[::..KT, THE BOOK..::]

the kwentong tambay book - - CLICK HERE TO GET MORE INFORMATION ON WHERE TO GET A COPY

hoy, psst...Subscribe to Kwentong Tambay

bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..advice column..::]
Dear Unkyel BatJay

[::..Breaking News..::]
Mahalagang Balita

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..BUHAY AMERIKA..::]
komiks

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..Monitoring..::]
Medical Chronicles

[::..ispokening inglis..::]
BatJay's World

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
Prata Princess
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Belle
Mec
Tanya
Tito Rolly
Aya
Yvette
Mari
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Bloggo Chicago
BoyetB
Bulong na Pasigaw
CBSMagic
Daragang Magayon
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Dreams
EXPECTORANTS
Eye Focus
iDiOtBoArD
Jologs Queen
Kusina ni Manang
Life's Rich Tapestry
Manila My Manila
nonstandardized.com
Random Rambling
Rebel Pixel
Retzwerx
soft grumbles
Tatang's Karinderia
Technobiography
Thinking Out Loud
Third Charm
Videoke Queen
Yosi Break

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
KSPramer

[::..BLOGKADAHAN.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Banyuhay
Gumawa ng Sandman
Haring Liwanag
Jessica Zafra
Joey Ayala

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
99 ROCK
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto
SingaBloodyPore
Nostalgia Manila





[::..ang nakaraan..::]
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001









PinoyTopBlogs.com

Powered by Movable Type 3.2

Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.




Powered by
Movable Type 3.2




March 01, 2007

SHE'LL BE THERE AND EVERYWHERE

para sa kapatid kong si gigi - isang awit.

with so much love,
jay

February 24, 2007

And tearful at the falling of a star

pag naririnig ko ngayon ang "circle game", naalala ko ang daddy ko. matagal na siyang namatay pero naiisip ko pa rin siya parati. alam ko, iba ang pinapakahulugan ni joni mitchel nung ginawa niya ito pero everytime na naririnig ko ang kanta, parang gusto kong i-urong ang oras para maibalik yung panahon na magkasama pa kami. i could have done more for my dad now that i have a steady job but i can't because he's gone forever.


pakinggan ang batjay's twisted pinoy version ng "circle game" na handog pa rin sa inyo ng "Tito Remy's Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal" - subukan ang bagong pakbet flavor na gawa sa kupal ng supot na ilokano.

this is an audio post - click to play

December 29, 2006

Beyond the horizon it is easy to love

dear mommy,

kamusta ang pasko ninyo sa pilipinas? sayang, hindi kami nakatagal diyan. kung di lang dahil sa duty si jet nung pasko at sa bagong taon, sana nariyan pa kami. kung diyan kami nagpasko, mag re-request sana ako sa iyo na magluto ng paborito kong morcon. naalala ko nung araw, parating mayroong morcon kahit panay ang reklamo mo na napakabusisi nitong gawin. naiisip ko nga na kasama sa sarap ng pagkain ang reklamo sa hirap nitong gawin. bakit mo ba ito ginagawa taon-taon na lang kung mahirap itong gawin? ang naiisip ko lang na sagot ay dahil mahal mo kami.

Continue reading "Beyond the horizon it is easy to love" »

December 14, 2006

ANG FACIAL NI MOMMY DAVID

nung isang araw dinala namin ni jet ang mommy niya at mommy ko sa megamall para magpaayos sa parlor ni ricky reyes. ang kulit nga ng mommy ko, ayaw pumasok sa parlor at hindi na raw niya kailangan magpaganda dahil 83 years old na raw siya. sabi ko naman eh sige na mommy at baka sakaling may makakita sa iyo na mayamang biyudo at mabighani sa beauty mo, who knows.

Continue reading "ANG FACIAL NI MOMMY DAVID" »

November 21, 2006

MAJULAH SINGAPURA!

hello mylabopmayn.

umuulan ngayon dito sa singapore. "press gad", ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun - umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.

dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin - ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.

Continue reading "MAJULAH SINGAPURA!" »

October 03, 2006

I wonder as I wander out under the sky

isa sa mga benefit ng walang anak ang mobility. para sa amin ni jet, madaling makalipat from one place to another. kaya nga etong nakaraang 6 years, parati na lang kaming lipat ng lipat: from novaliches to antipolo, singapore to california. bawat lipat ay palaki ng palaki ang hakbang namin, palayo ng palayo sa pinanggalingan. siyempre, pangarap din naman namin na magkaroon ng final dwelling place one day. iba kasi ang may sariling tahanan - takbuhan mo ito pag gusto mong magpahinga. pag wala kang permanenteng address, vagabond pinoy ka na lang habang buhay, cursed to roam the earth for all eternity. uy, madramang salita yon.

Continue reading "I wonder as I wander out under the sky" »

August 08, 2006

Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon - parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.

Continue reading "Set the controls for the heart of the sun" »

July 31, 2006

ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka ('dapor' ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

Continue reading "ALIVE" »

July 07, 2006

IBALIK

nagkita kami nung lunes ng gabi ni ibalik at dinala namin siya ni jet sa isang japanese restaurant sa huntington beach. si ibalik ay isa sa mga senior citizen ng pinoy blogging community. nung nagsimula akong mag blog nung 2001, well established na ang kanyang dekarabaw blogging community at parati ko itong dinadalaw para kumuha ng inspirasyon. based na ngayon sa las vagas si ibalik, pagkatapos niyang lumipat galing ng minnesota via daly city sa bay area. gala talaga ang kaibigan natin. at oo nga pala, pitong taon na raw siyang hindi nagpapagupit ng buhok. siya lang ata ang nakita kong pinoy na may dreadlocks, bagay na nagpa-endear kaagad sa akin.

Continue reading "IBALIK" »

May 29, 2006

SALT CREEK

JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION
JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION
JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION

Continue reading "SALT CREEK" »

May 25, 2006

OCCAM'S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala - the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una - ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa - pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading "OCCAM'S RAZOR" »

May 16, 2006

While we're on our way to there, why not share

ROCK 990 i know this is a shameless plug but what the heck, they need all the support they can get. if you love classic rock, tune in to ROCK 990 on the AM band. they have a live online feed kaya pwedeng makinig even if you're out of the country. this is your chance to listen to intelligent rock music played on the air. pag sabado ng hapon, you can catch howlin' dave do his pinoy rock show. it's like going back to the good old rock of manila days. my brother does his show from 1-4 PM every monday to saturday. and he does do a great job. a lot better than most of the jocks we have in manila. you can call him up to make requests. the telephone number to dial is 8171316.

Continue reading "While we're on our way to there, why not share" »

May 14, 2006

PIGGY BANK BLUES

nakakatawang isipin kung paano nakaka apekto ang mga events na nangyari sa iyong nakaraan with your present predicaments. life is like a pebble thrown in a pond. you can feel the ripple effects of the little things you've done grow bigger the further you move forward in time. nung bata ako, mayroong alkansyang kawayan ang mommy ko. dito niya nilalagay ang mga baryang naipon niya galing sa sukli na kanyang nakukuha sa pamamalengke. minsan, pag wala akong pambili ng double bubble gum ay sinusungkit ko ang alkansya. akala ko ay dahil pakonti-konti lang ang kuha ko ay hindi niya ito mapapansin. kaya lang ang hindi ko alam, yung kuya ko rin pala ay sinusungkit ito pag wala siyang pambili ng sigarillo. mas mabilis tuloy naubos ang pera sa alkansya.

Continue reading "PIGGY BANK BLUES" »

April 25, 2006

PINOY ROCK & RHYTHM is BACK

HOWLIN

Continue reading "PINOY ROCK & RHYTHM is BACK" »

January 24, 2006

They give us those nice bright colors, They give us the greens of summers

JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY
JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY
JAY JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY JAY AND JET IN SARASOTA WITH ESTER AND RANDY

January 15, 2006

Moon appears to shine and light the sky, with the help of some fireflies

hello mylab,

happy birthday. hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, heto ang isang regalo para sa iyo:: awit galing sa puso. sana magustuhan mo itong cover ng isang classic ni frampton. naghahanap ako ng angkop na kanta na magsasabi kung gaano kita kamahal - naisip ko nga para talagang senti, bakit hindi na lang isang 70's song na mayroong lyrics na bagay nga sa gusto kong sabihin sa iyo: "baby, i love your way. i wanna be with you night and day". sige na magkabaduyan na tayo sa special na araw na ito, ok lang sa akin. paraan ko lang naman para masabi na - maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. maraming salamat sa mga tawa at ngiti. maraming salamat for being by my side kahit nakakalbo na ako't malaki ang tiyan. happy birthday mylab.

lab U.

jay

PS oo nga pala, gumawa ako ng "haikung hindi" para sa iyo. sana magustuhan mo rin. heto...

ako'y iyong minahal,
kahit minsan ako'y kupal.
you are a wonderful.

December 25, 2005

And ev'ry stranger's face I see reminds me that I long to be

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin - kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh - hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it's heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

October 30, 2005

I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan - di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo - bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag "trick or treat" sa apartment namin bukas.

Continue reading "I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween" »

August 12, 2005

First you forget names, then you forget faces, then you forget to pull your zipper up, and then you forget to pull your zipper down

dear mommy,

gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang kahiya hiyang nangyari sa akin ngayon. pumasok po ako sa opisina kanina na bukas ang zipper. nalaman ko lang na bukas ito nang umihi ako ng mid day break. ibig sabihin pala, simula pag alis ko ng bahay hanggang sa dating sa opis eh bukas ito. buti na lang casual friday ngayon kaya naka tuck out ako ng polo - medyo hindi halata. kaya pala pag labas ko ng bahay kanina eh parang nakaramdam ako ng ginaw. kung may makakita sana sa akin at pinuna ang bukas kong zipper, ang isasagot ko para hindi ako mapahiya eh - "das wat we do wen it's hot in singapore, my pren".

nung isang gabi, nakita ko si jet na naglagay ng mga maruming plato sa oven namin. tapos naglagay siya ng sabon at nag power on. nagtaka nga ako kung anong klaseng pagluluto ang gagawin niya. nalaman ko lang pagkatapos na dishwasher pala ito. kaya pala nagbubula. iniisip ko nga, wala namang oven na ginagamitan ng sabon. ang galing pala dito sa amerika. puro mga hi tech ang mga gamit sa bahay. yung ref nga namin, may pagawaan ng yelo sa freezer. namamanhid na nga ang ngala-ngala ko dahil sa sobrang lamig. sa sobrang excitement ko kasi eh ginagawa kong candy yung mga ice cubes.

yon na lang muna ang kwento ko sa inyo. sana ay ok kayong lahat diyan sa pilipinas. parati naming kayong naiisip. sana makarating na kayo rito para bumisita. ingat na lang sa inyo.

ang nagmamahal ninyong bunso,
jay

June 29, 2005

Courtship consists in a number of quiet attentions, not so pointed as to alarm, nor so vague as not to be understood

PAMANGKIN: "tito batjay, bofriend ko po"

BOYFRIEND: "good afternoon po sir"

BATJAY: "anong ginagawa mo rito?"

BOYFRIEND: "dumadalaw lang po"

BATJAY: "tuli ka na ba?"

BOYFRIEND: "ano po yon?"

BATJAY: "ang sabi ko, tuli ka na ba?"

PAMANGKIN: "tito naman eh, huwag mong takutin"

June 04, 2005

THE SHORT WEEKEND BEGINS WITH LONGING

4 EYES hi daddy. happy birthday. kung buhay ka pa, sana 83 ka na ngayon. kamusta ka na? marami ka pa rin bang chicks na nilalandi? dinadaan mo pa rin ba sa ganda ng boses para malaglag ang mga panty ng mga anghel diyan? hehehe. sana. otherwise magiging boring ang buhay mo pag wala man lang kahit kaunting kerengkeng. tinitingnan ko ang mga album kanina at nakita ko ang picture na ito. naalala ko pa nung kailan ito kinuha. siguro mga eight years old pa lang ako. nasa bahay tayo ni tito bert sa santa mesa at biglang lumapit ang kapatid niyang si quintin na may dalang camera. hinila mo akong bigla and the picture was taken. it's funny how much detail from childhood you can remember. and i do remeber all the little acts of kindness that you've shown and all the things we did together. lahat yon nakalista. it's the only way i keep your memory alive. alam mo, paminsan minsan napapanaginipan pa rin kita. sa panaginip ko, nag uusap lang tayo tungkol sa buhay buhay habang nag iihaw sa garden ng bahay namin ni jet sa antipolo. na mi miss din kasi kita kahit papaano. sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong maniwala na mayroong afterlife. sana nga mayroon para magkita tayo someday. if that day comes, gigimmick tayo kahit saan mo gusto. sagot kita. o siya, happy birthday na lang ulit.

May 31, 2005

If evolution really works, how come mothers only have two hands?

Grow old along with me, The best is yet to be dear mommy,

happy 81st birthday. sorry kung hindi ka namin makakasama ngayon. kung pwede lang sanang mag jeep papunta diyan sa novaliches from singapore, eh di mamaya sanang pagkatapos ng trabaho, diretso kami ni jet diyan sa bahay ninyo. kaya lang, mayrong south china sea na naghihiwalay sa atin. sayang. di bale, uuwi naman kami ngayong june at pag dating namin, punta na lang tayo sa tagaytay para makapag enjoy naman kayo kahit papaano. o baka gusto mo namang magpa liposuction sa clinic ni vicky bello? sagot kita! you deserve to have a break. kayo kasi, masyadong mapagmahal sa mga anak ninyo at apo. ayan tingnan ninyo tuloy, hanggang ngayon nag-aalaga ka pa rin sa kanila. dapat nagpupunta ka na lang araw araw sa parlor ni bien sa talipapa para magpakulot o kaya magpamanicure o facial. pero hindi, ikaw pa rin nagluluto ng pagkain nila. ikaw pa rin ang peacemaker. ikaw pa rin ang umaalalay. kung sabagay, alam ko naman na isa ito sa mga nagpapalakas sa iyo. pinaka exercise mo na siguro ang pagsilbi sa mga mahal mo sa buhay. i know everybody loves you for all the big and little things that you do. eh sa akin lang, ang laking bagay ang ginawa mong pag alaga sa akin. especially nung umalis na ang daddy sa bahay. ikaw umasikaso sa pagpapa aral sa akin. ni hindi ko alam kung kanino ka nanghingi ng pera para lang matapos ako. looking back, it must have been hard for you during those days. i know i was having fun and living a normal life when you were probably so busy thinking about how we'd move from one day to the next. ngayon ko lang ito na appreciate ng husto. alam ko hindi ko ito magagantihan but i just try my best by being a good son.

so how does it feel to be 81? alam ko gusto mo pang mabuhay ng matagal. sana nga you live as long as you want to na punong puno ng katatawanan at kaligayahan. actually, hindi ka naman mukhang 81. sabi nga ng mga kaibigan ko, parang 55 ka lang. hehehe... naalala ko tuloy, inis na inis ka pag tinatawag kang lola o kaya inang. kaya yan tuloy - mommy ang tawag sa iyo ng lahat ng tao. happy birthday ulit mommy. maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin.

with so much love, ang iyong bunsoy na kwarenta anyos na ngayon taon.
jay

May 25, 2005

Only the beginning of what I want to feel forever

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet - seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers... bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang "ode to joy" ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet - chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga - ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don't know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Continue reading "Only the beginning of what I want to feel forever" »

January 17, 2005

Cheerful cheerful flashing a big smile. That's a perfect sign that they're feeling fine

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o' clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa - kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa't pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Continue reading "Cheerful cheerful flashing a big smile. That's a perfect sign that they're feeling fine" »

January 02, 2005

DAYS, ALL ONE KIND, GO CHASING EACH OTHER

BATJAY And TJ: parang nakakaloko ang ngiti ko rito. marahil naalala ko pa yung lalaking nakalulon ng pito nung bagong taon. nag family christmas party kami ngayong gabi. celebration na rin ito dahil ok ang heart operation ng kapatid ko. nakalabas na siya sa hospital nung 31st at nag spend ng new year sa bahay. siyempre di pwedeng walang kantahan sa party ng mga david kaya nagbida ulit ang apo kong si TJ... "christmas in our hearts" ulit for the 100th time. meanwhile, may kaunting downtime pa rin sa site ko. naglipat ako ng server. simula kahapon ay busy si yuga sa pag transfer ng mga files ko sa PLOGHOST, kaya huwag kayong magtaka kung medyo bungi pa ang nakikita ninyo rito kasi mahigit 500 MB ang ililipat.

Continue reading "DAYS, ALL ONE KIND, GO CHASING EACH OTHER" »

December 29, 2004

THE HEART OF THE MATTER

masaya ako ngayon kasi naoperahan na sa puso ang kapatid ko kaninang umaga at maganda na ang kalagayan niya. nagsasalita na nga at gusto nang kumain ng litson at saka sitsarong bulaklak. "over your dead body", and sabi ko. hehehe. matagal ko na itong dinadalang mabigat kasi bago kami umuwi sa pilipinas ay na stroke siya and was in a coma for 3 days. ganoon kasama ang kalagayan niya - very very near death.

Continue reading "THE HEART OF THE MATTER" »

October 05, 2004

LET YOUR EYES SPARKLE AND SHINE, NEVER A TEAR, BABY OF MINE

si tj, nagpapakyut sa punta fuego matagal ko na siyang di naikwento pero eto na si tj ngayon. she just turned 4 years old at super cute pa rin. tj is my apo. anak siya ni donna na anak ni gigi na anak ni angela na mommy ko. di makapaghintay makapag-aral kung kaya't pinasok na namin siya sa isang nursery school malapit sa bahay namin sa novaliches. ang balita ko eh na accelerate siya dahil sa kanyang super katalinuhan na namana niya sa kanyang favorite kyut na tito batjay (ahem, dasme). daig pa niya si sofia coppola sa kanyang rendition ng pambansang awit. panoorin ninyo ang video ng pagkanta ni tj ng "bayang magiliw" - CLICK HERE. medyo mabagal kung walang high speed connection kaya mangulangot ka na lang habang naghihintay.

October 04, 2004

IT WAS MANY AND MANY A YEAR AGO, IN A KINGDOM BY THE SEA, THAT A MAIDEN THERE LIVED WHOM YOU MAY KNOW

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i'm sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

August 17, 2004

SOME THINGS ARE NOT SPOKEN OF, SOME THINGS HAVE NO NAME

happy birthday dennis! birthday ng pamangkin ko ngayon na si dennis. eto siya kasama si tj. si dennis ay panganay na anak ng panganay kong kapatid na si gigi. hekshuli, mas matanda si dennis sa akin ng 4 months. bunso kasi ako at malaki ang agwat ng edad namin ni gigi - almost 18 years. tapos maagang naglandi nag-asawa si gigi at matagal bago ako na assemble. nakakatawa nga: ang kwento eh, hiyang hiya raw ang kapatid kong si gigi nung time na yon dahil sabay sila ng mommy ko na lumobo ang tiyan (parang "father of the bride, part 2"). minsan iniisip ko kung bakit pa ako pinanganak, given my parent's age during the time of my birth. ang aking haka haka ay baka nainggit ang daddy at mommy ko sa kanilang panganay na anak at nag decide sila to go for a sixth child. ayun, nabuntis din ang mommy ko at pinanganak nga ako. kung tutuo ang storya na ito eh...

Continue reading "SOME THINGS ARE NOT SPOKEN OF, SOME THINGS HAVE NO NAME" »

August 14, 2004

AND THE PAINTED PONIES GO UP AND DOWN

yesterday's title is today's song. nag record ako ng kanta kagabi. kung di ninyo alam, yung title ng previous entry ay galing sa kantang "circle game" ni joni mitchell. it's a personal favorite for a lot of reasons. pakinggan nyo na lang:

The Circle Game, the "winalanghiya ni batjay" version. narito yung lines of the title of my previous blog entry - "words like, when you’re older, must appease him, and promises of someday make his dreams". ay naku, such great lyrics at ang sarap kantahin

The Circle Game, Take 1. this is my first take of the joni mitchell song. ok na sana kaya lang nag text si mari kay jet in the middle of the song kaya napasigaw ako in the end. hehe. pakinggan nyo - pati yung ring tone ng text ay kuhang kuha. bwahaha.

Continue reading "AND THE PAINTED PONIES GO UP AND DOWN" »

August 05, 2004

A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm... kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad - wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance - sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: "PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!"

Continue reading "A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND" »

July 17, 2004

HALF A PAGE OF SCRIBBLED LINES

CLICK TO ENLARGE: Happy Birthday HOWLIN' DAVE! birthday ng kuya ko kahapon. happy birthday dante. how does it feel to be 50? si dante ang kuyang sinundan ko. 12 years ang agwat namin at buong buhay ko, siya ang taong aking tiningala. what a gifted man. gwapong chickboy, artist, painter, singer. siya ang main influence ko sa musika. my brother also has this great speaking voice. one that i've envied and tried to imitate but could not. ang sabi nga ng mommy ko, boses kiki raw ako, compared to my brothers and my dad. that's how good he is. happy birthday dante. all the best to you, as always.

Continue reading "HALF A PAGE OF SCRIBBLED LINES" »

June 20, 2004

UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

Continue reading "UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE" »

June 16, 2004

WISH I DIDN'T KNOW NOW WHAT I DIDN'T KNOW THEN

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures... punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: "at night we ride through mansions of glory in suicide machines... 'cause tramps like us, baby we were born to run."

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano - either yung "american gods" ni neil gaiman or yung "a soldier's story" na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

June 14, 2004

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa "crying ladies" nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe... oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa "kung magarap ka't magising", ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang "darna and the giants". teka muna, asan na ba ako? nawala na... ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading "ESSENCE OF FISH" »

May 25, 2004

WHATEVER FATE DECREES

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang "grow old with me". simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na "rabbi ben ezra". bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Continue reading "WHATEVER FATE DECREES" »

May 16, 2004

WONDERFUL BABY PERSKASIN

Don Lorenzo de Modesto and The Prada Mama are proud to announce the arrival of their first baby daughter, REANNA LOREN SERENO last Thursday, May 13, 2004 at 9:15 in the evening. She weighed in at 7 pounds 9 ounces and was 18 inches in length.

congratulations to my perskasins. sa wakas naka babae na rin. hehe.

May 10, 2004

OF MOTHER'S DAY, PRIZE FIGHTERS AND THE ELECTIONS

tinawagan ko kahapon ang mommy ko para batiin siya ng "happy mother's day", kahit against ako sa paghold ng mother's day, father's day, valentine's day at lahat ng mga occasion na may "day" sa huli. mga commercial gimmick lang kasi ito to sell more cards, flowers at short time motel room rental. naniniwala kasi ang mommy ko sa mother's day, kaya kailangan tawagan ko siya. hehe.

Continue reading "OF MOTHER'S DAY, PRIZE FIGHTERS AND THE ELECTIONS" »

May 06, 2004

MGA KICKING PINAY AT PAGKALUHA DAHIL SA MANOK

si jet at mari sa singapore. maraming salamat mari sa pagmeet sa amin. bilib kami ni jet sa iyo. habang nanonood ng "american idol" ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako... siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.

Continue reading "MGA KICKING PINAY AT PAGKALUHA DAHIL SA MANOK" »

April 13, 2004

DALAGA NA SILA, LOLO NA AKO

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head.... "ay sheeet tito batjay, it's so masarap" ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42... yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN - click here

April 12, 2004

MOMMY AND HER PRODIGAL DAUGHTER

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn't seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM's SINGAPORE VACATION - click here

April 09, 2004

WALANG BUNTIS SA SINGAPORE

biyernes santo ngayon... ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: "i thirst". hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.

my mom in singapore. yesterday, we went to the singapore zoo and the night safari. my mom had a great time.

here's a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.

mommy ni batjay: "bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter."
batjay: "hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh."

very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact - kaunti lang ang mga babaing buntis.

mommy ni batjay: "apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis."
batjay: "gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako."

FAMILY in singapore... we went to Suntec City today to shop. from left to right: my sister Emy, Mommy, Kim, Paula, Rene and Sara.

marami kami ngayon dito sa singapore... sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.

April 06, 2004

I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i'll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn't talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS...for the first time this year, i've got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says "HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY". dang.

STILL OTHER NEWS...happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!

Continue reading "I READ THE NEWS TODAY, OH BOY" »

March 19, 2004

WEEKEND PARENTING

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don't ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga - you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa't anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

February 23, 2004

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: "i'm going to las pinas". gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong "yellow taxi" experience niya, bibigyan ka nya ng "blow by blow" account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: "mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again."

February 02, 2004

I AM COLOR BLIND

si Jet, Baby at Perskasin Imo, nagpapakyut sa San Francisco
color blind ako. well, partially color blind if you read what my medical certificate says. mayrong mga shades ng red at green ang di ko ma-distinguish, lalo na sa mga LED (light-emitting diode) na ginagamit sa mga cellphone at digital camera chargers. sa mata ko - amber silang pareho. pag nag cha-charge nga ako, tinatanong ko na lang kay jet kung nag green na yung red. o kaya inoorasan ko na lang. weird nga eh - yung mga ibang red (dugo, kaha ng marlboro, valentine paraphernalia, singkamas) at green (trees, grass, stop lights, yung langit) nakikita ko naman ng walang problema.

a "green trees and green grass" scene, taken somewhere in san francisco with jet, baby at perskasin simon. mahigit 18 years na atang kasal etong sina baby at imo. nagkakilala sila sa san diego nang US Navy (ng Japan) pa si perskasin ko. tulad namin ni jet, nakaka-aliw rin ang kanilang love story. masarap magluto si ate baby. pamatay ang kanyang barbeque at pansit malabon. hanggang ngayon nga, na-i-imagine ko pa rin ang lasa.

February 01, 2004

JET'S NEW HOME

si BATJAY, lance, Don Lorenzo, Troy at Prada Mama, nagpapakyut sa Modesto
bago na nga pala ang tirahan ng website ni jet. natutulog na ang mylab ko sa pansitan ng ninang kong si ate sienna. kasama niya doon si prada mama, asawa ng showbiz perskasin kong si don lorenzo. kasama rin nila roon (name dropping) si jim paredes ng apo hiking society. ang tsismis eh pupunta rin sa pansitan si keanu reeves. abangan na lang natin kung matutuloy.

kuha nga pala ito sa tahanan nina don lorenzo at prada mama last week. may xmas tree pa kasi, ayaw ipababa ng mga bata. sabi nila eh sa pasko na raw ng pagkabuhay nila tatanggalin. ok lang, at least inabot pa namin ang christmas cheer. natulog kami sa kanilang modesto home ng isang gabi. next day, nagluto si prada mama ng pot roast at may extra dessert pa na flan. ang sarap.

ninong daw ako sa upcoming baby girl nila sa darating na june. ayos. kumpare ko na, pinsan ko pa sina don lorenzo at prada mama.

January 29, 2004

SULAT SA PERSKASIN

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

January 20, 2004

NAHIYA ANG BATA SA KALATERANG NANAY AT TITA

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng "TARZAN I LOVE YOU!"... biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: "mom, stop it. you embarrass me". hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba't ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na't nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

January 16, 2004

HE'S BACK...

my brother dante, aka Howlin' Dave
my brother dante, aka Howlin' Dave. legendary pinoy rock and rhythm rockjock. the nu107 lifetime achievement awardee in 2001. nagpasimuno ng punkrock at nu wave sa pilipinas. MC ng maraming mga pinoy rock concerts sa kung saan-saan. in my book, probably the best disk jocky who ever lived. he's right there at the top of my list with my dad Uncle Nick.

kung nalalakihan kayo sa boses ko, bubwit lang ako compared sa daddy ko at dalawa kong kuya. sabi nga ng mommy ko pag may pumupuri sa boses ko: "naku, yang si jay-jay, boses kiki nga yan eh. pag narinig nyong boses ng daddy at 2 kaparid niya: pag nagsalita sila, parang galing sa ilalim ng lupa". hehe.

well, HE'S BAAAAAACK! hear him again sunday mornings at RJ 100.3 FM (and probably see him too at RJTV29). tune in...

January 15, 2004

HAPPY BIRTHDAY MYLAB

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don't mind.
ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET
mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we've managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we're doing ok. we have each other. we've always had each other through all the struggling years. we'll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, "forever alter our aspect to the sun".

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab - lab U!

January 03, 2004

TOKWA'T BABOY ONE LAST TIME...

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na "weathering the storm" lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i've moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang.... fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

nagkita kami sa aming paboritong "pepetons" sa QC kagabi. mura at masarap na pulutan, malamig na san-mig light at maraming kwento. ito ang mami-miss ko ng lubusan pag alis namin. all the good times with family and friends will, i hope, sustain me when we leave on monday. when we leave... ha! sana marami akong pera para di ko na kailangang umalis. the thought of parting is always difficult especially after a night of excellent tokwa't baboy ang ice cold beer.

December 20, 2003

BALIK-TANAW: THE DAY I DISCOVERED THE TRUTH ABOUT SANTA

muli na naman tayong magbalik-tanaw sa mga childhood ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito'y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang “sAnTa cLaUs bLuEs”.

christmas morning, 1972:

batjay: "mommy, tutuo ba si santa claus?"
mommy ni batjay: "siyempre naman anak!"
batjay: "mommy, di ba taga north pole si santa claus?"
mommy ni batjay: "siyempre naman anak!"
batjay: "eh bakit puro 'MADE IN THE PHILIPPINES' itong mga laruan at candy ko sa socks?"
mommy ni batjay: (a VERY long pause) "...ah, eh, gusto mo ng bibinka, anak?"

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng "RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit".

December 11, 2003

TOP 10 NA DAHILAN KUNG BAKIT UUWI KAMI NG PILIPINAS SA SABADO

10. miss ko nang magmura pag naiinis ako. di ko masabi ritong "tangingang buhay 'to, OO", pag may problema ako.

9. pag may nagtanong sa akin kung saan ako pupunta, gusto ko nang sabihin yung immortal na "diyan lang, sa tabi-tabi" dahil di pwede dito ang "over there, side-side"

8. gusto ko nang makarinig ng: "good morning sir, ma'am. merry christmas and a happy new year. welcome to jollibee. can i take your order please?" instead of "whatcha WAAANT?"

7. gusto ko nang mag salita na parang seksing kolehiyala pag nagpapa kyut ako. por eksampol: "hoy, you make pa cry cry naman da car!", "you make tusok-tusok da fishball"

6. nagsasawa na rin akong marinig ang mga sumusunod: "i don't friend you"(di na kita bate), "don't play play" (tama na yang laro, magtrabaho ka na), "oh it's so hot-hot lah, walk very long-long" (ang init! ang haba kasi ng nilakad ko), "kana-sai, i cannot tahan" (ayoko na! hindi ko na kaya)

5. nami miss ko nang magtanong sa mga kapitbahay ko ng "anong ulam nyo? pwedeng makikain?"

4. miss ko nang marinig yung "SAMAY BAHAY" ng paulit-ulit na may kasamang kalansing na tansan... "SAMAY BAHAY ANG AMING BATI! MERIKRISMAS NA MALWALHATI!"

3. gusto ko nang magbasa ng mga nakakatawang sign, e.g. "GAGO at SUPOT ang magtapon ng basura dito!"

2. gusto ko nang magsalita ng tagalog to express myself clearly. paano mo sasabihin ito sa english pag nababagalan ka sa takbo ng trabaho: "tangina, tutulog tulog na naman kayo sa pansitan. di naman ako nagmamadali, pero gusto ko ngayon na! kaya tama na yang pakyut, ano ba?" (pakingsheet, i don't want you to sleep in the noodle house. i am not in a hurry but i want it now! stop being cute, what now? lost in translation ang sarcasm at galit not to mention medyo incoherent)

1. ayoko nang makakita nang nangungulangot sa harapan ko, paminsan minsan gusto ko naman ng umiihi sa pader! (still more signs: "BAWAL UMEHE SA PADIR, ANG MAHOLE BOGBOG NA, POTUL TETE PA")

November 20, 2003

HAPPY BIRTHDAY KUYA BONG

happy birthday to kuya bong... eto, bitbit si lucas

ngayon ang birthday ng kuya bong ko. sino ba si kuya bong? si kuya bong ay isa sa pinaka matalik kong kaibigan. isa siya sa mga barkada ko at classmate since kinder. anak ni kuya bong si lucas. nanay naman ni lucas si darlene. si darlene ang bunsong kapatid ni jet. asawa ni jet si jay na matalik na kaibigan ni kuya bong. kabit-kabit talaga kami, it's a small world and all that shit.

are you confuse? CONFUSED with a "D" at the end, gago. o sige, "To who it may concerned: I am please to inform you..." BOBO. "To whom it may concern: I am pleased to inform you..."

ang sarap talagang magbasa ng mga technical letter galing sa mga engineer na magaling sa math pero di nag-aaral sa english. asan na ba ako? ah, ok. are you confused?

let me rephrase... HAPPY BIRTHDAY to my kuya bong, ang asawa ng kapatid ng asawa ko, kaibigan ko for more than 33 years. ang hiling ko lang kuya bong, kung sakaling mabasa mo ito, sana tigas titi ka pa rin, kahit 38 years old ka na, para naman masundan pa si lucas. hehe.

October 27, 2003

SWIMMING IN A VERY COLD POOL IN CALIFORNIA WITH PAMANGKING KUTING, TROY AND LANCE AT PERSKASIN JOJO

SWIMMING IN COLD POOL WITH JOJO, KUTING, TROY AND LANCE

si perskasin jojo, ang aking artistang pinsan. napangasawa niya si renee who used to be a newscaster at channel 9. for a while she also was a newscaster for the filipino channel, ang peborit cable channel ng mga pinoy sa north america. anak nila etong dalawang katabi ko... si troy at si lance. the last time i saw lance, he was just a few days old, ngayon malaki na't makulit. si troy naman eh etong cute na bata sa kaliwa ko. long hair at lakad ng lakad. hindi nahihiyang tumabi sa kanyang uncle from singapore. heehee. we just found out during the weekend that renee and jojo will be having a third child. so excited ang lahat sa darating na bagong bagets.

yung batang bilog ang mukha sa background ay si kuting. cute nga ng pangalan niya no? parang pusa. meeyao! anak siya ni sammy, ang aking perskasin din na kuya nina jojo at simon. di siya marunong magsalita ng tagalog pero nakakaintindi pag kinakausap mo siya. pilosopo tong batang ito at puro patagilid ang sagot sa mga tanong ko.

kinunan ito nung last day ko. nag lunch kami sa bahay nina jojo at nag swimming sa backyard nila. kaya ako nakatambay sa gilid ng pool eh kasi di ko kaya yung lamig ng tubig. para kasing galing sa ref eh.

October 25, 2003

PERSKASIN SIMON AND I

si imo at ako

ang aking pinakamamahal na pinsang si simon. imo for short. siya ang umasikaso sa akin ng husto nung nasa san francisco ako kamakailan. mahal ko tong pinsan kong ito. before my visit, the last time i saw him was 20 years ago in manila. this was before they left for the states. during the in between years, nag sign up siya sa US Navy, nakapag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak. ako naman stayed in manila, studied engineering, married jet, worked for a long time in the philppines and moved to singapore. then like magic, i had the chance to visit them during a business trip...separate lives converging for a few memorable days in the states. laking tuwa ko nga nung nadalaw ko siya at nakausap uli.

the last time we saw each other, we were both in our late teens. the same age as his panganay paul, who will graduate from high school soon. ngayon, pareho na kaming "gaining face" (better to say than "losing hair"). there is a scienctific law called that states: "a man's age is directly proportional to facial soap and inversely proportional to shampoo". in short, habang tumatanda ka eh, mas tumatagal ang oras ng paghilamos ng mukha kaysa pag shampoo ng buhok. asan na ba ako? ah, my perskasin...

imo and jojo took a half day off when i arrived on a friday afternoon. sinundo namin si donna sa airport at along the way eh kwentuhan pa rin. from the airport, going home, inuman sa milpitas until 4 in the morning, kwentuhan pa rin. gising ng 9am papunta sa bahay nila sa modesto hanggang pag alis ko papunta sa airport, kwentuhan pa rin. sa sobrang tagal ng di pagkikita eh di matapos tapos ang kwento.

then, like the way i came, i swiftly left. like that, we're back to our own separate lives. pero iba na ngayon, at least now i know that even if my perskasin's out there somewhere in the bay area, he thinks of me the same way that i do now. i also know that someday, we'll see each other again and catch up on each other's lives.

October 07, 2003

A FAMILY PICTURE OF THE SAN FRANCISCO BASED SERENOS

family picture

ang tiyong anas at tiyang ging ko ang nagsimula nitong pamilyang ito. si tiyong anas ang gwaping na bunsong kapatid ng mommy ko. sabi nga ng marami eh kamukha niya si sean connery. siya ang balbas saradong lalaki sa 2nd to the upper right ng litrato. si tiyang ging naman ang nakaupo sa gitna namin ni donna.

narito rin sa litrato ang tatlong pinsang kasabay kong lumaki sa pasay. si sammy (extreme upper right), si simon (lower extreme right) at si jojo (extreme left). anim talaga silang lahat. wala sa picture si junjun, si maricel at si sever. in between sammy and jojo ay mga asawa at mga anak ng mga pinsan ko. naalala ko pa nung araw kung gaano kami kasayang naglalaro sa bahay namin sa pasay. baby pa si jojo noon. di katulad ng maskuladong lalaki sa picture. si sammy ang panganay at ang parating nanloloko sa amin. si simon naman ang ka-edad ko at ang siyang umalalay sa akin ng husto nung nasa US ako kamakailan.

alam mo, masarap talaga itong trip na ito sa akin. matagal kaming di nagkita kita pero in the two days that i was there last week, nag connect kaming lahat immediately. parang tinuloy lang namin yung huling kwentuhan nung huli kaming magkita many many years ago. you know the feeling of being a part of a big family? where everybody welcomes you into their homes and showered with the possessiveness, warmth and love that only a kamag-anak can? that's what i experienced last weekend.

kahit dalawang araw lang kaming magkakasama, i really felt loved. now, while i am writing this a thousand miles away, i smile as i recollect everything that happened during my short stay with them, while at the same time, i feel the pain of our separation. bittersweet? i guess.

next time we meet, it will definitely be for a much longer time. AND this time, it will be with jet. i can't wait to introduce them to her. i am almost sure it will be a blast.

October 06, 2003

ROLLING UP THE I-5 ON A CHEVY, ON THE WAY TO FLOWER POWER LAND

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

mapquest map of LA to San Francisco Trip salamat sa mapquest for the map

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relatives

some of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmates

nung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right... si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.

September 05, 2003

EAST OF GINGER TREES

this song is dedicated to my dad.

Go east of your dream and farm.
Let peace and silence spin your yarn.
What harm can befall thee
in yon wilderness of clove?

Go on east of ginger trees.
Go soft and silent like the breeze.
With ease be off and wander
in yon wilderness of clove.

Go on past the goldenrods,
where fools and angels lose their odds.
And gods of our ancestors
did immerse themselves in clove.

Go on toward the crimson shore,
beyond this life of metaphors.
Where doors of understanding's house
decorates he them with clove.

"East of Ginger Trees", Seals & Crofts

August 20, 2003

A LETTER TO MY SISTER

Hi Ester.

How are things over your part of the world? I hope you were not affected by the blackouts that plagued almost the entire North American East Coast.

I just got back last Sunday from Manila. I spent a few days there for business and left Jet here. She was there for a month in June so we didn't see the point of spending extra money for another trip. Besides, December is coming up in a few months and we normally go home for three weeks for the Christmas and New Year break.

What's new back home? There have been many changes over the past two years that I've been out. Everything's changed and yet everything's still the same. There's still the old problems with poverty and corruption and sometimes it depresses the hell out of me. Not enough to mount a coup though, which is just as well. If there's any consolation, the family seems to be okay. At the very least, everybody is in good enough health and that is good enough reason for me to be happy.

My work just got extended here for another three years. I don't really know how long we're going to stay here but we're giving ourselves 5 to 10 years here in Singapore. I'll be 47 after 10 years. I can probably retire permanently by then. But that's too long in the future. Right now, we work our butts off. We may not admit it outright but living here in Singapore really has its advantages. I have a good job and am earning enough so that we could live a good life. We have everything we need and have enough to save for a rainy day and dream dreams that were not possible a few years ago.

Just this lunch, my friend and I have been talking about growing old. He says he's already starting to feel the effects of the excesses of his younger days. To think that he is much younger than me. I don't know. I'm ok, I think. I'm in a stage where I'm more laid back and just take things as they come. I do not have this overpowering ambition anymore to get rich or anything to that effect. I am content and happy and that is more than what most people can say about themselves.

I'm glad that you loved the pictures of mom and the family. The pool that you saw in the pictures is not ours. This is the pool that we have for the entire subdivision so don't have any funny ideas that I'm doing THAT good. Hehehe...

Ingat,
Jay

August 17, 2003

HAPPY BIRTHDAY DENDEN

happy birthday denden!

happy birthday denden! happy birthday pare. hiling ko lang eh sana lalo pang gumanda ang buhay natin. 38 ka na. hehehe. ako 37 pa rin. hehehe. buti nakapunta ka kahapon, para sa iyo talaga ang inuman at swimming na iyon.

sabay kaming lumaki ni denden. pamangkin ko siya dahil panganay siyang anak ng panganay kong ate. sabay nabuntis ang mommy at ate ko kaya ayan... pinanganak kami ni denden ng sabay na taon. matanda lang siya ng 4 na buwan sa akin (pero tito niya ako). lumaki kami sa iisang bahay kaya magkabarkada kami at mag kaklase from kinder to high school. kasali rin siya sa batch 83 ng notre dame of manila. marami kaming pinagsamahan at kahit di na kami gaanong nagkakaharap ay naiisip ko pa rin siya parati.

ingat tol. tuwa ako at nagkita ulit tayo.

August 16, 2003

AKO'Y UMUWI SA PILIPINAS PARA MAGTRABAHO AT MAG SWIMMING

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

mommy, gigi, glenda, tj and az

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

tito jay at az

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

tj at tito jay

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

tj kulit

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya... sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

batch 83

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

az

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako... tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

kuya bong, lucas, tj and jay

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

mag beer muna tayo!

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

June 30, 2003

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART II

tatlong itlog

sina jet, darlene at lani. tatlong itlog o tatlong maria... bahala na kayo. nagsasaya ang tatlong magkapatid sa bahay at nagkakantahan.

June 18, 2003

SCENES FROM HOME, PART IV

si az, tj, jay, mommy at dante

tj, az, mommy, jay and dante. now dante is a legend in philippine radio. he started punk rock in the philippines and was the long time host of "pinoy rock and rhythm" during the glory days of the rock of manila. his name is howlin' dave and he's my brother.

"HOWLIN' DAVE, winner of the 2001 NU107 Lifetime Acheivement Award" by Cousin Hoagy

Here’s a guy that began his radio career in the light of the Martial Law years. He was the neighbor of my cousin, Johnny in Pasay, near Park Avenue and Libertad. I always got along with him. He was a natural when he began his career at DzRJ in Santa Mesa.

He had one characteristic that makes a good rock jock. He loved music. He ate up everything going on. I remember him bringing me a record of American Country & Western from Nashville, Tennessee and begging to hear it on the air.

Howlin' Dave spent much of the 1970s getting his chops down, announcing style and gaining a taste for PINOY ROCK which was a very important feature of life in Martial Law. When the show, “Pinoy Rock & Rhythm,” was developed by Charlie Brown and Double A. It was mainly about the live Pinoy Rock scenes that thrived in Olongapo City and Manila. Angeles City was still just putas.

At the same time, PUNK started to be played with, “Never Mind the Bullocks,” being the start for me. I shared it with Howlin’ Dave, who in turn pulled out Sioux and the Banshees! He had turned a corner.

Buddy Trinidad, one of our Judges in the NU Rock Awards 2001, is a member of BETRAYED. He told me that Howlin’ Dave was where he listened on Sundays. His show alternated Pinoy cassettes with the latest PUNK! His influence spread. High School student at the time, Francis Reyes (lead guitar of The Dawn), told me it was Howlin’ Dave. Francis in a strange way, carries on the torch of Pinoy rock with hundreds of CD’s from the entire length of the Philippines. Francis Brew needs an entire staff to undertake and catalog and listen to what is a commitment. It will be nice to take a photo of them together.

Check out Page 9 of the NU Rock Awards 2001 (www.nu107.com) on some of the observations of Eric Caruncho of the Philippine Daily Inquirer. His collection of newspaper stories outlines some of the era. His book, “Punks, Poets and Poseurs,” is available at your favorite Pinoy bookstore on line. By the 1980’s, PUNK was it and Martial Law was beginning to get funky and tiring. Tommy Tanchangco produced a series of Annual concerts near the World Trade area on Manila Bay. It was called, “Brave New World.” It was aired on RJ AM 810. Conceived by Howlin’ Dave from his love of the book, “Brave New World,” by Aldous Huxley.

Between Tommy, Dave and the hundreds of bands that they attracted, the musical Concert moved around the rim of Laguna de Bay to Pililla and U.P. Los Banos. Ask anyone from The Jerks and Myrene who influenced them to the music. Pinoy Rock I guess is a generic expression of the times. It was in fact, the BEST YEARS of his life he told me. Maybe it was. But it’s only the 25th Anniversary of PUNK in 2001. A loose Birthday. Angst, energy, and the focus away from not really being Free had infused the scene.

The BNW Concerts ended, Buddy Trinidad recalls, with Howlin’ Dave singing the Paul Anka hit of the teeny bopping Sixties, “My Way.” Not that anyone recalls that version. Frank Sinatra made it his song for years. But The SEX PISTOLS stole the entire song in its straight forward middle of the road manner. It was transformed into a Anthem of PUNK ! Howlin’ Dave ended each show over the 1980-1985 run of BNW. He was backed by whoever was there that night. The Jerks did. Teddy Perez and The Dawn of the day did. Buddy and Betrayed did. I wonder who else? Joey Ramone?

Cousin Hoagy Dec 2001

June 14, 2003

SCENES FROM HOME, PART III

si aj at si tito jay

si az, pinaglalaruan yung nunal ko sa mukha. hehehe... siguro nakikita niya ang magiging hitsura niya pag siya'y tumanda: yung matang singkit at sutil na ngiti. give me five, tito jay! aray!

yung pagka-sutil, singkit na mata at malalim na boses, minana naming lahat sa daddy ko. naalala ko na naman siya. birthday niya nung june 4 at kung buhay pa siya ngayon ay 81 na siya. marami akong kwento sa daddy ko. maraming mga ala-ala na minsan nagpapasaya sa akin, minsan nama'y magpapa-senti.

minsan, when i clear my throat, i hear my dad's voice coming out of my mouth. sometimes, when i call home and my brother answers, for a split second, i'd be in suspended animation and would almost blurt out: "daddy?". pero, i'd quickly recover because i know it's not him. he's been dead for a long time.

from time to time, i dream of him. vivid dreams of him and me, walking along my garden, sipping a cold SMB, talking about how our lives ended up this way. sa panaginip ko, alam ko patay na siya, pero that wouldn't stop me from having casual coversations with him. pinapanood nyo ba yung "six feet under" (specifically, in episode 6 of the first season, where nate talks to his dead dad about their relationship)? that's exactly what happens when i dream of my dad.

minsan sa panaginip ko tatanungin nya sakin kung anong nangyari... kamusta na ako, how i've been doing. that sort of shit. you see when he died, i was still a struggling guy, just out of school and finding my place in this world. di na niya nakita how i turned out. he never met the man i am now. proud ka ba sakin, daddy? i'm sure you are.

happy father's day, dad. i'd do anything just to spend a day with you. fuck, i'll walk 500 miles, eat bubog and walk a tight rope so we can talk again. i know that it's not possible, so i'll just see you in my dreams.

i miss you, dad. take care...

June 12, 2003

SCENES FROM HOME, PART II

si tj, si az, si mommy, si gigi at ako

from left to right, counter clockwise: si tj, malayo pa lang ako eh nakangiti na. ang bagong dating na si az, sama agad sa akin. sila ang dalawang apo ko. actually mag-pinsan sila. si tj ay anak ni donna. si az ay anak ni david. si david at si donna ay magkapatid. kuya nila si dennis. silang tatlo ay anak ni gigi na kapatid ko. si dennis (kahit pamangkin ko) ay mas matanda sa akin ng 4 na buwan pero sabay kaming lumaki (oo, sabay nabuntis ang mommy at ate ko) at pareho ang aming circle of friends ("i also friend him", hehehe).

si gigi ay panganay kong kapatid (ako ay bunso). kagagaling lang niya sa isang stroke at laking pasalamat namin na siya'y nakarecover. mga ilang araw din siya sa ICU ng heart center at lumabas sa hospital na walang ala-ala. siya yung babaing nasa lower right ng litrato na nakaupo. at oo, nakakakilala na siya. ang mommy ko ay nasa upper right corner. 79 years old na siya at b-day niya nung 31st ng may. mukha ngang blooming ang mommy ko ngayon. siguro na rin ay dahil wala na siyang masyadong problema sa pang araw-araw na gastos. ganito ko sila gustong maalala... nakangiti at umaapaw sa saya.

June 11, 2003

SCENES FROM HOME, PART I

si tj, si az at si jet

ang mga apo namin ni jet... si tj, 3 years old, all around singer dancer, kabisado nang dancing queen. si az, 8 months old, galawgaw, di mapakali. nahulog na sa kama sa sobrang likot, kamukha ko raw nung baby ako.

June 02, 2003

BIRTHDAY NG MOMMY KO

birthday ng mommy ko kahapon. 79 years old na siya. sa araw ng aming pagdating, nag salo-salo sila sa bahay ng kapatid ko sa tagaytay. di kami nakaabot at nagpasya na lang ako na dalawin siya ngayon. hindi ko rin sinabi sa kanila na uuwi kami kaya't isang malaking surpresa ito para sa kanya. nagkita nga kami kanina at siyempre, tuwang tuwa niyang sinalubong ang kanyang paboritong, si bunso.

nagkita rin kami ng mga kapatid ko, mga pamangkin at apo. malaki na si tj at makulit pa rin, naron din ang bagong dating sa si az, ang 8 months old na apo sa tuhod ng mommy ko. inihahambing si az parati sa akin pag nagkukwento ang mommy ko sa telepono tuwing tinatawagan ko siya from singapore. kamukhang kamukha ko raw siya nung baby ako. "eh di pogi pala", ang sabi ko naman. kanina ko lang siya nakita at hmmm... medyo kahawig ko nga. guwapo ring tulad ko. hehehe. masuwerte ang batang ito. hehehe. pareho kami ng matang medyo singkit. mga matang pamana sa amin ng daddy ko. kung buhay lang sana siya ngayon, sigurado akong ipagyayabang na naman niya na "pinapatay ang mga pangit sa mga lahi ni david".

happy birthday mommy. sana patuloy ka pa ring maging malakas para next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. kung tutuusin, ako ang binigyan mo ng regalo dahil nakita na naman kita.

5Oth WEDDING ANNIVERSARY

ika-limampung anibersaryo ng kasal ng mga magulang ni jet ngayon. isang malaking okasyon ng kanilang pamilya at may munting salo-salo sa kanilang tahanan sa novaliches. alas otso pa lang ng umaga ay bumaba na kami nina kuya bong, darlene at lucas, kasama sina anna banana (ang aming alalay dito sa bahay) at ang kanyang anak na si donita. hindi alam ng kanyang mga magulang na uuwi kami at isang malaking surpresa para kanila ang makita si jet ngayong araw. munting nang mahimatay ang mommy ni jet nung makita siya, wala ako roon nung nangyari ito dahil nagbababa ako ng gamit, pero naririnig ko ang katakot-takot na sigaw ng kanyang ina. actually, walang nakakaalam na uuwi kami kahit na sino sa mga naroon sa bahay nila kaya laking gulat na lang ng lahat nang bumaba ako sa sasakyan at binigyan ng isang matamis na ngiti na may kasamang kindat si kuya el, ang panganay nina jet. masaya ang araw na ito para sa pamilya. maraming iyakan, tawanan at katakot takot na kwentuhan ang nangyari kanina. hayaan ko na lang na si jet ang magkwento para kumpleto ang detalye.

kung gagawing dahilan ang araw na ito para gumastos kami sa pamasahe ni jet, sa mga pasalubong at sa mga iba pang normal na bayarin ng isang typical na umuuwing balikbayan, masasabi ko na sulit lahat ito. walang katapat na perang maibabayad sa tuwa ng mga magulang ni jet nang makita siya.

May 12, 2003

mother's day at parenthood dito sa singapore, part 2

balansihin naman natin: yung isang office mate ko, 12 years bago nagkaroon ng anak. kung saan saan sila nagpunta para lang mabuntis ang misis niya at malaki ang ginastos sa mga fertility clinic. di naman sila nabigo at kinalaunan, nabuntis din si misis. as soon as nalaman nila ito, pinag-resign na niya ang kanyang asawa sa pagiging isang guro at naging full time housewife.

ang anak nila ay 6 years old na ngayon at kindergarten na. sa gabi, dinadala nila ang kanilang anak para i-tutor ng 2 oras sa iba't-ibang mga klase sa kung saan-saang evening classes. monday, math. tuesday, english. wednesday, chinese. thursday, drawing. saturday, swimming. ang pag enroll ng mga anak sa mga extra courses para mag excel sa school ay typical din sa mga singaporeans parents.

mother's day at parenthood dito sa singapore

isa ang singapore sa pinakamababang birth rates sa asia. probably, it has the lowest in the entire south east asian region. in fact, it is now a major problem because the current population is not enough to fuel their future growth. ito rin ang dahilan kung bakit ako narito sa singapore. hindi, madumi yang iniisip mo...hindi nila ako gagamitin as a baby maker (o kaya pambulog). kulang kasi ang mga automation engineer rito at walang local skill silang makita kaya ako narito.

anyway, ang typical family rito ay husband, wife and one kid. normally, both husband and wife work para masustentuhan nila ang kanilang 4C's (car, condo, credit card, country club membership). problema ngayon si anak. kung si mother at father ay working, sino ang mag-aalaga kay baby? solution: day care.

malaking negosyo rito sa singapore ang mga day care center - both legal at colorum. yung legal ay normal na day care. iwan mo si anak during the day time for enrichment lessons, feeding, etc. yung colorum, mas interesting. sa mga building dito, may mga manang na pinapa-rentahan ang kanilang sarili at bahay para sa pag-alaga ng mga baby. ang style rito: sa umaga, iwan mo si baby. sila na ang bahala sa pag-alaga hanggang sa pick-up mo sa gabi. yung mga ibang parents, talagang iniiwan nila ang mga anak, day and night, for the whole working week. di na nila kayang mag-alaga sa gabi dahil pagod na pagod sa trabaho.

dito sa office namin, 2 ang may baby. simula nang matapos ang maternaty leave, iba na ang nag-aalaga sa kanilang anak. week-end lang nila nakikita ang mga ito dahil stay-in ang mga bata sa mga day care for the whole working week. tuwing biyernes ng gabi, kinukuha nila ang kanilang mga anak para may family time ng week-end. linggo ng gabi, balik sa mga yaya.

May 11, 2003

HAPPY MOTHER'S DAY MOMMY

mommy ko, 79 na sosi pa rin


di na tayo masyadong nagkikita simula nang pumunta kami rito sa singapore. matagal-tagal na rin kaming di nakaka-uwi. gusto ko lang malaman mo na di naman ako nakakalimot...na parati kitang iniisip. di ko nakakalimutan lahat ng ginawa mo sa buhay ko... ang lahat ng sakripisyo at pagpaparaya mo, para sa akin. nakalista itong lahat sa bato. kung mayron man konting tagumpay o kayamanan kaming naipon, di ito matatamasa nang di dahil sa iyo.

malapit nang birthday mo. actually, ito ang mas importante sa akin dahil 79 years old ka na. pero alam ko rin na senti ka at mahalaga rin sa iyo ang araw na ito. kung kaya't binabati ka namin ni jet.

natanggap mo na bang regalo namin? sana naman ay masaya kayo diyan bukas... este, mamaya na pala. hayaan mo, next year, gagawin nating engrande ang 80th birthday mo. palakas ka pa, para pwede tayong magkantahan at sayawan. iimbita tayo ng banda para pwede tayong mag-rock-en-roll hanggang umaga.

punong puno ng pagmamahal at halik, ang iyong paboritong bunso.

jay

May 24, 2002

LADY CHATTERLY'S LOVER

i want to be a gardener. that's my calling... well, maybe a part-time engineer on the side (for the extra cash). this is my dream job - but i cannot apply for it now because i am not qualified. to qualify for the position of gardener, one must have a sustainable retirement fund. this is only possible if i save up while i'm here in singapore. and it could take me 5 to 10 years.

let's do the math... 5 to 10 years in singapore will guarantee me a good enough amount of cash for an early retirement. that will put my age to around 40-45 years old. i don't think i'll live to be 70 or 80. so, 45 plus 20 years is 65... a good enough age to permanently call it quits. it will give me 20 or so years to enjoy my retirement. not bad...

25 may 2002, 11TH WEDDING ANNIVERSARY

tomorrow, 25 may 2002, holiday rin sa pamilya dahil 11th wedding anniversary namin ni jet. wow... it's been a long trip man! pero di bad trip ah. hehehe... naalala ko pa nung kasal namin, a long long time ago. nasa labas kami ng munisipyo ng kalookan kasama ang ninong ko - ang pangalan niya ay si Dr. Boyet Silverio (kilala nyo ba siya? hehehe), at ang isa ko pang ninong na si mael (hindi siya malibog ha!). kaming dalawa lang ni jet, kasi simpleng kasal lang ang gusto namin (hehehe). ni wala ngang kamag-anak, kahit parents namin eh wala... wala kasi akong pera nung araw. nag sisimula pa lang kaming mag-ipon. reception nga ng kasal namin eh sa jolibee lang. nung panahong iyon kasi, pang jr. champ with fries at chicken joy lang ang budget namin. doon pa nga ata kami kumain sa sangandaan. at saka, kaming dalawa lang ni jet, di ko na inimbita ang 2 ninong namin - gastos lang iyon. hehehe... wala rin sing-sing, kasi walang pambili. isipin mo, ang suweldo ko nung panahon na iyon ay 2,000 pesos per month. kulang pa ngang pagkasyahin sa pamasahe at pagkain papuntang trabaho, sing-sing pa makakabili. dehins pre. inisip ko na lang, kung mayrong diyos - maiintindihan niya, dahil hindi naman siya tumitingin sa mga bagay na walang kabuluhan.

May 20, 2002

HOWLIN' DAVE - NU 107 LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Lifetime Achievement Award for my Brother Dante: NU107 Rock Awards, Introduction Speech...


Here's a guy that began his radio career in the light of the Martial Law years. He was the neighbor of my cousin, Johnny in Pasay, near Park Avenue and Libertad. I always got along with him. He was a natural when he began his career at DzRJ in Santa Mesa.

He had one characteristic that makes a good rock jock. He loved music. He ate up everything going on. I remember him bringing me a record of American Country & Western from Nashville, Tennessee and begging to hear it on the air.

Howlin' Dave spent much of the 1970s getting his chops down, announcing style and gaining a taste for PINOY ROCK which was a very important feature of life in Martial Law. When the show, "Pinoy Rock & Rhythm," was developed by Charlie Brown and Double A. It was mainly about the live Pinoy Rock scenes that thrived in Olongapo City and Manila. Angeles City was still just putas.

At the same time, PUNK started to be played with, "Never Mind the Bullocks," being the start for me. I shared it with Howlin' Dave, who in turn pulled out Sioux and the Banshees! He had turned a corner.

Buddy Trinidad, one of our Judges in the NU Rock Awards 2001, is a member of BETRAYED. He told me that Howlin' Dave was where he listened on Sundays. His show alternated Pinoy cassettes with the latest PUNK! His influence spread. High School student at the time, Francis Reyes (lead guitar of The Dawn), told me it was Howlin' Dave. Francis in a strange way, carries on the torch of Pinoy rock with hundreds of CD's from the entire length of the Philippines. Francis Brew needs an entire staff to undertake and catalog and listen to what is a commitment. It will be nice to take a photo of them together.

Check out Page 9 of the NU Rock Awards 2001 (www.nu107.com) on some of the observations of Eric Caruncho of the Philippine Daily Inquirer. His collection of newspaper stories outlines some of the era. His book, "Punks, Poets and Poseurs," is available at your favorite Pinoy bookstore on line. By the 1980's, PUNK was it and Martial Law was beginning to get funky and tiring. Tommy Tanchangco produced a series of Annual concerts near the World Trade area on Manila Bay. It was called, "Brave New World." It was aired on RJ AM 810. Conceived by Howlin' Dave from his love of the book, "Brave New World," by Aldous Huxley.

Between Tommy, Dave and the hundreds of bands that they attracted, the musical Concert moved around the rim of Laguna de Bay to Pililla and U.P. Los Banos. Ask anyone from The Jerks and Myrene who influenced them to the music. Pinoy Rock I guess is a generic expression of the times. It was in fact, the BEST YEARS of his life he told me.

Maybe it was. But it's only the 25th Anniversary of PUNK in 2001. A loose Birthday. Angst, energy, and the focus away from not really being Free had infused the scene.

The BNW Concerts ended, Buddy Trinidad recalls, with Howlin' Dave singing the Paul Anka hit of the teeny bopping Sixties, "My Way." Not that anyone recalls that version. Frank Sinatra made it his song for years. But The SEX PISTOLS stole the entire song in its straight forward middle of the road manner. It was transformed into a Anthem of PUNK ! Howlin' Dave ended each show over the 1980-1985 run of BNW. He was backed by whoever was there that night. The Jerks did. Teddy Perez and The Dawn of the day did. Buddy and Betrayed did. I wonder who else? Joey Ramone?

Cousin Hoagy Dec 2001

December 27, 2001

BRING HIM HOME...

Tumawag ako nung Christmas sa mommy ko, ang lungkot ng boses niya. Nag-alala tuloy ako. Kaya yon, pasko rito sa Singapore, mabigat ang loob ko. Malungkot. Balak ko nga, bumili ng baril at pab-babarilin ko yung mga walang kwentang tao na kakilala ko. Para wala nang pahirap at tapos na agad aang problema. Wala na ngang naitutulong, nag-dadagdag pa sa problema. Lahat naapektuhan eh.

October 09, 2001

BACK FROM HOME

i'm back in singapore after a week in the philippines.
my wife is with me and i feel complete.
it was great to be back home - except for the politics,
everything was just right.
my mom is healthy
my dog is still the same "salbahe" companion
my house is ok and my garden is full of flowers.
now if a big bomb just dropped down the senate,
that would erase half of the problems in the philippines.

September 28, 2001

THE HOME I LEFT BEHIND

...and then i see a picture of the house and family i left behind and suddenly it all come back in a flood of memories. home - traffic jams and dusty roads, chaos in the streets, people who don't care, corruption and greed, potholes and heat. philippines my philippines, we love it to death!

September 21, 2001

TIME IS ON MY SIDE (YES IT IS!)

one month and a half! that's been the time i've been away from home. somehow, i've managed to get used to living here in singapore. somehow, riding a bus from the west coast to the psa building seems so normal. somehow, chicken rice, curry and roti prata tastes ok. somehow living in an HDB Flat is the most natural thing to do inspite of the fact that you feel like you're in a pigeon hole with a thousand other birds. somehow, singapore feels like home.

September 20, 2001

THE OLD WOMAN AND ME, PART II

we still see each other once in a while, the old woman and i... she talks to me in chinese and i answer back in english. somehow we understand, at least, the most important message of all: that we are neighbors in one community.

September 18, 2001

THE OLD WOMAN AND ME

i helped an old woman go down the stairs of my apartment block last week. she must have been in her late 70's or early 80's, i have no way of knowing. a good turn for an old woman here in singapore in the hope that a good turn is reciprocated to my mom in Manila.

September 17, 2001

LET THIS BE A SONG CALLED ME

Music has been with me since I was a kid. In fact, you could say that my life has been one big album, each passing year moving from song to song. My dad was a big influence. He was one of the pioneers of Philippine Radio. He used to be one of the Sr. Announcers of ABS-CBN, but Martial Law was declared and then all of a sudden, they were all out of work. One of his people was this thin guy named "Ernie Baron". Hehehe...then without the "Brain Sharpening Hat", "Healing Diet for the Liver" and all his other inventions. Where was I? Oh yes, my dad used to take me to the radio station a lot and he'd ask me to help him set up the records. Sometimes, we'd go the studio and he'd ask me to record a poem. He'd play it on the air, and my Aunt Eugenie would cry every time she hears it. We'd go to the record companies and they'd give me all kinds of records that by the time I was in 6th grade, I probably would have the most comprehensive rock collection of any 12 year old anywhere in the world. After a year, he'd leave us for another woman. I was 13 years old, without a dad, but with plenty of music.

September 11, 2001

SINGAPORE BLUES

nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana... sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana...




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
The Susan G. Komen Breast Cancer Foundation

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
BUHAY OFW
CALIFORNIA DREAMING
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HEALTH
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
ORANGE COUNTY
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCHOOL
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TOP 10 LISTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".