http://www.makepovertyhistory.org/
hoy, psst...welcome to kwentong tambay!! bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
Pondahan
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zenia Maria
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
Asus!
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
The Black Book
The Thessaliad
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Cherrie
Reggie
Belle
Mec
Neil
Tanya
Jobert
Tito Rolly
Aya
Yvette
Nick
Mari
Val
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
Apol D' Great
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Beautiful Mind
The Best of Me
Bloggo Chicago
BLueBLinK
Blue Journals
Boondock Queen
BoyetB
Bulong na Pasigaw
Butterfly Dreams
Carmela
Carpe Diem
CBSMagic
Celya's Don't Look Back
ChieNovela
The Color of Raine
Dalagang Bukid
Daragang Magayon
Desarapen Tales
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Down Under Christine
Dreams
http://www.ederic.net/
Edge of the World
EXPECTORANTS
Eye Focus
Galang.Org
iDiOtBoArD
iSn'T iT LucKy
Jeepney Thoughts
Kape at Yosi
Keng-Keng
Kenzo Boy Wonder
Kusina ni Manang
Kwentong Amerika
Life's Rich Tapestry
Madalas Magalas
Manila My Manila
Manay Duday
Mga Lumang Piyesa
nonstandardized.com
New Confessions
osang's legroom
paperback writah
Piercing Pens
Random Rambling
Rebel Pixel
sarisaring adbentyurs
The Secret Tango Dancer
soft grumbles
SoloFlite's Demented Mind
Stormy Days
Ako si T
Tara Jing Pot Pot
Tatang's Karinderia
Technobiography
The Schmucks
Thinking Out Loud
Tiptoes
twistedbanana
Unshackled
Val
Videoke Queen
Velvetyn
Vixen
Yosi Break
Zentanglement

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Roger
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
Kramer

[::..KINDAT.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Joey Ayala
Haring Liwanag
Banyuhay
Gumawa ng Sandman

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto





[::..ang nakaraan..::]
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001







Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.

Powered by
Movable Type 3.2





July 15, 2005

If you're going to tell people the truth, be funny or they'll kill you

purple, violet, lavender dear unkyel batjay, two weeks ka na pala diyan sa maynila. gusto kong malaman kung ano ang feedback mo tungkol sa pilipinas. in terms of the political atmosphere and the current economic condition. what do you think about the volatile events happenning in manila? do you think that the opposition will have enough clout to take the presidency from mrs arroyo? i am interested in finding out your opinion because i know that you are very intelligent. at pahabol - ang ganda nga pala ng mga bulaklak mo, lalo na yung lavender na gumamela. yun lang!

dear gentle reader, hindi lang intelligent - pogi pa. bwahaha. thank you - maganda talaga ang mga bulaklak ko ngayon. hayan ang sample. napakalalim naman ng mga katanungan mo. pilitin nating sagutin. una, may problema talaga sa pilipinas ngayon. hindi effective ang mga programa ng gobyerno dahil maraming corrupt. isa pa eh bagsak ang entertainment industry kaya maraming mga artista ang sumasali sa politika. tapos, mayron din namang mga nasa politika na sa pagaakalang sila rin ay pogi eh gusto namang mag artista. heto pa ang isa kong napansin: nakaka aliw ang mga commercial sa TV. karamihan rito ay tungkol sa shampoo na nakakapagtanggal ng balakubak. marami ring tungkol sa sabong panlaba. at ang isa siguro na kapuna puna dahil dito ko lang ito napapanood sa pilipinas eh maraming commercial ang tungkol sa gamot sa pagtatae. naghihintay na lang nga ako para sa paglabas ng "pantene with diatabs - ang shampoo para sa mga nagtatae".

kung ako ang gagawa ng commercial, kukunin ko si kris aquino na model at ipapakita kong gumagamit siya ng shampoo habang nakaupo sa inodoro.

VOICE OVER: "kris, are you using pantene with diatabs again?"

KRIS: "keee-wreck!!!"

Posted by jayd at 11:47 PM | Comments (9) | TrackBack

July 06, 2005

"Remember in elementary school you were told that in case of fire you have to line up quietly in a single file from smallest to tallest? What is the logic in that? What, do tall people burn slower?"

spokesman ng low school of saint andrew fields dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress... so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university - "gloria resign". ang sabi ng up law school - "gloria resign". ang sabi ng ateneo law school - "gloria should not resign. ang sabi ng ust law school - "gloria should resign but not so soon". ang sabi ng malayan colleges - "papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology". ngek.

ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh - "bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don't get into the current political shit and just be schools".

Posted by jayd at 11:21 PM | Comments (30) | TrackBack

April 22, 2005

You'll be a dentist. You have a talent for causing things pain! Son, be a dentist. People will pay you to be inhumane!

last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista - pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.

doon lang ako nagpunta sa dentista namin sa talipapa, novaliches (upon the recommendation of my mom who even scheduled the dentist appointment for me). sa tabi lang daw ng paradahan ng tricycle ako magpunta at makikita ko na raw ito. pero hekshuli, naligaw ako kasi yung bungad ng clinic ay isang beauty parlor. may sumalubong nga sa akin na bading with a funny grin and a look na parang kakainin ako.

BATJAY: stupid question darling, pero dito ba sa parlor mo ang clinic ng dentista?

MANGKUKULOT: aaaay! kayo po ba si mr. batjay? ang kisig kisig nyo pala. nagbubuhat po ba kayo ng weights? ako nga pala si estelle, kanina pa po kayo hinihintay ni doctora!

BATJAY: hi estelle. magpapapasta lang sana ako. pero pwede mo bang isabay ang facial at pedicure?

MANGKUKULOT: hehehe... palabiro pala kayo. nagtutuli rin ako. gusto mong magpatuli sa akin? aaaay, ayan na si doc. siya rin nga pala ang may-ari ng parlor kaya pinag isa na niya ang clinic dito.

ang estimate ko eh dalawang pasta lang at linis ng ngipin - mga 30 minutes max. eh pag tingin sa ngipin ko eh kailangan daw ng anim na pasta bukod sa general cleaning (sa tagal ng inabot para akong nagpa detail ng kotse instead na regular car wash). hemingway, dalawang oras ako sa dentist chair. DALAWANG ORAS, bwakanginangyan. nangawit ang bibig ko dahil ang tagal niyang nakabukas. nilagyan na nga ng doctora ng pampabukas ng bibig ang ngala-ngala ko kasi sa sobrang tagal, nakakatulog na ako (lakas ko raw humilik. gagang doktora yan, pinintasan pa ako). kung di lang ako paalis na sa singapore, di ko titiisin ang dalawang oras na naka nganga. ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng bading na callboy na lumagari sa pag bo-blowjob.

Posted by jayd at 10:51 PM | Comments (26) | TrackBack

April 15, 2005

ALMA MATER THE SONG OF THE BUILDER

madugo ang friday ko. gising ng 6 am at diretso sa airport after spending a night drinking with former buddies in cebu until 3 am. ok naman ang flight from cebu to manila. kasabay pa namin sa airport ang alaska basketball team - kita ko na naman si jojo lastimosa. hehehe. ay oo nga pala, may minor delay na naman. mayron daw on-board navigational intrumentation na ayaw gumana. isip-isip ko nga kung magloko kaya ang navigation intruments ng eroplano, maliligaw kaya ang pilot? hemingway, i still had a meeting in manila na naka schedule ng friday evening. so, to waste time nagpunta ako sa malayan colleges dati kong alma mater para kumuha ng transcript of records. nakakatawa nga ang exchange namin ng pleasantries sa mga taga roon sa school.

BATJAY: kukuha po ako ng transcript of records.

MALAYAN COLLEGES: anong taon po kayo graduate?

BATJAY: ah, teka lang ah - 19... ano na nga ba, tanginangyan... student number 831008...ah: 1988!

MALAYAN COLLEGES: ang tanda nyo na pala?

BATJAY: hehehe. ulul

MALAYAN COLLEGES: junior po ba kayo?

BATJAY: opo, ma'am junior ako.

MALAYAN COLLEGES: saan po kayo junior, sa first name or sa last name?

BATJAY: siyempre po, sa first name. lahat naman tayo ay junior sa last name.

MALAYAN COLLEGES: hehehe. siraulo.

BATJAY: mayron pa po akong isang tanong.

MALAYAN COLLEGES: ano yon?

BATJAY: "malayan colleges" po ba ang lalabas transcript ko?

MALAYAN COLLEGES: tse!

Posted by jayd at 10:54 PM | Comments (5) | TrackBack

April 12, 2005

MAYROONG HIMALA!!!

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan...

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos - sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala... marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba'y pagsubok mo...

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY - kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na - akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign - sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.

Posted by jayd at 10:25 PM | Comments (12) | TrackBack

March 15, 2005

LEGENDS

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade - Theatres on the Bay. more than that - they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer - a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance - no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show - we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me - she is probably binky's biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend - si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called "killer waves". jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn - now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng "Beijing 101", yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway - sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa - ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

Posted by jayd at 06:25 PM | Comments (21) | TrackBack

January 01, 2005

PRRRRRRRRRRRRRRT, HAPPY NEW YEAR!

ang balitang nagpatigil sa aming lahat na kumakain ng medya noche ay iyong tungkol sa isang dinala sa hospital dahil nakalulon ng pito.

PITO!?!

packingsheet, kundi ba naman gago... hindi naputukan, hindi naputulan ng daliri o natanggalan ng kamay kundi nakalulon ng pito. nagulat ba siya sa paputok at biglang napalunok habang pumipito? kahit anong pag-imagine ang gawin ko, di ko maisip kung papaano makakalulon ang isang tao ng pito. BWAHAHAHA. sana huwag na nilang tanggalin para kakaiba ang maging tunog ng utot niya. maraming salamat sa channel 2 sa pagbalita nito - muntik na rin akong itakbo sa hospital dahil nabulunan ako sa kakatawa.

Posted by jayd at 10:35 AM | Comments (12) | TrackBack

December 27, 2004

TOP 10 LIST NG MGA PWEDENG IPALIT SA PAPUTOK ITONG BAGONG TAON:

10. for 3 straight days, kumain ng kambing o kaya tupa na may curry sauce
09. magpunta sa iraq na nakasuot ng t-shirt na may american flag
08. huwag maligo at magpalit ng damit simula dec 26 hanggang bagong taon.
07. bumisita sa presinto at sumigaw ng "pulis, pulis, pulis, titi mong matulis"
06. maglagay ng sibuyas sa kili-kili at tumayo sa gitna ng init ng araw ng 2 oras
05. patugtugin ng full volume ang kantang "eruption" ng van halen sa madaling araw
04. amuyin ang pekpek ng bagong panganak na kalabaw
03. huwag tumae ng dalawang araw at...
02. kumain ng isang malaking nilagang kamote.
01. mag-arkila ng sampung nagsasayaw na bumbay para sa new year's party

Posted by jayd at 08:33 AM | Comments (18) | TrackBack

December 26, 2004

UPSTREAM, IN THE MIDST OF THE OUTER WAVES, YOUR PARALLEL BODY YIELDS TO MY ARMS

CLICK TO ENLARGE: MAYNILA, MY MAYNILA kung minsan, naiinis ako sa mga title ng mga pelikulang may double meaning. tingnan ninyo ang palabas sa sinehan last week - "salat", "kalabit". ano bang ibig sabihin niyan? kwento ba ito tungkol sa mga bulag na masahista? kung ako ang gagawa ng pelikula, tatanggalin ko ang lahat ng mga ambiguities. imbis na "kalabit", mas bagay kung ang title na lang ay "nagjakol siya at nabulag". imbis na "salat", gagawin ko na lang "dinilaan ko ang pekpek niya, di man lang siya nangiti".

Posted by jayd at 09:05 AM | Comments (11) | TrackBack

December 25, 2004

YOU SWALLOWED EVERYTHING, LIKE DISTANCE. LIKE THE SEA, LIKE TIME. IN YOU EVERYTHING SANK!

CLICK TO ENLARGE: warik-warik from the ilocanos huwag na kayong magtaka sa mga balitang maraming inaatake sa puso pag pasko. nung panahong nasa heart center pa si jet nagtatrabaho at sinusundo ko siya, nakita ko na around christmas time, ang emergency room ng hospital ay standing room only. hindi ito exaggeration. mahilig kasi tayo sa mga party at ang mga pagkaing hinahanda natin ay heart attack food. tulad nitong "warik-warik", ang ilocano version ng sisig. hitsura pa lang ay magpapabilis na sa tibok ng puso mo. simple lang itong gawin - hinalong crispy pork liempo na maraming taba, pinakuluang utak ng baboy, calamansi at sibuyas na hilaw. masarap siya, kaya nga lang eh sa bawat subo ay parang ibinabaon ka nang dahan-dahan sa hukay. merry christmas sa inyong lahat. sana hindi tayo magkita-kita sa hospital ngayong kapaskuhan.

Posted by jayd at 08:53 AM | Comments (6) | TrackBack

December 21, 2004

CATCH-22

BATJAY: gusto ko pong magbukas ng dollar savings account, miss.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: no problem sir. kailangan po ninyong ibigay sa amin ang mga sumusunod...2 ID cards at 1x1 photo. minimun deposit po natin ay US$100.

BATJAY: naku tamang tama. OFW po ako at mayroon akong singapore dollars dito.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sir di kami tumatanggap ng singapore dollars para sa dollar account.

BATJAY: eh di palitan nyo na lang from singapore to US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagpapalit ng singapore to US dollars.

BATJAY: o di bibili na lang ako ng US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagbebenta ng US$ kung wala kayong savings account sa amin.

BATJAY: paano ako magkakaroon ng savings account kung hindi naman ninyo ako binibigyan ng pagkakataon na makapagbukas ng account sa inyo. nabasa mo na ba ang Catch-22?

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sorry sir, bank policy ito.

BATJAY: ARGH!

Posted by jayd at 12:49 AM | Comments (22) | TrackBack

December 20, 2004

CHRISTMAS PARTY NG MGA BALIW SA ARAW NG PAGKAMATAY NI RIZAL

PinoyBlog Xmas Party iniimbita ko kayong lahat na pumunta sa cabalen, megamall para sa christmas party ng mga baliw sa 30 december. pupunta ako roon kaya kita-kita tayo. pag more than a 150 people come, magsasayaw ako sa taas ng table. pag more than 200 people come, magsasayaw ako sa taas ng table na naka DARNA costume. pag more than 300 people come, magsasayaw ako ng nakahubo para makita ninyo ang shortcomings ko magsi-uwi na kayong lahat.

Posted by jayd at 12:27 AM | Comments (31) | TrackBack

December 02, 2004

THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng "THE BEST BLOGGER FOR 2004" sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan... baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

alam ko mas maraming mas magaling sa akin kaya di ko inaasahan na manalo ng award ang pagsusulat ko. pero, hayaan nyo akong mag speech: i want to thank my parents for giving me baon. i want to thank god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. i want to thank my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 13 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

Posted by jayd at 04:18 PM | Comments (43) | TrackBack

November 24, 2004

ANG MAKULAY NA DAIGDIG NI NORA

GUY 'N PIP FOREVER - CLICK PIC TO ENLARGE nakakasenti ang larawan na ito. siguro, dahil binabalik niya ako sa panahon when life was less complicated. kinuha ito nung early 70's, kasikatan ng tambalang guy en pip. ako'y nasa elementary pa lang at isang uhuging batang makulit (ang batang makulit, di pupunta sa langit). mga 8 years na sa akin ang larawang ito. sa sobrang tagal, ni hindi ko na nga alam kung sino ang nagbigay sa akin. hindi naman ako talagang fan ni nora aunor pero eto ako na parang siraulong nagtatago ng lumang litrato ng isang tambalang sikat nung aking wonder years. i don't know why i still keep it. perhaps because it helps me look back and remember all the faces and places that have been part of my life. ang pinakapaborito kong pelikula ni ate guy ay ang "himala" kung saan parati ko na lang siyang ginagaya, lalo na pag nasa loob ako ng banyo. bilang pang-aliw, uupo ako sa trono at sisigaw ng - "WALANG HIMALAAAA!".

nung gumagawa pa ako ng mga project sa bundok, ang pinakamasayang interaction between the engineering staff ay yung banter sa loob ng banyo. dahil dikit dikit na cubicle style ang mga toilet bowl, masarap mag-bidahan habang emeebak. minsan pag nasa trono, bigla na lang akong sisigaw ng "walang himala! hindi totoong may himala! tayo ang gumagawa ng himala! tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos! walang himala". maya-maya, may gaganti na sigaw galing sa kabilang toilet seat: "putangina, nahihirapan na nga akong tumae, ang ingay ingay mo pa diyan... DARNA".

nahulaan na ni yasmin kahapon pero itatanong ko pa rin - ano ang pangalan ng manyika ni ate guy? any die hard noranian would be able to answer this.

Posted by jayd at 06:46 AM | Comments (65) | TrackBack

November 20, 2004

LABINDALAWANG DIRTY FINGER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilang isang OFW, ano ang masasabi mo sa case ni major general garcia, sa corruption in general at sa pagnanakaw sa pilipinas?

BATJAY: allow me to beat around the bush, gentle reader. alam mo, mahirap talagang mabuhay ng marangal. karamihan sa atin, kailangan pang umalis ng pilipinas para lang may makain. yung iba nga, nagpapakaputa pa. marami ang nagdurugo ang puso dahil walang maibigay na sapat na pera para maipagamot ang mahal nila sa buhay... tapos maririnig mo na lang, milyon milyon ang ninanakaw ng kung sino sinong mga tao. tanginangyan. eto ang alay ko sa kanila... a curse: "may you all die slow painful deaths". masyado atang brutal. eto na lang: labindalawang version ng paborito kong "ngatain ninyo" finger trick.

NGATAIN NINYONG LAHAT MGA MAGNANAKAW

Posted by jayd at 10:23 AM | Comments (42) | TrackBack

October 04, 2004

IT WAS MANY AND MANY A YEAR AGO, IN A KINGDOM BY THE SEA, THAT A MAIDEN THERE LIVED WHOM YOU MAY KNOW

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i'm sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

Posted by jayd at 12:04 PM | Comments (26) | TrackBack

October 03, 2004

MAYNILA, SA MGA KUKO NG LIWANAG

kung may ilang beses na kitang pinangarap na tuntungang muli nung nasa labas mo ako. ngayon papalabas na naman at nalulungkot. kung patas ka sanang magbigay ng kabutihan sa iyong mga residente e di sana di na ako aalis. alam ko naman na di mo ito kasalanan. marami lang umaabuso sa iyo. paalam maynila, hanggang sa muling pagkikita. ingatan mo na lang ang mga mahal ko sa buhay.

Posted by jayd at 12:54 PM | Comments (24) | TrackBack

September 29, 2004

D' SUBTLE WHORING THAT COSTS TOO MUCH TO BE FREE

kung nasa marcos highway kayo nung martes ng mga ala una ng madaling araw, at may nakita kayong lalaking medyo kyut na nagpapalit ng flat tire malapit sa isang junk shop - ako yon. parang isang pang-inis na pansalubong sa akin ng tadhana. habang nagpapalit ako ng gulong, may mga grupo ng kalalakihan na nasa tabi ko. kinabahan ako nung una kasi akala ko gugulpihin nila ako (kaya ganon na lang ang hawak ko sa jack). pero pagtagal nabuwusit ako kasi ni hindi man lang sila nag offer na tumulong sa akin. mga kupal talaga - hekshuli, pinagtawanan pa nila yung aking misfortune. sana tubuan sila ng betlog sa noo. to add injury to the insult: habang inaayos ko ang aking flat, tinugtog sa radio ang "i've never been to me", isa sa aking most hated songs. siguro na senti ang isa sa mga kupal at nilakasan pa ang volume kaya dinig na dinig ko... "ive been to paradise but i've never been to me" - aaaargh! dapat bitayin ng sampung beses ang composer ng kantang ito.

pero masaya pa rin ako kahit naflatan ako ng gulong sa marcos highway. nagkita kasi kami ng mga classmates ko. kasama namin ang aming beloved math teacher na si mr. guerra. i have not seen him in 21 years pero parang kahapon lang ng magkahiwalay kami. ang saya ng mga kwento niya. we drank and told the same old stories until midnight. for that alone, ok lang sa akin na ma-flat tire ng kahit limang beses.

but much to our suprise, our teacher did more. at the end of our party, bigla na lang niyang kinalembang ang baso niyo gamit ang tinidor at bigla ba namang nag rap. oo mga brader and sister. ni rap niya yung paborito kong "Adrew Ford Medina" ni andrew E sa loob ng pepetons sa quezon city, much to the delight of the waiters and the other guests.

kumanta ba naman at mag rap ang teacher mo sa isang restaurant, kung di ka ba naman matuwa. thank you mr. guerra. thank you sir. you made this tiring trip worthwhile. until next time and with much love... from your students who adore you to this day.

Posted by jayd at 09:28 AM | Comments (40) | TrackBack

September 26, 2004

BECAUSE THE WORLD IS ROUND IT BLOWS MY MIND

TANONG: dear unkyel batjay, ano po ba ang masasabi ninyo tungkol doon sa paghuli ng MMDA sa mga naka topless na lalaki sa Metro Manila?

SAGOT: dear gentle reader, alam mo naman na contra ako sa kahit na anong form ng kabalastugan galing sa mga matatalinong tao sa gobyerno, kaya bukas na bukas din ay magwewelga kami sa harap ng opisina ni bayani fernando sa MMDA. buwisit na idea na yan. mga kapatid, sumali na kayo sa bago naming itinayong maka kaliwang grupo. ito'y alyansa ng mga because oriented groups na kinabibilangan nga mga kung sino-sino. ang pangalan nga pala ng grupo namin ay "TOPLESS FOR CHRIST", kaalyado ito ng grupo ng mga kulasisi at mga kabit sa pilippinas na pinamagatang "concubines for christ".

Posted by jayd at 01:18 AM | Comments (4) | TrackBack

September 16, 2004

I'M YOUR ICE CREAM MAN, STOP ME WHEN I'M PASSIN' BY, SEE NOW ALL MY FLAVORS ARE GUARANTEED TO SATISFY

TANONG: dear unkyel batjay, tanong ko lang po - bakit po ba dirty ice cream ang tawag doon sa sorbetes na nilalako sa pilipinas?

SAGOT: "dear gentle reader, kaya dirty ice cream ang tawag doon ay dahil nilalagyan ng kulangot yung dulo ng cone ng mamang sorbetero. well, at least yan ang paliwanag ng mommy ko sa akin nung araw para huwag akong kumain ng dirty ice cream. wa-epek. kumakain pa rin ako. pero siyempre with extra caution - pag malapit na sa dulo ng ice cream cone ay tinatapon ko na ito para di ko makain yung kulangot."

Posted by jayd at 06:37 AM | Comments (32) | TrackBack

August 10, 2004

Mama's got a squeeze box, Daddy never sleeps at night

dear boss roland,

bago ang lahat, hayaan mo munang batiin kita ng isang mapagpalayang magandang tanghali galing dito sa singapore. alam kong medyo busy ka diyan sa iyong lungga pero may gusto lang akong tanungin. ano ba yung "humps" na kinalolokohan ng mga pinoy diyan sa saudi? bago yan sa pandinig ko. ang alam ko nga lang diyan ay yung mga kabayan nating nagpapalagay ng bulitas, pero yang humps na yan eh nakakaintriga. hehehe... parang gusto ko tuloy magpalagay. please enlighten me. yun lang muna sir - kamusta na lang diyan. miss ko na ang mga yosi sessions natin especially now na huminto na ako sa pagsigarillo. ingat na lang diyan sa desyerto.

nagmamahal,
batjay

SAGOT NI ROLAND:

dear batjay,

sorry at hindi ako nakasagot agad, off na kasi ako ng thursday afternoon at friday kaya ngayon ko lang nakita ang mail mo.

hehehe. humps - bago nga rin yan dito. kung dating bolitas ang nilalagay sa titi para pampasarap ay humps na ngayon ang uso. parehas pa rin ang procedure pero ang kaibahan ay cylindrically shaped silocone na yung nilalagay ngayon sa loob. ito ay mga 6 to 8 mm diameter at depende ang haba sa shaft diameter ni manoy. well hindi naman binubuong lagyan yung diameter ng shaft, kungdi nagmukhang o-ring na yung nakasuot. mga 1/3 to 1/2 ng shaft diameter ang sakop. it's a short 15 to 20 minute procedure. spray lang ng pamanhid kay manoy then hihilain yung skin, tapos ay tutusukin ng parang ice pick. aaaarrrraaayyy.... lusutan dun sa skin. saka ipapasok yung silicone insert at aayusin ng konti kung anong gusto mong puesto.

so, pag nainplant na ito ay mukha nga siyang humps. puedeng sa ibabaw, sa ilalim or sa tagiliran ipalagay. puede ring perpendicular ang lagay or naka
slant ng konti. at ang ibang variations ay puedeng isang humps lang or double humps or up and below na humps. speed bumps na siguro ang tawag dito. hehe

It cost around 100 rials per hump (14.66 peso=1 rial) and mostly done by male nurses here at home service pa. meron nga kaming mga tropa dito na nagpalagay sila at medyo nakadiscount dahil ang naglagay sa kanila ay isang certified welder. hehehe... full weld naman daw kaya ok.

sabi ng iba ay mas effective daw ito kesa sa bolitas at hindi raw masakit dahil nga jelly like na silicone ang nasa loob. pero yung mga tropa ko rito ay hindi ako naniniwala. kasi nga puro mga mariang palad lang naman sila. hehehe. sa pilipinas na lang daw nila ito gagamitin. hindi ako nagpalagay dahil gusto kong ilagay ay mas matindi...barb wire. para talagang me sabit... at saka ugat pa lang nung sa akin ay humps na. hehehe. basta ako prapraktisin ko na lang na patigasin at pahabain yung aking dila. hehehe. ok doks. yun so far ang aking nakalap na inpormasyon tungkol sa humps.

reporting from riyadh.

roland

Posted by jayd at 03:10 PM | Comments (10) | TrackBack

August 05, 2004

A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm... kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad - wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance - sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: "PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!"

but generally, maligaya ako. masuerte nga ako at may choice akong mamili kung saan ako maligaya. people spend their whole lives finding happiness and fail. some people don't even have a choice to be happy dahil hirap silang maghanap buhay. at yun siguro ang suma ng pag abroad ko - maligaya ako kasama si jet. maganda ang tirahan namin sa isang bansang malinis at safe. kung wala lang censorship dito at payagan na nilang magkaroon ng mga topless beach ay pwede na sanang tawaging paradise. hehe.

marami akong mga wishes siyempre. hindi mo naman makukuhang lahat ang gusto mo. halimbawa, gusto ko: kasing laki ng kay john holmes ang titi ko, eh hindi naman pupwede. pero sa tutuo lang, ang isang di ko kayang maisakatuparan ay ang makasama ang pamilya ko't mga kaibigan sa pilipinas on a regular basis. yun lang ang regret ko. the only one. well, gusto ko rin may magaling na barbero na gugupit ng buhok ko tulad sa pilipinas.

while we're on the topic of overseas workers. pag usapan din natin, gentle reader, ang mga payo na ibinigay sa akin ng mga naunang mga OFW. mayron akong kaibigan, si uncle jim na nagtrabaho sa malaysia ng mahigit 15 years. ito ang sinabi niya sa akin - "pareng batjay, tutal aalis ka na ng pilipinas, eto ang maipapayo ko sa iyo, as one OFW speaking to a potential OFW"...

UNA: pag mangungulangot ka, huwag mong gagamitin ang iyong hinlalaki at magdurugo ang ilong mo.

IKALAWA: do not spend more than you earn. huwag mong unahin ang yabang batjay. turuan mo rin ang mga kamag-anak mong tinutulungan sa pilipinas na magtipid. hindi naman tayo tumatae ng pera.

IKATLO: make sure that you have saved 6 months worth of income in the bank. ang buhay ng isang OFW ay fickle. walang security of tenure at maari kang mapauwi ng wala sa oras. yung 6 month na pera sa bangko ang safety money mo para mayron kang panggastos habang naghahanap ka ng bagong trabaho.

IKAAPAT: don't burn your bridges in the philippines. be in constant contact with people who are in the same line of business. ito ang fallback mo pag di ka na makapag abroad. ang mga local contact mo ang magbibigay sa iyo ng trabaho.

IKALIMA: huwag kakain masyado ng mga spicy food at baka magaya ka sa mga kapatid nating may anghit.

yon lang muna gentle reader. sana may natutunan ka kahit papaano. hanggang sa muli. i hope makapag decide kayong maigi ng asawa mo. ingat na lang.

nagmamahal,
batjay

Posted by jayd at 12:40 PM | Comments (22) | TrackBack

August 04, 2004

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel - pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa "fafa batjay". maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo...

bakit nga ba ako nag abroad? mahabang storya gentle reader, sana may oras ka para magbasa. masasabi kong convergence ng maraming mga factors ang nagudyok sa akin para magabroad.

una: nagsawa na ako sa trabaho ko sa pilipinas at hindi ko na makasundo ang dati kong boss. siguro we've outgrown each other at masyado na kaming familiar sa isa't isa. labindalawang taon din akong nagpaikot ikot sa pilipinas at hilong hilo na rin ako. pero huwag ka, enjoy ako sa mga byahe ko sa kung saan saan. sabi nga ni yoyoy villame eh - "according to our geography, the philippines is a great country".

ikalawa: putangina kasi ang traffic sa maynila. biro mo, dalawang oras ang antipolo-makati papunta, dalawang oras naman makati-antipolo pabalik. apat na oras para lang sa pag byahe? packingsheet! binbilang ko ang oras ko sa loob ng kotse sa isang taon - 1056 hours! bwakangina, sabihin na nating 100 pesos ang singil ng manhours ko (eksampol lang naman ito). biro mo, 105600 pesos ang nasasayang ko every year, dahil sa traffic. idagdag mo pa diyan ang mala basketball sa laki ang nabibilog kong kulangot dahil sa sobrang tagal ng galaw ng mga sasakyan.

ikatlo: bingyan ako ng offer ng mga kaibigan ko dito sa singapore. yan ang isang maganda sa industriya namin: habang tumatagal ka eh marami kang nakikilalang mga tao. yung iba sa kanila ay maganda ang impression sa iyo. sila ang magbibigay sa iyo ng mga magandang offer. iyan nga ang nangyari sa akin. nag bigay ng offer ang kaibigan ko na magtrabaho sa singapore para sa isang kumpanya nilang based sa california. binigyan nila ako ng magandang offer na may kasamang pension plan, sales commission, medical benefits at libreng bakasyon pabalik sa pilipinas. nang makita ko kung magkano ang total package, nanlaki ang mata ko at sinabi ko sa boss ko: "sheet! you are so bery-bery gud! i wil begin with you por tomorow! (in madertang translation: "tangina! ang galing mo sir, magsisimula na ako para sa iyo bukas na bukas din")

ikaapat: kailangan nang mabayaran ang bahay namin ni jet. mataas ang monthly payment ko sa bahay dahil 3 years to pay lang siya. yung sweldo ko sa pilipinas ay di kaya ang pagpapatuloy na pagbayad sa bahay. eh ito ang unang bahay na binili naming mag-asawa. naipundar at naitayo dahil sa packingsheet na pawis at dugo. di pwedeng mahinto ang pagbayad. ayun, dahil sa pag abroad ko ay nairaos din namin. fully paid na ngayon ang bahay at na enjoy na namin ito. yung nga lang eh tuwing umuuwi lang kami ni jet sa pilipinas. pero ika nga ni mick jagger: "you can't always get what you want". kaya happy na rin kami sa ganitong sitwasyon.

naku, tingnan mo nga yan, napahaba na pala ang sagot ko gentle reader. bukas ko na lang sasagutin ang isa mo pang tanong na "kung masarap bang mag abroad". ingat diyan at sana ay makasama ka sa asawa mo sa pag abroad para naman di masayang ang sex life ninyong dalawa.

Posted by jayd at 12:33 PM | Comments (25) | TrackBack

July 22, 2004

ITANONG MO KAY BATJAY

dear uncle batjay,

bago ko ilahad ang aking tanong ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ni ate jet, sampu ng inyong mahal sa buhay ng isang magandang umaga. ito pa ang aking mga tanong: ano ba ang masama sa pagiging supot? bakit minamaliit ng ga pinoy ang mga supot? at saka nga pala, kundi ako nagkakamali, lahat ng members ng F4 are uncircumcised. di ba maraming mga chinese dyan sa singapore? o kaya yung mga puti dyan. mga supot naman yung mga yun. hahaha.

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

maraming salamat sa pagsulat mo sa akin. dati rin akong supot kaya malaki ang maitutulong ko sa iyo. hayaan mong sagutin ko ang mga katanungan mo. ano bang masama sa supot? wala namang masama sa supot. except saksakan ng dami ng kupal nya kung hindi siya maglilinis ng titi araw-araw. in other words, smegmatic.

cultural na lang siguro ngayon kung bakit nagpapatuli ang mga lalaking pinoy. tulad ng mga tubong south east asia - nung una, para sa kalinisan siguro. ngayon parang rite of passage ng lang. a test of boldness and courage, so to speak. it is a man's proof that he has indeed, become a true man. kaya nga supot ang tawag sa mga duwag sa pilipinas eh. base sa aking masigasig na research (tinanong ko ang asawa ko), preferred din ng mga kababaihan ng pilipinas ang circumcised. siguro for the same reasons. at siguro din, ayaw nilang nakakakita ng supot dahil naaalala nila ang mga titi ng baby. cradle snatching psychological ek-ek siguro ano? isa pa, iba talaga ang hitsura ng titing supot - parang ice candy na nilagyan ng bonnet. naku, kasagwa!

kung supot ang mga members ng F4 eh malas nila kung pinay ang titingin at hahawak. dito sa singapore ay maraming supot. mga intsik, puti at lalo na ang mga bumbay. malamang ay sangkatutak ang kupal nila dahil marami rito ang hindi naliligo.

yon lang muna. naway, may natutunan kang kaunting kaalaman, gentle reader. ingat na lang diyan at parati mong tandaan. tuli man o supot, nasa pag gamit yan.

nagmamahal,
batjay

Posted by jayd at 12:00 PM | Comments (41) | TrackBack

July 21, 2004

DENGCOY MIEL SA PHILIPPINE STAR

dengcoy miel's cartoon sa star

ang bagong comic strip ng idol kong kaibigang si dengcoy miel na pinamagatang "McBayan" ay lumabas na sa philippine star. pwede nyo rin mabasa online. si dengcoy ay sikat at respected na artist dito sa singapore. makikita ninyo ang kanyang mga gawa sa kung saan saan - sa editorial ng straits times newspaper, sa mga posters, bus stops, sa mga ads, sa bookstores, etc. one time nga nagulat ako nang makita ko ang drawings niya ang ginawang exterior painting ng isang double decker bus. truly, isang magaling na pinoy na tinitingala rito. may stiff neck na nga ako sa kakatingala eh.

Posted by jayd at 02:10 PM | Comments (19) | TrackBack

July 19, 2004

BATJAY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER'S QUESTIONS, PART 3

foreigner: so, where you from?
batjay: philippines

foreigner: ah, filipino. PARE!
batjay: inaanak ko bang anak mo?

foreigner: huh?
batjay: sorry just talking to myself. what's your question?

foreigner: what do you call that gross egg you like to eat?
batjay: betlog

foreigner: no. the one coming from the duck.
batjay: duck betlog

foreigner: no. the duck egg.
batjay: penoy

foreigner: penis?
batjay: penoy! penis! it's the same

foreigner: the one with the duck embryo inside
batjay: ah balut

foreigner: yes balut. why do you eat that gross shit?
batjay: kasi we understand that we have smaller dicks than the black man.

foreigner: i understand
batjay: ya! espesyali when we're in cold countries - it shrinks kasi.

foreigner: yes. so?
batjay: so, we eat balut to compensate. it makes our penis rock hard

foreigner: really?
batjay: yes. impak, you can make sampay the twalya!

foreigner: huh... and?
batjay:and we can make sirkus tambling-tambling in bed.

foreigner: wow. you gotta be kidding?
batjay: ya! you know my lolo. that's nothing for my lolo! (wala yan sa lolo ko)

foreigner: what?
batjay: ya! my grampader, senile olredi but still tinitigasan. not like you!

for more snappy answers, please go to:
1. AN OVERSEAS PINOY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID QUESTIONS
2. STILL MORE OVERSEAS PINOY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID QUESTIONS

Posted by jayd at 12:13 PM | Comments (42) | TrackBack

June 23, 2004

DRAGON BOAT RACE US AND WE'LL WHIP YOUR ASS

nanonood ako ng CNN kagabi at gusto kong maiyak sa tuwa. nanalo ang isang team ng mga domestic helpers na pinay sa prestigious at world famous "dragon boat race" sa hong kong. considering na ang mga sumasali rito ay mga professional boat racers, ang pagka panalo ng mga pinay na ito ay talagang kahanga-hanga. mayron pa ngang pinay doon sa team na hindi marunong lumangoy. hehehe. pati nga si veronica pedrosa ng CNN ay napa sabi ng "i can't help but feel proud, being filipino myself". i love their team name, by the way. they call themselves... "The Bulldog Mabuhay Dragon Boat Team"

the khaleej times online said it best:

"In a city with a snobbish disregard for the migrant workers who clean its homes, the Bulldogs have beaten off prejudice and sexism to earn respect in a sport dominated by monied Western expatriates or hard-bitten Chinese fishermen."

HAHAHAHA! mga cute ang ina ninyong mga nagmamata sa aming mga pilipino, etong sa inyo (batjay waves a dirty finger). umm!

Posted by jayd at 11:56 AM | Comments (31) | TrackBack

June 15, 2004

ANG MGA BINABASA KONG PINOY BLOGS, ET AL

pagtapos ng isang buwang di pagsusulat dahil sa pag-alaga sa akin, nagbalik na ulit ang asawa kong si jet na mag blog. sabihin na natin na "love your own" pero talagang masarap basahin ang mga entry ni jet. narito na kami sa singapore pero naka housewife and nurse mode pa rin siya hanggang ngayon. kailangan ko pa rin kasi ng pag-alaga dahil di pa healed ang sugat ko. yung mga pictures naman ng aming vacation, including both pre and post appendix rupture ay makikita ninyo sa "jay and jet's summer vacation".

bukas na ang "Manileña.Com" site ni ate sienna. dito, pwede kayong mag download ng mga ginawa niyang mga templates ng libre. magaling na artist ang ninang ko. in fact, siya ang nag design ng site ko. kung gusto ninyong gumanda ang mga websites ninyo ng walang bayad, punta kayo rito.

four favorite teachers blogs, isa-isahin natin: para sa katatawanan value, punta kayo sa "durgaspeak" ni jop, ang mabangis na substitute teacher na based sa new jersey. last week nga ay nakatanggap siya ng death threat galing sa isang 10 year old na babaeng estudyante niya. ang lupit talaga. si rolly naman ang aming bagong kaibigan na dumalaw pa nga sa akin sa hospital. siya ay isang guro sa isang sikat na private school sa pilipinas. basahin ninyo ang mga kwento niya sa site niyang "mga turo ni tito". siyempre, nariyan din ang masarap basahing website ni APO member jim paredes, isang guro sa ateneo na pround member din ng "pansitan community" ni ate sienna. to complete my favorite teacher's blog list is dennis' "tekstong bopis". nagtuturo sa pambansang paaralan, ang kanyang mga kwento ay parating well written, ma tagalog man o english. di ako nagtataka na interesado sa kanya si sionil jose. ayos ba sa name dropping? hehe.

isa sa mga bago kong paboritong basahin ay ang twin blogsites ni yasmin. isang pinay journalist na nag-aaral ngayon sa england. magaling siyang magsulat. ang paborito ko ay ang kanyang mga "people stories". nakakatawa rin ang trip niya sa milan last week dahil di niya alam kung paano haharap sa mga overseas pinoy. anyway, basahin ninyo na lang ang "yupki girl" at ang kanyang "oxford diary". highly recommended.

mas kilala sa kanyang "a sassy lawyer's journal" at sa sikat na sikat na "the radical chef" cooking blog. mayron ding tagalog blog si sister sassy L na pinamagatang "a sassy diary". although hindi kasing updated ng mga sikat niyang blogs, mas gusto ko itong basahin.

oo nga pala, regular na rin ang update ng "renaissance girl" ng aking idol na si ate mona. ano pang hihilingin mo, bukod sa pamatay ang boses, magaling pang magsulat.

Posted by jayd at 12:18 PM | Comments (8) | TrackBack

June 14, 2004

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa "crying ladies" nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe... oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa "kung magarap ka't magising", ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang "darna and the giants". teka muna, asan na ba ako? nawala na... ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

natutuwa lang ako sa outpouring ng support galing sa mga ka opisina ko all over the world na nagpadala sa akin ng mga mensahe ng pagmamalasakit. bagay na di ko inaasahan sa kanila. siguro mabait akong tao. o kaya nakukyutan sila sa akin. hehe. and in a gesture that moved me, my boss went out of his way today... while going to the airport on the way to india, binili niya ako ng dalawang kahon ng "essence of fish with american ginseng". diniliver niya ito sa flat namin at inabot kay jet. sinama pa niya ang kanyang asawa para ituro kay jet kung paano ko ito iinumin. ang essence of fish daw ay isang magaling na gamot para magpahilom ng mga sugat, sabi ng mga intsik. sinubukan ko kaninang tunggain ang isang bote. masarap naman.

maraming salamat din sa inyo mga kaibigan namin na nagpadala ng mga mensahe at nagsulat ng mga blog tungkol sa nangyari sa akin. salamat din sa mga kaibigan kong dumalaw sa akin sa hospital.

pero siyempre, ang first prize sa TLC ay mapupunta kay jet. buti na lang at nurse ang asawa ko. at least alam niya kung papaano ang mga gagawin na procedure sa akin. siya ang nagpapaligo sa akin nung di ko pa kayang tumayo. siya ang naglilinis ng sugat ko araw-araw. kung wala siya, wala... nagkanda letse letse na siguro ako. nakipag away pa nga siya doon sa mga intern sa ER na mabagal kumilos. sabi ko nga sa kanya eh cool lang siya.

si jet rin ang katabi ko habang kinakalikot ng isang doctora ang aking pwet. nasubukan nyo na bang ma rectal probe? tangina. one of the weirdest, most humiliating and helpless experiences ko sa loob ng hospital. muntik ko nang sapakin yung doctora. instead, nasabi ko na lang ng pabiro: "doc, huwag nyo na pong ulitin ang ginawa ninyo ha!"

nagsimula na akong mag trabaho kanina. hopefully tuloy tuloy na. pero sa tutuo lang, di pa ako makalakad ng mabilis at naka alalay pa rin ako. ano kaya at mag file ulit ako ng extended medical leave? hehe.

Posted by jayd at 10:00 PM | Comments (12) | TrackBack

May 23, 2004

LABOR IS BITTER BUT SWEET IS THE BREAD WHICH IT BUYS...

1. menudo
2. re-fried adobo
3. kesong puti
4. pansit bihon guisado
5. reno liver spread
6. ligo sardines

yang ang mga paborito kong palaman sa hot pandesal.

nagmumuni-muni lang ako sa mga possibilities ng almusal.

narito na ako sa singapore. naiwan si jet sa manila pero babalikan ko naman siya ulit sa thursday. kailangan lang bumalik dito dahil maraming naiwan na trabaho sa opisina. isa pa, sayang yung bakasyon ko kung ngayon ako mag file ng matagal na leave, instead na sa pasko. minsan mahirap ding umuwi, lalo na pag short trip. parang tinatakam ka lang. you're home, pero you know you're just there for a short while and you feel like a pilgrim. kumbaga, nag-iinit pa lang ang pwet mo, aalis ka na ulit.

malupit talagang mag hanap buhay ano? pero tulad ng indian proverb na ginawa kong title... masarap pa rin ang hot pandesal na nabibili ng iyong pinagputahan.

Posted by jayd at 10:19 PM | Comments (15) | TrackBack

May 21, 2004

BUKANG LIWAYWAY

CLICK TO ENLARGE. eto ang scenery pag alis ko sa bahay kaninang umaga. isang magandang sunrise lang na ganito, tanggal lahat ng inis mo sa mga nangyayari sa pilipinas maagang maaga akong umalis ng bahay kanina. ang ganda nga, pasikat pa lang ang araw at ang galing ng iba't ibang kulay ng langit. saksak ko ang beatles na CD sa kotsa at lumarga na. dinala ko ang boss ko ngayon sa laguna. tapos diretso kami ng airport pagtapos ng meeting namin. buti na lang rocker din siya at nasasakyan niya ang music ko dahil ang sama ng traffic the whole day. i almost forgot how stressful it is to drive the streets of manila on a rainy friday. boy, what a reality check this day was.

nahuli pa ako ng pulis kaninang umaga. di ko naalala, color coding pala ang sasakyan ko. nag suggest ang pulis na sa kanya na lang daw ako magbayad ng multa at siya na raw ang bahalang magpunta sa MMDA office sa pasig para di na raw ako maabala. pwede palang proxy ang bayad. ang galing, napag isip isip ng aking gullible na beauty. eh di nagbayad ako, tapos may pinapirma sa akin. "asan na ho yung resibo ko?", ang tanong ko. "ulul", ang sagot ng mamang pulus. nagmura na lang ako ng pabulong pero pumayag na rin ako. ayoko kasing ma confiscate ang license ko dahil babalik ako ng singapore ng linggo. ayoko ring maabala dahil may lakad kami ng boss ko sa laguna, tapos ihahatid ko pa siya sa airport. that, ladies and gentlemen, is a classic example of a guy, trying to justify a bribe. gardemet. packingsheet. gago, gago, gago. ang gago ko talaga.

pero eto ang tanong: ipagpapalit ko ba ang ganda ng singapore na walang traffic, walang nanghihingi ng lagay, walang masyadong stress at mabuti ang pamumuhay para muling tumira as pilipinas na maraming problema, dalawa ang nagpapanggap na presidente, ma traffic at kailangang maglagay para makaligtas sa redtape? yes, i would. packingsheet, i would in a heartbeat.

pilosopo tasyo, asan na po yung delubyong pinagdarasal natin?

Posted by jayd at 10:21 PM | Comments (17) | TrackBack

May 18, 2004

BAYANG MAGILIW. HANDA, AWIT

ang aking pride ang joy purple gumamela. bumabagyo! hehe.. ok na ok dito sa bundok ng antipolo. masarap ang medyo malamig na simoy ng hangin na sinamahan ng makulimlim na panahon. para tuloy gusto kong bumalik sa kama at matulog. pero pupunta ako ng laguna mamayang hapon kaya kailangan nang bumangon. may appointment ako sa isang cliente na gumagawa ng gatas. gatas ng dalagang ina? hehe. gago. infant milk akshuli. makabili na rin tuloy ng kesong puti. alam nyo bang masarap ang prinitong kesong puti sa pandesal? flip nyo lang sa kawali, once over hanggang medyo halos matunaw, tapos hiwain at ipasok na sa pandesal. aytelyu, makakalimutan mong boypren mo pag natikman mo ito.

pagdating dito sa pilipinas, napilitan akong mag drive ng wala sa oras. it's nice to get reacquianted with the streets of manila kahit medyo naninibago ako sa mga gulangan at singitan. i always believed that if you can drive here, you can drive anywhere in the world. iba kasi ang training sa defensive driving dito sa pilipinas. there's nothing like weaving in and out of traffic on a busy saturday afternoon to heighten your senses.

nakadalaw na rin kami sa iba't ibang family tree. last sunday nag lunch kami kina jet at dinner naman sa bahay ng mommy ko. ang sarap ng pagkaing pinoy talaga. pag uwi namin, mayron pa kaming isang sakong "pakingsheet, ang sarap" na bagong harvest na bigas, courtesy of jet's dad. tapos may 2 kilo namang home made tocino na bigay ng mommy ko. breakfast nga namin ngayon kaya ang dami kong nakain.

o siya, tatapusin ko na ito. may dalawang pusang naglalandian outside da window habang sinusulat ko ito. patatahimikin ko lang. bakit? naiinggit kasi ako sa kanila. eat, sleep ang make little kittens lang ang kanilang ginagawa. samantalang tayo nama'y naghihirap kumita ng pera sa ibang bansa. hmm, ano kaya ang mararamdaman nila pag pinahinto ko silang mag sex?

haniwey, i've got the whole week ahead of me. puro trabaho pero nakaka singit naman ng oras kahit kaunti para muling malasap ang sarap ng pilipinas. it's so nice to be back home.

Posted by jayd at 11:52 AM | Comments (19) | TrackBack

May 06, 2004

MGA KICKING PINAY AT PAGKALUHA DAHIL SA MANOK

si jet at mari sa singapore. maraming salamat mari sa pagmeet sa amin. bilib kami ni jet sa iyo. habang nanonood ng "american idol" ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako... siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.

TUNGKOL NAMAN SA MGA KICKING PINAY (mga pinay na may sipa):

nilabas namin si mari last monday ni jet. narito siya sa singapore para sa kanilang annual meeting. bilib nga kami sa kanya - marami siyang dinaramdam sa buhay ngayon pero punong puno pa rin ng poise. basahin nyo yung blog niya para malaman nyo. punta rin kayo sa web album namin, kung gusto ninyong makita ang mga pictures namin nina mari.

isa pang announcement: lumipat na si ibet sa bago niyang website na pinamagatang "inside somaliland". basahin ninyo ang blog niya para malaman ninyo kung papaano nabubuhay ang isang matapang na pinay development worker sa africa.

isa na lang: congratulations to jennifer rosales for winning her first career LPGA title. magaling na golfer si jennie. this victory is even sweeter considering tinalo niya sina annika sorenstam, grace park, seri pak at kung sino sino pang magagaling na player.

isang isa na lang talaga: in a few weeks, anniversary na namin ng aking pinaka idol na kicking pinay. imbitado lahat ng mga taga pilipinas sa 13th wedding anniversary namin ni jet sa may 25! dito natin gagawin sa singapore ang celebrations. sagot ko ang pagkain, sa inyo ang pamasahe. basahin nyo nga pala ang latest post ng mylab ko para malaman ninyo kung gaano ako ka swerte.

Posted by jayd at 09:56 PM | Comments (20) | TrackBack

May 01, 2004

BANGUNGOT NG BAYAN AND FPJ's REVENGE

alas dos ng madaling araw ngayon. nagising ako ng wala sa oras, tumatawa ng malakas. napanaginipan ko kasi si na lumapit daw ako sa opisina ni FPJ para humingi ng tulong. kasama ko ang kaibigan kong si raymund. sa panaginip ko, naka-usap namin mismo si "da king". lumapit si raymund para humingi ng pampagamot sa tulo. ako naman humingi ng pampagamot sa allergy ko sa hipon.

doon sa panaginip ko, suot niya yung costume sa pelikulang "ANG PANDAY, part 1" (incidentally, ito ang paborito kong pelikula niya na naging subject pa nga ng movie report sa pilipino class na ginawa ko nung 2nd year high school). i digress. anyway, pagtapos kong ikuwento ang aking suliranin, lumapit si FPJ, inakbayan ako at sinabi na pabulong (in character na parang si flavio, hawak hawak pa ang kanyang itak): "bakit, may allergy ka ba sa hipon?"

i shit you not, this is a true story... nagkatutuo na ata ang bangungot ng bayan google bomb na kumakalat sa internet. or much worse - this is FPJ's revenge. pero teka muna, ano kaya ang kahulugan nito? at saka, bakit wala si susan roces sa panaginip ko?

oo nga pala, happy labor days! este happy labor's day! isang mapagpalayang araw para sa lahat ng mangagawang pinoy. lalo na sa mga tulad naming HO-HEFF-DABALYU.

Posted by jayd at 02:21 AM | Comments (13) | TrackBack

April 26, 2004

EVERY FLOWER TELLS A STORY

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito'y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo'y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko't bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

Posted by jayd at 05:47 PM | Comments (21) | TrackBack

April 15, 2004

KABABAYAN KO SI LAURICE GUILLEN!

the 17th Singapore International Film Festival (which starts today) will be paying tribute to laurice guillen through a retrospective of her films. laurice daw, ang sabi sa news article, is "one of the strongest female directors of the Filipino New Wave" (anong ibig sabihin nitong "New Wave"? Post Brocka Punk?) and "a potent voice for a distinctly female perspective on gender, sexuality and identity". congrats laurice. you make us all proud.

eto pa ang dag-dag:

"The focus on the Philippines will also include the World Premiere of paintings by Filipino animator Rox Lee, while indie filmmakers and musicians rock out through Sinekalye – a street cinema programme will bring live music and short, experimental film together through performance."

two years ago, lav diaz naman won the best film for "batang west side". tanong: bakit parati tayong nanalo at pinapangaralan sa mga film festivel pero wala naman sa main stream ang mga pelikulang pinoy dito sa singapore? ang nakikita ko parati ay mga pelikulang galing ng thailand, korea at japan. sayang kasi.

Posted by jayd at 12:55 PM | Comments (12) | TrackBack

JOEY REYES AND THE RUNAWAY ELEPHANT

teka muna. taym pers... nabalitaan nyo ba yung elepanteng nakawala sa cubao? may nakakatawang account si direk joey reyes na pinadala sa akin ng pamangkin kong si sara. to read about it in full, click here. tutuo ba ito?

Posted by jayd at 11:31 AM | Comments (4) | TrackBack

April 01, 2004

BREAKING NEWS....

"di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit" (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)...TIME CHECK...ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng "Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!"... ding-dong (sound epeks ng time check)...

AATRAS NA SI FPJ AT GMA SA PAGTAKBO SA PRESIDENTE! napag-alaman kanina na dahil sa sobrang pag malasakit ni gma at fpj sa bayan ay nag desisyon na silang di tumakbo itong darating na halalan. ang agreement ay pinirmahan nila kaninang alas singko ng hapon at tinawag ang dokyumento na "covenant of hopeful dreamers". inaasahan ding umatras sa pagtakbo lahat ng mga nakalinyang mga senador sa kani-kanilang mga partido. kapuna puna rin si senator mirriam santiago na nagsabing hihiwalayan na nya ang kanyang asawa, papasok na sa kumbento at magmo mongha. kasama niya sa balaking ito si senators john osmena at ping lacson. sinabi rin ni tito sotto during the press conference afterwards na babalik na lang daw siya sa "eat bulaga". napag alaman din na gagawa na lang daw si fpj ng horror movie na pinamagatang "bangungot ng bayan".

sa isa pang mahalagang balita: isang filipino ang nakaimbento ng kotse na tatakbo sa pamamagitan ng pag gamit ng patis, imbis na gasolina. dahil sa balitang ito, napag alaman na babawasan na raw ng OPEC cartel (Organization of Patis Exporting Clowntries) ang production ng paborito nating sawsawan.

sa parating na pagbawas ng production, nakikita ng ating mga ekonomista ang pagtaas sa presyo ng patis. "paano na ang aming sinigang?" - yan ang tanong ni FEJODAP president Zeny Maranan. hindi na siguro maiiwasan pa ang darating na protest rallies. nakahanda na ang lahat itong darating na lunes para sa "Pambasang Welga ng Bayang Inaalat".

Posted by jayd at 11:10 PM | Comments (12) | TrackBack

March 27, 2004

MAGANDANG TITLE PARA SA MGA PELIKULANG PINOY

alam ko marami akong mga bastos na salitang ginagamit at kung ano-anong mga katarantaduhan ang mga kinukwento ko pero: kung sino man yung nagpunta sa google, nag search ng "mga kwento ng nagtataeng ballpen", at nakarating sa site ko eh - "mabuhay ka, kaibigan!" - mas sira ulo ka pa sa akin. hehe.

ak-shu-li, ok itong title ng pelikulang pinoy: "Mga Kwento ng Nagtataeng Ballpen"

isa sa maganda about growing up in the 70's and 80's ay ang daming free time just to hang around and talk (euphemism for mag istambay). wala pa kasing internet, cellphones at kung ano-ano pang mga similar technologies that, altough makes things more efficient and cheaper, inherently isolates us from the rest of the world. a bit ironic that while it brings people together, it also brings people apart. as interaction becomes more virtual, we are robbed of the experience of being physically in the prescence of people. so, what's my point exactly?

ang point ko eh di na tuloy madalas yung mga bidahan, kwentuhan at alaskahan ng isang typical na barkadahan. di na tuloy napapag usapan yung mga topic, tulad ng - "pare, ano bang magandang title para sa pelikulang pinoy?" sasagot ka siyempre ng: "alam mo, matagal ko na ngang pinag-iisipan yan eh. eto mayron akong mga suggestions..."

"pawis ng tren"
"kicking pinay"
"honey, i blowjob the kids"
"alikabok sa ilalim ng dagat"
"ang alamat ng pitong kulangot"
"patayin mo sa kindat si kirat"
"nang maglandi si lola, starring bella flores"

Posted by jayd at 02:13 PM | Comments (23)

March 20, 2004

MGA PINOY WEBSITES NA MAY KAAKIT-AKIT

imbes na nakatanga ka diyan sa harap ng monitor at nangungulangot, puntahan nyo na lang itong mga websites na masarap basahin. teka, maka digress nga muna at may naalala ako: huwag kayong mangungulangot sa harap ng computer, lalo na pag gumagamit kayo ng trackball. magbabara yung dumi ng ilong ninyo doon sa loob ng trackball at babagal ang pag-drag ng inyong pointer. maari pang mag corrode yung keyboard.

hokey, here's my current 'masarap basahin' list:

My Life... A Cup of Deja Brew. unahin ko nang mylab ko. this is the site of my wife jet, my original all time best idol. simula pa lang kaming magkakilala (15 or so years ago), sinabi ko na sa kanya na magaling siyang magsulat. her site proves that it is indeed so true. i can never write as good as her. read about the typical life of a pinay housewife in singapore.

Pansitan ni Ate Sienna. ang pinakauna naming nakilalang pinoy blogger and a dear friend. si ate sienna ang siya ring gumawa ng website namin ni jet. nakakatawa ang mga entry niya at pinoy na pinoy ang dating. natutulog na halos sa kanyang...

Pansitan.net, my favorite blogging community where you'll find jim paredes and ate sienna's other super friends tulad nina papa rodge, mariacelia, JaH at ayeza. one site may not be to your liking, but collectively, nakaka-aliw, dahil masaya silang nag-uusap at nag i-interact lahat (as a community should be).

A Taste Of Africa. bakit ko naging idol si ibet? di ko kasi kaya ang ginawa niya. would you leave your husband and daughter to work among the poorest of the poor in africa? this is a great read on the life of a gutsy pinay in somaliland, a non-country in the horn of africa. read this blog and be inspired.

Short*Poetry. ang world class poet ng UP. she produces really good short poems that always makes me smile sa sobrang ganda, gusto kong maihe touches the soul. proves to us that a few words can move the heart.

Renaissance Girl. blog site ng idol kong ate mona. her site is a lesson sa bloggers na may problema dahil walang mga bumibisita - keep your entries short and write beautiful funny stories. tall order but she succeeds magnificently, as i keep coming back for more.

The Prada Mama Chronicles. Prada Mama is a former newsbabe turned domestic goddess. my perskasin, dahil siya ang asawa ng aking showbiz pinsan na si lapu-lapu. read what's it like living in the suburbs of modesto, california.

working mom. ano bang tagalog sa tigreng babae? sagot: AnP! ang sarap basahin ng mga kwento ni AnP tungkol sa buhay nilang mag-anak sa germany. kaya lang, magkakaroon kayo ng tendency na kurutin ang inyong monitor dahil sa kakyutan ng mga litrato ng kanyang anak.

Click Mo Mukha Mo! A Pinoy Blog About Nothing. isa pa ring model ng "how a blog should be". it's the content, stupid. siyempre, hindi rin nakakasakit na magaling magsulat si markmongmukhamo.

PARALLEL UNIVERSES. ang blog site ng dr. emer - he is the only doctor blogger (blogger doctor? which is which?) that i know of. di lang tungkol sa medicine ang sinusulat niya at masarap ding basahin. isang linggo ko na siyang gustong tanungin kung ano ang gamot sa tulo.

durgaspeak. dahil sa kanyang kakaibang sense of humor, ang site ni jop ay isa sa mga bagong favorite reads namin ni jet. alam nyo ba yung pinoy na kasabihan na "simple lang pero rock"? yan ang dating ni jop. pinoy na pinoy magsulat at isa sa mga parati kong binabalik balikan. pag binabasa ko ang mga sinulat nya, para akong nakikinig sa mga kaibigan kong nagkukwento sa akin.

hawhaw dekarabaw. sinabi ko na ito sa kanya - ang site ni ibalik is probably the best photoblog ever. siya rin ang host ng pinoy blog community na dekarabaw.com. makabayan kahit nasa estados unidos at tunay na pinoy.

Memento. "If a picture paints a thousand, then why can't I paint yowowowowowow", sabi nga sa kanta ng bread. isa pang peborit na photoblog. akshuli, dalawa lang sila ni ibalik na peborit ko.

Now What, Cat. ang peborit blog ni Manuel L. Quezon Trilogy na aking bagong peborit din. di lang dahil sa na special mention ako sa isa niyang entry, kundi dahil talagang magaling siyang magsulat. punta kayo rito sa nakakatawa pero may laman na site ng bago kong idol.

A Filipino Food, Cooking & Recipes Blog. cooking site ni sassy lawyer, the radical chef. isa rin sa mga bago kong idol. one of these days, mag-aaral akong magluto using her recipes. punta kayo rito, mga ginang ng tahanan at mapapa sigaw kayo ng "cooking ng ina nyo".

Kiwipinay ~ Life of a Filipina Down Under. mga kwento ng isang pinay sa new zealand. medyo prolific si ateng ko na mag post kaya dapat parati kang pumunta sa site niya para up to date ka. sa pilipino rin siya nagsusulat kadalasan, at, masarap basahin ang kanyang mga minsan nakakatawa, minsan nakakaiyak na gulong ng palad na buhay.

Da Two. ito ang site ni gretch. pero actually, tungkol ito sa dalawa niyang anak na si pancho at maki. kung mahilig kayo sa mga cute at endearing na kuwento ng mga bata, this site is a great read and is indeed "written with love by mom".

Second Thoughts. ang site ni don manuel ay isa ring pagpapatunay na "content is king" and that the "keep it simple, stupid (KISS)" maxim works. kalimutan nyo na yung eye candy style ng pagpapaganda ng site and focus on what really matters. bawasan din yung mga entries that go like this: "wala akong maisulat ngayon eh. kaya gusto kong ikuwento ang aking boring day...etc. etc."

diS pinOy gOt suM iSsuEs. ang blog site that confirms na tama ang desisyon kong magsulat sa pilipino. di ko alam kung bakit ako naaaliw sa kanya pero naaaliw talaga ako. kung sino ka man kaibigan, alam ko di mo ito sinasadya pero maraming salamat sa saya at katatawan na binigay mo sa akin. you really gave me some issues where there once were none. MABUHAY!

to be continous continue containyou tangnang spelling ko talaga, dyslexic: ITUTULOY...

Posted by jayd at 09:58 AM | Comments (0)

March 16, 2004

NAGPUNTA SA EMBASSY PARA MAG-RENEW NG PASSPORT

nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga't binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.

mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee - that's 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.

yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito'y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)

all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.

Posted by jayd at 06:22 PM | Comments (0)

March 14, 2004

COUNTER FLOW

eto true story na nangyari nung 1977, grade 4 ako nito: hinuli kami ng pulis dahil nautot ako sa loob ng school bus. nasa harap ako nakaupo at napa-utot habang papalabas kami ng grace park (sa kalookan city) going to EDSA. dahil sa sobrang bahu, nalito yung driver namin. imbis na mag right turn siya sa EDSA going to balitawak ay nag counter flow siya by turning right doon sa lane papuntang monumento.

muntik na nga kaming mag head-on collision doon sa isang JD liner na bus. buti na lang naka-iwas yung driver. ang hindi naiwasan ay ang pulis na nakaabang na sa amin. pinara kami at kinuha ang lisensya ng driver. galit na galit siya sa akin at sinisisi ako sa nangyari. simula noon, di na niya ako pinaupo sa harap ng sasakyan.

Posted by jayd at 12:48 AM | Comments (0)

March 09, 2004

"EL BIMBO" PAG UMUULAN

what's the word for feeling melancholic and happy at the same time? umuulan kasi ngayon dito sa singapore at ganoon ang nararamdaman ko. ak-shu-ly, it's been raining non-stop for more than 24 hours. a rare occurence para sa isang (suwerteng) bansa na walang bagyo, lindol at volcano. pag ganitong ma-ulan, naaalala ko na naman ang pilipinas at yung mga masayang growing up years during the 1970's. pag may bagyo at walang pasok, nahihiga lang ako sa kama ng buong araw at nagbabasa o kaya, i "spin the black circle" (naalala nyo pa ba yung mga itim na vinyl disks na yon? di pa naiimbento ang CD nung araw eh). mag di-digress tuloy ako.

nung mga '70s, tuwang tuwa ako sa mga sayawan sa probinsya. kumakaskas pa lang yung karayom sa plaka, tayuan na at halos magtatakbo yung mga lalaki para kumuha ng mga partner nilang dilag. nung time na 'yon, nauso ang dance craze na "salsa" at ang pinakasikat na salsa song ay ang walang kamatayang "El Bimbo" (malamang, dito galing ang kanta ng e-heads na "HULING EL BIMBO"). kinakanta namin ang "el bimbo" nung araw pero dahil spanish, nilalagyan na lang namin ng sariling lyrics: "el bimbo salsador... BIMBO! BIMBO! mahilig mag jakol...BIMBO! BIMBO!"

the word for feeling melancholic and happy at the same time? it's called nostalgia.

Posted by jayd at 11:59 AM | Comments (0)

March 07, 2004

SELLING IN

TAKEN DURING OUR VACATION LAST YEAR (please click to enlarge): a reuinion of sorts with my partners in crime for 12 years. si uly on my left at si ting on my right. so far, i have not found anybody as competent and fun loving as these guys. before i "sold out", i worked as an engineer in the philippines. si ulysses yung nasa kaliwa at si ting yung nasa kanan. etong mga taong ito ang mga partners in crime ko for 12 years. simula 1989 hanggang 2001, inikot namin ang buong pilipinas doing projects sa halos lahat ng industria. from the rain forests of mount apo to the stinking industrial plants along the tullahan river. from power plants to breweries, amid erupting volcanoes, land slides, storms and gun toting soldiers. i've seen people fall off cliffs, get electricuted and get run over by pickup trucks all in the line of duty. we didn't do it for the money. we did it because we loved our jobs. we loved the fact that we enjoyed each other's company and that were doing something worthwhile.

one of these days, i will post the pictures taken back to the time when we were still building plants up in the mountains. when on sunday days-off like this, we'd all be huddled in our mess hall, drinking tequila and playing cards, wearing raincoats over jackets because it's so cold and raining so hard and the damn roof is leaking like hell.

Posted by jayd at 04:24 PM | Comments (2)

March 05, 2004

SELLING OUT

yung editorial ng inquirer kahapon talks about "A top notcher in the recent medical board exams (magna cum laude pa), who decided to be nurse for the money" . sabi nila doon sellout daw ito.

Sellout? PUTANGINA, anong sellout dito? marami akong kaibigang doctor ang nag-aaral ngayon maging nurse para makapunta sa america. some already are nurses, have taken the exams and are now waiting for the telephone call that will tell them it's time to go. these are the best and the brightest doctors i know. gusto lang naman nila kasing magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga pamilya nila. here's the choice - earn $60,000 a year (that's 3.3+ million pesos depende sa exchange rate) as a nurse in exchange for the stethoscope, white lab coat, shirt and tie and a residency in a 1st class philippine hospital where you'll get, at the very best: 200,000 pesos a year.

di ako doctor, at saka magna con yelo lang ako (dati, zuma cum galema. hehe). but i also opted to leave the philippines, albeit with a heavy heart, and yes, with a feeling that i was selling out. anong magagawa ko, i needed the money. pagod na rin akong maging marionette, dancing on the string held by my boss' hand. always praying that his generosity would translate into a bonus i could use to pay the bills.

i'm 38 years old. i need to think about my future and the survival of my family. kung sellout ito, so be it. at least hindi ako magnanakaw.

Posted by jayd at 07:50 PM | Comments (1)

February 25, 2004

GUSTO KONG MALASING SA LAMBANOG

masarap makipag inuman, kasama ang mga kaibigan. ang paborto kong gawin ay mag imbita para mag ihawan sa bahay namin sa antipolo. sasabihin ko sa kanila, dumating ng mga alas 4. para maliwanag pa nagsisimula na ang saya. pagtapos, sabay sabay namin hihintayin ang takipsilim. there's nothing as enjoying as having a drink in the philippines while the sun sets.
ang "barik" ay isang malalim na salitang tagalog. ang ibig sabihin nito ay uminom ng alak. pag gusto mong magyayang uminom, pwede mong sabihin ang malambing na: "pare, katang mag-barik!". sa traditional na barikan, siyempre ang masarap inumin ay lambanog ng quezon.

kalimutan nyo na yung mga commercialized na nabibili nyo sa maynila. the best lambanog is home brewed - yung gawa ng mga manginginom ng southern tagalog para sa kanilang personal consumption. kalimutan nyo na rin yung mga timplado ng pasas. the best way to drink lambanog is straight up. samahan mo lang ng chaser na pepsi (the choice of the lambanog generation).

for ambiance (mahal yon!), ganitong gawin nyo... gather 3 or 4 of your friends together, preferably sa isang kubong malapit sa dagat. bago kayo magsimula, maghawak-hawak muna kayo ng kamay. iwagayway ang mga puting panyo at sabay sabay nyong isigaw: "SAKSI!". tapos, kumuha ng shot glass. ilagay ang gallon ng lambanog sa balikat. salin, tagay, inom. salin, tagay, inom... round and round ("like a circle in a spiral, like a wheel within a wheel") hanggang sa maubos ang lambanog or makatulog. whichever comes first. siyempre, yung unang tagay ay ibuhos sa lupa. alay para sa mga yumaong manginginom. finally, mas maganda kung ibahin nyo rin yung mga accent nyo (ala meryl streep) to either batangueno or quezon tagalog (e.g. "Ala eh, ang kanin ay malata eh!").

Posted by jayd at 12:33 PM | Comments (2)

February 23, 2004

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: "i'm going to las pinas". gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong "yellow taxi" experience niya, bibigyan ka nya ng "blow by blow" account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: "mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again."

Posted by jayd at 06:52 PM | Comments (0)

February 20, 2004

LABAS ANG DILA

CLICK TO ENLARGE. yung nasa extreme left ay si doctor rico. isa siyang cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, mahilig sa negosyo at may babuyan sa bulacan, sumunod si pareng nes, isa ring magaling na internal medicine doctor at ex-military captain. asawa niyang si tess ay kapitan-doctor pa rin ngayon sa v.luna at isa sa mga doctor ni kumander robot. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex, yung all around cleaner na sikat sa pilipinas. siya yung nakikita ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangi-tanging katangian ng produktong ito. alaskado nga siya sa amin dahil nagtataka kami kung paano naging endorser ng cleaner ang isang doctor sa puso. isa pa, bago kinunan ito, lumapit si anna banana, ang alalay namin sa antipolo para magpa-autograph sa kanya. <br />
"kiss! kiss! kiss!" - parating sigaw ng mga pinoy pag may kasal. di ko alam kung kailan ito nagsimula, pero sa barkada namin, ang sinisigaw ay kiss! kiss! kiss! labas ang dila!". pati sa mga kodakan minsan, isisigaw ng photographer: "o smile ha...labas ang dila". kita nyo naman ang resulta (click on pic to enlarge) - mga kagalang-galang na professionals appear as if they are sex starved men. o baka naman talagang, in our heart of hearts, most of us are sex starved men. who knows?

yung nasa kaliwa ay si doctor rico, cardiologist sa st. lukes. katabi niya si kuya bong, negosyante. sumunod si pareng nes, magaling na internal medicine doctor. huwag kayong magtaka kung namumukhaan ninyo si doctor rico. siya ang signature model ng domex na napapanood ninyo sa tv na nagsasabi ng mga katangian ng produktong ito. nagtataka nga kami kung paano naging endorser ng panlinis ng sahig ang isang doctor sa puso.

pero sa tutuo lang, bilib na bilib kami sa domex. bago nga kinunan ito, lumapit si anna banana (ang alalay namin sa antipolo), para ipa autograph yung bote nya ng domex.

Posted by jayd at 10:53 AM | Comments (0)

February 17, 2004

SIGNS OF THE TIMES

sabi ni ambeth ocampo, si teodoro agoncillo raw eh asar na asar sa mga historical markers na nakakalat sa maynila patungkol kay jose rizal. eh pati raw yung inihian ni rizal na pader ay gusto nilang lagyan ng marker. hehe. pag naging sikat na ako - eto ang gusto kong historical marker sa bahay na tinirahan ko.
sabi ni ambeth ocampo, asar na asar daw si teodoro agoncillo sa dami ng historical markers na nakakalat sa maynila patungkol kay jose rizal. eh ultimo raw yung inihian ni rizal na pader ay gusto nilang lagyan ng marker. hehe. pag naging sikat na ako - eto ang gusto kong historical marker sa tirahan ko. ak-shu-li, naka-paskil na itong sign sa bahay namin. so, problema ko na lang ngayon ay maging sikat.

anyway, pag pumasok ka sa munting dampa namin sa antipolo, ito ang nakapako sa pader ng main living room. this is my peborit karatula dahil simpleng nakakatawa. more importantly, regalo sa akin ito ni jet.

marami nang pader na nasabitan ang karatulang ito - kung saan saang opisina at kung saan saang project site sa maraming probinsya sa pilpinas. matagal din itong nakapaskil sa aming library. i'm sure in the future it will be moved to another place, another room, another wall... parang kanta sa evita: "So what happens now? Another suitcase in another hall. So what happens now? Take your picture off another wall. Where am I going to?"

Posted by jayd at 11:48 AM | Comments (0)

February 15, 2004

KINDERGARTEN PHOTO, SCHOOL YEAR 1971-72

CLICK TO ENLARGE. this is my kindergarten picture, school year 1971-72. wala pang martial law nung time na ito at maligayang maligaya pa ang pamilya namin. on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin. both are very close to my heart. it's funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral. some of the people you see in this picture are still my friends. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun and tell the same school stories over and over again. hulaan nyo kung nasan ako rito? siret... upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis

this is my kindergarten picture, school year 1971-72. maligayang maligaya pa ang pamilya namin during this time. less than a year after this picture is taken, marcos will declare martial law and my dad will lose his job at ABS-CBN. many years later, charo santos will rip off the show that he created and made popular.

on the extreme left: my beloved teacher, mrs. chaves. siya ang asawa ng high school principal namin and both are very close to my heart. it's funny how time flies. kailan lang eh nagsisimula ka pa lang mag-aral, ngayon ikaw nang nagpapa-aral.

some of the people you see in this picture are still my friends to this day. in fact, they are my dearest and most intimate friends. nagkikita pa rin kami ngayon on a regular basis. magkukumpare, many times over. we still have fun during reunions and tell the same school stories over and over again, much to the dismay of our bored wives.

hulaan nyo kung nasan ako rito? siret... upper most row, 3rd student from the left. ako yung naka bungisngis - i.e. ngiting hanggang tenga na parang nababaliw.

Posted by jayd at 10:14 PM | Comments (0)

February 10, 2004

THE BEST FPJ JOKE SO FAR

FPJ TO NPA: Sumuko na kayo.
NPA: Di kami susuko hanggang di mo maispel ang "CEASEFIRE".
FPJ: Tangina ninyo. TULOY ANG GYERA!

Posted by jayd at 09:28 AM | Comments (0)

February 09, 2004

JEEPNEY FUME BLUES

nakakatawa pag ikaw ay OFW overseas. you long for things that are otherwise loathsome under normal circumstances. nami miss mo ang ingay at gulo ng maynila. yung tunog ng arangkada ng mga tricycle at jeepney, yung alikabok at usok. yung ulan at ang kasunod na baha. iba kasi sa atin, nakangisi pa rin ang mga tao kahit nagdedelubyo. masaya kahit walang pera. kaya lang, sa tutuong buhay, di mo makakain ang saya at ngiti kaya kailangan kang mangibang bayan para kumita ng malaki. di ka naman pwedeng mag-nakaw o tumakbo for public office, altough minsan parehas yon.
nakakatawa pag ikaw ay OFW overseas. you long for things that are otherwise loathsome under normal circumstances. nami miss mo ang ingay at gulo ng maynila. yung tunog ng arangkada ng mga tricycle at jeepney, yung alikabok at usok. yung ulan at ang kasunod na baha. iba kasi sa atin, nakangisi pa rin ang mga tao kahit nagdedelubyo. masaya kahit walang pera. kaya lang, sa tutuong buhay, di mo makakain ang saya at ngiti kaya kailangan kang mangibang bayan para kumita ng malaki. di ka naman pwedeng mag-nakaw o tumakbo for public office, altough minsan parehas yon.

kanina sa train, may nakasabay akong mga pinay na nurses. papasok sila patunong hospital. di naman ako nagpakilala dahil mahiyain ako. wala lang, tinatabihan ko lang sila dahil gusto kong makarinig ng tagalog. pag baba ko, nagsabi lang ako ng "makikiraan po". napatalon yung isang nurse. siguro nagulat siya dahil nakarinig siya ng pinoy na salita. pwede rin na natakot siya sa boses kong parang galing sa ilalim ng lupa.

Posted by jayd at 10:54 PM | Comments (0)

February 07, 2004

SUNSET SA ANTIPOLO

an antipolo sunset, kuha ito sa labas lang ng bahay namin. naalala ko pang maigi: last day na ng vacation namin at kinabukasan, babalik na kami sa singapore. a bittersweet moment.
housekeeping: halatang obvious naman kung nakarating kayo rito na lumipat na ang site na ito sa nicanordavid.com. ito yung homepage namin ni jet na kamakailan lang lumipat sa isang mas malaking server. ang kagandahan nito eh naipasok ko na ang aming web album. kaya, sa mga kaibigan at kamag-anak namin na nag request ng mga additional kodakan, punta na lang kayo rito. naroon ang mga litrato natin sa america, pilipinas, singapore at iba-ibang bansang nadalaw namin itong mga nakaraang 3 taon. pati nga yung maskara days ko nung panahon ng SARS ay naron din.

mahilig akong kumuha ng mga litrato ng sunset. isa ito sa maraming mga sunset pictures sa album. alang sunset na maganda sa singapore. ito ang medyo nami miss ko rito. siguro dahil malapit masyado sa equator. either that or masyadong malakas ang mga ilaw dito at pag takipsilim, natatakpan ang iba ibang kulay na dala ng paglubog ng araw.

Posted by jayd at 12:55 AM | Comments (0)

February 05, 2004

ANONG GAGAWIN SA $10 MILYON

ngayon ang bola ng lotto (or toto) dito sa singapore. pinag-uusapan nga ito sa lahat ng mga coffee shops at opisina dahil ang premyo ay 10 million dollars. tumaya nga kami ng mga ka-opisina ko. ang lotto rito ay pitong numero. eh pito rin kami sa opis kaya tig-isa kaming number. ang aming taya: 05, 08, 09, 12, 13, 22, 26... i cross my fingers and legs, sana manalo kami. magkano ba ang tatamaan ko? eto ang computation: 10 million dibaydibay 7 equals 1.43 million dollars, equivalent to 47 million pesoses. PACKINGSHEET!

pag nanalo ako, kukuha ako rito ng tatlong domestic helper. isang intsik, isang malay at isang bumbay. ang itatawag ko sa kanilang tatlo ay "MARIA" (as in mariang-palad?). papahirapan ko sila ng husto. bukod sa regular na pag asikaso nila sa bahay: yung bumbay, taga pedicure/manicure ko. yung malay, taga hugas ng aking pwet. yung intsik ang magpapaligo sa akin.

tapos, tuwing linggo iimbitahin ko ang lahat ng mga kababayan natin dito na mga DH. papupuntahin ko sa bahay para pagsilbihan ng tatlong kumag kong katulong na mariang intsik-bumbay-malay. ok na siguro ito bilang pang ganti sa mga tao ritong mababa ang tingin sa mga pinoy.

Posted by jayd at 02:40 PM | Comments (0)

January 06, 2004

ISANG BAYANI SPECIAL: THE PINK

my pink urinal
eto na ngayon ang pumalit sa mga "BAWAL UMIHI RITO" signs sa metro manila: mga pink na urinals. tuwang tuwa nga ako nung una ko itong makita. ang galing. tayong mga pinoy lang ang makaka-isip ng ganito. at pink pa ang kulay - with polka dots! hehe. paano ba ito gamitin? simple lang. "no frills", ika nga nila. enter, take cover, pee, leave. yon lang. eto ang procedure:

1. pasok ka through the right side (doon sa may nakalagay na "MA-002"), 2. harap sa kaliwa, 3. buksan ang zipper, 4. ilabas ang pototoy at umihi sa sahig (pagmasdan ang medyo basang sahig sa lower left).

magkakaron kaya ng female urinal? kung ako ang gagawa ng design, lalagyan ko ng mga monkey bars para pwedeng lumambitin. dapat din sigurong lagyan ng pinto para may privacy. teka, masalimuot ang mga design considerations. kailangan pag-isipan itong maigi.

Posted by jayd at 02:30 PM | Comments (0)

January 05, 2004

MUNTIK KO NANG MAIWAN ANG SANITY KO SA NAIA KANINA

chaotic kanina sa naia. sa labas pa lang eh ang haba na ng pila. pagkuha pa lang ng pushcart eh life and death struggle na. hehe. sabi sa dyaryo, magbigay ka raw ng extra 30 minutes doon sa normal na three-hour check-in requirement. how true. dumating kami ng 2 and 1/2 hours before the flight eh natapos kami sa processing, 15 minutes before take-off na. pag dating nga namin sa gate ng singapore airlines eh boarding na. di tuloy ako nakabili ng dried mango at ube ice cream na kinalolokohan ng mga singaporeans.

kanina siguro ang pinakamahirap na departure ko sa pilipinas. in the heat of it all, parang gusto mong sumpain ang naia. parang ayaw mo nang bumalik sa pilipinas. hehe. drama lang yon. nung lumamig nang ulo ko, tinanong ko sa sarili ko kung babalik pa ako sa pilipinas kahit na napakihirap sa airport. ang sagot ng aking kunsensya ay isang malakas na: OO, kahit si satanas pang sumalubong sa akin sa airport kasama ang sanlibong bumbay na may anghit, uuwi pa rin ako!

Posted by jayd at 10:41 PM | Comments (0)

January 04, 2004

BAGONG TAON POSTSCRIPT

bukod sa marami na namang nasunugan, natamaan ng mga ligaw na bala at naputukan sa iba't ibang parte ng katawan nung "relatively peaceful" new year ("relatively peaceful" my pwet!), ang pinaka weird na news ay yung napanood ko sa MGB kanina: isang lalaki ang naospital dahil kinagat ng kainuman ang kanyang tenga. ang sabi sa interview eh nag-away daw sila dahil walang pulutan.

Posted by jayd at 01:23 AM | Comments (0)

January 03, 2004

TOKWA'T BABOY ONE LAST TIME...

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na "weathering the storm" lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i've moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang.... fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

nagkita kami sa aming paboritong "pepetons" sa QC kagabi. mura at masarap na pulutan, malamig na san-mig light at maraming kwento. ito ang mami-miss ko ng lubusan pag alis namin. all the good times with family and friends will, i hope, sustain me when we leave on monday. when we leave... ha! sana marami akong pera para di ko na kailangang umalis. the thought of parting is always difficult especially after a night of excellent tokwa't baboy ang ice cold beer.

Posted by jayd at 11:17 AM | Comments (0)

December 24, 2003

PLANT YOUR LOVE AND LET IT GROW

nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life. less is more. the main objective is to reduce the garden to it's simplest form until only the essential remains and a sense of order emerges. however, some plants are born to be wild (like me) so don't forget to let loose a few and let it grow semi-gubat. you don't want your garden to be all organized and proper. that's too boring. did i mention simplify?

read all the gardening books you can find to get a few tips. you'll soon find out however, that experience is the best teacher. some plants will live, others will die (ok ka lang? ganyan talaga ang buhay). those that thrive however will show you the way. a garden is a perpetual work in progress where everything evolves and grows. add new plants from time to time but pay attention to the older ones. especially the ones that you had when you started. these plants are special and more often than not will stay with you till the day you die.

before i forget, don't spend too much time under the family tree. life is so much richer out in the open with the wind at your back and the sun turning your skin into golden brown (like my kutis betlog). did i fail to mention simplify? nip, cut, trim and simplify. gardening is so much like life.

Posted by jayd at 05:16 PM | Comments (0)

December 16, 2003

MGA BAGAY NA NA-E-ENJOY KO NGAYON SA PILIPINAS

hot pandesal. masarap talaga ang hot pandesal sa pilipinas. wala nito sa singapore at miss na miss ko talaga ito. pritong kesong puti lang, pandesal at kape, pwede na akong mabuhay.

AM radio stations. miss ko talaga ang balitang pinoy sa DZRH sa umaga. from 6 to 9 am, addict ako sa mga komentaryo at balita nina joe taruc at deo macalma. siyempre di rin ako pahuhuli sa mga showbiz balita at mga bastos na tsismis. oo, magkabaduyan na tayo - AM station junkie ako.

election commedy. kahapon may mga nagparegister na mga kandidato for president. isa ay si ms. salve bush, sabi raw sa kanya ni george bush ay tumakbo siya dahil siya raw ang rightful president. question: nagkita na po ba kayo ni george bush? sagot: hindi pa po, pinahiwatig lang po niya sa akin sa TV. next candidate: pag ako ang na-elect na presidente, lahat ng tao ay sa pilipinas ay magiging 50 thousand pesos ang suweldo. next candidate: anong pangalan mo? N.N.N. po. anong trabaho mo? ako po ay isang messiah.

bastos na dyaryo. nakakabasa na naman ako ng mga burikak xerex at abante bastos na kwento sa mga tabloid paper. "...at ipinasok ni juan ang kanyang matigas at mahabang pedro sa naghihintay na hiyas ng nakapikit na si maria. um. um um, ang sabi ni juan. ay, ay, ay naman ang sigaw ni maria".

Posted by jayd at 02:34 PM | Comments (0)

December 11, 2003

TOP 10 NA DAHILAN KUNG BAKIT UUWI KAMI NG PILIPINAS SA SABADO

10. miss ko nang magmura pag naiinis ako. di ko masabi ritong "tangingang buhay 'to, OO", pag may problema ako.

9. pag may nagtanong sa akin kung saan ako pupunta, gusto ko nang sabihin yung immortal na "diyan lang, sa tabi-tabi" dahil di pwede dito ang "over there, side-side"

8. gusto ko nang makarinig ng: "good morning sir, ma'am. merry christmas and a happy new year. welcome to jollibee. can i take your order please?" instead of "whatcha WAAANT?"

7. gusto ko nang mag salita na parang seksing kolehiyala pag nagpapa kyut ako. por eksampol: "hoy, you make pa cry cry naman da car!", "you make tusok-tusok da fishball"

6. nagsasawa na rin akong marinig ang mga sumusunod: "i don't friend you"(di na kita bate), "don't play play" (tama na yang laro, magtrabaho ka na), "oh it's so hot-hot lah, walk very long-long" (ang init! ang haba kasi ng nilakad ko), "kana-sai, i cannot tahan" (ayoko na! hindi ko na kaya)

5. nami miss ko nang magtanong sa mga kapitbahay ko ng "anong ulam nyo? pwedeng makikain?"

4. miss ko nang marinig yung "SAMAY BAHAY" ng paulit-ulit na may kasamang kalansing na tansan... "SAMAY BAHAY ANG AMING BATI! MERIKRISMAS NA MALWALHATI!"

3. gusto ko nang magbasa ng mga nakakatawang sign, e.g. "GAGO at SUPOT ang magtapon ng basura dito!"

2. gusto ko nang magsalita ng tagalog to express myself clearly. paano mo sasabihin ito sa english pag nababagalan ka sa takbo ng trabaho: "tangina, tutulog tulog na naman kayo sa pansitan. di naman ako nagmamadali, pero gusto ko ngayon na! kaya tama na yang pakyut, ano ba?" (pakingsheet, i don't want you to sleep in the noodle house. i am not in a hurry but i want it now! stop being cute, what now? lost in translation ang sarcasm at galit not to mention medyo incoherent)

1. ayoko nang makakita nang nangungulangot sa harapan ko, paminsan minsan gusto ko naman ng umiihi sa pader! (still more signs: "BAWAL UMEHE SA PADIR, ANG MAHOLE BOGBOG NA, POTUL TETE PA")

Posted by jayd at 02:23 PM | Comments (0)

December 08, 2003

BALIK-TANAW: 1ST GRADE ZEBRA CROSSING BLUES

muli na naman tayong magbalik-tanaw sa mga childhood ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito'y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “ZEBRA CROSSING BLUES”.

isang umaga, sa isang grade one social studies class, school year 1973:

teacher: "ano ang tawag sa tinatawiran ng mga tao sa kalye na guhit-guhit?"
batjay : "maam, maam. jaywalking! jaywalking!"
teacher: "gago, gusto mong mahuli ka ng pulis."

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng "RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit".

Posted by jayd at 01:48 PM | Comments (2)

November 29, 2003

AN OVERSEAS PINOY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID QUESTIONS

tanong: are you filipino?
sagot: it depends

tanong: what do you do?
sagot: fine, thank you.

tanong: no you don't understand. what's your job?
sagot: ahhh. i used to be a sexy macho dancer, but now i'm just a gigolo.

tanong: all filipinos are good singers. can you sing?
sagot: better than you!

tanong: can you sing "anak"?
sagot: anak ka ng ina mo!

tanong: ni shuo shenme?
sagot: i'm sorry i don't speak chinese

tanong: how is president estrada?
sagot: fine, thank you. still in jail.

tanong: who is fernando poe?
sagot: he is flavio, ang panday

tanong: what's the weather like in the philippines?
sagot: hot

tanong: where is the philippines?
sagot: far away from uranus

tanong: what's the population of the philippines?
sagot: well, there's me and my wife. then there's...

tanong: will i get kidnapped if i go to manila?
sagot: i'll make sure that you do

tanong: are you abu sayyaf?
sagot: you want me to cut your fucking head off?

tanong: is the philippine economy still bad?
sagot: yes, but we smell better than you

white guy: (in a very slow condescending tone) caaaaan yooooou speeeeak eeeeenglish?
sagot: (mimicking prince charles) i say, old chap, is this english enough for you?

white guy: wow, you speak good english!
sagot: so do you

white guy: where'd you learn to speak such good english?
sagot: sesame street

Posted by jayd at 12:04 AM | Comments (0)

November 28, 2003

WHAT IS DINUGUAN IN ENGLISH?

nung nagtatrabaho pa ako sa pilipinas, marami kaming mga projects where foreigners get involved. eh di siyempre kasama rin namin silang kumain.

one time, ang isa sa mga ulam namin ay dinuguan. nagtanong etong si curious white boy "WHAT IN THE WORLD IS THAT?", pointing to the really thick and very black dinuguan.

"ah that..." , sabi ng isa naming tao na di masyadong marunong mag english, "that, my friend, is a menstruation dish".

Posted by jayd at 10:17 AM | Comments (0)

November 24, 2003

natanggap kong text message ngayong umaga...

Fernando Poe 4 PRESIDENT
Lucio Tan 4 SENATOR
Ina Raymundo 4 CONGRESSWOMAN
Niño Mulach 4 MAYOR

isulat sa balota: "POE, TAN, INA, NIÑO"

Posted by jayd at 10:06 AM | Comments (0)

November 02, 2003

SAYAW SA BUBOG

eto lang masasabi ko sa mga congressman na nagpasimuno ng constitutional crisis sa pilipinas...

TANGINA NYO, mga congressmen congresspigs. KA-PUTA-PUTAHAN NG INA NINYO! mga walang malasakit sa bayan. ang babait ninyo, sana kunin na kayo ni lord.

ang murang yan ay ihinatid sa inyo ng isang OFW dito sa singapore na nagpapakahirap magtrabaho nang marangal upang makaipon ng kaunting pera para muling makabalik sa pilipinas balang araw at mabuhay nang tahimik.

Posted by jayd at 07:10 PM | Comments (0)

November 01, 2003

Maligayang Araw ng Patay sa Inyong Lahat

maganda ang paglakad ko ngayong umaga. masarap kasing maglakad dito sa neighborhood namin pag sabado dahil every weekend, ginugupit ang damo sa buong paligid. amoy na amoy tuloy ang bagong gupit na bermuda grass kanina. napapapikit nga ako, kasi, marami akong naaalala kapag naaamoy ko ito... mostly, i remember my childhood and our garden in antipolo. in that order.

Posted by jayd at 12:13 PM | Comments (0)

September 17, 2003

VIRGIN APPARITIONS

putangina (censored by my konsensya, hehehe), walang himala!

Posted by jayd at 04:07 PM | Comments (0)

August 22, 2003

OH SUNSET, MY SUNSET

manila bay sunset
sunset sa manila bay with axl, ate lannie, jet, lucas, darlene

Posted by jayd at 10:37 PM | Comments (0)

August 16, 2003

AKO'Y UMUWI SA PILIPINAS PARA MAGTRABAHO AT MAG SWIMMING

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

mommy, gigi, glenda, tj and az

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

tito jay at az

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

tj at tito jay

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

tj kulit

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya... sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

batch 83

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

az

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako... tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

kuya bong, lucas, tj and jay

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

mag beer muna tayo!

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

Posted by jayd at 10:57 PM | Comments (0)

August 02, 2003

THE 1987 COUP

the night honasan launched the '87 coup, nagtatrabaho ako sa rock of manila. graveyard shift ako (10 pm to 2 am) kaya minsan doon ako natutulog. target nila ang rj dahil ito yung radio bandido nung edsa revolution. if you were alive during that time, you probably know na dito nag broadcast sina june keithley.

honasan ang his soldiers started to attack during the early morning. they probably split up somewhere in nagtahan. one group attacked malacanang, and the other group moved towards the sta. mesa area on the way to channel 2 and yours truly, who was on board during that time. for some reason, they decided to bypass the radio station and went directly to quezon city. ang kwento sa akin ng mga sundalo na nagbabantay sa amin eh mga kaibigan raw nila ang mga rebelde at nakiusap raw sila na huwag nang taluhin ang rj. in any case, di nga nila pinatulan ang station and they went elsewhere.

ang tower ng rj ay nasa J&T bldg along r. magsaysay blvd. it was then the highest point in that area. to get there, you had to go up a long spiral staircase. one way up, one way down. no escape for me pag nagkataon. hulaan nyo kung paano iihi ang mga dj doon sa tower? sagot: magpapatugtog sila ng mahabang kanta (eg "stairway to heaven", "in memory of elizabeth reed", etc.) sabay takbo pababa sa cr ng opisina. i digress. anyway, it's a good thing hindi sila umakyat and i shudder at the thought of what might have happened if they did. the 87 coup was the bloodiest of them all.

i ride the bus from school in intramuros to work in sta mesa every night. right after the coup, from the malacanang area to sta. mesa, in almost every block, puro burol at lamay ang makikita mo. maraming mga civilians ang namatay nung 87 coup dahil lahat ng mga bystanders along their path ay pinaputukan nila.

ngayon, hehehe, senador na ang leader nila at akala mo kung sinong siga pa rin ang mga ibang sundalo.

Posted by jayd at 08:34 AM | Comments (0)

August 01, 2003

NUNG GABING UMALIS SI MARCOS

nasa malacanang kaming magbabarkada nung gabing umalis si marcos. kasama ko si nes, mon, si rey, si kuya bong at si denden. nasa edsa kami nang ibinalita na umalis si makoy at agad kaming pumaroon sa palasyo. dahil maraming tao ay nag park na lang kami sa recto. from there nilakad na lang namin.

mataas ang tensyon nang malapit na sa palasyo ng malacanang. maraming nagtatakbuhan at nagsisigawan. very chaotic talaga. nung malapit na kami sa gate ng malacanang ay may nagpaputok ng M-16... "pak-pa-pa-pak". dapaan lahat at sabay sabay kaming tumakbong paatras. si mon, na nasa hulihan namin, ay biglang napasigaw nang: "aaahh sheeeeet!"

"bakit pare, tinamaan ka ba?", ang sabay sabay naming tanong sa kanya.

"hindi, tangina, yung argyle kong medyas, sumabit sa barb wire at napunit. kakabili ko lang nito eh".

eventually, nakapasok din kami sa palasyo ng malacanang kasama ng libo-libong mga pinoy at (believe it or not) sa harap namin ay isang barangay na ati-atihan, kumpletong costume at instrumento at sumisigaw ng "hala-bira". di ko alam kung saan sila nanggaling. very surreal but it really did sum up the festivity of that evening.

Posted by jayd at 08:23 PM | Comments (0)

July 28, 2003

COUP NG MGA BOBO'T TANGA

well, i can confirm that some blog sites are blocked in china, particularly, blogspot. pero iyong interactive-X naman ay hindi blocked. may topak rin ang gobyerno rito. di ba nila alam, pag pinipigil, lalong nang gigigil. di rin naman effective ang blocking dahil, pwede siguro i-bypass ito by hosting your site outside of blogger.com, or better yet, find another blog provider.

isa pang may topak eh yung mga nag coup sa maynila. ang TATANGA talaga ng mga sundalong ito . gagawa lang ng gulo, walang kaplano plano. dapat sa inyo eh, tanggalan ng baril at hamunin ng suntukan. o ano, laban kayo pag walang baril? ha? ha? mga bobo!

Posted by jayd at 10:28 PM | Comments (0)

July 26, 2003

ONE DAY WE WILL RULE THE WORLD

itong past month that i've been travelling, i find myself turning into a news junkie even more. spending all this time in hotel rooms, the only game in town is watching tv or reading or working on my pc. if its tv, kadalasan BBC or CNN. i've been watching too much news that i'm starting to develop opinions about the newscasters themselves. mayron na akong "my favorite accent" at saka "o shit it's him again" o kaya "tanginang badhair day hairdo mo sister". kaya lang itong past two days, medyo nakakadiri ang balita. every 5 minutes they show pictures of 2 dead bodies in every angle imaginable. it's like watching "night of the living dead". kulang na lang, ipakita ang mga bituka at ngala-ngala eh.

speaking of dead bodies, there was a documentary last year about "strange jobs in singapore" and they featured funeral parlor workers. may interview sa imbalsamador at kinwento niya yung ginagawa niya sa mga katawan at pinakita niya yung mga tools na ginagamit niya sa pagtanggal ng mga lamang loob. nung interview niya eh naka barong tagalog siya at may cebuano accent. siyempre pinoy. proudly pinoy. sunod namang kinausap ay yung make-up artist. bading siya mama (accent on the 2nd ma) at pinoy din. dati raw siyang gumugupit ng buhok sa maynila, kaya lang nalugi at nagsara ang parlor kaya nagsapalaran na lang daw siya abroad at ang nakuha niyang trabaho ay make-up artist ng funenaria sa singapore.

kahit saan talaga mayroon kabayan. dito sa hotel ko sa shanghai, yung house band ay pinoy. lahat na lang ng sulok ng mundo mayroong pilipino - from the mundane to the really sensitive (like feeding this guy named "dubya"). i tell you, one day, we will rule the world. we hold the world's collective betlog in our hands. one day, i swear to god... one day, babayagan natin ang mga bwakananginang umaapi sa atin and WE WILL RULE! bwahahahaha (tawang demonyo)!!!

Posted by jayd at 12:14 PM | Comments (0)

June 30, 2003

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART IV

sunset sa antipolo... june 2003

"at the end of the day"... hehehe. pag naririnig ko itong phrase na ito eh kumukulo ang dugo ko. sobrang overused at tangina talaga, pag naririnig ko ito sa opisina, parang gusto kong mang gulpi. pero pag pinaguusapan ang tahanan eh, eto ang pinaka paborito ko - the end of the day. upo ka lang sa labas ng bahay, samahan mo ng yosi at malamig na iced tea at hintayin ang pagdating ng takipsilim.

Posted by jayd at 01:02 AM | Comments (0)

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART III

mt. apo covered in fog

in between davao and cotabato ang mt apo, ang pinakamataas na bundok sa pilipinas. gumawa kami rito ng power plant sa gitna ng gubat. ang emphasis ng plantang ito ay sa environmental compliance at malaki ang ginastos upang ma-minimize ang impact ng planta sa kalikasan. i'm proud to be part of the team that made this possible. mahigit pitong taon na itong tumatakbo na walang problema at patuloy na nagbibigay ng kuryente sa buong isla ng mindanao. ito ang project na ginawa ko na pinaka satisfying.

umuwi ako ngayong linggo upang gawan ng project study ang augmentation ng automation system ng planta. sana matuloy ito para muling makabalik sa langit.

Posted by jayd at 01:01 AM | Comments (0)

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART II

tatlong itlog

sina jet, darlene at lani. tatlong itlog o tatlong maria... bahala na kayo. nagsasaya ang tatlong magkapatid sa bahay at nagkakantahan.

Posted by jayd at 01:01 AM | Comments (0)

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART I

bahay sa antipolo... june 2003

ito na ngayon ang hitsura ng bahay sa antipolo, almost 2 years after lumipat kami sa singapore. malalaki nang mga halaman ko. medyo wild na rin ang ibang mga tanim. ok lang yon siguro. wild rin naman ako. malapit nang mag-sunset nang kinuha itong larawan...my favorite part of the day. sina jet ay nasa loob ng bahay at naghahanda nang hapunan. ako naman ay umiinom ng iced tea at naghahanda nang magdilig.

Posted by jayd at 12:20 AM | Comments (0)

June 23, 2003

BWAKANGINAMONG PINOY KA, GINULAT MO AKO

kikita ulit kami ng mylab ko bukas. susunduin nya ako sa naia at diretso kaming POEA para ayusin yung papeles ko. putonginamoy, kagagaling ko lang doon 2 weeks ago, balik na naman para pumila. sana may online na lang na processing ng OEC para di na kailangang magpakita pa doon. disadvantage para sa mga OFW ang magtrabaho sa sariling bayan. magtatrabaho ka na nga, sasadya ka pa doon. malaking abala. kunswelo ko lang eh pagtapos ng POEA eh may date kami. hehehe. sarap sarap.

kanina nga pala eh nagkasalubong kami ng tagalinis ng floor namin sa isang corner ng building. isang matabang malay na babae. muntik nang magkapalit ang mga mukha namin eh. sa sobrang bilis nang lakad ko at dahil muntik nang magsalpakan ang mga nguso namin eh nagulat siya. muntik na ngang mahimatay eh. may sinabi siyang malay na salita habang humihingal siyang lumakad na papaalis. di ko naintindihan eh... siguro equivalent niya ng "susmaryosep". either that or "bwakanginamong pinoy ka, ginulat mo ko".

sige na nga aaminin ko na: nagulat din ako. akala ko kasi eh iismakin nya ako sa labi eh - lips to lips na malagkit baga. alam nyo naman eh (ehem), conservative ako at virgin pa sa ilong. teka nga, makapagsalamin. baka nga nagkapalit ang mukha namin. hindi ako makikilala ni jet pag sundo sakin bukas.

Posted by jayd at 09:51 PM | Comments (2)

ON THE ROAD AGAIN AND AGAIN

bukas, balik ulit akong manila. pahinga isang araw tapos biyaheng davao. from davao, long drive paakyat ng mt. apo. baba sa davao ng sabado, uwi ng maynila. balik ng singapore ng linggo. pahinga ng isang araw. martes, byaheng sydney. trabaho hanggang sabado, lipad ng perth ng linggo. trabaho sa perth hanggang martes, pahinga ng miyerkoles. conference sa singapore ng huwebes. pahinga isang linggo. lipad ng shanghai ng 24. trabaho hanggang sabado. lipad ng beijing ng linggo. trabaho hanggang martes. uwi ng miyerkoles. by the time na matapos ang trabaho ko, august na.

wala nang sars, welcome back the accidental tourist.

Posted by jayd at 08:23 PM | Comments (0)

June 22, 2003

ANG LAKI SA LAYAW, KARANIWA'Y JEPROKS

Ang laki sa layaw,
karaniwa'y hubad,
walang karsonsilyo't
labas ang bayag

sinulat ba ito ni balagtas?

Posted by jayd at 07:19 PM | Comments (0)

June 18, 2003

SCENES FROM HOME, PART IV

si az, tj, jay, mommy at dante

tj, az, mommy, jay and dante. now dante is a legend in philippine radio. he started punk rock in the philippines and was the long time host of "pinoy rock and rhythm" during the glory days of the rock of manila. his name is howlin' dave and he's my brother.

"HOWLIN' DAVE, winner of the 2001 NU107 Lifetime Acheivement Award" by Cousin Hoagy

Here’s a guy that began his radio career in the light of the Martial Law years. He was the neighbor of my cousin, Johnny in Pasay, near Park Avenue and Libertad. I always got along with him. He was a natural when he began his career at DzRJ in Santa Mesa.

He had one characteristic that makes a good rock jock. He loved music. He ate up everything going on. I remember him bringing me a record of American Country & Western from Nashville, Tennessee and begging to hear it on the air.

Howlin' Dave spent much of the 1970s getting his chops down, announcing style and gaining a taste for PINOY ROCK which was a very important feature of life in Martial Law. When the show, “Pinoy Rock & Rhythm,” was developed by Charlie Brown and Double A. It was mainly about the live Pinoy Rock scenes that thrived in Olongapo City and Manila. Angeles City was still just putas.

At the same time, PUNK started to be played with, “Never Mind the Bullocks,” being the start for me. I shared it with Howlin’ Dave, who in turn pulled out Sioux and the Banshees! He had turned a corner.

Buddy Trinidad, one of our Judges in the NU Rock Awards 2001, is a member of BETRAYED. He told me that Howlin’ Dave was where he listened on Sundays. His show alternated Pinoy cassettes with the latest PUNK! His influence spread. High School student at the time, Francis Reyes (lead guitar of The Dawn), told me it was Howlin’ Dave. Francis in a strange way, carries on the torch of Pinoy rock with hundreds of CD’s from the entire length of the Philippines. Francis Brew needs an entire staff to undertake and catalog and listen to what is a commitment. It will be nice to take a photo of them together.

Check out Page 9 of the NU Rock Awards 2001 (www.nu107.com) on some of the observations of Eric Caruncho of the Philippine Daily Inquirer. His collection of newspaper stories outlines some of the era. His book, “Punks, Poets and Poseurs,” is available at your favorite Pinoy bookstore on line. By the 1980’s, PUNK was it and Martial Law was beginning to get funky and tiring. Tommy Tanchangco produced a series of Annual concerts near the World Trade area on Manila Bay. It was called, “Brave New World.” It was aired on RJ AM 810. Conceived by Howlin’ Dave from his love of the book, “Brave New World,” by Aldous Huxley.

Between Tommy, Dave and the hundreds of bands that they attracted, the musical Concert moved around the rim of Laguna de Bay to Pililla and U.P. Los Banos. Ask anyone from The Jerks and Myrene who influenced them to the music. Pinoy Rock I guess is a generic expression of the times. It was in fact, the BEST YEARS of his life he told me. Maybe it was. But it’s only the 25th Anniversary of PUNK in 2001. A loose Birthday. Angst, energy, and the focus away from not really being Free had infused the scene.

The BNW Concerts ended, Buddy Trinidad recalls, with Howlin’ Dave singing the Paul Anka hit of the teeny bopping Sixties, “My Way.” Not that anyone recalls that version. Frank Sinatra made it his song for years. But The SEX PISTOLS stole the entire song in its straight forward middle of the road manner. It was transformed into a Anthem of PUNK ! Howlin’ Dave ended each show over the 1980-1985 run of BNW. He was backed by whoever was there that night. The Jerks did. Teddy Perez and The Dawn of the day did. Buddy and Betrayed did. I wonder who else? Joey Ramone?

Cousin Hoagy Dec 2001

Posted by jayd at 12:50 PM | Comments (0)

June 14, 2003

SCENES FROM HOME, PART III

si aj at si tito jay

si az, pinaglalaruan yung nunal ko sa mukha. hehehe... siguro nakikita niya ang magiging hitsura niya pag siya'y tumanda: yung matang singkit at sutil na ngiti. give me five, tito jay! aray!

yung pagka-sutil, singkit na mata at malalim na boses, minana naming lahat sa daddy ko. naalala ko na naman siya. birthday niya nung june 4 at kung buhay pa siya ngayon ay 81 na siya. marami akong kwento sa daddy ko. maraming mga ala-ala na minsan nagpapasaya sa akin, minsan nama'y magpapa-senti.

minsan, when i clear my throat, i hear my dad's voice coming out of my mouth. sometimes, when i call home and my brother answers, for a split second, i'd be in suspended animation and would almost blurt out: "daddy?". pero, i'd quickly recover because i know it's not him. he's been dead for a long time.

from time to time, i dream of him. vivid dreams of him and me, walking along my garden, sipping a cold SMB, talking about how our lives ended up this way. sa panaginip ko, alam ko patay na siya, pero that wouldn't stop me from having casual coversations with him. pinapanood nyo ba yung "six feet under" (specifically, in episode 6 of the first season, where nate talks to his dead dad about their relationship)? that's exactly what happens when i dream of my dad.

minsan sa panaginip ko tatanungin nya sakin kung anong nangyari... kamusta na ako, how i've been doing. that sort of shit. you see when he died, i was still a struggling guy, just out of school and finding my place in this world. di na niya nakita how i turned out. he never met the man i am now. proud ka ba sakin, daddy? i'm sure you are.

happy father's day, dad. i'd do anything just to spend a day with you. fuck, i'll walk 500 miles, eat bubog and walk a tight rope so we can talk again. i know that it's not possible, so i'll just see you in my dreams.

i miss you, dad. take care...

Posted by jayd at 12:47 PM | Comments (0)

June 12, 2003

SCENES FROM HOME, PART II

si tj, si az, si mommy, si gigi at ako

from left to right, counter clockwise: si tj, malayo pa lang ako eh nakangiti na. ang bagong dating na si az, sama agad sa akin. sila ang dalawang apo ko. actually mag-pinsan sila. si tj ay anak ni donna. si az ay anak ni david. si david at si donna ay magkapatid. kuya nila si dennis. silang tatlo ay anak ni gigi na kapatid ko. si dennis (kahit pamangkin ko) ay mas matanda sa akin ng 4 na buwan pero sabay kaming lumaki (oo, sabay nabuntis ang mommy at ate ko) at pareho ang aming circle of friends ("i also friend him", hehehe).

si gigi ay panganay kong kapatid (ako ay bunso). kagagaling lang niya sa isang stroke at laking pasalamat namin na siya'y nakarecover. mga ilang araw din siya sa ICU ng heart center at lumabas sa hospital na walang ala-ala. siya yung babaing nasa lower right ng litrato na nakaupo. at oo, nakakakilala na siya. ang mommy ko ay nasa upper right corner. 79 years old na siya at b-day niya nung 31st ng may. mukha ngang blooming ang mommy ko ngayon. siguro na rin ay dahil wala na siyang masyadong problema sa pang araw-araw na gastos. ganito ko sila gustong maalala... nakangiti at umaapaw sa saya.

Posted by jayd at 03:17 PM | Comments (0)

June 11, 2003

SCENES FROM HOME, PART I

si tj, si az at si jet

ang mga apo namin ni jet... si tj, 3 years old, all around singer dancer, kabisado nang dancing queen. si az, 8 months old, galawgaw, di mapakali. nahulog na sa kama sa sobrang likot, kamukha ko raw nung baby ako.

Posted by jayd at 05:32 PM | Comments (0)

June 08, 2003

NAKAHIGA SA ANTIPOLO

nakahiga sa kama sa isang makulimlim at medyo mahangin na umaga dito sa antipolo. ang sarap ng pakiramdam. mamaya, bababa kami para mag tanghalian sa mga mommy ko. tapos balik ulit dito sa taas mamayang late afternoon. itong hapunan naman, magluluto ako ng aking famous inihaw na pork liempo. tapos, bukas ng gabi, babalik na ako sa singapore.

Posted by jayd at 10:28 AM | Comments (0)

GALING SA "NOLI"

ibarra: "...iniibig kong kagaya ninyo ang aking bayan. di lamang sapagkat tungkulin ng bawa't tao ang umibig sa bayang maglalaan marahil sa kanya sa huling hantungan... kundi sapagkat utang ko sa kanya at magiging utang ko ang aking kaligayahan!"

elias: "at ako po, sa ganang akin, ay sapagkat utang ko sa kanya ang aking kasawian"

Posted by jayd at 08:45 AM | Comments (0)

PERSPECTIVE

looking from the perspective of an engineer who covers the asia-pacific region: nakikita ko kung saan pumupunta ang mga negosyo. sa thailand, sa china, sa malaysia, sa indonesia. konti lang dito. ito yung mind boggling... here we are, one of the most skilled, most intelligent, english speaking people in the region and yet we don't get the majority of the business. fucking hilarious if you ask me. kaya heto akong humihiling na sana may maguudyok na magaling na pinoy para mapabilis ang pag-asenso natin sa pilipinas. either that, or in the words of pilosopo tasyo sa noli, magkaroon ng delubyo para anurin ng ulan ang lahat ng madumi sa ating lipunan.

Posted by jayd at 08:44 AM | Comments (0)

I 2nd THE FUCKING MOTION

natapos ang linggong ito, punong puno ng mga meeting sa cliente at mga presentation. kasama ko si henry, ang aking kaupisinang malaysian-chinese. buti siya ang kasama ko dahil di siya maselan sa pagkain. nung lunes ay pinakain ko siya ng balut. walang ka-kurap-kurap niyang isinubo ang itlog. hehehe... gustong gusto rin niya ang sisig natin. at siyempre, ang tuna belly. sinama ko rin siya rito sa bahay at pinatikim ng bihon guisado. buti yon para malaman niya na walang kalasa-lasa ang pansit sa singapore. bumili rin kami ng marang at kinain namin sa aking hardin.

masarap daw ang buhay ko rito, ang sabi niya... may sariling bahay, may garden, nakatira sa bundok, sariwa ang hangin at maganda ang view. isang malakas na "i second the fucking motion!", ang sagot ko.

Posted by jayd at 08:43 AM | Comments (0)

June 02, 2003

UNANG ARAW SA PILIPINAS SA HULING ARAW NG MAYO

nagpakapagod kang magtrabaho sa ibang bansa. bawat araw na lumilipas ay nagdaraang mabilis, tapos gising ka na lang isang umaga, nasa pilipinas ka na. kahapon ng umaga nasa singapore ako, pagkatapos ng pananghalian, nandito na ako sa bahay sa antipolo. parang milagro. isang iglap lang biglang nagbago ang itsura ng mundo ko.

dito kami natulog sa sala ni jet, kagabi. naglatag lang kami ng kutson at nagbaba ng unan. kinaugalian na namin ito nung dito pa kami sa pilipinas nakatira. sina kuya bong, darlene at lucas ang sumundo sa amin. dito na rin sila natulog at pinagamit namin ni jet ang aming bedroom. katabi namin sa higaan si datu, ang aming alagang mini-pinscher.

dumalaw din nga pala sina jun alferez, si edwin narciso at si mon rivera, ang aking mga classmate since kinder (1971) at long time friends. uminom kami ng isang case at kalahating san mig light, ang aming drink of choice since last year. gumawa rin si anna banana ng "menstruation dish" (dinuguan), pansit at sinigang na baka na siyang dinner/pulutan namin. nagpabili rin ako ng andok's liempo ng tatlong beses dahil na-miss ko ang lasa ng inihaw na baboy ng anim na buwan. umuulan kagabi at sa garahe kami nag-inuman.

nagpunta rin sina lolet at ang kanyang mister na si sir bong at kanilang mga anak. sila ang aming mga kapitbahay rito at siyang umaalalay sa bahay namin habang wala kami. dito na rin sila naghapunan.

masaya ang unang araw namin sa pilipinas. binisita ng mga kaibigan at kamag-anak, narito sa aming sariling tahanan at natulog ng mahimbing sa isang malamig at maulan na gabi.

Posted by jayd at 01:16 AM | Comments (0)

May 28, 2003

KATABI NG GINTONG PALAY

kung ang gintong palay ay kumakaway, katabi mo ako sa bukid bayan ko...

uwi kami sa pilipinas sa sabado. sa wakas, after 6 months, balik ulit sa bahay, sa masarap na pagkain, sa pamilyang masaya at sa barkada. makakapagsalita na naman ng tuloy tuloy na tagalog. maiintindihan ko na naman ang karamihan ng mga sinasabi ng mga kaharap ko. hehehe.

kaya medyo pagod ako ngayon. double time ako sa pag tapos ng mga trabaho na dapat ay gagawin ko next week. para pag alis ko eh di naman mabibitin ang mga maiiwan sa opisina. as usual, working trip ito. one week lang na puro bisita sa mga cliente. ok lang yon dahil, the mere fact na nasa manila ako eh perk enough for me to do my job well. may dalawang week end naman ako para i-enjoy ang mini-vacation.

ano bang na-miss ko? aso kong si datu, ingay sa loob ng mall, tokwat-baboy, kwentong barbero ni mang boy, menudo ng mommy ko, DZRH sa umaga, tessie ureta at ping lacson (dahil gusto ko silang pag-untugin), efficiency at ngiti ng fastfood crew ng jollibee (mga taga rito kasi eh puro bobo - hehehe. secret lang natin ito ha. pangit ang service sa mga kainan dito eh. kadalasan tanga pa. long story, some other day, ikwento ko), asan na ba ako? ah, oo, jo's lechon manok, amoy ng kinalkal na lupa, shakey's special pizza thin crust with side order na chicken with mojos, tumingin sa kaliwa bago tumawid, jollibee breakfast joy na hotdog, sunsets, special cielo kebab sa persia house west avenue and most of all: iced tea at kape habang nagdidilig ng mga halaman sa garden ko pag gising sa umaga.

putangina with a capital "F", sabik na akong umuwi. ilang tulog na lang. ilang tulog na lang...

Posted by jayd at 09:39 PM | Comments (0)

May 09, 2003

RP ADVISORY

Singapore advises citizens against travel to RP...bwakanginangyan, mayayari pa ata ang pag-uwi namin sa june. typical singapore kiasu mentality... dahil gumaganda ng SARS outlook sa singapore, playing safe na husto. pati pilipinas ay dinamay na.

Posted by jayd at 07:26 PM | Comments (0)

May 02, 2003

Happy Labor Day sa inyong lahat PART 2

FROM THE STRAITS TIMES: Filipino nurse - likely the first foreigner here to die from Sars - died 30 minutes before his father reached the hospital.

THE father of the Filipino male nurse who died of Sars on Wednesday arrived in Tan Tock Seng Hospital (TTSH) 30 minutes too late to see his son alive. The nurses at the intensive care unit had told his 25-year-old son that he was on the way. But by the time the father reached the hospital, his son was dead.

FROM THE PDI: Filipino caregiver dies of SARS in Singapore

A MALE caregiver in Singapore became the third overseas Filipino worker (OFW) to die of SARS-related causes. The Department of Foreign Affairs confirmed Thursday that the 24-year-old nurse identified only by the initials JP died in a Singapore hospital on Wednesday night.

Bakit di nakaalis agad ang ama ng namatay sa Pilipinas? Mahigit dalawang milyong dolyar na courage fund para sa SARS releif, di man lang nagawang papuntahin sa Singapore ang ama para makita ang anak niya for one last time. Bwakang inang yan, Bwakang inang yan.

Posted by jayd at 08:50 AM | Comments (0)

June 25, 2002

SHINING DOWN LIKE WATER

malapit lang ang tinitirhan namin sa coast line ng singapore - kaya nga west coast ang address ko eh...hehehe. ito ang side na nakaharap sa malaysia - i.e. Joror Bahru or JB. medyo malayo sa gulo ng sabah, kung saan maraming mga bad boys. sa northern tip ng malaysia at indonesia na nakaharap sa southern tip ng pilipinas ay ang pinaka notorious na sea lane sa asia. maraming pirata at mga bandido, sindikato, smugglers, etc. madaling tumawid dito papunta't pabalik ng malaysia, indonesia, philippines. ito ata ang sinasabing "exit through the back door". ang side ng indonesia ay kalimantan ang tawag, saba naman ang tawag ng mga malaysian sa side nila. tapos may maliit na portion ng isla kung saan naroon ang brunei. parating pinupuntahan ng mga brunei beauties na favorite ni egay! hehehe... ano ang tawag sa side ng sabah na pagaari ng pilipinas? 'wasted opportunity' hehehehe... bukod sa maraming muslim doon ay marami ring langis. kaya lahat ng major player sa oil and gas industry ay nandoon - texaco, bp, shell, etc. punta ako doon sa august. hehehe... feeling mel gibson na naman!

tahimik dito ngayon sa opisina. di ko pa alam kung anong status ko. mukha namang OK dahil kinausap ako ng boss ko tungkol sa trip ko sa indonesia at tungkol sa trabaho. baka ibig sabihin nito, may trabaho pa ako! hehehe... pero baka parang kanta ni john fogerty at ng CCR...

Someone told me long ago
There's a calm before the storm
I know, It's been coming for some time
When it's over so they say
It'll rain on a sunny day
I know, Shining down like water

I wanna know, Have you ever seen the rain?
I wanna know, Have you ever seen the rain?
Coming down on a sunny day


july 6 - tuloy na. nabili na ni jet ang ticket nya at nabook na ng opisina ang ticket ko. kita kits tayo sa birthday ni nes. sana makapunta kayong lahat - ito nang chance nyong makaganti sa mga alaska ko...

Posted by jayd at 01:50 PM | Comments (0)

May 21, 2002

Pinoy Rock in the Philippines

si basha anak ni dante at delilah ang lead singer ng "advent call". if you remember during the pinoy rock days at rj, there was a station id from a very young kid's voice that goes: "pinoy rock has got a lot of potential going for it, and i want to contribute to the music when the time comes. but you can start right NOW!" - si basha iyon. ngayon lead singer na gwaping at maraming chicks. si adam din na anak niya may punk na band din na tumutugtog sa nasirang club dredd nung araw. hehehe... nood nga kami ni
egay ng concert nila sa club dredd for adams set, tapos lipat kami sa mayrics for basha's set. all in one night.

mga batang brave new world din. naalala ko tuloy ang BNW era: original manager ng jerks at chaos si dante at parating nasa bahay namin sa pasay sina chikoy pura at tommy tanchangco. bagets pa sila nung time na iyon... pero mabagsik na. twenty years has passed and the jerks are still playing. they were and still are: one of the best bands to perform before a live audience. in band parlance - they are a very tight band. they came out with their first CD 2 years ago, one of my favorites. and my favorite cut:
"kung di man" - love song na medyo reggea na sweet.

nung inoperahan si dante sa ulo (sira ulo kasi eh) many years ago... they did a benefit concert sa Bistro RJ QC to pay for the medical bills and it was a great night of pinoy rock (one of the best concerts i've attended dahil maliit lang na venue at very intimate). nandoon sina banyuhay, sampaguita, pen-pen, the dawn, anak bayan (with the late great edmund fortuno, my idol), binky lampano, tropical depression, and the jerks... sayang, sana we had the foresight to record the concert. the best number ay
nung nag all star cast sina binky, chikoy at si papa dom - kinanta nila yung "reklamo ng reklamo"... which incidentally is in the Jerks CD as well.

pahabol: i was in davao a few years ago for a project at mt. apo. lumabas kami ng hotel ng kasama ko. sa may plaza, nagulat kami dahil may libreng concert... ang kakanta ay si sampaguita at yung baget na banda na walang kwenta (nakalimutan ko na). anyway, pinanood namin yung set ni sampaguita... as always, magaling na showmanship. ang lead guitarist niya ay ang kanyang anak na si cowboy (who incidentally also plays for the ateneo band of apa ongpin, "the blue rats". mga atenista talaga, oo. hmmp! hehehe). anyway, ok na rin si cowboy, gumagaling na. itong si cowboy nga pala ay anak ni sampaguita from nilo santos (who incidentally was the producer of the series of new moon concerts during the late 70's). the new moon concert was the first time sampaguita was introduced to the public and it was probably the time that cowboy was conceived... hehehe. the 2nd new moon concert was where sampaguita first sang "bonggahan", "tao" and "sa diyos lamang". all composed by sampaguita's ex, gary perez. the lead guitaritst of anak bayan, who played back-up for sampaguita. ayan, katakut takut na pinoy rock tsismis ang natutunan nyo sa akin ngayong umaga! hehehe...

Posted by jayd at 10:25 AM | Comments (0)

May 20, 2002

HOWLIN' DAVE - NU 107 LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Lifetime Achievement Award for my Brother Dante: NU107 Rock Awards, Introduction Speech...


Here’s a guy that began his radio career in the light of the Martial Law years. He was the neighbor of my cousin, Johnny in Pasay, near Park Avenue and Libertad. I always got along with him. He was a natural when he began his career at DzRJ in Santa Mesa.

He had one characteristic that makes a good rock jock. He loved music. He ate up everything going on. I remember him bringing me a record of American Country & Western from Nashville, Tennessee and begging to hear it on the air.

Howlin' Dave spent much of the 1970s getting his chops down, announcing style and gaining a taste for PINOY ROCK which was a very important feature of life in Martial Law. When the show, “Pinoy Rock & Rhythm,” was developed by Charlie Brown and Double A. It was mainly about the live Pinoy Rock scenes that thrived in Olongapo City and Manila. Angeles City was still just putas.

At the same time, PUNK started to be played with, “Never Mind the Bullocks,” being the start for me. I shared it with Howlin’ Dave, who in turn pulled out Sioux and the Banshees! He had turned a corner.

Buddy Trinidad, one of our Judges in the NU Rock Awards 2001, is a member of BETRAYED. He told me that Howlin’ Dave was where he listened on Sundays. His show alternated Pinoy cassettes with the latest PUNK! His influence spread. High School student at the time, Francis Reyes (lead guitar of The Dawn), told me it was Howlin’ Dave. Francis in a strange way, carries on the torch of Pinoy rock with hundreds of CD’s from the entire length of the Philippines. Francis Brew needs an entire staff to undertake and catalog and listen to what is a commitment. It will be nice to take a photo of them together.

Check out Page 9 of the NU Rock Awards 2001 (www.nu107.com) on some of the observations of Eric Caruncho of the Philippine Daily Inquirer. His collection of newspaper stories outlines some of the era. His book, “Punks, Poets and Poseurs,” is available at your favorite Pinoy bookstore on line. By the 1980’s, PUNK was it and Martial Law was beginning to get funky and tiring. Tommy Tanchangco produced a series of Annual concerts near the World Trade area on Manila Bay. It was called, “Brave New World.” It was aired on RJ AM 810. Conceived by Howlin’ Dave from his love of the book, “Brave New World,” by Aldous Huxley.

Between Tommy, Dave and the hundreds of bands that they attracted, the musical Concert moved around the rim of Laguna de Bay to Pililla and U.P. Los Banos. Ask anyone from The Jerks and Myrene who influenced them to the music. Pinoy Rock I guess is a generic expression of the times. It was in fact, the BEST YEARS of his life he told me.

Maybe it was. But it’s only the 25th Anniversary of PUNK in 2001. A loose Birthday. Angst, energy, and the focus away from not really being Free had infused the scene.

The BNW Concerts ended, Buddy Trinidad recalls, with Howlin’ Dave singing the Paul Anka hit of the teeny bopping Sixties, “My Way.” Not that anyone recalls that version. Frank Sinatra made it his song for years. But The SEX PISTOLS stole the entire song in its straight forward middle of the road manner. It was transformed into a Anthem of PUNK ! Howlin’ Dave ended each show over the 1980-1985 run of BNW. He was backed by whoever was there that night. The Jerks did. Teddy Perez and The Dawn of the day did. Buddy and Betrayed did. I wonder who else? Joey Ramone?

Cousin Hoagy Dec 2001

Posted by jayd at 10:41 AM | Comments (1)

T. TINIO

...1974 brought the first breakup of Juan dela Cruz, although some of the
members kept on touring. Eventually, they all had a dispute with Dodie
Gonzales, their manager, and the brother of Wally. However, Dodie owned the
rights to the name Juan dela Cruz. So Mike and company (essentially the
original band) got Bo Razon back and renamed themselves "T.Tinio", which,
although it sounds like it was meant to be an insult to Wally and Dodie (and
no one believed it wasn't), was actually from a Pampanggo manager they had
had, named Teodoro Tinio, insists Mike to this day.

full story

Posted by jayd at 10:28 AM | Comments (0)

April 29, 2002

LEYTE ON MY MIND

i used to go to leyte a lot a few years ago. ormoc in particular because we did the leyte geothermal plant for pnoc. in the early 90's wala pang ferry from cebu to ormoc, kaya via tacloban ang flight ko from manila. we used to go around the city and visit the leyte landing site of mc arthur. nice place.

i loved the trip from ormoc to tacloban dahil maganda ang kalye at maraming nakikita. when they started the cebu ormoc ferries, it was easier to travel to site via cebu. the trip from ormoc to cebu is just 2 hours, faster and safer by water (if you compare it with the 3 hour trip by car from the tacolban airport to ormoc).

byahero din ako - i did a lot of projects in davao, dumaguete, cebu, leyte, bicol, cagayan de oro and a lot of other nameless places blurred by so many trips to unknown sites... minsan sa sobrang dami ng byahe mo, all the places you go start to look the same...

Posted by jayd at 03:55 PM | Comments (0)

March 26, 2002

MR. SISON, MAPUA's LEGENDARY INSTRUCTOR

Humahaba nang listahan ng mga antics ng Beloved Professor Natin sa MIT na si Mr. Sison...para siyang si John Nash, ang bida ng "A Beautiful Mind". Baka may alam pa kayo, dag-dag lang...

1. naglalakad sa corridor na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse
2. paatras maglakad pag pababa sa hagdan dahil baka raw may tululak sa kanya
3. tagilid parati ang parking ng volkswagen beetle nya
4. nagatatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher...pag-tagal siyempre aalis na yung mga studyante, bigla syang lalabas at sisigaw ng: "hahaha nandito ako!"
5. iba ang tinuturo nyang style ng math at kapag subject niya ay pre-requisite ng isang subject, lagot ka.
6. puro sulat ng chalk ang polo barong
7. parating nagsasalitang mag-isa
8. Naninigarillo na nakalabas ang ulo sa bintana dahil no smoking sa loob ng classroom.
9. Nag susulat sa black board pero lumalagpas hangang sa pader.
10.Naging substitute teacher namin siya sa isang subject (physics ata..): at yung unang araw ay inihagis yung bote nang coke na nakalapag sa table sa harap nang klase kasi napakaingay namin nuong pumasok siya. Siempre tahimik lahat.. Tapos iniwan pa yung mga basag na bote pagkatapos nang klase, hindi man lang nilinis. Ginawa ba ni john Nash iyon?
11.nagdi-discuss yung mga babae sa front row biglang sinampal yung isa sabay sigaw " Hindi ako putatero! kung gusto nyong mag-puta dun kayo sa Ermita!".. hagulgol yung babae (matalino pa naman)... ang sama
12.yung grading system nya: kung ilan ang ekis mo, yun ang tama mo.
6 ekis = overpass
5 ekis = pass
4 ekis = underpass
3 ekis = salonpass(sabay tawa na ala Romy Diaz)
13.siya daw si Mel Mathay, head ng MMDA. yung pinakamatalino sa klase, head ng metro aide.
14.sa kanya namin binibigay yung test papers namin na sagot lang ang dapat nakalagay - pag me solution, male. kasi unique yung test ng bawat isa, me row #, seat # & even/odd # na variables. sa umaga yung test, sa gabi mo pa ipapasa - sa hirap...
15. nag-init ng panis na ulam sa Social Science Faculty, takbuhan palabas yung mga profs, hehe

Posted by jayd at 02:50 PM | Comments (11)

December 24, 2001

MERRY CHRISTMAS?

this is my first christmas out of the country. my first christmas in singapore.

there's not that much christmas cheer really. tumatanda na ako, di ko na na-enjoy ang pasko. parang parehong araw lang ito, katulad ng mga nag-daan ng mga araw - kisap-matang nawala. wow, ang gandang salita "kisap-mata": "blink of an eye"... para bagang isang pa-profound effect to impress gentle reader. hehehe... amazing!

"it's amazing whoop, with the blink of an eye, suddenly it's alright". sabi nga ni aerosmith. ang bilis talaga ng panahon. sana next year na, para pwede nang umuwi at mag-baskasyon.

merry christmas na lang, whatever it still means.

Posted by jayd at 09:46 AM | Comments (0)

November 26, 2001

BEDTIME STORIES

"bedtime" ang paboritong erotica ng bawat binatang nagkamulat ng dekada 70 and 80. itanong mo sa mga taga inquirer na 35 to 45 years old kung ano ang "bedtime", matatawa sila.

"boy, bili ka na bedtime!" ibubulong sa iyo. medyo patay mali ka, siyempre - "huh, magkano?"

"20 pesos, mura lang. oops huwag mo nang tingnan at baka ma-raid pa tayo"

"o sige, pero kinse lang ang dala ko eh!" sasbihin mo naman sa mama.

"sige na nga..eto o" sabay abot sa iyo ng isang supot na papel.

bedtime: stenciled "porno" stories sold by mysterious men in shades outside the lobby of the cinerama theater. ang trick ay lalakad lakad ka sa labas ng sinehan hanggang may umakbay sa iyo na mama na may dalang bag. the memographed story is a collection of tales very similar to the ones you read in Abante and Bulgar. Siyempre, dadalhin mo ito sa school para pag-pasapasahan ng mga classmates mo. pag balik sa iyo after a month or so, either punit punit or dikit dikit. hehehe...

Posted by jayd at 11:50 AM | Comments (0)

October 18, 2001

OFW

i am an OFW, an overseas filipino worker. now, i am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand carry luggage at nag papalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka landing!

Posted by jayd at 04:32 PM | Comments (0)

October 16, 2001

THE BEST DRIVING EAST OF ANTIPOLO

speaking of driving - one of the best driving experience in the philippines is a trip to Lucban Quezon from Antipolo via the Rizal-Laguna-Quezon back roads. bring a friend. start from antipolo, have breakfast at padi's point first, then go down via zigzap road to teresa, tanay and jala-jala.

go up the mountains of rizal via zigzag road to laguna straight to pangil and pakil (stop along the way at your leisure to view the laguna de bay from the other side). take a pee stop in paete and get to look at the wood carvings and paper mache sculptures, or maybe even have a python adobo lunch at "exotik" (they also serve baboy damo, deer, etc.). drive straight ahead to pagsanjan and shoot the rapids or visit erap's mayor nephew (former actor now mayor george estregan jr).

after pagsanjan, go up the mountains bordering laguna and quezon, to cavinte and luisiana. stop along the way to enjoy the cool mountain air, buy abaniko, banig or bayong from the hawkers-hunter-gatherers, or, sample the santol, lanzones, durian, saging (whatever is in season). down the mountains, you will enter straight into the heart of lucban. from lucban, you can either schedule a trek up mt. banahaw or just enjoy the pahiyas festival. just the same, make sure that you buy lukban's treasured longganisa ang pansit. from lucban - you can go straight to bicol and see the whale sharks at sorsogon or just watch the sunrise from the foot of mt. mayon.

few people from manila know of this more scenic route to southern luzon (i hope it stays that way). there's practically little traffic, excellent roads and an infinite number of things to see, taste and smell.

Posted by jayd at 09:15 AM | Comments (0)

October 09, 2001

BACK FROM HOME

i'm back in singapore after a week in the philippines.
my wife is with me and i feel complete.
it was great to be back home - except for the politics,
everything was just right.
my mom is healthy
my dog is still the same "salbahe" companion
my house is ok and my garden is full of flowers.
now if a big bomb just dropped down the senate,
that would erase half of the problems in the philippines.

Posted by jayd at 04:36 PM | Comments (0)

September 21, 2001

THE HOME I LEFT BEHIND

...and then i see a picture of the house and family i left behind and suddenly it all come back in a flood of memories. home - traffic jams and dusty roads, chaos in the streets, people who don't care, corruption and greed, potholes and heat. philippines my philippines, we love it to death!

Posted by jayd at 08:21 AM | Comments (0)

September 11, 2001

SINGAPORE BLUES

nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana... sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana...

Posted by jayd at 04:18 PM | Comments (0)




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".