ako, di ko na na-enjoy ang pasko. parang parehong araw lang ito, katulad ng mga nag-daan ng mga araw - kisap-matang nawala. wow, ang gandang salita "kisap-mata": "blink of an eye"... para bagang isang pa-profound effect to impress gentle reader. hehehe... amazing!

"it's amazing whoop, with the blink of an eye, suddenly it's alright". sabi nga ni aerosmith. ang bilis talaga ng panahon. sana next year na, para pwede nang umuwi at mag-baskasyon.

merry christmas na lang, whatever it still means.

Posted by jayd at 09:46 AM | Comments (0)

December 10, 2001

JAKARTA

Jakarta reminds me so much of home. The heavy traffic jams, the sticky heat, the smoke from reckless super fast cars and motorcycles and the people. We share the same face and we share some words. Not long ago, our ancestors probably came from the same tribe of nomads who have been ruling the South East Asian seas. In spite of the poverty all around, we share the same smile.

I look out to the city from my hotel window and wonder: will this country of 200 million people rise up from the rut and shine like the rest of its neighbors? I really don’t know. Like the Philippines, this place needs a major deluge - A big flood or a major catastrophe: a volcanic eruption, a tsunami or a meteor strike perhaps. Like home, this place needs to rid itself of a generation of corruption, crime and poverty. Out of the ashes, we can start again. Of course, this is assuming that all the people we love to hate die in the first wave. If they don’t, they may be able to bribe some rescue worker and survive. This is dangerous because the viscous cycle of corruptor and corruptee starts all over again.

One thing I really like is food. Indonesian food is interesting and worth eating - hehehe. I like their Nasi Padang. It's basically rice with a ton of different dishes that is brough to your table. You pay only for what you eat. Each dish is different, from spicy to very spicy. hehehe... Of course, there is their national pride: Indonesian Barbeque Satay with Peanut Sauce.

“Terimah KASIH” – thank you! A word I find effective when connecting with the Indonesians. It is the magic word; a password that open doors (“Buka Pintu”). A smile and a thank you is all you need to belong.

“Belonging” – I cannot even measure how important this is for me, a travelling salesman.

Posted by jayd at 12:30 PM | Comments (0)

October 09, 2001

BACK FROM HOME

i'm back in singapore after a week in the philippines.
my wife is with me and i feel complete.
it was great to be back home - except for the politics,
everything was just right.
my mom is healthy
my dog is still the same "salbahe" companion
my house is ok and my garden is full of flowers.
now if a big bomb just dropped down the senate,
that would erase half of the problems in the philippines.

Posted by jayd at 04:36 PM | Comments (0)

September 21, 2001

THE HOME I LEFT BEHIND

...and then i see a picture of the house and family i left behind and suddenly it all come back in a flood of memories. home - traffic jams and dusty roads, chaos in the streets, people who don't care, corruption and greed, potholes and heat. philippines my philippines, we love it to death!

Posted by jayd at 08:21 AM | Comments (0)

September 11, 2001

SINGAPORE BLUES

nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana... sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana...

Posted by jayd at 04:18 PM | Comments (0)




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".