[::..KT, THE BOOK..::]

the kwentong tambay book - - CLICK HERE TO GET MORE INFORMATION ON WHERE TO GET A COPY

hoy, psst...Subscribe to Kwentong Tambay

bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..advice column..::]
Dear Unkyel BatJay

[::..Breaking News..::]
Mahalagang Balita

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..BUHAY AMERIKA..::]
komiks

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..Monitoring..::]
Medical Chronicles

[::..ispokening inglis..::]
BatJay's World

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
Prata Princess
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Belle
Mec
Tanya
Tito Rolly
Aya
Yvette
Mari
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Bloggo Chicago
BoyetB
Bulong na Pasigaw
CBSMagic
Daragang Magayon
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Dreams
EXPECTORANTS
Eye Focus
iDiOtBoArD
Jologs Queen
Kusina ni Manang
Life's Rich Tapestry
Manila My Manila
nonstandardized.com
Random Rambling
Rebel Pixel
Retzwerx
soft grumbles
Tatang's Karinderia
Technobiography
Thinking Out Loud
Third Charm
Videoke Queen
Yosi Break

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
KSPramer

[::..BLOGKADAHAN.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Banyuhay
Gumawa ng Sandman
Haring Liwanag
Jessica Zafra
Joey Ayala

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
99 ROCK
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto
SingaBloodyPore
Nostalgia Manila





[::..ang nakaraan..::]
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001









PinoyTopBlogs.com

Powered by Movable Type 3.2

Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.




Powered by
Movable Type 3.2




February 06, 2007

HOMEMADE BACON ROAST AND IT IS BAKING!

bukod sa kumain, ang isa ko pang paboritong gawin pag nasa restaurant ay basahing maigi ang menu. mas masaya pag nag-ta-travel sa asia-pacific dahil almost every time, mayroong entry na magpapasaya sa iyo. take this menu from a restaurant in tokyo.


January 19, 2007

Because Kastila gid at Waray-Waray man

magbalik-tanaw tayong muli sa mga ala-ala na bigla na lang sumusulpot pag nangungulangot. ito'y pagpapatuloy sa ating radio drama series na pinamagatang "si magellan ay supot"

nung bata ako, akala ko yung "Magellan's Terrifying Circumnavigation of the World" ay storya tungkol sa pagkamatay ni magellan sa cebu dahil nagkaroon ng infection ang titi niya nung tinuli siya ni lapu-lapu.

THE END. ang pagbabalik tanaw na ito ay handog sa inyo ng "RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit".

December 05, 2006

One kind word can warm three winter months

MAHALAGANG BALITA... "di-dit-ditdididit" (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK...ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng "Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!"... ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TOKYO. lumapag si spiderman sa tokyo ngayon upang imbestigahan ang isa sa pinaka importanteng invention ng mga hapon - ang electronic fully automated toilet seats. napag-alaman na muntik nang mahulog si spiderman sa loob ng inodoro pero sa pamamagitan ng kanyang special spidey sense ay naagapan niya ito. ang automated toilet sa japan ay tunay na kinagigiliwan ng mga tao sa tokyo dahil sa kanyang kakaibang epeks - umaandar itong mag-isa pag umupo ka sa trono.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk - ang gatas ng dalagang ina.

Continue reading "One kind word can warm three winter months" »

December 04, 2006

LET THE WINE OF FRIENDSHIP NEVER RUN DRY

pag pumupunta ako ng korea, siguradong umuuwi ako sa hotel na tabinge ang lakad. national pastime kasi rito ang pag-inom. mahirap makipagsabayan sa korean dahil baka magaya kayo sa akin na nakarating sa hotel ng hindi niya namalayan kung paano nakabalik dahil sa sobrang dami ng nainom. naalala ko pa yung last time ko rito, two years ago: may kasama akong amerikano na nagyabang na malakas daw siyang uminom. ayun, pinatulan tuloy siya ng kasama naming koreano.

siyempre, damay din ako sa kabaliwan dahil magkakasama kami. sa dami nga ng nainom kong soju at whiskey eh hindi ko naalala kung paano ako nakabalik sa hotel. one moment, papalabas kami sa bar. the next moment, umaga na, naka empake ang maleta ko't ready na para umalis. hindi ko alam kung ano ang nangyari in between - iniisip ko nga, kung may kabayo na gustong mang rape sa akin nung gabing yon eh baka hindi ko ito napansin.

December 02, 2006

The woods are lovely, dark, and deep, but I have promises to keep

after spending the weekend in shanghai, lumipad kami ngayon accross the yellow sea into south korea. para i-celebrate ang pagdating ko rito, umorder ako ng spicy seafood soup for dinner. packingsheet ang sarap. medyo maanghang nga lang at pinawisan ako ng husto. pero ok na rin - gusto ko kasi pag gising ko bukas, hindi ako mahihirapan mag banyo. yan ang isang ok sa pagkain ng korean food... may guarantee ka parati na may mangyayari pagpasok mo sa kubeta sa umaga after having korean food for dinner. baka nga hindi na ako abutin ng bukas, medyo may nararamdaman na kasi akong hindi maipaliwanag na pagkulo sa loob ng tiyan.

malamig dito sa seoul ngayon. hindi ko na nga kailangan tumingin sa thermometer para malaman kung gaano kalamig. pag ihi ko kasi kanina, tumingin ako sa ibaba at wala akong nakita. ibig sabihin noon eh below freezing. BWAHAHA!

November 29, 2006

SHANGHAI NOON!

dear mylab,

nag stop over kami kanina sa hong kong on the way to china from taiwan. malakas pala ang promotion na ginagawa sa disneyland at malimit na pinapakita ang mga commercial tungkol dito sa airport. tinanong nga sa akin ng mga kasama kong amerikano kung bakit puro si mickey mouse lang parati ang mga pinapakita sa mga commercial. hindi ko alam ang sagot kaya sinabi ko na lang eh malamang ay kinatay na si donald duck, nakasabit na sa restaurant at ginawang ulam.

nandito na kami sa shanghai ngayon. dumating kami ng exactly 12 pm - shanghai noon! ominous ano? may ibig sabihin kaya ito? malamang wala dahil pelikula lang naman ito ni jackie chan. medyo malamig ng kaunti at malaking pagbabago sa temperature from singapore and taiwan. tawag ka na lang sa akin pag dating mo from duty, matutulog na ako't kanina pa akong madaling araw gising.

miss na kita, mylab. lab U!
jay

November 28, 2006

Chickens don't praise their own soup

matagal na akong bumabyahe sa asia-pacific pero ngayon lang ako nakagala sa taiwan. buti naman at nakarating na ako sa wakas. ok rin dito - hindi siya kasing linis at kasing obsessive compulsive ng singapore (sometimes that actually is a good thing) pero maganda naman dito dahil mababait ang mga tao at masarap ang pagkain. minsan, yan lang ang kailangan ng tao sa buhay para lumigaya - tsibog na to die for at interesting na mga tao na pwede mong kasalo sa pagkain. well, kailangan mo rin ng sex pero that's another story.

Continue reading "Chickens don't praise their own soup" »

November 26, 2006

In the chill of night at the scene of a crime

MAHALAGANG BALITA... "di-dit-ditdididit" (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK...ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng "Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!"... ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE SINGAPORE. lumusob si spiderman sa singapore kamakailan upang mag apply bilang isang tourist guide. habang umaakyat si spidey sa isang hotel ay may nakita siyang lalaking nakatambay sa balcony. kanya itong ginulat at muntik nang maihi sa takot ang kawawang lalaki. buti na lang at walang nakatingin.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk - ang gatas na may gata.


Continue reading "In the chill of night at the scene of a crime" »

August 14, 2006

TO BE WHERE LITTLE CABLE CARS CLIMB HALFWAY TO THE STARS

To be where little cable cars climb halfway to the stars

Continue reading "TO BE WHERE LITTLE CABLE CARS CLIMB HALFWAY TO THE STARS" »

August 08, 2006

Set the controls for the heart of the sun

first year anniversary namin dito sa america last week. bilang celebration eh nanood kami ng concert ng CSNY sa verizon amphitheater. ang bilis ng panahon ano? parang kahapon lang eh kumain ako ng lumpia for dinner. ang sarap kasi ng ginawa ni jet na lumpia kaya bigla ko tuloy naalala ang pilipinas. pero mabalik ako: ang bilis nga ng panahon - parang kahapon lang ay dumating kami sa airport ng los angeles bitbit ang aming labindalawang bag para magsimula ng bagong buhay dito sa southern california. ang dami nang nangyari simula nung araw na iyon.

Continue reading "Set the controls for the heart of the sun" »

November 21, 2005

Madman drummers bummers and indians in the summer with a teenage diplomat

PRIMITIVE last july, nagpunta kami ni jet sa mount apo dahil may tinulungan akong mga kaibigan na gumawa ng power plant. nagulat ako pag akyat ko sa itaas kasi halos lahat ng mga building doon ay may mga nakapakong ginupit na bote ng mineral water. nalaman ko na ito pala ang kanilang mga primitive cell sites. mahina kasi ang signal ng cellphone sa mount apo kasi yung mga tutuong cell sites ay nasa davao at cotabato. pero mayroong mga hot spots doon kung saan pwedeng tumaas ng mga 1 or 2 bars ang signal ng cell phone mo - just enough to receive and send text messages. kaya ang ginagawa ng mga engineer doon ay maghahanap ng hotspots (kadalasan ay nasa gilid ng mga building - ewan ko kung bakit ito dito nakikita, siguro dahil may amplification ng signal yung mga corners ng buildings). anyway, pag nakakita sila ng hotspot, mag gugupit nga sila ng mineral water bottle at ipapako nila ito sa pader para pwedeng paglagyan ng cellphone. pag pasok ng text, babasahin nila ito. sasagot tapos ilalagay ulit doon sa "CELL SITE" para mag transmit. filipino ingenuity at its best.

actually importante ito, kasi may nabasa ako dati sa site ni ate sienna na isang pinoy na naaksidente habang gumagamit ng cellphone. nagpadala nga sila ng mga dasal thru text message:

LEts pAuse 4 a wHile & prAy 4d sOul f ur bEloVed cO-texTer wHo rcEntLy paSsed aWay...dHil aNg PutAnG_nA!!!nHulog s bUboNg s kkhAnap ng siGnal!!!

August 01, 2005

Did you ever see the customers in health-food stores? They are pale, skinny people who look half dead. In a steak house, you see robust, ruddy people. They're dying, of course, but they look terrific

first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa 'merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako - tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta ("dats damos imfortant fart op da opis" ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine ("dats dasican mos imfortant fart op da opis", ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).

BATJAY: "is ebriting here in da pantry por free - oldis pud en sopdrinks?"
HR GUIDE SA OPIS: "YES, batjay!"

BATJAY: "how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?"
HR GUIDE SA OPIS: "YES, they are all free,batjay!"

BATJAY: "kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?"
HR GUIDE SA OPIS: "you trying to be cute, batjay?"

BATJAY: "how about balut? do yu hab da balut?"
HR GUIDE SA OPIS: "baloon?"

July 31, 2005

The real voyage of discovery consists not in seeking new landscapes but in having new eyes

narito na kami sa yunayted isteyts pagkatapos ng pagkahaba habang byahe. madaling araw na rito ngayon pero siyempre hindi pa kami makatulog. jet lag epeks na sinamahan ng gutom. ngyehehe. pero mamaya makakatulog din ako, i can feel it eh. si jet? nag aayos na. OC talaga yon. gusto kaagad niyang normal ang buhay namin one minute after setting foot in our new home. buti na lang ganito ang ugali niya. at least nababalanse ang pagka gung ho, bahala na attitude ko.

ang hirap. sobrang hirap ng naglilipat. bwakanginangyan. kasumpa sumpa talaga. nagpa FedEx kami ng 12 boxes ng gamit na darating next week. saan ito ilalagay? yan ang tanong. may ilang araw pa para pag isipan kung saan. hulaan ninyo kung ilan ang dala naming baggage sa flight? sirit... anim na checked in bags at apat na hand carry. oo virginia, sampung bagahe (buti na lang hindi kami siningil ng singapore airlines dahil siguradong overweight kami. dahil nga sa sobrang dami ng dala namin eh mayroon kaming nakalimutan na i-claim at binalikan ko pa sa LAX airport kanina. ang hirap palang makaiwan ng bag sa airport sa amerika. lahat ng tinanungan ko mali ang binigay sa akin na information kaya akyat baba ako sa arrival at departure ng airport. marami rin palang tanga sa amerika. hehehe.

pero in the end, ok namang lahat. nabawi ko ang lost luggage pagtapos makipaghabulan sa tauhan ng singapore airlines. nakakuha na kami ng rental car at nakapagbyahe na papunta sa aming temporary tahanan dito sa mission viejo. oo nasa orins kawnti na kami at excited na sa kung ano ang ibibigay sa amin ng tadhana rito.

July 27, 2005

Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely in a pretty well-preserved body, but rather to skid in broadside, thoroughly used up, totally worn out and loudly proclaiming ... WOW! What a ride!

bakit OK sumakay ng singapore airlines? 1. masarap ang pansit bihon guisado doon sa kris flyer lounge sa NAIA. 2. libre ang singapore sling sa eroplano (naka dalawa ako ngayon). 3. masarap panoorin ang mga stewardess pag tumutulong silang mag lagay ng mga bag sa compartment. 4. minsan masarap din daw pag nasa aisle seat ka at madikit ang mga stewardess sa braso mo.

kamusta naman ang trip mo to singapore? ewan ko, tulog ako buong flight. pero mayroong small periods na gising. just awake enough to say to the stewardess - "i like the tanigue fish meal" and then eating it before losing consciousness once more. binabawi ko pa rin ang puyat sa mount apo last week.

Continue reading "Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely in a pretty well-preserved body, but rather to skid in broadside, thoroughly used up, totally worn out and loudly proclaiming ... WOW! What a ride!" »

July 25, 2005

Light travels faster than sound. That is why some people appear bright until you hear them speak

ngayon ko lang ulit na appreciate ang aking kinareer. iniisip ko nga kanina habang papauwi galing sa cotabato na masuwerte ako sa napili kong propesyon. hindi man malaki ang kita eh marangal naman ang hanap buhay ko. bakit ba masarap maging isang engineer? kasi walang halong pulitika sa trabaho. hindi kailangan ng pogi points, walang SONA, walang wire tapping at walang masyadong tae ng lalaking baka (bullshit ata ang tawag nito sa english).

simple lang actually - you build things from scratch and make things work. then you take your paycheck, have a beer with your friends and take your wife out shopping.

July 24, 2005

When everything is coming your way, you're in the wrong lane

masarap ang pakiramdam pag nakikita mong gumagana ang ginawa mo. tulad ngayon, masaya ako kasi tumakbo na yung kinalikot namin sa mount apo. mabilis ang implementation - one week lang to take out a defective system and replace it with a new one. lahat ng ito ay ginawa without shutting down the power plant. ano bang magandang analogy para ma feel mo kung paano ito ginawa...

ah ok. parang ganito yun: isipin ninyo na lang na may isang babae (itago na lang natin siya sa pangalan na matilda) na nag request kay unkyel batjay na palitan na ang asawa niyang (si pepe) dahil maliit ang pototoy nito at parati pang nag pe-premature ejaculation. so ang ginawa ni unkyel batjay ay isinama si pedro (AKA "the love machine") at pumunta doon sa bahay nina matilda at pepe. pumasok sa kwarto habang sila ay nagsesex, kinidnap si pepe at pinalitan siya ni pedro (na may malaking pagkalalaki at matagal bago mag come). lahat ng ito ay ginawa ng hindi namamalayan ni matilda. nagulat na lang siya after the sex at may bago na siyang partner na subok na matibay, subok na matagal.

July 23, 2005

Hard work pays off in the future. Laziness pays off now

paano bang gumawa ng isang project?

1. magsisimula ka siyempre by defining your system. ano ito, at ano ang kanyang gagawin pag siya ay tumatako na.

2. you think about the different components that will make up your system. then you think of ways on how they will work and communicate with each other.

3. after that, you simplify. you do this by reviewing your design and by breaking down all the components over and over again so that you are left with an elegant and simple solution.

4. once you've come up with the answer, you just go through the motions of implemantation. you know for sure that it will work out in the end because you already had all the answers even before you started.

5. pag tumatakbo na ang ginawa ninyo, bibili ang boss ng lechon baka at maraming san mig light. mag iinuman kayo at magbibidahan hanggang sa pagsikat ng araw.

that's what engineering is all about.

July 22, 2005

How do you tell when you're out of invisible ink?

marami ang naiinggit sa akin dahil masayaran lang daw ang likod ko eh humihilik na agad ako. mabilis akong makatulog at nakakatulog ako kahit saan. isa yan sa mga talents ko (bukod sa mahabang dila at pleasing personality), kahit ipagtanong pa ninyo sa mga kaibigan ko at mga katrabaho. nakakatulog ako ng one click sa mga sasakyan. pag andar pa lang eh para na akong pinaghehele. nakakatulog ako kahit nakatayo, kahit nakaupo at kahit nakadapa. huwag lang kung nakadapa at naghahanap ng palakang may buhok.

ngayon lang bumalik sa aking lahat kung bakit ako madaling makatulog. dala ito ng pag train ko sa sarili ko na magpahinga pag may bakanting oras pag gumagawa ng mga projects. tulad ngayong week, typical ang 20 hour working days. mag iisang linggo na akong puyat at natutulog na lang pag may lull sa trabaho. pumipikit na lang ako pag inabutan ako ng antok kahit nasaan pa siya.

July 21, 2005

OK, so what's the speed of dark?

umuulan na naman habang sinusulat ko ito. nakihiram ako ng computer dahil may mga kailangang i-download na mga manuals na kailangan ko sa ginagawa namin. malapit nang magdilim at malamig na. parating na rin ang makapal na ulap at maya maya pa, babalutin na niya ang buong paligid at wala na akong makikita. siguro kung may langit, ganito ang hitsura niya. mataas na mga bundok, sariwang hangin at magandang panahon. kung pwede lang sana na mamundok poreber en eber, masaya sana.

doon sa mga nagtatanong kung ano ang amoy ko ngayon. gusto kong ipaalam sa inyo na naliligo pa rin ako araw araw kaya mabango pa rin. the wonders of technology - may hot water dito. at kahit malayo sa kabihasnan, may satellite cable connection kaya napapanood ko pa rin si kris aquino na sumisigaw ng "kee wreck" pag may sumagot ng tama sa "game na game ka" tuwing tanghali.

July 20, 2005

Always try to be modest, and be proud of it

narito ako sa taas ng mount apo para tulungan nga ang mga kaibigan kong gumawa ng kuryente. mayroon kasing kaunting problema sila sa ilang instrumento at kailangang palitan. ang problema, hindi pwedeng magsara ang planta habang pinapalitan ang mga instrumento kaya ang bayag ko ay nasa leeg parati - nininerbyos na baka may magawang mali at mag black out sa mindanao. pero tama na ang drama... may ibabalita akong ikinatuwa ko... pag pasok ko sa opisina ng planta ngayon, may sign na nakalagay: "BATJAY, JULY 18 T0 23".

hehehe. sikat na ang "batjay" na palayaw ko kahit sa mga kaibigan ko sa industria.

July 19, 2005

Plan to be spontaneous tomorrow

maulan ngayon dito sa taas ng bundok at malamig. pag bukas ko ng bintana, may pumasok na ulap. yan lang ang konswelo ko - kahit maraming ginagawa, mayroon pa ring mga bagay bagay (ulap, in this case) na nagpapasaya sa akin. ang hitsura ko ngayon ay parang puyat na unggoy - wala pang tulog simula nang dumating and busy as ever.

nakita ko ang peak ng mount apo ngayong umaga, nangiti ako nang makita ito ni jet. first time kasi niyang makita ang paborito kong bundok. ok na sana kaso lang ang dami kong kulangot ngayong gabi. siguro dahil sa alikabok. rough road kasi paakyat dito.

July 18, 2005

On the other hand, you have different fingers

pagkatapos ng ilang taon, nakaapak na naman ako sa sa beloved kong davao. mas special nga ngayon kasi kasama ko si jet. makikita na niya kung bakit gustong gusto ko ang davao. kinuha namin ang 10:20 am cebu pacific trip from manila. ang daming tao sa airport - dami ring mga koreano. mukhang paboritong destination nila ang pilipinas dahil may special phone pa sila doon sa airport para tumawag ng collect sa bansa nila - siguro pag naubusan na sila ng kimchi at soju, pwedeng tumawag para may free delivery.

from davao diretso kami ni jet sa kidapawan. pahinga sandali tapos akyat na dito sa taas ng mount apo. it feels like home. siguro in a former life, dito ako sa bundok nabuhay (bilang isang lamok). when i die, scatter my ashes in this mountain.

April 14, 2005

SHOOT TO KILL

isa sa mga masarap kainan sa cebu ang SUTUKIL sa mactan island ng cebu. tulad ng mga tagalog (TAPSILOG, LONGSILOG, etc), may mga acronym din ang mga cebuano sa mga pagkain. ang ibig sabihin ng SUTUKIL ay SUgba (ihaw), TUwa (tinolang isda) at KILaw (kinilaw sa suka). nung araw pa ako nagpupunta rito kaya nagulat ako't medyo maganda na rito ngayon. mas marami nang kainan at na develop na nang husto ang shrine ni magellan at ni lapu-lapu. yung SUTUKIL place kasi sa mactan ay right beside the actual site kung saan pinatay nina lapu-lapu ang dayuhang si ferdinand magellan (ika nga ni pareng yoyoy eh "in march siktin piptin-handred-tweynteewan, wen pilipin was diskowberd by mahdye-lahn"). medyo mahirap lang nga mag explain ng history sa mga foreigner.

Continue reading "SHOOT TO KILL" »

April 12, 2005

MAYROONG HIMALA!!!

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan...

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos - sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala... marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba'y pagsubok mo...

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY - kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na - akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign - sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.

April 10, 2005

THE ACCIDENTAL TOURIST

narito na ako sa bayang magiliw. swabe naman ang flight from singapore to manila. pero putangina, grabe pala ang byahe ko. i have been literally living off a suitcase lately and it has been a long and tiring week.

WEDNESDAY, APRIL 6. naghanap kami ng makakainan ng dinner sa new delhi at nagpunta sa isang mall dahil yung kasama kong intsik ay biglang nagkaroon ng craving para sa McDonald's mcveggie vegetable burger (oo virginia, walang hamburger sa india. magkakapatayan kung nagkataon. HOLY COW eh, alam mo na). it turns out, young mall na pinuntahan namin ay walang mcdo at nagpasya na lang kaming umuwi. medyo minalas lang nga kami dahil yung taxi na sinakyan namin pabalik sa hotel ay tumirik sa gitna ng madilim at nakakatakot na kalsada. buti na lang at may dumaan na tricycle after a while. pinara namin ito at PRAISE BE TO GOD JEEE-ZHAZ, sinakay kami. kung nagkataon na hindi kami sinakay eh baka napilitan pa akong pumara ng camel o elepante. it was that bad.

Continue reading "THE ACCIDENTAL TOURIST" »

April 09, 2005

COMING HOME

iniwan na namin tuluyan ang india. yesterday, we completed our last conference in calcutta. tapos lipad ng madaling araw pabalik sa singapore. shower lang sandali sa bahay tapos balik ulit sa airport para sa flight sa maynila. isang linggo uli na mga conference and meeting clients. masaya ako na uuwi ako pero mas malungkot dahil di ko kasama si jet. medyo ambivalnet nga ang pakiramdam ko. di ko alam kung sa pagod or sa kung anong dahilan. kulang lang siguro ako sa sex.

April 08, 2005

WITH ALL IT'S SHAM, DRUDGERY AND BROKEN DREAMS, IT IS STILL A BEAUTIFUL WORLD

BATA PA LANG AKO, MALIBOG NA AKO mahirap dumalaw sa india. paglabas mo pa lang sa eroplano, para ka nang nasa ibang planeta. major culture shock - mainit, iba ang hitsura ng mga tao, mainit, hindi mo sila maintindihang magsalita, iba ang amoy, mainit. tapos paglabas mo sa siyudad - ibang iba. maingay lahat ng mga panay businang sasakyan, mainit, nakaharang ang ang mga baka sa kalye (HOLY COW!), umeebak ang mga baka sa gitna ng kalsada (HOLY SHIT!), mainit, nakahilera sa gilid ng kalye ang mga tent ng mga homeless. nabanggit ko na ba na mainit? heksuli, nasa mag low forties pa lang ngayon. this time next month - the temperatures will average around 45 to 50 degrees C. that's the time you'll hear about people dying of the heat. nakakabaliw talaga ang india. kung di ka sanay rito, you'll go insane after a while. pero alam mo, mawawala lahat ng mga negative impressions mo about india once you see the taj mahal. it is an impressive piece of architecture. dito mo talaga ma-ri-rialize na india, in spite of all it's contradictions and ugliness, is a cool cool place.

April 06, 2005

HE IS SO HORNY

tapos na kami sa show namin sa mumbai last monday. nasa new delhi na kami ngayon. we had a free day today kaya nagpunta kami sa paborito kong lugar in all of india - the taj mahal in agra. i didn't mind the 4 hour drive to get there. talagang maganda roon. you can't help but stand in awa at the world's largst tomb (it took 20,000 worers to build over 22 years). napabigkas tuloy ako kanina - "geez, all that marble for a dead woman". iba talaga ang nagagawa ng pag ibig.

may kasama kami rito sa india. ang pangalan niya ay "bhogli". sabi ko sa kanya, baka mag kamag anak kami. how come, ang tanong niya. because, you know, i said, "libog" is my middle name.

January 17, 2005

Cheerful cheerful flashing a big smile. That's a perfect sign that they're feeling fine

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o' clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa - kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa't pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Continue reading "Cheerful cheerful flashing a big smile. That's a perfect sign that they're feeling fine" »

January 05, 2005

But night comes and starts to sing to me. The moon turns its clockwork dream.

kakadating lang dito sa singapore ngayong gabi. opo mga brader and sister, tapos nang maliligayang araw at panibagong taon na naman ng pagpapakaputa para may maipon na namang pera upang makauwi. cyclic lang naman yan - trabaho... gastos, bakasyon, pasyal. trabaho... gastos, bakasyon, pasyal. parang gulong ng palad. kung mahilig kang magjakol - gulong ng mariang palad. BWAHAHAHA. speaking of gulong: muntik na akong magulungan ng truck ngayong gabi. nag bisikleta kasi ako agad dahil kailangan kong bayaran ang phone bill sa 7-11. after spending 2 and a half weeks in manila, nalito ako sa kalye at nagbisileta on the wrong side of the road. tamang tama naman at paparating ang maliit na truck, head on sa beauty ko. nagkatinginan kami ng driver bago ako nag change lane. nakangiting demonyo. sasagasaan ata akong talaga ng kupal na yon.

Continue reading "But night comes and starts to sing to me. The moon turns its clockwork dream." »

December 13, 2004

THE GREAT BARRIER REEF

Tom, Ceci and BatJay ang highlight ng bisita ko sa australia last week ay ang day tour namin sa great barrier reef. it is an awesome place at talagang mapapa packingsheet ka sa kayang malaking size (in this case, it does matter). the reef stetches from townsville kung nasaan kami nag host ng conference, all the way up to the northeastern most point of australia. sumakay kami ng 2 hour ferry to get to the reef from townsville. masarap ang byahe at wala ka nang hahanapin pa - buffet meals, diving gear at magaling na staff. alam na nila ang magandang diving spots at talagang first class ang service - malinaw ang tubig at punong puno ng mga isda ang hinintuan namin. naghagis nga yung staff ng fish food from the deck. halos mabaliw yung mga isda sa pagsalubong sa kanilang free lunch. naikwento ko na ba na may lumapit sa akin na pating?

Continue reading "THE GREAT BARRIER REEF" »

December 12, 2004

UMUUTOT DIN BA ANG ISDA?

maaga akong nagising kanina dahil alas sais ng umaga ang flight ko. alas kwatro y medya pa lang ay pababa na ako sa hotel lobby. pag sakay ko ng elevator ay hindi ko napigilan na mautot. iniisip ko, maaga pa naman... sana wala akong makasabay. medyo mabaho kasi. sa sobrang bahu nga eh pati ako ay nabahuan. siguro kasi enclosed ang space. isa pa ay di ko nailabas ang kinain ko kagabi but let's not go there. anyway, nautot nga ako at ok na sana dahil ako lang mag-isa sa elevator. kaya lang a few floors after i farted, biglang bumukas ang pinto at may pumasok na stewardess sa emirates airline. nginitian niya ako pero bigla siyang napahinto at sumimangot. palagay ko ay naamoy rin niya ang utot. sasabihin ko sana eh - "nakikiamoy ka na nga lang, ikaw pa ang galit". kaya lang, di ko alam itong sabihin sa english kaya dinedma ko na lang siya at yumuko. pag bukas ng pinto sa lobby ay tumakbo na lang ako papalabas. sana di ko na siya makita ulit.

December 09, 2004

TOWNSVILLE AND THE PINOY MAFIA

ang townsville ay isa sa mga siyudad sa queensland. pang tiningnan mo ang mapa ng australia, ito ay nasa bandang north east. just above brisbane and below cairnes. katulad ng maraming mga lugar sa australia, mayroong small town feel ang townsville. mababait ang mga tao rito at very accomodating. sa townsville nagsisimula ang isa sa pinakasikat ng natural wonder ng ating mundo - ang great barrier reef. multi cultural ang group namin as usual. si norman ay isang chinese south african na australian citizen. si tom ay german american. si ceci ay filipino american at ako naman ay pinoy kupal.

Continue reading "TOWNSVILLE AND THE PINOY MAFIA" »

December 08, 2004

PERTH TO BRISBANE, BETLOG SA LEEG

narito na kami sa brisbane mylab. umalis kami ng perth ng pasado ala una ng hapon. dalayed dahil nagloko raw ang fuel guage ng eroplano at di nila malaman kung full tank na ang eroplano. sabi ko nga sa stewardess, kumuha na lang ng mahabang stick para masukat nila yung level ng gasolina. wala, tiningnan lang niya ako ng masama. mahaba ang byahe from perth at mahigit limang oras kami. medyo turbulent ang flight at para nga kaming nakasakay sa roller coaster. matagal na akong sumasakay by air pero ngayon lang ako naka experience na nag free fall ang eroplano dahil sa air pocket. umakyat talaga ang betlog ko sa leeg dahil sa matinding takot - akala ko talaga ay babagsak. sa takot ko nga, muntik ko nang akapin yung katabi kong bumbay na amoy sibuyas.

Continue reading "PERTH TO BRISBANE, BETLOG SA LEEG" »

December 07, 2004

LIPAD, BATJAY, LIPAD!

DARNA! dear mylabopmayn, nagising ako kaninang umaga na malungkot. di kasi kita katabi. naalimpungatan siguro ako dahil sa pag-iisip sa iyo. kaya yon, imbis na amerikana eh yung darna costume ang naisuot ko sa conference namin. masaya naman dahil nung sinubo ko yung bato at sumigaw ng "DARNA" ay nagpalakpakan ang mga tao, lalo na ng biglang umusok. kamukha ko raw si wonder woman. "excuse me", ang sabi ko sa kanila. "i am darna, the philippine super hero. wonder woman is a pussy". di sila nakasagot sa akin. marami palang mga pilipino rito sa perth. yung mga electricians ng hotel at yung mga cleaning ladies ay puro pinoy. nagulat nga sila sa costume ko. kamukha ko raw si roderic paulate sa petrang kabayo. pero mababait naman sila sa amin. maganda talaga rito at sigurado magugustuhan mo. di bale, next year punta tayo rito for a vacation para makita mo firsthand. huwag nating itapat ng summer kasi hindi natatakot ang mga makulit na langaw sa headband kong may pakpak. o sige mylab, ingat ka na lang diyan. tawag na lang ako sa iyo mamaya. sana ok ang pag grocery mo kaninang umaga. lab u! batjay alyas darna (without the giants this time).

December 06, 2004

Blowing through the jasmine in my mind

"fremantle doctor" ang tawag sa hangin na umiihip sa perth tuwing late afternoon pag summer. it is said to be the most consistent wind in the world and you can time your clocks by it's arrival. tulad ng tutuong doctor na nakakapagbigay ng ginhawa sa mga maysakit, ang "freemantle doctor" ang nagbibigay ng ginhawa para sa biktima ng mainit na summer ng southwestern australia. na experience ko ito ngayong hapon dito sa perth... one moment dry heat na talaga namang napakainit. the next thing you know, bigla na lang darating ang walang patid na napaka maginhawang simoy ng hangin.

Continue reading "Blowing through the jasmine in my mind" »

November 22, 2004

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito - biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta...

Continue reading "ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE" »

October 28, 2004

Where no one asks any questions, Or looks too long in your face - In the darkness on the edge of town

GENTLE READER: dear unkyel batjay, welcome back! ang gaganda naman ng pictures ninyo doon sa "jay and jet's bakasyon ispesyal in kiwiland". at very interesting din ang kwento ni jet doon sa kanyang latest blog about your stay in auckland. buti pa siya, magaling magkwento - di katulad mong puro drawing. pero, ang tagal mo ring nawala ano? ang galing mo talaga, nakakapunta ka sa mga iba't ibang lugar. masarap ba ang maging isang byahero?

UNKYEL BATJAY: kamusta na, GR? matagal din akong nawala, ano. masarap ba talagang maging isang byahero? kung ok lang sa iyo ang nakaupo ng sampung oras sa eroplanong masikip na may katabing taong mas malakas pa sa kanyon ang putok. kung ok lang sa iyo ang maghintay sa harap ng isang immigration officer dahil iniisa-isa niya ang mga page ng passport mo na halos kabisaduhin niya lahat ng mga tatak rito. kung ok lang sa iyo ang magbuhat ng bag na sa sobrang bigat ay halos halikan na ng iyong luslos na betlog ang lupa. kung ok lang sa iyong sumagot ng mahigit 600 emails pagbalik mo sa opisina. kung ok lang sa iyo ang umurong ng todo ang iyong pototoy dahil sa sobrang lamig ng klima. kung ok lang ang lahat ng ito sa iyo, eh di oo masarap ang maging isang biyahero.

October 27, 2004

EMPTY LAKE, EMPTY STREETS, THE SUN GOES DOWN ALONE

LAST DAY IN KIWILAND uuwi na kami mamayang hapon. last day na namin at medyo nagsesenti ako. tinatanong sa akin ni jet kahapon kung malungkot ako't aalis na kami. sabi ko - oo, medyo malungkot dahil napamahal na sa akin ang lugar na ito. malungkot dahil matagal ulit bago makita ang mga naiwang kaibigan. malungkot dahil marumi nang lahat ang underwear ko. sayang, kung pwede lang sanang magtagal pa. di bale kiwiland, nakamarka ka na sa akin at babalikan ka naming ulit. i've enjoyed this wonderful land - with it's wide open spaces and it's great people. walang pretense at napaka welcoming. kahit nahirapan kaming kumuha ng visa at kung ano ano pang mga requirements ang hinanap sa amin bago kami na approve. sulit lahat ng ito.

Continue reading "EMPTY LAKE, EMPTY STREETS, THE SUN GOES DOWN ALONE" »

October 26, 2004

AND I'M GONNA TRY AND THANK THEM ALL FOR THE GOOD TIMES TOGETHER. THOUGH SO APART WE'VE GROWN

LONG LOST FRIENDS special talaga ang mga kaibigan ko sa buhay namin. so special that we would travel ten hours by bus from auckland to wellington just to spend one day with them. si danny ay classmate ko since kinder. he is part of my "classmate, almost like a brother, close barkada" group that is still solid to this day. halos pareho ng pag-alis ko sa pilipas papuntang singapore ang pagbakasakali ni danny rito sa new zealand. medyo minalas lang siya sa simula dahil na aksidente siya sa aukland working as a machinist in a factory. halos naputol ang tatlo niyang daliri (palasingsingan, dirty finger at pangfinger). habang nagpapagaling ay nagbalak siyang mag try sa wellington. eventually, gumaling naman siya (with all fingers intact). yes virginia, gumaling ang kanyang dirty finger at ang kanyang pang-finger. hehehe.

Continue reading "AND I'M GONNA TRY AND THANK THEM ALL FOR THE GOOD TIMES TOGETHER. THOUGH SO APART WE'VE GROWN" »

October 25, 2004

WINDY WELLINGTON

WINDY WELLINGTON WELLINGTON - the capital of new zealand at malaking siyudad south of the north island. umakyat kami nina danny sa taas ng victoria peak. from here kitang kita mo ang buong city. malamig nung umakyat kami pero binaduy ng maraming kiwi ang weather dahil umakyat silang kasama namin na naka short lang at sando - samantalang kami ay balot na balot sa mga jacket at sweater. para bang sinasabi nila sa amin na: "mga ulul kayong turista, go back to your hot country". hehehe... ang tataba kasi nila kaya may blubber silang extra protection. sana nga ay wala kaming makatabing mga extra large natives sa eroplano pauwi.

October 24, 2004

THE HIGHWAY'S JAMMED WITH BROKEN HEROES ON A LAST CHANCE POWER DRIVE

SOJOURN pagtapos ng conference ay may ilang araw na bakasyon. kaya nagbalak kami ni jet na bisitahin ang malapit kong kaibigan na si danny. naka base siya sa wellington kasama ang pamilya niya kaya nag bus kami from auckland going south to the capital of new zealand. pinili naming bumiyahe ng linggo ng umaga para by bus para mayroong scenery. part of the trip's enjoyment is being able to see and experience the actual traveling itself. para sa akin, yung journey itself ay importante. at di kami nabigo - napakaganda ng kiwi country side. rolling hills puno ng mga tupa, pine forests, snow capped mountains, huge lakes and really kind people. by the time we arrived in wellington, it was very dark already, extremely cold and very foggy. pero lahat ng dilim at lamig ay nawala nang salubungin kami ni danny. may ilang taon na kaming hindi nagkita kaya talagang napakasaya ng aming pagkikita.

October 23, 2004

PUT YOUR EYE ON THE ROAD, YOUR HAND BEHIND THE WHEEL

DRIVING IN THE WRONG SIDE OF THE ROAD WHILE ON A WINE TOUR Waiheke Island - just off the coast of auckland and 35 minutes by ferry. maraming vineyards all over the island at masarap umikot dito and do a wine tasting tour. napaka scenic talaga ng new zealand. kahit saan ka mapunta ay may maganda at breathtaking na tanawin. at napatunayan ko na naman ang kabaitan ng mga tao rito. twice itong nangyari while on the island - the first time, isang taxi driver na babae ang tumulong sa amin at nagturo kung saan ang papunta sa town centre ng waiheke. yung isa naman ay isang lalaki ang biglang sumulpot galing sa likod ko (much to my surprise, siyempre) at tinuro kami sa tamang daan. muntik na nga akong napasigaw sa gulat. nag rent nga pala kami ng kotse para makaikot sa iba't ibang mga vineyards. first time ko sa buong buhay na mag drive ng right hand. memorable dahil dito sa new zealand nangyari. hirap nga lang ako dahil baliktad ang mga controls. pag nag left turn signal ako eh bigla na lang akong nagugulat dahil bumubukas ang wiper. hehehe.

October 22, 2004

SPIDEY IN AUCKLAND'S SKYTOWER

SPIDEY IN aukland ito ang skytower. ang pinakamataas na structure sa buong southern hemisphere. malayo ka pa lang ay makikita mo na ito at nagsisilbing gabay para sa aming mga lakwatserong namamasyal dahil malapit lang kasi ito sa tinutuluyan naming hotel. sa taas ng skytower ay mayroong observatory at bungy jump (sino ba namang gago ang magbabayad ng $200 para tumalon sa mataaas na tower? hehe). mayron din ditong dalawang restaurant. kumain nga kami rito ngayong week. ang ganda sa taas - kita mo ang buong aukland at ang mga karatig probinsya. masarap din ang pagkain. di nga ako nakatiis napakain ako ng maraming talaba. nainggit kasi ako sa mga kasama ko. buti na lang hindi ako sinumpong ng allergy. ang tigas talaga ng titi ko ng ulo ko, ano? sa ibaba ng skytower ay ang skycity casino, ang paboritong sugalan ng mga taga rito. sa tapat nito ay may branch ng denny's. dito kami kumakain ng breakfast araw-araw. hehe... panay nga ang kain ko ng lumber jack slam - toasted bread, bacon, sau-sah-gue (sausage in english), eggs at ham. sumisikip na tuloy ang pantalon ko. kailangan nang mag excercise ulit kundi uuwi ako sa singapore na parang bolang kanggarot.

October 21, 2004

THE HILLS ARE ALIVE WITH THE SOUND OF MUSIC

THE HILLS ARE ALIVE WITH THE SOUND OF MUSIC nagpunta kami sa isang rain forest just outside the city. mayron kaming mga trained guides na kasama naming pumasok sa gubat. pakiramdam ko nga ay para akong hobbit at sumusunod sa akin si gollum. boss ko lang pala na naglalakad sa likod ko. bwahahaha! as if by magic, umulan pag pasok namin sa rain forest at umaraw pag labas. proud na proud nga yung guide namin, sinadya raw yon. before going inside the forest, nag picnic lunch muna kami sa isang madamong bulubundukin na pagka ganda ganda. much to the delight ng aking mga colleagues - napakanta nga ako ng "the hills are alive, with the sound of music" with matching patakbo sa tuktuk na parang si julie andrews na paikot-ikot pa. for that great lunch, i had a roast beef sandwich and orange juice habang nakaupo sa damo beside great friends. what more can you ask for? it was a perfect sunny day na may katumbas pang malamig ang simoy ng hangin. perfect.

October 20, 2004

IT'S A SMALL WORLD AFTER ALL

THE PIANO all star cast ang trip na ito: maraming intsik, koreano, hapon at amerikano. may australians, kiwi, bumbay, thais, malaysians at dalawang pinoy (ako at si jet). all in all mahigit 60 people from all over the world ang kasama namin dito sa aming auckland conference. para na kaming isang malaking pamilya dahil every year nagkikita kami at nagsasalu salo. this year ay mas maganda dahil dumating lahat ng mga big boss namin galing amerika. tuwang tuwa nga si jet dahil mababait daw sila kahit matataas ang position. sabi ko nga ay ganyan talaga sa kumpanya namin, mga cowboy ang mga tao. yan na rin siguro ang dahilan kung bakit gusto ko ang trabaho ko. i am in the company of really smart and cool people. very warm din sila sa amin - siguro dahil talagang likas na mabait kasi ang mga pinoy at magaling makisama. isa pa, cute din ako. BWAHAHAHAHAHA! sabi nga ng katabi kong thai dito sa picture - "helobatjay, yu al belly handsaman".

October 19, 2004

THE PIANO

THE PIANO the takapu refuge - limestone cliffs along the black beach coast of the north island. yes virginia - talagang itim ang kulay ng buhangin. ang galing nga. tahanan ito ng libo libong mga ibon. isa na namang breathless kiwi site. i was half expecting holly hunter to show up along the coast, sitting on top of a large black grand piano accompanied by her deaf daughter and her maori lover. alas, all i saw was 60 other people like me - accidental tourists from all over the asia-pacific region, enjoying the day off from their conference. middle of the week kasi, during this time, may one day kaming field trip na pampagana. nung umaga, nag tour kami sa isang brewery na customer namin.siyempre, pagkatapos ng tour ay may free beer. ayun - alas 10 pa lang ng umaga, ngongo na ang salita ko. hehe. naka anim na basong beer ata ako. pero nawala ang lasing ko nang makita ko ang takapu refuge. ibang klase ang ganda niya. gaya ng sabi ko kanina - yung view doon ay parang yung opening scene ng "the piano". incidentally this classic film was done here in new zealand and was directed by a kiwi - jane campion. now through this trip, i pay homage to one of my favorite movies.

October 18, 2004

SI KIWIPINAY, ANG PRINCESA NG AUCKLAND

dalawang taon na ang ateng kong si kiwipinay rito sa auckland. matagal na rin kaming magkakilala. sila ni jet at parati ngang nagtatawagan at nagsusulatan. pero ito ang unang beses naming magkita. masaya talaga ang mga unang pagkikita ng kaibigang nakilala mo online. di kami nagkamali ni jet sa pagkakilala sa kanya - mabait na tao at napaka hospitable. binista niya kami sa hotel at ipinasyal sa labas ng auckland. nakita tuloy namin ang mga iba't ibang tanawin dito na talagang maganda. maraming salamat ateng sa oras at sa abala. na touch kami sa pag spend mo ng weekend sa amin. until next time.

October 17, 2004

WINDFLOWERS, THEIR BEAUTY CAPTURES EVERY YOUNG DREAMER WHO LINGERS NEAR THEM

jet in aukland ang new zealand ay puno ng bulaklak. lalo na outside of the city - parang nonchalant na makikita mong pasulpot sulpot ang iba't ibang mga wild flowers in every nook and cranny. at iba ibang kulay - deep shades of purple, bright red and yellow. they grow almost everywhere and are a great addition to the character of the place. i love it. natapilok nga ako nung isang araw dahil sa sobrang kakatingin. the pictures don't do justice to this place. dapat, bumili na siguro ako ng mas magandang camera. but nonetheless, ang ganda ng kuha ni jet ano, katabi ng mga bulaklak na parang galing sa painting? naalala ko tuloy yung mga eksena ni robin williams doon sa pelikulang "what dreams may come". jet really loves this place. i guess pag uwi namin next week, malulungkot siya ng husto.

October 16, 2004

I HAVE A GOLDEN MEMBER

jay and jet in aukland maganda talaga dito sa new zealand. malinis, malamig ang hangin, mababait ang mga tao at walang anghit. at least walang amoy ang mga nakakaharap ko so far, hehehe. narito na kami ni jet sa auckland after the long nine and a half hour flight from singapore. di ko masyadong ramdam dahil sa magandang serbisyo ng crew ng singapore air lines. pinagsilbihan talaga kami ni jet. kahit nasa coach lang kami ay extra special ang serbisyo nila. inggit na inggit nga yung katabi ko sa kabilang row. nagseselos siguro at di siya pinapansin ng crew. akala ko nga eh susungaban ako ng bruha.

stewardess: "are you batjay?"
batjay: "sorry but i'm already married"
stewardess: "excuse me, are you batjay?"
batjay: "ay-olredi-peypor-maytiket"
stewardess: "???"
batjay: "yes, i am he. why do you ask?"
stewardess: "you are a gold member"
batjay: "i have a golden member?"
stewardess: "a gold card member and you are special to us.
batjay: "ah ok"
stewardess: "and we want to serve you first."
batjay: "then, kneel before me and worship my beautiful body"
stewardess: "dream on, asshole"
batjay: "aybegyorpardon?"
stewardess: "what do you want for dinner, chicken or fish?"

September 24, 2004

TAKE ME TO A ZOO THAT'S GOT CHIMPANZEES, TELL ME ON A SUNDAY PLEASE

MAHALAGANG BALITA... "di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit" (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK...ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng "Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!"... ding-dong ( doorbell sound epeks ng time check)

KUALA LUMPUR - a 70 year old malaysian man, shot his wife using a shotgun pagkatapos niya itong mapagkamalan na isang unggoy na namimitas ng mangosteen sa kanilang backyard. napagalaman na ang kanyang 68 yr old wife ay gumamit ng hagdan para umakyat sa mangosteen tree nang ito'y mabaril. di na ito umabot sa hospital ng buhay.

MORAL LESSONS: 1. huwag kang aakyat ng puno pag ikaw ay may asawang galit sa unggoy. 2. kung gusto mong barilin ang asawa mo, huwag mo na siyang paakyatin pa ng puno. 3. next time, find a better alibi - don't use da poor monkey as an excuse.

Continue reading "TAKE ME TO A ZOO THAT'S GOT CHIMPANZEES, TELL ME ON A SUNDAY PLEASE" »

August 10, 2004

Mama's got a squeeze box, Daddy never sleeps at night

dear boss roland,

bago ang lahat, hayaan mo munang batiin kita ng isang mapagpalayang magandang tanghali galing dito sa singapore. alam kong medyo busy ka diyan sa iyong lungga pero may gusto lang akong tanungin. ano ba yung "humps" na kinalolokohan ng mga pinoy diyan sa saudi? bago yan sa pandinig ko. ang alam ko nga lang diyan ay yung mga kabayan nating nagpapalagay ng bulitas, pero yang humps na yan eh nakakaintriga. hehehe... parang gusto ko tuloy magpalagay. please enlighten me. yun lang muna sir - kamusta na lang diyan. miss ko na ang mga yosi sessions natin especially now na huminto na ako sa pagsigarillo. ingat na lang diyan sa desyerto.

nagmamahal,
batjay

Continue reading "Mama's got a squeeze box, Daddy never sleeps at night" »

August 05, 2004

A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm... kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad - wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance - sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: "PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!"

Continue reading "A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND" »

August 04, 2004

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel - pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa "fafa batjay". maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo...

Continue reading "THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR" »

August 01, 2004

CROCODILE BATJAY, THE BUSHMAN FROM ANTIPOLO

eto ang binili kong driza-bone na sombrero sa airport. it's a bush hat really. eto yung kadalasang suot ng mga aussie diggers pag pumapasok sila sa mga gubat. eto naman ang isusuot ko pag nag aayos ng garden. ayos ba? minodel ko nga ang sarili ko... pinagusto ko yung nakalabas ang dila. parang pang romansa ang dating

July 26, 2004

WHERE WOMEN GLOW AND MEN PLUNDER

hulaan ninyo kung nasaan ako? hehe. dalawang araw pa lang ako sa australia, apat na beses na akong naliligaw. di maintindihan ng mga taxi driver ang mga sinasabi kong english. ganito ba talaga ang accent dito? kung saan saan tuloy ako dinadala. isip ko nga, baka nililigaw ako para malaki ang kita nila. puro mga immigrant nga pala ang mga driver ng taxi rito - una kong nasakyan ay nigerian, pangalawa bumbay, ikatlo bulgarian at ikaapat ay taga republika ng kupal. kasi, sinisisi ba naman ako - kaya raw kami naligaw ay di ko raw sa kanya binigay ang address ng pupuntahan ko ng maaga. gago pala siya. eh di sabi ko sa kanya eh - "you fix yourself otherwise something pointed will come out of your head" (kako eh mag ayos ayos siya at baka siya mabukulan).

ingat ka diyan mylab! binili kita ng maraming mga aussie souvenir - mayron akong nakuha, murang mura lang. $1 ang isa... boomerang na hindi bumabalik. ang galing nga eh, binili kita ng sampu. lab U!

April 24, 2004

THE LAND OF THE RISING SUN

the land of the rising sun... yung tutuong bansa, hindi yung kanta ng animals. etong view from my hotel room. taken this morning kaya literally "rising sun" over the land of the rising sun. yan ang version ko ng "redundant photograph". hehehe. dahil spring na, alas singko pa lang ng madaling araw, maliwanag na. mayang gabi ang lipad ko pabalik ng singapore. kaya in the meantime, pasyal muna kami ni steve. gusto raw niyang bumili ng relo. pupunta kami doon sa lugar na di ko ma pronounce na puro electronic goods kasi gusto raw niya yung katulad ng relo kong may world time. tanong kasi ng tanong sa akin ng oras kaya minsan sinasabi ko: "wanna buy watch joe?" mwahaha.

April 22, 2004

I SHIT YOU NOT, JAPAN: THE PLACE TO BE PAG MAY LBM

the flowers of spring. sana may spring din sa pilipinas para pwede akong mag alaga ng ganito kagandang mga bulaklak. kinuha ko ito kahapon sa labas ng conference venue namin sa seoul. sana may spring din sa pilipinas para pwede akong mag alaga ng ganito kagandang mga bulaklak. iaalay kong lahat sa iyo, mylabopmayn. narito na ako sa tokyo. nagpapahinga after the byahe and the meetings. nalasing ako kagabi dahil ang lekat na mga kasama ko eh nagbidahan sa pag-inom. hindi ko alam kung paano ako nakauwi. one moment, i was outside the restaurant waiting for a taxi, the next moment, i was waking up in my hotel room. pag tingin ko sa kwarto, naka handa na ang aking damit at naka pack nang lahat ang maleta ko. nagawa kong lahat yon on autopilot. never again, gardenget.

after all the drinking and the eating in korea, i'm having a belated case of loose bowel movement. kung magtatae ka, do it in japan. upo ka lang sa automated trono at siya nang bahalang mag hugas ng pwet mo. habang naka upo nga sa toilet seat ay napag isip-isip ko: international na talaga ang beauty ko... lahat ng kinain ko sa korea ay itinae ko sa japan.

anyway, kakatawag lang ni jet kaya masaya ako. ang sarap ng pakiramdam when you're traveling tapos you get a phone call and hear a familar voice. kahit papaano nababawasan ang lungkot. ingat ka mylab. ilang araw na lang. lab U!

Continue reading "I SHIT YOU NOT, JAPAN: THE PLACE TO BE PAG MAY LBM" »

April 21, 2004

KIMCHILANDIA TRIP REPORT

jay during the beijing conference - tawang nakakaloko, parang sutil na gustong mang-asar. tawang sutil na parang gustong mang-asar. hehehehe. bwahahahaha... kuha kahapon sa beijing conference. kaya nakangiti ay para ipakita sa mga tao kung ano ang hitsura ng pagod, walang tulog at kakalog kalog na byaherong pinoy.

dear mylab op mayn. narito na ako sa kimchi land. umalis kaming beijing kahapon ng mga 6 pm right after the conference. straight to seoul. arrived at the hotel at 11 pm via the KIMCHI express. ang daming pinoy sa airport even in korea. wow. nag practice kami for the conference until 1 am. di makatulog kaya nagbasa ng comics hanggang 3 am. gising ng 6. breakfast. sinundo ng 7. conference ng 9. natapos ng 2. straight sa office. sagot sa email. pahinga. dinner. inom. tulog... hah. hah. hah. pagod na ko.

ang kunswelo ko lang ay napakaganda ng seoul in the springtime. i love the weather. hopefully tomorrow will even be better. next stop: another favorite city. tokyo. lipad kami ni steve ng 10 am bukas. ingat ka. lab U!

April 20, 2004

BEIJING IN THE SPRING

the forbidden city, beijing china, spring 2004. beijing china, isa sa paborito kong cities sa asia. bakit ba siya special? kasi dito kami nagbakasyon ni jet two years ago. ramdam mo ang pulso ng china pag narito ka sa beijing. paroon parito ang mga tao sa paghanap ng ikabubuhay. nagpunta kami sa "forbidden city" kanina para ipasyal ang kasama kong americanong si steve. kumuha kami ng guide para ma explain sa kanya lahat ng mga kasulok sulukan ng napakalaking palasyong ito. hinahanap ko nga yung kuliglig na iniwan nung last emperor doon sa throne room kanina. wala. umalis na siguro.

suwerte ako ngayon sa byahe so far. maluwag ang eroplano at wala akong katabing mabahu. hehe. conference na namin mamaya-maya, tapos lipad na kami ni steve for seoul later tonight.

April 18, 2004

IT'S A BIRD

lipad ako ngayong madaling araw for a business trip. i'll be visiting three cities in five days. tomorrow i'll be in beijing, tuesday in seoul and thursday in tokyo. quite a busy trip at di pwedeng walang dalang libro dahil sa mahabang paghihintay sa airport at sa matagal na byahe sa loob ng eroplano.

i'll be bringing dan brown's "angels and demons" and three comic books graphic novels... volume 5 of grant morrison's "invisibles", garth ennis' "preacher" volume 6 and one of the newest graphic novels that came out this month... "it's a bird" by steven seagle. this is a superman story that isn't really about superman. i'm looking forward to getting my hand on it once i'm up in the air.

ingat ka mylab. balik ako kaagad. lab U!

March 18, 2004

PISO NA LANG NASA IMPYERNO NA

nagpunta ako sa ministry of manpower kanina para ipa-transfer yung employment pass ko from my old to new passport. medyo malayo ito sa office kaya mga 11:30 pa lang ng umaga ay lumarga na ako. mahaba ang pila kaya mga 2:00 na ako hinarap ng processing officer. impressed nga ako sa service nila dahil inayos nila yung request ko in less than 5 minutes. sa harap ko pa ini-stamp at pinirmahan ang work permit ko sa bagong passport. palapit pa lang ako ay nakangiti na ang staff. either mabait talaga sila o nakakatawa ang mukha ko.

mahaba rin ang nilakad ko from the train station to the manpower office kaya nakabilad ako sa araw ng matagal. gusto ko na ngang mag shower para matanggal ang paninikit ng aking buong katawan. isasama ko na rin sa pagligo ang aking singit na kanina pa kinikiliti ng tumutulong pawis. eto lang ang masasabi ko tungkol sa panahon ngayon: bwakanginang sobrang init dito!

naalala ko tuloy one summer day, nung college ako: nagreklamo ako sa init sa loob ng classroom. from out of nowhere, biglang may sumigaw ng - "FREYZ GOD, BRADER! MAS MAINIT PA RITO SA IMPYERNO, KAYA MAG BALIK LOOB NA KAYO KAY LORD JEEEE-SAZ!"

March 16, 2004

NAGPUNTA SA EMBASSY PARA MAG-RENEW NG PASSPORT

nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga't binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.

mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee - that's 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.

yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito'y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)

all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.

February 13, 2004

THE BEST SEAT IN THE HOUSE

the best toilets in the world are in japan. they come fully automated at mauupo ka na lang. at a push of a button, siya nang bahalang nag hugas ng pwet mo. mayron kang option to spray and splash your pwet with hot or cold water. what's more, yung toilet seat itself is heated. i always look forward to my trips to tokyo because of this.
ito yung litrato ng toilet seat ng hotel room ko sa tokyo. hightech yan. de pindot lahat ng controls at di mo na kailangan ng tabo-tubig combo, toilet paper or punas. sa bandang kaliwa ng bowl ay may push button station from where you operate this contraption. click nyo na lang yung picture to enlarge kung malabo nang mga mata ninyo. anyway, mayrong volume control para sa lakas ng tubig - from "pffft,pffft" spray to "oh my god, i'm coming". mayrong din push buttons to rinse pwet, spray pwet and air-dry pwet. the seat is also heated - malaking advantage pag winter para di tuluyang lumiit ang pototoy mo. fully automated, kaya pag-upo mo, the whole thing turns on. if you look closely at the lid, nandon yung manual na may english instruction. ahhh, the wonders of technology, it's leally belly belly implesib.

malakas ang appeal nitong automated toilet sa akin dahil ito ang trabaho ko. no dummy, i don't make toilet seats. ako'y isang automation engineer at yung principles na ginagamit to automate japanese toilets are the same principles i use in my job. asamateropak, kaya ko sigurong i-automate ang banyo ko sa pilipinas. masubukan nga.

January 28, 2004

BARKADA CALIFORNIA

si papa rodger, si andres, si ate sienna, si jet at si mariacecilia nagpapakyut sa apartment nina ate sienna
pagtapos namin sa mga pinsan ni jet na si leslie, tumuloy kami sa pansitan ni ate sienna sa west covina. nagkita na kami ng ninang ko last september pero ito ang unang meeting ng magbarkadang jet at ate sienna, kaya todo embrace, emote at iyakan sila nang magtagpo sa gate ng apartment ni ninang. kukunan ko nga sana sila ng piktyur, kaya lang baka pagtulungan akong bugbugin ng dalawa.

kuha ito sa apartment ni ate sienna. from left to right, si ka rodger ang nakakatawang bagong kaibigan, si ate sienna, si papa andres, si jet at si mariacelia ang aming navigator papunta sa hollywood sign. nakaka-aliw sila at masarap kasama. pero nagkandautot sila sa kakatawa nang kinanta ko yung karaoke version ng "hello" ni lionel ritchie (version ng isang lasing na sinto-sinto). pakinggan nyo na lang... CLICK HERE.

January 27, 2004

BACK IN SINGAPORE, HILONG TALILONG

MariaCelia, Jet and Ate Sienna nagpapakyut malapit sa hollywood sign
there's nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it's depressing and... what's the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa 'merika, puro english na ako ngayon. erase. erase... ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.

reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina... may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.

narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.

January 22, 2004

MUNTIK KO NANG MASAGASAAN ANG 2 MATANDA SA RODEO DRIVE

MariaCelia, Ate Sienna and Jet nagpapakyut sa rodeo drive
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: "STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE". nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.

ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake - ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

si liit (asawa ni alma, si alma, si aubrey (anak nina liit at alma at si jet
after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.

January 20, 2004

NAHIYA ANG BATA SA KALATERANG NANAY AT TITA

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng "TARZAN I LOVE YOU!"... biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: "mom, stop it. you embarrass me". hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba't ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na't nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

January 19, 2004

HUWAG TATABI SA UTUTENG MAY ANGHIT SA MAHABANG BYAHE

narito kami ngayon sa apartment ni ate sienna sa west covina. so literally, matutulog kami ngayon sa pansitan. pangalawang araw namin dito sa america. first time ni jet dito kaya enjoy ako bilang travel guide. she has the eyes of a child full of wonder and we have a week to explore this great land.

ang hirap talagang sumakay sa eroplano ng sixteen hours. lalo na kung may katabi kang mabahong tao. mas malala yung nangyari samin - yung mga taong right in front of us, may anghit na, utot pa ng utot. tangina, ang bantot man. piso na lang, lason na. nung una ngang umutot ang lalaking in question, napasigaw ako ng "SHIT WHO FARTED?" sabay tadyak ng silya sa harap ko ng malakas. wala, no response. dito ko na realize na siya nga yung umutot. "DEADMA" my dear friends, in cases like this, is a sure sign of guilt. akala ko yun na yung last. nagkamali ako. yung buong flight from singapore to japan to LA, walang humpay ang pagutot ng bwakanginang yon. asar talaga. it was like a double edged sword that's stabbing on your nose, running like clockwork.

November 17, 2003

NAKOTONGAN AKO SA INDONESIA.... PAKINGSHEET

sa international airport ng surabaya, indonesia: isang immigration official ang nangikil sa isang pinoy na nagpunta roon para sa isang business trip. hiningan siya ng $50 dahil wala raw VISA ang pinoy para mag conduct ng negosyo sa indonesia. sabi ng pinoy, hindi naman siya magnenegosyo sa indonesia. may dadalawin lang siyang mga cliente at uuwi rin siya after 5 days. hindi raw, sabi ng immigration official. kung ayaw raw niyang mag bayad ng $50, umuwi na raw siya pabalik ng singapore. eh di nagkamot itong pinoy (habang iniisip niya kung pwedeng lumangoy pabalik ng singapore), nagmura sa tagalog (ng pabulong) at nagbayad ng lagay dito sa indonesian immigration official (gamit ang kanyang kanang kamay, habang ang kaliwang kamay ay nakasenyas sa ibaba ng counter ng "ngatain mo, dirty finger hand sign").

malapit na kasi ang hari raya puasa... end of ramadan na sa tuesday at kailangang kailangan ng mga tao rito ng pera para mayroon silang pang handa. para kasing pasko next week para sa mga muslim. isang linggo na puro celebrations. marami na ring mabibili ang binigay kong $50. sana naman, gamitin ito sa isang makahulugang pagsasaya bilang pagpupugay kay allah.

kung hindi, sana naman ay kunin na siya ni allah. bwakanginang yon.

October 20, 2003

ang bugoy sa china

ang bugoy sa china,
sa sobrang kakatawa,
nawala ang mata.

October 19, 2003

Kunming Blues

nandito na ako sa singapore after spending a week in kunming. bukas, balik na naman sa trabaho. maganda talaga sa kunming. simple lang siya na lugar. wala yung complexity ng shanghai, or yung immensity ng beijing. little town feel nga ang dating niya... parang baguio in a way.

ang dami kong nabiling DVD. mga 30 piraso ata. mura lang kasi. ang isang high quality na DVD9 doon ay nasa 12 RMB (around 72 pesos). mga sample ng mga nabili ko: pixar's "finding nemo", my favorite cartoon dahil sa superb performance ni ellen degeneres, stanley kubrick's "spartacus" criterion collection, "malena" (italian film starring monica belucci), "city of god" (ang brazilian masterpiece ni Fernando Meirelles), "raise the red lantern" starring gong li at "not one less". both these last two films are from chinese director zhang yimou.

nakabili rin ako ng tea at dalawang chinese tea mugs na halos binigay ng libre ng tindera sa amin sa sobrang kakatawad. kilalang-kilala na tsaa sa kunming at masarap ang nabili ko - mayron siyang matamis na aftertaste na masarap sa bibig. yung tea mugs naman ay special din (daw), sabi ng kasama ko. ang isang test pala sa quality ng chinese ceramic tea paraphernalia ay yuong tunog niya kapag kinalembang mo siya. masasabi raw na high quality ang ceramic kung high pitched ang tunog. yung nabili ko parang kalembang ng kampana kaya high na high quality daw iyon. muntik nga akong mapaluhod nang kinatok ng tindera yung mga mug ng tinidor.

maraming ethnic groups sa yunnan province (where kunming is located). there are 26 groups all in all in that area alone. "economic groups" ang tawag sa kanila ng aming english guide. hehehe. tulad ko, mga singkit ang mga mata nila pero kayumanggi ang mga kulay ng balat. sa may airport, makabili ako ng ethnic chinese doll para sa collection ng brick-brack ni jet. lahat kasi ng mga trip ko accross asia-pacific, bumibili ako ng mga souvenier para sa kanya. malapit na ngang mapuno ang top shelf ng computer table namin eh.

cheap shopping aside, kunming will still be that great little place in china. i love the weather and i love the pulse of the city. perhaps one day, i can take jet there so we can spend a few days in the cool weather. then, we'd go to one of the pubs by the lake for tea and cake.

October 17, 2003

IMAGES OF KUNMING, CHINA

IMAGES OF KUNMING, CHINA

maraming mga kweba sa kunming. ang pinuntahan namin ay isa sa pinaka extensive.

IMAGES OF KUNMING, CHINA

nilagyan nila ng mga magagandang ilaw ang loob ng kweba at ginawan nila ng pathway para sa mga turistang tulad namin. medyo malamig nung araw na ito kaya kahit mahaba ang lakaran ay di masyadong nakakapagod.

October 12, 2003

NANDITO NA AKO SA KUNMING

mylab, nandito na ako sa kunming. swabe naman ang byahe namin. as usual eh tulog ako halos buong flight. di pa nga nag take off ang eroplano, humihilik na ako. comportable ang byahe dahil malaki ang leg room ng silk air kaysa sa singapore air lines. isa pa sandali lang from singapore to here.

kakadating lang namin from lunch at nagpapahinga dito sa hotel room. mamayang konti eh bababa na kami to prepare the room of the conference. mukhang gagabihin kami dahil may kasalan doon sa function room na paghahandaan namin at di kami makakapagayos hanggang di sila tapos. malamang ay mga alas 10 na kami makakapag start.

magbabasa na lang siguro ako dito sa kwarto. maganda ang room ko. nasa 13th floor at overlooking the city of kunming. sa bandang kanan ay isang maliit na lake na puno ng mga taong nag boboatingtingan... este, sumasakay sa maliliit na bangka. sa background na lahat ng ito ay mga bundok na pumapaligid sa buong siyudad.

parang baguio ang panahon dito. hindi masyadong mainit pag araw at malamig kapag gabi. tulad ng baguio, marami ring mga prutas at bulaklak sa buong siyudad at ito ay isang malaking negosyo rito. ang gusto ko lang sa kunming ay di siya kasing laki ng beijing at shanghai at may parang little town feel siya kapag naglalakad ka sa kalye.

habang sinusulat ko ito eh natanggap ko na ang text message mo. sagutin ko after i log-off. tapos, sige mylab, tawagan mo na lang ako mamayang kaunti. ingat ka na lang dyan. lab-U.

PALIPAD SA CHINA

lipad ako maya maya sa kunming. ang bayan na ito sa china ay tinatawag na "the land of eternal spring", or sometimes "spring city". located in the province of yunnan, southwest china: ito ay in between tibet from the north and thailand from the south. ang kunming ay nasa isang plateau na napapaligiran ng mga bundok at ang weather dito ay perpetual spring. hence the name.

October 06, 2003

ROLLING UP THE I-5 ON A CHEVY, ON THE WAY TO FLOWER POWER LAND

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

mapquest map of LA to San Francisco Trip salamat sa mapquest for the map

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relatives

some of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmates

nung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right... si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.

October 02, 2003

MGA KAUPISINA AT ISANG SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

kumain kami sa las brisas ngayong gabi kasama ang lahat ng mga officemates ko rito sa california. masaya ang lahat dahil maganda ang araw na ito sa amin. ang restaurant na ito ay malapit sa laguna beach. actually tanaw mo ang dagat dito, sa tabi niya ay magagandang mga bahay. from left to right, top to bottom: si serena (ang aking counterpart sa europe). feisty italian lady, masarap kasama dahil animated ang mga kwento niya. si tom, ang partner in crime ko na batang chicago but resettled na rito, si yves ang kasama naming galing pa ng montreal, si joe ang head ng studios department namin, si tom hanks star ng saving private ryan. hehehe. hindi, kamukha lang niya (pati salita at mga mannerisms, tom hanks na tom hanks ang dating). jim ang pangalan niya at nakatira sa san diego.

MGA KAUPISINA

may araw pa nang dumating kami pero di naglaon ay lumubog na ito at medyo lumamig na ng kaunti. alam nyo naman ako eh sucker for sunsets kaya kinuhanan ko siya kanina. sana mylab nandito ka para makita mo rin ito...

SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

September 30, 2003

PAGULONG GULONG ON A BODY BOARD IN HUNTINGTON BEACH WITH TOM AND CECI

SI CECI AT SI TOM SA HUNTINTON BEACH PIER

after naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.

alam ko nang pakiramdam ng mga californian surfers. alam ko na rin kung gaano kalamig ang tubig sa dagat ng california. gaano kalamig? halos mahimatay ako nang unang lumusong sa tubig. kahit naka wet suit ka eh parang walang epekto ito sa una. eventually rin eh, i did enjoy the entire experience dahil naka adjust na rin ang katawan ko. kung anumang antok ang naramdaman ko nung mag kita kami eh totally na itong naglaho. maraming mga body boarders kahapon at magagaling sila. di ko alam kung paano sila nakakasakay sa mga alon dahil panay ang ikot at taob ko sa board. para akong trumpong kanggarot. hehe. ITS MY FIRST TIME, OK? hehehe.

anyway, nag shower kami (ng MALAMIG na naman na tubig) at nagbihis sa tabing dagat. doon ko naalala na wala akong spare na underwear. kaya, umuwi akong walang brief. hehehe. buti na lang hindi naipit ng zipper ang aking... whatever. hehehe. we had drinks along huntington beach afterwards. margarita on the rocks with salt for the three of us while watching the sunset. eventually we finished the day by having dinner in this really small seaside seafood restaurant. gabi na by this time at maririnig mo lang ang malakas na paghampas ng alon sa coastline. bigla tuloy akong nag senti at naalala ko ang trip namin ng mylab ko sa dakak. at any rate, ceci and tom were great. they sacrificed their weekend to show me around when they should be spending time with their families. alam ko kung gaano sila ka dedicated sa trabaho and for them to take me around was really sweet.

all in all, yesterday was a great day for me. it was the first time i met a longtime online friend. then i had dinner with really great people i admire both professionally and personally. all these great guys showed me how much fun southern california could become. it made me stop and think that it is possible to live here with jet. or at the very least, spend time with these people for a much longer time in the future. they were really really great.

MY LUNCH WITH ATE SIENNA AND ANDRES IN SOUTHERN CALIFORNIA

kahapon eh nag lunch nga kami ni ate sienna at ni andres. sa wakas nakita ko na rin in person ang ninang ko. mas maganda pala siya sa personal. nagkita kami sa benihana dito sa anaheim. malapit sa disney land, mga 20 minutes away sa hotel ko. madali lang naman hanapin ang restaurant at di ako nahirapang gaano. medyo naligaw lang ako dahil namiss ko ang turn sa freeway at napasyal pa ako ng wala sa oras hehehe.

at home na at home ang pakiramdam ko sa kanila at di masyadong naging mahiyain. mahiyain kasi ako, believe it or don't. maraming kumakain pala dito at maraming mga pinoy. siguro galing sila sa simbahan dahil grupo sila ng pamilya. mabait si ninang at marami kaming napagkwentuhan. pinagusapan namin din ang mylab kong naiwan sa singapore. pinag-usapan din namin kung gaano kahirap ang trabaho at buhay dito sa california. pero mukhang enjoy naman si ninang ko dahil kasama niya ang kanyang papa andres. miss lang niya siguro ang kanyang pamilya.

eto namang si andres ni ninang eh gwaping din. at super tangkad. akala ko eh matangkad na ako (5'10") eh nagmistulang dwende ako sa tabi niya (6'3"). hehehe. very soft spoken si papa andres (tulad ko) at masarap din siyang kakwentuhan. batang california rin pala siya at kabisado niya ang pasikot sikot dito sa southern california. bagay silang dalawa. swerte rin itong si andres dahil mayron siyang ninang na maganda na't mabait pa na nag-aalaga sa kanya. swerte rin si ninang at nay nagmamahal at umaalalay sa kanya.

pagtapos naming mag lunch ay naghiwalay din kami. siguro next time pag kasama ko na si jet eh mas matagal kaming mag tsitsismisan. nag bigay rin siya ng surprise gift kay jet. bait talaga.

ninang maraming salamat. at least nakita rin kita at medyo nawala ang pagka-homesick ko dahil nakasama ko kayo. iba talaga pag nakaharap mo nang isang taong nababasa mo lang sa website at naririnig mo paminsan minsan sa telepono. now i can put the person with all the stories i read and the voice i hear. it was certainly a pleasure and i really had a great great great time in this strange land. next time na lang ulit.

September 29, 2003

LA-LA LAND OF THE BRAVE

nandito na ako ngayon sa "land of the brave" and "home of the free". ang bayan ng mga value for money meals na pagkalaki-laking mga serving. may conference kami sa aming main office dito sa california ngayon week. eto ako ngayon sa hotel room: ang utak ko sinsabing 10 AM ng linggo, pero ang katawan ko sinsabing 1 AM ng lunes.

the long flight from singapore to LA (ala eh', sabi nga ng mga batangeno) reminds how much i enjoy travelling in the asia-pacific region. anything more than 8 hours in the air is a major frigging pain. 17 hours sa eroplano ay, tangina, talagang masakit sa pwet. daig mo pang pinasakan ng 2 vibrator sa backside.

di naman ako nahirapan pumasok sa US. it was pleasant actually. the immigration officer was pinoy, the baggage people were pinoy, the very kind lady at AVIS rent a car was a pinoy. i practically entered and exited LAX airport speaking tagalog. hehehe. para sa aking stranger in a strange land, ang laking ginhawa to see friendly familiar faces. di nag-apply sa akin ang kanta ni california boy, jim morrison, na "people are strange, when you're a stranger..."

ang opisina namin ay nasa southern california. so from LAX, i had to take the I-405 going south to san diego, make the exit at BAKE PKWY turn left onto Bake Parkway go straight and you will hit your hotel. so says MAPQUEST. sinundan ko ito at nakita ang titirhan ko dito sa Lake Forest. sarap talaga sa US. hehe... lahat ng directions ay ginawa para sa mga bobo.

kakatawag lang ni ninang kong ate sienna. magkikita kami ngayon for lunch. yehey. another familiar person whose face i have never seen. well at least after this lunch her name and website will have a face, i can associate with. maliligo na ako at magkikita raw kami sa beni hana sa anaheim.

sige mylab, ingat ka na lang diyan sa singapore. ilang tulog na lang, nandyan na ulit ako sa tabi mo. labU.

August 24, 2003

KARATULA SA SHANGHAI CHINA

NABASA KO HABANG NAMAMASYAL:

chinese signs
literal translation: "huwag sumakay o bumaba sa bangka pag ito ay nasa gitna pa ng canal"

July 28, 2003

101 MILLION DUCKS AND COUNTING

ngayong dinner ay kumain kami sa "beijing qian men quan ju de roast duck restaurant". itong restaurant na ito ang isa sa pinakamatandang kainan sa beijing. it was founded in 1864 (during the Qing Dynasty), and is, as of this writing, 139 years old.

malaki at maganda ang restaurant na ito at isa lang ang tinda nila: peking duck. kumuha kami ng table sa 2nd floor. for 200 RMB (approximately 1,300 pesos) per head, ikaw ay makakain ng isang (peking dick? hehehe, sorry) peking duck dinner. eto lang ang ganda ng accidental tourist, libre ka na sa byahe, bongga pang pagkain mo. kung personal ang byahe ko eh malamang sa chow king lang ako kakain. o sige, tama nang pang-iinggit. let me proceed...

doon sa may kitchen area ay may malaking electronic counter - nakapost doon kung ilang bibe nang kinatay nila't pinakain sa mga customer. kanina ang count ay 101,466,874! in fact, bibigyan ka nila ng certificate kasama ng resibo pagtapos mong magbayad. nakasulat sa certificate ang number ng peking duck na niluto nila para sa iyo... "this is to certify that you have eaten duck number 101,466,874" or words to that effect.

kumpleto ang pagkain. from start to finish eh peking duck this and peking duck that. kulang na lang eh ipakain sa iyo pati feathers. busog na busog nga ako ngayon at pakiramdam ko eh malapit nang bumagsak ang bataan. nakahanda na nga ako at pag dumating ang oras na iyon, sisigaw na lang ako ng "magsitabi kayong lahat", sabay takbo papasok sa comfort room.

kanina, habang sumusubo ako eh napag isip-isip ko: buti na lang at tayo ang nasa taas ng food chain. the worst thing that could happen to you is to be born a duck in beijing china. masama nang lakad mo, kakatayin ka pa 45 days after being born. ang sabi pa sa akin ng mga kasama ko eh yung sahig ng kulungan ng mga peking duck ay iniinitan para mapaso ang mga paa nila. dahil napapaso ang mga bibi eh mapipilitan silang gumalaw nang gamalaw (imagine mo na lang kung anong gagawin mo kung maglalakad ka sa nagbabagang uling). dahil parati silang gumagalaw eh na-e-exercise sila kung kaya't walang taba ang mga kumag. ito raw ang dahilan kung bakit masarap ang peking duck sa beijing. malupit ano? pero lekat na iyan, ang sarap talaga ng lasa. ang yabang nga ng mga taga rito eh, "there's no peking duck like peking peking duck".

July 27, 2003

MAGANDANG GABI MYLAB, DITO NA AKO SA SHANGHAI

narito na ako sa hotel after spending the whole day with lau, vivien and tien. nagpunta kami sa "zhouzhuang", isang traditional at very ancient chinese town sa labas ng shanghai. according to the brochure, this town was founded in 1086 (wow!) by a guy named zhou di and has been functioning for the past 900 years.

shianghai-001


the town is commonly called as the "venice of the far east" because it is surrounded by canals. mayron din silang mga gondola, at ang mga boatwomen (tama ka, mga babae ang mga capitan ng bangka) ay kumakanta rin. hindi na kami sumakay at baka mapakanta lang ako ng "sana'y wala nang wakas" kasi naalala kita eh.

shianghai-002


na-preserve nilang halos lahat ng mga bahay sa town at ang ganda. pakiramdam ko eh ako si jet li na naglalakad sa isang siyadad na nakalimutan na nang panahon sa pelikulang "once upon a time in china part 45" (cousin yi! cousin yi! hehehe). lahat ng mga maliliit na shop eh may mga abubot na tinitinda at kung kasama lang sana kita eh ang dami nating mabibili na mga walang kwentang bagay na pwedeng idisplay sa bahay.

binili kita ng isang abubot na pwedeng ilagay sa collection mo. ibinili ka rin ni vivien nang isang porcelein na music box na may kasama pang dedication na "tell jet i miss her so much! i want her to come to shanghai so we can go out together for shopping!". pag punta raw natin sa hainan sa october ay dumaan daw tayo sa shanghai para maipasyal ka niya.

si tien ay masarap na ngayong kasama dahil ang daldal na niya. parati pang naglalambing at parati kang hinahanap sa akin. uuwi raw siya sa singapore para makita ka niya. hehehe... 3 years old na rin ang bata at pag kinakausap ako eh english na may halong mandarin.

shianghai-003


nag-usap na kami ni tom at nagpasyal raw siyang mag-isa sa forbidden city ngayong umaga. malamang ay nasa silk street sila ngayon nina gk at namimili ng mga damit at souvenier. sana makapasyal din siya sa great wall para masulit ang trip niya from the us.

bukas ay diretso na kami ni lau sa beijing. alis kami rito sa hotel ng 6:45 at ang flight namin at 8:00 am. medyo maaga pero ok na rin yon para di masyadong mainit. nag bilad ako ngayong araw na ito sa init at kutis betlog na naman ako. hehehe... dating kami doon ng mga past 10 siguro at maghahanda na kami sa conference. after tuesday ay tapos nang china leg at.... tantararan! magkikita na ulit tayo ng wednesday!!! yehey! miss na miss na kita eh.

sige my lab. ingat ka na lang diyan. huwag magpapagod at magpupuyat masyado. till wednesday. lab-U!

July 26, 2003

ONE DAY WE WILL RULE THE WORLD

itong past month that i've been travelling, i find myself turning into a news junkie even more. spending all this time in hotel rooms, the only game in town is watching tv or reading or working on my pc. if its tv, kadalasan BBC or CNN. i've been watching too much news that i'm starting to develop opinions about the newscasters themselves. mayron na akong "my favorite accent" at saka "o shit it's him again" o kaya "tanginang badhair day hairdo mo sister". kaya lang itong past two days, medyo nakakadiri ang balita. every 5 minutes they show pictures of 2 dead bodies in every angle imaginable. it's like watching "night of the living dead". kulang na lang, ipakita ang mga bituka at ngala-ngala eh.

speaking of dead bodies, there was a documentary last year about "strange jobs in singapore" and they featured funeral parlor workers. may interview sa imbalsamador at kinwento niya yung ginagawa niya sa mga katawan at pinakita niya yung mga tools na ginagamit niya sa pagtanggal ng mga lamang loob. nung interview niya eh naka barong tagalog siya at may cebuano accent. siyempre pinoy. proudly pinoy. sunod namang kinausap ay yung make-up artist. bading siya mama (accent on the 2nd ma) at pinoy din. dati raw siyang gumugupit ng buhok sa maynila, kaya lang nalugi at nagsara ang parlor kaya nagsapalaran na lang daw siya abroad at ang nakuha niyang trabaho ay make-up artist ng funenaria sa singapore.

kahit saan talaga mayroon kabayan. dito sa hotel ko sa shanghai, yung house band ay pinoy. lahat na lang ng sulok ng mundo mayroong pilipino - from the mundane to the really sensitive (like feeding this guy named "dubya"). i tell you, one day, we will rule the world. we hold the world's collective betlog in our hands. one day, i swear to god... one day, babayagan natin ang mga bwakananginang umaapi sa atin and WE WILL RULE! bwahahahaha (tawang demonyo)!!!

ISTATISTIKS

temperature. yesterday was supposed to be the hottest day in shanghai in 60 years. sabi sa dyaryo, 39.6 deg C raw kahapon. sabi naman nung kasama kong intsik na medyo jaded eh, di raw umaangat ang temperature sa shanghai ng 40. may law kasi rito sa shanghai na automatic holiday sa buong city when the temperature goes over 40. kaya ang ginagawa raw ng gobyerno ay hanggang 39 point something lang - higher than 39 but never over 40, para di matigil ang trabaho. sa tingin ko eh baka nga mas mataas pa - beterano na ako sa panahon sa singapore, manila at india. i am almost sure that it was over 40 yesterday. kagabi, lumabas ako sa terrace ng bahay ni lau to smoke: parang blast furnace pag bukas ko ng pinto. oh and by the way, this was 10 pm in the evening.

celebrities. maraming celebrities ang nasa china ngayon. si tony blair at si jay david ay nasa shanghai ngayong week. si david beckham, ronaldo, zidane, si raul-0, ang buong real madrid at si jay david ay nasa beijing next week. hehehe. umaangat nang antas ng buhay rito. may mga enrichment programs nang ginagawa ang china para sumaya ang mga citizens niya. NBA star, yao ming, nga pala is from shanghai and the people here are really proud of their native son who is here, by the way, for a series of exhibition games.

accidents. in the first half of this year, there were 27,221 road accidents in shanghai. i guess this is a reflection of the drivers and pedestrians here. may pagka reckless din kasi ang mga drivers dito. di naman ako nagugulat dahil pag nasa sasakyan ako eh pakiramdam ko, parang nasa maynila lang ako. ang kinagugulat ko eh yung lakas ng loob ng mga nagbibisikleta at yung mga pedestrians na tumawid sa mga kalye na walang tingin tingin. parang "bahala nang diyos, tatawid ako and i'm expecting the vehicles to stop so i can cross the street" kind of mentality.

population. 13 million lang pala ang population ng shanghai, hindi 30 as i originally thought i heard. more than 4 times larger than singapore. this balloons to 14 million plus during the day time dahil maraming mga chinese ang pumapasok dito sa city to work. di rin basta basta makakapagtrabaho ang mga outsiders dito, and even more difficult ang lumipat ang mga hindi taga rito. may mga permits na kailangan so the non shanghainese can work or live, or work and live here. i guess, it's their way to control the population of the big cities like shanghai. sabi nga ni lau, pag may bisita raw na VIP dito sa shanghai or beijing, may mga pulis raw na nakaabang sa mga train station to temporarily send away all the chinese migrant workers.

bagyo. typhoon "eym-bow-dow" (imbudo, GAGO! BOBO talagang white weatherman, sasabihin mo lang ang pangalan na tagalog ng bagyo, di mo pa mapronouce maigi) anyway, typhoon imbudo wrecked more than 1 billion yuan worth of property when it lashed through southwest china this week.

o yan, halata bang nagbasa ako ng dyaryo habang kumakain ng breakfast? hehehe...

July 25, 2003

HELLO FROM CHINA MYLAB!

hello my lab. nandito ako ngayon sa shanghai office at nakikigamit ng computer. kinakamusta lang kita... sana ay nasa mabuti kang kalagayan at hindi masyadong malungkot. alam ko naman na pinasasaya ka ng mga online friends mo. may email nga pala si alma. nasagot mo na ba siya?

sinilip ko ang blog site natin dito at wala talagang access. sa tingin ko eh blocked ito sa china - siguro maraming mga blog site na against the government kaya hinarang nila lahat ng mga may website extension na "blogspot.com" - sinubukan ko na sa lahat ng mga iba ibang ISP, harang talaga. di ako tuloy makapag padala sa iyo ng message. ang nakakatawa rito ay nakakapag blog ako through blogger.com pero di ko mapuntahan ang site sa blogspot.com - iniisip ko baka somewhere in the blogger world eh may site na "mao-tse-tung-is-a-pickled-relic.blogspot.com"... hehehe.

anyway, naglunch kami kanina at umuwi na si steve pabalik sa states. si tom naman ang on the way to beijing at magkikita kami sa weenend. ok naman si steve at masarap ding kasama. di rin siya umuurong sa mga asian food. tingnan natin si tom sa beijing kung makakain ng mga pritong bulate, tipaklong at scorpion. hehehe...

sige mylab, ingat ka na lang diyan. have a nice weekend at ilang araw na lang uuwi na ako. weekend:ano bang gagawin namin dito? di ko alam kung anong hinanda ni lau para sa amin. siguro pasyal o kaya shopping. tingnan na lang natin. binili nga pala ako ni lau ng golf set. mura lang at maganda ang quality na fake callaway. yung halagang $3000 na original eh $200 lang dito na copy. bayaran ko na lang daw pag may pera ako. sabi ko thank you, sabay kuha sa set. may bag itong kasama at travelling case.

lab-U!
jay

PINAKANTA NA NAMAN AKO NG MGA WALANGHIYA

third day ko sa shanghai, di pa rin ako nakakakain ng lumpia. pero ok lang yon, natapos na rin naman ang trabaho namin. nandito lang ako sa hotel buong araw. buti na rin - tanginang init ngayon dito. kung bakit kasi summer pa ginawa ang conference na ito eh. lumabas kami for drinks kanina at super init. pinagpapawisan pati singit ko. literally, shitdapwetnamalagkit.

after the conference ay nag cocktails kami sa isang bar dito sa shanghai. nagpa-cater rin kami ng pagkain sa isang indonesian restaurant na kaibigan ni lau, ang country manager dito sa china. nag-imbita kami ng 50 customer at nilasing namin sila. hehehe. pati ako lasing? di naman. mga 6-7 boteng "serbesa mas fina" lang. dahil sa init eh parang tubig lang ito. maganda yung bar na pinuntahan namin. nakalatag lang ang beer sa harap ng mesa at kuha ka lang ng kuha. may darts at pool table sa ibaba. sa taas naman ay karaoke. inarkila namin yung buong bar kaya masaya. masarap ding makipag-inuman sa mga shanghainese (yun bang tawag sa kanila?). di rin sila papahuli sa good time.

pinakanta ako sa china

anyway, hinila ako ng isang kasama ko sa isang karaoke room sa itaas at tinutok sa bibig ko ang mike. nabigla ako siyempre - "no, no, no, i do not sing. i do not sing. i am sintunado. sabay abot ng tape: "side 2, naka-cue na yan!". hehehe... medyo kargado na rin ako kaya binanatan ko sila ng mga walang kamatayang rock ang roll. yung mga chinese ang nagsasalang ng mga kanta kaya no choice ako sa mga selection. pero ok na rin, at least natuwa ang mga customer sa amin. game na game kami man!

highlight of the evening: may nag request sa akin na kumanta ng "runaway" ni del shannon. del shannon? wow, ang bigat ng mga taga rito. runaway...that very old and obscure 1960's rock and roll number? wow, i'll sing it man! sa tuwa ko eh hinablot ko agad yung mike sa katabi ko at nag song and dance sa harap ng di ko kakilalang mga tao. nawala nang hiya ko at this point and totally got lost. del shannon? hehehe... jeez. del shannon in china? ang galing! memorable sa akin ang kantang ito dahil once upon a time na dj pa ako, dinedicate ko itong song na ito sa isang classmate kong naglayas. narinig niya sa radio at umuwi. i shit you not, this is true story.

for my final song, hehehe, kinanta ko ang "you are so beautiful" ni pareng joe cocker. may kasama pang dedication sa mylab kong naiwan sa singapore dahil alam kong gustong gusto niya pag kinakanta ko ito. at, ladies and gentlemen, dito natapos ang aking music career sa shanghai.

July 24, 2003

NOTHING HAPPENED IN SHANGHAI TODAY

nothing special happened today in shanghai. busy kaming lahat sa preparation ng conference namin at buong araw akong nasa loob ng conference room. medyo pagod at masakit ang paa dahil halos buong araw nakatayo. enjoy lang ako dahil nakasama ko ang mga officemates kong chinese at tuwang tuwa silang nagtuturo sa akin ng mga bastos na salitang intsik. hehehe... kung bakit mga curse words ang parati mung unang natutunan na foreign words. universal ata ito eh - kung may aliens siguro na taga ibang planeta ang mag landing sa ating mundo, mga mura siguro ang una nilang matutunan.

bukas nang main event namin at maraming tao ang pupunta. oo mga tao - hindi langgam, ipis at mga paru-paro. all in all 300 people ang expected naming dumating. ito na siguro ang pinakamalaki naming audience. todo bongga ang conference namin at ngayon pa lang, parang masasabi ko na sulit itong trip na ito.

tangnenek, di ko pa rin ma-access ang kahit anong blogspot na site. mukhang hinaharang nga mga censors dine sa china. suspetsa ko lang. hmmm... kung tutuo ito, sayang. miss ko na tuloy ang blog ng mylab ko. ingat ka na lang diyan sa singapore mylab. ilang araw na lang at uuwi na ako.

July 23, 2003

LUMPIANG SHANGHAI, HERE I COME

nandito na ako sa shanghai. nag-aaral gumawa ng lumpia.

ang bantot ng katabi ko kanina sa eroplano. bwisit talaga - minsan pag sinuswerta ka talaga oo. parang may nag gigisa ng sibuyas sa tabi ko. hehehe. kaya mahal na mahal kong mga pinoy eh: kahit below freezing na eh naliligo pa rin araw-araw. o sige tama na - baka mapagbintangan pa akong

mainit ngayon dito. siguro dahil nasa tabi ng dagat eh medyo humid din. ang dating ng panahon ay parang nasa singapore pa rin ako. literally and fuguratively, shanghai is HOT. probably more than beijing, shanghai is the center of business in china. karamihan ng mga headquarters ng mga multinational corporations ay narito. kung kaya't parang magnet ang siyudad na ito sa mga chinese. ang sabi sa akin eh 30 million ang population ng shanghai. tutuo kaya ito? parang sobrang dami ata. mataas ang standard of living ng shanghai compared to the other chinese cities. talagang cosmopolitan ang dating niya at di mo masasabi na communist country ang china pag narito ka. maraming matataas na building, maraming mga luxury cars, maraming mga kainan at inuman. kahit saan ka tumingin ay may mga ginagawang mga bagong structures - tulay, kalye, building. ang biro nga ng mga taga rito eh - shanghai, daw, changes its look every month. kung mawala ka raw ng isang buwan dito, pag balik mo di mo na makikilala.

ang paborito kong tanawin dito ay iyung mga office buildings. parang may contest dito sa shanghai sa pinaka out of this world shape na design. may patulis, may pahaba, may manipis, may korteng triangle, mayrong may mga bilog sa taas, may mga tagilid pa nga ata eh. yung skyline tuloy ng shanghai ay parang science fiction movie. ang galing.

July 09, 2003

WEDNESDAY MORNING BLUES

miyerkoles ng umaga... nandito na ulit ako sa singapore sa piling ng saging ni jet.

hirap talagang mag hanap buhay. kahapon lang eh nasa perth kami at nag bibigay ng isang conference. byahe ng overnight para sa preparations mamaya. bukas naman ay ang singapore version. ang maganda lang sa akin ay madali akong makatulog. kaya kanina, di pa nag take-off ang eroplano eh tulog na ako. pag gising ko eh preparation na for landing sa singapore. binibilang ko yung oras na gising ako sa eroplano... 20 minutes out of the alomost 6 hours na flight. di na masama ito. hehehe.

tumiwalag na ang isa sa grupo namin - si norman ay kasalukuyang nasa eroplano ngayon pabalik ng sydney. iniwan na namin ni gk sina ceci at tom sa hotel nila at magkikita mamayang lunch time. pahinga muna ng 2 oras, tapos trabaho na ulit. in the meantime, quality time muna dito sa bahay with mylab.

July 07, 2003

DOWN UNDER PART VII: PERTH PARTNERS IN CRIME

Perth Australia Partners in Crime, july 2003

My partners in crime for the Australian User Conference: Norman, the country manager for Australia. Really funny guy, kind hearted and a good companion. He is a Chinese South African who’s now an Australian Citizen. Ceci is a Fil-American, really good and realiable. She has been instrumental in making this event a success. Then there is Tom, our Marketing Manager who is also based in the US. GK is not in the picture but he has been my idol during the conference and I have been very impressed with the depth of his knowledge. Pag laki ko, gagayahin ko siya.

This week, the four of us have been working as a great well oiled team. Isang maganda sa kanila eh lahat sila ay kwela. Ang laking bagay nito lalo na’t on the road kayo at ang tanging bagay lang na nakakapagpaluwag sa lahat ay ang mga biruan at tawanan habang walang ginagawa.

I have been fortunate to be part of this team in Australia and it has been a very successful week for us. Tomorrow is our conference proper here in Perth then we fly to Singapore for our last set. By Friday, they will fly back to the US and I will probably be with GK when we do the same thing in China before the end of the month.

Wednesday ng umaga ay nasa Singapore na ulit ako at makakasama na ulit si Jet.

July 06, 2003

DOWN UNDER PART VI: Perth

Perth, the city besides the Swan River. Unpretentious and simple, about 2 million people call it home. This is the last leg of our Australian Tour and I do not mind ending our Aussie activities here.

Perth Australia Part 2, july 2003

Medyo malamig ngayon. Dumating kami kaninang hapon from Sydney. Limang oras din ang byahe – swabe naman at dahil medyo nakakainip sa eroplano, kinulit namin nina Ceci at Tom ang mga stewardess sa pamamagitan ng malimit na pagkanta, pagsayaw, pagtawa at paghingi ng libreng ice cream. Sikat nga kami sa buong eroplano at muntik na kaming palakpakan sabay tadyak. hehehe.

Pagka-landing, diretso kami sa hotel at pagkapahinga ng kaunti ay lumabas kami para maghanap ng makakainan sa syudad. Ang isang maganda sa malamig na lugar eh pwede kang maglakad ng buong araw at di mo mararamdaman ang pagod. Kanina ay naglakad kami simula alas singko hanggang alas siyete at dahil maganda ang panahon, di mo alam, ang layo na pala ng nalakad mo. Nagsimula kami sa isang park overlooking the city at natapos kami sa mismong kainan sa may siyudad.

Perth Australia Part 1, july 2003

Nag dinner kami sa isang Indian Restaurant na may may-aring Intsik. Paano nangyari ito eh di ko na naitanong. Pwede na rin ang lasa… siyempre hindi kasing sarap ng mga kinakainan namin sa India. Bukas haharap na kami sa aming host para ayusin na ang conference details. Medyo nadagdagan ang aking responsibility – ok lang naman iyon dahil lahat naman kami ay may additional work. Aral lang ngayong gabi…

Perth Australia Part 3, july 2003

Habang sinusulat ko ito eh nakaharap ako sa bintana ng aking hotel room, pinagmamasdan ang mga ilaw sa magandang syudad ng Perth at humihiling na sana ay madala ko rin dito minsan si Jet. Nakausap ko siya kanina at medyo parang wala sa mood. Wala naman akong magawa kundi tumingin ulit sa bintana at mag buntong hininga. Pagod lang siguro siyang tulad ko.

July 05, 2003

DOWN UNDER PART V: ARAW NG PASYAL

ok ang araw na ito. rest day namin at lumabas kami kanina. maganda ang panahon ngayon, maaraw at di masyadong malamig. pagtapos ng breakfast ay sinundo kami ni norman at pumunta kami sa koala park.

TINY KANGAROO... sydney, australia, june 2003

parang mini zoo ito at maraming mga australian animals ang makikita rito. may koala ba? hehehe... halatang obvious naman sa title pa lang. ok itong zoo na ito dahil maraming mga free roaming na hayup... maraming mga kangaroo at koala's na gumagala sa park grounds at pwede mong lapitan at pakainin. may nakita pa nga akong isang lalaking na tumatakbo dahil hinahabol siya ng kanyang asawang sumisigaw nang "hayup ka! hayup ka talaga! taksil! (ang corny ko, ano ba yan). pero enjoy talaga ako rito.

after the park, sinundo namin si le-an at nag lunch kami sa seafood market. Habang hinihintay naming si le-an ay tumambay muna kami sa isang park bench sa labas ng opsina. Mala forest gump nga ang posing ko eh. If life is a bunch of cherries… ano ang cherry sa tagalog?

forest gump... sydney, australia, june 2003

masarap kumain sa seafood market, medyo similar ito sa pike market sa seattle. umoder kami ng seafood platter. kumpleto recado - may octopus, mussles, talaba, hipon, isda at sangkatutak na chips. reasonable naman ang mga presyo at masarap ang pagkain.

sa tulay... sydney, australia, june 2003

after lunch, umakyat kami sa sydney harbor bridge. Isa sa mga pylons ng tulay ay pwede mong akyatin. Sa taas nito ay makikita mo yung paligid ng Sydney harbor. Maganda rito at dahil walang masyadong pollution sa Sydney eh malayo ang visibility at kitang kita mo ang buong paligid. After the bridge eh tuloy kami sa opera house.

sydney harbor... sydney, australia, june 2003

on the way to the opera house from the harbor bridge ay dock at marasap maglakad dito. Malamig ang panahon kaya di masyadong nakakapagod. Maraming tao sa opera house, karamihan ay mga turistang tulad namin na paikot ikot na parang tanga sa labas. Hehehe.

opera house... sydney, australia, june 2003

etong group picture namin. Apat na sikat… na mga organizers ng exhibition at user conference sa Sydney. Si GK ang aking kasama sa Singapore ay umuwi. Magkikita na lang kami sa Perth sa lunes ng hapon.

TIANGGENANGYAN... sydney, australia, june 2003

Habang pauwi ay dumaan kami sa isang tiangge. Maraming mga tinda rito. Masarap sanang bumila ng mga abubot kaya lang pagod na ako at malapit nang magdilim.

Kumain kami sa isang South African steak house malapit sa bahay nina Norman. Kami kami pa rin sama ng mga anak nina Norman at Le-an. Dito natapos ang aming araw… isang steak at ribs dinner na sa sobrang laki eh di ko naubos. Bukas ay lipad na kami sa Perth.

Good bye Sydney… you are one hell of a city. I wish one day to show Jet what you have to offer. Sa lahat ng mga travel ko rito sa Asia-Pacific, isa ang Sydney sa paborito ko. Sa architecture, sa pagkain, sa pulso at galaw ng mga tao, bow ako sa iyo.

DOWN UNDER PART IV: THE ORANGE PEOPLE

the orange people... sydney, australia, june 2003

group picture ng staff sa conference namin. siyempre pag ganitong user conference ay kailangan identiafiable agad ang mga bida... kung kaya, orange ang kulay na mga t-shirt namin. actually, maganda siya at bagay na bagay sa kutis betlog ko.

July 03, 2003

DOWN UNDER PART III: PAGOD!

ano bang impression ko sa sydney? wala pang gaano. hehehe... simula nang dumating ako di pa ako nakakalabas sa siyudad. busy kasi kami rito sa hotel sa pag setup ng user conference namin. nandito kami sa isang hotel sa olympic village. katapat lang namin ang stadium kung saan ginanap yung sydney olympics. problema rito eh in the middle of nowhere at malayo sa civilization (so to speak), at kahit may free time ka eh wala ka ring makikita.

ok lang naman dahil so far, very satisfying ang trabaho namin dito. kanina ay nag bigay ako ng lecture sa mga aussie engineers at maganda naman ang reception nila sa akin. di ko alam what to expect dahil una kong bisita rito. all in all naman eh mukhang naniwala naman sila sa mga bola ko. hehehe... bukas, mababasa ko kung anong tutuong evaluation nila sa akin. sana naman ay favorable. ngayong gabi pagod ako pero maginhawa ang pakiramdam dahil tapos na yung major part ng trabaho ko. next time na haharap ako eh sa perth na next week. kung kaya, i am looking forward to tomorrow, ang last day ng conference, at siyempre sa week-end pasyal. pangako ng host namin na si norman ay ipapasyal niya kami bukas ng gabi at sa sabado. hopefully, to go around sydney and get a feel kung papaano sila mabuhay rito.

ah... may konsuelo na nga pala. kanina ay nag-dinner kami sa isang chinese restaurant malapit dito. liblib pa rin na area pero at least out of the hotel na. lima kami ritong nagtulong tulong - si norman na country manager ng australia/new zealand, si ceci at si tom na stateside, si gk at ako na galing sa asia-pacific regional office. si ceci ay fil-american kaya may kakampi akong pinoy. natulala nga si gk kanina dahil di niya maintindihan yung pag-uusap namin ng tagalog ni ceci (di kasi niya alam na pinoy rin si ceci). eh puyat pa naman si gk dahil sinetup ang demo computers hanggang alas-kwatro ng madaling araw. akala niya eh nahihibang na siya. sabi ko na lang - "it's ok gk, you're not hallucinating, were both filipinos and we're talking in tagalog. si tom naman, ilang araw na naming niloloko. masarap kasing biruin dahil nakikisakay lang. eto namang si norman eh interesting... chinese siya na pinanganak sa south africa pero australian citizen. talk about being global. mabait si norman at kaibigan din ni jet ang asawa niyang si le-an. all in all, maganda ang team work namin at kitang kita ito sa resulta ng aming conference kanina. ok rin naman ang mga kiwi at australians na kasama namin dito. gusto ko ang sense of humor nila - self depreciating at medyo dry. tingin ko eh makakasundo ko sila kung magka sama sama kami ng matagal.

umaraw na rin sa wakas, pagtapos ng malakas na mala bagyong ulan simula nang dumating ako nung martes. good omen, isip-isip ko kanina bago kami magsimula... mukhang di naman ako nagkamali dahil very fulfilling ang araw na ito para sa akin.

July 01, 2003

DOWN UNDER PART I: ISANG PINOY, NALIGAW SA SYDNEY

first time ko sa australia. alis ako kaninang 9:30 ng umaga. pitong oras ang flight from singapore to sydney at dumating ako rito ng mga past six ng gabi (+2 kasi ang oras dito). puno ang eroplano at siksikan kami sa loob. nagbasa na lang ako ng presentation ko para sa thursday habang bumabyehe.

ok naman ang reception sa akin ng mga immigration officials dito. tinanong lang ako kung saan ako pupunta (sa olympic park) at kung may business card ako (mayron po!) at kung anong trabaho ko (callboy! sabay ilag, hehehe). pakiramdam ko ay parang may flag ang passport ko at medyo pinagsususpetsahan ako dahil pinoy. di naman siguro. may isa pang immigration official ang sumita sa akin - pinoy siya. wala, pinayuhan lang ako na uminom daw ako ng vitamic c dahil malamig ngayon dito sa sydney at ibang iba raw sa panahon sa singapore. sabi ko, oo nga po eh tingnan nyo nga itong jacket kong pagkabigat bigat, di na siguro ako sisispunin nito.

pagkalabas sa airport ay diretso kami sa hotel. sinundo ako ni norman, ang akong partner dito sa australia. nag dinner kaming grupo at kwentuhan sabay punta na rito sa hotel room para matulog. problema ko ngayon eh yung outlet ng australia ay iba sa british standard ng singapore. naubusan din ang hotel ng converter at problema ko ay kapag nawalan ng baterya ang notebook ko mamaya. hehehe... di bale, mangdidilihensya na lang ako bukas. alam mo naman ang pinoy eh... maabilidad.

maganda rito sa sydney, nag tour kami kanina sa sydney harbor habang papunta sa hotel. nakita ko na rin sa wakas yung opera house na parati kong nakikita sa mga postcard. may plano pa nga ang mga kasama ko na akyatin ang sydney harbor bridge sa sabado. tangina, wala pa naman akong excercise. mag dahilan na lang kaya akong may LBM para di makasama. hindi, tiisin ko na lang. minsan lang naman ako mapunta rito. lubusin ko nang lahat ang sydney experience.

kawawa naman ang mylab ko't naiwan sa singapore. bi bale, sandali lang naman ako. sige mylab tulog na ako. ala una na rito at maaga pa kami bukas. ingat ka na lang diyan. bukas magkokodak ako para may makita ka naman na tanawin dito.

ON THE ROAD AGAIN

tuloy na akong sydney maya-maya... ingat ka na lang diyan mylab. babalik naman agad ako next wednesday.

May 24, 2003

GOODBYE KOREA

pagkatapos ng drinking binge kagabi, kala ko di ako magigising para sa early morning flight ko pauwi dito sa singapore. having survived korea, nandito na ako sa singapore. kasama ko na ulit si jet at 12th anniversary na namin bukas. sarap!

p.s. di ko pa rin makalimutan yung isang saksakan ng taba na koreanong six-footer na umakap sa akin nang pagkahigpit sa kalye bago kami maghiwalay kagabi at sumigaw ng "I LOVE YOU JAY". hehehe... di ko alam kung anong igaganti ko sa kanya. niyakap ko na lang din siya at sumigaw ng "I LOVE KOREA".

WORK HARD, PLAY HARD

kahapon, medyo maaksyon ang araw ko. nag host kami ng conference sa seoul na buong araw. in typical korean fashion na work hard, play hard: kainan at inuman after the long day. kumuha kami ng isang kuwarto sa isang restaurant at doon ginanap ang post conference party. siyempre, hindi mawawala sa isang korean dinner ang kanilang national drink na soju. tuwang tuwa ang mga koreano sa mga foreigners kaya ang grupong apat na intsik at isang pinoy ay pinagkatuwaan ng husto sa pamamagitan ng walang patid na toast. mapapansin mo na lang, palakas nang palakas ang boses ng mga tao, nagsasayaw na kahit walang tugtog, marami nang mga impromptu speeches... ipekto lahat ng alcohol.

after the drinking spree at dinner ay ang main event. tradition din ito sa kanila: ang pumunta sa isang bar for yet more drinks. beer naman ang iniinom at non-stop tagayan pa rin. by this time marami nang casualty, isang lampshade na basag dahil may nag-attemp na itoast ang bumbilia, isang partition na sira dahil may umupo sa silyang walang sandalan, isang sofa na bali ang paa dahil isang napaupo nang bigla, dalawang intsik na tulog, dalawang intsik na makulit, isang pinoy na gising na gising pa rin, at sangkatutak na koreanong enjoy na enjoy.

natapos kami ng mga 11 ng gabi. what a sight to behold: dalawampung lasing na naglalakad sa kalye ng seoul. di ko alam kung anong mga hitsura namin pero mukhang normal na occurence lamang ito sa mga koreano at di kami pinapansin ng mga nakakasalubong namin. after korea, i plan to donate my liver to science.

May 22, 2003

GAMOT SA CONSTIPATION ANG KOREAN FOOD

eto subok na subok na: kung di kayo makaebs, umordor lang kayo ng take out na korean food. sigurado after the meal, halos lumakad takbo kayo papunta sa comfort room. tulad kanina, pagtapos ng dinner namin at pagkarating na pagkarating dito sa hotel room ko, nakita ko pa lang ang inodoro sa CR, napa-upo na agad ako....

(pregnant pause)

actually, napaupo ako ng 2 beses. hehehehe... simula nang dumating ako dito sa seoul kahapon, nakaka 6 na dalaw na ako sa trono. di ata kaya ng tiyan ko ang long term barrage ng kimchi at korean barbeque. ang maganda lang eh masarap ang pagkain dito, kaya pinagpapasensyahan ko na ang hilab ng tiyan, malimit na pagutot at minsan pa nga eh UST. alam nyo bang ibig sabihin ng UST? hehehe...

DEAR MYLAB,

Kamusta ka na? I hope you are alright upon recieving this wonderful letter... of mine. hehehe. Parang introduction ng isang grade school student nung pinagawa siya ng teacher niya sa English ng assignment: "Write a letter to your best friend about how you spent your summer vacation".

Unang alis ko dito pala sa isla in 3 months ano? Nakakapanibago. Swabe naman ang byahe ko - simula sa taxi from home to airport hanggang sa flight at bus ride papuntang hotel. Iba ang aura ng Changi International Airport ngayon, siguro dahil konti lang ang bumabyahe dahil sa SARS. Subdued, medyo malungkot. Tulad ng nakagawian ko, tuwing umaalis, bumibili ako ng libro sa bookstore ng airport para mabasa sa flight . Ang napili ko ngayon ay yung "Kitchen Confidential" ni Anthony Bourdain. Siya yung nasa Discovery Travel and Adventures, yung cook na taga New York na umikot sa buong mundo para ma-experience ang mga iba-ibang pagkain. Anyway, uneventful ang 6 hour flight to Seoul, the way I want it to be.

Bagong Boeing 777 ang nasakyan ko at punong puno ng mga bagong features ang eroplano. Mayron na silang mga CD collection sa Playlist nila. Pinili ko yung bagong CD ni Norah Jones at yung greatest hits ng Carpenters. Sumabay nga ako sa pagkanta ng "Rainy Days and Mondays" hanggang pinagsabihan ako ng stewardess na huwag daw akong maingay. Movies? Hmmm.... teka, di ko na maalala yung mga title. Hehehe... yung bagong movie ni Al Pacino na tungkol sa CIA, yung tungkol sa mag-asawang nag honeymoon at di magkasundo, at yung tungkol sa isang bumbay na pumunta sa America para maging isang porn star at guru. Puro umpisa lang kasi ako at pag medyo pangit, lipat sa ibang channel. Parang kanta ni Springsteen: "57 channels and nothing on".

Like all flights from Singapore, may temperature at health check sa pre-boarding. Mayron na naman sa pag-landing kung saan may Koreanong papasok sa eroplano at tututukan ka ng pyrometer para ma-measure ang temperature mo. Ang pyrometer ay isang non-contact thermometer of sorts. Sa trabaho, ginagamit namin ito sa pag measure ng mga materials na di pwedeng gamitin ang thermometer dahil mapapaso ang kamay mo sa sobrang init - for example: newly manufactured cement, molten steel, etc. Korteng baril ito at nung itutok sa akin kanina, muntik ko nang itaas ang kamay ko at sumigaw ng: "Suko na ako, Suko na ako". Di ko ginawa, baka pauwiin pa ako eh. hehehe.

Korean immigrations: binuklat at ininspeksyon ang bawat pahina ng passport ko. Tingin sa computer, tingin sa visa, tingin sa picture kong nakangisi. Halos kabisaduhin nang lahat ng nakasulat sa bawat page. Tingin sa markings using a high powered magnifying glass... etc, etc, etc. Isip-isip ko: "Tanginangto, kala ata pasasabugin kong bansa niya. Pasabugin kong tumbong mo pag pinatagal mo pa ako rito, hinayupak ka."

Bus ride from the Airport to Seoul proper. Great 2 hour trip... sobrang sarap sa pagmasid ng mga tanawin sa labas ng bus at di nagtagal (as usual), tulog ako. Nagising ako eh malapit na sa hotel. Masarap ang panahon ngayon sa Korea... springtime. Not too hot, Not too cold. It's a great 14-26 Degrees C, my kind of weather. Sana nandito ka para ma-experience mo rin ang ginhawa ng Korean spring.

Nandito na ako sa hotel habang sinusulat ko ito. Kakatapos lang naming mag-dinner. Kumain kami sa isang sikat na Korean Barbeque restaurant dito sa siyadad... Ang specialty nila - Beef, very thinly cut na lulutuin ninyo over a charcoal grill. Pagkaluto, ihahalo mo siya sa chili sauce, kim chi at hilaw na itlog. Ang lahat ng ito ay gagawin mong palaman sa iba't ibang dahon na gulay. On the side ay may sabaw na malamig. Gaano kalamig? Malamig as in may yelo na lumulutang sa mismong sabaw. Siyempre, di mawawala ang paboritong inumin ng mga Koreano - Soju. All in all at much to my surprise - masarap. Mabait ang mga staff ng restaurant at masayang nakikipag-usap habang nagsisilbi sa iyo. Altough medyo nagiwi ng kaunti nang malaman niyang tatlong taga-Singapore ang pinagsisilbihan niya. Ang isa ay galing pa sa China. Hehehe... Hindi naman ako umaatras basta-basta sa mga exotic na pagkain. Pinapatulan ko kahit ano, simula sa mga barbeque scorpion at bulate sa Beijing hanggang sa mga mabangong pagkain ng India.

Bukas ay masaya. Sunduin kami ng 8:30 sa hotel para pumunta sa local Korean office namin. Darating din ang mga kaupisina ko galing ng China, Australia at Japan. Sama-sama kaming lahat para sa conference namin sa Biyernes. Sa gabi, papasyalan daw namin yung isang sea food place dito sa Seoul na ang specialty ay madulas at masarap na palos. Baka magpainom din ang bossing ko - mukhang in the mood to socialize eh. Good Omen... Good OmenTO sana rin!

Sige my lab, tulog na ako. Sandali lang naman itong trip na ito at sa Sabado ay iyong iyo na ulit ako. Ingat na lang diyan.

LabU. Jay

p.s. medyo nagloloko ang internet ko sa hotel kaya baka intermittent ang pag online ko. tingin ko yung local ISP ang may problema. imbestigahan ko muna.

masarap ang kimchi sa korea

nag breakfast kami sa isang restaurant malapit dito sa office kaninang umaga... typical korean seafood noodles na maanghang na may kasamang vegetable seaweed rolls with rice... di ko alam ang tawag dito, kasi kain na lang ako ng kain. hehehe. as usual maanghang. as usual, may kimchi as side dish.

speaking of pagkain: ang lunch namin ngayon ay noodle soup na mainit, malalaking steamed dumplings on the side, at ang pinakamasarap na kimchi na natikman ko sa buong buhay ko. maliit lang siya na working class canteen, pero, masarap ang pagkain.

isang napansin ko rito... ang bilis nilang kumain. ang alam ko eh mabilis ako pero wala akong sinabi sa mga kasama ko. nangangalahati pa lang ako at pinagpapawisan na ng husto, hinihigop na nila yung latak ng sabaw sa mga bowl nila. di ko kayang makipag contest sa mga taga rito. isa pa, saksakan ng tulis at nipis ang mga chop stick nila.

nga pala... kasama ko rito, ang pangalan ay si putsya. ang sirname nya ay nam.... natatawa ako pag tinatawag siya ng boss dito na koreano: NAMPUTSA! NAMPUTSA!

May 21, 2003

OFF TO KOREA

lipad na ako bukas papuntang korea. first time ko sa seoul. ano bang meron doon? koreano? hehehe... corny mo. ang alam ko lang sa korea ay ang mga sumusunod:

1. mahilig silang kumain ng aso - ARF!
2. malakas silang uminom ng alak
3. maanghang ang pagkain nila
4. marami sa mga koreano ang kwadrado ang korte ng mukha
5. mataas ang percentage ng car accidents nila sa gabi (hihilig kasing uminom eh)
5. magkaaway ang north at south korea
6. malalaki ang mga panga ng mga koreano
7. magaling sila sa golf
8. mahilig sila sa mga soap opera
9. maraming koreano na may apelyido na kim at park
10. doon galing si shin dong pa (kung di nyo siya kilala, tanong nyo na lang sa tatay nyo)

May 18, 2003

BYAHE NA NAMAN, WOOOHOOO!!!

it's been a long great trip baby...

ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.

sa linggo naman ay ang pinaka-exciting sa lahat... 12th anniversary na naming dalawa ni jet. ang tagal na naming dalawa ano? nagsimula sa kasal namin sa munisipyo ng kalookan, walang pera kaya sa jollibee lang ang reception. sampung taon bago nakabili ng sariling bahay... job offer na maganda ang nagdala sa amin dito sa singapore magdadalawang taon na. in between, katakut takot na walang katapusang kasiyahan.

malayo nang narating ko simula nang magtapos sa iskwela. from paractically nothing to... well, something more than that. lahat ng ito ay dahil na rin kay jet. kung wala siya sa buhay ko, baka nagkabalenkwang nang landas. itong 12 years na byahe naming dalawang mag-asawa ang pinaka exciting sa lahat. byaheng langit... di kayang pantayan ng kahit na anong first class trip sa kung saan.

May 09, 2003

BACALAO

A Stirre's Secret Lair Você já viu coisa parecida?

Sino kaya itong bwakangnangto na naglink ng entry ko sa site nya? Portugese... wala naman akong alam sa portugal kundi yung "bacalao with virgin olive oil" na paborito kong pulutan sa san mig shangri-la.

January 09, 2003

ROAD TRIP PLAYLIST

mga kantang dapat patugtugin sa kotseng papuntang baguio:

baliintawak to tarlac:
1. born to be wild, steppenwolf
2. roll on down the highway, bto
3. highway star, deep purple
4. i feel fine, the beatles
5. rock and roll, led zeppelin
6. ramblin man, allman brothers band
7. the end of the world as we know it, rem
8. not fragile, bto
9. smoke on the water, deep purple
10. you ain't seen nothin yet, bto
11. bad to the bone, george thorogood
12. the road, jackson browne
13. black mercedes benz, the breed
14. born to run, bruce springsteen
15. hoochie coochie man, eric clapton version
16. break on through, the doors
17. runaway, del shannon
18. jessica, allman brothers band

tarlac to pangasinan:
1. on the road again, willy nelson
2. still the same, bob segar
3. reklamo ng reklamo, jerks
4. probinsyana, anak bayan
5. laguna, sampaguita
6. the thrill is gone, bb king
7. mannish boy, muddy waters
8. layla, eric clapton
9. we got to get out of this place, animals
10. love is stronger than justice, sting
11. the lion sleeps tonight, the four seasons
12. walk on the wild side, lou reed
13. 500 miles, proclaimers
14. gotta serve somebody, bob dylan
15. love street, doors
16. summerfling, kd lang
17. watching the wheels, john lennon

pangasinan to baguio:
1. love needs a heart, jackson browne
2. helplessly hoping, csny
3. birds, neil young
4. damdaming nakabitin, asin
5. circle game, joni mitchell
6. tao, sampaguita
7. ain't no mountain high enough, marvin gay
8. everybody hurts, rem
9. a day in the life, the beatles
10. kun' di man, jerks
11. just a song before i go, csn
12. man on the moon, rem
13. after the gold rush, neil young
14. agains the wind, bob seger
15. let it grow, eric clapton
16. what a wonderful world, louis armstrong

December 16, 2002

PUMUPUGAY SA MGA BAGONG BAYANI


first full day ko sa bahay ngayong araw ng linggo. maraming nangyari nitong mga nakaraang araw simula ng dumating kami last friday sa pilipinas. kwento kong lahat...

contrary to popular belief: suwerte para sa flight namin ang friday the 13th. dumating ang eroplano namin sa NAIA ng mga 8:30 PM na walang kasabay. in short, solo namin ang airport at mabilis ang clearing ng immigrations at customs. masaya kaming sinalubong ng malaking litrato ni GMA na "pumupugay sa mga bagong bayani". thank you madam president.

mas-masaya kaming sinalubong (may kiss sabay-hug pa nga!) nina kuya bong, darlene at ng anak nilang si lucas. sa may parking lot, nakita ko kung gaano kami ka-suerte. talagang (sabihin mo ito with an ilocano accent) "bumper to bumper" ang mga sasakyan. apparently maraming flight ang dumating pagkatapos namin.

diretso kami sa bahay nina jet sa novaliches dahil birthday ng mommy niya. nakarating kami mag pasado 11:30 na. dito na rin kami natulog dahil ang lekat na driver na maghahatid sa amin sa antipolo ay tulog na. di tuloy natuloy ang plano ko na matulog sa sarili naming bahay sa gabi ng aming pagdating. pero ok lang, ang importante ay nasa pilipinas na kami.

sabado ng umaga, bago umuwi ay dumaan muna kami sa bahay ng mga mommy ko. kita ko ulit ang mga dear relatives - kamustahan all over, siyempre.

sabado ng tanghali, sa wakas: nakarating na rin sa antipolo, nakapasok na rin sa sariling bahay. nakita na rin ang mahal na alagang aso na si datu at ang kasama namin sa bahay na si anna banana. di nagtagal ay kumain na kami ng lunch at ako'y naligo. birthday kasi ng classmate kong si edwin, kailangan mag-attend ako. ang party niya ay sa valenzuela. medyo mahabang maneho pero ok lang... minsan minsan ko lang naman silang nakikita dahil nasa singapore na nga ako.

ibang klase ang batch namin sa notre dame of manila. karamihan sa amin ay magka-klase na simula pa 1971 (nung kami ay kinder). galing ano? kung tutuusin, ang turingan namin ay mahigit pa sa magkapatid (sa haba ba naman ng pagsasama namin). biro mo 1971-73 kinder-prep, 1973-79 grade 1 to 6, 1979-83 first to fourth year high school. tapos marami rin sa aming batch (around 35 people) ay nag-tuloy ng pag-aaral sa mapua.

next year, 20 years na ang batch 83 namin! 20 years after graduating from high school, nagkikita pa rin kami ng at least once a month... kadalasan ay inuman o kaya golf, minsan inuman at golf! hehehe... so last saturday, just in time sa pag-dating ko eh nagkita-kita ulit kami para sa birthday ni edwin. maraming handa, maraming inumin. pero higit sa lahat, maraming dumating na kaibigan, ka-kopyahan, kainuman at lahat lahat na.

halos lahat ng mga anak ng batch namin ay kami ang mga ninong. kaya lagot ako ngayong pasko! hehehe... mayron pa ngang nakakatawang relasyon: si kuya bong ko eh classmate ko since kinder. napangasawa niya ay si darlene na hipag ko dahil kapatid niya si jet na asawa ko. in short, si bong na classmate ko since 1971, ngayon ay bilas ko na. may anak na sila: si lucas. sila ang mga sumundo sa amin sa airport. paano nagkakilala sina bong at darlene? mahabang istorya pero ang buod ay nagsimula at namuo ang pagmamahalan nila nung kami ay mag-outing sa dakak, zamboanga kasama ang isa pa naming classmate na si raymund at ang kanyang asawa na si marlene. hehehe... magulo bang kwento ko.

natapos ang inuman namin ng mga pasado alas-12 ng hating gabi, kaya pagapang kaming nakarating sa antipolo ng ala-1 ng umaga. medyo lasing ng kaunti, natulog kami ni jet, kasama ang alaga naming si datu sa may salas ng bahay. dito na ako inabutan ng umaga, kasama ng masakit na ulo at isang malaking "over-hang" (kung tawagin ni kaibigan kong si brother willy).

PANGHULI: napansin ko nung kami'y nagkita: iba iba nang naging estado namin sa buhay, iba-iba nang napiling mga hanap-buhhay, iba-iba nang tirahan, iba iba nang nangyari sa aming mga buhay. pero ang nag-uugnay pa rin sa amin ay yung pagkakaibigan na nasimula nung aming kamusmusan. ika nga eh - what binds us together is the strong brotherhood nortured since we were six years old. ito ang isa sa aking tanging yaman, bukod sa aking pamilya: ang aking mga kaibigan.

June 14, 2002

INDONESIA LOOKS LIKE HOME

lipad na naman ako sa lunes papuntang indonesia. 2 araw sa jakarta at 3 araw sa surabaya. makikita ko na naman ang sangkatutak na tao sa mga kalye sa jakarta, ang traffic at ang alikabok at init. hehehe... parang maynila rin. minsan nga sa biglang tingin parang umuwi ako. mababait din naman sila at palangiti. masarap din ang kanilang pagkain. kung ang jakarta ay siksikan ang tao - sa surabaya naman ay medyo parang davao o cebu ang dating. laid back ika nga - wala ang gitgitan ng mga tao't sasakyan at mararamdaman mo na mas matahimik dito. ito ang dahilan kung bakit mas gusto ko sa surabaya kaysa jakarta.

kasali sa trabaho ang pagiging byahero ko. katunayan matapos akong makabalik dito sa singapore lilipad naman ako patungong pilipinas as unangn linggo ng hulyo. i look forward to a trip home. medyo matagal na rin akong di nakauwi. gusto kong makita ang bahay ko't garden. gusto ko ring bisitahin ang mga kamag-anak at kaibigan.

sana july na...

May 31, 2002

AIMLESS WALKING

aimless walking... another favorite after-career career. there's nothing better than walking on a cool morning with just your nose to lead the way. where to go? (a favorite singapore phrase when the people here ask what to have for lunch) where to go indeed... wala lang. nowhere - here, there, anywhere. in my morning 20 minute jog - i just aimlessly wander and really don't care where i end up... well, anywhere that will bring me back home in 20 minutes. i still have a career as an engineer, you know, and i have to be in the office by 8:30 - but after i've retired, 8:30 won't mean a thing to me anymore.

May 03, 2002

A PASSAGE TO INDIA

Kakadating ko lang galing ng India. Mahigit isang linggo ako sa init, alikabok at mabangong simoy ng hangin (hehehe). Height ng Summer ngayon doon at umaabot ng 43 degress C sa shade at mahigit 50 degrees C sa direct sunlight. Isipin mo na lang kung anong pakiramdam kapag sumakay ka sa kotse na nakabilad sa araw sa India... Akala ko mainit na sa Pilipinas, mayroon pa palang mas malala. Piso na lang, impyerno na. Niyaya nga akong mag-golf ng Distributor - tumaggi ako. Next time na lang... mga winter time malamang (hehehe). Pero nag 2 bottles kami sa golf club nya sa Delhi. Spoiled din ang mga golfer doon: may 2 taga-hanap ng bola, 1 caddy at 1 taga-payong at taga-hawak ng flag. Parang may basketball team ka sa fairway. Hehehehe...

Accidental Tourist... yan ang buhay ng katulad nating byaherong engineer at salesman. Pag may chance na pumuslit sa mga tourist site, pinupuntahan natin (pero di sinasadya) - Parating aksidente nga eh. Nakapunta rin ako sa Taj Mahal dahil may cliente na nag-cancel ng appointment. Hehehe... Nalibot ko ang Delhi, Calcutta at Mumbai: by car, train and eroplano. Masarap ang biyahero na hindi turista: at least ibininigay sa iyo ang tutuong litrato ng isang lokasyon... hindi scripted na package tour. Nakikita mong lahat ang nangyayari sa paligid mo. Nakikita mo ang masama at mabuti, tama at mali sa isang lugar at tinitimbang mong lahat. Iba rin ang India, mayaman sa kultura at history pero mahirap ang mga tao... parang Pilipinas na hindi parang Pilipinas. hehehe... does it make sense?

Naisip ko nga, swerte pa rin tayo kahit papano. Mayron tayong chance na paunlarin ang buhay natin through sipag ang tiyaga. Pano mo ito masasabi sa mahigit isang bilyong tao na walang direksyon ang buhay? Nakatira sa mga tent at slum area, ni hindi nila alam kung papano at saan kukuha ng kakainin para sa pamilya nila. Hopeless and without options - pag pinagsama mo itong dalawa, mas maigi na sigurong tumalon sa Pasig River na may hawak na mabigat na bato.

Sa Wonderware, ako ata ang may mga adventurous na area: india, pakistan, indonesia, philippines, sri lanka... hehehe. The Latak of the Asia-Pacific Region. Pero pag tiningnan mo, mas maraming magagawa kahit may gulo. Di rin naman mahirap mag-cover: actually mas magaganda nga ang mga hotel sa India at Indonesia. Mas maganda ang pakitungo sa iyo dahil pinipilit nilang pagandahin ang lahat ng nakikita mong pangit. Magandang halimbawa: sumakay ako ng train from Calcutta to the Steel Capital of India called Jamshedpur (4 hours) which is owned by the Tata Group of Companies. Pag labas ko may nag-abot sakin ng bulaklak, dinala nila ako sa hotel, pinakain at pinakilala sa mga big boss, pinag-salita sa auditorium na puno ng mga pinakamagaling sa India sa Steel Manufacturing, free tour sa steel museum at planta. Hehehe... yung bulaklak ang di ko makalimutan, ngayon alam ko na ang feeling ng isang celebrity. hehehe...

Kapag palayo ka ng palayo sa mga nakagisnan mo, habang dumarami ang mga mga nakikita mong bago, kapag humahaba na ang panahon na di ka nakakatikim ng pagkaing gusto mo... hinihila ka nang pabalik. Ang isang magandang dulot ng pagbyahe ay nararamdaman mo kung anong ibig sabihin ng "pag-uwi"... gusto mong marinig ang ingay ng Maynila, gusto mong matikman ang tapsilog sa umaga, gusto mong murahin ang mga bobong driver sa kalye, gusto mong makita si Ping Lacson at Tessie Aquino-Ureta sa TV at pag-untugin sila, gusto mong singhapin ang hangin na puno ng usok at alikabok. OFW na ako! Bahagi ng mahigit 2 milyong Pinoy na papunta't pabalik sa Pilipinas... Alam ko na kung papanong sigaw-sigawan, bastusin at tratuhin na parang bobo ng mga tao sa airport.

Pero, kahit anong pangit ang makakagisnan mo at kahit ano pang marinig mo, uuwi ka pa rin... Hehehe.

Happy Labor Day! Today is my 1st year anniversary since I resigned from ICI.

April 29, 2002

MISSING CLASSMATES, INDIA AND THE MAGIC WALLET

...di ko nakita si bona sa india eh...wala ring payong na tinitinda
doon. naghahanap nga ako ng 5-6 eh. baka sakaling makautang. wala ring
cobra o kaya balat ng cobra na pwedeng gawing pitaka.

bibilhin ko sana yung pitaka na gawa sa titi ng cobra. kaya lang pang-lalaki
lang ito. kasi pag pinahawak mo ito sa kamay ng babae - magiging maleta!
hehehehehehehehehehehehehehehehehehe!!!!

December 10, 2001

Indonesia STATS:

Indonesia: 228,437,870 people, archipelago of 17,000 islands,Muslim 88%, Protestant 5%, Roman Catholic 3%, Hindu 2%, Buddhist 1%, other 1%, Javanese 45%, Sundanese 14%, Madurese 7.5%, coastal Malays 7.5%, other 26%

JAKARTA

Jakarta reminds me so much of home. The heavy traffic jams, the sticky heat, the smoke from reckless super fast cars and motorcycles and the people. We share the same face and we share some words. Not long ago, our ancestors probably came from the same tribe of nomads who have been ruling the South East Asian seas. In spite of the poverty all around, we share the same smile.

I look out to the city from my hotel window and wonder: will this country of 200 million people rise up from the rut and shine like the rest of its neighbors? I really don’t know. Like the Philippines, this place needs a major deluge - A big flood or a major catastrophe: a volcanic eruption, a tsunami or a meteor strike perhaps. Like home, this place needs to rid itself of a generation of corruption, crime and poverty. Out of the ashes, we can start again. Of course, this is assuming that all the people we love to hate die in the first wave. If they don’t, they may be able to bribe some rescue worker and survive. This is dangerous because the viscous cycle of corruptor and corruptee starts all over again.

One thing I really like is food. Indonesian food is interesting and worth eating - hehehe. I like their Nasi Padang. It's basically rice with a ton of different dishes that is brough to your table. You pay only for what you eat. Each dish is different, from spicy to very spicy. hehehe... Of course, there is their national pride: Indonesian Barbeque Satay with Peanut Sauce.

“Terimah KASIH” – thank you! A word I find effective when connecting with the Indonesians. It is the magic word; a password that open doors (“Buka Pintu”). A smile and a thank you is all you need to belong.

“Belonging” – I cannot even measure how important this is for me, a travelling salesman.

October 16, 2001

THE BEST DRIVING EAST OF ANTIPOLO

speaking of driving - one of the best driving experience in the philippines is a trip to Lucban Quezon from Antipolo via the Rizal-Laguna-Quezon back roads. bring a friend. start from antipolo, have breakfast at padi's point first, then go down via zigzap road to teresa, tanay and jala-jala.

go up the mountains of rizal via zigzag road to laguna straight to pangil and pakil (stop along the way at your leisure to view the laguna de bay from the other side). take a pee stop in paete and get to look at the wood carvings and paper mache sculptures, or maybe even have a python adobo lunch at "exotik" (they also serve baboy damo, deer, etc.). drive straight ahead to pagsanjan and shoot the rapids or visit erap's mayor nephew (former actor now mayor george estregan jr).

after pagsanjan, go up the mountains bordering laguna and quezon, to cavinte and luisiana. stop along the way to enjoy the cool mountain air, buy abaniko, banig or bayong from the hawkers-hunter-gatherers, or, sample the santol, lanzones, durian, saging (whatever is in season). down the mountains, you will enter straight into the heart of lucban. from lucban, you can either schedule a trek up mt. banahaw or just enjoy the pahiyas festival. just the same, make sure that you buy lukban's treasured longganisa ang pansit. from lucban - you can go straight to bicol and see the whale sharks at sorsogon or just watch the sunrise from the foot of mt. mayon.

few people from manila know of this more scenic route to southern luzon (i hope it stays that way). there's practically little traffic, excellent roads and an infinite number of things to see, taste and smell.




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
The Susan G. Komen Breast Cancer Foundation

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
BUHAY OFW
CALIFORNIA DREAMING
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HEALTH
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
ORANGE COUNTY
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCHOOL
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TOP 10 LISTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".