[::..KT, THE BOOK..::]

the kwentong tambay book - - CLICK HERE TO GET MORE INFORMATION ON WHERE TO GET A COPY

hoy, psst...Subscribe to Kwentong Tambay

bloghome

[::..mga awit..::]
Musika at Awitin ni BatJay, Ang Dating Folk Singer
ng Ma Mon Luk

[::..mga tula..::]
Mga Tula ni BatJay, Ang Makatang Hilaw

[::..advice column..::]
Dear Unkyel BatJay

[::..Breaking News..::]
Mahalagang Balita

[::..patawa..::]
Where in the World is Spiderman?

[::..photo blog..::]
Litrato, Larawan

[::..BUHAY AMERIKA..::]
komiks

[::..chameleon persona..::]
The 1001 Lives of Mr. BatJay

[::..mga parangal..::]
mga nag special mention sa kwentong tambay

[::..listahan..::]
SiraUlo

[::..Monitoring..::]
Medical Chronicles

[::..ispokening inglis..::]
BatJay's World

[::..ang mylab ko..::]
Jet's Life
MyLab's Kwento
MyLab's Poetry
The Junk Yard
Tahanan
Kodakan

[::..punta kayo rito..::]
Prata Princess
AteSienna's Pansitan
A Taste of Africa
Short Poetry
Renaissance.Girl
Prada Mama
87 Gentle Street
The Pamilya Sereno
Leah
Tin

[::..blogkadahan..::]
Ajay
Apol
Ate Sienna
BatJay
Bong
Cathy
Cerridwen
Jade-N-Mom
Jardine Davies
Jop
Joyce
Karla
Kiwi Pinay
Lolo Jose
Mari
MayaMaya
Mec
Polo
Tito Rolly
Tatang Rome
Ruth
Sachiko
Sassy
Stannum
Svelte Rogue
Tanya
Tingaling
Tintin
Toni
Zennor
Watson

[::..binabasa parati..::]
Angela Solis
AnP
A Sassy Diary
BelleLoved
ClickMoMukhaMo
Digital Life
Dins World
GIGI GOES GAGA
Gulaman Life
Ibalik
jessie's lament
Justice Abroad
kat's scribbles...babbles
Kitchen ni Lola Ko
Linnor Marie
ManuelViloria
Manuel L. Quezon III
Memento
Periodista
The Phil. Accdg. to Blogs
PiNaYsaAmerika
The Radical Chef
Random Collisions
Rene Enriquez
Sunshine Girl
To Norway on a Bicycle
tekstong bopis
TwEeThUmbSuP
Tales of the Unlawyer
Yupki Girl

[::..naka ututang dila..::]
Leah
Tin
Belle
Mec
Tanya
Tito Rolly
Aya
Yvette
Mari
Melissa
Toni
Bong
Apol
Sassy
Doc Emer
Dindin
Ajay
Yuga
Belle
Marvin
Karla
Lornadahl
Joyce
Julsitos
Watson
Jenn
Yasmin
Favel

[::..dito rin ok na ok..::]
As our dreams unfold
Baboyita
bang and blame
Bloggo Chicago
BoyetB
Bulong na Pasigaw
CBSMagic
Daragang Magayon
dinah's pensieve
Diwata Nakpil
Dreams
EXPECTORANTS
Eye Focus
iDiOtBoArD
Jologs Queen
Kusina ni Manang
Life's Rich Tapestry
Manila My Manila
nonstandardized.com
Random Rambling
Rebel Pixel
Retzwerx
soft grumbles
Tatang's Karinderia
Technobiography
Thinking Out Loud
Third Charm
Videoke Queen
Yosi Break

[::..PANSITAN COMMUNITY..::]
Pansitan.net
Ala
Ate Sienna
Ayeza
Gretch
Jah
Jet
Jim
Kikay
Kiwi Pinay
Maricel
MizBelle
Renee
Rima
Christene
Abi
Abster
Cerridwen
Micster
Ralph
Erica
Lianne
Omar
Wanda
Jojo
Laura
KSPramer

[::..BLOGKADAHAN.COM..::]
Alma
Don Lorenzo
Jet

[::..mga artista..::]
Banyuhay
Gumawa ng Sandman
Haring Liwanag
Jessica Zafra
Joey Ayala

[::..pwede rin dito..::]
NotreDame'83
99 ROCK
GOOGLE
Free Online Dictionary
PhilippineBalita
The Rock of Manila
DZRH
DZBB
AstronomyPicOfTheDay
Manilaview
Technorati
BatJay's Flickr
The Philippine Presidency Project
Tanikalang Ginto
SingaBloodyPore
Nostalgia Manila





[::..ang nakaraan..::]
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
February 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005
July 2005
June 2005
May 2005
April 2005
March 2005
February 2005
January 2005
December 2004
November 2004
October 2004
September 2004
August 2004
July 2004
June 2004
May 2004
April 2004
March 2004
February 2004
January 2004
December 2003
November 2003
October 2003
September 2003
August 2003
July 2003
June 2003
May 2003
April 2003
March 2003
February 2003
January 2003
December 2002
November 2002
October 2002
September 2002
August 2002
July 2002
June 2002
May 2002
April 2002
March 2002
January 2002
December 2001
November 2001
October 2001
September 2001









PinoyTopBlogs.com

Powered by Movable Type 3.2

Syndicate this site (XML)

Creative Commons License
This weblog is licensed under a Creative Commons License.




Powered by
Movable Type 3.2




February 26, 2007

MGA LARUAN KO SA OPISINA... COWBOY AT LANGAW, NAGSE-SEX


September 23, 2006

I RUN FOR LIFE

alt= bukas ng umaga, pupunta ako sa newport beach para sumali sa Susan G. Komen Breast Cancer Foundation "Race for the Cure" - naglakas ako ng loob para tumakbo sa 5k timed race. sumali ako hindi para makakita ng maraming magaganda at sexy runners na labas ang pusod (although marami doon bukas). gusto ko lang kasing ibalik yung mga natanggap kong benefits sa aking almost 10 month long exercise program to take care of my diabetes. may group akong sinalihan at sama-sama kami bukas na tatakbo. baka gusto ninyong mag donate. lahat ng pera ay mapupunta sa paghanap ng cure sa breast cancer. kung titingnan ninyo yung aming team page, ako ang may pinaka maliit na donation kaya kakapalan ko na ang mukha ko rito para makiusap: sige na naman, mag donate na kayo para naman medyo lumaki ang amount sa pangalan ko. bilang incentive, lahat ng mag bigay ay papadalhan ko ng picture ko na nakahubo. promise!

NOTE: pwede pang mag donate kahit tapos na ang race, kaya huwag na kayong mahiya.

oo nga pala, ang appeal na ito ay para lang sa mga overseas. kung nasa pilipinas kayo at gusto ninyong mag donate, ibigay ninyo na lang kay pyro. maraming salamat.


Continue reading "I RUN FOR LIFE" »

June 27, 2006

SPANDEX BLUES

walang dress code sa kumpanya namin - ngayon ngang summer, marami ang pumapasok sa opis ng naka shorts. kahapon nga, during lunch time, mayroon akong nakitang lalaking naka neon pink na spandex shorts na naglalakad sa campus grounds. bakat na bakat ang titi niya doon sa shorts at ako nga ang nahiyang tumingin. isa siya sa mga androgynous metrosexual male employees na may weird sense of self expression sa opisina. what can i say? marami talagang mga eccentric sa amin. kaya nga gusto kong magtrabaho dito - you never know what you will encounter in any given day.

March 30, 2006

American cities are like badger holes ringed with trash

nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.

refrigerator? packingsheet.

Continue reading "American cities are like badger holes ringed with trash" »

January 23, 2006

"I refer to jet lag as 'jet-psychosis' - there's an old saying that the spirit cannot move faster than a camel" - Spalding Gray

napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak. ayokong ayoko pa namang umalis ng bahay ng hindi ko nagawa lahat ng dapat kong gawin. pakiramdam ko ay mayroong kulang. in any case, narito na kami ulit sa california after spending last week in florida. it was a great trip not only because maganda ang kinalabasan ng conference. nagkaroon din kasi kami ni jet ng chance para mabisita ang sister kong si ester. kahit anong klaseng jet lag nga ay haharapin ko basta makita ko lang ang kapatid ko whom i haven't seen in over ten years. medyo naluha nga ako nag makita ko siyang dumungaw sa bahay nang paparating na kami.

October 30, 2005

I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan - di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo - bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag "trick or treat" sa apartment namin bukas.

Continue reading "I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween" »

October 23, 2005

AND THE LEAVES FELL IN THE WATER OF YOUR SOUL

nagpunta kami ni jet sa lake arrowhead last weekend for a short break. buti nga, kasi naging sobrang abala kami these past two months sa kung ano-anong mga bagay relating to our big move from singapore - simula sa paglipat ng dalawampu't apat na pirasong bagahe, pagbili ng kotse, sa paghanap ng matitirahan at pagbili ng mga gamit sa bahay. all the while nagtatrabaho na't dumidiskarte sa bagong opisina. di mo alam kung gaano ka pagod hanggang sa mapansin mo na lang na parati kang aborido, maikli na ang pasensy mo't madali ka ng mapikon. pag dumating ang ganitong pagkakataon sa buhay mo, huwag mo nang hintayin pa yung oras na hindi na tatayo at titi mo - panahon na para iwanan ang lahat at mag pahinga ng ilang araw. "to chill" ata ang tawag nila rito sa amerika.

Continue reading "AND THE LEAVES FELL IN THE WATER OF YOUR SOUL" »

October 06, 2005

There's one for you, nineteen for me

isa sa mga mahirap ma take dito sa california ay ang damiing bawas sa suweldo. tinitingnan ko nga ang payslip ko eh parang litanya ng dasal ang mga deductions - income tax, preyporas. state tax, preyporas, disability tax, preyporas... enso-on, enso-port. AMEN.

isa isahin nga natin - may income tax na super laki (sabi ko nga 3 times more than what i paid for in singapore). may state tax na pupunta kay governor arnie (bwakanginang i'll be back na yan), may old age survivor and disability Insurance (ano bang ibig sabihin nito? may suwledo ka pag tanda mo at buhay ka pa?), may disable tax (ano ito - disability insurance na, disable tax pa), may life insurance, mayroong legal fund (para pag nahuli ako ng pulis, may darating na abogado na aareglo sa kaso ko), may 401K contribution, health care deductions (nagamit na namin ito para sa pag pagamot kay jet), may dental plan para pag nagpa pustiso ako ay maliit lang ang bayad (gusto ko kasing gawing puro bagang ang ngipin ko, hehehe) at panghuli ay ang vision plan - para yata ito sa kung sakaling lumabo ang mata ko dahil sa sobrang pagjajakol.

September 12, 2005

There Are Three Kinds of People - Those Who Can Count and Those Who Can't

my ito ang hitsura ng opisina ko dito sa california. mayroon akong "room with a view", bagay na labis kong ikinatutuwa. pag silip ko nga sa labas, bukod sa mga sira ulo at malilibog na kuneho, nakikita ko ang basketball court at ang beach volleyball area. tuwing tanghali, maraming mga taong naglalaro at pinapanood ko sila habang kumakain ng lunch. ang galing nga ng opisina namin (actually "campus" ang tawag namin dito), it has something for everyone. i love my job. bagay kasi ang kumpanya sa personality ko. i love the irreverence and the culture. i also love the free food, but that's another story. dito lang ako nakakakita ng mga nagtatrabaho ng naka shorts, mahilig sa rock music at kung ano anong mga twisted na personality ng mga empleyado. gusto ko rin yung individual na dekorasyon ang ginagawa sa mga kwarto at cubicle sa opisina. bawat pwesto ay reflection ng personality ng mga taong nagtatrabaho doon. mayroong cublicle na para kang nasa loob ng sports car, mayroon namang para kang nasa space ship, mayroon parang amusemnt park, ang iba naman ay puno ng mga gadgets, maraming mga litrato ng mga anak at kung ano ano pa. yung opisina ko ay medyo 'ala pang laman dahil kulang sa oras mag ayos. pero at the moment, hindi naman siya exactly totally bare. bukod doon sa "bird poop for sale" sign ko, mayroon akong mga sumusunod:

Continue reading "There Are Three Kinds of People - Those Who Can Count and Those Who Can't" »

September 11, 2005

Where there is a stink of shit there is a smell of being

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now - isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin - nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin - marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng "FOR SALE" sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa - nagiging conversation piece tuloy ("what you got there, jay?", "can i get one of them bird shit too?", "what in the hell is that thing on your window?", "fucking shit!", "holy shi!t", "hey jay, you're full of shit!" and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon - "you know who jay is, right? he's that new guy from building 1 with the big bird shit on the window". for all the crap i've been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh - "emen to dat, ale-luya!"

August 01, 2005

Did you ever see the customers in health-food stores? They are pale, skinny people who look half dead. In a steak house, you see robust, ruddy people. They're dying, of course, but they look terrific

first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa 'merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako - tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta ("dats damos imfortant fart op da opis" ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine ("dats dasican mos imfortant fart op da opis", ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).

BATJAY: "is ebriting here in da pantry por free - oldis pud en sopdrinks?"
HR GUIDE SA OPIS: "YES, batjay!"

BATJAY: "how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?"
HR GUIDE SA OPIS: "YES, they are all free,batjay!"

BATJAY: "kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?"
HR GUIDE SA OPIS: "you trying to be cute, batjay?"

BATJAY: "how about balut? do yu hab da balut?"
HR GUIDE SA OPIS: "baloon?"

April 25, 2005

I remember the thirty-five sweet goodbyes

BATJAY, BIKER DUDE balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko - silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.

April 12, 2005

MAYROONG HIMALA!!!

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan...

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos - sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala... marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba'y pagsubok mo...

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY - kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na - akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign - sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.

March 09, 2005

There's room at the top they are telling you still, But first you must learn how to smile as you kill

magiging seryoso ako ngayon at pag-uusapan natin ang mga katangian na hinahanap ng mga kumpanya sa mga nag a-apply sa kanila ng trabaho at ang mga common questions na tinatanong sa mga interview. isasali ko rin ang mga katangian na hinahanap sa inyo ng mga managers sa evaluation ng iyong first six months. siyempre dahil engineer ako, related ang topic na ito sa mga katangian ng isang magaling na engineer. pero applicable din sa mga non technical positions tulad ng isa kong sideline - ie nagkukulot ng buhok.

Continue reading "There's room at the top they are telling you still, But first you must learn how to smile as you kill" »

November 22, 2004

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito - biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta...

Continue reading "ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE" »

August 05, 2004

A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm... kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad - wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance - sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: "PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!"

Continue reading "A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND" »

August 04, 2004

THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel - pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa "fafa batjay". maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo...

Continue reading "THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR" »

July 28, 2004

WATCH ME WALLABY FEED MATE

natapos din yung training session na binigay namin ng boss ko. ok naman, mga 12 people ang dumalo - 11 aussie at 1 kiwi. masayang kasama ang mag taga rito. gustong gusto ko ang aussie dry humor. parang ako. hehe. haluan mo pa ng kaunting mura ay ayos na ayos talaga ang mga kwentuhan. ayos din ang kanilang accent. pakiramdam ko nga ay kausap kong parati si bruce the shark doon sa "finding nemo". hehe. nakakatuwa yung isang estudyante kong matanong - ngongo siya na may australian accent. nakaka tatlong excuse me ako para maintindihan ang kanyang sinasabi. una para maintindihan ang pagkangongo niya, pangalawa para maintindihan ang australian accent at ikatlong ulit para maintindihan yung english.

aussie: "ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?"
batjay: "ah, eh - say dat agen meyt, yor what sangat eksampol?"

aussie: "ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?"
batjay: "did you say kamatis mate?"

aussie: "ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?"
batjay: "ah... what is the difference between my first and second example!"

aussie: NGYET!
batjay: "shit ka rin!"

pero sa tutuo lang, i love australia. i love the friendly people, the good cheer, the food. i love sydney, i love the aussie accent and the humor. kung bibigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho dito. aayain ko na agad si jet na lumipat bukas.

July 26, 2004

WHERE WOMEN GLOW AND MEN PLUNDER

hulaan ninyo kung nasaan ako? hehe. dalawang araw pa lang ako sa australia, apat na beses na akong naliligaw. di maintindihan ng mga taxi driver ang mga sinasabi kong english. ganito ba talaga ang accent dito? kung saan saan tuloy ako dinadala. isip ko nga, baka nililigaw ako para malaki ang kita nila. puro mga immigrant nga pala ang mga driver ng taxi rito - una kong nasakyan ay nigerian, pangalawa bumbay, ikatlo bulgarian at ikaapat ay taga republika ng kupal. kasi, sinisisi ba naman ako - kaya raw kami naligaw ay di ko raw sa kanya binigay ang address ng pupuntahan ko ng maaga. gago pala siya. eh di sabi ko sa kanya eh - "you fix yourself otherwise something pointed will come out of your head" (kako eh mag ayos ayos siya at baka siya mabukulan).

ingat ka diyan mylab! binili kita ng maraming mga aussie souvenir - mayron akong nakuha, murang mura lang. $1 ang isa... boomerang na hindi bumabalik. ang galing nga eh, binili kita ng sampu. lab U!

July 15, 2004

MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN

ang building namin ay parang microcosm ng singapore. may pecking order ang mga employee at kadalasan dictated ito kung saang floor ka nagtatrabaho. habang tumataas ang floor, tumataas ang estado ng mga empleyado sa opisina (at lumalalim naman ang pagkalubog mo sa bullshit. hehe):

Continue reading "MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN" »

July 12, 2004

DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY

lunch time na kanina nang malaman ko na pumasok pala ako sa opisina na bukas ang zipper. buti na lang naka tuck out ang polo shirt ko, kundi mas nakakahiya. ang yabang ko pa naman kanina sa bus stop - nakatayo ako at pakyut na naka stomach in pa na parang mr. pogi. bukas naman pala ang zipper. gago. ganito ba talaga ang tumatanda? nakakalimot nang magsara ng pantalon. next year 40 years old na ako. natatakot tuloy ako, baka one day, umalis ako sa bahay ng walang pantalon.

pero matagal pa siguro yon. ngayon, paglalaruan ko muna yung spiderman kong manyika

Continue reading "DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY" »

July 08, 2004

NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD

pumasok na yung technical support engineer namin ngayon after three weeks. may mini salbabida ngang dala-dala. inoperahan kasi sa pwet at hindi makaupo ng diretso kung wala yung kanyang "lifesaver". ang sabi niya sa akin, may cyst daw na tinanggal kaya kinailangan ng surgery. bull shit! sabi ko, in my country, we call that "PIGSA".

packingsheet. three weeks para makarecover sa pigsa? PIGSA! pwet niyang blue. unfair yan kabayan. samantalang ako, two weeks lang pumasok na after a ruptured appendix. bwakanginangyan talaga. umiinit ang ulo ko. sana pala, nag 4 week vacation na lang kami ni jet sa pilipinas imbes na nagpilit bumalik agad sa singapore at pumasok. ayan kasi gustong magpaka bayani, pwede naman palang long term medical leave. gago. gago, ga.."furry happy monsters feeling glad ".

Continue reading "NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD" »

June 17, 2004

FADED PHOTOGRAPHS, MEMORIES IN BITS AND PIECES

nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. one day, many years ago, kinailangan ko ng picture para sa company ID. nagpunta ako as isang cheap studio para magpakuha. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil naka puti akong t-shirt during the time the photo was taken, tapos white pa ang background. dahil kutis betlog ako, ang ulo ko lang ang nakuha at litaw na litaw ang aking kayumangging balat.

CLICK TO ENLARGE. nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. once kailangan ko ng ID picture, nagpunta ako as isang cheap studio. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil puti ang t-shirt ko over a white background.

eh wala akong magawa nung time na iyon. kaya imbis na mangulangot eh nag drawing na lang ako ng kenkoy na katawan na karugtong ng aking ulo para naman hindi masayang ang tatlong litrato. ayan ang kinalabasan.

kung kilalala ninyo ako simula pa nung early 1990's, you've probably seen this funny picture somewhere - either posted in a bulletin board in my cubicle or in a frame on my office desk, etc. i love this photo. it reminds me not to take myself too seriously. so go ahead, laugh at my expense. click on the picture and make fun of me.

June 14, 2004

ESSENCE OF FISH

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa "crying ladies" nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe... oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa "kung magarap ka't magising", ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang "darna and the giants". teka muna, asan na ba ako? nawala na... ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Continue reading "ESSENCE OF FISH" »

April 27, 2004

SARS AND THE TRAVELLING SALESMAN

eto ang mask na ginawa ko last year para pang contra SARS. one of the perils of travelling is the possibility of getting sick. nariyan ang SARS at bird flu. last week for instance - naroon ako sa beijing during the time na lumabas ang mga bagong case ng SARS. nasa tokyo na ako ng mabalitaan ko ito pero ninerbyos pa rin ako kahit papaano. ok naman ako ngayon. wala akong fever at di ko nararamdaman yung mga, hah. yung mga, hah... hah... hachooooo! excuse me. di ko nararamdaman yung mga symptoms ng SARS. eto nga pala yung face mask na ginawa ko last year para pang contra SARS. effective naman dahil di ako tinamaan, pero pinagtatawanan ako sa train.

Continue reading "SARS AND THE TRAVELLING SALESMAN" »

March 19, 2004

WEEKEND PARENTING

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don't ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga - you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa't anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

March 18, 2004

PISO NA LANG NASA IMPYERNO NA

nagpunta ako sa ministry of manpower kanina para ipa-transfer yung employment pass ko from my old to new passport. medyo malayo ito sa office kaya mga 11:30 pa lang ng umaga ay lumarga na ako. mahaba ang pila kaya mga 2:00 na ako hinarap ng processing officer. impressed nga ako sa service nila dahil inayos nila yung request ko in less than 5 minutes. sa harap ko pa ini-stamp at pinirmahan ang work permit ko sa bagong passport. palapit pa lang ako ay nakangiti na ang staff. either mabait talaga sila o nakakatawa ang mukha ko.

mahaba rin ang nilakad ko from the train station to the manpower office kaya nakabilad ako sa araw ng matagal. gusto ko na ngang mag shower para matanggal ang paninikit ng aking buong katawan. isasama ko na rin sa pagligo ang aking singit na kanina pa kinikiliti ng tumutulong pawis. eto lang ang masasabi ko tungkol sa panahon ngayon: bwakanginang sobrang init dito!

naalala ko tuloy one summer day, nung college ako: nagreklamo ako sa init sa loob ng classroom. from out of nowhere, biglang may sumigaw ng - "FREYZ GOD, BRADER! MAS MAINIT PA RITO SA IMPYERNO, KAYA MAG BALIK LOOB NA KAYO KAY LORD JEEEE-SAZ!"

March 16, 2004

NAGPUNTA SA EMBASSY PARA MAG-RENEW NG PASSPORT

nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga't binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.

mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee - that's 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.

yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito'y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)

all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.

March 07, 2004

SELLING IN

TAKEN DURING OUR VACATION LAST YEAR (please click to enlarge): a reuinion of sorts with my partners in crime for 12 years. si uly on my left at si ting on my right. so far, i have not found anybody as competent and fun loving as these guys. before i "sold out", i worked as an engineer in the philippines. si ulysses yung nasa kaliwa at si ting yung nasa kanan. etong mga taong ito ang mga partners in crime ko for 12 years. simula 1989 hanggang 2001, inikot namin ang buong pilipinas doing projects sa halos lahat ng industria. from the rain forests of mount apo to the stinking industrial plants along the tullahan river. from power plants to breweries, amid erupting volcanoes, land slides, storms and gun toting soldiers. i've seen people fall off cliffs, get electricuted and get run over by pickup trucks all in the line of duty. we didn't do it for the money. we did it because we loved our jobs. we loved the fact that we enjoyed each other's company and that were doing something worthwhile.

one of these days, i will post the pictures taken back to the time when we were still building plants up in the mountains. when on sunday days-off like this, we'd all be huddled in our mess hall, drinking tequila and playing cards, wearing raincoats over jackets because it's so cold and raining so hard and the damn roof is leaking like hell.

February 26, 2004

BORED, BOERD, BORDE BORZZZZZZzzzzzz....

nag attend ako ngayon ng conference ng microsoft singapore sa suntec city kahit na unrelated yung topic sa trabaho ko. una, walang bayad. pangalawa, libre ang pagkain. ikatlo, i'm getting bored in the office. batong bato na ako these past few weeks and am quite restless. after lunch naman inaantok ako. yung mga katabi ko siguro sa cubicle, akala siguro nasasaniban na ako ng demonyo dahil papikit pikit yung mata ko habang up and down yung ulo ko. minsan parang may startle reflex pa nga ako pag naalimpungatan at mapapa padyak ako ng paa sabay hampas ng kamay sa lamesa. skandalosong antukin.

kahapon nagpadala ako ng email sa mga ka-opisina kong taga china, sa sobrang antok ko, ganito ang lumabas (word for word ito ha): "This email contains the PI banners. The HTML scripts are attached. Please ask your distributors to take ca ffddddddddddd ddddddddddddddd ddddddddos, Hioe thus helps."

eto ang sagot sa akin (word for word din): "Thank you Jay. Thanks."

ok ba? dalawang beses pang nagpasalamat sa akin. nakalimutan ko kasing sampal-sampalin yung sarili ko eh. next time nga, gagayahin ko si dolphy doon sa ibong adarna: hihiwain ko ng blade ang kamay ko at tutuluan ng katas ng kalamansi ang sugat para di makatulog.

February 24, 2004

SI NAMPUCHA, BISITA NAMIN FROM KOREA

bisita namin ngayon dito sa singapore office si nampucha. siya yung kinuwento ko sa inyo noon na kasama ko sa korea. nahirapan nga silang kumuha ng hotel dito, dahil ngayon ang week ng singapore air show. pero, naikuha naman namin si nampucha ng matutulugan, corporate rates pa.

ok naman itong si nam, mabait na koreano. kaya lang di siya nagpapalit ng t-shirt. isang linggo nga kaming magkasama, yun at yun ang damit niya.

para nga siyang cartoon character eh. napanood nyo na ba yung snow white? di ba, simula opening hanggang pagdating ni prince charming, iisa lang ang suot niya. pinagmamasdan ko nga ang damit niya kanina (damit ni nam, hindi ni snow white), titingnan ko kung yun pa rin ang suot niya bukas.

pero naisip-isip ko ngayon lang: paano kung pare-pareho lang talaga lahat ang mga t-shirt niya. as in, mayron siyang "t-shirt fetish" at bumibili siya ng isang set na identical na t-shirts. para naman siyang super hero.

January 30, 2004

A MILESTONE OF SORTS

after moving to our new office a year and a half ago, umebak ako sa aming office toilet for the first time. milestone ito of sorts para sa akin (na proud na proud sa kanyang toilet trained ass). i do it everyday in the morning after coffee like clockwork. sorry ha, nag di-differentiate lang ako sa mga taga rito, na apparently, ume-ebs ng wala sa oras.

siguro dahil na rin ito sa super linis ng mga banyo rito. pwede kang mag "mey-ay-go-awt" anytime dahil lahat ng toilets ay may tissue paper at di puro apak ng paa ang toilet seat. in addition, medyo spicy talaga ang pagkain dito at talagang mapapatae ka ng wala sa oras. tulad ko - hinalo ko sa aking noodles ang isang platitong chili sauce. within one hour, tumatakbo na ako papunta sa toilet. in-inspection ko nga ang pwet ko for signs of wear and tear afterwards. ok pa naman, "thanks gods". hehe.

ang isang wala rito sa singapore ay yung parang "place mat" na nilalagay sa mga toilet seat. sa US ko lang nakita ito. with this, pwede kang maupo sa trono, kahit sang banyo ka man mapadpad. di mo na kailangang mag lagay ng sankatutak na toilet paper sa toilet seat. para sa akin na mahilig maupo ng tama sa trono, ok na ok ito. i salute the guy who invented this. dapat bigyan siya ng nobel prize.

December 06, 2003

I PRESENTED A TECHNICAL PAPER AND GOT SCREWED

nag present ako ngayong linggo ng isang technical paper sa isang conference dito sa singapore. bongga nga eh (may $650 entrance fee para sa mga utu-utong gustong makinig). kung kaya, i had to break one of the sacred rules of the batjay manifesto - "don't wear a business suit in a tropical country lest you sweat like hell and smell like hinog na langka".

for all my preparations (make-up, manicure, kulot with haircut na pantay ang patilla, late night rehersals in front of my sleepy wife), all i got was (not a t-shirt, dummy) a stainless steel cork screw in a fancy box. TO THE ORGANIZERS: i got your subtle message, thank you very much.

event highlight: nakalimutan ng isang speaker tanggalin yung wireless clip microphone pagkatapos niyang magsalita. tuloy tuloy na lumabas sa conference room habang naririnig namin sa sound system ang conversation niya sa kanyang kasama. parang tumuloy pa nga ata siya sa banyo dahil narinig kong nag flush ang toilet, afterwards mga kaluskos sounds, pregnant pause at barely audible na "oh shit, i forgot to take the microphone off".

November 28, 2003

WHAT IS DINUGUAN IN ENGLISH?

nung nagtatrabaho pa ako sa pilipinas, marami kaming mga projects where foreigners get involved. eh di siyempre kasama rin namin silang kumain.

one time, ang isa sa mga ulam namin ay dinuguan. nagtanong etong si curious white boy "WHAT IN THE WORLD IS THAT?", pointing to the really thick and very black dinuguan.

"ah that..." , sabi ng isa naming tao na di masyadong marunong mag english, "that, my friend, is a menstruation dish".

November 26, 2003

PREPARING THE MENU OF A REGIONAL CONFERENCE

sobra ngang variety ng mga cultura dito sa singapore kaya ang pinakamalaking problema pag nag sponsor kami ng conference ay ang menu. we have to prepare special food for everybody. for the muslims - bukod sa walang baboy ay dapat "halal" (the jews have their own equivalent: "kosher"). karamihan naman ng mga bumbay ay vegetarian, kaya may special meal na walang karne. yung mga hindu at buddhist ay di naman pwede ang beef, so may special dish din para sa kanila. yung mga amerikano at australians, ayaw ng asian kaya dapat may western food, typically beef (ie, steaks and hamburgers for you, joe).

pinoys? tangina, kainin ko ngang lahat ang mga pagkain nila.

ang kinaiinisan ko lang eh, sometimes you take pains preparing a "culturally correct" meal and the frigging people don't even touch the food. pag nabuwisit ako, next time sasabihin ko "bring your own baon" na lang. i swear to god, there are people that are so: what's the word? uhm, picky, fussy, fastidious, finicky, persnickety (i love this word) when they eat outside of their own country. it annoys me.

November 06, 2003

MY PLACE OF WORK

my cubicle in the office

eto ang lamesa ko sa opisina. simple lang pero rock, ika nga. hehehe. from left to right: post it notes nakapaskil sa pader, telephone, speakers, take note of maskara na nakasabit sa dingding, notebook at mga abubot sa corner ng cubicle.

closeup of my cubicle in the office

close-up ng mga abubot sa cubicle ko, from left to right: australian bull roarer, our lady of peace and good voyage statue, si batman, sculpture ng sorbetero, model car, calling card holder at tea mug. eto naman ang set-up ko sa bahay.

October 02, 2003

MGA KAUPISINA AT ISANG SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

kumain kami sa las brisas ngayong gabi kasama ang lahat ng mga officemates ko rito sa california. masaya ang lahat dahil maganda ang araw na ito sa amin. ang restaurant na ito ay malapit sa laguna beach. actually tanaw mo ang dagat dito, sa tabi niya ay magagandang mga bahay. from left to right, top to bottom: si serena (ang aking counterpart sa europe). feisty italian lady, masarap kasama dahil animated ang mga kwento niya. si tom, ang partner in crime ko na batang chicago but resettled na rito, si yves ang kasama naming galing pa ng montreal, si joe ang head ng studios department namin, si tom hanks star ng saving private ryan. hehehe. hindi, kamukha lang niya (pati salita at mga mannerisms, tom hanks na tom hanks ang dating). jim ang pangalan niya at nakatira sa san diego.

MGA KAUPISINA

may araw pa nang dumating kami pero di naglaon ay lumubog na ito at medyo lumamig na ng kaunti. alam nyo naman ako eh sucker for sunsets kaya kinuhanan ko siya kanina. sana mylab nandito ka para makita mo rin ito...

SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

September 30, 2003

PAGULONG GULONG ON A BODY BOARD IN HUNTINGTON BEACH WITH TOM AND CECI

SI CECI AT SI TOM SA HUNTINTON BEACH PIER

after naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.

alam ko nang pakiramdam ng mga californian surfers. alam ko na rin kung gaano kalamig ang tubig sa dagat ng california. gaano kalamig? halos mahimatay ako nang unang lumusong sa tubig. kahit naka wet suit ka eh parang walang epekto ito sa una. eventually rin eh, i did enjoy the entire experience dahil naka adjust na rin ang katawan ko. kung anumang antok ang naramdaman ko nung mag kita kami eh totally na itong naglaho. maraming mga body boarders kahapon at magagaling sila. di ko alam kung paano sila nakakasakay sa mga alon dahil panay ang ikot at taob ko sa board. para akong trumpong kanggarot. hehe. ITS MY FIRST TIME, OK? hehehe.

anyway, nag shower kami (ng MALAMIG na naman na tubig) at nagbihis sa tabing dagat. doon ko naalala na wala akong spare na underwear. kaya, umuwi akong walang brief. hehehe. buti na lang hindi naipit ng zipper ang aking... whatever. hehehe. we had drinks along huntington beach afterwards. margarita on the rocks with salt for the three of us while watching the sunset. eventually we finished the day by having dinner in this really small seaside seafood restaurant. gabi na by this time at maririnig mo lang ang malakas na paghampas ng alon sa coastline. bigla tuloy akong nag senti at naalala ko ang trip namin ng mylab ko sa dakak. at any rate, ceci and tom were great. they sacrificed their weekend to show me around when they should be spending time with their families. alam ko kung gaano sila ka dedicated sa trabaho and for them to take me around was really sweet.

all in all, yesterday was a great day for me. it was the first time i met a longtime online friend. then i had dinner with really great people i admire both professionally and personally. all these great guys showed me how much fun southern california could become. it made me stop and think that it is possible to live here with jet. or at the very least, spend time with these people for a much longer time in the future. they were really really great.

September 18, 2003

MY VERY 1ST PERSONAL COMPUTER

ang una kong personal computer.... (tanta-ra-ran TOROTOT EPEKS) the TRS 80 Model III

ito ang unang unang personal computer na ginamit ko. ang Tandy/Radio Shack TRS-80 model III. mayron siyang Zilog 8-bit Z-80 microprocessor, running at a whopping 2.03 MHz. malaki ang kanyang 4K na RAM at marami ka nang mapapatakbong program dito.

mayron siyang 12" na black and white monitor na may 16 X 64 text (what pixels are you talking about?). dalawang 5.25" na floppy drive na may malaking 178K na storage. kasya na rito ang buong TRS-DOS operating system.

ito ang PC namin sa school nung 1983. medyo mahirap pa si bill gates nung time na ito at kasulukuyan pa lang niyang pinasisikat ang MS-DOS. dito ako natuto ng BASIC, COBOL at FORTRAN.

i remember the very first machine problem given to me by my instructor... it was a simulation of a falling ball. gumawa raw ako ng program that will compute the rate of acceleration ng isang bumabagsak na bola. the height of the drop is to be entered by the user. your program must be able to give the rate of acceleration at any point of the ball's drop that is also given by the user. in your computation, please use this "so-and-so-i-forgot-oh-it-was-so-long-time-ago" branch of integral calculus that makes use of "so-and-so-i-forgot-oh-it-was-so-long-time-ago" fibonacci series. man, i was hooked.

August 22, 2003

INTERNATIONAL CHICHIRYA

maraming chichirya ngayon sa office namin. panay kasi ang alis ng mga taga rito ngayon at panay rin ang dating ng mga bisita galing sa kung saan-saan. kahapon may mga indonesian kaming bisita at dala nila ay chicharong langka. ngayon lang ako nakatikim nito... masarap pala.

si michelle galing sa hainan, china itong week para mag scout ng venue sa aming next conference. nag-uwi siya ng iba't ibang produktong gawa sa buko... may buko candy, buko crackers at pinakapaborito ko sa lahat: "Coconut PANGAKE". muntik ko na ngang di kainin kasi medyo duda ako sa quality eh. pag ang manufacturer ay hindi mai-spell ang "cake" na tama eh siyempre, kwidaw ka roon.

mayron din kaming durian crackers dito na paborito ng boss ko. pinapakain namin ito sa mga amerikanong bisita, para naman makatikim sila ng di pa nila natitikman sa buo nilang buhay. "have a cracker", ang wika namin, "it smells like shit but tastes like heaven".

si henry pag pumupunta ng vietnam, nag uuwi siya rito ng pinatuyong pusit. mayrong pusit na parang dried flakes na halos matunaw sa bibig mo. mayron ding pusit na may halong asukal. sa vietnam siguro ang may pinakamasarap na dried squid sa buong south east asia.

pag may galing sa korea, madalas ay alak at ginseng. minsan ginseng na alak. masarap ang dried ginseng candy na galing sa korea. may kamahalan ito kaya dapat pa konti konti lang ang kain. di pwedeng kain na parang mani.

sa shanghai, masarap na inuuwi ni lau ay yung "Hairy Crabs". mga balbon ito na alimango. di kalakihan pero punong puno ng haligi at malaman. isang tikim lang at mapapa "tangina, ang sarap!" ka sa sarap.

tayong mga pinoy di rin pahuhuli. napansin ko, ang hilig bilhin ng mga singaporean sa pilipinas ay dried mango, selecta ube or mango ice cream at quick melt insaymada. sabi ko sa kanila, kaya masarap at malasa ang ice cream sa pilipinas ay dahil gawa ito sa gatas ng kalabaw. yung ensaymada naman ay gawa ng isang ex-childstar na pandak.

August 16, 2003

AKO'Y UMUWI SA PILIPINAS PARA MAGTRABAHO AT MAG SWIMMING

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

mommy, gigi, glenda, tj and az

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

tito jay at az

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

tj at tito jay

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

tj kulit

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya... sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

batch 83

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

az

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako... tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

kuya bong, lucas, tj and jay

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

mag beer muna tayo!

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

August 06, 2003

TWO YEARS. BABY

two years na ako sa singapore ngayong august 6. ambilis ng panahon. parang kahapon lamang eh nasa pilipinas kami ni jet. ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. ngayon narito kami sa singapore, ako bilang isang engineer sa isang magandang company, habang si jet naman ay isang maligayang housewife. wala bang nagbago? hehehe... marami, actually.

bakit ba kami napadpad dine? maraming dahilan. pangunahin ay pera. naisip namin ni jet na kapag nagpunta kami rito eh sa isang taon lang eh bayad (as in fully paid) ang bahay namin sa antipolo. ang isa pang dahilan ay kunektado rin sa pera. naisip rin namin (parati kaming nag-iisip) na mga five to ten years dito eh pwede na kaming mabuhay nang semi-retired (hindi semi-retarted, pero pwede na rin) sa pilipinas. matagal ko na kasing gustong maging hardinero eh. lastbatnatdalis na dahilan, kunektado rin sa pera: gusto naming mas makatulong sa mga kamag-anak namin na nagsisikap ding paangatin ang kanilang mga buhay.

mga twelve years rin akong nagtrabaho sa pilipinas bago kami nagdesisyong umalis. ako'y isang instrument engineer (hindi ako gumagawa ng gitara. if you are interested in what i do, please go to this site). masaya rin ako sa trabaho ko dahil kung saan saan kami nadedestino sa ibat ibang parte ng pilipinas. very fulfilling at satisfying kapag nakapagpaandar ka ng isang planta at nakikita mo ang produktong lumalabas sa mga linya (lalo na pag beer! hehehe. nakatikim na ba kayo ng serbesang kagagawa pa lang? ubod ng sarap, manamis namis na malamig na suwabeng papasok sa bibig mo at hmmm). asan na ba ako? ah ok... eventually, i grew up. or perhaps, i outgrew my job and the company i was working for. i definitely outgrew my boss. siguro it was time to turn the page, to move on, to "turn turn turn". it was definitely the season.

may job offer sa singapore galing sa mga kaibigan ko. maganda ang suweldo at medyo stable ang trabaho. pinatulan ko na. kung kaya, two years ago ay lumipad ako papunta rito. ako lang muna, habang naghahanap pa ako ng matitirahan. first two weeks ko eh sa "Hotel 81" ako nakatira. parang anito ito sa singapore, isang sikat na chain ng mga short time banatan na motel. pag gabi eh kung ano anong kalampagan ang maririnig mo. hehe... yung kwarto ay malaki lang ng kaunti sa kama. ang hotel 81 ay nasa geylang. isa ito sa pinaka sikat na area sa singapore dahil ito ang red light district dito. araw at (lalong lalo na sa) gabi ay maraming nakapila ritong mga babaing nagbebente ng aliw. marami ring casa rito at magbabayad ka lang sa counter, pwede ka nang makipag sex sa kung sinong pipiliin mo (kwento lang ito sa akin, di pa ako nakapasok doon eh). ang isa pang katangi tangi sa geylang area ay masarap ang mga kainan dito. hindi ko nga alam kung bakit sex and good food go hand in hand here in singapore.

nagtaxi ako from the airport to the WRONG hotel 81 (marami kasi rito eh). within walking distance lang naman daw yung tamang branch kaya nilakad ko na lang, bitbit ang isang malaking maleta at isang malaking shoulder bag. check-in sabay labas agad papunta sa opisina. sumakay ako ng bus at naligaw. eto ako in a new country, on my first day and i was fucking lost. di ko alam kung nasaan ako. gusto ko nang umuwi pabalik sa pilipinas dahil bigla akong nalungkot - angst attack is more like it. eventually, nagtanong tanong ako at nakarating rin sa opisina. pagkapasok na pagkapasok ko sa office, tinanong ako ng boss ko kung bakit daw ako naka maong. bawal daw ito isuot sa office. sasagutin ko sana ng "eh bwakanginanaman di mo ba alam kakababa ko lang ng eroplano, alanganaman magpalit pa ako ng pantalon!". kaya lang... napagisip-isip ko, di naman siya marunong magtagalog at isa pa, baka pauwiin niya ako. kaya, binigyan ko na lang siya ng matamis na ngiti.

all in all, maigi na rin. nabayaran na namin ang bahay, nakakatulong kami sa kamag-anak at nakakaipon ng kaunti. ilang taon na lang, hardinero na talaga ang full time job ko. in short, natutupad lahat ng mga pinangarap namin. pero alam mo, in the end ("at the end of the day" - gardemet, not this phrase please) kung di man matupad lahat, ok na rin para sa akin. ang importante, enjoy kami sa buhay naming mag-asawa.

July 31, 2003

EMPLOYMENT PASS RENEWAL

just found out that my employment pass has been renewed by the singapore government. mayron ulit akong permission to work for 3 more years. siyempre, si jet, may dependent's pass din na 3 years. mukhang nagustuhan nila ang beauty namin at hinabaan ng husto ang aming stay dito.

medyo good news na rin in a way dahil headline ngayon sa isang dyaryo dito sa singapore: "Foreigners took most of the new jobs in recent years". in the article, parang sinasabi nila na perhaps its time for the government to rethink its position regarding the hiring of foreigners (i.e. send them home, or mas malupit, don't hire them anymore)

sa mga usap usapan din, maraming akong naririnig na mga reklamo na kinukuha raw ng mga foreigners ang mga trabaho ng mga locals and this study proves that it is indeed happening. pag kausap ko ang mga intsik na kakilala ko, sinasabi nila "ADB raw dito sa singapore ngayon... Ang Daming Bumbay!"

maghihigpit kaya ang gobyerno sa pagpasok ng mga foreign talent? kung na-approve na nila ang employment pass ko eh siguro ang sagot ay hindi. hindi pa.

BACK TO THE DAILY GRIND

nandidito na ulit ako sa singapore. balik daily grind. home to office. ride bus, ride train, walk to office. work, coffee break, work, lunch, work, coffee break, work, uwi. walk to train station, ride train, ride bus. office to home.

the first day at work after a trip is always hard. tinatamad akong magtrabaho at madali akong mapikon. gusto ko nang umuwi at mag shower, manood ng news, watch a movie, have dinner at makipagkulitan kay jet.

naiinip ako at kung ano-anong pumapasok sa isip ko: tick tock tick tock... alas singko na ba? ah matagal pa. tick tock tick tock... ayoko talaga ng office work, a desk job for me is like a death sentence. tick tock tick tock... mag resign na kaya ako? tick tock tick tock... ano kayang ginagawa ni jet ngayon? tick tock tick tock... teka muna, pag nag-resign ka ba, saan ka pupunta? tick tock tick tock... kamusta na kaya ang garden ko? tick tock tick tock... sa CHINA ka na lang magtrabaho, di ba may job offer ka doon? tick tock tick tock... bakit ba kanina pa kinakati ang siko ko? tick tock tick tock... may field work ka rin naman dito hindi ba? tick tock tick tock...putangina, gusto kong magbakasyon. pagod nako.

KRRRRRRRRRRRRING!!!! Coffee Break! Makayosi nga muna.

July 28, 2003

101 MILLION DUCKS AND COUNTING

ngayong dinner ay kumain kami sa "beijing qian men quan ju de roast duck restaurant". itong restaurant na ito ang isa sa pinakamatandang kainan sa beijing. it was founded in 1864 (during the Qing Dynasty), and is, as of this writing, 139 years old.

malaki at maganda ang restaurant na ito at isa lang ang tinda nila: peking duck. kumuha kami ng table sa 2nd floor. for 200 RMB (approximately 1,300 pesos) per head, ikaw ay makakain ng isang (peking dick? hehehe, sorry) peking duck dinner. eto lang ang ganda ng accidental tourist, libre ka na sa byahe, bongga pang pagkain mo. kung personal ang byahe ko eh malamang sa chow king lang ako kakain. o sige, tama nang pang-iinggit. let me proceed...

doon sa may kitchen area ay may malaking electronic counter - nakapost doon kung ilang bibe nang kinatay nila't pinakain sa mga customer. kanina ang count ay 101,466,874! in fact, bibigyan ka nila ng certificate kasama ng resibo pagtapos mong magbayad. nakasulat sa certificate ang number ng peking duck na niluto nila para sa iyo... "this is to certify that you have eaten duck number 101,466,874" or words to that effect.

kumpleto ang pagkain. from start to finish eh peking duck this and peking duck that. kulang na lang eh ipakain sa iyo pati feathers. busog na busog nga ako ngayon at pakiramdam ko eh malapit nang bumagsak ang bataan. nakahanda na nga ako at pag dumating ang oras na iyon, sisigaw na lang ako ng "magsitabi kayong lahat", sabay takbo papasok sa comfort room.

kanina, habang sumusubo ako eh napag isip-isip ko: buti na lang at tayo ang nasa taas ng food chain. the worst thing that could happen to you is to be born a duck in beijing china. masama nang lakad mo, kakatayin ka pa 45 days after being born. ang sabi pa sa akin ng mga kasama ko eh yung sahig ng kulungan ng mga peking duck ay iniinitan para mapaso ang mga paa nila. dahil napapaso ang mga bibi eh mapipilitan silang gumalaw nang gamalaw (imagine mo na lang kung anong gagawin mo kung maglalakad ka sa nagbabagang uling). dahil parati silang gumagalaw eh na-e-exercise sila kung kaya't walang taba ang mga kumag. ito raw ang dahilan kung bakit masarap ang peking duck sa beijing. malupit ano? pero lekat na iyan, ang sarap talaga ng lasa. ang yabang nga ng mga taga rito eh, "there's no peking duck like peking peking duck".

July 27, 2003

MAGANDANG GABI MYLAB, DITO NA AKO SA SHANGHAI

narito na ako sa hotel after spending the whole day with lau, vivien and tien. nagpunta kami sa "zhouzhuang", isang traditional at very ancient chinese town sa labas ng shanghai. according to the brochure, this town was founded in 1086 (wow!) by a guy named zhou di and has been functioning for the past 900 years.

shianghai-001


the town is commonly called as the "venice of the far east" because it is surrounded by canals. mayron din silang mga gondola, at ang mga boatwomen (tama ka, mga babae ang mga capitan ng bangka) ay kumakanta rin. hindi na kami sumakay at baka mapakanta lang ako ng "sana'y wala nang wakas" kasi naalala kita eh.

shianghai-002


na-preserve nilang halos lahat ng mga bahay sa town at ang ganda. pakiramdam ko eh ako si jet li na naglalakad sa isang siyadad na nakalimutan na nang panahon sa pelikulang "once upon a time in china part 45" (cousin yi! cousin yi! hehehe). lahat ng mga maliliit na shop eh may mga abubot na tinitinda at kung kasama lang sana kita eh ang dami nating mabibili na mga walang kwentang bagay na pwedeng idisplay sa bahay.

binili kita ng isang abubot na pwedeng ilagay sa collection mo. ibinili ka rin ni vivien nang isang porcelein na music box na may kasama pang dedication na "tell jet i miss her so much! i want her to come to shanghai so we can go out together for shopping!". pag punta raw natin sa hainan sa october ay dumaan daw tayo sa shanghai para maipasyal ka niya.

si tien ay masarap na ngayong kasama dahil ang daldal na niya. parati pang naglalambing at parati kang hinahanap sa akin. uuwi raw siya sa singapore para makita ka niya. hehehe... 3 years old na rin ang bata at pag kinakausap ako eh english na may halong mandarin.

shianghai-003


nag-usap na kami ni tom at nagpasyal raw siyang mag-isa sa forbidden city ngayong umaga. malamang ay nasa silk street sila ngayon nina gk at namimili ng mga damit at souvenier. sana makapasyal din siya sa great wall para masulit ang trip niya from the us.

bukas ay diretso na kami ni lau sa beijing. alis kami rito sa hotel ng 6:45 at ang flight namin at 8:00 am. medyo maaga pero ok na rin yon para di masyadong mainit. nag bilad ako ngayong araw na ito sa init at kutis betlog na naman ako. hehehe... dating kami doon ng mga past 10 siguro at maghahanda na kami sa conference. after tuesday ay tapos nang china leg at.... tantararan! magkikita na ulit tayo ng wednesday!!! yehey! miss na miss na kita eh.

sige my lab. ingat ka na lang diyan. huwag magpapagod at magpupuyat masyado. till wednesday. lab-U!

July 26, 2003

ONE DAY WE WILL RULE THE WORLD

itong past month that i've been travelling, i find myself turning into a news junkie even more. spending all this time in hotel rooms, the only game in town is watching tv or reading or working on my pc. if its tv, kadalasan BBC or CNN. i've been watching too much news that i'm starting to develop opinions about the newscasters themselves. mayron na akong "my favorite accent" at saka "o shit it's him again" o kaya "tanginang badhair day hairdo mo sister". kaya lang itong past two days, medyo nakakadiri ang balita. every 5 minutes they show pictures of 2 dead bodies in every angle imaginable. it's like watching "night of the living dead". kulang na lang, ipakita ang mga bituka at ngala-ngala eh.

speaking of dead bodies, there was a documentary last year about "strange jobs in singapore" and they featured funeral parlor workers. may interview sa imbalsamador at kinwento niya yung ginagawa niya sa mga katawan at pinakita niya yung mga tools na ginagamit niya sa pagtanggal ng mga lamang loob. nung interview niya eh naka barong tagalog siya at may cebuano accent. siyempre pinoy. proudly pinoy. sunod namang kinausap ay yung make-up artist. bading siya mama (accent on the 2nd ma) at pinoy din. dati raw siyang gumugupit ng buhok sa maynila, kaya lang nalugi at nagsara ang parlor kaya nagsapalaran na lang daw siya abroad at ang nakuha niyang trabaho ay make-up artist ng funenaria sa singapore.

kahit saan talaga mayroon kabayan. dito sa hotel ko sa shanghai, yung house band ay pinoy. lahat na lang ng sulok ng mundo mayroong pilipino - from the mundane to the really sensitive (like feeding this guy named "dubya"). i tell you, one day, we will rule the world. we hold the world's collective betlog in our hands. one day, i swear to god... one day, babayagan natin ang mga bwakananginang umaapi sa atin and WE WILL RULE! bwahahahaha (tawang demonyo)!!!

ISTATISTIKS

temperature. yesterday was supposed to be the hottest day in shanghai in 60 years. sabi sa dyaryo, 39.6 deg C raw kahapon. sabi naman nung kasama kong intsik na medyo jaded eh, di raw umaangat ang temperature sa shanghai ng 40. may law kasi rito sa shanghai na automatic holiday sa buong city when the temperature goes over 40. kaya ang ginagawa raw ng gobyerno ay hanggang 39 point something lang - higher than 39 but never over 40, para di matigil ang trabaho. sa tingin ko eh baka nga mas mataas pa - beterano na ako sa panahon sa singapore, manila at india. i am almost sure that it was over 40 yesterday. kagabi, lumabas ako sa terrace ng bahay ni lau to smoke: parang blast furnace pag bukas ko ng pinto. oh and by the way, this was 10 pm in the evening.

celebrities. maraming celebrities ang nasa china ngayon. si tony blair at si jay david ay nasa shanghai ngayong week. si david beckham, ronaldo, zidane, si raul-0, ang buong real madrid at si jay david ay nasa beijing next week. hehehe. umaangat nang antas ng buhay rito. may mga enrichment programs nang ginagawa ang china para sumaya ang mga citizens niya. NBA star, yao ming, nga pala is from shanghai and the people here are really proud of their native son who is here, by the way, for a series of exhibition games.

accidents. in the first half of this year, there were 27,221 road accidents in shanghai. i guess this is a reflection of the drivers and pedestrians here. may pagka reckless din kasi ang mga drivers dito. di naman ako nagugulat dahil pag nasa sasakyan ako eh pakiramdam ko, parang nasa maynila lang ako. ang kinagugulat ko eh yung lakas ng loob ng mga nagbibisikleta at yung mga pedestrians na tumawid sa mga kalye na walang tingin tingin. parang "bahala nang diyos, tatawid ako and i'm expecting the vehicles to stop so i can cross the street" kind of mentality.

population. 13 million lang pala ang population ng shanghai, hindi 30 as i originally thought i heard. more than 4 times larger than singapore. this balloons to 14 million plus during the day time dahil maraming mga chinese ang pumapasok dito sa city to work. di rin basta basta makakapagtrabaho ang mga outsiders dito, and even more difficult ang lumipat ang mga hindi taga rito. may mga permits na kailangan so the non shanghainese can work or live, or work and live here. i guess, it's their way to control the population of the big cities like shanghai. sabi nga ni lau, pag may bisita raw na VIP dito sa shanghai or beijing, may mga pulis raw na nakaabang sa mga train station to temporarily send away all the chinese migrant workers.

bagyo. typhoon "eym-bow-dow" (imbudo, GAGO! BOBO talagang white weatherman, sasabihin mo lang ang pangalan na tagalog ng bagyo, di mo pa mapronouce maigi) anyway, typhoon imbudo wrecked more than 1 billion yuan worth of property when it lashed through southwest china this week.

o yan, halata bang nagbasa ako ng dyaryo habang kumakain ng breakfast? hehehe...

July 25, 2003

HELLO FROM CHINA MYLAB!

hello my lab. nandito ako ngayon sa shanghai office at nakikigamit ng computer. kinakamusta lang kita... sana ay nasa mabuti kang kalagayan at hindi masyadong malungkot. alam ko naman na pinasasaya ka ng mga online friends mo. may email nga pala si alma. nasagot mo na ba siya?

sinilip ko ang blog site natin dito at wala talagang access. sa tingin ko eh blocked ito sa china - siguro maraming mga blog site na against the government kaya hinarang nila lahat ng mga may website extension na "blogspot.com" - sinubukan ko na sa lahat ng mga iba ibang ISP, harang talaga. di ako tuloy makapag padala sa iyo ng message. ang nakakatawa rito ay nakakapag blog ako through blogger.com pero di ko mapuntahan ang site sa blogspot.com - iniisip ko baka somewhere in the blogger world eh may site na "mao-tse-tung-is-a-pickled-relic.blogspot.com"... hehehe.

anyway, naglunch kami kanina at umuwi na si steve pabalik sa states. si tom naman ang on the way to beijing at magkikita kami sa weenend. ok naman si steve at masarap ding kasama. di rin siya umuurong sa mga asian food. tingnan natin si tom sa beijing kung makakain ng mga pritong bulate, tipaklong at scorpion. hehehe...

sige mylab, ingat ka na lang diyan. have a nice weekend at ilang araw na lang uuwi na ako. weekend:ano bang gagawin namin dito? di ko alam kung anong hinanda ni lau para sa amin. siguro pasyal o kaya shopping. tingnan na lang natin. binili nga pala ako ni lau ng golf set. mura lang at maganda ang quality na fake callaway. yung halagang $3000 na original eh $200 lang dito na copy. bayaran ko na lang daw pag may pera ako. sabi ko thank you, sabay kuha sa set. may bag itong kasama at travelling case.

lab-U!
jay

PINAKANTA NA NAMAN AKO NG MGA WALANGHIYA

third day ko sa shanghai, di pa rin ako nakakakain ng lumpia. pero ok lang yon, natapos na rin naman ang trabaho namin. nandito lang ako sa hotel buong araw. buti na rin - tanginang init ngayon dito. kung bakit kasi summer pa ginawa ang conference na ito eh. lumabas kami for drinks kanina at super init. pinagpapawisan pati singit ko. literally, shitdapwetnamalagkit.

after the conference ay nag cocktails kami sa isang bar dito sa shanghai. nagpa-cater rin kami ng pagkain sa isang indonesian restaurant na kaibigan ni lau, ang country manager dito sa china. nag-imbita kami ng 50 customer at nilasing namin sila. hehehe. pati ako lasing? di naman. mga 6-7 boteng "serbesa mas fina" lang. dahil sa init eh parang tubig lang ito. maganda yung bar na pinuntahan namin. nakalatag lang ang beer sa harap ng mesa at kuha ka lang ng kuha. may darts at pool table sa ibaba. sa taas naman ay karaoke. inarkila namin yung buong bar kaya masaya. masarap ding makipag-inuman sa mga shanghainese (yun bang tawag sa kanila?). di rin sila papahuli sa good time.

pinakanta ako sa china

anyway, hinila ako ng isang kasama ko sa isang karaoke room sa itaas at tinutok sa bibig ko ang mike. nabigla ako siyempre - "no, no, no, i do not sing. i do not sing. i am sintunado. sabay abot ng tape: "side 2, naka-cue na yan!". hehehe... medyo kargado na rin ako kaya binanatan ko sila ng mga walang kamatayang rock ang roll. yung mga chinese ang nagsasalang ng mga kanta kaya no choice ako sa mga selection. pero ok na rin, at least natuwa ang mga customer sa amin. game na game kami man!

highlight of the evening: may nag request sa akin na kumanta ng "runaway" ni del shannon. del shannon? wow, ang bigat ng mga taga rito. runaway...that very old and obscure 1960's rock and roll number? wow, i'll sing it man! sa tuwa ko eh hinablot ko agad yung mike sa katabi ko at nag song and dance sa harap ng di ko kakilalang mga tao. nawala nang hiya ko at this point and totally got lost. del shannon? hehehe... jeez. del shannon in china? ang galing! memorable sa akin ang kantang ito dahil once upon a time na dj pa ako, dinedicate ko itong song na ito sa isang classmate kong naglayas. narinig niya sa radio at umuwi. i shit you not, this is true story.

for my final song, hehehe, kinanta ko ang "you are so beautiful" ni pareng joe cocker. may kasama pang dedication sa mylab kong naiwan sa singapore dahil alam kong gustong gusto niya pag kinakanta ko ito. at, ladies and gentlemen, dito natapos ang aking music career sa shanghai.

July 24, 2003

NOTHING HAPPENED IN SHANGHAI TODAY

nothing special happened today in shanghai. busy kaming lahat sa preparation ng conference namin at buong araw akong nasa loob ng conference room. medyo pagod at masakit ang paa dahil halos buong araw nakatayo. enjoy lang ako dahil nakasama ko ang mga officemates kong chinese at tuwang tuwa silang nagtuturo sa akin ng mga bastos na salitang intsik. hehehe... kung bakit mga curse words ang parati mung unang natutunan na foreign words. universal ata ito eh - kung may aliens siguro na taga ibang planeta ang mag landing sa ating mundo, mga mura siguro ang una nilang matutunan.

bukas nang main event namin at maraming tao ang pupunta. oo mga tao - hindi langgam, ipis at mga paru-paro. all in all 300 people ang expected naming dumating. ito na siguro ang pinakamalaki naming audience. todo bongga ang conference namin at ngayon pa lang, parang masasabi ko na sulit itong trip na ito.

tangnenek, di ko pa rin ma-access ang kahit anong blogspot na site. mukhang hinaharang nga mga censors dine sa china. suspetsa ko lang. hmmm... kung tutuo ito, sayang. miss ko na tuloy ang blog ng mylab ko. ingat ka na lang diyan sa singapore mylab. ilang araw na lang at uuwi na ako.

July 23, 2003

LUMPIANG SHANGHAI, HERE I COME

nandito na ako sa shanghai. nag-aaral gumawa ng lumpia.

ang bantot ng katabi ko kanina sa eroplano. bwisit talaga - minsan pag sinuswerta ka talaga oo. parang may nag gigisa ng sibuyas sa tabi ko. hehehe. kaya mahal na mahal kong mga pinoy eh: kahit below freezing na eh naliligo pa rin araw-araw. o sige tama na - baka mapagbintangan pa akong

mainit ngayon dito. siguro dahil nasa tabi ng dagat eh medyo humid din. ang dating ng panahon ay parang nasa singapore pa rin ako. literally and fuguratively, shanghai is HOT. probably more than beijing, shanghai is the center of business in china. karamihan ng mga headquarters ng mga multinational corporations ay narito. kung kaya't parang magnet ang siyudad na ito sa mga chinese. ang sabi sa akin eh 30 million ang population ng shanghai. tutuo kaya ito? parang sobrang dami ata. mataas ang standard of living ng shanghai compared to the other chinese cities. talagang cosmopolitan ang dating niya at di mo masasabi na communist country ang china pag narito ka. maraming matataas na building, maraming mga luxury cars, maraming mga kainan at inuman. kahit saan ka tumingin ay may mga ginagawang mga bagong structures - tulay, kalye, building. ang biro nga ng mga taga rito eh - shanghai, daw, changes its look every month. kung mawala ka raw ng isang buwan dito, pag balik mo di mo na makikilala.

ang paborito kong tanawin dito ay iyung mga office buildings. parang may contest dito sa shanghai sa pinaka out of this world shape na design. may patulis, may pahaba, may manipis, may korteng triangle, mayrong may mga bilog sa taas, may mga tagilid pa nga ata eh. yung skyline tuloy ng shanghai ay parang science fiction movie. ang galing.

July 18, 2003

ANG BAGONG JAGUAR SA OPIS

mayron bagong securty guard sa opis namin. long hair, may malaking tinted na reading glasses. either malay siya or bumbay, or maybe a mix of both. kamukha niya si Roy Orbison. bihisan ko lang siya ng itim na amerikana, pwede nang pakantahin ng "only the lonely", "crying" at "pretty woman".

idol ko si roy orbison. paborito din siya ng halos lahat ng mga paborito kong rockers, in particular, the beatles, who toured with roy orbison in the 60's. kung titingnan mo yung mga early mtv ng beatles, yung shades ni john lennon ay pareho ng kay orbison. sa isang interview, paul was talking about how roy started composing "pretty woman" at the back of a bus while he was touring in england with the beatles. "please, please me" was inspired by roy and later on when they were touring, their song writing really became competitive. the stones also loved orbison and "pretty woman" inspired them to write "i can't get no satisfaction".

July 11, 2003

FISH EYES AND DRUNKEN PRAWNS

post conference lunch namin kanina. nagpakain ang opisina in celebration for the success of the conference yesterday. pumunta kami sa isang halal indonesian-thai restaurant at isa sa mga inorder namin ay curry fish head. pag lapag sa mesa, yung kasama naming tatlong babae eh nag-uunahan doon sa mata ng isda. hehehe... kakatawa tayong mga asians, walang kiyeme sa pagkain ng mga exotic animal parts.

pero teka, kagabi, si tom at si ceci (na mga amerikano) eh kumain din ng "drunken prawns"...ito yung buhay na hipong nilasing sa whiskey at kakainin mong gumagalaw-galaw pa.

July 10, 2003

POST CONFERENCE DINNER

tapos na yung user conference namin dito sa singapore at iniwan na namin kanina sina ceci at tom sa kanilang hotel. pero nag dinner kami at sinama ko si jet para naman makaharap niya ang mga bagong kaibigan ko. bukas lilipad na sila pabalik sa america.

nakakalungkot din. magkakasama kami ng 2 linggo at wala lang... ngayon lang ako talaga nag enjoy sa trabaho ko. it brings back memories of the days when i was working with a group of people whom i respected and whose company i loved. ceci, tom, gk and norman: they are that kind of people. they work their butts off when its time to work but they find humor in every situation. yeah, kinda like me. hehehe. i look forward to the day when we can work together again.

be safe guys, till next time.

July 09, 2003

WEDNESDAY MORNING BLUES

miyerkoles ng umaga... nandito na ulit ako sa singapore sa piling ng saging ni jet.

hirap talagang mag hanap buhay. kahapon lang eh nasa perth kami at nag bibigay ng isang conference. byahe ng overnight para sa preparations mamaya. bukas naman ay ang singapore version. ang maganda lang sa akin ay madali akong makatulog. kaya kanina, di pa nag take-off ang eroplano eh tulog na ako. pag gising ko eh preparation na for landing sa singapore. binibilang ko yung oras na gising ako sa eroplano... 20 minutes out of the alomost 6 hours na flight. di na masama ito. hehehe.

tumiwalag na ang isa sa grupo namin - si norman ay kasalukuyang nasa eroplano ngayon pabalik ng sydney. iniwan na namin ni gk sina ceci at tom sa hotel nila at magkikita mamayang lunch time. pahinga muna ng 2 oras, tapos trabaho na ulit. in the meantime, quality time muna dito sa bahay with mylab.

July 07, 2003

DOWN UNDER PART VII: PERTH PARTNERS IN CRIME

Perth Australia Partners in Crime, july 2003

My partners in crime for the Australian User Conference: Norman, the country manager for Australia. Really funny guy, kind hearted and a good companion. He is a Chinese South African who’s now an Australian Citizen. Ceci is a Fil-American, really good and realiable. She has been instrumental in making this event a success. Then there is Tom, our Marketing Manager who is also based in the US. GK is not in the picture but he has been my idol during the conference and I have been very impressed with the depth of his knowledge. Pag laki ko, gagayahin ko siya.

This week, the four of us have been working as a great well oiled team. Isang maganda sa kanila eh lahat sila ay kwela. Ang laking bagay nito lalo na’t on the road kayo at ang tanging bagay lang na nakakapagpaluwag sa lahat ay ang mga biruan at tawanan habang walang ginagawa.

I have been fortunate to be part of this team in Australia and it has been a very successful week for us. Tomorrow is our conference proper here in Perth then we fly to Singapore for our last set. By Friday, they will fly back to the US and I will probably be with GK when we do the same thing in China before the end of the month.

Wednesday ng umaga ay nasa Singapore na ulit ako at makakasama na ulit si Jet.

July 06, 2003

DOWN UNDER PART VI: Perth

Perth, the city besides the Swan River. Unpretentious and simple, about 2 million people call it home. This is the last leg of our Australian Tour and I do not mind ending our Aussie activities here.

Perth Australia Part 2, july 2003

Medyo malamig ngayon. Dumating kami kaninang hapon from Sydney. Limang oras din ang byahe – swabe naman at dahil medyo nakakainip sa eroplano, kinulit namin nina Ceci at Tom ang mga stewardess sa pamamagitan ng malimit na pagkanta, pagsayaw, pagtawa at paghingi ng libreng ice cream. Sikat nga kami sa buong eroplano at muntik na kaming palakpakan sabay tadyak. hehehe.

Pagka-landing, diretso kami sa hotel at pagkapahinga ng kaunti ay lumabas kami para maghanap ng makakainan sa syudad. Ang isang maganda sa malamig na lugar eh pwede kang maglakad ng buong araw at di mo mararamdaman ang pagod. Kanina ay naglakad kami simula alas singko hanggang alas siyete at dahil maganda ang panahon, di mo alam, ang layo na pala ng nalakad mo. Nagsimula kami sa isang park overlooking the city at natapos kami sa mismong kainan sa may siyudad.

Perth Australia Part 1, july 2003

Nag dinner kami sa isang Indian Restaurant na may may-aring Intsik. Paano nangyari ito eh di ko na naitanong. Pwede na rin ang lasa… siyempre hindi kasing sarap ng mga kinakainan namin sa India. Bukas haharap na kami sa aming host para ayusin na ang conference details. Medyo nadagdagan ang aking responsibility – ok lang naman iyon dahil lahat naman kami ay may additional work. Aral lang ngayong gabi…

Perth Australia Part 3, july 2003

Habang sinusulat ko ito eh nakaharap ako sa bintana ng aking hotel room, pinagmamasdan ang mga ilaw sa magandang syudad ng Perth at humihiling na sana ay madala ko rin dito minsan si Jet. Nakausap ko siya kanina at medyo parang wala sa mood. Wala naman akong magawa kundi tumingin ulit sa bintana at mag buntong hininga. Pagod lang siguro siyang tulad ko.

July 05, 2003

DOWN UNDER PART V: ARAW NG PASYAL

ok ang araw na ito. rest day namin at lumabas kami kanina. maganda ang panahon ngayon, maaraw at di masyadong malamig. pagtapos ng breakfast ay sinundo kami ni norman at pumunta kami sa koala park.

TINY KANGAROO... sydney, australia, june 2003

parang mini zoo ito at maraming mga australian animals ang makikita rito. may koala ba? hehehe... halatang obvious naman sa title pa lang. ok itong zoo na ito dahil maraming mga free roaming na hayup... maraming mga kangaroo at koala's na gumagala sa park grounds at pwede mong lapitan at pakainin. may nakita pa nga akong isang lalaking na tumatakbo dahil hinahabol siya ng kanyang asawang sumisigaw nang "hayup ka! hayup ka talaga! taksil! (ang corny ko, ano ba yan). pero enjoy talaga ako rito.

after the park, sinundo namin si le-an at nag lunch kami sa seafood market. Habang hinihintay naming si le-an ay tumambay muna kami sa isang park bench sa labas ng opsina. Mala forest gump nga ang posing ko eh. If life is a bunch of cherries… ano ang cherry sa tagalog?

forest gump... sydney, australia, june 2003

masarap kumain sa seafood market, medyo similar ito sa pike market sa seattle. umoder kami ng seafood platter. kumpleto recado - may octopus, mussles, talaba, hipon, isda at sangkatutak na chips. reasonable naman ang mga presyo at masarap ang pagkain.

sa tulay... sydney, australia, june 2003

after lunch, umakyat kami sa sydney harbor bridge. Isa sa mga pylons ng tulay ay pwede mong akyatin. Sa taas nito ay makikita mo yung paligid ng Sydney harbor. Maganda rito at dahil walang masyadong pollution sa Sydney eh malayo ang visibility at kitang kita mo ang buong paligid. After the bridge eh tuloy kami sa opera house.

sydney harbor... sydney, australia, june 2003

on the way to the opera house from the harbor bridge ay dock at marasap maglakad dito. Malamig ang panahon kaya di masyadong nakakapagod. Maraming tao sa opera house, karamihan ay mga turistang tulad namin na paikot ikot na parang tanga sa labas. Hehehe.

opera house... sydney, australia, june 2003

etong group picture namin. Apat na sikat… na mga organizers ng exhibition at user conference sa Sydney. Si GK ang aking kasama sa Singapore ay umuwi. Magkikita na lang kami sa Perth sa lunes ng hapon.

TIANGGENANGYAN... sydney, australia, june 2003

Habang pauwi ay dumaan kami sa isang tiangge. Maraming mga tinda rito. Masarap sanang bumila ng mga abubot kaya lang pagod na ako at malapit nang magdilim.

Kumain kami sa isang South African steak house malapit sa bahay nina Norman. Kami kami pa rin sama ng mga anak nina Norman at Le-an. Dito natapos ang aming araw… isang steak at ribs dinner na sa sobrang laki eh di ko naubos. Bukas ay lipad na kami sa Perth.

Good bye Sydney… you are one hell of a city. I wish one day to show Jet what you have to offer. Sa lahat ng mga travel ko rito sa Asia-Pacific, isa ang Sydney sa paborito ko. Sa architecture, sa pagkain, sa pulso at galaw ng mga tao, bow ako sa iyo.

DOWN UNDER PART IV: THE ORANGE PEOPLE

the orange people... sydney, australia, june 2003

group picture ng staff sa conference namin. siyempre pag ganitong user conference ay kailangan identiafiable agad ang mga bida... kung kaya, orange ang kulay na mga t-shirt namin. actually, maganda siya at bagay na bagay sa kutis betlog ko.

July 03, 2003

DOWN UNDER PART III: PAGOD!

ano bang impression ko sa sydney? wala pang gaano. hehehe... simula nang dumating ako di pa ako nakakalabas sa siyudad. busy kasi kami rito sa hotel sa pag setup ng user conference namin. nandito kami sa isang hotel sa olympic village. katapat lang namin ang stadium kung saan ginanap yung sydney olympics. problema rito eh in the middle of nowhere at malayo sa civilization (so to speak), at kahit may free time ka eh wala ka ring makikita.

ok lang naman dahil so far, very satisfying ang trabaho namin dito. kanina ay nag bigay ako ng lecture sa mga aussie engineers at maganda naman ang reception nila sa akin. di ko alam what to expect dahil una kong bisita rito. all in all naman eh mukhang naniwala naman sila sa mga bola ko. hehehe... bukas, mababasa ko kung anong tutuong evaluation nila sa akin. sana naman ay favorable. ngayong gabi pagod ako pero maginhawa ang pakiramdam dahil tapos na yung major part ng trabaho ko. next time na haharap ako eh sa perth na next week. kung kaya, i am looking forward to tomorrow, ang last day ng conference, at siyempre sa week-end pasyal. pangako ng host namin na si norman ay ipapasyal niya kami bukas ng gabi at sa sabado. hopefully, to go around sydney and get a feel kung papaano sila mabuhay rito.

ah... may konsuelo na nga pala. kanina ay nag-dinner kami sa isang chinese restaurant malapit dito. liblib pa rin na area pero at least out of the hotel na. lima kami ritong nagtulong tulong - si norman na country manager ng australia/new zealand, si ceci at si tom na stateside, si gk at ako na galing sa asia-pacific regional office. si ceci ay fil-american kaya may kakampi akong pinoy. natulala nga si gk kanina dahil di niya maintindihan yung pag-uusap namin ng tagalog ni ceci (di kasi niya alam na pinoy rin si ceci). eh puyat pa naman si gk dahil sinetup ang demo computers hanggang alas-kwatro ng madaling araw. akala niya eh nahihibang na siya. sabi ko na lang - "it's ok gk, you're not hallucinating, were both filipinos and we're talking in tagalog. si tom naman, ilang araw na naming niloloko. masarap kasing biruin dahil nakikisakay lang. eto namang si norman eh interesting... chinese siya na pinanganak sa south africa pero australian citizen. talk about being global. mabait si norman at kaibigan din ni jet ang asawa niyang si le-an. all in all, maganda ang team work namin at kitang kita ito sa resulta ng aming conference kanina. ok rin naman ang mga kiwi at australians na kasama namin dito. gusto ko ang sense of humor nila - self depreciating at medyo dry. tingin ko eh makakasundo ko sila kung magka sama sama kami ng matagal.

umaraw na rin sa wakas, pagtapos ng malakas na mala bagyong ulan simula nang dumating ako nung martes. good omen, isip-isip ko kanina bago kami magsimula... mukhang di naman ako nagkamali dahil very fulfilling ang araw na ito para sa akin.

July 01, 2003

DOWN UNDER PART I: ISANG PINOY, NALIGAW SA SYDNEY

first time ko sa australia. alis ako kaninang 9:30 ng umaga. pitong oras ang flight from singapore to sydney at dumating ako rito ng mga past six ng gabi (+2 kasi ang oras dito). puno ang eroplano at siksikan kami sa loob. nagbasa na lang ako ng presentation ko para sa thursday habang bumabyehe.

ok naman ang reception sa akin ng mga immigration officials dito. tinanong lang ako kung saan ako pupunta (sa olympic park) at kung may business card ako (mayron po!) at kung anong trabaho ko (callboy! sabay ilag, hehehe). pakiramdam ko ay parang may flag ang passport ko at medyo pinagsususpetsahan ako dahil pinoy. di naman siguro. may isa pang immigration official ang sumita sa akin - pinoy siya. wala, pinayuhan lang ako na uminom daw ako ng vitamic c dahil malamig ngayon dito sa sydney at ibang iba raw sa panahon sa singapore. sabi ko, oo nga po eh tingnan nyo nga itong jacket kong pagkabigat bigat, di na siguro ako sisispunin nito.

pagkalabas sa airport ay diretso kami sa hotel. sinundo ako ni norman, ang akong partner dito sa australia. nag dinner kaming grupo at kwentuhan sabay punta na rito sa hotel room para matulog. problema ko ngayon eh yung outlet ng australia ay iba sa british standard ng singapore. naubusan din ang hotel ng converter at problema ko ay kapag nawalan ng baterya ang notebook ko mamaya. hehehe... di bale, mangdidilihensya na lang ako bukas. alam mo naman ang pinoy eh... maabilidad.

maganda rito sa sydney, nag tour kami kanina sa sydney harbor habang papunta sa hotel. nakita ko na rin sa wakas yung opera house na parati kong nakikita sa mga postcard. may plano pa nga ang mga kasama ko na akyatin ang sydney harbor bridge sa sabado. tangina, wala pa naman akong excercise. mag dahilan na lang kaya akong may LBM para di makasama. hindi, tiisin ko na lang. minsan lang naman ako mapunta rito. lubusin ko nang lahat ang sydney experience.

kawawa naman ang mylab ko't naiwan sa singapore. bi bale, sandali lang naman ako. sige mylab tulog na ako. ala una na rito at maaga pa kami bukas. ingat ka na lang diyan. bukas magkokodak ako para may makita ka naman na tanawin dito.

June 30, 2003

ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART III

mt. apo covered in fog

in between davao and cotabato ang mt apo, ang pinakamataas na bundok sa pilipinas. gumawa kami rito ng power plant sa gitna ng gubat. ang emphasis ng plantang ito ay sa environmental compliance at malaki ang ginastos upang ma-minimize ang impact ng planta sa kalikasan. i'm proud to be part of the team that made this possible. mahigit pitong taon na itong tumatakbo na walang problema at patuloy na nagbibigay ng kuryente sa buong isla ng mindanao. ito ang project na ginawa ko na pinaka satisfying.

umuwi ako ngayong linggo upang gawan ng project study ang augmentation ng automation system ng planta. sana matuloy ito para muling makabalik sa langit.

June 23, 2003

BWAKANGINAMONG PINOY KA, GINULAT MO AKO

kikita ulit kami ng mylab ko bukas. susunduin nya ako sa naia at diretso kaming POEA para ayusin yung papeles ko. putonginamoy, kagagaling ko lang doon 2 weeks ago, balik na naman para pumila. sana may online na lang na processing ng OEC para di na kailangang magpakita pa doon. disadvantage para sa mga OFW ang magtrabaho sa sariling bayan. magtatrabaho ka na nga, sasadya ka pa doon. malaking abala. kunswelo ko lang eh pagtapos ng POEA eh may date kami. hehehe. sarap sarap.

kanina nga pala eh nagkasalubong kami ng tagalinis ng floor namin sa isang corner ng building. isang matabang malay na babae. muntik nang magkapalit ang mga mukha namin eh. sa sobrang bilis nang lakad ko at dahil muntik nang magsalpakan ang mga nguso namin eh nagulat siya. muntik na ngang mahimatay eh. may sinabi siyang malay na salita habang humihingal siyang lumakad na papaalis. di ko naintindihan eh... siguro equivalent niya ng "susmaryosep". either that or "bwakanginamong pinoy ka, ginulat mo ko".

sige na nga aaminin ko na: nagulat din ako. akala ko kasi eh iismakin nya ako sa labi eh - lips to lips na malagkit baga. alam nyo naman eh (ehem), conservative ako at virgin pa sa ilong. teka nga, makapagsalamin. baka nga nagkapalit ang mukha namin. hindi ako makikilala ni jet pag sundo sakin bukas.

ON THE ROAD AGAIN AND AGAIN

bukas, balik ulit akong manila. pahinga isang araw tapos biyaheng davao. from davao, long drive paakyat ng mt. apo. baba sa davao ng sabado, uwi ng maynila. balik ng singapore ng linggo. pahinga ng isang araw. martes, byaheng sydney. trabaho hanggang sabado, lipad ng perth ng linggo. trabaho sa perth hanggang martes, pahinga ng miyerkoles. conference sa singapore ng huwebes. pahinga isang linggo. lipad ng shanghai ng 24. trabaho hanggang sabado. lipad ng beijing ng linggo. trabaho hanggang martes. uwi ng miyerkoles. by the time na matapos ang trabaho ko, august na.

wala nang sars, welcome back the accidental tourist.

June 08, 2003

I 2nd THE FUCKING MOTION

natapos ang linggong ito, punong puno ng mga meeting sa cliente at mga presentation. kasama ko si henry, ang aking kaupisinang malaysian-chinese. buti siya ang kasama ko dahil di siya maselan sa pagkain. nung lunes ay pinakain ko siya ng balut. walang ka-kurap-kurap niyang isinubo ang itlog. hehehe... gustong gusto rin niya ang sisig natin. at siyempre, ang tuna belly. sinama ko rin siya rito sa bahay at pinatikim ng bihon guisado. buti yon para malaman niya na walang kalasa-lasa ang pansit sa singapore. bumili rin kami ng marang at kinain namin sa aking hardin.

masarap daw ang buhay ko rito, ang sabi niya... may sariling bahay, may garden, nakatira sa bundok, sariwa ang hangin at maganda ang view. isang malakas na "i second the fucking motion!", ang sagot ko.

May 30, 2003

CONTACT ME FOR FREE

ending ng isang sulat na natanggap ko ngayon galing sa isang kasama ko sa kumpanya nung humingi ako ng information sa kanya:

"...Hopefully it's what you need. Any questions, please contact me for free."

hehehe... this just made my day. itatanong ko nga sana, in return, "how much will it cost me if i have any difficult questions".

May 24, 2003

GOODBYE KOREA

pagkatapos ng drinking binge kagabi, kala ko di ako magigising para sa early morning flight ko pauwi dito sa singapore. having survived korea, nandito na ako sa singapore. kasama ko na ulit si jet at 12th anniversary na namin bukas. sarap!

p.s. di ko pa rin makalimutan yung isang saksakan ng taba na koreanong six-footer na umakap sa akin nang pagkahigpit sa kalye bago kami maghiwalay kagabi at sumigaw ng "I LOVE YOU JAY". hehehe... di ko alam kung anong igaganti ko sa kanya. niyakap ko na lang din siya at sumigaw ng "I LOVE KOREA".

WORK HARD, PLAY HARD

kahapon, medyo maaksyon ang araw ko. nag host kami ng conference sa seoul na buong araw. in typical korean fashion na work hard, play hard: kainan at inuman after the long day. kumuha kami ng isang kuwarto sa isang restaurant at doon ginanap ang post conference party. siyempre, hindi mawawala sa isang korean dinner ang kanilang national drink na soju. tuwang tuwa ang mga koreano sa mga foreigners kaya ang grupong apat na intsik at isang pinoy ay pinagkatuwaan ng husto sa pamamagitan ng walang patid na toast. mapapansin mo na lang, palakas nang palakas ang boses ng mga tao, nagsasayaw na kahit walang tugtog, marami nang mga impromptu speeches... ipekto lahat ng alcohol.

after the drinking spree at dinner ay ang main event. tradition din ito sa kanila: ang pumunta sa isang bar for yet more drinks. beer naman ang iniinom at non-stop tagayan pa rin. by this time marami nang casualty, isang lampshade na basag dahil may nag-attemp na itoast ang bumbilia, isang partition na sira dahil may umupo sa silyang walang sandalan, isang sofa na bali ang paa dahil isang napaupo nang bigla, dalawang intsik na tulog, dalawang intsik na makulit, isang pinoy na gising na gising pa rin, at sangkatutak na koreanong enjoy na enjoy.

natapos kami ng mga 11 ng gabi. what a sight to behold: dalawampung lasing na naglalakad sa kalye ng seoul. di ko alam kung anong mga hitsura namin pero mukhang normal na occurence lamang ito sa mga koreano at di kami pinapansin ng mga nakakasalubong namin. after korea, i plan to donate my liver to science.

May 22, 2003

GAMOT SA CONSTIPATION ANG KOREAN FOOD

eto subok na subok na: kung di kayo makaebs, umordor lang kayo ng take out na korean food. sigurado after the meal, halos lumakad takbo kayo papunta sa comfort room. tulad kanina, pagtapos ng dinner namin at pagkarating na pagkarating dito sa hotel room ko, nakita ko pa lang ang inodoro sa CR, napa-upo na agad ako....

(pregnant pause)

actually, napaupo ako ng 2 beses. hehehehe... simula nang dumating ako dito sa seoul kahapon, nakaka 6 na dalaw na ako sa trono. di ata kaya ng tiyan ko ang long term barrage ng kimchi at korean barbeque. ang maganda lang eh masarap ang pagkain dito, kaya pinagpapasensyahan ko na ang hilab ng tiyan, malimit na pagutot at minsan pa nga eh UST. alam nyo bang ibig sabihin ng UST? hehehe...

DEAR MYLAB,

Kamusta ka na? I hope you are alright upon recieving this wonderful letter... of mine. hehehe. Parang introduction ng isang grade school student nung pinagawa siya ng teacher niya sa English ng assignment: "Write a letter to your best friend about how you spent your summer vacation".

Unang alis ko dito pala sa isla in 3 months ano? Nakakapanibago. Swabe naman ang byahe ko - simula sa taxi from home to airport hanggang sa flight at bus ride papuntang hotel. Iba ang aura ng Changi International Airport ngayon, siguro dahil konti lang ang bumabyahe dahil sa SARS. Subdued, medyo malungkot. Tulad ng nakagawian ko, tuwing umaalis, bumibili ako ng libro sa bookstore ng airport para mabasa sa flight . Ang napili ko ngayon ay yung "Kitchen Confidential" ni Anthony Bourdain. Siya yung nasa Discovery Travel and Adventures, yung cook na taga New York na umikot sa buong mundo para ma-experience ang mga iba-ibang pagkain. Anyway, uneventful ang 6 hour flight to Seoul, the way I want it to be.

Bagong Boeing 777 ang nasakyan ko at punong puno ng mga bagong features ang eroplano. Mayron na silang mga CD collection sa Playlist nila. Pinili ko yung bagong CD ni Norah Jones at yung greatest hits ng Carpenters. Sumabay nga ako sa pagkanta ng "Rainy Days and Mondays" hanggang pinagsabihan ako ng stewardess na huwag daw akong maingay. Movies? Hmmm.... teka, di ko na maalala yung mga title. Hehehe... yung bagong movie ni Al Pacino na tungkol sa CIA, yung tungkol sa mag-asawang nag honeymoon at di magkasundo, at yung tungkol sa isang bumbay na pumunta sa America para maging isang porn star at guru. Puro umpisa lang kasi ako at pag medyo pangit, lipat sa ibang channel. Parang kanta ni Springsteen: "57 channels and nothing on".

Like all flights from Singapore, may temperature at health check sa pre-boarding. Mayron na naman sa pag-landing kung saan may Koreanong papasok sa eroplano at tututukan ka ng pyrometer para ma-measure ang temperature mo. Ang pyrometer ay isang non-contact thermometer of sorts. Sa trabaho, ginagamit namin ito sa pag measure ng mga materials na di pwedeng gamitin ang thermometer dahil mapapaso ang kamay mo sa sobrang init - for example: newly manufactured cement, molten steel, etc. Korteng baril ito at nung itutok sa akin kanina, muntik ko nang itaas ang kamay ko at sumigaw ng: "Suko na ako, Suko na ako". Di ko ginawa, baka pauwiin pa ako eh. hehehe.

Korean immigrations: binuklat at ininspeksyon ang bawat pahina ng passport ko. Tingin sa computer, tingin sa visa, tingin sa picture kong nakangisi. Halos kabisaduhin nang lahat ng nakasulat sa bawat page. Tingin sa markings using a high powered magnifying glass... etc, etc, etc. Isip-isip ko: "Tanginangto, kala ata pasasabugin kong bansa niya. Pasabugin kong tumbong mo pag pinatagal mo pa ako rito, hinayupak ka."

Bus ride from the Airport to Seoul proper. Great 2 hour trip... sobrang sarap sa pagmasid ng mga tanawin sa labas ng bus at di nagtagal (as usual), tulog ako. Nagising ako eh malapit na sa hotel. Masarap ang panahon ngayon sa Korea... springtime. Not too hot, Not too cold. It's a great 14-26 Degrees C, my kind of weather. Sana nandito ka para ma-experience mo rin ang ginhawa ng Korean spring.

Nandito na ako sa hotel habang sinusulat ko ito. Kakatapos lang naming mag-dinner. Kumain kami sa isang sikat na Korean Barbeque restaurant dito sa siyadad... Ang specialty nila - Beef, very thinly cut na lulutuin ninyo over a charcoal grill. Pagkaluto, ihahalo mo siya sa chili sauce, kim chi at hilaw na itlog. Ang lahat ng ito ay gagawin mong palaman sa iba't ibang dahon na gulay. On the side ay may sabaw na malamig. Gaano kalamig? Malamig as in may yelo na lumulutang sa mismong sabaw. Siyempre, di mawawala ang paboritong inumin ng mga Koreano - Soju. All in all at much to my surprise - masarap. Mabait ang mga staff ng restaurant at masayang nakikipag-usap habang nagsisilbi sa iyo. Altough medyo nagiwi ng kaunti nang malaman niyang tatlong taga-Singapore ang pinagsisilbihan niya. Ang isa ay galing pa sa China. Hehehe... Hindi naman ako umaatras basta-basta sa mga exotic na pagkain. Pinapatulan ko kahit ano, simula sa mga barbeque scorpion at bulate sa Beijing hanggang sa mga mabangong pagkain ng India.

Bukas ay masaya. Sunduin kami ng 8:30 sa hotel para pumunta sa local Korean office namin. Darating din ang mga kaupisina ko galing ng China, Australia at Japan. Sama-sama kaming lahat para sa conference namin sa Biyernes. Sa gabi, papasyalan daw namin yung isang sea food place dito sa Seoul na ang specialty ay madulas at masarap na palos. Baka magpainom din ang bossing ko - mukhang in the mood to socialize eh. Good Omen... Good OmenTO sana rin!

Sige my lab, tulog na ako. Sandali lang naman itong trip na ito at sa Sabado ay iyong iyo na ulit ako. Ingat na lang diyan.

LabU. Jay

p.s. medyo nagloloko ang internet ko sa hotel kaya baka intermittent ang pag online ko. tingin ko yung local ISP ang may problema. imbestigahan ko muna.

May 09, 2003

SPIKY

dito sa building namin, may isang babaing empleyado ang legal department namin na may problemang konti. one time last week, dumaan siya sa kinatatayuan ko. nginitian ko siya na may kasama pang kaway. dinedma ako. tuloy tuloy lakad na habang papalapit sa akin, yung mata niya ay pumipihit na patagilid pa-side glance, as if looking kung ano ang ginagawa ko habang papaabante siya. pahiya ako man... kung pwede lang mamula ang kutis kong kulay betlog eh namula na ako.

kahapon kita ko uli siya, nasa lobby kami ng floor namin. tatlo kami, ako, si yabang at isang puti. si puti ang kinausap at parang non-existent ako. pinagtanong ko siya sa mga kakilala ko rito at talaga palang may hang-up siya sa mga asians. ang balita ko eh puro mga white boys lang ang kinakausap niya. di ko nga maintindihan kung bakit, kasi asian din siya. etong si yabang eh malayo pa lang kita mo na siya, kasi matangkad tapos yung buhok niya ay may gel na nakatayo at parang hindi sinuklay. ayan, pati ako tuloy nagiging pintasero. ganyan,ganyan nagsisimula ang guerra eh - first, demonize the enemy.

naalala ko si yabang-tayong-buhok-na-gusot kasi iniisip ko yung mga accent ng mga tagarito sa singapore. isa rito ay yung tinatatawag na "Rolling R". yung mga regular chinese kasi, di ma-pronounce ang "R" eh - for example: Bar = Bah, SARS = SAHS, LOR MI = LOMI. iba naman eh yung "L" nagiging "R", for example: Kupal = Kupar. Hehehe... kupal kasi itong si yabang. asan na ba ako... ah, ok. ang typical chinese, di mapronounce and "R", kaya as over compensation ng mga nag-aral sa UK at Amerrrrrrica, o kaya, yung mga pakyut na gustong makilala na magaling mag-english: pinapagulong ng husto ang kanilang mga "R". for example: "we have to fight this warrrrrrrr angainst SARRRRRRRRRRS". pag medyo inaantok ka, kala mo makina ng bangka eh. hehehe. etong si yabang, todo todo rolling R ang accent.

aasaRRRRRRRin ko nga ito ng husto. padalhan ko kay ng mga porno pictures, spamin ko kaya ng mga walang kabuluhang email, isubscribe ko kaya ang email address niya sa mga ibaibang nakakabwisit na produkto sa internet. o kaya, para mapansin niya ako, babatukan ko sabay "hello" (o kaya "hello" sabay batok).

hindi, ganito na lang: from now on, tuwing makikita ko siya, bibigyan ko ng matamis na ngiti na may kasamang kaway.

April 22, 2003

SANA KUNIN KA NA NI LORD

taong bahay ako ngayon dito sa opis dahil yung 2 tech support namin eh naka leave pa. ka-tanggap ako ng email kanina galing sa malaysia...

hey,
send your latest training courses and shedules.
regards,
cc pang

simple lang ang request pero ang bastos ng dating sa akin. una, hindi "hey" ang pangalan ko - "Jay". parang "Hoy, pssst..." ang dating eh. sinagot ko naman ng mahusay pero siyempre, deep inside, iba ang trying to exit ko. iba ang gusto kong palabasin.

Dear Mr. Pang:(tagalog translation: hoy ka rin, bastos na PANGIT!)

Thank you very much for your email. (translation: ang bastos mo. ano palagay mo samin dito, at your beck and f#$%#cking call? na pwede mo na lang kaming tawaging hey? ha!) It is really a pleasure being of service to you..(tagalog translation: huwag mo nang uulitin ito ha. next time na mang hoy ka, pupulbusin kong dibdib mo. pasalamat ka't customer side ka kundi ikakaskas kong mukha mo sa semento. namumuro ka na sakin, isa na lang.) I have contacted our Malaysian Distributor and they will be more than happy to provide you with more information on Training in your area. They are CC'd with this email. (tagalog translation: huwag mo akong lalapitan pag kailangan mo ng tulong. etong piso, humanap ka ng ibang makakausap mo. ulul.)

Take care, (tagalog translation: kunin ka na sana ni lord)

Jay (ilocano translation: over there)

November 23, 2002

BLUEJAY

handle ko ay "bluejay" - medyo baduy, then freddie coco suggested i change it to "jd transit". hehehe... i was in rj around 1987 when it was still in the j&t bldg at santa mesa. around that time, i was still studying engineering at mapua (4th year).

after school (around 8:30 pm), i'd board a bus in front of the manila city hall and reach j&t around 9:30. i still had 30 minutes to get my cassetes (wala pang cd nung araw) and chat with "the red rooster" who had the 8-10 om slot (sadly, the red rooster died a couple of years ago - a pity, we was a great guy...) i got on board at 10:00 pm and finished at 2:00 AM. afterwards, i had to commute home in a jeep with the rest of the graveyard shift people - drunks, drug addicts, snatchers and hospitality girls.

it was great to work at the tower, especially in the late evenings. you'd see manila by night from up there and it was really beautiful. the city lights and the great music more than paid for my meager "allowance". wala kasi akong suweldo eh... hehehe.

doubleA was the station manager, dante was the chief announcer, there was freddie coco, bob magoo, monster radio's the gaucho (i forgot his name, damn - hehehe).

i spent a semester at rj - they fired me afterwards, hehehe... actually, they changed their format again and they fired everybody except dante.

in that short stint, i lost around 30 pounds becuase of the late nights every night except sunday. not to mention, the school work in the afternoon and evening. my grades started getting bad and it was time to make a career move. i chose engineering and left radio to my dad and brother.

May 31, 2002

AIMLESS WALKING

aimless walking... another favorite after-career career. there's nothing better than walking on a cool morning with just your nose to lead the way. where to go? (a favorite singapore phrase when the people here ask what to have for lunch) where to go indeed... wala lang. nowhere - here, there, anywhere. in my morning 20 minute jog - i just aimlessly wander and really don't care where i end up... well, anywhere that will bring me back home in 20 minutes. i still have a career as an engineer, you know, and i have to be in the office by 8:30 - but after i've retired, 8:30 won't mean a thing to me anymore.

April 29, 2002

MISSING CLASSMATES, INDIA AND THE MAGIC WALLET

...di ko nakita si bona sa india eh...wala ring payong na tinitinda
doon. naghahanap nga ako ng 5-6 eh. baka sakaling makautang. wala ring
cobra o kaya balat ng cobra na pwedeng gawing pitaka.

bibilhin ko sana yung pitaka na gawa sa titi ng cobra. kaya lang pang-lalaki
lang ito. kasi pag pinahawak mo ito sa kamay ng babae - magiging maleta!
hehehehehehehehehehehehehehehehehehe!!!!

December 24, 2001

MERRY CHRISTMAS?

this is my first christmas out of the country. my first christmas in singapore.

there's not that much christmas cheer really. tumatanda na ako, di ko na na-enjoy ang pasko. parang parehong araw lang ito, katulad ng mga nag-daan ng mga araw - kisap-matang nawala. wow, ang gandang salita "kisap-mata": "blink of an eye"... para bagang isang pa-profound effect to impress gentle reader. hehehe... amazing!

"it's amazing whoop, with the blink of an eye, suddenly it's alright". sabi nga ni aerosmith. ang bilis talaga ng panahon. sana next year na, para pwede nang umuwi at mag-baskasyon.

merry christmas na lang, whatever it still means.

CHRISTMAS EVE?

may pasok kami ngayon eh. what a bummer. pero half-day lang. yehey! bukas no work tapos balik sa 26. 9:30 na ng umaga - gusto ko nang umuwi.

December 10, 2001

JAKARTA

Jakarta reminds me so much of home. The heavy traffic jams, the sticky heat, the smoke from reckless super fast cars and motorcycles and the people. We share the same face and we share some words. Not long ago, our ancestors probably came from the same tribe of nomads who have been ruling the South East Asian seas. In spite of the poverty all around, we share the same smile.

I look out to the city from my hotel window and wonder: will this country of 200 million people rise up from the rut and shine like the rest of its neighbors? I really don’t know. Like the Philippines, this place needs a major deluge - A big flood or a major catastrophe: a volcanic eruption, a tsunami or a meteor strike perhaps. Like home, this place needs to rid itself of a generation of corruption, crime and poverty. Out of the ashes, we can start again. Of course, this is assuming that all the people we love to hate die in the first wave. If they don’t, they may be able to bribe some rescue worker and survive. This is dangerous because the viscous cycle of corruptor and corruptee starts all over again.

One thing I really like is food. Indonesian food is interesting and worth eating - hehehe. I like their Nasi Padang. It's basically rice with a ton of different dishes that is brough to your table. You pay only for what you eat. Each dish is different, from spicy to very spicy. hehehe... Of course, there is their national pride: Indonesian Barbeque Satay with Peanut Sauce.

“Terimah KASIH” – thank you! A word I find effective when connecting with the Indonesians. It is the magic word; a password that open doors (“Buka Pintu”). A smile and a thank you is all you need to belong.

“Belonging” – I cannot even measure how important this is for me, a travelling salesman.

October 18, 2001

OFW

i am an OFW, an overseas filipino worker. now, i am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand carry luggage at nag papalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka landing!

September 14, 2001

THE TYPICAL WEEK OF AN OFW ENGINEER IN SINGAPORE

Let me describe to you my typical week...

I work in an office in the South West of the island of Singapore. I have a small cubicle (6 ft x 9 ft), a lot better than what I've had in the past with S___. I have a large desk covering my front, right side and my back. On my upper right are three cabinets where I store my manuals and other stuff. On my rear are cabinets which contains my company T-shirts which I haven't brought home. On my desk are the different CD's for installation, manuals, my PC, phone and other office stuff.

This is my new working world right now. A bit of a change really - for the better, I feel. I don't have the long 16 hour days that I had at S___. By and large, it has been OK - everybody here has made my stay comfortable so far. We eat together during lunch time and talk shop, and gossip (in a babel of English, Malay and Chinese). Except for the language and the strange accent when they talk, they are like any normal Filipino barkada discussing this and that.

I go home between six to seven. By then, it is still bright outside and I normally get off the bus a few stops from my flat. I walk the rest of the way home, buy food and dream of home.

When I get to the flat, I dress up, have a shower and watch TV while eating dinner - wash the plates afterwards, surf the TV with whatever is showing. After a while, I open the aircon, read a book and then finally get to sleep. I don't normally sleep on purpose, most of the time, I sleep over reading a book (or watching TV). a bit boring sometimes.

During the weekends, I do a lot of stuff. I wake up at around six, and immediately do the laundry. By eight, I'd be finished and would dress up and jog to the park. Depending on what's on at TV - I watch till around lunch time and sleep a while if nothing good is on. I wake at around four or five. Have coffee and prepare to take a bath. After taking my bath, I normally ride a bus to go to Orchard Road or Raffles Place. If I go to Orchard, I visit the large Japanese Bookstore (Kashimura or something)and watch a movie if there is anything good. Most of the time, I just walk around and enjoy the ambulance (ambiance ni ERAP, mahal yun!) and look at the people around me.

September 11, 2001

SINGAPORE BLUES

nandito ako sa singapore, mag-iisang buwan na. naging isang estrangero para makapag-ipon ng konting pera. tama ba itong ginawa ko? sana... sana pagbalik ko sa pilipinas nandoon pa rin ang mga mahal ko sa buhay. sana buhay pa sila. sana may kabuluhan lahat ng ginagawa ko rito. sana...




THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
THE BEST  BLOGGER  FOR 2004
The Susan G. Komen Breast Cancer Foundation

[::..kategorya..::]
ANTIPOLO
AUSTRALIA
BLOGKADAHAN
BOOKS
BUHAY OFW
CALIFORNIA DREAMING
CHINA
COMICS
Dear BatJay
ELASTIC BATMAN
FAMILY
FILM
FOOD
FRIENDS
GADGETS
GARDEN
HEALTH
HOME
MAHALAGANG BALITA
MOVIES
MUSIC
MY WIFE
MYSELF
ORANGE COUNTY
PATAWA
PHILIPPINES
RELATIONSHIPS
SCHOOL
SCIENCE
SINGAPORE
SNAPPY ANSWERS
SOFTWARE
SPORTS
TOP 10 LISTS
TRAVEL
UNITED STATES
VACATION
WEIRD BUT TRUE
WORD DEFINITION
WORK


[::..mga kinaiinisan..::]

george w bush's smirk, mga pangalan na nilalagyan ng "h" (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet, mayron pa nga akong kilalang piph), tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon, tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy, people who say "at the end of the day" all the time, allergic reactions to seafood, tunog ng stirofoam pag pinisil, tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard, war, alikabok, the term "weapons of mass destruction", sales people who always say "absolutely", people who don't take a bath everyday, anghit, people who don't change their shirts everyday, tropical heat, people with anghit who don't take a bath and don't change their shirts everyday at kasabay mong maglakad in the tropical heat, cnn's jim clancey's reporting, monday afternoons, NAIA, the term "liberating the iraqi people", jeepney fumes, standing on a bus going home, cruise missles, pelikulang bumbay, stale coffee, tomahawk missles, january 2, ping lacson, tessie aquino ureta, pimples, powdered orange juice, elevator music, kenny-g's music, elevator playing kenny-g's music, donald rumsfeld's squint, funeral parlors, hospitals, hospital morgues, cold showers, nagtataeng ballpen, nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt, lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar, non-functioning remote control, scientific calculators that are not casio, automatic watches that stop in the middle of the night, smelly farts that are not mine, come to think of it - any kind of fart that did not come from my asshole, "bawal umihi dito" signs (ang mahole, bogbog), sunglasses na tabingi pag sinuot mo, yellow-orange shirts, pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin, lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!), el shaddai, amerikana ni brother mike, brother mike, good friday, american war propaganda, train stations in india, being thirsty, LBM, smelly hair, ugly american speeches, tinapay na may amag, mainit na coke, soft boiled egg na sobrang soft, CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport, sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa quiapo, palenkeng maputik, cell phones ringing inside theatres, sappy love song ring tones, sappy love song ringtones ringing inside theatres, loud text message ringtones, mcdo hamburgers na may chii sauce, taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning, traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok, somebody wearing turtle neck sweaters in manila, somebody wearing leather jackets in manila, somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in manila, the term "decisive force", censorship, self righteous people, self righteous censors, names i can't pronounce, people calling me "david", riding in a car that's been left baking in an open parking lot in manila at 12 o clock noon, pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta, the disco song entitled "zodiac", low batt cellphone right when you need it, underpowered cars, stars on 45 music, stars on 45 music being played inside buses, stars on 45 being played inside a bus when a preacher suddenly shouts "PRAISE THE LORD" while you are a few seconds from finally taking a nap, funeral wreathes, lumang pera, kahit anong pelikula ni steven segal (except yung kasama niya si idol kong tommy lee jones), ang mukha ni prime minister john howard ng australia, "operation iraqi freedom"...
...AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late: the term "shock and awe".