[::..KT, THE BOOK..::]

the kwentong tambay book - - CLICK HERE TO GET MORE INFORMATION ON WHERE TO GET A COPY

hoy, psst...Subscribe to Kwentong Tambay

bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..advice column..::]
Dear Unkyel BatJay

[::..Breaking News..::]
Mahalagang Balita

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..BUHAY AMERIKA..::]
komiks

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..Monitoring..::]
Medical Chronicles

[::..ispokening inglis..::]
BatJay's World

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
Prata Princess
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Belle
Mec
Tanya
Tito Rolly
Aya
Yvette
Mari
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Bloggo Chicago
BoyetB
Bulong na Pasigaw
CBSMagic
Daragang Magayon
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Dreams
EXPECTORANTS
Eye Focus
iDiOtBoArD
Jologs Queen
Kusina ni Manang
Life's Rich Tapestry
Manila My Manila
nonstandardized.com
Random Rambling
Rebel Pixel
Retzwerx
soft grumbles
Tatang's Karinderia
Technobiography
Thinking Out Loud
Third Charm
Videoke Queen
Yosi Break

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
KSPramer

[::..BLOGKADAHAN.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Banyuhay
Gumawa ng Sandman
Haring Liwanag
Jessica Zafra
Joey Ayala

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
99 ROCK
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto
SingaBloodyPore
Nostalgia Manila





[::..ang nakaraan..::]
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001









PinoyTopBlogs.com

Powered by Movable Type 3.2

Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.




Powered by
Movable Type 3.2




February 24, 2007

And tearful at the falling of a star

pag naririnig ko ngayon ang "circle game", naalala ko ang daddy ko. matagal na siyang namatay pero naiisip ko pa rin siya parati. alam ko, iba ang pinapakahulugan ni joni mitchel nung ginawa niya ito pero everytime na naririnig ko ang kanta, parang gusto kong i-urong ang oras para maibalik yung panahon na magkasama pa kami. i could have done more for my dad now that i have a steady job but i can't because he's gone forever.


pakinggan ang batjay's twisted pinoy version ng "circle game" na handog pa rin sa inyo ng "Tito Remy's Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal" - subukan ang bagong pakbet flavor na gawa sa kupal ng supot na ilokano.

this is an audio post - click to play

January 12, 2007

ANG ALAMAT NG PAGPAPAPOGI

pagpapatuloy ito ng kwento ko tungkol sa diet at pagpapapayat na sinimulan ko last year nung napagkamalan akong baby hippopotamus dahil sa aking 216 lbs, mostly prime fat sa tiyan at mukha. at 5'10 at 216 lbs medyo borderline obese. hindi biro ang maging isang 40 year old na overweight diabetic hypertensve. kinabahan ako dahil ang tatay ko ay diabetic at hypertensive din. namatay siya dahil sa stroke at 60 and he wasn't even close to my weight dahil sexy ang daddy ko kaya nga marami siyang mga girlfriend at anak sa loob at labas. but that's another story.

ito ang listahan ng kung ano ang ginawa ko para mawalan ng 43 lbs over a 12 month period...

Continue reading "ANG ALAMAT NG PAGPAPAPOGI" »

January 09, 2007

THEY WEAR BIG SOCKS!

5 THINGS ABOUT ME (yung iba ay secret kaya hindi alam ng marami):

01. nung araw, mahilig akong mangulangot pag nagmamaneho tapos pinapahid ko ang kulangot sa mga kasama kong tulog sa kotse

02. nung 1970's ang paborito kong damit ay double knit na bell bottom pantalon

03. i am partially color blind (at tulad ni dwayne sa "little miss sunshine", mayroong mga shades of red and green na hindi ko ma distinguish)

04. i am left handed (pero right handed pag nagsasaltik)

05. kahit anong gawin ko, i cannot touch my left elbow with my left hand

Continue reading "THEY WEAR BIG SOCKS!" »

December 31, 2006

Garbo Stamp, Si Ganesh, Isang Piling ng Saging, Ginisang Mushrooms, Hot Sauce, Wooden Shoe sa Ref, Legs ni Spiderman, Itlog na may Longganisa, Tokwa't Suka, Unggoy na nagbabasa, Unggoy na tumatawa

BAGONG TAON NA NAMAN

December 24, 2006

PARA SA TAO

sa pamamagitan ng mahiwagang video na ito, pilit nating pinapasaya ang mga OFW na hindi makakuwi sa pilipinas itong kapaskuhan. actually, gumawa ako ng mga christmas video habang nagbabakasyon sa maynila. kung mayron kayong oras, imbis na magkutkot ng tutule eh panoorin ninyo ang mga ito. nasa youtube naman kaya madali lang ma-access.

Continue reading "PARA SA TAO" »

December 21, 2006

ROCKET MAN

hindi naman masama loob ko na hindi natupad yung childhood dream ko dahil na realize ko rin naman ang mga pangarap ko. nung high school kasi kami, mayroon kaming career orientation month. half day ng buong enero is spent talking to different professionals na bumibisita sa school namin. ang objective ng interaction ay supposedly para makapulot kami ng tips kung ano ang pwede naming gawing full time career. bukod dito, mayroon ding mga psychological examinations na binibigay ang guidance office para malaman namin kung ano ang aming pwedeng gawing profession based on competence and inclination. dito ko nga nalaman na bukod sa engineer, pwede pala akong maging forest ranger, diesel mechanic at saka cosmetologist (ie, mangkukulot sa beauty parlor).

Continue reading "ROCKET MAN" »

December 20, 2006

BABY BATJAY WARHOL


Continue reading "BABY BATJAY WARHOL" »

December 17, 2006

In your eyes of mourning the land of dreams begin

mayroong mini review tungkol sa libro ko doon sa latest sunday inquirer magazine. sinulat ito ni ruel de vera. hindi ko siya kamag-anak pero may sinabi siya na katumbas sa pagkain ng tatlumpung kilong haligi ng talangka dahil nakakataba ito ng puso.

Continue reading "In your eyes of mourning the land of dreams begin" »

December 03, 2006

WE ARE THE WORLD

nung araw, in my warped sense of justification, parati kong sinisisi ang mga bata sa africa kung bakit ako mataba. pag wala kasi akong ganang kumain, sinasabi sa akin ng mommy ko - "hoy bata ka, hindi ka na nanghinayang sa pagkain, ubusin mo lahat yang niluto ko para sa iyo. ang dami daming mga bata sa africa ang nagugutom samantalang ikaw..." siyempre, unfinished ang sentence para mas may emphasis ang point. dahil sa masunuring bata eh naging tendency ko tuloy na ubusin lahat ng pagkain sa plato kahit busog na ako. ayun tuloy - tumaba ako ng husto.

Continue reading "WE ARE THE WORLD" »

November 21, 2006

MAJULAH SINGAPURA!

hello mylabopmayn.

umuulan ngayon dito sa singapore. "press gad", ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun - umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.

dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin - ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.

Continue reading "MAJULAH SINGAPURA!" »

October 29, 2006

PUTANG INA, ANG LAKING LANGAW!



October 03, 2006

I wonder as I wander out under the sky

isa sa mga benefit ng walang anak ang mobility. para sa amin ni jet, madaling makalipat from one place to another. kaya nga etong nakaraang 6 years, parati na lang kaming lipat ng lipat: from novaliches to antipolo, singapore to california. bawat lipat ay palaki ng palaki ang hakbang namin, palayo ng palayo sa pinanggalingan. siyempre, pangarap din naman namin na magkaroon ng final dwelling place one day. iba kasi ang may sariling tahanan - takbuhan mo ito pag gusto mong magpahinga. pag wala kang permanenteng address, vagabond pinoy ka na lang habang buhay, cursed to roam the earth for all eternity. uy, madramang salita yon.

Continue reading "I wonder as I wander out under the sky" »

September 23, 2006

I RUN FOR LIFE

alt= bukas ng umaga, pupunta ako sa newport beach para sumali sa Susan G. Komen Breast Cancer Foundation "Race for the Cure" - naglakas ako ng loob para tumakbo sa 5k timed race. sumali ako hindi para makakita ng maraming magaganda at sexy runners na labas ang pusod (although marami doon bukas). gusto ko lang kasing ibalik yung mga natanggap kong benefits sa aking almost 10 month long exercise program to take care of my diabetes. may group akong sinalihan at sama-sama kami bukas na tatakbo. baka gusto ninyong mag donate. lahat ng pera ay mapupunta sa paghanap ng cure sa breast cancer. kung titingnan ninyo yung aming team page, ako ang may pinaka maliit na donation kaya kakapalan ko na ang mukha ko rito para makiusap: sige na naman, mag donate na kayo para naman medyo lumaki ang amount sa pangalan ko. bilang incentive, lahat ng mag bigay ay papadalhan ko ng picture ko na nakahubo. promise!

NOTE: pwede pang mag donate kahit tapos na ang race, kaya huwag na kayong mahiya.

oo nga pala, ang appeal na ito ay para lang sa mga overseas. kung nasa pilipinas kayo at gusto ninyong mag donate, ibigay ninyo na lang kay pyro. maraming salamat.


Continue reading "I RUN FOR LIFE" »

September 11, 2006

FAMILY PHOTO


BOOK UPDATE: mayroong akong interview na lumabas sa manila bulletin kahapon (Monday September 11, 2006) - ang balita ko nga, may picture kami ni jet sa article. maraming salamat kay annalyn jusay sa pag devote ng space sa newspaper para ipakilala ang Kwentong Tambay book. ang husay talaga ni AJay. kung hindi kayo nakakuha ng kopya ng dyaryo, basahin nyo na lang online o kaya abangan na lang ninyo pag naging pambalot na ito ng tinapa.

Continue reading "FAMILY PHOTO" »

September 04, 2006

LIPAD BATJAY, LIPAD!

Continue reading "LIPAD BATJAY, LIPAD!" »

August 27, 2006

Don't Touch My Birdie

music video ito na ginawa ng kaibigan kong si egay. kinuhanan sa bahay namin sa antipolo nung despedida ko, 6 yrs ago. in day or two, aalis na ako para simulan ang buhay namin bilang overseas pinoy sa singapore. ang mga makikita ninyo sa video ay mga barkada ko since kinder and my friends for over 35 yrs. ang musika ay galing sa "Don't Touch My Birdie" ng parokya ni edgar. looking at it now, heto akong parang gago na natatawa at naiiyak at the same time.

Continue reading "Don't Touch My Birdie" »

August 08, 2006

Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon - parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.

Continue reading "Set the controls for the heart of the sun" »

July 31, 2006

ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka ('dapor' ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

Continue reading "ALIVE" »

July 05, 2006

IN THE PROVINCE OF THE MIND

pag may nagtatanong sa akin kung saan ang probinsya ko, ang parati kong sinasagot ay "PASAY CITY". wala kasi kaming probinsya, bagay na ikina-iinggit ko lalo na kapag parating na ang holy week at pasko kasi isa ako sa mga naiiwan sa maynila. ang daddy ko ay pinanganak sa singgalong at ang mommy ko naman ay sa malate. ako? pinanganak ako sa isang malaking bahay na bato sa pasay city, somewhere in between the pet shops of cartimar and the manila bay.

Continue reading "IN THE PROVINCE OF THE MIND" »

June 22, 2006

KWARENTA


June 18, 2006

SWEET REVENGE GROWS HARSH

may naka enkwentro akong babaeng mataba kaninang umaga. naka harang siya sa walk way na dinadaanan ko at ayaw umurong para makalusot ako. nag aayos kasi siya ng mga bulaklak at parang tinatamad. dahil sa laki niya, hindi talaga ako makakadaan unless gumalaw siya. nagmamadali pa naman ako kasi nae-ebs na ako. nag excuse me ako, di ako pinansin. nag excuse me ulit ako, sumimangot lang siya. nag excuse me ulit ako ng pangatlong beses na medyo mataas ang boses. ayun gumalaw din. nung malapit na ako sa kanya, nag thank you ako sabay utot ng malakas.

parang durian, revenge is a dish best served cold and stinky.

June 08, 2006

DEATH BY POWERPOINT

halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba't ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba't ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.

Continue reading "DEATH BY POWERPOINT" »

June 03, 2006

Whenever these blue teardrops are falling

dumalaw ako sa groovy kong doctor mary last thursday para sa aking regular check-up. nagpupunta ako sa clinic niya every three months para sa diabetes ko. tuwang tuwa nga ang lola dahil maganda ang results ng lab exam ko. normal na ang aking hemoglobin A1c, triglycerides at cholesterol levels. wala na rin akong hypertension at although above normal pa ng kaunti ay medyo bumaba na ang aking blood sugar. in short, kaunting sariling sikap pa at malapit na akong maging normal na tao. ang pinaka ok sa lahat eh wala akong ininom na medication - puro exercise lang at diet. malaki na ang nabawas sa timbang ko. last january, ang weight ko ay nasa 216 pounds. ngayon nasa 175 na lang. that's a 41 pound drop. not bad 'no? ang goal ko ay bumaba ng mga 155 pounds, hopefully, by the end of the year. huminto na ako sa paninigarillo, kumakain ng tama at nag e-exercise araw-araw. ang sarap nga ng feeling knowing na sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging healthy ng ganito. ironic na na achieve ko ito at age 40 but what the heck, i don't mind it at all.

Continue reading "Whenever these blue teardrops are falling" »

May 29, 2006

SALT CREEK

JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION
JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION
JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION JAY AND JET'S 15TH WEDDING ANNIVERSARY CELEBRATION

Continue reading "SALT CREEK" »

May 25, 2006

OCCAM'S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala - the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una - ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa - pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading "OCCAM'S RAZOR" »

May 14, 2006

PIGGY BANK BLUES

nakakatawang isipin kung paano nakaka apekto ang mga events na nangyari sa iyong nakaraan with your present predicaments. life is like a pebble thrown in a pond. you can feel the ripple effects of the little things you've done grow bigger the further you move forward in time. nung bata ako, mayroong alkansyang kawayan ang mommy ko. dito niya nilalagay ang mga baryang naipon niya galing sa sukli na kanyang nakukuha sa pamamalengke. minsan, pag wala akong pambili ng double bubble gum ay sinusungkit ko ang alkansya. akala ko ay dahil pakonti-konti lang ang kuha ko ay hindi niya ito mapapansin. kaya lang ang hindi ko alam, yung kuya ko rin pala ay sinusungkit ito pag wala siyang pambili ng sigarillo. mas mabilis tuloy naubos ang pera sa alkansya.

Continue reading "PIGGY BANK BLUES" »

May 10, 2006

One day your life will flash before your eyes. Make sure its worth watching

ANG MATA NI BATJAY nagpunta ako sa eye doctor nung friday para magpa check-up. siyempre pina check-up ko yung mata ko. alanganaman magpunta ako roon dahil mayroon akong ubo. routine lang naman dahil may diabetes nga ako. gusto lang masigurado ng doctor na walang damage dahil nakaka bulag pala ang diabetes. medyo natakot nga ako nung una, dahil baka nabubulag na nga ako. panay kasi ang jakol ko nung bata ako eh. anyway yun nga, if left untreated, whether mahilig kang magjakol or not, malaki ang chance para sa mga diabetic ang magkaroon ng glaucoma, cataract or retinopathy. marami tuloy mga exams na ginawa sa akin: pinabasa ako ng mga iba-ibang size na mga letters. buti na lang marunong akong magbasa. nag test din ako ng peripheral vision at kinuhanan yung eye ball ko ng picture. itatanong ko sana sa doctor ko kung bakit hindi niya ako pina "say cheese" kaya lang baka batukan ako. pagkatapos ng lahat ng ito ay binigay sa akin ang verdict - 20/20 raw ang vision ko sa right eye, 20/25 sa left eye. wala raw akong complications sa diabetes pero mayroon daw kaunting cholesterol sa mata ko (sabi na nga ba, masama ang sobrang chicharon bulaklak). ay oo nga pala, matangos din daw ang ilong ko.

May 04, 2006

GULLIBLE'S TRAVELS

ang topic namin ngayon sa "rebels without because" ay tungkol sa mga kwentong kasinungalingan. mayroon ba kayong mga experience sa buhay kung saan kayo naloko o nangloko? kung mayroon, bisita kayo sa blogkadahan site, basahin ang mga entry doon at mag comment. toka ko ngayon at eto ang aking kumpletong entry tungkol sa pang-uuto na ginawa sa akin nung ako'y isang "musmos lang at wala pang alam".

Continue reading "GULLIBLE'S TRAVELS" »

April 17, 2006

May your troubles be like the old man's teeth - few and far between

nabanggit ko na ba na nilagyan ng bakal ang ipin ko? nung nagpa root canal ako recently ay kinabitan ng dentista ko yung dalawng ipin ng stainless steel bar para daw may kapitan yung bagong crown (o yung jacket) na ipapalit doon sa luma kong ngipin na muntik nang nahulog sa sabaw nung araw na kumalas ito sa pagka kabit. natatakot nga ako ngayon pag nag travel ako. baka kasi pag pasok ko sa airport ay mag alarm yung mga metal detector. iniisip ko nga, sasabihin ko na lang sa airport security na dati akong nagtrabaho sa saudi at may bulitas ang titi ko.

April 05, 2006

To lengthen thy life, lessen thy meals

nung araw, ang takaw takaw ko. kahit ano basta may sawsawan na patis o suka, kinakain ko. pati nga yung mga mabangong eraser na sikat nung elementary kami ay nginunguya ko. nabanggit ko na ba na mahilig ako sa kaning lamig? masarap kasi itong kainin kahit matigas, lalo na pag may tutong. pag ang ulam namin ay sinigang na baboy, ang gagawin ko ay ibubuhos ko ang maasim na sabaw sa plato, tapos papatungan ko ito ng isang malaking bloke ng kaning lamig. akala mo nga iceberg ang hitsura niya. doon ko naman sa kanin ilalagay ang kangkong, tapos dudurugin ko yung gabi sa sabaw para lumagkit ng kaunti. para mas masarap, kukuha ako ng isang platitong patis at didikdikan ko ng sili na galing sa pinaglutuan ng sinigang. packingsheet, ang sarap.

Continue reading "To lengthen thy life, lessen thy meals" »

April 03, 2006

All happiness depends on a leisurely breakfast

eight months na pala kami rito sa america. ang bilis talaga ng panahon - parang kahapon lang ay umalis ako sa apartment namin para sunduin si jet sa hospital. teka muna - sinundo ko naman talaga si jet kahapon sa hospital. ngyehehe. pakiramdam ko kasi, parang naka assimilate na kami kahit papaano. ang isang indicator ko ay pagkain. kapag nakakain mo na ang mga kinakain ng mga native, para ka na ring native. parang nung nasa singapore kami, the moment na nagustuhan na namin ang laksa, prata at fish head curry was the moment we became integrated into the country. para kasi itong balut at burong talangka - acquired taste na sooner or later you'll learn to love (or hate forever). dito sa america, ang cereal siguro ang pagkaing hindi ko akalain na magugustuhan. sino ba namang gago kasi ang nakaisip na gawing breakfast ang rice and wheat flakes na binabad sa gatas? pero aaminin ko, nagustuhan ko na rin ito pagtagal. magaan lang kasi sa tiyan, healthy pa.

pero paminsan minsan napapanaginipan ko na rin na kumakain ako ng aking paboritong breakfast: garlic rice, longganisang lucban na sinawsaw sa sukang iloko na may siling labuyo, crispy daing na espada, dalawang sunny side eggs na pinatakan ng tabasco, hot pandesal na may palamang kesong puti at liver spread. kahit papaano, sa kailaliman ng aking bituka eh pinoy pa rin ako siyempre.

March 30, 2006

American cities are like badger holes ringed with trash

nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.

refrigerator? packingsheet.

Continue reading "American cities are like badger holes ringed with trash" »

March 23, 2006

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 3

eto ang mabuting balita: hindi na ako bungi. last week kasi ay ni root canal ako in preparation para sa bagong crowns na ilalagay sa aking 2 Front Teeth. may isang linggong pagitan yung pag root canal at paglagay ng crown kaya medyo semi-bungi ako for a few days. nilagyan kasi ako ng temporary na ngipin at ilang beses itong nahulog. nung unang beses nangyari ito eh nasa restaurant kami. nakakahiya nga kasi muntik nang mahulog yung ngipin ko sa sabaw. buti na lang nasalo ko. sana walang nakakita sa akin kasi kahiya hiya talaga. akala ko, ito na ang pinaka embarrasing moment ng episode na ito. hindi pa pala - mas nakakahiya nung nakaupo na ako sa dentist chair dahil nakatulog ako habang niru-root canal. ang lakas pa ng hilik ko. actually, nagising ako dahil narinig ko yung sarili kong humihilik. tawa nga ng tawa yung dentista ko. ako lang daw ang taong nakita niya na nakakatulog habang binabarena ang ngipin. sabi ko sa kanya, parang hinihele ako sa vibration ng drill na ginamit niya sa pagbutas ng ngipin ko, kaya ako nakatulog.

March 21, 2006

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 2

ang mabuting balita ayon sa sulat ni san hudas sa mga taga barmat.

mga kapatid,

bago ang lahat, hayaan nyo munang hilingin ko sa poong maykapal na bigyan ng isang magandang umaga ang lahat ng mga taga barmat (short for Barangay Matae). peace sa inyong lahat, live long and prosper and may the force be with you. pagbati mula sa inyong kapatid na si san hudas.

heto ang maganda kong balita, mga kapatid: nalaman ko nung biyernes na hindi na ako papainumin ng gamot ng aking doctor para sa aking diabetes at high blood. tuwang tuwa siya nang makita ang resulta ng mga laboratory test ko - una, wala raw akong tulo. ikalawa ay bumaba rin daw ang aking blood sugar at hemoglobin levels. nakita rin ng aking doctor na nabawasan ako ng mahigit 20 pounds. dahil dito, binigyan pa niya ako ng tatlong buwan na extension upang magpursige pa sa aking programa na mapabuti ang aking kalusugan. sa june na ulit ako muling babalik sa kanya. sana nga ay tuloy tuloy na ito. simple lang naman ang ginawa ko - huminto ako sa pagkain ng karne, binawasan ang size ng every meal at nag exercise ng umaga, tanghali at gabi. medyo bilad nga lang ako sa araw na naging sanhi ng pagiging kutis betlog kong muli. pero in the overall scheme of things, mas gugustuhin ko nang maging kutis betlog kaysa naman atakihin sa puso.

hanggang dito na lang muna ako sa aking pag kwento, mga kapatid. hanggang sa muli nating pagkikita. nawa'y swertehin din kayong tulad ko.

ang inyong abang lingkod,
san hudas


pakinggan ang EBANGHELYO NI SAN HUDAS PODCAST. you'll like it now, you'll learn to love it later.

March 19, 2006

ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 1

tax season na naman at ito ang first time namin ni jet na magbabayad ng buwis sa america. maraming bago sa mga procedures at medyo nakakalito. hindi ko nga maintindihan masyado. buti na lang at may provision sa company namin na libreng assistance para sa mga tanga at bagong lipat na tulad ko. nag assign sila sa akin ng tax lawyer at siya ang nag-ayos ng pag fill up ng mga forms at sa pag explain sa akin kung ano ang mga dapat gawin. maliit lang ang tax ko sa singapore - mga 11% at pwede pang hulugan ang bayad (interest free pa). dito, mahigit 30% ata ang binabayaran ko na federal tax. tapos may bwakanginang state tax pa. yung pay check ko tuloy, parang litanya ng mga deductions. minsan nakakapanghina nga, kasi mahigit kalahati ng sweldo ko ay napupunta sa mga tax at ibang mga kaltas. nung una akong kausapin ng boss ko tungkol sa sweldo, akala ko ay generous - nakarinig pa nga ako ng malakas na "KA-CHING". now i have sekantots.

pero hindi naman parating bad news pag tax ang pag-uusapan. ang mabuting balita? mayroon akong tax refund na mahigit $1500. ngayon lang nangyari ito sa buong buhay ko na may babalik sa amin na pera galing sa gobyerno. sa sobrang tuwa ko nga parang gusto kong magpahalik kay dubya. thank you uncle sam, isa kang tunay na dirty old man.

March 13, 2006

And if I should fall behind

ang topic namin ngayon sa "The Rebels Without Because" ay tungkol sa poverty at ito ang contribution ko. this isn't really a poverty post but it's very close. this is about our struggling years as husband and wife. i'm sure you know the story by now, but i'll tell it again because it's a great story. i met jet when i was just out of college, oh maybe 18 years or so ago. i didn't have any job at that time but i was confident (or maybe even stupid or naive to believe) that i'd immediately get work. our family also didn't have much and was struggling. i didn't have any money myself - all i had was my education and a lot of bullshit. well, i did get a job a month after graduating and it paid big: 2,000 pesos. just enough to give my mom some money and expenses to get to and from work.

Continue reading "And if I should fall behind" »

March 11, 2006

Strangers passing in the street by chance two separate glances meet

nakasalubong ko na naman yung bumbay na naka turban nung naglalakad ako kanina. sabay kami ng oras sa paglakad at kadalasan ay sa park kami nagkikita. matanda na siya, siguro mga 80 years old. mabait ang muhka at malayo pa lang ay nakangiti na. parati kaming nagpapalitan ng pleasantries.

kanina binati niya ako ng - "good morning, fine thank you"

sumagot naman ako ng - "good morning, how are you?"

tapos pareho kaming natigilan, biglang nagkatinginan at nagkatawanan. yan ang masarap sa paglalakad dito. may nakakaharap kang mga taong magpapasaya sa iyo.

March 09, 2006

I hear the blood of my blood cryin' from the ground

dahil sa diabetes, tatlong beses sa isang araw akong nagsusukat ng blood sugar. madali na lang ito ngayon kasi mayroon nang mga glucose meters na digital at mura na ang mga ito. impak may mga model nga ngayon na less than $10. ang catch dito ay yung mga test strips dahil ito ang mahal. ang isang 50 piece nga na packet ay mga $20. simple lang kumuha ng blood sugar: tusukin mo ang daliri mo, kunin ang dugo at ilagay sa test strip na nakapasok sa glucose meter. after a few seconds lalabas na yung blood sugar mo.

may lanseta na ginagamit sa pagkuha ng dugo. sa umpisa ay masakit pero pag tagal ay masasanay ka na rin. buti nga hindi ko kailangan ng insulin kung hindi panibagong tusok na naman yon. naiinis lang ako doon sa lansetang ginagamit ko dahil minsan tinutusok ko ang sarili ko pero walang lumalabas na dugo. pinaglihi yata ako sa elepante kasi sobrang kapal ng palad ko. iniisip ko nga baka dahil sa panay ang mariang palad ko nung bata ako kaya kumapal nang husto ang kalyo ko sa kamay.

March 07, 2006

WELL THEY'LL PASS YOU BY IN THE WINK OF A YOUNG GIRL'S EYE

nung 5-10 years old ako (1970-1975), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: jolens, teks, trumpo, kung masakit magpatuli, kung talagang bakla si batman at robin, bakit mabaho ang kupal, taguan, tumbang preso, kung bakit paliit ng paliit ang size ng double bubble gum, ano ba ang lasa ng beer

nung 10-15 years old ako (1975-1980), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: yung size ng bra ng mga teacher namin, magkano ang bedtime stories sa recto, paano magpisa ng tagyawat, kung talagang nakakabulag magjakol araw-araw, paano manligaw, saan mura magpunta para mabinyagan, ano bang mabisang gamot sa tulo, CRISPA-TOYOTA, sino mas magaling si voltes v o si daimos, ERIKA-RICHARD, bakit makati ang titi pag may kalkal, sino pinakamalakas uminom

nung 15-20 years old ako (1980-1985), eto ang mga pinag-uusapan ng generation namin: ano ang magandang course na kunin sa college, saan magandang school, sino ang may discount card sa anito, kung ano ang mas effective withdrawal method o condom, masarap bang magpachupa sa bakla, ano gagawin pag hindi niregla ang syota, saan pwedeng magpa secret marriage, paano paalisin si marcos, kung hero ba si ninoy, saan mura ang beer

Continue reading "WELL THEY'LL PASS YOU BY IN THE WINK OF A YOUNG GIRL'S EYE" »

March 02, 2006

AN EYE FOR AN EYE, A TOOTH FOR A TOOTH $150

nakatanggap ako ng sulat galing sa dentista ko kahapon. sinisingil na nila ako sa pinabunot kong wisdom tooth. muntik nang matanggal yung natitira kong ngipin ng buksan ko ang sulat at makita ko yung bill - $130 para sa tooth extraction at $20 para sa x-ray. covered naman ng insurance ko ang part ng bill pero bwakanginangyan, 7500 pesos para sa isang ngipin? kaya pala maraming mga kaibigan ko ang nag uuwian sa pilipinas para magpadentista.

kunsabagay, maganda kasi ang clinic ng dentista ko rito kaya siguro mahal. computerized lahat ng mga machine na ginagamit nila - yung xray ng ngipin ko halimbawa ay kita ko agad sa computer monitor na nakaharap sa akin habang nakaupo ako sa dentist chair. pero siyempre hindi ko maintindihan kung ano ang nakalagay. yung histura kasi ng ngipin sa xray ay parang ultrasound ng baby. tinanong ko nga yung dentista ko - is it a boy or a girl? tawa tuloy ng tawa. tapos maganda at very professional din yung setting. malayong malayo doon sa dati kong dentista sa novaliches na nasa loob ng beauty parlor yung clinic. medyo unnerving nga kasi habang inaayos ng dentista ang ngipin mo ay tinitingnan ka ng maigi ng alaga niyang matandang aso na ginagalis. ang isang maganda nga lang sa dentista ko sa pilipinas ay pwede kang magpakulot habang nagpapabunot.

February 23, 2006

Sunrise, Sunrise - Looks like morning in your eyes

nagkaroon ng synchronicity kaninang umaga nung naglalakad ako. biglang tumugtog sa music player ko yung "sunrise" ni norah jones habang tamang tama ay papasikat ang araw. bagay na bagay talaga - parang gusto ko ngang maiyak because it was a perfect moment. medyo pumipikit pikit pa nga ako at ninanamnam ko ang kanta ng may pumara na kotse sa tabi ko. nagulat nga ako dahil akala ko kikidnapin ako. muntik na nga akong mapasigaw ng "huwag po, huwag po" pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala kong bigla na nasa 'merika na pala ako.

Continue reading "Sunrise, Sunrise - Looks like morning in your eyes" »

February 16, 2006

I never met a piece of chocolate I didn't like

mayroong malaking pile ng brownies sa pantry ng opisina ngayon. hindi nga ako mapakali kasi naririnig ko yung demonyo na bumubulong sa akin: "sige na, kainin mo na. wala namang nakatingin. wala namang makakaalam. hindi ito makaka apekto sa diabetes mo. sige na". sikat kasi ang brownies sa opis namin. una, dahil libre ito at eat all you can. pangalawa, talagang masarap. impak, its one of the best i've tasted ever - hindi siya matamis pero malasang malasa ang tsokolate. pag kuha ko nga ng tubig kanina ay nakita ko agad yung brownies. bigla akong nanghina. nadedemonyo talaga ako. para tuloy gusto kong kumuha ng holy water at wisikan ang brownies habang sumisigaw ng: "THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU. THE POWER OF CHRIST COMPELS YOU!"

February 15, 2006

Except roll down the window and let the wind blow back your hair

bukod sa pag diyeta sa pagkain, ang isa ko pang inaatupag ngayon ay ang mag exercise araw-araw. kailangan eh - diabetic na at overweight pa, hindi na pwedeng pahiga higa na lang. gumigising na ako ngayon ng 5:30 ng umaga para maglakad o kaya magbisikleta. pag uwi ko naman sa gabi ay maglalakad ako ng isang oras bago kumain ng hapunan. mas mahirap sa umaga dahil malamig. lalo na pag naka bisikleta ka dahil may wind chill. sa simula ay maninigas yung kamay mo sa lamig pero pagtagal naman ay masasanay na rin yung katawan mo pag nagsimula ka nang pawisan. buti nga narito kami sa california: at least kahit winter dito ay nakakalabas pa rin kami para mag exercise. iniisip ko nga kung paanong exercise ang ginagawa ng mga nasa canada, o kaya yung mga nasa north east coast pag ganitong winter. parang ayoko yata tumira doon. una, gusto ko kasi sa outdoors ang pag exercise dahil ayokong naka kulong sa gym. ikalawa, nakakaliit ata ng titi ang sobrang lamig. baka gumising na lang ako isang umaga, pekpek na yung makita ko pag ihi ko.

February 13, 2006

Full of piss and vinegar

nagpunta na naman ako sa laboratory kanina dahil kailangan daw ng additional test kasi nakita ng doctor na mataas daw ang potassium level ko. ewan ko nga kung bakit - siguro dahil mahilig akong kumain ng saging. bukod sa blood test ay pinakuha rin niya ako ng urine examination. yan nga ang ginawa ko kanina. naka tatlong vial nga ng dugo yung bampira doon sa testing center. kaya raw sobrang dami ng kinuha niyang dugo kasi valentines day daw bukas. comedian din yung matandang umasikaso sa akin. gusto ko ngang sapakin pero tinawanan ko na lang ng malakas. natawa rin ako sa directions ng pagkuha sa urine dahil (i shit you not this is true) naka post doon sa banyo:

"if you are male and taking a urine sample, please pull your foreskin and use the alcohol swab to wipe the head of your penis before urinating into the container".

ang galing talaga rito sa america, ano? it is truly a vibrant democracy - pantay pantay lahat ng mga kalalakihan sa mata ng diyos, tuli man o supot.

February 12, 2006

Ah brown sugar how come you taste so good

sabi ng doctor ko, bibigyan daw niya ako ng tatlong buwan para mapababa ang blood sugar ko. baka raw kasi makuha sa dasal? hindi naman. baka raw kasi makuha sa exercise at diet ang diabetes ko. doon sa diet part, ang sabi ng doctor ko ay huwag na raw akong kumain ng titi? hindi naman. bawasan ko lang raw ang portions ng pagkain ko at huwag nang masyadong kumain ng salty food. siyempre, wala na ring asukal. ang key word ay moderation. pwede pa rin naman akong kumain ng mga paborito kong pagkain pero hindi kasing dami ng dati. nag dinner nga kami ni jet kagabi. nagluto siya ng afritadang manok. siyempre, measured na yung portion ko - 4 na pirasong small bite size chicken pieces, 2 maliit na hiwa ng patatas at tatlong kutsarang kanin. ang galing ano? ninanamnam ko nga ang bawat butil ng kanin. mainam na rin, at least ngayon hindi na ako lumalamon pag kumakain. hopefully in 3 months, i will loose 20 to 30 pounds, decrease my blood pressure and lower my blood sugar. napaka ambitious pero i hope i can do it - otherwise, sisimulan na ng doctor kong magbigay ng medication.

February 10, 2006

IN THE SUN

ang ganda ng umaga ko ngayon. pag labas ko sa bahay, mataas na ang araw pero malamig. my kind of day - crisp and clear. naglalakad nga ako sa campus grounds around our office and immediately felt a high. tumigas din yung utong ko sa lamig. sarap nga eh. appropriate talaga ang a-la pearl jam na "i feel alive" morning na ito. it puts things into its proper perspective. hindi kasi maganda ang araw ko kahapon. in fact, double whammy. una, nagpunta ako sa dentista - pinalipat ko kasi lahat ng bagang na ngipin ko sa harap. mukha nga akong kabayo ngayon eh. ang tutuo niyan eh kaya ako nagpunta ay dahil tinanggal ang wisdom tooth ko. namamaga nga ang gilagid ko ngayon at buong araw kahapon ay masakit ang ulo ko. i also found out that i have diabetes. kaya ayan, mas interesting na ang buhay ko ngayon. excited na nga ako kung ano ang susunod na mangyayari.

but that can wait. for now, hayaan nyo munang ma enjoy ko ang magandang umagang ito.

February 07, 2006

The only think I like better than talking about Food is eating

kagabi, for the first time since moving to california ay nag-ulam kami ng hipon. part pa rin ito ng on-going healthy living diet namin ni jet. napansin ko kasi na simula nang umalis kami ng singapore eh wala na akong allergy attacks dala ng pagkain ng mga shell fish. buti nga kasi i love to eat shrimps. ang sarap nga ng ginawang halabos ni jet, lalo na dahil may sawsawang suka na may toyo. ang napansin ko lang na medyo nakakainis dito sa california, at least yung nabibili namin sa mga grocery dito, eh wala nang ulo ang mga hipon. na miss ko tuloy sipsipin yung katas ng utak. nung araw nga, gagawin ko eh ibubuhos ko sa loob ng ulo ng hipon ang suka na may dinikdik na sili at ikakain ko sa steaming white rice. packingsheet, ang sarap. those were really the days of glorious food and great eating. miss ko na yung panahon na yon na kahit gaano karami ang nakain eh isang utot lang at kaunting lakad ay tanggal na agad yung kinain mo. ngayon kasi, pag kumain ako ng isang steak, mga dalawang buwan ata bago ko ito ma digest. tapos sa sobrang taba eh ang sagwa kong tingnan sa salamin pag naka side view. yung profile kasi ng katawan ko ay parang yung drawing ni exupery ng ahas na kumain ng elepante doon sa chapter 1 ng little prince.

February 05, 2006

I refuse to answer that question on the grounds that I forgot the answer

milestone talaga ang pagdating ko ng 40 years old. pakiramdam ko, parang may bago na naman akong bundok na aakyatin. mas mahirap kaya ito kaysa doon sa mga inakyat ko na? natatakot ako dahil hindi na ako kasing kisig at kasing tigas titi nung binata pa ako. baka kasi hingalin ako at mahirapang umakyat. 20 years ago, ang pakiramdam ko sa sarili ko ay indestructible - kahit ano kaya kong gawin basta marating lang yung mga pinapangarap ko sa buhay. ngayon kaya? pero, enough of this "climb every mountain" figures of speech and let's move on.

Continue reading "I refuse to answer that question on the grounds that I forgot the answer" »

February 01, 2006

RAGE AGAINST THE DYING OF THE LIGHT

naalala ninyo pa ba yung feeling ng being in your late teens to early 20's? yung wild, reckless and free feeling na akala mo indestructible ka. yung kahit ano pwede mong gawin, tikman, hititin at subukan dahil alam mo walang masamang mangyayari sa iyo. invincibility - ha! hindi naman ako sumagad nung bagets ako although marami rin akong napag daanan. i did smoke a lot and i started early. for the longest time, gusto ko itong tanggalin but i didn't have the will to stop it. when i was in my 20's ang sabi ko ay i'll quit by age 30. it came and went pero hindi ko nahinto. i finally did at age 38 and it's one of the things i've done that i'm really proud of. heto ako ngayon at age 40, progressing into the "boring life". no more smoking, less drinking, no more late nights. impak, my idea of a good time now is sleeping on the couch (probably snoring loudly) habang naka unan kay jet who is laughing heartily at enjoy na enjoy sa panonood ng mga sintunado sa american idol.

January 31, 2006

He took a face from the ancient gallery and he walked on down the hall

mahigit 3 weeks na akong di kumakain ng red meat. big deal ito para sa akin na kilalang meat lover. puro manok at sea food na nga lang. part ito ng life style change namin. galing kasi ako sa check up at mataas daw ang blood pressure ko. yan pa nga palang isang bago sa akin - kailangan nang regular ang bisita sa doctor. tinitingnan ko nga ang schedule ko lately eh one doctor appointment after another. wala naman akong sakit - kailangan lang talagang magpunta as part of our being here at siyempre gusto ko ring humaba ang buhay ko. just the other day, nagpa HIV at syphillis test kami. di ba yun yung kalaban ng mga israelites? hindi raw. on the same day, nagpa bakuna rin kami sa kaliwa't kanan na braso, with matching TB test pa. next week naman, additional blood test dahil inorder ito ng doctor ko as part of my routine physical. pakiramdam ko nga, parang preview ito sa kung anong mangyayari sa akin ngayong tumungtong na ako ng 40. iba na talaga - you schedule your life around doctor's appointments and worst of all, hindi mo na rin makain ang mga paborito mong pagkain tulad ng taba ng sinigang na baboy na sinawsaw sa patis na may sili. gardenget.

January 23, 2006

"I refer to jet lag as 'jet-psychosis' - there's an old saying that the spirit cannot move faster than a camel" - Spalding Gray

napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak. ayokong ayoko pa namang umalis ng bahay ng hindi ko nagawa lahat ng dapat kong gawin. pakiramdam ko ay mayroong kulang. in any case, narito na kami ulit sa california after spending last week in florida. it was a great trip not only because maganda ang kinalabasan ng conference. nagkaroon din kasi kami ni jet ng chance para mabisita ang sister kong si ester. kahit anong klaseng jet lag nga ay haharapin ko basta makita ko lang ang kapatid ko whom i haven't seen in over ten years. medyo naluha nga ako nag makita ko siyang dumungaw sa bahay nang paparating na kami.

January 10, 2006

"Pride is the shirt of the soul, put on first and put off last"

hindi siguro ako makakapag damit kung hindi naimbento ang cotton. siguro dahil lumaki ako sa south east asia kung saan walang katapusan ang summer. pawisin pa naman ako. kaunting galaw lang, tulo pawis na ako at mahirap kung hindi cotton ang suot kong damit. buti nga wala akong putok kung nagkataon, wala sana akong kaibigan ngayon. parati ko ngang sinasabi kay jet, pinanganak ako sa maling bansa. hindi ko talaga type ang init. in fact, mas makakatagal siguro ako sa extreme cold as opposed to extreme heat. baligtad ito sa boss ko sa singapore na takot naman sa lamig. ayoko ngang sumakay sa kotse niya kasi hindi nagbubukas ng aircon. imagine nyo na lang kung ano ang pakiramdam pag nakakulong ka sa kotse habang bumabyahe kayo sa isang tropical country. kaya nga malaking ginhawa ang paglipat namin dito sa california - hindi na pinagpapawisan ang singit ko. pero siyempre kahit maginhawa na, cotton pa rin ang gusto kong suotin.

January 09, 2006

"Men are simple things. They can survive a whole weekend with only three things: beer, boxer shorts and batteries for the remote control" - Diana Jordan

bukod sa bago kong hilig sa pagsuot ng pajama, nag-iba na rin ang taste ko sa underwear. ewan ko ba - pag tumatanda ka yata, ang hinahanap mo sa buhay ay comfort instead of porma. nung bata pa ako, ang peborit kong suotin ay bikini briefs dahil akala ko ay mas maraming magkakagusto sa akin kung ito ang suot ko. on hindsight ay naiisip ko nga, ano ba talaga ang silbi ng bikini brief eh imposible naman itong makita ng mga babae dahil may suot akong pantalon over my underwear. hindi naman ako sira ulong superherong tulad nina batman na nasa labas ang brief. in any case, ayoko na ngayon ng bikini briefs dahil nasisikipan na ako rito. hindi naman dahil sa malaki ang titi ko. mas gusto ko lang yung pakiramdam ng boxer shorts. in particular cotton boxer shorts. ayoko ng silk dahil masakit sa betlog pag naka upo ng matagal. minsan dumudungaw pa nga yung betlog ko at hindi ito maganda lalo na kapag naka jeans.

January 08, 2006

"Hope is the gay skylarking pajamas we wear over yesterday's bruises"

naka pajama na ako matulog ngayon. malamig na kasi. ngayon lang nga ako nag pajama in a long time. ang huli ko yatang suot ay nung tinuli ako nung 1976. minsan kasi sobrang lamig na sa gabi at hindi na kaya na naka shorts lang. nung nasa singapore kami, shorts lang parati tapos naka aircon pa nga sa bedroom dahil mainit. minsan pag talagang sobrang init, wala na ring shorts. ngyehehe. paminsan minsan masarap matulog ng nakahubo, pakiramdam ko para akong laos na porn star.

January 03, 2006

"Short is the joy that guilty pleasure brings." - Euripides

ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho - sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.

Continue reading ""Short is the joy that guilty pleasure brings." - Euripides" »

December 28, 2005

A million ways to spend your time - when we get back, I'll drop a line

christmas break namin ngayon. sarap nga eh - nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time - "Specialized Tricross Sport Double" ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin - if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.

Continue reading "A million ways to spend your time - when we get back, I'll drop a line" »

December 25, 2005

And ev'ry stranger's face I see reminds me that I long to be

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin - kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh - hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it's heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

December 21, 2005

IT TAKES A LEAP OF FAITH

i turned 40 recently. kwarenta. pakingsheet. who would have thought that i'd be forty. pero kung sabagay, nung ipinanganak ako ng mommy ko nung 1965, forty one na siya. and she ended up living a great life. she's still alive and healthy at 81. si jet din, she doesn't look her age. masayahin kasi at malakas tumawa. sa akin kaya, ano ang mangyayari?

ewan ko. ni hindi ko nga alam kung pabalik na ako sa pinanggalingan ko o papunta pa rin sa patutunguan. basta ang isang alam ko, malaki pa rin ng promise na pwedeng ibigay sa akin ng kapalaran, kung ano man iyon. in any case, ang importante ngayon para sa akin ay: una, sa tingin ko ay nasa tamang direksyon ang buhay ko at ikalawa, tigas titi pa rin ako.

Continue reading "IT TAKES A LEAP OF FAITH" »

December 19, 2005

"Today was once the future from which you expected so much in the past."

maganda mag gunita ngayon ng nakaraan dahil malapit nang mag pasko. special pag ganitong time of the year kasi lahat ng tao ay masaya. kahit nga yung mga matatandang dalaga na masusungit dahil nagsara na yung labasan nila ng ihi eh masaya rin. kaya hayaan ninyo ako ngayon magbalik tanaw.

Continue reading ""Today was once the future from which you expected so much in the past."" »

December 18, 2005

"With more people, there are more voices to tune out." - Susan Sontag

dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon - "Dear Unkyel Batjay" at "Mahalagang Balita". kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa "podcasts" then do a search - ipasok niyo lang "batjay" or "philippines" or "pinoy" as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.

Continue reading ""With more people, there are more voices to tune out." - Susan Sontag" »

October 30, 2005

I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan - di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo - bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag "trick or treat" sa apartment namin bukas.

Continue reading "I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween" »

October 27, 2005

Dusky butterfly, sweet and sure

nagiging metrosexual na ata ako. napansin ko kasi, simula ng lumipat kami rito sa california eh mas matagal na akong gumamit ng banyo sa umaga dahil sa kung ano-anong mga ritual na dinagdag ko sa aking "after i wake up and before i go to work" ceremony. dati rati kasi simple lang ang banat ko: inom ng kape, watch the morning news, upo sa trono, toothbrush, shave, talon sa shower, lagay ng kili-kili power, pabango, bihis at sibat. normally i can do all these in less than 20 minutes. pero iba na ngayon. oo virginia, change me. lumandi na ako ng tuluyan.

Continue reading "Dusky butterfly, sweet and sure" »

October 26, 2005

I SEND OUT RED SIGNALS ACCROSS YOUR ABSENT EYES

pumasok ako kanina sa target kasi may pinabibili sa akin si jet. nakasuot ako ng pulang t-shirt and i knew immediately that this was a big mistake dahil red ang kulay ng uniform ng mga empleyado doon. true enough, after a while ang dami nang lumalapit sa akin at nagtatanong kung saan mahahanap ang this and that product. ano pa nga ba ang magagawa ko? eh di siyempre, nginingitian ko na lang silang lahat, binabati ng good evening at pagkatapos ay inililigaw by giving them the wrong directions. ano ba naman malay ko kung saan makikita ang mga tinatanong nila sa akin.

September 25, 2005

IF IT MAKES YOU HAPPY, THAT'S GOOD ENOUGH FOR ME

nung araw, sa marikina shoe expo pa kami dumadayo para lang makabili ng sapatos, ngayon narito na kami sa california at marami nang available na sapatos na kasya sa akin. how time flies. although malayo na kami sa shoe stores ng aking childhood, we still make long journeys para makita ang tamang style na gusto ko at pinakaimportante ay tama ang price. nakabili ako sa cabazon. isa itong factory outlet malapit na sa palm springs. lagpas 200 miles (over 300 kilometers) nga ito sa amin, back and forth. kung sa maynila ako nagsimula, nalagpasan ko na ang baguio. pero ok lang naman ang mga ganitong distansya rito sa amerika. maganda kasi ang mga kalye kaya mabilis ang takbo ng mga sasakyan. di mo mapapansin na malayo na pala ang narating mo. mabuti nga't nagpunta kami roon, at least naipasyal ko si jet kahit papano. dami nga rin niyang nabili kaya masaya rin siya. ako man ay ok din kahit nakiskis na naman ang pobreng credit card.

bakit ba ganito tayong mga lalaki, kahit pasan mo ang mundo sa dami ng problema eh maligaya ka pa rin kapag nakasuot ka ng komportableng sapatos. oo virginia, masaya ako. ngayon nga, isa na lang ang problema ko at sana may makatulong sa akin - saan ba may magaling na barbero dito sa orange county? ang haba na kasi ng buhok ko at nahihirapan na akong magsuklay. malapit ko na ngang maging kamukha yung doctor doon sa back to the future movie dahil sa dami ng tikwas at (bwakanginangyan) puting buhok.

September 22, 2005

And I don't even care to shake these zipper blues, and we don't know just where our bones will rest - To dust I guess

pag medyo pagod na sa kakalakad sa cubao, diretso nood muna ng sine. either coronet, diamond or new frontier. naalala ko, parating malagkit ang mga sahig ng mga sinehan nung araw. siguro dahil sa mga natapon na coke. SANA, dahil sa mga natapon na coke. baka kasi may mga manyak na mahilig mag mariang palad at sa sahig pinatatalsik yung kanilang, ahem, semilya. i digress - anyway, paglabas sa sine, pasok naman sa fiesta carnival - sakay sa roller coaster na maliit o kaya laro ng mga video games - either pong, night rider, brick game or space invaders. pacman would come later, much to our delight. pag labas mo sa kabila ng fiesta carnival, malapit ka na sa ali mall. masarap umikot doon nung araw dahil marami kang makikitang mga kung ano ano (mga pokpok, mga pekpek, mga anghel na may malalaking pakpak, etc). mayroon pang skate town rink doon pero di ako nagpupunta kasi rocker dude ako at mga disco kid ang mga tambay doon. from ali mall, lakad kami towards COD or the marikina shoe expo para tumingin ng sapatos. naalala ko tuloy yung glenmore shoes commercial sa pinoy rock and rhythm during those times. si pepe smith ang kumanta ng theme song and i remember the lyrics to this day...

"hinahanap mo ba ang tunay na toga
glenmore ang tatak ng sapatos
sa bawat hakbang ay walang paltos
yan ang glenmore shoes

glenmore, glenmore
matibay, may class at may uri
glenmore, glenmore
yan ang glenmore shoes"

TO BE CONTINUED (na naman)

September 21, 2005

1081

masarap balikan yung maynila ng aking kabataan. wala pang mga malalaking mga malls nung 1970's. walang internet. walang cell phones, walang text messaging, walang cable TV - wala lahat ng mga pleasures na na e-enjoy ng mga bata ngayon. may kabaret na ata nung araw at mga bastos na burikak magazines na may naka hubo pero bata pa ako para sa mga ganoong mga bagay. ang pinaka pang aliw ng mga tulad kong taga quezon city ay mamasyal sa cubao. eto ang typical na itenerary namin: from novaliches, sasakay kami ng pascual liner (yung mga galing ng kalookan JD liner at DM transit ang sinasakyan). kahoy pa ang mga silya nung araw dahil hindi pa yata naimbento ang kutson. may love bus na aircon pero mahal naman ang bayad. so anyway, sakay nga ng bus at baba sa farmer's market - ikot muna doon para maghanap ng mga printed hanes t-shirt. tapos diretso sa araneta coliseum nagbabakasakaling makakita ng basketball player (i was a crispa fan). minsan pag may extra na pera, kakain kami sa 3M pizza (pag nilagyan ng red devil hot sauce, nakaka adik yung pizza nilang matigas na may keso and a few slices of ham). minsan naman, papasok ako sa national book store sa araneta center para amuyin ang mga scented na eraser na ibinibenta roon. may scented eraser fetish din ba kayo o ako lang ang sira ulong mahilig mang amoy ng eraser?

TO BE CONTINUED (ulit) TOMORROW...

September 20, 2005

I had the blues because I had no shoes until upon the street, I met a man who had no feet

bumili ako ng sapatos nung linggo. mabuti nga't narito kami sa amerika. dito lang kasi ako nakakakita ng disenteng sapatos para sa paa ko (oo virginia, dalep-endarayt). size 12 kasi ang paa ko. you know what they say about people with big feet, don't you? they have big cocks shoes. nagsimula ang problema ko sa shoe size nung pagtapak ko (pun intended) ng 1st year high school. around this time, bigla na lang humaba ang paa ko (oo virginia, parang jinakol dahil biglang laki) at nahirapan na akong bumili ng sapatos sa pilipinas. karamihan kasi ng mga stock sa mga tindahan ay hanggang size 9 lang. swerte na kapag nakakita ka ng size 10. ang ginagawa ko nga bago pumasok sa mga shoe store ay magtanong muna kung ano ang pinakamalaking size na available. nakaka disappoint kasi kapag may kursunada kang sapatos tapos biglang sasabihin sa iyo ng tindera na hanggang size 9 lang sila. ang ginagawa ko nga during those days ay bumisita sa marikina shoe expo sa cubao before the start of classes. nung araw kasi, dito ka makakakita ng mga murang sapatos na may malaking mga size. malapit lang ang shoe expo sa COD. naalala nyo pa ba yung COD? ito yung department store sa cubao na nagpapalabas ng malaking puppet at animatronic show sa balcony nila pag pasko. dinadayo ito ng mga taga maynila during the 1970's and i remember watching it as a child with my dad. buhay pa kaya ang COD at ang marikina shoe expo? i hope it's still there.

TO BE CONTINUED TOMORROW

September 11, 2005

Where there is a stink of shit there is a smell of being

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now - isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin - nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin - marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng "FOR SALE" sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa - nagiging conversation piece tuloy ("what you got there, jay?", "can i get one of them bird shit too?", "what in the hell is that thing on your window?", "fucking shit!", "holy shi!t", "hey jay, you're full of shit!" and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon - "you know who jay is, right? he's that new guy from building 1 with the big bird shit on the window". for all the crap i've been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh - "emen to dat, ale-luya!"

August 30, 2005

Only in America - do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway and put our useless junk in the garage

gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test - lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.

lucky car? bwahaha. during the driving test, i had 12 errors. bwakanginangyan. di ko alam kung error talaga yon. sa tingin ko eh parang power trip lang galing sa taga DMV. pero siyempre opinion ko ito na medyo defensive ng kaunti dahil i take pride in my driving skills. hindi ko na expect na ganoon karami ang mali ko. saan daw ba ako nagkulang? ang pinaka marami kong mistakes ay sa traffic checks daw, pag nasa mga intersections. apparently, hindi ako tumitingin enough (look left, right, left - watch for pedestrians and cars, etc). doon sa actual driving test, mayroon walong intersections na tatawirin. anim daw doon ay mali ko. sa backing naman ng sasakyan, hindi raw ako tumitingin sa likod kaya doon pa lang ay mayroon na akong limang mistakes out of a possible ten. tapos nag over speeding pa raw ako by 5 miles per hour sa business district. what the fuck? i made sure to look before crossing any intersection, tumitingin ako sa likod nung umaatras at napakabagal nga ng takbo ko. baka gutom lang yung teacher ko. either that or hindi niya nakikita ang mata kong singkit.

nung binabanggit nga ng teacher ko yung mga mali ko eh parang bigla akong nanghina. pakiramdam ko eh ako nang pinakabobong driver sa balat ng lupa (well in this case, sa balat ng orange county). ang failing grade sa driving test ay fifteen mistakes and above. pasado ako kaya tuloy ang ligaya. bilang celebration, parang gusto ko tuloy uminom ng beer habang nagmamaneho. BWAHAHA.

August 22, 2005

You haven't lived until you've died in California

interview with a friend after coming to america for the first time...

KAIBIGAN: nagpunta ka ba sa amerika?

BATJAY: oo pre, kakarating ko nga lang.

KAIBIGAN: saan sa amerika ka nagpunta?

BATJAY: sa california.

KAIBIGAN: ano nakita mo roon?

BATJAY: kalye pare, putangina, puro kalye.

Continue reading "You haven't lived until you've died in California" »

July 30, 2005

The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density. They need it - they're the ones falling down the most

narito na kami ni jet sa airport and on our way to la. pinaghalong lungkot at saya. mami miss ko talaga ang singapore kahit papaano. it has been home for four years. binigyan niya kami ng sustento, security, di mabilang na exciting experiences at maraming kaibigan. iba iba ring klaseng mga tao ang na meet namin itong mga nakaraang taon. may mga halos magdugo ang ilong sa pangungulangot, mayroong malakas pa sa kanyon ang putok at mayroon ding mga mas kupal pa sa tutuong kupal. bagay na madalas kong ikatuwa at ikwento rito. ngayon ang last entry ko sa singapore adventure namin ni jet at mami miss ko silang lahat.

Continue reading "The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density. They need it - they're the ones falling down the most" »

July 17, 2005

The clearest way into the Universe is through a forest wilderness

batjay semikalbo batjay semikalbo batjay semikalbo
batjay semikalbo batjay semikalbo family reunion in tagaytay
batjay semikalbo batjay semikalbo batjay semikalbo

Continue reading "The clearest way into the Universe is through a forest wilderness" »

July 13, 2005

"Age is not a particularly interesting subject. Anyone can get old. All you have to do is live long enough."

ako si darnita, ang darnang tiyanak ayan, kontra sa kagustuhan ng mommy ko, nag darna costume na ulit ako. bwahaha. kinailangan kong maging super hero kasi umakyat ako sa bubong kanina dahil pinutulan ko yung jasmin at masyado nang malago. nahirapan ako ng husto. ngayon lang ulit ako naka akyat ng bubong in 5 years. bwakanginang yan, iba na pala pag 40 years old ka na. hindi na sumusunod ang katawan sa kagustuhan ng utak. sabi ko sa sa paa ko - akyat! may time delay atang 10 seconds bago ito gumalaw at sumunod. hinihingal na rin ako sa akyatan. muntik pang naipit ang tiyan ko sa pagitan ng trelis. kailangan ko nang paliitin ito dahil darating ang araw, iihi ako isang umaga eh hindi ko na makikita ang titi ko. ano bang kailangan kong gawin para maibalik ang katawan ko sa tamang shape? to dream on? yeah right. lalo ko tuloy hinangaan si lance armstrong. pinataob na naman niya ang mga kalaban niya sa akyatan ng bundok kahapon. siya talaga ang malakas ang resistensya. siguro kaya ganoon na lang ang kapit ni sheryl crow sa kanya. pag nagse-sex kaya sila eh para pa rin siyang nasa tour de france?

Continue reading ""Age is not a particularly interesting subject. Anyone can get old. All you have to do is live long enough."" »

June 28, 2005

A CREAM PUFF INTO A SIGH OF SENSIBILITY

isa sa matagal na naming kinagigiliwan dito sa singapore ay ang ubod ng sarap na "beard papa cream puff" . ito ang type ng cream puff na gusto ko - hindi masyadong matamis. kaya nga kahit naka lima ka na, hindi pa rin magsasawa sa lasa. mga hapon ang gumawa nito and trust the japanese to create a better version of a western invention. highly recommended na naman - sigurado akong makakalimutan mo ang boypren mo pag nakatikim ka nito. kaya widawt parder adyuw, eto ngayon dear brader en sister, ang six easy steps kung papaano kumain ng cream puff.

Continue reading "A CREAM PUFF INTO A SIGH OF SENSIBILITY" »

May 30, 2005

Sunrise doesn't last all morning, A cloudburst doesn't last all day

around this time last year, umuwi kami sa pilipinas ni jet kasi 80th birthday party ng mommy ko. medyo masama ang pakiramdam ko nung time na yon dahil 2 days nang sumasakit ang aking tiyan. akala ko eh bulate lang o kaya impatso. i will find out later na hindi pala at kahit anong dami ng inumin kong combantrin eh hindi ako gagaling. my dear brother en sister, exactly one year ago today, pumasok ako sa hospital para magpatuli dahil sumabog ang appendix ko. at kasabay nito ang paghinto ko sa paninigarillo. en teyk nowt, huminto ako ng cold turkey baby, cold turkey. major milestone sa buhay ko talaga yan kasi i've been a smoker for over 20 years and have been trying to quit for the longest time at hindi ko magawa. parati na lang akong may excuse - kesyo maraming pressure sa trabaho, kailangan ko sa pag entertain ng mga customers, kesyo masarap tumae pag naninigarillo, etc. etc. my dad and my brother died of smoking related illnesses and i knew that if i didn't stop, i'd probably die from it as well someday. there's nothing like being hospitalized to make you start thinking about your mortality. perhaps, that was the reason why i was able to stop - i didn't want to die just yet. happy anniversary to myself. bilang regalo sa sarili ko, bibili ako ng isang kahang marlboro reds. BWAHAHAHAHAHAHA.

May 25, 2005

Only the beginning of what I want to feel forever

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet - seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers... bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang "ode to joy" ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet - chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga - ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don't know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Continue reading "Only the beginning of what I want to feel forever" »

May 23, 2005

AUTOMATIC FOR THE PEOPLE

AUTOMATIC FOR THE PEOPLE - is named after the slogan of a food restaurant in REM's hometown of Athens, Georgia

May 15, 2005

Everyone has talent. What is rare is the courage to follow the talent to the dark place where it leads

1. kaya kong itaas ang kanang kilay ko

2. napapagalaw ko rin ang tenga ko

3. kaya ko ring pagalawin ang magkabilang pisngi ng pwet ko pero mas malakas ang galaw ng kaliwang pisngi (siguro dahil left handed ako)

4. pag tulog ako, nagigising ako kasi naririnig ko ang sarili kong humihilik.

5. sa umaga pagkagising, kaya kong gawing korteng tent ang underwear ko.

May 10, 2005

THE TROUBLE WITH BLIND DATES...

MUKHA SIYANG DRAGON

April 27, 2005

Lovers celebrate Valentine's Day, Masturbators celebrate Palm Sunday

nagising ako kanina medyo masakit ang ulo ko. siguro dahil sa puyat. marami kasi akong pinagkakaabalahan ngayon pag gabi - wala pa rin si jet dito sa singapore kaya nga panay ang mariang palad ko nalilibang ako sa computer. ayan tuloy, minsan napapatagal at di agad nakakatulog. ok, tuloy ang kwento... nagising nga ako ng medyo masakit ang ulo. dumiretso agad ako sa banyo at nagsalamin - baka kasi may palakol na nakasaksak sa ulo ko. kakabasa ko lang kasi the previous night tungkol sa isang russian na nagising isang umaga na masakit ang ulo - nakita na lang niya na may kutsilyong nakasaksak sa kanyang mukha. CLICK HERE para sa full story.

Continue reading "Lovers celebrate Valentine's Day, Masturbators celebrate Palm Sunday" »

April 25, 2005

I remember the thirty-five sweet goodbyes

BATJAY, BIKER DUDE balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko - silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.

April 20, 2005

POPE BATJAY DA PERS

POPE BATJAY DA PERS gusto ko lang pong i-announce na may bago nang pope ang mga demonyito sa mundo - si pope batjay da pers. BWAHAHA. yan ang magiging pope kung nagkatutuo yung "super suspension of disbelief" angels and demons story ni dan brown. kanina nga pala, nagpunta ako sa suntec city for a trade exhibit. may nakasabay na naman ako sa train na may bitbit na "da vinci code". lalapitan ko sana at ibubulong ko ang ending ng libro. hehehe. kaya lang, baka sapakin ako. nginitian ko na lang at ibinulong na kanya na - "hoy pssst, repeat after me: mary magdalene is the holy grail, mary magdalene is the holy grail". na bad trip kaya yon? mukhang kakasimula pa lang niya ng pagbabasa eh. 'nga pala, yung exhibit na pinuntahan ko ay tungkol sa mga drug lords pharmaceutical industry. may dumating nga na customer kanina. eh di kinamayan ko. firm handshake raw, sabi ng daddy ko para sign daw ng confidence. ok na sana eh, kaya lang pagkatapos kong makipag handshake sa kanya, bigla ba namang tumalikod at nangulangot. bwakanginangyan. di ko alam kung matutuwa o maiinis. matutuwa dahil nangulangot siya pagkatapos kong kinamayan. or, maiinis dahil baka kanina pa yon nangungulangot at ginawa lang niyang interlude ang aming handshake. ah, better not dwell on that thought.

KARAGDAGANG BALITA: punta nga pala kayo sa blogkadahan.com site dahil toka ko po ngayon. basahin ninyo ang blog kong pinamagatang "GUSTO KONG MAGING ASTRONAUT NA MARUNONG MAGKULOT NG BUHOK". sana po ay magustuhan ninyo. mag iwan din kayo ng comment doon para masaya.

April 18, 2005

FULLY EXPOSED

BATJAY PORNSTAR nagsimula akong mag blog nung september 2001. just around the time ng pag crash ng mga eroplano sa world trade center. isang buwan pa lang ako sa singapore nung time na yon, malungkot at undersexed. in short, homesick ako at namimiss ko si jet. i was almost at a point of giving up. mas masarap kasi sa pilipinas - may sariling bahay, maganda naman ang trabaho at kasama pa ang mga kaibigan at kamag-anak. ang aking frame of mind when i started working in singapore: bored and unhappy. ang site na ito ang tumulong to keep the demons at bay, so to speak. naging therapy ko ito pag homesick. pag sobra na sa pag ingles at gustong managalog, dito lang ako pupunta. for about a year i kept my site private pero nang magtagal, napansin ko may mga bumibisita na at eventually may mga naglalagay ng mga comments. pagtapos, may mga nakilala na rin na mga disenteng mga tao (na tulad kong perverted inside) na naging mga kaibigan ko (pwedeng utangan - BWAHAHA). tapos ngayon, na feature pa ako sa dyaryo. kung may kaunti kayong barya, bili naman kayo ng manila bulletin at basahin ang "BLOG-O-RAMA" article ni Annalyn Jusay. naka feature ako, believe it or not. hehehe. not bad for a simple bastos OFW from singapore na isang dating supot pero tuli na ngayon kaya wala nang kupal. bilang pagpapasalamat, hayaan nyo akong mag speech...

ay wan tu tenk Annalyn Jusay for being mahusay. ay wan tu tenk my parents for giving me baon. ay wan tu tenk god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. ay wan tu tenk my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 14 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

April 13, 2005

GUWAPO KAAYO DINHI SA SUGBU.

on the last leg na ng aming two week road show. we were in mumbai, new delhi and kolkata last week. then manila last tuesday and finally cebu this thursday. nakakapagod na talaga. pero at least masaya dahil narito sa bayang magiliw. nasa cebu na kami. we flew in from manila this morning at delayed ang flight. may problema raw ang isang engine ng eroplano at kailangan pang i-manual restart. ano kaya ibig sabihin non? itutulak kaya nila ang eroplano para mag jump start ang engine? pero sabi naman ng pilot di raw ito makaka apekto sa pag lipad ng eroplano. "don't worry, ladies and gentlemen. engine number 4's failure will not crash the airplane" - sabi ng piloto. thank you captain. that is certainly nice to hear. cool na cool ako sa labas pero deep inside, the reptilian part of my brain says "bwakanginangyan, sana naman engine 1, 2 and 3 wont quit on us".

Continue reading "GUWAPO KAAYO DINHI SA SUGBU." »

April 12, 2005

MAYROONG HIMALA!!!

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan...

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos - sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala... marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba'y pagsubok mo...

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY - kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na - akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign - sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.

April 11, 2005

IS THIS YOUR WAY TO HIDE A BROKEN HEART?

mona lisa smile

THE TWISTED VERSION OF THE MONA LISA. LOOK AT MY MOLE EN MY BIGOTE!

Continue reading "IS THIS YOUR WAY TO HIDE A BROKEN HEART?" »

April 02, 2005

BORN TO BE WILD!

BATA PA LANG AKO, MALIBOG NA AKO

punta muna akong india mga kapatid. habang naroon ako, pagtripan nyo muna ang peborit baby picture ko. hindi po yan tiyanak na nagjajakol - ako po talaga yan. maaga kasi akong naglandi. sabi nga ng mga kapatid ko, di pa raw ako nagsasalita - kinakadyot ko na raw yung isang poste ng bahay namin.

March 31, 2005

LASTIKMAN BATJAY, ANG KILABOT NG MGA KABABAIHAN

SI LASTIKMAN BATJAY, ANG KILABOT NG MGA KABABAIHAN

marami ang hindi nakaka alam pero ako po si batjay lastikman, ang superhero na mayrong kakayahan na mag stretch ng anumang parte ng kanyang katawan. karamihan po ng mga superhero ay mga lalaki ang fan base pero ibahin ninyo ako. most, and i would even venture to say, all of my fans are female.

Continue reading "LASTIKMAN BATJAY, ANG KILABOT NG MGA KABABAIHAN" »

March 30, 2005

Blog-o-Rama

eto pa pala ang isang babasahin. pag may oras kayo, imbis na mangulangot eh bakit di kayo magpunta sa "blog-o-rama" - ito yung weekly column sa manila bulletin ni AJay. ang article this week ay interesting - tungkol sa "How Blogging Started in the Philippines". mayron ngang special mention sa akin si AJay. bwehehe. maraming salamat dahling - nagmukha tuloy akong kagalang galang. sino ba talaga ang nagpauso ng blogging sa pilipinas? nag start akong mag blog formally nung september ng 2001. nalolongkot kasi ako rito sa singapore kaya imbis na magmukmok ay naisipan kong isulat ang mga experiences ko as an OFW. pero even then - marami nang mga pinoy bloggers. some of them are still around and they are the ones who really have interesting things to say. kumbaga, na prune na ng time ang mga bloggers at ang mga natira na ay mga tunay na gems. you can check them out - ate sienna, mona, si ibalik, markmongmukhamo, don manuel. yan mga idol kong gurang na sa pagsusulat online. bwehehehe. sila talaga ang mga masasabi mong - "may asim pa".

Continue reading "Blog-o-Rama" »

March 29, 2005

THE REBELS WITHOUT BECAUSE ON "PERS LAB"

baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na "The Rebels Without Because". nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.

yung entry ko sa "PERSLAB" entitled "NADAAN AKO SA TAWA" ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo - patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it "a relationship that was started by laughter"). don't get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we're in our fourties. in fact, it's been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it's better than sex.

March 24, 2005

In my solitude you haunt me, With dreadful ease of days gone by

GENTLE READER: unkyel batjay, ano po ba ang advantages ng mag-isa sa bahay?

BATJAY: dear gentle reader, kahit malungkot ako dahil nasa 'merika pa ang mylabopmayn ko ay mayron pa ring advantages ang mag-isa sa bahay. una, pwede kang magblog ng nakahubo. isa pang maganda ay pwede kang mangulangot ng dalawang kamay na walang sasaway sa iyo at magsasabing - "hoy papa, huwag kang mangulangot ng ganyan, ang baboy baboy mo!"

March 23, 2005

And we have just one world, But we live in different ones

NOTRE di pa na declare ang martial law, magkakasama na kami. a brotherhood that started in 1971, when we were in kindergarten - pakingsheet, we have been friends for 34 years. ang tagal na pala. from left to right: levi, tony, batjay, xoxo and raymund. nagkita kita kami one cold winer night in LA. kanina ko lang natanggap ang mga kodak at natuwa ako nang makita ito. si levi ang enforcer namin nung high school. very tight kasi ang batch namin at pag may umaaway sa amin na higher or lower years, siya ang umaareglo - kadalasan nagugulpi ang mga kinakausap niya. si tony naman, umalis nung 3rd year high school kami and i haven't seen him since 1982. mayron na siyang pamilya ngayon sa LA, di pa rin nagbago ang katawan at ugali. si XOXO naman ang aming muse. gay to the bone at virgin pa raw sa kaliwang butas ng tenga. another one of my kindergarten classmates - we haven't seen each other since our high school graduation. masarap yakapin dahil machong bakla at ang bango-bango. hehe. si raymund - one of my closest friends at brother in arms sa EDSA. we were together in malacanang the night marcos left. hetong isang magandang kwento tungkol kay raymund bilang pangwakas ko sa tribute na ito.

Continue reading "And we have just one world, But we live in different ones" »

March 22, 2005

Waving goodbye with an absent-minded smile I watch her go with a surge of that well-known sadness

Hannibal Lecter: First principles, Clarice. Read Marcus Aurelius. Of each particular thing ask: what is it in itself? What is its nature? What does he do, this man you seek?

Clarice Starling: He kills women--

Hannibal Lecter: No! That is incidental. What is the first and principal thing he does, what need does he serve by killing?

Clarice Starling: Anger, social resentment, sexual frustration--

Hannibal Lecter: No, he covets. That's his nature. And how do we begin to covet, Clarice? Do we seek out things to covet? Make an effort to answer.

Clarice Starling: No. We just--

Hannibal Lecter
: No. Precisely. We begin by coveting what we see every day. Don't you feel eyes moving over your body, Clarice? I hardly see how you couldn't. And don't your eyes move over the things you want?

how far are you willing to go para maibigay ang inyong hilig? pag may nakita ka ba na gusto mo, do you go on a mindless pursuit until you get what you want? ako minsan pag may gusto akong bilhin, binibili ko kahit wala akong pera. lalo na pag libro, music or pelikula. may kaibigan ako nung high school, hindi kumakain buong araw para may pang date sa girlfriend niya every friday evening. "o, nagfa-fasting ka na naman" ang bati namin sa kanya pag nakita naming nakaupo ng maaga sa tambayan. nung sabado ang lakas ng craving ko sa fish head curry at inikot namin nina eder at leah ang buong singapore pero kami'y nabigo. umuwi akong luhaan. pero wala talagang tatalo doon sa isang babae sa romania, dahil sa sobrang pagka atat niya na makalaro ng bingo ay nakalimutan niya yung anak niya sa likod ng taxi. bwakanginang kundi ba naman gago.

March 17, 2005

ANG MGA BATANG KANING LAMIG

ANG ako nga pala si batjay, ang dating folk singer ng ma mon luk. thirty nine years old na ako (pero tinitigasan pa rin) at labintatlong taon nang kasal (buti na lang talaga, tinitigasan pa rin). kaliwete akong magsulat (pero ang paghugas ng pwet ay kanan) at partially color blind (may mga shades of red and green akong hindi ma distinguish). apat na taon na akong nakatira sa singapore kasama ang misis kong si mylabopmayn jet. ayaw ko sanang umalis sa pilipinas dahil mahal ko ang aking bayang magiliw kaya lang nasilaw ako sa pera.

dahil kyut ako at malakas tumawa ay sinuwerte ako na mapabilang sa isang e-group na walang magawa sa buong magdamag kung hindi magtsismisan at magpatawa sa email. sa sobrang dami ng mga kwento namin sa isa't isa ay nabuo tuloy ang - "Blogkadahan.com: The Rebels Without Because". ang title na ito ay galing sa pelikula ni redford white. napaka angkop dahil ang site na ito ay tungkol sa mga kwento ng mga taong matino na walang magawang matino. pero don't get me wrong, sila ay mga respetado sa kani kanilang mga propesyon and you can never find a more kind hearted, intelligent, funny and not to mention beautiful group of people anywhere else. isa pa, wala silang mga anghit. ito ang pinakadahilan kung bakit ko sila nagustuhan.

Continue reading "ANG MGA BATANG KANING LAMIG" »

March 15, 2005

LEGENDS

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade - Theatres on the Bay. more than that - they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer - a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance - no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show - we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me - she is probably binky's biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend - si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called "killer waves". jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn - now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng "Beijing 101", yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway - sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa - ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

March 08, 2005

BATJAY BIKINI BRIEF

BATJAY

Continue reading "BATJAY BIKINI BRIEF" »

March 02, 2005

A BEAUTIFUL MIND

nung nag-aaral pa ako sa college, mayroon kaming isang instructor na talagang borderline baliw. napaka eccentric niya pero beloved in a twisted kind of way ng buong school. he was a legend even then. ang pangalan niya ay si mr. sison. kahit na sinong graduate ng mapua during my time ay dumaan sa kanya, one way or another. binigyan ko nga siya ng tribute sa isa kong entry dahil talagang ang galing niya. basahin ninyo DITO.

sino ba naman ang hindi matutuwa sa isang teacher na naglalakad sa corridor ng school na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse. na bumababa sa hagdan ng paatras dahil baka raw may tumulak sa kanya. na nagtatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher. pag-tagal siyempre, aalis na yung mga studyante. bigla syang lalabas from under the table at sisigaw ng: "hahaha nandito ako!". what a character. credit din to my school who ignored his eccentric behaviour and embraced his genius mind with open arms.

Continue reading "A BEAUTIFUL MIND" »

March 01, 2005

ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND

ISANG project engineer ako all throughout the 1990's kaya kung saan saan ako napupunta sa iba't ibang parte ng pilipinas upang magtayo ng kung ano anong mga planta. maraming mga pagkakataon na ang assignment namin ay nasa bundok. sa katunayan, ang picture na ito ng dalawang shaolin master na engineer na naka kung fu pose ay kinuha sa itaas ng bundok sa bacon, lalawigan ng sorsogon, bicol region. kasama ko ang aking kumpareng si constantino (ang pangalan ng napangasawa niya ay elena, i shit you not. kaya sikat sila pag may mga santacruzan). ang isang problema pag tumira ka sa bundok ay ang pag ligo. minsan naglalakad kami ng malayo sa paghanap ng water source. at malamig ang tubig sa bundok. parang galing refrigerator na halos umurong ang pototoy mo sa lamig.

Continue reading "ETERNAL SPOTLESS OF THE SUNSHINE MIND" »

February 26, 2005

THE DIARY OF A WEEKEND HOUSE HUSBAND

NAGPAGUPIT dear mylabopmayn, matutuwa ka na naman sa akin. marami na kasi akong nagawa ngayong sabado and it's not even lunch time. una, nagpunta ako sa barberong malay para magpagupit. ayan, tingnan mo ang bago kong hairdo. bagay ba? huwag kang mag-alala mylab, buhay pa siya. pagkatapos magpagupit ay dumiretso ako sa turo-turo para mag brunch. nag order ako ng paborito nating chicken chops with rice. may nakatabi akong matanda na tingin ng tingin sa akin. na conscious tuloy ako at medyo nag dekwatro. mahirap na at baka bigla niyang dakmain ang betlog ko. dumiretso ako sa grocery after the meal. marami nga akong napamili. bigas, kang-kong, liempo at tatlong bote ng juice (na bininyagan kong juice ama, juice anak at juice espirito santo). naawa ako doon sa isang bata na nakasabay kong mamimili. medyo masikip kasi sa bilihan ng karne at sa pag-iwas ko sa mga tao ay nasiko ko sa ulo ang bata. tapos nung nagbabayad ako, bigla akong napabaling sa tindera. nasiko ko na naman ang ulo nung bata ng ikalawang beses. siguro nahihilo pa rin siya hanggang ngayon. pero nag sorry naman ako ng dalawang beses.

Continue reading "THE DIARY OF A WEEKEND HOUSE HUSBAND" »

February 24, 2005

MY LIFE AS A COCK COOK

bacon strips, stir fried mushrooms, eggs and white rice

Continue reading "MY LIFE AS A COCK COOK" »

February 19, 2005

MGA KASALUKUYAN

KASALUKUYANG NILALARO: ang pototoy ko. kaya puro kalyo nang kaliwang kamay ko eh. "Oddworld Stranger's Wrath" for the XBOX. walastic, nabighani ako rito. ang galing at bagay na bagay sa aking sick personality. sa larong ito, ikaw ay si "stranger", isang bounty hunter sa oddworld (na kung saan, ang mga inhabitants ay mga taong manok). kailangan mong hanapin ang mga wanted na mga characters all over oddworld to get enough bounty money for stranger's operation. ano ang parte ng katawan niya na ooperahan? di ko pa alam. wala pa ako sa kalagitanaan ng kwento sa game eh.

KASALAKUYANG BINABASANG COMICS: "Alias" 1, 2, 3 and 4 ni Brian Michael Bendis at Michael Gaydos. kwento ni jessica jones, isang superhero na nagsawa from being a superhero kaya nag decide na lang siyang maging isang detective. marami siyang hang ups sa buhay. her life is shitty, she sleeps with the wrong people, she drinks and smokes a lot at malutong pa siya kaysa sa akin kung magmura. my kind of hero.

Continue reading "MGA KASALUKUYAN" »

February 16, 2005

My life has been a tapestry of rich and royal hue

home alone ako ngayon hanggang april (or possibly even may - araguy). mga two months din na wala si jet sa tabi ko. ang laki laki pa naman ng flat namin dito sa singapore. four rooms, one big hall at spacious kitchen... at isang kupal na kakalog kalog (ako yon). may pupunta naman once a week para gawin ang housework. pero ako pa rin sa pagluto (which i really enjoy) at paglabada (na hindi ko kabisado). spoiled kasi ako. all my life, mayrong mga nag aayos ng mga pangangailangan ko sa bahay habang ako'y naghahanap buhay. nung bata ako, ang mommy ko. nung nag-asawa naman ako ay si jet ang siyang naging house manager. bagay na gusto niyang gawin at siyempre ok na ok para sa akin. ang problema lang niyan ay pag dumarating ang mga pagkakataon tulad ngayon - dalawang buwan kaming hindi magkikita. oo, siguradong kakapal ang kalyo ko sa kamay kaya nagbaon na nga ako ng maraming lotion eh. pero actually hindi naman yon ang problema ko... ang major problem ko ay ito (sana ay matulungan ninyo ako rito): pag ang t-shirt mo ay puti tapos ang kwelyo niya ang dark blue, saan siya babagsak - sa puti o sa decolor?

February 15, 2005

A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?

ITO ANG HITSURA KO PAGKATAPOS MAGLANDING NG EROPLANO KANINANG MADALING ARAW katulad ng sabi ni tito rolly, pangkaraniwang mukha ko ito. in effect, inaayos ko lang ang sarili ko pag may kaharap na ibang tao at front ko lang yung guwapo kong mukha para sa mga bisita. this is also the face you see pag stressed out ako o malungkot. ganito ang mukha ko nang lumabas sa eropplano kanina. sobra sigurong jet lag. isa pa miss ko na ang mylabopmayn kong si jet na naiwan sa sacramento. ano ba yan - "jet" lag both literally and figuratively. di bale sandali lang naman. sana pag balik niya ang bumalik din ang dati kong anyo. may magkakagusto kaya sa akin kung ganito ang mukha ko? may kakausap pa kaya sa akin? what would you do kung may kumatok sa bahay ninyo na ganito ang mukha at sinabing - "sa department of health po ako nagtatrabaho. gumagawa kami ng survey tungkol sa condom at sa iba't ibang mga family planning methods. pwede po bang tumuloy?"

February 04, 2005

Sometime, Someday, All the bridges and the bays. The summer days are gone. In fall, he'll call, the song...

SPIDERMAN IN PEBBLE BEACH unang gabi namin ngayon sa yunayted istet kaya puno na naman ako ng mga kwento tungkol sa mahabang flight from singapore to san francisco. puno ang eroplano na galing pa yata sa india at ang kukulit ng mga pasahero. may isang lola pa nga na nakipagsingitan at nakipagtulakan sa akin. sarap dagukan. hehe. pakiwari ko eh ang kakulitang ito ay parang yung mga bagong kaibigan ni sassy lawyer na mga plagiarist. kundi ba naman mga gago - sisirain ang mga pangalan nila by copying sassy's recipe for bopis. ang saving grace lang ng mahabang flight ay pagdating namin ng san francisco ay may nagaantay sa amin sa airport na kaibigan. thank you cathy for stopping what you're doing and dropping by to meet us. it meant a lot. si cathy ay si The Ca T - ang matagal ko nang idol na blogger. paborito rin siya ni manuel l. quezon trilogy dahil sa kanyang kakaibang sense of humor. isang malaking karangalan kaibigang cathy ang makaututang dila ka. napasigaw nga ako sa airport dahil ang pakilala ni cathy sa amin ay: "magandang hapon po, pwede ko ba kayong ma kidnap". first time kasi naming magkita - muntik pang nauwi sa atake sa puso.

Continue reading "Sometime, Someday, All the bridges and the bays. The summer days are gone. In fall, he'll call, the song..." »

February 03, 2005

THE CORINTHIAN

SMILE THOUGH YOUR HEART IS ACHING

Continue reading "THE CORINTHIAN" »

February 01, 2005

WHEN STREAMS ARE RIPE AND FILLED WITH RAIN

june, she changed her tune.
july, she will fly.
august, die she must.
september, i remember.

october... um, october? hanggang september lang ang kantang "april come she will" ni paul simon, pano ba yan? ah basta.

november, araw ng patay.
december, pasko.
january, bagong taon.

8 months! packingsheet, 8 months na akong hindi naninigarillo. major milestone baby. and in honor of this day, i played the live version of led zeppelin's "Dazed And Confused" in my iPod while cycling to work. i swear to god, humaba ang buhok ko ng 2 inches by the time i got to the office. naghihintay na rin nga ako kung may sisigaw ng "sindihan na yan".

January 31, 2005

The silicon chip inside her head gets switched to overload

lunes. pasok na naman. medyo na late nga akong nakarating sa opisina. ang tagal ko kasing naghintay bago ko na feel na umupo sa trono. morning ritual ko kasi yan at hindi ako comportable pag hindi ako na ebs sa umaga. impak, ang magandang tanong pag nakita mo akong mainit ang ulo ay "kulang ka ba sa sex?" "hindi ka na naman natae ano?"

Continue reading "The silicon chip inside her head gets switched to overload" »

January 23, 2005

BAD SNEAKERS AND A PINA COLADA MY FRIEND

TIP OF THE WEEK: kung gumagamit kayo ng firefox sa pag browse ng internet (and you should if you haven't) then it makes sense to visit chin wong's "digital life" site para makakuha ng tips on how to tweak firefox and make it run even faster. sinunod ko ang mga instructions sa site niya na parang utu-uto and i shit you not, talagang bumilis. pakiwari ko eh parang uminom ng speed ang aking PC. at before i forget, eto nga pala ang isa pang importanteng tip: huwag na huwag ninyong pagsasamahin ang glue at eye drops sa cabinet. bakit kamo? eto basahin ninyo ang balita galing england: "A grandmother ended up in hospital when she confused her eye drops with superglue." ang sabi sa report eh nagdikit daw ang pilik mata ni lola. gusto kong matawa pero hindi ko magawa.

Continue reading "BAD SNEAKERS AND A PINA COLADA MY FRIEND" »

December 17, 2004

YOU KNOW IT'S BEGINNING TO LOOK A LOT LIKE CHRISTMAS WHEN...

1. ...your friends surprise you with gifts. lumabas na ang christmas gift na templates ng ninang kong si ate sienna kay mylabopmayn jet. para makita ito, punta kayo sa bagong poetry site ni jet called di-VERSE-ified. tapos bisitahin na rin ninyo ang bagong layout ng kanyang My Life... A Cup of Deja Brew site. may poetry site rin ako kung gusto ninyo ng mga tulang nagwawala - ngyehehe.

2. ...you come face to face with midgets. may nakasabay akong mag-asawang unano sa train kahapon. ang suspetsa ko ay kasali sila sa russian circus na narito for a christmas show. it was really weird: tinitingnan ko ang mag-asawa and my head was going left-right-left-right and all the while they had this silly grin. and pakiramdam ko nga ay para akong nasa loob ako ng pelikulang... ano na nga ba yung ginawa ni spielberg na ghost story - ah, putragis!

Continue reading "YOU KNOW IT'S BEGINNING TO LOOK A LOT LIKE CHRISTMAS WHEN..." »

December 15, 2004

Not everything that can be counted counts, and not everything that counts can be counted

gumagawa si jet ng maikling bio para sa PINOYEXPATS ni melissa. medyo complicated pala ito. ano ba ang dapat ilagay na qualifications sa bio to describe yourself in the shortest possible way? ang identification mo ba as a person ay dictated ng career? hobbies? pamilya? kung pag-iispan mong talaga, very interesting pala ang thought process involved sa pag-gawa nito. kung ako ang gagawa ng bio, eto ang isusulat ko:

jay has been a systems engineer all his life but all he ever wanted was to become a shepherd or a lighthouse keeper. he is left handed and is partially color blind. his wife jet adores him so much because he is good looking and doesn't spill his food when he eats... most of the time. he loves to take a bath although there are times when he forgets to brush his teeth. he is always sleepy but sometimes he is hungry.

jet has gone from nursing patients with heart ailments to managing a value-added telco service sales team, Now she's a stay-at-home wife to her husband, jay, in singapore. asked how she would describe the twists and turns of her career track in one word, she calls it progress. jay loves jet so much because she is loving, caring and has a very hearty laugh that could be heard miles away. she also loves his corny jokes and doesn't flinch when he farts, even if he farts under the covers.

even after 13 years of marriage, jay and jet still have a great sex life, much to the discomfort of their neighbors.

December 02, 2004

THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng "THE BEST BLOGGER FOR 2004" sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan... baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

Continue reading "THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!" »

December 01, 2004

Sing, burn, flee, like a belfry at the hands of a madman

siraulong luko-luko pero di na naninigarillo ngayon ang sixth month anniversary ng paghinto ko ng paninigarillo. i had my last stick, the day i entered the hostpital for an appendectomy (i had a ruptured appendix and i almost died, the doctor dramatically said). siguro daw dahil sa sobrang ginamit na anaesthesia kaya ganito ako karetarded. bilang celebration sa aking 6th smoke free month ay bumili ako ng isang kahang winston nag lunch kami sa labas ng mga kaopisina ko. kumain kami ng masarap na chicken rice sa dover road (sikat ito sa singapore). presko rito dahil malakas ang hangin at sa ilalim ka ng malalaking acacia nakaupo. medyo minalas nga lang ako dahil nataihan ng ibon ang kamay ko. tanginangyan. buti na lang tapos na akong kumain, kundi baka kung ano pang kahihiyan ang nangyari. wala namang nakapansin kaya dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pinunasan ko ng bimpo. iniisip ko na lang, sign ito from heaven. sana lalo akong swertehin dahil dito. taya kaya ako sa lotto?

November 28, 2004

Charades, pop skill, water hyacinth, named by a poet, imitation of life

eto na naman ako with my weekend listahan ng musika, libro, pelikula at laro. mga kalipunan ng mga ek-ek na gusto kong i-share. isa isahin natin sila:

SONG OF THE WEEK: "imitation of life" by R.E.M. isa na namang paboritong kanta galing sa isa sa aking paboritong grupo. masaya ang kantang ito at pwede mo itong patugtugin kahit saan. ako nga, pinapakinggan ko ito pag nagluluto ng weekend breakfast namin ni jet.

KASALUKUYANG NILALARO: ang toto ko. bwahaha. seriously, "HALO 2 Limited Collector's Edition". ang galing talaga ng game na ito. editor's pick sa lahat halos ng mga reviews. yes virginia, the master chief RULES.

Continue reading "Charades, pop skill, water hyacinth, named by a poet, imitation of life" »

November 27, 2004

BAKA MAPANIS YAN

BAKA MAPANIS YAN...

eto ang hitsura ng sinkit na pango na galit sa mundo na lalaking nangungulangot. ang cute ko no? pero kahit ganyan ang mukha ko, malaki naman ang ano ko... butas ng ilong.

Continue reading "BAKA MAPANIS YAN" »

November 22, 2004

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito - biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta...

Continue reading "ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE" »

The first cut is the deepest, baby I know

THE FIRST CUT IS THE DEEPEST, BABY IT'S TRUE rite of passage ng halos lahat ng mga lalaking pinoy ang magpatuli. o sige, isama na rin natin ang mga sister natin na bading dahil tinuli rin naman siguro sila. kadalasan ang schedule ng tuli ay during summer vacation, ie, the months between march and june. it is a long enough vacation para gumaling ng husto ang sugat na dulot ng pagputol ng balat (foreskin) at ng pagtahi. masakit ba ang magpatuli unkyel batjay? ang nagtuli sa aming mga magkakaibigan sa novaliches ay ang aming neighborhood doctor na si dr. paras. may anesthesia kaya hindi masyadong masakit. i would say uncomfortable. i can still remember everything that happened during that day, 27 years ago. packingsheet ang tagal na pala! yung subdivision namin ay nahahati ng tullahan river, at ang kabila ng neigborhood namin ay literally bulacan. nung 1970's, probinsya pa talaga ito kaya ang mga kaibigan namin sa kabilang ibayo ay tinuli by "place your dick in the chopping block, hit it with an itak, sabay talon sa ilog" method. ang problema ay napaka unreliabe nito dahil hindi doctor ang gumagawa ng procedure (nagkakatay ng baboy ang nagtutuli? hindi naman siguro) at hindi sanitary kaya malaki ang posibilidad ng infection (pangangamatis ang tawag namin dito) or much worse maaaring ikaw ay maging "sungaw". sa mga hindi nakakaalam, ang sungaw ay titing tinuli na bumalik sa pagkasupot. mayron mga kapitbahay kaming taga bulacan side na tinuli ng itak na naging sungaw. dumadayo pa sila sa amin para ipa-repair kay doctor paras. naawa nga ako sa kanila kasi alaskado sila ng husto. katulad ng supot, masakit masabihan ng sungaw.

November 11, 2004

What's the Frequency, Kenneth?

nung bata ako, tinanong ko sa mommy ko kung saan ako nanggaling... dinala ba ako ng stork? hindi raw. lumabas din ba ako sa pinagbiyak na kawayan tulad ni malakas at maganda doon sa himlayang pilipino? hindi rin daw. eh saan? sabi niya - galing daw ako sa puwet niya. bigla akong natahimik at hindi nakaresbak.

November 04, 2004

IHI NG BUTIKI

umiihi,
ang butiki
hinuli,
ng pasmadong hikain
kinain.

iniimibtahan ko kayong dumalaw sa aking bagong website - ANG MAKATANG HILAW. ang poetry website na ito ay pang complement sa aking website ng mga awitin. kaunti na lang sigurong bagong skills training ay pwede na talaga akong tawaging "renaissance boy" tulad ni ate mona. iniisip ko nga, mag-aaral akong kumain ng apoy at saka susubukan ko ring matutong magsampay ng batong buhay sa aking betlog.

October 14, 2004

THE MORNING IS FULL OF STORM IN THE HEART OF SUMMER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang sabi po ng matatanda - ang allergy daw sa shrimp/prawns ay nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the spine of the shrimp. so pag-inalis daw yun, pwede mo na itong kainin. kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga, ano po? hehehe. nagmamahal, gentle reader

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, ang recommended daw na gamot, kung sakaling magka allergy ka dahil hindi mo natanggal yung itim na vein that runs through the back of the spine ng alamang, ay dilaan mo raw ang kili-ikili ng langaw. at least, yan ang sabi ng kaibigan kong doctor na sira ulong katulad ko. hope this medical tip helps.

October 13, 2004

The great roots of night grow suddenly from your soul, and the things that hide in you come out again

habang sinusulat ko ito. kasalukuyan pa rin akong nasa gitna ng aking "the great singaporean shrimp allergy attack". ewan ko ba kung saan ko ito nakuha. hindi naman ako nakatikim ng hipon nung lunes. although nakasubo ako ng ilang pirasong manggang hilaw na may bagoong during last saturday's dinner with eder, leah and helen. siguro yun ang dahilan. pero napaka arbitrary naman. nung isang buwan, nag ulam pa kami ng kare-kare at ang dami kong nakaing bagoong. hindi naman ako simumpong. siguro may masamang feng shui na nangyari: baka mali ang ikot ng plato, o kaya iba ang korte ng tinidor na pinangsubo ko kaya ako kinakati. baka naman may natuwa sa akin at na usog ako? if so, kailangan akong malawayan.

at talaga namang napakahirap abutan ng allergy attack. in my case, it takes a week before the allergy finally runs its course. during this time, lahat ng parte ng katawan ko ay kakatihin. and yes virginia, kasama na roon ang kati ng betlog. one time it's your entire arm that's itchy tapos lumilipat na parang virus sa paa. random itong nangyayari na palitapat lipat sa kung saan saan. parang science fiction na story ano? reminds me tuloy of the michael crichton book called "PREY", kung saan isang swarm na micro-robots ang sumanib sa katawan ng mga characters sa novel, transforming them into beautiful people with attitude problems. hmmm... marahil ito na rin ang dahilan ng bigla kong pagka gwapo lately.

September 25, 2004

HOUSTON, WE HAVE A PROBLEM

that's one small step for batjay, one giant leap for batkind nung bata ako, pangarap ko talagang maging astronaut. nagsimula ito nang isama ako ng daddy ko sa basa air base sa pampanga. ito ang tahanan ng "blue diamonds", ang aerobatic team ng philippine air force. ang gusto ko talaga ay maging unang astronaut ng quezon city. pero obviously, di ito natuloy. ako'y tumanda at lahat ng mga panaginip ng pagkabata ay sumama na kay puff, the magic dragon. now, i am 38 years old and a member of a travelling circus. tomorrow, i will fly to manila for a show - i will figuratively eat bubog, climb walls and walk through fire. it's not a bad life really. enjoy nga ako sa ginagawa ko. di man ako naging astronaut - nagkaroon naman ako ng magandang pamilya, magandang buhay at nariyan si jet na kasama kong tatanda. lahat ng mga iyan ay di ko pagpapalit sa outer space. isa pa, i could never pass the physical exam dahil ako'y color blind. maraming salamat nga pala kay polo for making this photo. you don't know how happy you made me, o mandy - kahit halatang bike helmet lang ang suot ko.

September 23, 2004

THE MEASURE OF LOVE, IS TO LOVE WITHOUT MEASURE

sinukat ko ang boobs ko dito sa opisina... 43 inches. ang laki ano? pag nag t-shirt nga ako, bakat ang nipples ko na parang si maria sharapova. lalo na pag malamig. hehe. bakit ko na ito nabanggit? kailangan kasi ang sukat ng malusog kong dyoga para sa bike t-shirt na inorder ko sa opis namin sa california. maiba ako: ginagamit pa ba ang salitang "dyoga" ngayon sa mga usapang pinoy? di ko na ito masyadong naririnig. nung araw kasi, ito ang slang word for "breast" at may joke pa nga na associated dito:

flat chested = walandyo
medium sized = medyo
big whopper boobs = mountain dyo

nung high school, mayron kaming school mate, ang apelyido niya ay "casuso". he was the best trumpet player in the school band. nakakaawa siya kasi ang tawag sa kanya ng buong school ay "cadyoga". ang panunuksong ito went on for one whole year at malimit mong maririnig ang mga sigaw na "hoy cadyoga, mag bra ka naman", lalo na pag nagtotorotot siya. sometimes it gets really bad: "hoy casuso, ikamusta mo kami kay capekpek". then nagulat na lang kami isang araw nang malaman naming legally siyang nagpalit ng apelyido. yung "casuso" ay naging "casus" na lang. we had no choice, from that day onwards, ang naging tawag namin sa kanya ay "cadyog".

September 18, 2004

CENSORSHIP AND THE XBOX

isa sa mga kinhihiligan ko lately ay ang pagjakol paglaro ng XBOX. pinalagpas ko ang gameboy at playstations 1 and 2. but i finally succumed to the temptation dahil na-impress ako ng husto nang nakita kong naglalaro sina jet at leah a month ago. ibang klase na talaga ang mga games ngayon. ang layo na ng narating ng gaming console from my days playing "pacman" using our old beloved atari 2600 nung way back 19-something kopong kopong (tangina ang tanda ko na). even prior to that - na addict din ako sa mga lumang arcade games tulad ng "pong", "space invaders" at "night driver". dinadayo pa namin nung araw ang fiesta carnival sa cubao o kaya ay harrison plaza para lang makalaro. tapos nga pala - there was nintendo's "game and watch". hehe. paborito ko yung "parachute" at "octopus". teka nga, nasesenti na naman ako. di na siguro alam ng mga nagbabasa nito kung anong mga pinagsasabi ko. hehe. anyway. back to the xbox...

Continue reading "CENSORSHIP AND THE XBOX" »

September 13, 2004

LAUGHING LIKE CHILDREN, LIVING LIKE LOVERS, ROLLING LIKE THUNDER UNDER THE COVERS

JAY AND JET'S WEEKEND SPECIAL IN BINTAN ISLAND, INDONESIA ngayon ang ikatlong anibersaryo ng blog ko. tatlong taon na pala. parang kailan lang ay para akong tatanga-tangang bagong salta rito sa singapore. ngayon ay umasenso na ako: tatanga-tanga na lang at hindi na bagong salta. sobra kasi ang lungkot ko during my first two months at sinimulan ko ang blog na ito para gawing outlet. bilang celebration (of sorts), nagpunta kami ni jet sa bintan island during the weekend. kasama namin sina leah at eder (maraming salamat sa inyo ulit. it was a special weekend). naku! napakasaya. dahil sikat sina leah sa bintan, kung ano anong mga upgrade ang nakuha namin. por eksampol, binigyan nila kami ng sariling three bedroom villa near the beach. at saka... ang daming itlog doon. prinito, nilaga at oo virginia - mayron ding may pulbos. naka dalawang sunny side ata ako at saka isang napakalaking omelette during breakfast. egg heaven, i tell you. CLICK HERE to view the web album. makikita ninyo ang utong ko sa mga litrato kaya huwag ninyo akong isumbong sa MMDA.

September 06, 2004

SIR, ANONG GUSTO NYO SA ITLOG NYO? NILAGA? PRINITO? O MAY PULBOS?

alleluiah, dear braderensister. ayon sa aking computation (based on the facts, which cannot be denied). by the power of grayskull, today is my 100th day na hindi nanigarillo. patawarin nyo na ang pagyayabang ko. i have been a smoker for more than 20 years and pakingsheet i am so proud of da pak na nakahinto ako. through sheer guts and determination (not to mention da help of a beriberi labli en byutipul wife), i have stopped. kaya isuot na natin ang ating mga maingay na amerikana at iwagayway na po natin ang ating mga puting bimpo, braderensister, at sabay sabay nating isigaw - SEKSI!

Continue reading "SIR, ANONG GUSTO NYO SA ITLOG NYO? NILAGA? PRINITO? O MAY PULBOS?" »

September 02, 2004

NOW HERE I GO AGAIN, I SEE THE CRYSTAL VISIONS

mayron akong recurring dream lately tungkol sa paninigarillo. sa panaginip ko, nakaupo ako sa isang tabi, kakatapos lang kumain at enjoy na enjoy sa kakahitit. siguro, it's my subconscious working overtime on my craving. i haven't had a smoke since may 30. ako'y proud diyan sa record ko at pakiramdam ko, napaka healthy ko nang talaga. but i really do miss it. all things considered though, ok na rin ngayon. at least, mayron pa rin akong paraan para makapanigarillo - kahit sa panaginip lang.

Continue reading "NOW HERE I GO AGAIN, I SEE THE CRYSTAL VISIONS" »

August 29, 2004

A WORLD THAT BECKONS LIKE A LIBERATION

there's a certain magical quality when you come home in a bicycle at two o'clock in the morning. your legs are aching after a four hour road trip around the island but you're still pumped up. you're so happy that you don't want the day to end just yet. you still want to go out and cruise till sunrise. but you really can't because you already stink and the shower beckons.

Continue reading "A WORLD THAT BECKONS LIKE A LIBERATION" »

August 25, 2004

AND EVERYTHING UNDER THE SUN IS IN TUNE, BUT THE SUN IS ECLIPSED BY THE MOON

simula august 24 hanggang september 1 ay may special feature ang "Where in the world is Spiderman" site ko. itatanghal doon ang meditations ni marcus aurelius (oo virginia, siya yung emperor doon sa pelikulang gladiator na ginampanan ni richard harris pero hindi talaga yon ang storya ng buhay niya). tapos, may katambal ang meditations na mga kanta ni eddy vedder.

i call the photos my solar eclipse series. kinunan ko one winter morning sa sydney. kakadating ko lang galing sa airport and i had time in my hands. imbes na mangulangot, kinunan ko ang sunrise.

August 24, 2004

So you run and you run to catch up with the sun but it's sinking, Racing around to come up behind you again

muntik na akong ma late kaninang umaga. panay raw kasi ang tingin ko sa bagong wall clock namin, sabi ni jet. bumili ako ng bago kagabi, kasi paatras na yung andar ng luma naming orasan. ang ganda nga ng nakuha ko - seiko. hindi siya pitaka. malaki ang face kaya ang sarap pagmasdan. tapos yung second hand ay continuous movement na parang automatic watch. mesmerizing.

JET: "papa, umalis ka na. baka ma late ka!"
BATJAY: "oo mylab, alam ko yung oras"
JET: "umalis ka na 7:45 na!"
BATJAY: "alam ko, kanina pa akong 7:35 and 42 seconds nakatingin sa relo. ang ganda kasi. di ko mailalis ang mata ko"
JET: "ang cute mo talaga. sarap mong kurutin!"

naalala ko tuloy nung 1st time kong magka relo. i was 6 years old. dahil bagong bili eh di siyempre tingin ako ng tingin every so often. napansin ito ng kapitbahay namin na si mrs. p (patay na siya ngayon). sabi niya sa akin: "hoy batjay, huwag kang tingin ng tingin sa relo mo, baka magkaron yan ng number 13".

Continue reading "So you run and you run to catch up with the sun but it's sinking, Racing around to come up behind you again" »

August 21, 2004

I ALSO WISH FOR FUCKING WORLD PEACE

where in the world is spiderman maraming salamat sa "The Philippines According to Blogs". na feature nila ang aking bastos na "Where in the world is Spiderman" website as their "Pinoy Blog of the Week". i'm so proud that i want to make utot. i want to thank my wife for believing in me and putting up with my eccentricities, i want to thank god for making me pogi and i want to thank my parents for giving me baon. i also want to tenk my relatives for voting for me. salamat. i also wish for world peace. but let me make an erection a correction, i am not 37 years old as mentioned in the blog of the week feature. i am 21 tangingangyan time flies 38 olreydi. impak, aywiltern 39 right before christmas. gusto ko lang i-point out kasi na talagang isip bata ako at tumatanda ng paurong. i, thank you.

seriously, salamat guys. minsan tingin ko kasi sa sarili ko eh may twisted na sense of humor. it's nice to know na mayron palang twisted ding katulad ko.

August 20, 2004

ONCE UPON A TIME YOU DRESSED SO FINE, YOU THREW THE BUMS A DIME IN YOUR PRIME, DIDN'T YOU?

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo, gusto ko lang pong malaman kung pwede ko kayong tawagin na BJ. yun lang po, maraming salamat at more fower to you!

gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

salamat sa kamusta. ok lang ako dito sa singafore. kyut pa rin. pero ava, gentle reader - fronounce your letter fee froferly ha. ano yang more fower na sinasavi mo? fara kang kumfare ko. sinabi niya kasi doon sa customs opiser sa NAIA na kailangan niya ng fucking tape para maisara ang kahon na funo ng fasalubong. kala ko tuloy, huhulihin kami ng fulis. asan na ba ako? ah ok... huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa at tanggalin na natin ang mga ambiguities. diretsuhin mo nang tawagin akong BLOWJOB. nasa asshole mode ako ngayon kaya pwede mo rin akong tawaging kupal...

Continue reading "ONCE UPON A TIME YOU DRESSED SO FINE, YOU THREW THE BUMS A DIME IN YOUR PRIME, DIDN'T YOU?" »

August 14, 2004

AND THE PAINTED PONIES GO UP AND DOWN

yesterday's title is today's song. nag record ako ng kanta kagabi. kung di ninyo alam, yung title ng previous entry ay galing sa kantang "circle game" ni joni mitchell. it's a personal favorite for a lot of reasons. pakinggan nyo na lang:

The Circle Game, the "winalanghiya ni batjay" version. narito yung lines of the title of my previous blog entry - "words like, when you’re older, must appease him, and promises of someday make his dreams". ay naku, such great lyrics at ang sarap kantahin

The Circle Game, Take 1. this is my first take of the joni mitchell song. ok na sana kaya lang nag text si mari kay jet in the middle of the song kaya napasigaw ako in the end. hehe. pakinggan nyo - pati yung ring tone ng text ay kuhang kuha. bwahaha.

Continue reading "AND THE PAINTED PONIES GO UP AND DOWN" »

August 06, 2004

LIFE IS WHAT HAPPENS WHILE YOU'RE BUSY MAKING OTHER PLANS

ngayon ang ikatlong taong anibersaryo ng pagdating ko sa singapore bilang isang alipin OFW. bilang pagpaparangal sa araw na ito, hayaan ninyong aliwin ko kayo sa pamamagitan ng pagsasayaw ng nakahubo isang collage na pagsasalarawan ng aking buhay itong nakaraang 3 taon. panoorin nyo na lang... scroll down a bit and look at the right hand corner of your screens. it's been a great 3 years. thank you mylabopmayn for joining me in this journey. it wouldn't have been this great without you.

Continue reading "LIFE IS WHAT HAPPENS WHILE YOU'RE BUSY MAKING OTHER PLANS" »

August 05, 2004

A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm... kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad - wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance - sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: "PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!"

Continue reading "A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND" »

August 04, 2004

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel - pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa "fafa batjay". maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo...

Continue reading "THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR" »

August 01, 2004

CROCODILE BATJAY, THE BUSHMAN FROM ANTIPOLO

eto ang binili kong driza-bone na sombrero sa airport. it's a bush hat really. eto yung kadalasang suot ng mga aussie diggers pag pumapasok sila sa mga gubat. eto naman ang isusuot ko pag nag aayos ng garden. ayos ba? minodel ko nga ang sarili ko... pinagusto ko yung nakalabas ang dila. parang pang romansa ang dating

July 28, 2004

WATCH ME WALLABY FEED MATE

natapos din yung training session na binigay namin ng boss ko. ok naman, mga 12 people ang dumalo - 11 aussie at 1 kiwi. masayang kasama ang mag taga rito. gustong gusto ko ang aussie dry humor. parang ako. hehe. haluan mo pa ng kaunting mura ay ayos na ayos talaga ang mga kwentuhan. ayos din ang kanilang accent. pakiramdam ko nga ay kausap kong parati si bruce the shark doon sa "finding nemo". hehe. nakakatuwa yung isang estudyante kong matanong - ngongo siya na may australian accent. nakaka tatlong excuse me ako para maintindihan ang kanyang sinasabi. una para maintindihan ang pagkangongo niya, pangalawa para maintindihan ang australian accent at ikatlong ulit para maintindihan yung english.

aussie: "ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?"
batjay: "ah, eh - say dat agen meyt, yor what sangat eksampol?"

aussie: "ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?"
batjay: "did you say kamatis mate?"

aussie: "ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?"
batjay: "ah... what is the difference between my first and second example!"

aussie: NGYET!
batjay: "shit ka rin!"

pero sa tutuo lang, i love australia. i love the friendly people, the good cheer, the food. i love sydney, i love the aussie accent and the humor. kung bibigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho dito. aayain ko na agad si jet na lumipat bukas.

July 26, 2004

WHERE WOMEN GLOW AND MEN PLUNDER

hulaan ninyo kung nasaan ako? hehe. dalawang araw pa lang ako sa australia, apat na beses na akong naliligaw. di maintindihan ng mga taxi driver ang mga sinasabi kong english. ganito ba talaga ang accent dito? kung saan saan tuloy ako dinadala. isip ko nga, baka nililigaw ako para malaki ang kita nila. puro mga immigrant nga pala ang mga driver ng taxi rito - una kong nasakyan ay nigerian, pangalawa bumbay, ikatlo bulgarian at ikaapat ay taga republika ng kupal. kasi, sinisisi ba naman ako - kaya raw kami naligaw ay di ko raw sa kanya binigay ang address ng pupuntahan ko ng maaga. gago pala siya. eh di sabi ko sa kanya eh - "you fix yourself otherwise something pointed will come out of your head" (kako eh mag ayos ayos siya at baka siya mabukulan).

ingat ka diyan mylab! binili kita ng maraming mga aussie souvenir - mayron akong nakuha, murang mura lang. $1 ang isa... boomerang na hindi bumabalik. ang galing nga eh, binili kita ng sampu. lab U!

July 22, 2004

ITANONG MO KAY BATJAY

dear uncle batjay,

bago ko ilahad ang aking tanong ay hayaan nyo munang batiin ko kayo ni ate jet, sampu ng inyong mahal sa buhay ng isang magandang umaga. ito pa ang aking mga tanong: ano ba ang masama sa pagiging supot? bakit minamaliit ng ga pinoy ang mga supot? at saka nga pala, kundi ako nagkakamali, lahat ng members ng F4 are uncircumcised. di ba maraming mga chinese dyan sa singapore? o kaya yung mga puti dyan. mga supot naman yung mga yun. hahaha.

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

maraming salamat sa pagsulat mo sa akin. dati rin akong supot kaya malaki ang maitutulong ko sa iyo. hayaan mong sagutin ko ang mga katanungan mo. ano bang masama sa supot? wala namang masama sa supot. except saksakan ng dami ng kupal nya kung hindi siya maglilinis ng titi araw-araw. in other words, smegmatic.

Continue reading "ITANONG MO KAY BATJAY" »

July 19, 2004

BATJAY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER'S QUESTIONS, PART 3

foreigner: so, where you from?
batjay: philippines

foreigner: ah, filipino. PARE!
batjay: inaanak ko bang anak mo?

foreigner: huh?
batjay: sorry just talking to myself. what's your question?

foreigner: what do you call that gross egg you like to eat?
batjay: betlog

foreigner: no. the one coming from the duck.
batjay: duck betlog

Continue reading "BATJAY'S SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER'S QUESTIONS, PART 3" »

July 15, 2004

MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN

ang building namin ay parang microcosm ng singapore. may pecking order ang mga employee at kadalasan dictated ito kung saang floor ka nagtatrabaho. habang tumataas ang floor, tumataas ang estado ng mga empleyado sa opisina (at lumalalim naman ang pagkalubog mo sa bullshit. hehe):

Continue reading "MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN" »

July 13, 2004

EMPTY POCKETS DON'T EVER MAKE THE GRADE

eksaktong 45 days na akong hindi naninigarillo. alam nyo ba kung gaano kalaki ang natitipid kong pero simula nang huminto ako? let me count the ways, so to speak... ang isang kaha dito sa singapore ay umaabot ng mga S$9.00 (in tagalog, ito ay mga 295 pesos). before, i smoked a pack every 2 days (more when i'm on the road, more and more when i'm drinking). sa isang linggo, average ko ay $31.50 (1035 pesoses). sa isang buwan, ito ay S$126 (a whopping 4141 pesos! packing sheet). sa isang taon, ako ay makakatipid ng S$1,512 (bwakangina - halos 50,000 pesosesoses).

so, simula pala ng huminto ako, nakatipid na ako ng 6120 pesos. biro mo yon? ang tipid ko nga ngayon eh. last week nga, $2 lang ang laman ng wallet ko. tiningnan ko kung gaano ko mapapatagal ito. aba! umabot ng 6 days yung $2. kung may nang holdup nga sa akin last week, magpapa pitik na lang ako sa tenga dahil wala siyang makukuha sa akin.

Continue reading "EMPTY POCKETS DON'T EVER MAKE THE GRADE" »

July 12, 2004

DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY

lunch time na kanina nang malaman ko na pumasok pala ako sa opisina na bukas ang zipper. buti na lang naka tuck out ang polo shirt ko, kundi mas nakakahiya. ang yabang ko pa naman kanina sa bus stop - nakatayo ako at pakyut na naka stomach in pa na parang mr. pogi. bukas naman pala ang zipper. gago. ganito ba talaga ang tumatanda? nakakalimot nang magsara ng pantalon. next year 40 years old na ako. natatakot tuloy ako, baka one day, umalis ako sa bahay ng walang pantalon.

pero matagal pa siguro yon. ngayon, paglalaruan ko muna yung spiderman kong manyika

Continue reading "DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY" »

July 11, 2004

THE SECOND CHILDHOOD CLUB

SPIDERMAN VISITS BATJAY'S OFFICE FOR A BRAND NEW SERIES OF PHOTOS: guest starring george dubya bush in 'WHERE IN THE WORLD IS SPIDERMAN'

MGA ANNOUNCEMENT: abangan nyo this week sa "Where in the world is Spiderman?" - guest puppets natin ang boxing doll ko na si george "dubya" bush at ang stoic statue ni batman. kung na tu-turn on kayo sa twisted humor ko and you want more, bisitahin din ninyo ang mga kapatid ko sa "2nd childhood club" na sina Cathy with her "Spiderman VS Garfield" at si Jop with her "lord of the ring dolls cooking adobo". punta kayo at tiyak na ikakatuwa ninyo. nung una kong ngang binasa eh muntik na akong mabuwal sa silya sa kakatawa.

highly recommended naman para sa mga para sa mga medical practitioners at sa mga mahilig sa magandang storya: my wife jet's "My Life... A Cup of Deja Brew". read her great four part story on "the appendectomy of batjay".

Continue reading "THE SECOND CHILDHOOD CLUB" »

July 09, 2004

THE BLUE BUS IS CALLING US

na experience nyo na bang mautot sa crowded at enclosed space? nakatayo ako sa isang packed bus kanina (as in siksikan talaga) nung pauwi from work. i was feeling uncomfortable dahil pinipigil kong mautot nang biglang nag break ang driver. mga sira ulo ang mga bus driver dito sa singapore at hindi marunong pumara. kadalasan masusubsob ka talaga. so ayun - sudden jerking stop. patay. di ko napigilan at may lumabas na kaunting utot. nakakahiya nga dahil nakatapat ang pwet ko doon sa isang nakaupong babae. dinedma ko na lang siya, hoping that hindi niya narinig. or naamoy.

Continue reading "THE BLUE BUS IS CALLING US" »

July 05, 2004

I'M CAUGHT MOVIN' ONE STEP UP AND TWO STEPS BACK

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako'y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

June 29, 2004

IT'S THE END OF THE WORLD AS WE KNOW IT...

bwakanginangyan, malapit na yatang mag end of the world. weird things are happening. ayon sa report na galing sa very reliable BBC, may isang babae sa iran na nanganak ng palaka. mukhang malapit na ngang magunaw ang mundo... nakatanggap kasi ako ngayon ng SPAM na galing sa nagtitinda ng anti-SPAM software. kundi ba naman mga ulul ang mga ito. tubuan sana ng betlog ang mga noo ninyo, para di kayo makakita. hehe.

teka, digressing na naman ako. balik tayo sa palaka. tutuo kaya ang storya na ito? pero kung sabagay, marami akong kamag-anak na palaka. ang kuya ko na matakaw: palakain. ang ate ko ay mahilig sa karaoke: palakanta. samantalang ako ay mahilig sa sex: palakant... never mind. hehehe.

...AND I FEEL FINE

end of the world or not, etong past two days, ang sarap ng pakiramdam ko. i feel well rested and for the first time in a long while, wala akong nararamdamang sakit sa kahit anong parte ng katawan. well, except for the fact that minsan makati ang singit ko, pero that's another story. tuyo na ang sugat ko kaya naliligo na ako ngayon ng walang nakabalot na shrink wrap sa aking tiyan. alam nyo ba kung gaano kahirap maligo ng may plastic sa katawan? pakingsheet. maiintindihan siguro ako ng mga babaeng nagpa-cesarean. isa pa: last sunday was my 1st month anniversary. isang buwan na akong hindi naninigarillo. it's been a struggle dahil i stopped cold turkey. pero, itutuloy ko na ito.

kanina nga, tamang tama habang papalabas ako ng train, biglang tumugtog sa MP3 player ko ang opening theme ng voltes V. sa sobrang saya ko eh parang gusto kong mag song and dance doon sa platform. gagayahin ko sana yung 70's pinoy group na D'Nailclippers sa kanilang tagalog rendition ng "voltes V opening theme". naalala nyo pa ba sila?

June 21, 2004

GIVE A HOME TO THE FLEAS IN MY HAIR

nung isang linggo, nag-ahit ako ng buhok sa katawan. simula sa dibdib, papunta sa tiyan at pababa hanggang sa dako pa roon. nahihirapan kasi ako sa bandage na pinangtatakip sa sugat ng aking appendectomy. kumakabit ng husto ang tape sa buhok ko at pag tinatanggal, talaga namang mapapa mura ka sa sakit. di ko nga alam kung paano natitiis ng mga kababaihan ang pagbunot ng buhok sa kung saan saang parte ng kanilang mga katawan na hindi naaarawan. aray. naisip ko pa lang, nangingiwi na ako. ok nga nung naahit ang buhok sa aking katawan. pinagmamasdan ko, para akong baby. hehe. sige na nga, baby hippopotamus. actually mas malapit yung hitsura sa bagong katay na baboy.

Continue reading "GIVE A HOME TO THE FLEAS IN MY HAIR" »

June 20, 2004

UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

Continue reading "UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE" »

June 18, 2004

3 BETLOG KAKALOG KALOG

may minura ako kanina sa train station na tatlong bumbay. sumingit kasi sa pila at sa harap ko pa nagdaan. wala, dinedma lang ako ng mga kupal. di nila siguro naintindihan yung "packingsheet, whatdapack doyutink yurdoing" said in my thick pinoy kanto boy accent. (click here para marinig nyo kung paano ko sila minura). naiinis kasi ako dahil hirap na nga ako sa sugat ko eh may nanggugulang pa sa akin. tiningnan ko ng masama. wala deadma pa rin. tapos parang nang-aasar pa nung malapit nang bumaba, nagtanong pa sa akin ng directions kung papaano pupunta sa little india. ah mga turista pala, ang isip-isip ko. ililigaw ko sana ang mga kumag pero naawa ako.

Continue reading "3 BETLOG KAKALOG KALOG" »

June 17, 2004

FADED PHOTOGRAPHS, MEMORIES IN BITS AND PIECES

nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. one day, many years ago, kinailangan ko ng picture para sa company ID. nagpunta ako as isang cheap studio para magpakuha. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil naka puti akong t-shirt during the time the photo was taken, tapos white pa ang background. dahil kutis betlog ako, ang ulo ko lang ang nakuha at litaw na litaw ang aking kayumangging balat.

CLICK TO ENLARGE. nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. once kailangan ko ng ID picture, nagpunta ako as isang cheap studio. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil puti ang t-shirt ko over a white background.

eh wala akong magawa nung time na iyon. kaya imbis na mangulangot eh nag drawing na lang ako ng kenkoy na katawan na karugtong ng aking ulo para naman hindi masayang ang tatlong litrato. ayan ang kinalabasan.

kung kilalala ninyo ako simula pa nung early 1990's, you've probably seen this funny picture somewhere - either posted in a bulletin board in my cubicle or in a frame on my office desk, etc. i love this photo. it reminds me not to take myself too seriously. so go ahead, laugh at my expense. click on the picture and make fun of me.

June 14, 2004

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa "crying ladies" nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe... oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa "kung magarap ka't magising", ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang "darna and the giants". teka muna, asan na ba ako? nawala na... ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading "ESSENCE OF FISH" »

June 12, 2004

BORN TO BE WILD!

kung nasa NAIA kayo kanina at may nakita kayong malaking damuhong naka wheel chair... ako yon.

pagtapos ng isang linggo sa ospital at isang linggong exile sa antipolo, pinayagan na rin ako ng doctor ko na lumipad. bago yon, tinanggal muna niya yung drain ko nung monday. tapos ang tahi ko naman nung wednesday, kasama na rito ang final check-up para siguraduhin na kaya ko nang sumakay ng eroplano. nung thursday, yung doctor naman ng singapore airlines ang tumingin sa akin. daming hassle ano?

sa arrival din ng changi airport ay naka wheel chair ako. nakakahiya nga ang special treatment, at saka, parang di ko rin ma take na medyo invalid ako. pero malaking relief talaga ito. hanggang ngayon kasi, di pa rin ako makalakad ng mabilis. at siyempre, mayron pa ring sugat na kumikirot kirot. bikini cut nga pala ang tahi ko. ok na ok nga. pag malakas nang loob ko pag magaling na ako, pwede pa rin akong mag bikining itim.

June 06, 2004

HEALTHCARE FOR ALL?

dahil naroon ang mga kaibigan kong doctor, sa st. lukes ako nag pa admit. maganda ang hospital na ito. maasikaso ang staff, bago ang equipment, mabilis ang serbisyo at magaling halos lahat ng mga doctor.

siyempre, may katumbas na presyo ang magandang serbisyong ito. ang standard appendectomy sa st. lukes ay nasa 70,000 pesos (10,000 pesos lower kung semi-private room). hiwalay pa rito ang professional fee ng mga doctor ko. total na binayad ko sa kanila? 30,000 pesos sa surgeon at 12,000 pesos sa anesthesiologist. may tawad na yon. ang galing ano po?

total hospitalization cost ko? over 100,000 pesos. that's the best money can buy para sa isang appendectomy sa pilipinas. sobrang mahal ano? kung sa pilipinas ako nagtatrabaho, di ko ito kayang i-afford. buti na lang at mayron kaming health insurance sa pinagtatrabahuhan ko. kung hindi, talagang mauubos ang pinagputahan ko.

June 05, 2004

WHILE UNDER OBSERVATION SA "ER" NG ST. LUKE'S

doctor: sir, kailan ho kayo huling nag pa surgery?
batjay: nung tinuli po ako.

doctor: nautot na po ba kayo ngayon?
batjay: hindi pa po.
doctor: nautot na po ba kayo kahapon?
batjay: hindi rin po.
doctor: e nung isang araw?
batjay: di ko na po maalala. bakit po ba importante sa inyo ang pag utot ko?

doctor: kailan ho kayo huling nadumi?
batjay: kahapon po ng umaga.
doctor: ano po ang hitsura ng dumi ninyo?
batjay: tulad po ng karaniwan. mahaba, makulay.
doctor: masasabi nyo bang normal ito?
batjay: doc, ano po bang depenisyon ng normal na dumi?

June 04, 2004

FREEDOM DAY!

my dad's birthday is also my freedom day. ngayon ang labas ko sa hospital. sa wakas. sa wakas. nakahanda nang lahat ng mga clearance ko at nagbabayad na si jet. uwing uwi na talaga ako, not only for my sake but for jet who has been with me through all this.

June 03, 2004

MILESTONE: NAKA EBAK NA AKO!

each day since the operation, i feel my strength coming back. last monday, halos di ako maka galaw. ngayon i am able to make short walks outside my hospital room. my meals are beginning to get interesting.

nakakatayo na ako without any pain. nakaka ikot na rin ako sa kama. nakaka ihi na akong mag-isa. MILESTONE #1: tinanggal nang intravenous drip ko. MILESTONE #2: naka ebak na ako kaninan. hahaha! baby steps, baby steps...

June 02, 2004

TASTELESS FOOD NEVER TASTED THIS GOOD

ngayon nagsimula na akong kumain ng "soft food". ang una kong disenteng meal simula nang operahan ako: sabaw ng pinakuluang gulay, lugaw na walang lasa, boneless bangus at gelatin.

pakiramdam ko, ngayon lang ako nakatikim ng pagkain sa buong buhay ko. tasteless food never tasted this good. i finish the entire meal. UBOS!

June 01, 2004

I THIRST

sobrang cranky ko ngayon. ever since saturday, di pa ako nakaka inom ng tubig. bawal pa raw sabi ng doctor, gardemet. ang relief ko lang ay ang mga ice cubes na sinusubo sa akin ni jet every 30 minutes.

May 31, 2004

WHAT THE HELL HAPPENED TO ME?

gawan natin ng post op analysis kung ano ang nangyari sa akin:

1. my appendix daw has been ruptured ("sabog na sabog" in the words of my doctor) for at least 3-4 days already. ang taas daw ng tolerance ko sa pain, says my doctor with a bit of admiration and exhaspiration.

2. dahil sa sobrang tagal na hindi na operahan after itong sumabog, necrotic na raw yung appendix ko.

3. my doctors had to clean my abdominal area with water para malinis yung lahat ng dumi na kumalat na sa loob. i was an inch close to sepsis - i.e. blood poisoning dahil kalat na kalat na raw sa loob.

4. for the rest of the week, i will be on very strong antibiotics to counter the possible infection of the ruptured appendix at yung water cleansing aftermath.

5. mayron din akong dalawang pouch na nakadikit sa tiyan ko. dito pumupunta yung residual na tubig na pinaglinis sa abdomen ko. maya't maya dinadalaw ako ng mga doctor at nurse para tanggalin ang fluid na nakocollect ng 2 kong supot ni hudas.

May 30, 2004

UNDER THE KNIFE

very early morning, sinigurado na ng doctor na kailangan ko ng appendectomy. di na rin sila nagpa tumpik-tumpik pa. agad nilang inischedule ang operation ko ng 9:30 am. like clockwork, nagdatingan nang mga doctor at iba pang hospital staff para i-prep ako.

di naman ako natakot. una dahil pinainom nila ako ng valium kaya nakangisi na agad ako at sabog maaga pa lang. ikalawa, i was expecting all will go well dahil i was in the best hospital in the country and i had the best doctors. god help them if they fuck this up.

ang experience ko during the surgery ay parang isang taong nanood ng late night movie na inaantok. one moment nakadilat at nakikita't naririnig lahat ng nasa paligid ko, the next moment fade to black.

May 29, 2004

THE DAY I EXCHANGE MY MOM'S BIRTHDAY WITH A RUPTURED APPENDIX

nagising ako ngayon with a bad sense of foreboding. medyo masakit pa rin ang tiyan ko at nilalagnat na ako. i make a mental note of following jet's earlier suggestion a call our doctor friend para makapagpa full check-up bago mag birthday ang mommy ko.

ang takot ko ay may infection ako somewhere sa tiyan. true enough. pag tingin sa akin ng mga doctor sa ER ng st. lukes, ang suspetsa nila ay mayron akong UTI or worse - kailangan ko ng appendectomy.

VERDICT: kailangan daw akong obserbahan sa ospital overnight. we had to call my mom and tell her that i won't be able to attend her party. dang.

May 28, 2004

THE PAIN REMAINS

i day before my mom's birthday celebration. magkikita dapat kami sa labas nina greta at ate sharon. instead, nagpunta na lang sila sa bahay sa antipolo. di ko nakayanang magmaneho dahil sobrang sakit ng tiyan ko... pakiramdam ko eh parang may isang milyong bulateng nagwewelga sa loob.

May 27, 2004

THE SEXUAL HABITS OF COUPLES WITH CHILDREN

lipad ulit pabalik ng maynila. maraming salamat sa frequent flyer miles at makakauwi ng libre. problema ko lang eh tatlong beses na akong umeebak ngayon. pesteng LBM, bad sign.

nagkita kami ulit ngayong gabi ng mga classmate ko. maganda ang topic ng discussion namin: "THE SEXUAL HABITS OF COUPLES WITH CHILDREN". in particular, ang mga techniques kung paano makipag sex sa asawa na hindi nalalaman o napapansin ng mga anak na kadalasan ay katabi nilang matulog. nakakatawa. hehe.

May 25, 2004

WHATEVER FATE DECREES

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang "grow old with me". simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na "rabbi ben ezra". bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Continue reading "WHATEVER FATE DECREES" »

May 14, 2004

TONIGHT THIS FOOL'S HALFWAY TO HEAVEN AND JUST A MILE OUTTA HELL...

nagpunta ulit ako kaninang umaga sa embassy natin para kumuha ng OEC (overseas employment certificate). uuwi kasi kami ni jet sa pilipinas bukas at inaayos ko nang lahat ang mga certificates para di na kailangan pang magpunta ng POEA sa ortigas. nakaka inis pumunta doon dahil kalahating araw ang waiting time. sa embassy ng singapore, 5 minutes lang.

Continue reading "TONIGHT THIS FOOL'S HALFWAY TO HEAVEN AND JUST A MILE OUTTA HELL..." »

April 26, 2004

EVERY FLOWER TELLS A STORY

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito'y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo'y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko't bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

April 16, 2004

STIR FRIED NA PAG-IBIG

nininerbyos ako ngayon. mas enjoy ko pa kasing mag hiwa ng bawang kaysa magtrabaho. hehe. nag-aaral akong magluto at pinag eekspereminentuhan ko ang asawa ko. pag di niyo siya nakitang on-line itong mga darating na araw, ibig sabihiin, hindi ako nagtagumpay. bakit cooking? ala lang. gusto ko lang idagdag ito sa listahan ng aking spectacular talents. nagsabi na ako sa kanila. suportado naman ako ng pamilya sa balak kong ito. mwahahaha. aaminin ko, hindi ako natutong magluto nung bata ako. yan ang napala ng spoiled na bunso. ngayong taon nga lang ako natututong magsaing. lately, nag-aaral akong mag stir fry. stir fry this, stir fry that.

para sa hapunan ngayong gabi, nagluto ako ng beef and mushroom with oyster sauce at stir fried spinach. hindi masyadong masarap yung beef dish pero may pag asa yung stir fried. ok lang, bata pa naman ako. at 38, i am learning to become a cook. today, stir fried. tomorrow? the world! BWAHAHAHAHA! (tawang demonyo)

baka mayron kayong gustong matikman, sabihin nyo lang sakin. pero huwag yung mahihirap tulad ng adobo o kaya sinigang. sa stir fried muna tayo mag concentrate.

April 06, 2004

I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i'll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn't talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS...for the first time this year, i've got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says "HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY". dang.

STILL OTHER NEWS...happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!

Continue reading "I READ THE NEWS TODAY, OH BOY" »

March 29, 2004

KWENTONG BARBERO

nagpagupit ako last weekend after postponing it for three weeks. hinahanap ko kasi muna ang suki kong barbero sa mga kalapit barbershops around our neighborhood. nag resign na kasi siya from the barbershop where i usually have my haircut. hindi ko makita ang lekat kaya naghanap na lang ako ng bago. ok, POP QUIZ (a'la keanu doon sa pelikulang "speed"):

TANONG: kung biglang nawala ang regular barber mo at mayron kang pagpipilian sa loob ng barberya na gugupit sa iyo, sinong pipiliin mo?

SAGOT: siyempre, pipiliin mo yung barbero na may pinakapangit ang gupit ng buhok.

rule of thumb: on the assumption that barbers in a barbershop cut each other's hair, the best barber will always have the worst haircut.

kaya pinili ko eh itago na lang natin sa pangalan na "hipping kulelat". he has a haircut that looks like a cross between jesus christ and michael jackson's afro hairdo during the 70's. believe me, it can't get any worse than that.

ok naman ang kinalabasan. buhay pa rin naman siya hanggang ngayon.

Continue reading "KWENTONG BARBERO" »

March 28, 2004

SUICIDE IS PAINLESS

two weeks ago, pinanood ko ang "M*A*S*H" (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng "suicide is painless", the lyrics of which incidentally, was composed by altman's son. kahit saan na lang kinakanta ko ito - sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

Continue reading "SUICIDE IS PAINLESS" »

March 14, 2004

COUNTER FLOW

eto true story na nangyari nung 1977, grade 4 ako nito: hinuli kami ng pulis dahil nautot ako sa loob ng school bus. nasa harap ako nakaupo at napa-utot habang papalabas kami ng grace park (sa kalookan city) going to EDSA. dahil sa sobrang bahu, nalito yung driver namin. imbis na mag right turn siya sa EDSA going to balitawak ay nag counter flow siya by turning right doon sa lane papuntang monumento.

muntik na nga kaming mag head-on collision doon sa isang JD liner na bus. buti na lang naka-iwas yung driver. ang hindi naiwasan ay ang pulis na nakaabang na sa amin. pinara kami at kinuha ang lisensya ng driver. galit na galit siya sa akin at sinisisi ako sa nangyari. simula noon, di na niya ako pinaupo sa harap ng sasakyan.

March 12, 2004

AN OLD FARTING TRICK

this is a great trick pag ikaw ay nauutot at gusto mong magpatawa. lalo na para sa mga unsuspecting na mga pamangkin during family reunions. ang tawag ko rito ay "the sprained finger fart". simple lang itong i-execute pero kailangan mo ng practice sa timing. ganito yon... pag alam mong mauutot ka na, punta ka sa mga grupo ng mga pamangking naglalaro. pretend na na sprain ang daliri mo at i-request mo ang isa sa mga pamangkin mo na hilahin ito para mawala ang sakit. maganda umarte arte ka pa ng kaunti, sabay: "paki hila mo nga ang daliri ko, na sprain ata. ang sakit".

pag hila ng bata sa daliri mo, sabayan mo ng malakas na utot. pagmasdan ang pagtingin sa iyo ng mga bata in total admiration. their amazing uncle's fingers crack with a different sound.

January 09, 2004

MY INDIO SINKRA-C #1

tagilid ang kamay ko pag nagsusulat. parehong pareho ng itsura ng kamay ni kevin spacey sa pelikulang "the usual suspects". force of habit siguro dahil nung estudyante pa ako, walang arm rest na nagsusuporta sa aking writing hand. i am left-handed.

but, i eat with fork and spoon, play the guitar, aim a rifle, use the computer, play golf, wash my pwet righthanded. asamateropak, my right hand is stronger than my left hand. kaya lang, for all of the intricate and fine work, i use my left hand - e.g. writing o kaya pag nagkamay kumain.

i love being left-handed. somehow, it makes me feel unique. i love the sinister implications that it brings. i love the fact that leonardo, paul mccartney, jack the ripper, bill clinton, michelangelo, raphael, kermit the frog, marlyn monroe, oprah, alexander the great, ceasar and ate sienna are all lefthanders like me.

my wife jet is also lefthanded. kaliwete kami parehong mag-asawa.

November 15, 2003

TOP 10 REASONS KUNG BAKIT GUSTO KONG MANAPAK NG TAO

10. pag may nagpadala sa akin ng mahigit 1MB na e-mail pag overseas ako at naka dial-up lang. o kaya, pag may nagpadala sa akin ng mga forwarded na email within an email

9. pag nanonood ako ng sine at yung taong nasa harap ko ay nagkukwento ng blow by blow account ng kung anong mangyayari sa palabas tapos mali mali naman ang kwento. o kaya pag may nag ring na cellphone ng mga taong nasa near vicinity ko sa sinehan

8. pag may sumingit sa pilahan at dinedma ako pagtapos kong sigawan siya ng "HOY GAGO, the end of the line (QUEUE pag dito sa singapore) is at the back!"

7. pag taeng tae na ako ay may naka harang na tao sa pinto ng banyo

6. pag may kumanta ng "MY WAY" sa karaoke.

5. pag nagpagupit ako at iniba ng barbero ang hati ng buhok ko. O kaya, pag hindi pinantay ng barbero ang patilya ko.

4. pag may katabi ako sa train or bus na may anghit, nangungulangot o kaya kumakanta ng sintunado. ibang usapan na talaga pag ang katabi ko sa bus ay may anghit na nangungulangot pa, habang kumakanta ng sintunado.

3. pag nagmamaneho ako papuntang baguio at nasa bulacan pa lang ay may magtanong ng "malayo pa ba?" parehas din siguro ito pag nadapa ako at may nagsabing: "nadapa ka? masakit?"

2. pag may nang gising sa akin at nag sabing: "gising ka na?"

1. pag masama ang loob ko at may nagsabi sa akin na "OK ka lang?" o kaya "ganyan talaga ang buhay..."

November 13, 2003

ULYANIN

kahapon, pag ligo ko sa umaga eh sa sobrang pagmamadali, nakalimutan kong banlawan yung buhok ko na may conditioner. ang tangengot ko talaga. kaya pala pag tingin ko sa salamin eh para akong si catchupoy. tapos madulas na clumpy ang dating.

napansin ko lang talaga nang bumula ang buhok ko sa train station pauwi. pinawisan kasi ako sa paglalakad from the office. bwakanginangyan, ang gago ko. nakakahiya!

September 23, 2003

MANANANGGAL TERRORIZES SINGAPORE

manananggal terrorizes singapore
pag nag-iisip ako, imbis na mangulangot eh mahilig akong mag doodle. simula high school, lahat ng mga notebook ko ay punong puno ng mga iba ibang drawing. yung iba weirdo, yung iba nakakatawa. balang araw pag sikat na ako, pwede siguro itong ibenta ni jet sa mga collector ng milyon milyon.

'nga pala, may gusto akong gawing pelikula... horror movie, tungkol sa isang national convention ng lahat ng mga maligno sa pilipinas. gagawin ito sa PICC at imbitado lahat ng mga mananaggal, kapre, white lady, dwende, aswang at tianak sa kung saan saang bahagi ng pilipinas. ang theme: "Progressive Haunting Techniques in the New Millenium". kailangan ko lang ng scriptwriter para punoin ang mga detalye ng storya.

September 09, 2003

INTERESTING SEARCH WORDS USED TO GET TO MY SITE

ang bading, ping lacson
bakit ang unggoy mahilig sa saging?
lumpia
sabong!
kwentong aray
tuli na pilipino
pano mo malalaman pag may gusto ko sa isang guy??
george estregan
scientific names of dylan baka
mga GRO ng pasay
libog ng pinay
sec bomb girls spaghetti song
gamot sa libog
kwentong pek-pek
cubicle farts covering
jakol
ekis pics
binatang pinoy
babae sa kama kwento
tulog ba ang diyos
sampaguita singer
tagalog bading stories
kwentong gintong dahon
tagalog sa salitang pet name
indian mass ritual hair cut
pics of sinaunang tao
mga bagong gamot sa malalang sakit
malibog mahilig
ang paboritong kwento ni hudas
HALINGHING

mga obrserbasyon ko lang... una: maraming mga twisted na gumagamit ng internet. pangalawa: maraming mga lalaking pinoy ang on-line. ikatlo: mahilig sila sa mga kabastusan. ikaapat: akala nila eh porn site ang site ko.

August 30, 2003

CIRCUMSTANTIAL CIRCUMCISION

nung isang gabi nagpunta ako sa doctor para magpatuli.

hehehe...

hindi. joke lang. sinumpong na naman kasi ako ng allergy ko. kaya hanggang ngayon, supot pa rin ako.

hehehe...

siguro may nakain na naman ako sa labas na pagkaing may halong hipon. di ko maalala kung saan. pag lunch kasi, lumalabas kami at kumakain sa mga ibat-ibang turo-turo dito sa singapore. ginagawa ko namang lahat para siguraduhin na wala akong kinakain na shrimp, crabs at pusit. minsan may nakakalusot pa rin, lalo na sa mga pagkaing may sabaw. yung mga ibang pagkain kasi, shrimp based ang stock ng soup kaya kahit umorder ka ng beef noodles minsan, may halo itong hipon. kaya yan... "hipon coming back" ako sa doctor because i "pusit to the limit". "isda best" kasi eh!

dito lang ako nagkaroon ng allergy sa shrimp. nakakainis nga. di na tuloy ako makakain ng halabos, tempura at lahat ng nga iba't ibang hipon dishes na peborit ko. di na rin ako pwedeng kumain ng peborit kong pepper crab, chili drab and the very rare and tasty hairy crab from shanghai. bwakanginangyan. binigyan na naman ako ng injection ng doctor sa clinic malapit dito sa amin. tapos additional na gamot... isang klase sa umaga para hindi katihin sa opis. isang klase sa gabi para di ako katihin sa pagtulog.

ok yung gamot sa panggabi, pag kainom ko eh para akong nag downers. super antok at diretso ako sa kama agad. which is just as well dahil nakakabwisit talaga ang kati ng allergy. palipat lipat ang kati sa iba't ibang parte ng katawan, palaki ng palaki ang pantal. kamot ka ng kamot na parang may galis. dati tinitiis ko ito dahil ayokong magpunta sa doctor. ngayon, ayoko na man. pag nakaramdam na ako ng allergy attack, takbo na ako agad sa clinic.

next time siguro, pwede ko nang isabay ang tule sa next appointment ko sa doctor. hehehe... hahahaha!

July 31, 2003

BACK TO THE DAILY GRIND

nandidito na ulit ako sa singapore. balik daily grind. home to office. ride bus, ride train, walk to office. work, coffee break, work, lunch, work, coffee break, work, uwi. walk to train station, ride train, ride bus. office to home.

the first day at work after a trip is always hard. tinatamad akong magtrabaho at madali akong mapikon. gusto ko nang umuwi at mag shower, manood ng news, watch a movie, have dinner at makipagkulitan kay jet.

naiinip ako at kung ano-anong pumapasok sa isip ko: tick tock tick tock... alas singko na ba? ah matagal pa. tick tock tick tock... ayoko talaga ng office work, a desk job for me is like a death sentence. tick tock tick tock... mag resign na kaya ako? tick tock tick tock... ano kayang ginagawa ni jet ngayon? tick tock tick tock... teka muna, pag nag-resign ka ba, saan ka pupunta? tick tock tick tock... kamusta na kaya ang garden ko? tick tock tick tock... sa CHINA ka na lang magtrabaho, di ba may job offer ka doon? tick tock tick tock... bakit ba kanina pa kinakati ang siko ko? tick tock tick tock... may field work ka rin naman dito hindi ba? tick tock tick tock...putangina, gusto kong magbakasyon. pagod nako.

KRRRRRRRRRRRRING!!!! Coffee Break! Makayosi nga muna.

July 21, 2003

PABORITO KONG EPITAPH

HERE LIES AN ATHEIST
ALL DRESSED UP
AND NO PLACE TO GO

July 15, 2003

AGE CHECK POP QUIZ

6 million $ man

o sige, mag check tayo ng mga edad...

1. sino ang artistang lead character ng hit TV series na "The Six Million Dollar Man"?
2. sino ang ex-wife niyang member ng "charlie's angels"?
3. sino ang babaeng lead ng "the bionic woman"?
4. sino ang bida sa tang-ta-rang-tang na kalbong pinoy comedian?

July 09, 2003

WEDNESDAY MORNING BLUES

miyerkoles ng umaga... nandito na ulit ako sa singapore sa piling ng saging ni jet.

hirap talagang mag hanap buhay. kahapon lang eh nasa perth kami at nag bibigay ng isang conference. byahe ng overnight para sa preparations mamaya. bukas naman ay ang singapore version. ang maganda lang sa akin ay madali akong makatulog. kaya kanina, di pa nag take-off ang eroplano eh tulog na ako. pag gising ko eh preparation na for landing sa singapore. binibilang ko yung oras na gising ako sa eroplano... 20 minutes out of the alomost 6 hours na flight. di na masama ito. hehehe.

tumiwalag na ang isa sa grupo namin - si norman ay kasalukuyang nasa eroplano ngayon pabalik ng sydney. iniwan na namin ni gk sina ceci at tom sa hotel nila at magkikita mamayang lunch time. pahinga muna ng 2 oras, tapos trabaho na ulit. in the meantime, quality time muna dito sa bahay with mylab.

June 30, 2003

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART III

mt. apo covered in fog

in between davao and cotabato ang mt apo, ang pinakamataas na bundok sa pilipinas. gumawa kami rito ng power plant sa gitna ng gubat. ang emphasis ng plantang ito ay sa environmental compliance at malaki ang ginastos upang ma-minimize ang impact ng planta sa kalikasan. i'm proud to be part of the team that made this possible. mahigit pitong taon na itong tumatakbo na walang problema at patuloy na nagbibigay ng kuryente sa buong isla ng mindanao. ito ang project na ginawa ko na pinaka satisfying.

umuwi ako ngayong linggo upang gawan ng project study ang augmentation ng automation system ng planta. sana matuloy ito para muling makabalik sa langit.

June 09, 2003

BACK IN SINGAPORE

nandito na ako sa singapore. kakadating ko lang ngayong gabi. medyo malungkot dahil wala si jet. two weeks pa siya sa manila bago lumipad dito. ako lang mag-isa at medyo nakakapanibago.

bago pumasok ng airport eh, kumain muna kami nina jet ng takeout na jollibee sa breakwater ng manila bay. maganda na pala doon. inayos na ang harapan at marami nang mga park bench at may mga restaurant na. what a great last day to spend before coming over here.

ngayon, heto akong nag-iisa, balik trabaho na naman at muling nangangarap na makauwing muli.

June 08, 2003

NAKAHIGA SA ANTIPOLO

nakahiga sa kama sa isang makulimlim at medyo mahangin na umaga dito sa antipolo. ang sarap ng pakiramdam. mamaya, bababa kami para mag tanghalian sa mga mommy ko. tapos balik ulit dito sa taas mamayang late afternoon. itong hapunan naman, magluluto ako ng aking famous inihaw na pork liempo. tapos, bukas ng gabi, babalik na ako sa singapore.

June 02, 2003

WELCOME HOME BATJAY

gumising ako kanina at ang una kong ginawa ay uminom ng kape, habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak ng aking hardin. kung makailang beses ko na itong iniisip gawin habang nagpapakahirap magtrabaho sa singapore. wala, masaya lang ako.

May 21, 2003

12th WEDDING ANNIVERSARY

iniimbita ko nga pala kayong lahat sa 12th wedding anniversary namin ni jet sa linggo. samin nang lahat ng pagkain at inom, basta punta lang kayo sa flat namin. alis lang ako sandali, pagbalik ko, SAGOT KO KAYONG LAHAT!

May 03, 2003

OYA NI KALDERETA...

LAAAAAASSSSSEEEEEERRRRRRRRRR SWORD!!!!!!

alam mong nakakaiyak na kanta para sa akin... yung CHICHI WO MOTOMETE (Seeking Father), ito yung ending song ng voltes v. tangna, everytime na lang marinig ko ito, nalulungkot ako. ewan ko kung bakit... mourning for a childhood lost, remembrance of a world when it was still school and a small village in novaliches, happy days when the family was still complete.

ewan, perhaps one of those reasons, or maybe all of the above. nevertheless, may maliit na pinong-pinong kurot akong nararamdaman. tulad ngayon, pinapakinggan ko ang kanta... bittersweet, melancholy, infinite sadness. hehehe... i'm 37 years old, and cartoon theme songs make me sad.

oh well... LASER SWORD!!!

p.s. oo nga pala, worth reading yung article ni jessica zafra: Who killed Voltes V? if you are my age, you'll understand what she is trying to say here.

USELESS KNOWLEDGE: jessica zafra is the filipina writer, well known for her "twisted" books. we have them all and re-read them from time to time. she also wrote the liner notes to binky lampano's record "i read the news" (buy it if you can). binky, of course, is the great bluesman rocker jet and i love to watch live (talk about soulful song renditions and binky comes into mind). binky (along with the jerks, tropical depression, the dawn, sampaguita, banyuhay, anak bayan and grupong pendong) performed in the benefit concert at bistro RJ to raise funds for the brain surgery of my brother. during the time he made this record, syota niya si CNN anchor, veronica pedrosa. may dedication pa nga kay veronica sa record... oh, and veronica used to introduce binky when he performs. kaya lang they split up many years ago and veronica is now the face jet and i always see when we watch the CNN evening news while eating dinner here in singapore.

ayan, from my childhood, martial law and voltes v, jessica, binky, veronica, cnn to jet and i in singapore - Six Degrees of Separation? hehehe...

May 01, 2003

Happy Labor Day sa inyong lahat!

"nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana... sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana..." posted by Jay David Tuesday, September 11, 2001

ito ang unang entry ko sa kwentong tambay... punong-puno ng lungkot, pagduda at indecision. umalis ako ng pilipinas pagkatapos ng labindalawang taon na pagtatrabaho. umalis ako upang mabayaran ang bahay at para makapag-ipon. sinimulan ko itong blog na ito sa unang buwan ng pagdating ko dito sa singapore. ang dahilan ng pagsusulat ay simple lamang: upang maibsan ang pag-iisa at pag-aalala.

pag nagsabi kayo ng "happy labor day" sa mga migrant worker na tulad namin, halo ang lungkot at saya ang aming nararamdaman. para kang kumain ng masarap na ginisang ampalayang may itlog: bittersweet. sa isang banda, ang pagpaparito ay nakakapagpaangat ng buhay pero sa isang banda ay malupit dahil malayo ka sa mga tao at sa bayang mahal mo.

si ibet, uuwi ngayon pabalik ng pilipinas upang makita ang kanyang ina for the last time. sina roland (classmate ko sa pagyoyosi), tolits, dodong, rodel at rex na nasa saudi, malalayo ngayon sa pamilya - puro kalyo na nga raw ang kamay nila eh. sama mo na ang milyong milyong mga pinoy na nagpapakaalipin sa ibang bansa upang makapag-aral ang mga anak, magkaroon ng maayos na tirahan, makatulong sa mga sangkatutak na kamag-anak at makapag-ipon upang makauwi tuwing pasko na may dala-dalang pasalubong kahit papaano.

sa inyong lahat na mga migrant workers at mga OFW... isang malutong na "happy labor day"!

FOR FURTHER READING: first blog my typical week one good turn the house and family i left behind jet's with me now, and i feel complete i am an OFW melancholy and the infinite sadness, no more

ah, oo nga pala, isang pagbati rin para sa mga nabubuhay dahil sa pangungurakot at paglustay sa kabang-bayan: MGABWAKANANGINANYONGLAHAT!

April 28, 2003

My Twice Daily Temperature Readings

wala namang extra special na nangyari sa akin papasok sa office ngayong umaga. ah except na may umutot sa aircon bus. tanginangbahutalaga pre! ang bantot bantot! pag pinatagal pa niya yon ng hanggang hapon, baka mag-invade nang mga amerikanong cowboy dito sa singapore, due to chemical weapons of mass destruction.

ganoon kabahu ang utot niya! (kung sino man siyang impakto or impakta). siyempre, walang umamin. pero linawin natin ah, hindi ako yung umutot.

kung sa pilipinas yon nangyari, sisigaw na ako ng: "o, yung umutot diyan, umamin na". problema nandito ako sa singapore, kaya tumayo na lang ako sa silya ko at pumwesto malapit sa pinto para umiwas sa amoy.

nirecord ko na rin nga pala ang temperature ko sa My Twice Daily Temperature Readings

November 23, 2002

BLUEJAY

handle ko ay "bluejay" - medyo baduy, then freddie coco suggested i change it to "jd transit". hehehe... i was in rj around 1987 when it was still in the j&t bldg at santa mesa. around that time, i was still studying engineering at mapua (4th year).

after school (around 8:30 pm), i'd board a bus in front of the manila city hall and reach j&t around 9:30. i still had 30 minutes to get my cassetes (wala pang cd nung araw) and chat with "the red rooster" who had the 8-10 om slot (sadly, the red rooster died a couple of years ago - a pity, we was a great guy...) i got on board at 10:00 pm and finished at 2:00 AM. afterwards, i had to commute home in a jeep with the rest of the graveyard shift people - drunks, drug addicts, snatchers and hospitality girls.

it was great to work at the tower, especially in the late evenings. you'd see manila by night from up there and it was really beautiful. the city lights and the great music more than paid for my meager "allowance". wala kasi akong suweldo eh... hehehe.

doubleA was the station manager, dante was the chief announcer, there was freddie coco, bob magoo, monster radio's the gaucho (i forgot his name, damn - hehehe).

i spent a semester at rj - they fired me afterwards, hehehe... actually, they changed their format again and they fired everybody except dante.

in that short stint, i lost around 30 pounds becuase of the late nights every night except sunday. not to mention, the school work in the afternoon and evening. my grades started getting bad and it was time to make a career move. i chose engineering and left radio to my dad and brother.

June 11, 2002

IT'S NEARLY A YEAR...

what's been going on in my life recently? nothing much really. i still work as an engineer here in singapore. it's been more that 10 months since my wife and i left good old pilipinas.

...meanwhile there's this case i got to handle regarding the alarm handling of an australian customer and it can't wait. problem is i don't know anything about what they're talking about and it pisses me off. time to hit the books and start reading...

December 24, 2001

MERRY CHRISTMAS?

this is my first christmas out of the country. my first christmas in singapore.

there's not that much christmas cheer really. tumatanda na ako, di ko na na-enjoy ang pasko. parang parehong araw lang ito, katulad ng mga nag-daan ng mga araw - kisap-matang nawala. wow, ang gandang salita "kisap-mata": "blink of an eye"... para bagang isang pa-profound effect to impress gentle reader. hehehe... amazing!

"it's amazing whoop, with the blink of an eye, suddenly it's alright". sabi nga ni aerosmith. ang bilis talaga ng panahon. sana next year na, para pwede nang umuwi at mag-baskasyon.

merry christmas na lang, whatever it still means.

CHRISTMAS EVE?

may pasok kami ngayon eh. what a bummer. pero half-day lang. yehey! bukas no work tapos balik sa 26. 9:30 na ng umaga - gusto ko nang umuwi.

November 27, 2001

BARBER'S CUT

kwentong barbero? i had a haircut recently. very interesting. the best barbers here in singapore are malay. why? ewan. why are the best barbers in the philippines, kapangpangan? ewan din. if you visit the good barber shops in manila - there's a very good chance that most of them are kapangkapang. its just that way, i guess. how do you spell necktie in kapampangan? hen-hee-si-kitty-hi-hee! hehehe... coffee? si-ho-hef-hef-hee-hee! hehehe! hay nahkuh! takshapoka... where was i? oh, okay...

the malay barber asked me: "are you pare?"

"huh?"

"are you pare? are you filipino?"

"ahh! yes, i am pare."

and then i realize these people have a name for us, like we have names for them (indonesian:korokan, indian: pana, chinese: check-wa, japanese: japok, caucasian: "wannabuywatch joe") - they call male filipinos "pare". siguro naririnig nila yung mga lalaking pinoy na mag-usap dito parating may "pare". Pare, pre, tsong, hoy, pssst... all you need to hear to confirm that there's a pinoy nearbye. minsan combination: "psssst, hoy!", "hoy, pssst!", "hoy pare", "pre, psst, hoy!"...

a haircut here costs $ 9.00 - about 250 pesos. it's like going to ricky reyes for a trim. but i dont go there. i still like to go the traditional kapangpangan barber. i pay 50 pesos for a barber's cut (what else?), a razor job on the side burns, baby powder on the raw spots, a hair tonic massage at the end and probably a hot towel thrown over your head - aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! ang init! ang init! ang init! aaaaang sarap ah!. isapanga!

hair tonic.... one whiff of that smell and i'm suddenly a kid of four, having a hair cut with my dad. we always had our hair cut together with the same barber. i think his name was omeng. he had his "gupit binata" and i had my "beatles cut". it was always on a sunday afternoon. there's nothing like entering an air-conditioned barber shop on a hot sunday afternoon and being arested by the sweet smell of hair tonic. hehehehe... melancholy lesson: lovemwhiletheirstillalive!.

says the organ grinder.

"...its funny how the time goes,
and you never seem to notice till they're gone..."

the massage is my favorite hair cut ritual. it's the barber's way of telling you: "tapos ka na bata, alis ka na diyan sa silya" - or as the filipino barber (still holding his razor blade) says to his american customer (scared shitless): "pano bang sabihin ang tapos na...ahh...ehh...this is your 'THE END', joe!". the massage starts with noisy clapping as the barbers hands comes into contact with your back. it's followed by a neck rub and then the finishing touch: the barber pours hair tonic in his hands and massages your scalp. mapapa-"wow" ka sa sarap (at mapapa-"ow" ka naman sa sakit kung tumulo ang tonic sa raw shaven skin..."aray, aray, aray! mama, paki lagyan naman ng pulbos yung gilid ng tenga ko. nagsugat na yata yung inahit nyo eh!").

in davao during my mt. apo days, we went to a local barber shop (whose barbers were not even remotely kapampangan) that charged us 30 pesos for a hair cut, complete shave, ear and nose cleaning. it takes 2 hours for the complete job. you take a nap and awaken, totally refreshed and looking good. i give the barber 100 pesos. it would be a shame to pay him 30 pesos for a major job like that.

the older barbers told the best stories. they talked about everything - politics, showbiz, local tsismis. in the barber shop, the topic of the story is not that important. what counts is the telling. of course, the ultimate turn-off is a barber with bad-breath.

my barber here in singapore does not use scissors. he starts and ends with the electric razor. he is good and does his job like an ice sculptor creates his (what else?) ice sculpture! hehehe... he does it in a flurry and is finished in 15 minutes. this is where i miss my filipino kapangpangan barber. in manila, my barber looks at me like he's drinking brandy. he takes little snips like taking little brandy sips. he relishes every "close-open, close-open ng close-open" of the scissors (bugtungan: eto si kaka, bumu-buka-bukaka? sagot: gunting!) and he takes his time and doesn't hurry.

it takes 15 minutes para lang pantayin ang side burns ko.

hi!hi!hi! hi!hi!hi! hi!hi!hi! (opening lyrics of the yano song, banal na aso)

October 18, 2001

OFW

i am an OFW, an overseas filipino worker. now, i am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand carry luggage at nag papalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka landing!

September 28, 2001

THE HOME I LEFT BEHIND

...and then i see a picture of the house and family i left behind and suddenly it all come back in a flood of memories. home - traffic jams and dusty roads, chaos in the streets, people who don't care, corruption and greed, potholes and heat. philippines my philippines, we love it to death!

September 21, 2001

TIME IS ON MY SIDE (YES IT IS!)

one month and a half! that's been the time i've been away from home. somehow, i've managed to get used to living here in singapore. somehow, riding a bus from the west coast to the psa building seems so normal. somehow, chicken rice, curry and roti prata tastes ok. somehow living in an HDB Flat is the most natural thing to do inspite of the fact that you feel like you're in a pigeon hole with a thousand other birds. somehow, singapore feels like home.

September 20, 2001

THE OLD WOMAN AND ME, PART II

we still see each other once in a while, the old woman and i... she talks to me in chinese and i answer back in english. somehow we understand, at least, the most important message of all: that we are neighbors in one community.

September 18, 2001

THE OLD WOMAN AND ME

i helped an old woman go down the stairs of my apartment block last week. she must have been in her late 70's or early 80's, i have no way of knowing. a good turn for an old woman here in singapore in the hope that a good turn is reciprocated to my mom in Manila.

September 17, 2001

LET THIS BE A SONG CALLED ME

Music has been with me since I was a kid. In fact, you could say that my life has been one big album, each passing year moving from song to song. My dad was a big influence. He was one of the pioneers of Philippine Radio. He used to be one of the Sr. Announcers of ABS-CBN, but Martial Law was declared and then all of a sudden, they were all out of work. One of his people was this thin guy named "Ernie Baron". Hehehe...then without the "Brain Sharpening Hat", "Healing Diet for the Liver" and all his other inventions. Where was I? Oh yes, my dad used to take me to the radio station a lot and he'd ask me to help him set up the records. Sometimes, we'd go the studio and he'd ask me to record a poem. He'd play it on the air, and my Aunt Eugenie would cry every time she hears it. We'd go to the record companies and they'd give me all kinds of records that by the time I was in 6th grade, I probably would have the most comprehensive rock collection of any 12 year old anywhere in the world. After a year, he'd leave us for another woman. I was 13 years old, without a dad, but with plenty of music.

September 14, 2001

THE TYPICAL WEEK OF AN OFW ENGINEER IN SINGAPORE

Let me describe to you my typical week...

I work in an office in the South West of the island of Singapore. I have a small cubicle (6 ft x 9 ft), a lot better than what I've had in the past with S___. I have a large desk covering my front, right side and my back. On my upper right are three cabinets where I store my manuals and other stuff. On my rear are cabinets which contains my company T-shirts which I haven't brought home. On my desk are the different CD's for installation, manuals, my PC, phone and other office stuff.

This is my new working world right now. A bit of a change really - for the better, I feel. I don't have the long 16 hour days that I had at S___. By and large, it has been OK - everybody here has made my stay comfortable so far. We eat together during lunch time and talk shop, and gossip (in a babel of English, Malay and Chinese). Except for the language and the strange accent when they talk, they are like any normal Filipino barkada discussing this and that.

I go home between six to seven. By then, it is still bright outside and I normally get off the bus a few stops from my flat. I walk the rest of the way home, buy food and dream of home.

When I get to the flat, I dress up, have a shower and watch TV while eating dinner - wash the plates afterwards, surf the TV with whatever is showing. After a while, I open the aircon, read a book and then finally get to sleep. I don't normally sleep on purpose, most of the time, I sleep over reading a book (or watching TV). a bit boring sometimes.

During the weekends, I do a lot of stuff. I wake up at around six, and immediately do the laundry. By eight, I'd be finished and would dress up and jog to the park. Depending on what's on at TV - I watch till around lunch time and sleep a while if nothing good is on. I wake at around four or five. Have coffee and prepare to take a bath. After taking my bath, I normally ride a bus to go to Orchard Road or Raffles Place. If I go to Orchard, I visit the large Japanese Bookstore (Kashimura or something)and watch a movie if there is anything good. Most of the time, I just walk around and enjoy the ambulance (ambiance ni ERAP, mahal yun!) and look at the people around me.

September 11, 2001

SINGAPORE BLUES

nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana... sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana...




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
The Susan G. Komen Breast Cancer Foundation

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
BUHAY OFW
CALIFORNIA DREAMING
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HEALTH
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
ORANGE COUNTY
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCHOOL
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TOP 10 LISTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".